Free Essay

Agtas

In:

Submitted By viciaaron
Words 2188
Pages 9
KABANATA I.

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon

Karaniwang tinutukoy bilang Negritos ang Agta na kabilang sa mga Ita ethnolinguistic group. Maraming mga tribo ng mga Agta ang nakakalat simula sa Rehiyon I hanggang V sa isla ng Luzon. Ang mga Agta ng Mt. Iriga ay namamalagi sa kanluran ng Lake Buhi sa katimugang Camarines Sur Bicol Region. Ang tribong ito ay kabilang na din sa listahan ng mga papawala ng tribo, bagama’t may mga natitira pang mga makabuluhang miyembro sakanila tulad ng mga tribo sa silangan ng Lake Buhi, ang Mt. Iraya Agtas at ang tribo ng mga agta sa Illian.

Karakteristikali ang mga agta ay maikli o mababa, maitim ang balat, kulot ang buhok, labian, at pango ang ilong. Ang kanilang mga tradisyunal na damit ay alpombra o palda para sa mga kababaihan at bahag para naman sa mga kalalakihan. Ang mga ina naman na nagpapagatas ay nagsusuot ng tinatawag nilang uban, isang piraso ng tela na ikinakabit sa balikat. Karamihan sa mga lalaki ay may maraming peklat sa kanilang katawan, gamit ang iba’t ibang mga disenyo na ipinasa sa kanila ng kanilang mga ninuno. Ngayon, karamihan sa mga Agta ay inabanduna na ang kanilang panlipunang kasuotan para sa sibilisadong mga damit.

Tradisyon noon ng mga Agta na gumawa ng mga bahay na binuo sa mga kumpol at ginawa mula sa katutubong materyales tulad ng kawayan, kahoy, talahib o cogon grass, dahon ng niyog, at abaca.Sa gulang na 14, ang mga agta ay ikinakasal na sa napili na kabiyak ng kanilang mga magulang. Ang pangangaso ay ang kanilang pangunahing paraan ng pag-iral. Ginagamit nila ang mga matutulis na kahoy na tinatawag na galud para pumatay ng ibon, ligaw na unggoy, at ligaw na Baboy. Sila rin ay nakikipagpalitan ng bahagi ng karne at ilang mga produkto na non a sa kagubatan kapalit ng pormal na pagkain at iba pang mga kalakal sa mga kalapit na bayan. Ang kanilang iba pang tradisyunal na hanapbuhay ay pagsasaka. Ngayon, gayunpaman, maraming Agta ang tumatagal sa pana-panahon na mga trabaho, tulad ng kalibkib o pangongopra at paggawa ng uling.

Ang mga Agta ay sumasamba sa espiritu ng kanilang mga ninuno o Anitos; ang kanilang ritwal ay may kasamang sayaw at isang paglalarawan ng mga paggalaw ng pangangaso. Ang mga ito ay walang mga pormal na mga pinuno. Ang mga matatandang lalaki sa kanilang komunidad ay naglilingkod lamang bilang tagapayo para sa mga layuning arbitrasyon.

Ang espirituwal, mga pangangailangan sa kalusugan, kabuhayan, edukasyon, at karunungang bumasa’t sumulat ng mga Agta ay isang malaking hamon sa pamahalaan.

2. Layunin ng pag-aaral

Pangkalahatang layunin:

Ang mga Agta ay kabilang ng sambayanang Pilipino. Nakatira man sila sa mga kagubatan at kabundukan, mananatili pa rin silang isa sa mga mamamayan na bumubuo ng kulturang Pilipino. Huwag natin silang kalimutan kahit tayo ay nasa isa nang modernong panahon sapagkat sila ay bahagi ng ating kultura at kailanman man ay hindi maaaring matanggal sa lipunan maging man sa mga libro at sa totoong buhay.

Sa ngayon dahil sa pagdating ng modernong panahon, napagtanto namin kung ano na ba ang kanilang kasalukuyang pamumuhay sapagkat alam naman natin ang biglang pagbago ng takbo ng panahon pagdating sa pamumuhay. Ngayon, an gaming pananaliksik ay naglalayong malaman ang mga sumusunod na katanungan:

Mga Tiyak na Layunin:

1. Ano ang kasalukuyang pamumuhay ng mga Agta sa bundok ng Mt. Asog, Iriga City?

2. Ano-ano ang mga suliraning pangkabuhayan ang hinaharap sa ngayong panahon?

3. Gaano sila naaapektuhan sa mabilis na pagbago ng panahon?

4. Sino-sino ang maaakpektuhan n gaming pag-aaral

5. Paano naming masosolusyonan at kung paano naming sila matutulungan sa mga suliranin na kanilang hinaharap?

3. Kahalagahan ng pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay may malaking bahagi sa mga sumusunod na tao:

Sa mga Mag-aaral na maaaring makatulong sa kanilang mga pangangailan at sa kanilang kakulangan na kaalaman sa pamumuhay ng mga tao ngayon.

Sa mga Mananaliksik na ang resulta o kalabasan ng pananaliksik na ito ay maaaring makatulong hindi lamang sa kanila kundi maging sa eskwelahan at kanilang kapwa mga kamag-aral.

Sa mga Agta na kung saan ang resulta ay maaring maging gabay sa kanilang pamuuhay at para makatulong na rin sa pagpapalago ng kanilang nasimulan na paghahanapbuhay.

Sa mga Mambabasa kapag ang pananaliksik na ito ay nagtagumpay, maraming mambabasa ang mahihikayat para matulungan ang ating mga mamamayang Agta.

4. Saklaw at Limitasyon ng pag-aaral

Bilang pagsisimula ng pag-aaral na ito, kami ay nagpunta sa paanan ng bundok ng Asog as lungsod ng Iriga at doon naming nakita ang pamayanan ng mga agta.

Ang pananaliksik na ito ay may saklaw na pag-aralan ang paraan ng pamumuhay at ang paghahanapbuhay ng mga agta sa bundok ng Asog lamang. Aming napagtanto na kadalasan may mga nakikita kming mga agta na palaboy-laboy sa bayan ng Iriga, at kadalasan pa ay mag-ina na namamalimos habang naglalakad bitbit pa ang kanyang sanggol na anak. Isasagawa naming ang pananaliksik na ito para malaman kung ano na ang kanilang kasalukuyang pamumuhay gamit ang mga respondenteng namumuhay sa bundok

Ang pag-aaral na ito ay may layunin na maipabatid sa mga mambabasa ang kanilang kasalukuyang katayuan sa buhay at kung paano sila matutulungan at para maipahatid sa kanila ang kahalagahan ng mga agta sa lungsod.

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Agta – ay ang mga katutubong tao na kung saan sila ay naninirahan sa mga mabundok na bahagi ng Luzon.

Mt. Asog – ang ipinagmamalaking bundok ng lungsod ng Iriga kung saan nakatira ang mga katutubong agta.

Pamumuhay – Ang pamumuhay ay tinatawag na manner of life sa wikang english. Ito ay ang paraan o ating ginagawa sa araw-araw ng ating buhay.

Tribo – ay isang sosyal na grupo na umiral bago pa man ang paglabas o ang pagbuo ng mga estado.

Sibilisasyon – ay ang klase o estado ng pamumuhay sa isang lungsod o lugar.

Modernong Panahon – ito ay ang panahon na kung saan ang mga tao ay nakakalikha ng mga makabagong teknolohiya na siyang nakakatulong at nakapagpapadali ng gawain ng isang tao.

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

1. Mga kaugnay na pag-aaral

Sa Pag-uugnay na Pag-aaral nila ABSALON, et.al. (2007) na ang mga katutubo ay direktang umaasa sa mga likas na yaman at karamihan ay tumitira sa malalayong lugar dahil mayaman ito sa biodiverisity at ang ilang mga lugar ng mga katutubo ay ginawang national parks o mga portektadong lugar. Ayon kay Legarda (2004), pinagtuunan ang krusada ng paglalaban sa karapatan ng mga katutubo at sinama niya ang mga batang aeta sa mga iskolar ng “Libro ni Loren Foundation” Sa pag-aaral ni Llorente (2003), napag-alaman niya na ang mga katutubo sa isang lugar; higit sa kalahati ang namumuhay ng mababa sa poverty line samantalang kumulang sa ikapat naman ang namumuhay na pantay o mataas na povety line.

Ayon kay Generoso (1996), ang mga agta ay nahahati sa dalawang pangkat. Ang mga Cimarron at mga tabangnon. Ang mga Cimarron ay “good looking” at may pagkakahawig sa mga dugong espanyol, samantalang ang mga tabangnon ay ang mga mismong mga agta na maitim ang balat at kulot ang buhok. Napag-alaman rin na ang mga agta ay nabubuhay sa kahirapan, kamangmangan, karamdaman, at sa kanilang pinagmumulan ng pangkabuhayan tulad ng pangangaso, pangingisda, pagsasaka, paghahabi, at iba pa. Ang ibang mga agta at itom sa Bicol ay nakatira at namumuhay sa Albay at Camarines Norte dahil ang ilan sa kanila at nagresettle.

2. Mga kaugnay na Literatura

Ang mga negrito ay ang mga pygmies ng Timog-Silangang Asya na nahahanap sa Malaysia at Kadalasan sa mga pulo ng Luzon, Negros, Panay, at Mindanao sa Pilipinas. Ang mga Pilipinong negrito ay tinatawag silang Aeta, Agta, Ita, Ayta, at iba pa depende sa lugar. Ang mga negrito ay inihahawig sa mga pygmies ng aprika. Karamihn sa kanila ay Well proportioned ngunit mga pandak. Ang Mga NEgritong Lalaki ay may tindig na 5 ft samantalang ang mga babae ay 4ft. Kulot ang buhok, pango ang ilong, bilog ang mga mata at maitim ang buhok.

Ang mga negrito ay ang mga unang grupong lumipat sa pilipinas sa pamamagitan ng mga tulay na Bangka. Sila’y natatagpuan sa mga isolated na lugar lalo na sa mga malalapit sa bundok. Sila rin ay nauuri na mga naninirahan sa kagubatan ngunit matatagpuan rin sila sa mga palayan at ilog. Bihira silang tumira ng permanente sa iisang lugar lalo na kung hindi angkop ang lugar sa kanilang tradisyunal na pagtitipon sa pagkain, pangangaso, pagtatanim, at pangingisda. Ang mga negrito sa Zambales ay kadalasang gumagamit ng pana sa pangangaso dahil para sa kanila, ang pana ang sumisimbolo ng natural na buhay ng tao. Ang mga wika ng mga negrito ay nabibilang sa mga wika ng Austronesian. Kianugalian ng mga negrito na manirahan sa mga maliliit na tribo na merong konting Extended family.

Ang mga pananamit ng mga negrito ay gawa sa mga balat ng mga fig trees. Mahilig rin ang mga negrito na kumanta ay sumayaw ngunit ang mga kanta nila ay hindi gaanong napapalawak

Endnotes

. ABSALON et.al . The Rights and Privileges of Indigeous People in Iriga City, A case study. Undergraduate thesis (BSOA)(2007)

Encyclopedia Americana Volume 20.

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aral na ito ay isinasagawa sa pamamaraang deskriptiv na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang kalagayang pangkabuhayan ng mga kapatid nating Agta na nakatira sa Bundok ng Asog. Sapagkat ang pamumuhay ng tao ay bumabase sa pangkabuhayan na tumutukoy sa antas at kalidad ng buhay.

2. Mga Respondente

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga Agta na nakatira sa bundok ng Asog sa barangay ng Illian, lungsod ng Iriga, sa lalawigan ng Camarines Sur at rehiyon ng Bicol.

Sa kasalukuyan, may isang pankat na naninirahan na may bilang na 904 na purong matatanda, binata, dalaga, at bata. Binubuo sila ng babae at lalaki. Pinili ang mga matatanda at kabataan na hindi nagttrabaho sa araw na iyon at ibinigay ang mga papel na sasagutan lamang ng tsek. Mayroong tatlumpung respondente kaming napasagutan ng mga ibat-ibang trabaho. Ipinakita naming ito sa isang talahanayan.

Talahanayan 1

Distribusyon ng mga Respondente sa mga Manggagwa ng mga Agta sa Mt. Asog

|Uri ng Trabaho |Lalaki |Babae |Kabuuang Dami |
|Nangogopra | | | |
|Nagtatanim ng Gulay | | | |
|Nangangaso | | | |
|Nagtitinda | | | |
|Kabuuang Dami | | | |

Ang mga respondenteng manggagawa ay pinili batay sa hindi kami nakakaistorbo kung meron man silang ginagawa at sa kalagayan ng kanilang kalooban. Iniwasan namin ang pamimilit at nagkaroon lamang ng kaunting panghihikayat. Pinili naming maging pormal ang daloy ng pananaliksik

3. Instrumentong Pampananaliksik

Isinagawa ang aming pag-aaral sa pamamagitan ng pagsasarvey. Naghanda kami ng sarvey-kwestyoneyr na sasagutan ng paglalagay ng tsek sa patlang kung ano ang nasa kalooban nila. Ang mga mananaliksik ay nambahay-bahay ngunit kalaunan ay meron namang sama-samang sarvey.

Kumuha ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa mga datos na nakalimbag sa sensus, aklat, pamanahong-papel, tisis, proposal, at jornal. Samantala kumuha rin ng magagamit na impormasyon sa internet upang maibigay ang lahat ng pwedeng mailimbag.

4. Tritment ng mga Datos

Ginamit ng mga mananaliksik ang percentage technique bilang istatiskal tool sa pananaliksik sa alam at pagkuha ng bahagdan ng lahat ng bilang ng magkakaparehong sagot sa isang tanong. Upang matagumpay ang pagkuha ng bahagdan. Una, gumawa ng mga tanong na kung saan konektado sa pamagat at kapupulutan ng impormasyon. Ikalawa, ang magkaparehong sagot ay sinasama at kinuha ang eksaktong porsyento. Pangatlo, pakakuha ng mga kailangan na datos ay ang pagbubuod at kongklusyon para sa pagtatapos. Gamit ang pamamaraan na ito ay malalaman ang pamumuhay pangkabuhayan ng mga Agta.

Ang ginamit na pormula ay ang:

Kung saan:

n = bilang ng sagot

% = bahagdan

N = bilang ng respondente

Tanong:

1. Nakakatulong ba ang Gobyerno sa pamumuhay at kabuhayan ng mga Agta?

Oo - Sapat lang –

Hindi - Kakaunti –

2. Sapat ba ang kinikita ng isang manggagawang Agta para sa kanilang araw-araw na pamumuhay?

Oo - Sapat lang –

Hindi - Kakaunti –

3. Mahalaga ba ang naituturp ng modernong sibilisasyon sa pamumuhay ng Agta?

Oo - Sapat lang –

Hindi - Kakaunti –

4. May kakulangan ba sa kagamitan sa pagpapagaan ng gawain?

Oo - Sapat lang –

Hindi - Kakaunti –

5. Nakakaranas pa rin ba ng diskriminasyon ang mga Agta sa pamumuhay at pangkabuhayan?

Oo - Sapat lang –

Hindi - Kakaunti –

6. Habang tumatagal ba ay umuunlad ang pamumuhay ng isang Agta?

Oo - Sapat lang –

Hindi - Kakaunti –

7. Nakakaranas ba ng edukasyon ang mga Agta sa larangan ng pangkabuhayan at pag-aaral?

Oo - Sapat lang –

Hindi - Kakaunti –

8. Nagtutulungan ba ang bawat isa sa kanila sa pagpapabuti ng kalagayang pangkabuhayan?

Oo - Sapat lang –

Hindi - Kakaunti –

9. Mahirap ba ang trabaho sa bundok?

Oo - Sapat lang –

Hindi - Kakaunti –

10. Naisasalin ba ang kaalaman sa pasibol na kabataan?

Oo - Sapat lang –

Hindi - Kakaunti –

11. May nakatalaga bang trabaho sa bawat isa?

Oo - Sapat lang –

Hindi - Kakaunti –

12. Ginagampanan ba ng bawat isa ang nakatalagang gawain?

Oo - Sapat lang –

Hindi - Kakaunti –

13. Kahit na mahirapan ay nasisiyahan naman kayo sa inyong trabaho o pamumuhay?

Oo - Sapat lang –

Hindi - Kakaunti –

14. Nakakasabay pa ba kayo sa pagbabagong pangkabuhayahang nagaganap sa kasalukuyan?

Oo - Sapat lang –

Hindi - Kakaunti –

Similar Documents

Free Essay

Hobo Experiment by Ric Perez

...The first word I heard uttered by the caller when I answered the call was “is this Mr. Perez?” and I was quick to reply and said, “yes Sir, this is Mr. Perez on the line”. He thereafter immediately identified himself as “Mr. Suarez” and asked me if it is possible for us to meet in person. Perhaps sensing the questions running on my mind, he immediately followed up his first statement by saying that he has been reading the series of articles or essays I have been writing in the pages of Bicol Mail, entitled “The Hobo Experiment” regarding our family project involving the Indigenous Peoples known as the Agta, and that he is interested to meet me in person as he actually came from Brgy. HOBO, the site of our social experiment. Left photo: Mr. Eddie Suarez (center) beside the author, buys a bucketful of wild honey produced by “Potyukan” (Giant Asian Honey Bee) from one of the Agta honey...

Words: 1833 - Pages: 8

Premium Essay

Multicultural Fieldtrip

...Amy Jones EDU 230 May 8, 2012 Patti Lucas Multicultural Fieldtrip In today world there are multicultural among us, through each different cultural we are able to learn something. As I take a multicultural fieldtrip I notice the difference in every culture, from The Philippine Agta, Ngbaka, Southeast Asia, Yi of China, and etc. In every culture lies a unique heritage trail, the Philippine Agta has great skill when it comes to natural forest environment, they are great hunter. They can develop a symbiotic relationship with their agricultural neighbors. “The Agta retained a way of life similar to that of the early inhabitants of virtually” (International Museum of Cultures, 2012). http://www.internationalmuseumofcultures.org/philip.htm Exploring into the South America, I was able to know that it’s one of the most biodiversity continents and there are many unique and interesting species of animal live (International Museum of Cultures, 2012). http://www.internationalmuseumofcultures.org/sioux.htm The people are best known for their pottery are the Quichua (Kichwa) women living in Ecuador. The girls would gather clay and wrap it in banana leafs to keep it from dry out. They made different pottery with a unique design, and they get this idea from their surroundings. One of the interesting cultures I found is the Shipibo culture. They have a unique culture that started when they are a little child. When a child is born the madrina will give them their tribal name...

Words: 570 - Pages: 3

Premium Essay

Sex and Gender Roles

...Carlin Gibbs October 25, 2010 Gender and Sex Roles Take Home Exam 1 Question #1 * Gender is a social concept that identifies culturally prearranged responsibilities and roles that both sexes are expected to follow. Men assumed superiority over women and preserved it through domination across the centuries. Consequently, women have perpetually maintained a lower status to men in the United States. But the degree of disparity between the sexes has changed across time and currently women are closer than ever to being somewhat equal to men. However, there are still detrimental theories and ideals in society that preserve the unequal treatment of women. There is no doubt that men and women are physically different. The distinction between the secondary sex traits can be easily seen and measured. Unfortunately, a number of other differences between men and women are distorted through a stereotypical lens. * Women have traditionally been viewed as possessing nurturing and caring characteristics. Therefore, their main focus in life ought to be watching over the home and children. This designated occupation is associated with domesticity and as a result their work is economically undervalued. Men on the other hand hold the role as the breadwinner and are thus more valued (p. 85). This domestic view along with the Hunter-Gatherer model and women’s physical and psychological differences are among the least convincing theories and ideas that attempt to explain women’s...

Words: 2006 - Pages: 9

Free Essay

Implementation

...creatures and entities. Some Filipinos, even though heavily westernized and Christianized, still believe in such entities. The prevalence of belief in the figures of Philippines mythology is strong in the provinces. The country has many islands and is inhabited by different ethnic groups, Philippine mythology and superstitions are very diverse. However, certain similarities exist among these groups, such as the belief in Heaven (kaluwalhatian, kalangitan, kamurawayan), Hell (impiyerno, kasamaan), and the human soul (kaluluwa). Filipinos also believed in mythological creatures. The Aswang is one the most famous of these Philippine mythological creatures. The aswang is a ghoul or vampire, an eater of the dead, and the werewolf. There is also the (Agta) a black tree spirit or man. Filipinos also believed in the Dila (The Tongue), a spirit that passes through the bamboo flooring of provincial...

Words: 310 - Pages: 2

Free Essay

Case Study: Livelihood Component of Ecotourism Projects in Palaui Island of Santa Ana Cagayan

...LIVELIHOOD COMPONENT OF ECOTOURISM PROJECTS IN PALAUI ISLAND OF SANTA ANA CAGAYAN A Case Study Submitted to the Faculty of the College of International Tourism and Hospitality Management Lyceum of the Philippines University Cavite In Partial Fulfillment of the Requirements of the Degree Bachelor of Science in Tourism Management EREKA MAE I. OBOR July 27, 2015 Introduction Palaui Island is a 7,415-hectare island that has been declared as a Marine Reserve under the National Integrated Protected Areas System Act of 1992 and categorized as a Protected Landscape and Seascape. It is part of the Cagayan Special Economic Zone and Freeport managed by the Cagayan Economic Zone Authority (CEZA), a government-owned and controlled corporation. Palaui Island is now considered a model for ecotourism development. It has been declared by CNN in 2012 as the 25th among the top 100 beaches in the world. Then in 2013 it was ranked by CNN as 10th among the top 100 beaches in the world. It also became the site of the Blood and Water episode of Survivor US, increasing its popularity even more. Palaui is a natural destination that also boasts of a centuries-old lighthouse Cabo de Faro Engano. The Cape Engaño Lighthouse in Palaui Island dates back to the Spanish regime and is the only operational lighthouse in the northeastern coast. The island boasts of rich marine resources and uncontaminated environs and has been declared under Coastal Environmental Protection (CEP) by the DENR...

Words: 1189 - Pages: 5

Premium Essay

“Do You Believe in Philippine Mythology and Folklore?”

...creatures and entities. Some Filipinos, even though heavily westernized and Christianized, still believe in such entities. The prevalence of belief in the figures of Philippines mythology is strong in the provinces. The country has many islands and is inhabited by different ethnic groups, Philippine mythology and superstitions are very diverse. However, certain similarities exist among these groups, such as the belief in Heaven (kaluwalhatian, kalangitan, kamurawayan), Hell (impiyerno, kasamaan), and the human soul (kaluluwa). Filipinos also believed in mythological creatures. The Aswang is one the most famous of these Philippine mythological creatures. The aswang is a ghoul or vampire, an eater of the dead, and the werewolf. There is also the (Agta) a black tree spirit or man. Filipinos also believed in the Dila (The Tongue), a spirit that passes through the bamboo flooring of provincial houses, then licks certain humans to death. Filipino mythology also have fairies (Diwata and Engkanto), dwarfs (Duwende), Kapre (a tree-residing giant), Manananggal (a self-segmenter), witches (Mangkukulam), spirit-summoners (Mambabarang), goblins (Nuno sa Punso), ghosts (Multo), fireballs...

Words: 2637 - Pages: 11

Premium Essay

Family Planning

...Bicol University College of Social Sciences and Philosophy Daraga, Albay Philippines: It’s Cultural Elements Prepared by: Christian M. Baleta Lyka A. Madrid Jhomarisse Mijares AB English 4-A A. Introduction Official Flag Comprehensive Maps (Philippines at Day, Night and Political maps) FACT FILE ABOUT THE PHILIPPINES | OFFICIAL NAME | Republic of the Philippines | FORM OF GOVERNMENT | Republic with two legislative bodies (Senate and House of Representatives) | CAPITAL | Manila | AREA | 300, 000 sq.km (115, 830 sq.miles) | TIME ZONE | GMT + 8 hours | POPULATION | 92,681,453 (2008 estimate) | POPULATION DENSITY | 264.5 per sq.km (685 per sq.mile) | LIFE EXPECTANCY | 70.8 years (2008 estimate) | OFFICIAL LANGUAGES | Filipino, English | OTHER LANGUAGES | About 87 indigenous languages | LITERACY RATE | Total 96.3 percent (2005 estimate) Female 96.2 percent (2005 estimate)Male 96.3 percent (2005 estimate) | RELIGIONS | Roman Catholic (83%), Protestant (9%), Muslim (3%), Buddhist and Other (3%) | ETHNIC GROUPS | Malay (95.5%), Chinese (1.5%), Other (3%) | CURRENCY | Philippine Peso | ECONOMY | Services (48%), Agriculture (42%), Industry (10%) | GNP Per Capita | US$1,050 | GROSS DOMESTIC PRODUCT (GDP in U.S.$) | $117.6 billion (2006) | CLIMATE | Tropical with wet season June to November | HIGHEST POINT | Mount Apo (2, 954 m, 9, 692 feet) | LARGEST CITIES (BY POPULATION) | Quezon City 2,390,688 (2005 estimate)...

Words: 10682 - Pages: 43

Free Essay

Bicolano Ako!

...Bicolanos | Total population | 5.9 million (6.9% of the Philippine population) | Regions with significant populations |  Philippines (Bicolandia, Metro Manila)elsewhere | Languages | English, Bikol languages, Masbateño, Waray,Filipino | Religion | Predominantly Roman Catholic with someProtestants | Related ethnic groups | other Filipinos | The Bicolanos are the fifth-largest Filipino ethnolinguistic group ------------------------------------------------- Area Bicolanos live in the southeastern peninsula of Luzon, now containing the provinces of Albay, Camarines Sur,Camarines Norte, Catanduanes, Masbate, and Sorsogon. Many Bicolanos also live near in the province of Quezon. ------------------------------------------------- Demographics The Bicolanos number about 5,907,000.[citation needed] They are descended from the Austronesian-speaking immigrants who came from Southern China during the Iron Age. many of Bicolanos also haveChinese, Arab, and Spanish admixtures. most of the townsfolk have Spanish Mixtures and Their language is referred to as Bicol or Bicolano. The Bicolano language is very fragmented, and its dialects are mutually incomprehensible to speakers of other Bicolano dialects. The majority of the Bicolano people are devout Roman Catholics due to the Spanish conquering the country and converting them to their religion. Catholic Mass is celebrated daily in many churches in the Bicol Region. ------------------------------------------------- ...

Words: 3081 - Pages: 13

Free Essay

Loploolololo

...Ang mga kilos ng katawan ay nagpapakita ng mga ekspresyong berbal tungkol sa nadarama. Ito ay distansiya na hindi mo na gaanong nakikita ang ilang mga detalye tungkol sa kausap. Ang layong ito ay maaari mong maging proteksiyon sa alinmang mga banta na nakaumang sa iyo. Ang pagtingin o pagtitig ay ang paraan kung paano natin pinagmamasdan ang ating kausap (Badayos, 2000) Ang kilos ng katawan ay nagsisilbing kasangkapan sa pagsasagawa ng isang bagay. Ang mukha ng tao ay isang mabisang daluyan ng mensaheng di berbal. Sa pamamagitan ng mga kombinasyon ng mga kalamnan o muscle sa mukha ng tao, naipapakita ang mga batayang emosyon ng tao. Komunikasyong Di-Berbal Katawan (Kinesics) 1. Sagisag (emblem) 3. Pagkontrol ng berbal na interaksyon 4. Pandamdam (affects display) Espasyo o Distansya (proxemics) 3. Espasyong Sosyal 4. Espasyong Pampubliko Ang Mata 5. Kasangkapan sa Pagsasagawa ng bagay (adaptors) Ang Mukha 2. Tagapaglarawan (illustrators) Ito ang mga di verbal na ginagamitan natin ng ating mga daliri o kamay upang maglarawan o magbigay-diin sa nais nating ipahayag Ang espasyo ay nagpapahayag din ng mensahe. Minsan, mas malakas pa ito kaysa sa mga sinasambit na mga salita. Ang mga di-berbal na kumakatawan o direktang pamalit o panghalili sa mga salita o parirala. Ginagamit natin ang kilos ng katawan upang i-monitor o kontrolin ang daloy ng usapan. Ang di berbal ay isang sistema ng komunikasyon na hindi gumagamit ng salita. Gumagamit tayo ng mga kilos ng katawan...

Words: 5734 - Pages: 23

Premium Essay

Bp Azerbaijan Sustainability Report 2013

...BP in Azerbaijan Sustainability Report 2013 bp.com/caspian Building a stronger, safer BP About our report This report covers the calendar year ending 31 December 2013. In some instances significant events from 2014 have been included. Unless otherwise specified, the text does not distinguish between the activities of BP p.l.c. and those of its subsidiaries and affiliates. References in this report to ‘us’, ‘we’ and ‘our’ relate to BP in Azerbaijan unless otherwise stated. When we cite ‘BP in Azerbaijan’ we refer to operations in Azerbaijan only. If we refer to ‘BP AGT’ we are including all our activities in Azerbaijan, Georgia and Turkey. Specific references to ‘BP’ and the ‘BP group’ mean BP p.l.c., its subsidiaries and affiliates. All dollar amounts are in US dollars. All gas volumes are indicated in standard cubic metres or standard cubic feet. The report is issued annually by BP Exploration (Caspian Sea) Limited in its capacities as operator and manager of the joint operating company for the Azeri-Chirag-Deepwater Gunashli field, as manager of The Baku-Tbilisi-Ceyhan Pipeline Company and by BP Exploration (Shah Deniz) Limited in its capacities as operator of the Shah Deniz field and as technical operator of The South Caucasus Pipeline Company. For this report each of these entities has provided information relevant to its project and statements applicable to its project. Front cover imagery The Sangachal terminal is one of the world’s largest integrated oil and...

Words: 35186 - Pages: 141

Free Essay

There Once Was a Young Wild Pony

...a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z aa ab ac ad ae af ag ah ai aj ak al am an ao ap aq ar as at au av aw ax ay az ba bb bc bd be bf bg bh bi bj bk bl bm bn bo bp bq br bs bt bu bv bw bx by bz ca cb cc cd ce cf cg ch ci cj ck cl cm cn co cp cq cr cs ct cu cv cw cx cy cz da db dc dd de df dg dh di dj dk dl dm dn do dp dq dr ds dt du dv dw dx dy dz ea eb ec ed ee ef eg eh ei ej ek el em en eo ep eq er es et eu ev ew ex ey ez fa fb fc fd fe ff fg fh fi fj fk fl fm fn fo fp fq fr fs ft fu fv fw fx fy fz ga gb gc gd ge gf gg gh gi gj gk gl gm gn go gp gq gr gs gt gu gv gw gx gy gz ha hb hc hd he hf hg hh hi hj hk hl hm hn ho hp hq hr hs ht hu hv hw hx hy hz ia ib ic id ie if ig ih ii ij ik il im in io ip iq ir is it iu iv iw ix iy iz ja jb jc jd je jf jg jh ji jj jk jl jm jn jo jp jq jr js jt ju jv jw jx jy jz ka kb kc kd ke kf kg kh ki kj kk kl km kn ko kp kq kr ks kt ku kv kw kx ky kz la lb lc ld le lf lg lh li lj lk ll lm ln lo lp lq lr ls lt lu lv lw lx ly lz ma mb mc md me mf mg mh mi mj mk ml mm mn mo mp mq mr ms mt mu mv mw mx my mz na nb nc nd ne nf ng nh ni nj nk nl nm nn no np nq nr ns nt nu nv nw nx ny nz oa ob oc od oe of og oh oi oj ok ol om on oo op oq or os ot ou ov ow ox oy oz pa pb pc pd pe pf pg ph pi pj pk pl pm pn po pp pq pr ps pt pu pv pw px py pz qa qb qc qd qe qf qg qh qi qj qk ql qm qn qo qp qq qr qs qt qu qv qw qx qy qz ra rb rc rd re rf rg rh ri rj rk rl rm rn ro rp rq rr rs rt ru rv rw rx ry rz sa sb sc sd se sf sg sh si sj sk sl sm sn so...

Words: 29642 - Pages: 119

Free Essay

Green

...No. Nama Perguruan Tinggi AKADEMI AKUNTANSI PGRI JEMBER Nama Pengusul Sisda Rizqi Rindang Sari Program Kegiatan Judul Kegiatan 1 PKMK KUE TART CAENIS ( CANTIK, ENAK DAN EKONOMIS) BERBAHAN DASAR TAPE 2 AKADEMI FARMASI KEBANGSAAN Nensi MAKASSAR AKADEMI KEBIDANAN CITRA MEDIKA SURAKARTA AKADEMI KEBIDANAN GIRI SATRIA HUSADA AKADEMI KEPERAWATAN KERTA CENDIKA SIDOARJO AKADEMI KEPERAWATAN KERTA CENDIKA SIDOARJO AKADEMI KEPERAWATAN KERTA CENDIKA SIDOARJO Putri Purnamasari PKMK LILIN SEHAT AROMA KURINDU PANCAKE GARCINIA MANGOSTANA ( PANCAKE KULIT MANGGIS ) 3 PKMK 4 Latifah Sulistyowati PKMK Pemanfaatan Potensi Jambu Mete secara Terpadu dan Pengolahannya sebagai Abon Karmelin (Karamel Bromelin) : Pelunak Aneka Jenis Daging Dari Limbah Nanas Yang Ramah Lingkungan, Higienis Dan Praktis PUDING“BALECI”( KERES) MAKANAN BERSERATANTI ASAM URAT 5 Achmad PKMK Zainunddin Zulfi 6 Dian Kartika Sari PKMK 7 Radita Sandia PKMK Selonot Sehat (S2) Diit untuk Penderita Diabetes 8 AKADEMI PEREKAM Agustina MEDIK & INFO KES Wulandari CITRA MEDIKA AKADEMI PEREKAM MEDIK & INFO KES Anton Sulistya CITRA MEDIKA AKADEMI PEREKAM Eka Mariyana MEDIK & INFO KES Safitri CITRA MEDIKA AKADEMI PEREKAM MEDIK & INFO KES Ferlina Hastuti CITRA MEDIKA AKADEMI PEREKAM Nindita Rin MEDIK & INFO KES Prasetyo D CITRA MEDIKA AKADEMI PEREKAM MEDIK & INFO KES Sri Rahayu CITRA MEDIKA AKADEMI PERIKANAN YOGYAKARTA PKMK Kasubi Wingko Kaya Akan Karbohidrat...

Words: 159309 - Pages: 638