Free Essay

Akdang Isinapelikula

In:

Submitted By dalandan19
Words 1286
Pages 6
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO
Panimula
Ang mga Pilipino ay sadyang may likas na talento sa pagsulat. Mayroong manunulat na nakalilikha ng iba’t ibang akdang nagpapahayag ng katotohanan at nararamdaman. Ang mga ito ang nagbibigay interes sa mambabasa. Nagkakaroon sila ng ideya upang makabuo ng mas maganda at malikhaing akda. Maraming akda ang naipasa ng mga manunulat noong unang panahon at hanggang ngayon ay patuloy na tinatangkilik at binabasa. Ang pagbabasa ay gawaing di na maihihiwalay sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sa modernong panahon, marami nang aklat ang nailathala. Maraming manunulat ang nakalikha ng iba’t ibang akdang kasulatan na nagpamalas ng kanilang malikhaing isip. Ang mga akdang ito ay naging sentro ng interes ng mga mambabasa. Ilan sa mga ito ay ang mga balita o programa sa telebisyon na ipinalalabas na nagbubukas ng mga panibagong imahinasyon, ideya at perspektibo. Kaya naman, naging tanyag ang iba’t ibang akdang nasusulat na may iba’t ibang tema o paksa at nagdudulot ng iba’t ibang damdamin. Sa mga mag-aaral, ang pagbabasa ng mga akda ay kabilang na sa kanilang aralin. Ang pag-aaral ukol sa mga akdang ito ay isinusulong din upang malinang ang kaisipan at lohikal na pag-iisip. Naging kasanayan na din ito ng mga mag-aaral dahil na rin sa mga tema nito na naaangkop sa kanilang edad at karanasan. Sa pag-usbong ng teknolohiya, nagkaroon ng pag-unlad sa makatotohanang pagpapakita ng nilalaman ng mga librong ito. Ang mga tao ay nagkaroon ng kaisipan na ipahayag ang mga akda upang maramdaman at maintindihan ang mga nakasaad dito. Sa Pilipinas, maraming batikang manunulat ang naisapelikula ang mga librong kanilang nilikha. Ang pagsasapelikula ng mga akda ay naging uso sa mga akdang pumatok sa bansa. Tinutulungan ng pelikula ang mga mambabasa na mas maintindihan ang mga aklat na nailimbag. Dahil dito, mas lalong naintindihan ng mga mambabasa ang realidad ng kwento sa libro. Sa karaniwang panahon, malaki ang naitutulong ng pagsasapelikula ng mga akda sa mga Pilipino lalo na sa mga mambabasa. Isang epektibong paraan ito upang mas lalong maintindihan ng mga mambabasa ang teksto sa libro. Ang pagsasadula ng mga pangyayari ay makapaglilimbag sa kaalaman ng mga tao lalo na sa henerasyong kinalalagyan nito. Ito rin ay isang sangkap sa lalo pang pagkatuto sa mga akdang binabasa. Dahil sa mga ito, minarapat ng mga mananaliksik na gumawa ng pag-aaral ukol sa pananaw ng mga piling mag-aaral ukol sa mga nasusulat na akdang isinapelikula.
Paglalahad ng Suliranin Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang Pananaw ng mga Piling Mag-aaral sa ika-apat na Taon ng Unibersidad ng Batangas sa mga nasusulat na Akdang Isinapelikula. Tinitiyak ng pag-aaral na ito na maihayag ang kasagutan sa mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang propayl ng mga mag-aaral na nanunuod ng mga akdang isinapelikula? 2. Anu-anong mga akdang isinapelikula ang pumatok sa mga kabataang Pilipino? 3. Ano ang mga nabago sa nakasulat na akdang isinalin sa pelikula? 4. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral sa panunuod ng mga nasususulat na akdang isinapelikula? 5. Ano ang mga epekto ng panunuod ng mga isinapelikulang akda sa kanilang pag-aaral ng panitikan?
Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pagsusuri sa pananaw ng mga piling mag-aaral sa ika-apat na taon ng Unibersidad ng Batangas sa mga nasusulat na Akdang Isinapelikula ay malaki ang maitutulong sa mga sumusunod: Mga Guro. Ito ay magiging gabay sa kanila upang mas maipabatid ang aral ng mga akdang isinalin sa pelikula sa mga mag-aaral. Matutulungan lalo sila sa kung papaanong paraan nila maipapahayag ang aral ng akda. Mga Mag-aaral. Ito ay makakatulong sa kanila upang mas maintindihan ang mga pagkakaiba ng mga nasulat na akda sa mga isinalin na akda sa pelikula. Makatutulong din ito sa kanila upang mas mabatid ang mga aral na nakukuha sa mga babasahing teksto at sa mga napapanood na pelikula. Mga Mananaliksik sa Hinaharap. Ito’y magsisilbing sanggunian ng mga mananaliksik na may kaangkupan ang pag-aaral. Sa tulong ng pag-aaral na ito, mabibigyan din sila ng ideya sa kung paanong paraan pa mapapabuti ang kamalian sa mga isinasapelikulang akda.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa pag-aaral ukol sa pananaw ng mga piling mag-aaral ng Unibersidad ng Batangas sa mga nasusulat na akda na naisapelikula. Ang pag-aaral na ito ay nakatutok lamang sa mga pananaw ng mga mag-aaral sa mga nasusulat na akdang naisapelikula. Kukuha ng sampung mag-aaral sa bawat seksyon ng 4th year Science High School. Alamin sa pag-aaral na ito ang epekto, pagkakaiba at pananaw ng mga mag-aaral sa akdang isinapelikula. Ang pag-aaral na ito ay hindi sumasaklaw sa iba pang aspeto ng pelikula at sa katangian ng mga mag-aaral. Tanging mag-aaral lamang ng Ub ang paksa ng pag-aaral.
Kahulugan ng mga Katawagan Ang mga iba’t ibang salita na nabanggit ay binigyang kahulugan upang lubos na maintindihan ang pag-aaral:
Akda. Isang nasusulat na komposisyon mapa-aklat, tula, kwento o kung anu-ano pang klase ng komposisyon (http://tagaloglang.com/Tagalog-English-Dictionary/English-Translation-of-Tagalog-Word/akda.html). Sa pag aaral, ang akda ay gagamitin upang maka kuha ng datos sa mga akdang isinapelikula.
Aklat. Ang aklat o tinatawag ring libro ay mga pinagsama-samang mga nailimbag na salita sa papel (http://tl.wikipedia.org/wiki/Aklat). Sa pag aaral, ang akda ay gagamitin upang maka kuha ng datos sa mga akdang isinapelikula.
Isinapelikula. Ang paggawa ng pinilakang tabing ng mga akda gaya ng mga kwento, anekdota, talambuhay at sanaysay bilang bahagi ng industriya ng libangan. (E. Marasigan, 2005)
Sa pag aaral, ito ay isang varyable na sasagutin ng mga mananaliksik sa pag aaral.
Kwento. Isang bagay na nilikha ng imahinasyon o totoong pangyayari na naranasan ng isang tao (www.pinoyedition.com/kwento.html). Sa pag aaral, ito ay gagamitin upang malaman ang pagkakaiba ng mga akda at akdang naisalin sa pelikula.
Mag-aaral. Ang mag-aaral o estudyante ay siyang taong nag-aaral at tinuturuan ng guro upang makadiskubre ng mga bagay. (http://tl.wikipedia.org/wiki/Mag-aaral)
Sa pag-aaral, ang mga mag aaral na gagamitin ay ang mga 4th year Science High School upang makakuha ng mga datos sa pananaw ukol sa isinaling pelikula.
Nasusulat. Ito ay mga bagay-bagay sa mundo na pawang katotohanan na naisapubliko sa pamamagitan ng mga libro at iba pang uri ng dokumento. (E. Marasigan, 2005) Sa pag-aaral, ito ay ginamit upang lubos na maunawaan ang kwentong isinapelikula.
Pagbabasa. Ito’y tumutukoy sa aksyon kung saan ang isang tao ay may binabasa naa isang komposisyon gaya ng isang aklat o magasin (http://www.depinisyon.com/depinisyon-105061-pagbabasa.php). Sa pag-aaral, ito ay ang pag-iintindi sa mga kwentong nakalathalang bibigyang pansin ng mga mag-aaral.
Pananaw. Ang paningin o pananaw, kilala rin bilang kamalayang pampaningin at persepsiyong biswal, ay ang kakayanang makapaunawa o makapagpaliwanag ng kabatiran at mga kapaligiran mula sa epekto ng liwanag na nakikita na umaabot sa mata. (http://tl.wikipedia.org/wiki/Paningin)
Sa pag-aaral, tto ay ang opinyon ng mga tao sa mga aklat na isinapelikula.
Tema. Isang paksa na binabanggit o pinag-uusapan sa isang lathalain o sa isang sine (E. Marasigan, 2005) Sa pag-aaral, ito ay ang diwa ng kwento ng aklat na isinapelikula.
Pelikula. Kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na sinsakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan na pinapanood ng mga tao (http://tl.wikipedia.org/wiki/Pelikula). Sa pag-aaral, ginamit ang pelikula upang lubos na maintindihan ang epekto nito sa mga piling mag-aaral sa ika-apat na taon.

Similar Documents

Free Essay

Filipino

...PY 10 Filipino EP E D C O Modyul para sa Mag-aaral D Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. ng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at Kagawaran ng Edukasyon sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, Republika ng Pilipinas kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. EP E D C O PY Filipino – Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing...

Words: 47092 - Pages: 189