Free Essay

Airen's

In:

Submitted By airenkima
Words 860
Pages 4
Group 1 Feliciano.Maulanin.Ulep.Veloso
A Christmas Carol
Ito ay isinulat ni Charles Dickens at nailathala noong ika 17 ng Disyembre 1843, sakto para sa bisperas ng Pasko. Ito ay tungkol sa isang kuripotna nagngangalang Ebenezer Scrooge at ang pagdalaw ng tatlong multo sa kanya upang magbago siya ng kanyang asal. Taglay nito ang temang pagbabagong loob, natural na kabaitan ng tao at ang masinop na pag-hayag ng buhay ng karakter.
Mahihinuha na dinamiko ang karakter na si Scrooge, at masasabing pinilit din ni Rizal na maging dinamiko ang mga karakter ng Noli, datapwat nahirapan siya dahil sa exposisyon niya sa mga kamalian noong panahon niya na hinadlangan ang character development. Gayunpaman, ang bida namang si Ibarra ay napaunlad sa takbo ng Noli, pati na din si Elias. Nandiyan din ang idealismo na pagtingin na likas na mabait ang mga tao sa tauhan na Don Rafael. Inatake ito Rizal sa pagpaparusa sa isang mabait na tao, na siya namang angkop para sa Pilipinas noong panahong iyon. Ang pag-hayag sa buhay ng karakter ay makikita natin ng labis sa kaso ni Elias, na kakaiba dahil mula pa sa kanyang ninuno ay siyang isinalaysay.
La Parure (The Necklace) ni Guy de Maupassant
Kakaiba sa mga naunang mga piraso ng literature, isa lamang maikling kuwento na sinulat noong 1884 na dagliang sumikat dahil sa pagkabihasa ng istorya at sa magaling na paggamit nito ng twist ending. Umiikot ito tungkol sa kapalaluan ni Mathilde at kung paano nito ipinahamak ang sarili at ang kanyang mabuting asawa. Taglay nito ang tema ng ganid, illusyon at perception. Ang pagbibihis ng mayaman at maganda ay hindi sapat upang baguhin ang sarili. Ang mistulang kuwintas na dyamante ay mahirap kilatisin kung tunay nga ba o hindi. Masasabi din na malapit din sa tunay na buhay at maaring mangyari sa realidad, kung kaya mayroon itong aspeto mula sa nauusong paraan noon ng pagsulat: ang realismo. Mahahalata din na ang bida sa istorya ay isang babae na may malakas na personalidad, datapwat estereotipo pa din ang character.
Kung ikukumpara sa Noli, ang tema ng persepsyon ang madaling mababatid. Ang mga frayle, bagamat sa panlabas na tila mga santo, ay ibunubunyag ng novella na may masasamang gawi din. Si Elias, bagamat isang tulisan sa panlabas, ay isang mabuti at marangal na tao pala.Lalo na sa kaso ni Donya Victorina na hindi pa din masasabing mestisa kahit na ano pang kapal ng make-up niya. Sa isa namang dako, pinilit din ni Rizal na may realismo ang kanyang novella upang lalong maging ganap ang pagtuligsa niya sa lipunan sa Pilipinas at upang mapadali ang pag-intindi nito sa mga mambabasa. Maliban kay Maria Clara, malakas din ang personalidad ng mga kababaihan sa nobela, lalo na si Salome.
Les Miserables
Ang nobelang ito ni Victor Hugo ay maihahalintulad sa nobelang Noli Me Tangere sa maraming pagkakataon. Ilan na rito ang pagkakapareho ng takbo ng kuwento kung saan isang karakter ang maghahanap ng hustisya dahil sa pang-aapi at pagdidikrimina sa kanya.
Tulad ni Elias, ang karakter ni Jean Valjean ay naghahanap rin ng hustisya sa mga pinagdaanan niyang baluktot na sistema. At tulad niya, himagsikan din ang gusting kalabasan ng mga karakter na ito. Sa bandang huli ay mamamayani ang mga mahihirap na Pranses samantalang sa Noli, mabibigo muna ang pinapangarap na himagsikan.
Uncle Tom’s Cabin
Ang nobela ni Harriet Beecher Stowe na may pamagat na “Uncle Tom’s Cabin” ay tumatalakay sa pang-aalipusta sa mga Negrong alipin. Bukod sa pangunahing tema nito patungkol sa pang-aabuso at pang-aalipin, tinalakay rin dito ang impluwensiya ng Kristiyanismo para sa ikatitigil ng mga nabanggit na ____ sa lipunan noong mga panahon na iyon.
Kung susuriin, may mga pagkakahalintulad ang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal sa nobelang ito ni Stowe. Tulad ng Uncle Tom’s Cabin, ang mga pangyayari sa Noli Me Tangere ay umiikot din sa pang-aalipin. Ngunit sa pagkakataong ito, ang mga inalipin ay ang mga Pilipino.
Isa pang pagkakapareho ay ang pagkakaroon ng parte ng Kristiyanismo sa naging takbo ng mga pangyayari sa nobela, subalit magkaiba ang paggamit dito. Sa Uncle Tom’s Cabin, ang Kristiyanismo ay positibong impluwensiya sa pangunahing tauhan na si Uncle Tom. Dito ay pinamalas ang pagkakaroon ng pananampalataya na siyang nagpakita sa kadakilaan ng puso ng nasabing tauhan kahit na siya ay lubusang inapi ng isa sa mga umalipin sa kanya na si Simon Legree. Ang Noli Me Tangere naman ay pinakita ang mga miyembro ng simbahan – partikular na ang mga prayleng Espanyol – bilang mga tauhan na may baluktot na hangarin at malaking pagpapahalaga sa kanilang sarili na nagiging dahilan para tapakan at yurakan nila ang ibang tao na sa tingin nila ay mas nakabababa sa kanila.
Higit sa lahat, ang dalawang nobelang ito ay may parehas na layunin na tuldukan ang isyu ng pang-aalipin. Ang Uncle Tom’s Cabin ang isa sa mga akdang nagbigay ng inspirasyon kay Dr. Jose Rizal na ilantad ang kabuktutan ng mga Espanyol na nanakop sa ating bansa noon, kaya sadyang may pagkakahalintulad ang dalawang nobela.

--------------------------------------------
[ 1 ]. Mas angkop ang salitang “tikal” sa tagalog, ngunit hindi yata ito “politically correct”.

Similar Documents