...Salamat aking Ina” “Inay! Inay!” ang mga katagang aking nasabi habang tanaw ang aking Ina naglalakad papalayo kasabay ang pag buhos ng malakas na ulan. Sa bawat pag patak ng ulan ay ang pag-agos ng luha sa aking mga naniningkit na mata. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang umalis lagi ang aking Ina. Wala naman siya sinasabi, basta ang tanging natatandaan ko lang ay ang pasalubong n’yang marie (isang uri ng biscuit) kapag siya ay dumarating, ngunit andun parin ang tampo ko sa kanya. “Ineng ilan taon kana?” tanong sa akin ng matanda. “Lima na po” ang aking tugon. Papunta kami ng araw na yon sa aking nanay. Sa mga panahong iyon wala na ang aking Ina sapagkat ako, ang bunso kong kapatid na lalaki at ang aking ama lamang ang aking kasama sa araw na yon. Muling bumalik sa aking gunita ang pag-alis ng aking mahal na Ina. Bakit Kaya? Ang tanong na laging naiiwan sa aking isipan. Dumaan pa ang ilang taon. Malapit na ang palistahan sa elementarya sa aming barangay para sa mga mag-aaral sa unang baitang. Ang aking ama ang aking naging unang guro. Tinuruan nya akong gumamit ng lapis at papel at pati na rin ang pagbabasa. Siya ang namili ng aking mga gamit sa paaralan at ang nagpatahi ng aking mga uniporme. Nasaan ang aking Ina? Bakit wala pa rin siya? Dumaan pa ang ilang buwan at nakatungtong na ako sa elementarya. Unang araw ng eskwela, ang aking ama ang nagluto ng aking umagahan at naghanda ng aking pagkain para sa panang-halian. Plantsado na rin ang aking uniporme at nakahanda...
Words: 622 - Pages: 3
...mga pangyayari sa aking buhay na nagdulot sa akin ng kalungkutan o kabiguan, pipiliin ko yung pnagyayaring pumunta kami sa Camotes Island. Sinalubong kami ng isang masamang pangyayari doon sa Isla na iyon. Doon sana ako magdiriwa sa aking ika labing-apat na kaarawan. Lahat sa amin sana ang pupunta, pero bago kami pumunta sa Camotes, nagpaalam kami sa aming ina na una kaming pumunta sa Isla bago pupunta ang lahat. Hindi sumang-ayon ang aking Ina. Parang may nakita siyang isang problema kapag kami ay unang pupunta doon. Pero kahit hindi sumang-ayon ang aking Ina, sumang-ayon naman ang aking ama. Noong nasa Camotes na kami, binisita naming ang mga kaibigan ng aking pinsan at doon nagsimula ang kasayahan. Inimbita kami sa isang hapunan at sa aming pagpunta doon, nangyari ang hindi naming inaasahan. Nabangga ang aming sasakyan at naipit ang kanang kamay ng aking kapatid. Halos na itong naputol at sadyang hindi na magagamit. Akala ko ngang hindi na siya mabubuhay pa. Ako naman ay may nakuhang mga pigsa sa katawan. Napili ko ang pangyayaring ito dahil lubos itong nagbigay ng pighati sa aking damdamin at sa damdamin ng aming pamilya at mga kaibigan. Maraming tao ang nalungkot sa pangyayaring iyon. Marami ang naluksa at nagpakita ng simpatiya sa aming pamilya gayun man sa aking kapatid. Kung hindi pa sana kami unang pumunta doon, kung sumunod palang kami sa payo ng aking ina, hindi sana nangyari ang masamang pangyayaring iyon. Masaya sana ang aking pagdiriwa ng aking kaarawan. Makakasulat...
Words: 322 - Pages: 2
...“yugto ng aking buhay” Isa akong simpleng tao na naninirahan. Masaya ang aking pamilya dahil kahit papano nakapagtapos ako ng pag aaral ng high school kahit isa kaming mahirap lamang hanggang ako’y nakatungtung sa kolehiyo sa mga problemang nag daan sa aming pamilya nalampasan naming at muli kaming bumabangon. Tatlo kaming mag kakapatid at ako ang panganay nag iisang babae hindi ko man kayang matulungan ngayun ang aking mga magulang kakayanin kong makapag tapos ng pag aaral at makakuha ng magandang trabaho..awang awa na ako sa aking mga magulang na nag tatarabaho upang may baon kaming mag kakapatid lalo na ang aking papa kayod ng kayod kahit gabihin sa pag wewelding para may makain kmi kilala ako sa paaralan bilang isang nag papatawa at nag papasaya sa aking mga kamag aral pero sa lahat ng pag papasaya ko sa kanila dun kunalang binubuhos ang lahat ng aking mga problema sa buhay.tama nga naman ang sinabi ni dolphy nuong sya’y buhay pa na sa isang taong comedy sa harapan ng pelikula nilalabas ang di nakikita ng iba pero sa likod ng pelikula napakadami ng problemang kinakaharap. Masasabi nating sa lahat ng tao halos mag pakamatay na sa problema,kaya para sa akin ang problema ko ngayun na kinakaharap nag darasal nalang ako sa panginoon kahit papaano may mga napapasaya akong mga taong mahal ko sa buhay. Minsan naiisip ko bakit pa ako nabuhay at sana namatay nalang ako para wala ng problemang ina asikaso ng aking mga magulang,pero nung mga araw nay un nag kwento ang aking mga magulang...
Words: 384 - Pages: 2
...isinilang ang isang mala anghel na batang babae. Labis ang galak nga kanyang ama at ina. Mangiyak ngiyak din sa saya ang mag-asawa pag dinig nila ng iyak ng sanggol. Ang batang tinutukoy sa itaas ay walang iba kundi ako. Ako si Jana Marie Leguira. Labing walong taong gulang. Nakatira sa Brgy. Poblacion Ilawod Lambunao, Iloilo. Anak nina G. Rufino Leguira at Gng. Melida Leguira. Ang aking ama ay isang empleyado ng gobyerno. Ang aking ina ay isang maybahay. Ako ay may kaisa isang kapatid na lalaki na kasalukuyang nasa ika-4 na taon sa kolehiyo. Ako at ang aking pamilya ay masayang namumuhay sa isang simple at masaganang buhay. Salamat sa Diyos at biniyayaan niya ako ng mapagmahal na pamilya. Nagpapasalamat din ako sa aking ama’t ina na walang sawang sumusuporta at nag-aalaga sa aming magkapatid. Hindi man kami mayaman pero hindi naman kami isang kahig isang tuka. Tama lang na nakakakain kami tatlong beses sa isang araw. Tinahak ko ang aking buhay sa elementarya sa Don Eugenio Ladrido Memorial Elementary School. Nagkaroon ako nga maraming kaibigan doon. Sulit ang aking 6 na taon na pag aaral doon. Doon na ako sa paaralang yun nagka isip at nag kamalay. Ang aking sekondarya sa Lambunao National High School ay siyang hindi ko nakakalimutan. Dito ako hinulma bilang ganap na tao. Hindi ko rin nakakalimutan noong nasa unang taon ako sa high school. Dumating ang malaking dagok sa aming buhay. Na stroke ang aking ina. Labis na lamang ang aming takot dahil malubha ito. Umabot ng 2 buwan sa ospital...
Words: 401 - Pages: 2
...hanggang katapusan Elias: Anim na pung taon ang nakakaraan nang maglingkod ang aking nuno sa bahay ng isang mangangalakal na kastila. Isang gabi, nasunog ang bahay. Elias: Ang sunog ay nakatupok ng malaking halaga. Hinanap ang may sala at ang aking nuno ang siyang isinakdal. Babae: (umiiyak) Hahanap tayo ng paraan asawa ko, upang mapawalang sala ka. Kukuha tayo ng magaling na abogado at— Nuno: (hinawakan ang kamay ng asawa) Saan tayo kukuha ng pera? Mahirap lamang tayo, walang maipambayad. Babae: Ngunit… Nuno: (umiling) Wala na tayong magagawa. (close curtain) scene 4 -bundok background- (pisi, kabayo, latigo) SF: yapak ng kabayo, tunog ng latigo. Narrator: Nahatulan ang nuno ni Elias. Siya’y ipinaseo sa lansangan na nakagapos at pinagpapalo sa bawat panukulan ng daan. (nasasaktan sa bawat palo. Nawalan ng malay ang nuno) Elias: Nagkasakit siya at nang gumaling ay namundok sila. Nanganak ang babae ngunit namatay ang sanggol. Ilang buwang lumipas, nagbigti siya nang hindi na niya matiis ang kanyang kasawian. Babae: (napatakip sa bibig nang makita ang asawa na nakalambitin at patay na) Asawa ko! Elias: Ilang buwan din ay nanganak ng sanggol na lalaki ang asawa. Ang panganay na anak ay tinawag na Balat na kilalang kilabot. Ang ina ay nakilala sa tawag na Delingkuwente at napalo. Ang bunso dahil sa mabait ay tinawag lamang na anak ng ina. Isang araw, nakita ng anak ang ina na patay na. Sinundan niya ang mga mata nito at nakita nito ang pugot na ulo ng...
Words: 3022 - Pages: 13
..."PARA SAYO AKING INA" Ito ay aking liham para sa aking pinakamamahal na ina. Mula sinapupunan siyam na buwan mo kaming inalagaan, hanggang kami'y iyong ipinanganak. Sanggol pa lang kami halos ayaw mo kami makagat ng kahit anong insekto, mula ng Nagkaisip, nag-aral nandiyan ka sa tabi namin. Ginawa mo ang lahat ng bagay para kami'y mabuhay ng maayos at lumaki ng may takot sa diyos. Inaruga mo kami ng higit pa sa buhay mo, ayaw mo kami masasaktan o magugutom man lang. kinakaya mo lahat ng bagay para sa amin at para sa iyong kabiyak, tinalikuran mo ang lahat ng marangyang bagay para sa amin, hindi ka sumuko sa lahat ng pagsubok na dumating sayo, kapag nahihirapan ka ay umiiyak kana lamang at nagdarasal ka. kahit kailan hindi ka naging maramot sa amin at sa iyong kabiyak, kahit wala ka na basta maibigay mo lahat para sa amin, iniisip mo lagi ay mga bagay na makakapag pasaya sa amin, wala akong narinig sayo na kahit anong hinaing na kahit alam ko at nararamdaman ko ang hirap na iyong nararanasan. Para sa akin ikaw ay isang ulirang ina, matatag, may paninindigan at may takot sa diyos. Na kahit hanggang ngayun na alam kong ikaw nahihirapan ay nandiyan ka pa rin, nananatiling nagpapa-alipin at nag-aalaga sa kanya, pasenya kana ina kung minsan ay masyado siyang perpekto, kung puro sakit ang binibigay niya sayo. Kung kaya ko lang akuin ang mga bagay na nagpapahirap sayo, ang mga masasakit na salita na naririnig mo, ay aakuin ko. O aking ina sana ay maging mas matatag ka ngayun...
Words: 1169 - Pages: 5
...case study Stephanie L. Arevalo VII -Integrity Ang Aking Talambuhay Ako si Stephanie Luzon Arevalo ipinanganak noong ika - 21 ng Oktubre 2000 sa Naujan, Oriental Mindoro. Ang aking ama ay si Leoncio De Borja Arevalo at ang aking ina ay si Benedicta Luzon Arevalo. Ang hanapbuhay ng aking magulang ay negosyo sa Julian Pastor Memorial Market. Kami ay labingapat magkakapatid ako ang bunso. Ang madalas na tawag sakin ng iba ay Phanie. Sa ngayon tatlo na lang kaming napasok sa paaralan ang kua George nasa ikatlong kolehiyo nakuha ng kursong seaman, ate Vivian nasa unang kolehiyo nakuha ng kursong accountancy at ako G-7 hayskul. Noong ako'y nasa elementarya palang ako'y nag aral sa pampublikong paaralan ng Julian A. Pastor Memorial Elementary School. Ang aking hilig ay sumayaw. Ang aking paboritong pagkain ay sphagetti sa pagkakaalam ko pinaglihi ako dito noong pinagbubuntis ako ng aking ina. Ang paboritong kung actress at singer ay si Sarah Geronimo. Ang paborito kung kulay ay rosas at ang paborito kung asignatura ay matematika. Payak lamang ang pamumuhay ng aking pamilya masaya, sama-sama, at tulong-tulong ngunit hindi maiiwasan ang mga problema na talagang susubukin ang isang pamilya pero ang kaylangan lamang ay pagmamahal, pagtutulangan at pananalig sa Diyos upang malampasan ang lahat ng iyon. Sa aking karanasan naman sa buhay ang hindi ko malilimutan ay noong nakagat ako ng aso sa ilong noong akoy bata pa...
Words: 374 - Pages: 2
...Psyche. Kaya 6 sit back hear and relax (MSC FADES OUT) 7 MSC : THEME INTRO UP & OUT……BIZ……BIRDS 8 APHRODITE : (GALIT) Mayroon pa bang mas gagaanda sa akin na isang mortal 9 na babae? Ibigay sa akin ang kagandahan ng aking mga karibal 10 na sina Pallas at Juno. Pero siya sisigurduhin ko’ng magdusa siya 11 habang buhay at nang tuluyang mawala ang kanyang 12 kagandahan. 1 APHRODITE : Aking pinaka mamahal na anak, gusto ko’ng parushan mo yang 2 suwail na kagandahan, ipag higanti mo ang iyong ina at gawing 3 bruha ang babaeng yan. 4 KUPIDO : Opo aking pinaka maamahal na ina kukuha ako ng mga mapapait 5 na mga tubig sa iyong harden at ididlig ko ito sa kanya at pauloy 6 na siyang pumangit. 7 SFX : STRONG WIND 1 SFX : LANDING SOFTLY WITH SLIPPERS ON…….DROPS OF WATER 2 KUPIDO : (SOFT) Dapat nga bang gawin koi to sa napaka awang nilalang na 3 ito? 4 SFX : ARROW PIERCED 5 KUPIDO : (SHOCKED) Ano ba naman ito? Bakit ko na pana ang aking sarili? 6 Isa lang ang dapat na gawin kundi ang sundin ang...
Words: 1514 - Pages: 7
...ANG INAHING MANOK AT ANG KANYANG MGA SISIW Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman ng mais. Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at sinabing, "Panahon na upang anihin ko ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani bukas!" Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, "Kailangang lumikas na tayo rito at humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!" "Huwag kayong mabahala mga anak," ang wika ng inahing manok. "Kung mga kapit-bahay lamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! May panahon pa tayo upang manirahan dito." Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga'y walang mga kapit-bahay na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka. "Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak ako lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!" "Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, "Kung sa mga kamag-anak lamang siya aasa hindi magsisipagsunod ang mga iyon! May mga trabaho ring dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan. May panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!" Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na dumating...
Words: 676 - Pages: 3
...sa murang edad pa lamang, inayawan ko na ang salitang kasal. Ayaw kong magkaroon ng bagong pamilya. Ayaw kong malayo kina Mama, Papa at Kuya. Ayaw kong mapalitan ang kahawak-kamay ko sa pagtahak sa landas ng buhay. Marami akong inaayawan sa mundo, pero isa lang naman ang puno’t dulo nito, ayaw kong masaktan. Natatakot ako. Natatakot ako na baka isang araw paggising ko ay nagbago na ang lahat. Natatakot ako na masilayan ang paglipas ng panahon. Takot akong malayo sa aking mga nakagisnan. Takot akong masaktan. Oo nga’t kasal ang pinakamahalagang okasyan sa mga kababaihan, pero ito rin ang umpisa ng bagong bukas. Minsan, sinubukan kong magpakamanhid. Ang bigat na salita, hindi ba? Unang beses ko kasing dadalo sa isang kasalan. Pinsan ko pa ang ikakasal. Itinuring ko na siyang parang tunay kong Kuya sapagkat sa amin na siya lumaki. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon datapwat alam kong napakasaya niya noong araw na iyon. Inaliw ko na lamang ang aking sarili sa kolorete na inilalagay sa aking mukha at sa suot kong bestida na tila ba bituing kumikinang-kinang sa langit. Ang sarap kaya sa pakiramdam na magpakaprinsesa lalo pa’t nasa bayang kinalakhan ko. Ang sarap kalimutan ng mga inaalala. Ang sarap pagmasadan na lamang ang mga magagandang tanawin sa Tagaytay City. Ayon nga kay Christian Lucas Sangoyo, Ang Tagaytay ay mainam para sa lahat at ito ay nagbibigay buhay sa natutulog na kaluluwa ng mga turista, bakasyonista, at iba pa. Nadama ko ang haplos ng malamig...
Words: 989 - Pages: 4
...Sa mga ugat ko ay nananalaytay, magiting na dugo ng raha at lakan; ang kasaysayan ko'y di malilimutan ng aking kalahi't liping pinagmulan Maraming bayaning nagbuwis ng buhay, di nagatubili sa tawag ng bayan, nabuwal sa dilim at nagdusang tunay upang kalayaan ay aking makamtan. Ikararangal ko itong aking lahi, di ikahihiya sa alinmang lipi; busilak ang puso, malinis ang budhi mamatay ay langit kung bayan ang sanhi. Taas noong aking ipagmamalaki Pilipino akong may dangal na lahi, Sintang Pilipinas ang bayan kong saksi, dinilig ng dugo ng mga bayani. ANG AKING GURO Masdan mo ang guro, ang taong dakila, Mapagtiis siya't laging matiyaga; Sa tungkulin niya'y lagi siyang handa, walang tigil siya sa maghapong gawa. Guro ko ang siyang nagturo sa akin, Na ang ating lupa ay aking mahalin, Ako raw'y gumawa at aking sikaping Mapaunlad itong mutyang bayan natin. Siya ang nagturo ng kabayanihan Ng ating Mabini, Burgos at del Pilar; Siya ang nagulat ng buhay ni Rizal, Siya ang nagturong ako'y maging tapat Sa mga tungkuling aking ginaganap Nagtatagumpay raw yaong masisipag, Di raw giginhawa yapng taong tamad. Siya ang maysabing ating tangkilikin Yaong mga bagay na yari sa atin; Sino pa raw yaong tutulungan natin Kundi kababayan at kalahi na rin. Guro ko ang aking tunay na huwaran Siya ay maayos sa kanyang katawan, Sa pagsasalita, siya ay magalang At sa diwa niya'y may matutuhan. Iyang aking guro'y isang mamamayang Dapat ding tawaging bayani ng bayan; Ang mga pinuno sa kinabukasa'y Nangagdaang...
Words: 3770 - Pages: 16
...buhay ng pangunahing tauhan. Isa din sa layunin ni Lualhati Bautista kaya niya isunulat ang Desaparesidos ay upang magbigay ng kaalaman at ipaliwanag kung bakit at para saan ang kanyang isinulat sa mga mambabasa. Layunin din niyang ipahayag sa mga kabataan at sa mga magulang ang relasyon sa isa't isa ay dapat pinapahalagahan habang nabubuhay ka pa at hanggang kaya mong ipakita kung gaano ninyo kamahal ang isa't isa. Ang paksa ng Desaparesidos ay makatotohanan. Makatotohanan dahilan sa mga pangyayaring nakasaad sa kwento na naranasan noong unang panahaon tungkol sa Martial Law. At makakatotohanan tungkol sa relasyon ng magulang sa anak na hanngang sa kasalukuyan ay nararamdaman din ng ibang kabataan ngayon. Tauhan: Anna (Ka Leila)- ina na hinahanap ang nawawalang anak na si Malaya; Ronildo Ibanag (Ka Roy)-NPA; asawa ni anna; ama ni Lorena; Karla...
Words: 1436 - Pages: 6
...Ang aking Talambuhay Ako ay si Gerard M. Briones. Ipinanganak noong Nobyembre 15, 1997 sa lungsod ng Batangas. Labingpitong gulang na ako. Nakatira ako ngayon sa Bayanan, San Pascual, Batangas. Ako ay bunso sa aming magkakapatid at ako lang ang lalaki. Ang pangalan ng aking mga kapatid ay sina Gema Liza, Charlene at Jennelyn Briones. Ang aking mga magulang naman ay sina Jhun at Noemi Briones. Ang aking tatay ay nagtatrabaho bilang “Welding Foreman” sa Saudi samantala naman ang aking inay ay nasa bahay lamang na umiintindi sa aming magkakapatid. Ang aking pangalan ay nabasa daw ng aking ina sa isang jeep na nakasulat sa harapan nito. Kung kaya’t pagkalabas ko sa tiyan nya ay yun na nga lang ang ipinangalan nya sakin. Masakit man isipin na dun kinuha ang pangalan ko, di ko na rin masisisi ang aking ina dahil yun ang tinadhana na pangalan sakin ng Diyos. Ako ay may taas na 5’8 at ako ay medyo kaputian ang balat. Hindi naman ako pangit at hindi naman sobrang gwapo. Katamtaman lang aking itsura. Ang katawan ko ay tama lang ang laki. Ang layunin ko sa buhay ay makatapos ng pag – aaral at magkaroon ng maayos na buhay at pamilya. Kung ako na rin ang papapiliin, gusto kong maging isang “Animator” dahil yun ang nakahiligan ko. Ang buhay ko ay maikukumpara sa isang kandila, pag sinindihan mo ito ay malakas ang apoy at unti – unti itong mauubos hanggang sa mamatay ang apoy nito. Gaya ng buhay ko na nasa kabataan pa na may malakas na pangangatawan at masiglang pag – iisip ngunit...
Words: 618 - Pages: 3
...diyosa sa bundok ng Olympus. Siya ay si Ilios na ibig sabihan sa griyego ay “Araw” , ngunit siya ay kalahating diyos at ang kanyang ina ay tao lamang. Dahil ang kanyang ama ay isang Diyos at palaging wala sa tabi ang kanyang ama, kaya ang kanyang ina lamang ay nagpapalaki sa kanya sa isang maliit na bahay sa isang isla ng Delos. Isang araw habang naglalaba ang kanyang ina merong mga kawal na mula sa Kaharian ng Athens na paparating sa bahay ng mag-ina, sinigawan ng kanyang ina na pumasok sa bahay mula sa pangangaso ang labin limang taong gulang na si Ilios at maghintay sa mga kawal. Isang kapitan ng mga kawal ay lumapit sa mag-ina at sinabing ,“Ako ay si Kapitan Runo ang ika tatlumpong tatlong sandtahang lakas na mula sa kaharian ng Athens at kailangan namin ang iyong anak na makasama sa lakbay papunta sa ilog ng Styx upang kunin ang nawawalang kaluluwa ng aming prinsipe”. sabi ng ina ni Ilios .“ Bakit kailangan niyo ang aking anak sa inyong mapanganib na paglalakbay, labin limang taong gulang lamang siya at walang ka ano-anong alam sa pagdidigma?”. sabi ni Kapitan Runo . “ Narinig namin na ang iyong anak ay anak rin ng diyos ng araw na si Apollo at kailangan namin ang tulong ng diyos ng araw upang kami ay may panglaban sa lugar ng kadiliman.” Sabi ng ina, “Sabihin niyo ang diyos ng araw ninyo na tumulong sa inyo hinde yung aking anak!”. Sabi ng Ina dala ang pagsisigaw at galit sa kapitan. “Ginawa na namin yun subalit ang diyos mismo ang nagsabi sa amin na tawagin at dalhin ang...
Words: 2230 - Pages: 9
...mhihiling pa si Pinang sa pag aarugang ibinibigay ng kanyang ina na si aling Rosa. Halos lahat ng kailangan niya'y nakahanda na sa araw-araw at walang oras na hindi siya inaasikaso ni aling Rosa. At dahil sa mahal na mahal siya ng kanyang nina ay minabuti nitong turuan si Pinang ng mga gawaing bahay upang bata palang ay matuto na siya. Ngunit laging kinakatwiran ni Pinang na alam na nya ang mga gawaing bahay, Kaya't pinabayaan nalang niya si Pinang. Isang araw umuwi si Pinang galing sa palaruan at inabutan nya ang kanyang ina na nag lilinis ng bahay. "Pinang anak tulungan mo nga ako maglinis ng bahay at para lang sumasama ang aking katawan" sambit ni aling Rosa. "Pero inay pagod din ako galing sa laruan" agad na sagot ni Pinang at sabay talikod sa ina at dumeretso sa kanyang silid. Kaya ala ng nagawa si aling Rosa kundi ipag patuloy ang paglilinis ng bahay, at si Pinang naman ay sa sobrang pagod sa paglalaro ay nakatulog sa kanyang higaan. Nang magising si Pinang ay magtatakip silim na kaya agad siyang lumabas ng silid upang hanapin si aling Rosa, ngunit wala ito sa sala pati narin sa kusina kaya nagtuloy si Pinang sa silid ng kanyang ina at doon niya natagpuan si aling Rosa na nakahiga sa kanyang papag. lumapit si Pinang upang gisingin ang kanyang ina upang itanong kung ano ang kanilang hapunan. Ngunit sa pag sayad ng kanyang palad sa braso ni aling Rosa ay bigla syang nagulat dahil sa sobrang init ng kanyang ina. "Inay.. inay.. ang sbi ni Pinang" agad namang nagising...
Words: 765 - Pages: 4