Free Essay

Aborsyon

In:

Submitted By danaesquivel08
Words 2298
Pages 10
ABORSYON
SA
PILIPINAS

PANANALIKSIK

Ipinasa ni: Danalean R. Esquivel

Ipinasa kay: Bb.Leah May Unajan

PAGLALAHAD NG SULIRANIN Ang pagpapamilya noon at ngayon ng pamilyang Pilipino ay sadyang magkaiba, noon ang mga babae ay kailangang ligawan sa loob ng tahanan, haranahin, pagsilbihan, at hingin dapat ng lalake ang kamay ng babae sa magulang nito, noon bilang lalaki kung manliligaw kakailangan mo munang magpaalam sa mga magulang ng babae bago kamanligaw. Sa usaping responsibilidad bilang lalaki o ama, responsibilidad mo bilang haligi ng tahanan ang maayos at matiwasay na pamumuhay, at responsibilidad naman ng babae, bilang ina o ilaw ng tahanan napanatilihing maayos ang tahanan, asikasuhin ang mga anak at angkanyang asawa. Hindi na pinaguusapan noon kung ilang anak ang nais magkaroon ng mag-asawa, kung gaano karami o sapat na ang dalawa,sabi kasi noon ng mga matatanda “kayamanan ang madaming anak”.Noon hindi isyu kung may makakain ang mga anak sa hapag kainan, o may edukasyon bang matatanggap ang anak paglaki nito, kungsusumahin walang pinagkaiba noon ang responsibilidad ng mgaMAGULANG ukol sa pag-aasawa at pag papamilya hanggang sa ngayon,ang pinagkaibahan lang iginigiit na ngayon ang “PAGKAKAROON NG ANAK NA SAPAT SA KAPASIDAD NG MAGASAWA”, pinapalawig na din angkaalaman ukol sa tamang pagpapamilya yung sapat lang at kayang hawakan ng mag-asawa.
Sawasto at maayos na pagpapamilya din masasabi mas makakabawas ng gastusin sa bawat pamilyang Pilipino. Taon-taon madaming babae ang namamatay dahil sa aborsyon o pagpapalaglag. Sa kasaysayan ng Pilipinas na binibigyang diin na pinagbabawal ang aborsyon sa Pilipinas anomang paraan, at maarin din itong tinutulan ng simbahan. Sa tamang pag-aasawa, tamang pagpaplano, at tamang kaalamanmaari itong magbigay ng sapat o higit pang benepisyo para sa asawa,anak at ng bansang kinabibilangan. Ang RH bill ay ginawa upangmatugunan ang pangangailang ng bawat mamayang Pilipino ukol satamang pagpapamilya, ang reproductive health ay tumutukoy samatiwasay at maayos na pagpaparami, simula sa pisikal, emosyonal, atnakakasiyang pagtatalik ng mag-asawa hanggang sa pag-gabay nito satamang pagpapamilya at kaalaman ukol sa seks, hindi lamang itoparababae, pati mga lalaki kabilang sa din dito gayun din ang mgamatatanda at bata.

LAYUNIN NG ABORSYON

Layunin nito na maimulat ang mga mambabasa ukol sa paksang aborsyon. Lahat ng aspeto nito, mapa mabuti mapa masama. Ngunit kahit saang anggulo tignan ang pag papa abort ay hindi mabuti. Madami itong magiging epekto sa nagpa abort. Maari din itong maging sanhi ng impeksyon at kamatayan.

KASAYSAYAN NG ABORSYON

Sa kasalukuyan, kinakaharap ng ating bansa ang lumalaking bilang ng populasyon ng mga Pilipino. Humigit-kumulang labindalawang milyon na ang bilang ng mga Pilipino sa Pilipinas at araw-araw ay nadadagdagan pa ito ayon sa pag-aaral ng National Statistics Office (NSO). Dahil sa dumaraming kaso ng maagang pagbubuntis sa mga kabataang wala pa sa legal na edad, patuloy na bumibigat ang problema ng karamihan sa ating mga kababayan ukol sa paglobo ng populasyon na karaniwang nagiging dahilan hindi lamang ng kahirapan kundi maging ang nadaragdagang kaso sa bansa ng aborsyon.
Ilang dekada nang usapin ang tungkol sa pagpapalegal ng aborsyon sa ating bansa. Hindi ito madali para sa mga Pilipino lalo pa’t tayo ay nasa isang Kristiyanong bansa. Bilang mga kristiyano, nangunguna na ang mga pari at Obispo sa pagtuligsa sa aborsyon dahil sa pagpapahalaga ng relihiyon sa buhay ng tao.
Bakit nga ba kailangan pang magresulta sa aborsyon ang ilang mga kaso ng pagbubuntis? Una na marahil sa mga dahilang ito ay ang maagang pagdadalang-tao ng mga ina. Ganunpama’y may kanya-kanyang dahilan ang mga ito kung bakit nila naiisipan at napagdedesisyunang kitlin ang buhay ng kanilang hindi pa naisisilang na sanggol.
Takot.
Dala marahil ng kapusukan kaya’t humantong ang mga batang ina sa kanilang sitwasyon. Karaniwang rebelde, mapageksperimento at agresibo ang mga kabataan sa kasalukuyan. Ilan ito sa mga nagiging dahilan ng maagang pagbubuntis ng marami. Ngunit kapag humantong na sila sa ganitong sitwasyon, takot na ang namamayani.
Huli na para magsisi. Sa isang iglap ay sinampal na ng tadhana sa kanilang mga mukha ang isang mabigat na responsibilidad na dapat harapin. Hindi ito madali lalo na para sa mura nilang kaisipan. Isang mabilis at epektibong paraan upang takasan ito ay aborsyon.
Kahihiyan.
Sa lipunang ating kinabibilangan, isang malaking kahihiyan hindi lamang sa ina kundi sa kanyang buong pamilya ang magdalang-tao ng wala pa sa wastong gulang. Bagama’t dumarami na ang mga ganitong kaso sa kasalukuyan, ang kaugaliang pagiging konserbatibo sa ating mga Pilipino ay hindi pa rin nawawala. Isang makasalanang babae ang tingin sa babaeng nabuntis habang bata pa siya. Dadalhin niya ang ganitong pagtingin ng kanyang lipunan hanggang kamatayan.
Kasalanan.
Sa ibang pagkakataon nama’y dulot ng masamang pangyayari o pang-aabuso ang dahilan ng pagbubuntis ng batang ina. Paano nga ba matatanggap ng kanyang pamilya at lipunan ang sanggol na bunga ng isang kasalanan? Kakayanin nga ba ng isang batang ina ang makapiling habambuhay ang isang batang paulit-ulit lamang na makapagpapaalala sa kanya ng kanyang malupit na karanasan?
Anu’t ano pa man ang mga kadahilanan, marapat sana nating lahat na alalahanin ang mga turo ng simbahan at paaralan. Ang sanggol na nabuo sa sinapupunan ng isang babae, ito man ay dulot ng pagiging mapusok o ng makamundong kasalanan ay inosente at walang kalaban-laban. Maaaring maging delikado hindi lamang ang buhay ng saggol ngunit maging ang inang gustong magpalaglag. Kung ang desisyong pagaaborsyon ay ginagawa para lamang sa sariling kagustuhan o upang matakpan ang dungis ng kahihiyang idudulot nito, hindi ito sapat upang may isang batang magbuwis ng sariling buhay.

KAHULUGAN NG ABORSYON

\Bakit marami sa ating mga kababayan ang gustong magpalaglag ng sanggol na kanilang ipinaglilihi? Karamihan ay dahil sa kahirapan: hindi nila kayang suportahan ang sanggol. Ngunit kung hindi nila kaya, bakit nabuntis ang babae?
Ang sagot: walang wastong family planning. Sa makatuwid, para maka-iwas sa sitwasyon ng pagsisisi, dapat gawin ang ABC: Abstinence (Pag-iwas sa Pakikipagtalik) Birth Control o Family Planning at Condom Use o paggamit ng condom. Tandaan na ang aborsyon ay hindi lamang responsibilidad ng babae, kundi ng lalaki rin. Dapat ang lalaki ay gumamit ng condom o suportahan ang babae sa paggamit ng pills o iba pang paraan ng family planning.
Ang Kalusugan.PH, bilang isang website na dedikado sa kalusugan ng bawat Pilipino, ay hindi sumasang-ayon sa aborsyon, sapagkat ito’y nakakasasama hindi lamang sa baby na magiging biktima ng aborsyon, pati narin sa nanay. May mga kasong kontrobersyal, kung saan ang aborsyon ay ang tanging paraan para mailigtas ang babae. Sana magkaroon ng batas na papayag sa ganitong mga kaso, ngunit ang mga ito ay “exception” sa prinsipyo.
Una, sapagkat ang aborsyon ay ipinagbabawal sa Pilipinas, walang sinumang doktor, midwife, o hilot na lisensyadong gumawa ng procedure na ito. Hindi ka makakatiyak kung ligtas ba o wasto ang paraan na gagawin nila. Mas lalalong hindi ligtas ang sari-saring mga gamot gaya ng Cytotec o instrumentong maaaring mabili sa Quiapo o irekomenda ng kung sino-sino. Marami nang kaso ng septic abortion na ikinamatay ng mga babae: kaya nagkakaroon ng septic abortion ay dahil may natirang bahagi sa loob ng matris na siyang naging ugat ng impeksyon sa buong katawan.
Pangalwa, mabigat ang psychological stress na dadalhin ng isang babaeng nagpa-abort, lalo na kung nasa bandang dulo na ng pagbubuntis. Ayon sa batas at ayon sa paniniwala ng karamihan ng mga Pilipino, ang buhay ay naguumpisa sa pagsasama ng sperm ng lalaki at egg cell ng babae. May mga hindi sumasang-ayon dito pero lahat ng tao ang nagkakasundo na ang aborsyon ay isang hindi kanais-nais na karanasan at dapat gawin ang lahat para ito’y maiwasan.
Muli, para maiwasang mapapunta sa sitwasyon kung saan ang pagdadalang-tao ang pinagsisisihan at ang aborsyon ay pinag-iisipan, mag-family planning! Gumamit ng condom, pills, o iba pang. At umiwas sa pakikipagtalik sa kung kani-kanino.

MGA URI NG ABORSYON;

ABORSYON- Pagtanggal sa loob ng sinpupunan o bahay bata ng isang namumuong buhay.

- Complete aborsyon, ganap na paglagas o pagtanggal sa namuong buhay sa sinapupunan.
- Habitual aborsyon, kusang pagkalagas na nangyayari tatlo o higit na pagka-kasunodsunod na pagbubuntis,
- Incomplete aborsyon, hindi ganap o naantala ang paglagas.
- Induced aborsyon, intensyonal na paglagas sa paggamit ng gamot o instrumento.
- Inevitable aborsyon, ang kundisyon kung saan ang padugo ng ari ng babae ay sumisigi, at ang serbiks ay lumalaki,kaya nagkakaroon ng paglagas.
- Infected aborsyon, ito ay dahil sa inpeksyon sa lagusan sa ari ng babae.
- Missed aborsyon, ito ay dahil pag abot ng patay na pitus sa sinapupunan mahigit sa walong linggo.
- Septic aborsiyon, ito ay dahil sa inpeksiyon sa sinapupunan papunta sa masmalalang inspeksiyon.
- Spontaneous aborsiyon, ito ay paglagas na kusang nangyayari.
- Therapeutic aborsiyon, ito ay paglagas dahil sa masamang kalusugan.
- Threatened aborsiyon, ito ay kung saan dumudugo ang ari ng babae ngunit di naman naapektuhan ang serbiks,ang paglagas ay pwedeng mangyari at di mangyari.

MASAMANG EPEKTO NG ABORSYON
Maraming masamang naidudulot ang aborsyon isa na dito ay maaaring mapunit o masira ang cervix habang ginaganap ang aborsyon o maaaring sa susunod na mabubuntis ang babae gusto man niya ito o hindi malaki ang chance na malaglag ang bata dahil sa pagkasira ng cervix dulot ng nakaraang aborsyon. Maari din na ang susunod niyang ipagbubuntis kung hindi malalaglag ay premature ang bata.

Maraming epekto ang pagpapalaglag sa mga kababaihan. Maaring manganib ang kanilang buhay. May emotional pain din silang mararamdaman, dahil sa katunayan kahit ayaw nila sila'y napipilitan lamang dahil marahil sa hirap ng buhay. Pero kahit ano man ang kanilang rason o dahilan ang abortion o pagpapalaglag ay masama at delikado sa mga kababaihan.

Ibang kasagutan:
Nakapagdudulot ito ng kahihiyan sa isang babae at sa pamilya nito. Habang buhay din nyang dadalhin ang pagkakasalang nagawa nya. Hindi rin matatahimik ang konsensya nya dahil sa nagawa nya.
Ibang kasagutan:
Una sa lahat alam naman nating ang aborsyon ang paraan na kung saan ang walang kamuwang-muwang na nilalalang ay ating pinipigilang umusbong ang sanggol o ang dugo pa mismo, ang epekto nito ay nagiging imoral ang isang babae. Kung iisipin mo tayong mga kababaihan ay misyong pairalin ang ating lahi hindi ba? Isa pa, sa kanyang kalusugan maaari ring matuldukan ang kanyang buhay. Sana naman ay maging kontento o pagisipang mabuti bago umaksyon.

BATAS NG ABORSYON

Reproductive Health Bill
Masasabing ang Reproductive Health Bill ang pinakakontrobersyal na panukalang batas sa listahang ito, sapagkat pinaningas nito ang debate hinggil sa sekswalidad. Ayon sa mga nagsusulong nito, karapatan ng kababaihan na takdaan ang kaniyang kalusugan at magkaroon ng kaalaman at access sa pangangalaga ng kaniyang kalusugan, at isa sa paraan para makamit ito ay ang malayang access sa artificial contraceptives gaya ng condom at pills. Kontra naman dito ang Simbahang Katoliko sapagkat ang paggamit ng condom at pills ay aborsyon. Muli, sinusuportahan ng gobyernong Aquino ang batas na ito subalit nananatili pa rin itong nakabinbin.

KONKLUSYON

Matagal na kaming napapa isip kung bakit maraming ina ang nagpapalaglag ng anak. Marami na kaming naririnig na ang fetus ay natatagpuan sa kung saab-saan lamang. Nariyang itapon sa krik, may mga nakabalot sa plastik at ang huling balita ay natagpuan sa palasyo ng pamahalaan.Sa tuwing kami ay nakakarinig ng balita, kami ay nahahabag katarungan ding naiiwan sa ating isipan. Tulad ng ano ang dahilan nila upang ito ay gawin, ganon ba kabigat ang responsibilidad at ito ay nagawa nila at mali ba sila sa diyos sa maaaring maging kapalit ng ginawa nila. Bakit nga ba nila ginagawa ang aborsyon kung ginusto naman nila namag kaanak ng maaga hindi nila alam kung gaano kasakit na mawalan ng anak.Kapag pinalaglag nila ang kanilang anak grabe ang sakit na mararamdaman nila dadalin nila ito hanggang sa huli dapat nating mahalin kung ano ang binigay sa atin ng diyos,kung anong kapalaran at pagsukbo na kanyang binigay. REKOMENDASYON

-iwasan ang pag aabort sa inyong anak sapag ito ay nakakasama sa inyong pagkatao at pati na sa inyong kalusugan.Mapapatawad niyo ba ang inyong sarili pag pinatay niyo ang sarili niyong mga anak dadalin niyo ito hanggang sa huli niyong buhay kaya dapat nating iwasan ito sapagkat maling mali kapg ginawa niyo ito sa sarili niyong mga anak.Bakit hindi niyo na lang tanggapin kung ano ang binigay sa inyo ng ating Diyos na dapat pahalagahan at dapat nating tibayan ang ating loob upang malagpasan ang mga pagsuubok nating nararanasan sa araw araw.Ang pagpapahalag sa ating mga anak ay dapat nating pangalagaan upang maging masaya ang ating buhay daanin natin sa saya upang hindi tayo magkasala sa ating batas at sa ating panginoong Diyos.Dahil pag ito ay ginawa mo sa iyong anak habang buhay itong dadalhin ng iyong konsensya mahalin mo ang ang iyong anak ng walang pag aalinlangan alagaan mo itong mabuti ilayo sa masama at dalhin sa mga mabubuting gawain. TALASANGGUNIAN

The Incidence of Induced Abortion in the Philippines: Current Level and Recent Trends By Fatima Juarez, Josefina Cabigon, Susheela Singh and Rubina Hussain. International Family Planning Perspectives. Volume 31, Number 3, September 2005 (http://www.guttmacher.org/pubs/journals/3114005.html) * Ribaya, Rio Rose. Pacquiao pusher P125 wage increase. Manila Bulletin. (Sinilip noong 5 Enero 2012) * Salamat, Marya. Labor groups push anew for wage hikes amid rising prices. Bulatlat.com. (Sinilip noong 5 Enero 2012) * Bill repealing automatic appropriation filed. Dateline Philippines. (Sinilip noong 5 Enero 2012) * Reproductive Health Bill. WikiPilipinas.org. (Sinilip noong 6 Enero 2012) * Uymatiao, Jane. Freedom of Information Law: Right to Know. Right Now! The Philippine Online Chronicles. (Sinilip noong 6 Enero 2012) * The SANLAKAS Position On The Alternative Minerals Management Bills (AMMB). No2MiningInPalawan.com. (Sinilip noong 6 Enero 2012) * An Act Providing for a Magna of Students. Scribd.com. (Sinilip noong 6 Enero 2012) * John Vincent Cruz. [

BALANGKAS
PAKSA
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
LAYUNIN NG ABORSYON
KASAYSAYAN NG ABORSYON
KAHULUGAN NG ABORSYON
MGA URI NG ABORSYON
MASAMANG EPEKTO NG ABORSYON
BATAS NG ABORSYON
KONKLUSYON REKOMENDASYON
TALASANGGUNIAN

Similar Documents

Free Essay

Rh Bill

...DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignatuang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Dulot ng Reproductive Health Bill (RH Bill) May Asawa at Planong Mag-asawa” ay inihanda at iniharap ng mga mananaliksik mula sa A18 na binuo nina: Kristian Jocson Jerwyn Ballesteros Michael Padas Mercado Tinatanggap ang pananaliksik na ito sa ngalan ng Departamento ng Filipino, ICCT Foundation Inc, Cainta, Rizal, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina Tungo sa Pananaliksik. Bb. Anagine Sindac Guro – Filipino PAGHAHANDOG Lubos ang aming pasasalamat sa mga nagsilbing aming inspirasyon at mga nagging bahagi ng pananaliksik na ito. Una sa lahat nagpapasalamat kami sa Poong Maykapal na siyang nagbigay ng tatag at lakas sa amin. Sa kanyang pag-iingat at paggabay sa aming mga gawain sa araw-araw at sa mga biyayang walang hanggan na siyang nangunguna na naging dahilan ng aming pananatili sa mundong kanyang nilikha. Sa aming mga magulang na walang sawa sa pagsuporta sa aming pag-aaral at pagbibigay sa lahat ng suportang moral at maging pinansyal, upang kami ay makapanaliksik nang maayos at para maipagpatuloy ang aming pag-aaral. At higit sa lahat, sa pinakamamahal at kagalang-galang naming guro na si Bb. Anagine Sindac na walang sawang gumabay sa aming pag-aaral sa asignaturang Filipino 2. Gayundin...

Words: 990 - Pages: 4

Free Essay

Pagplano Ng Pamilya at Pagkontrol Sa Panganganak

...Pagplano ng Pamilya at Pagkontrol sa Panganganak Wendy Claire D. Wenceslao Sinasabing ang pagpasok sa buhay pagpapamilya ay hindi basta-basta. Ayon nga sa mga nakakatanda “hindi ito pagkaing basta nasubo na ay bigla mong na lang idudura dahil mainit.” Kinakailangan ng maayos na pagpaplano ng sa ganoon ay maiwasan ang mga suliranin na nakakaapekto sa bawat miyembro. Isa sa mga dapat isa-alang alang ay ang balak o nais na bilang ng magiging anak. Iilan sa mga mag-asawa ngayon ay mas pinipiling maging praktikal. Para sa kanila, ang pagkakararoon ng isa o dalawang anak ay mainam upang mas matugunan nila ang mga pangangailangan ng mga ito lalong-lalo na sa finansyal. Para naman sa iba, ang pagkakaroon ng malaking pamilya ay walang katumbas na kaligayahan. Subalit, kung titingnan ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa gutom, kawalan ng edukasyon, masikip na tirahan, malaking populasyon, minordeng kabataang nagbabanat ng buto at kahirapan ang mga sumasalamin dito. Pamilya ang itinuturing na pinakamaliit na yunit ng lipunan. Sa madaling sabi, kung ano ang kalagayan ng pamilyang Pilipino siya ring nagiging anyo ng bansang Pilipinas. May mahalagang papel na ginagampanan ang pagpaplano sa paghubog ng matiwasay at produktibong pamilya. Ibig ipakahulugan nito na pinaplano at binibigyang halaga mo ang kinabukasan ng iyong pamilya. Ang family planning ay ang pagkakaroon ng ninanais na bilang ng mga anak. Iilan sa mga basehan nito ay ang relihiyon at paniniwala ng mag-asawa at ang kakayahang...

Words: 841 - Pages: 4

Premium Essay

Prostitution

...Glady Rose C. Bunao IV-23 BSE- Values Prof. Arabit DISCRIMINATING PROSTITUTION IS IMPOSSIBLE ABSTRACT: Prostitution was considered as the “oldest profession” in the world because of its commonality. This is one of the most abundant societal issue recognize all over the country that can’t be avoided nor discriminate at all. This term paper aims : 1.) To define prostitution 2.) To understand the history of prostitution in the Philippines; 3.) To classify the type of prostitution; 4.) To identify the cause and effect of prostitution; 5.) To specify the cause of men in buying prostitutes 6.) To give facts about prostitution all over the world. The researcher used to have interview with the buyer of prostitute specifically in Bulacan. This methodology will strengthen the 3 major theories namely: a.) Symbolic Interactionism, b.) Functionalism c.) Conflict Theory. Charles Darwin stated that there’s a need for survival. Prostitution was a product of never ending poverty in the world and in order to survive, even though they don’t want to engage to this kind of work, they don’t have choice but to follow where the money is or else, they will die in hunger. The scarcity of primary needs pushed people to desperately make some money even if they became “immoral” .It is considered as immoral because until now, it is not accepted in the society and there’s still debate if the world must accept this profession since it can’t be stop as the powerful group protects and control the illegality...

Words: 3487 - Pages: 14