...na Literatura Sa Paglipat Ng Mga Kolehiyong Estudyante Ayon sa aking nabasang artikulo sa Isang Unibersidad sa Inglatera (New Castle University). Hindi na bago sa mga estudyanteng tutungtong ng kolehiyo ang maguluhan sa pagpili ng kanilang kukuning kurso sa kolehiyo . Na nagiging dahilan ng kanilang paglipat ng kurso sa Ij=kalawang semester ng taon o Ikalawang taon sa kolehiyo. Sa mga ganitong sitwasyon ay nakahanda ang mga Career Center ng Unibersidad o Institusyon na iyong nais pasukan upang tulungan ka sa iyong pag dedesisiyon. Narito ang ilan sa mga dahilan ng Paglipat ng kurso ng mga kolehiyong estudyante. * Nahihirapan o Nadadalian sa unang napiling kurso. * Kakulangan sa pangangailangang pinansyal. * Pagbabago ng prayoridad at plano sa buhay. * Problema sa Kalusugan Sa kabila ng mga dahilang ito mas makakabuti kung makikipag usap sa mga Career Advisers ng sa gayon ay matulungan ka nila sa iyong magiging desisyon at Iyong malaman kung ano ang mga naghihintay na opurtunidad sa iyong lilipatan na Kurso. 3 February, 2016 © 2016 Newcastle University Newcastle University, King's Gate, Newcastle upon Tyne, NE1 7RU, United Kingdom. Kaugnay na literatura sa Paglipat Kurso El Paso- Ang Pagpili ng Kurso sa kolehiyo ay isang napakahirap na desisyon para sa isang estudyante dahil dito nila matutukoy ang karera na kanilang haharapin habang buhay kaakibat na rin ang mga pagod at stress na dulot nito. “Nais ng aking ama na maging guro sa Asignaturang...
Words: 391 - Pages: 2
...EDUKASYON Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos. Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin.Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat...
Words: 1113 - Pages: 5
...filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Marciano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Ito ang karugtong sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba. Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Septyembre 18, 1891. Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan. Sa introdaksyon ng nasabing nobela ay si Ferdinand Blumentritt ang nagsulat nito na nagpapabatid na ang nobelang ito ay mas masidhi keysa sa Noli ayon sa pampulitikang mga ideya ng nobela. Bagamat hindi ko natapos ang aking napanuod na palabas nitong nagdaang Agosto 28, 2011 ay labis...
Words: 489 - Pages: 2
...Filipino na nakasulat ng 90 nobela, 2 libong mahigit na kuwento, 1 libong mahigit na sanaysay, 36 tomo ng iskrip sa radyo, 7 aklat ng salin, 3 iskrip sa telebisyon, at di-mabilang na kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng pangunahing publikasyong Tagalog o Filipino. Binago ni Arceo ang topograpiya ng panitikang Tagalog, at ng ngayon ay tinatawag na panitikang popular, sa paglalathala ng mga akdang nagtatampok ng halagahan [values], lunggati [vision], at kaisipang Filipino. Ginamit din niyang lunsaran ang pamilya bilang talinghaga ng Filipinas; at sa pamamagitan ng masinop ng paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapat na pedestal ang mga kathang Tagalog, sa kabila ng pamamayani ng Ingles bilang opisyal na wika ng edukasyon at gobyerno. Mga pangunahing aklat Kabilang sa mga pangunahing aklat ni Arceo ang sumusunod: * Maling Pook, Maling Panahon. . .Dito, Ngayon (1998); * Mga Bathalang Putik (1998) * Titser (1995) * Canal de la Reina (1985) * Ina, Maybahay, Anak at iba pa (1998) * Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997) * Mga Maria, Mga Eva (1995) * Ang Mag-anak na Cruz (1990) * Mga Piling Katha ni Liwayway A. Arceo (1992) * Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba pang Katha (1968). Sumulat din ng biyograpikong nobela si Arceo at kabilang dito ang Ako. . . Si Clara (1990) na hinggil sa buhay ni Santa Clara ng Assissi; Claret, ang Misyonero (1988) na hinggil sa pundador ng Misyong Claretian; at Francisco ng Assissi na hinggil sa buhay ng pundador ng ordeng Fransiskano...
Words: 813 - Pages: 4
...mutyang bayan ko'y Perlas ng Silangan, kilala sa ganda at sa iwing taglay na yaman. Sa mga ugat ko ay nananalaytay, magiting na dugo ng raha at lakan; ang kasaysayan ko'y di malilimutan ng aking kalahi't liping pinagmulan Maraming bayaning nagbuwis ng buhay, di nagatubili sa tawag ng bayan, nabuwal sa dilim at nagdusang tunay upang kalayaan ay aking makamtan. Ikararangal ko itong aking lahi, di ikahihiya sa alinmang lipi; busilak ang puso, malinis ang budhi mamatay ay langit kung bayan ang sanhi. Taas noong aking ipagmamalaki Pilipino akong may dangal na lahi, Sintang Pilipinas ang bayan kong saksi, dinilig ng dugo ng mga bayani. ANG AKING GURO Masdan mo ang guro, ang taong dakila, Mapagtiis siya't laging matiyaga; Sa tungkulin niya'y lagi siyang handa, walang tigil siya sa maghapong gawa. Guro ko ang siyang nagturo sa akin, Na ang ating lupa ay aking mahalin, Ako raw'y gumawa at aking sikaping Mapaunlad itong mutyang bayan natin. Siya ang nagturo ng kabayanihan Ng ating Mabini, Burgos at del Pilar; Siya ang nagulat ng buhay ni Rizal, Siya ang nagturong ako'y maging tapat Sa mga tungkuling aking ginaganap Nagtatagumpay raw yaong masisipag, Di raw giginhawa yapng taong tamad. Siya ang maysabing ating tangkilikin Yaong mga bagay na yari sa atin; Sino pa raw yaong tutulungan natin Kundi kababayan at kalahi na rin. Guro ko ang aking tunay na huwaran Siya ay maayos sa kanyang katawan, Sa pagsasalita, siya ay magalang At sa diwa niya'y may matutuhan. Iyang aking guro'y isang mamamayang...
Words: 3770 - Pages: 16
...MGA KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGBASA Introduksyon May mahalagang bahaging ginagampanan ang pagbasa sa paghahasa ng talino ng tao. Kailangan ang maunawaang pagbasa tungo sa ganap na pag-unawa ng ano mang disiplinang saklaw ng kaalamanng tao. Kaugnay nito,dapat mabatid na ang pagbasa ay isang makrong kasanayang binubuo ng mga maykrong kasanayan. Sa medaling sabi, may mga kasanayang kailangang linangin ang sinumang tao upang siya ay maging isang epektib na mambabasa. Lalo na sa akademikong pagbasa, may mga ispesipik na kasanayang kailangang malinang upang ang pagbabasa ay maging higit na kawili-wili at prodaktib na karanasan para sa sinuman. Isa sa mga ispesipik na kasanayang ito ang pagtukoy sa hulwaran ng organisasyon ng teksto na tinalakay na sa naunang leksyon. Ang iba pang kasanayang mahalaga sa akademikong pagbasa ay ang mga sumusunod: 1. PAG-UURI NG MGA IDEYA AT DETALYE Makakatulong nang malaki ang kaalaman sa paksang pangungusap na siyang sentro o pangunahing tema/pokus sa pagpapalawak ng ideya at mga sumusuportang detalyena tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay-linaw sa paksang pangungusap. Ang paksang pangungusap ay ang pangunahing tema sa anumang tekstong ekspositori. Ito ang batayan ng mga detalyeng inilahad sa isang teksto. Kadalasa’y makikita ito sa unang talata at huling talata ng tekstong ekspositori. Maaring implayd o ekspresd ang paksang pangungusap kung ito ay nasa unahan. Kung ito ay nasa hulihan, nagiging kongklusyon ang paksang pangungusap...
Words: 2507 - Pages: 11
...Salawikain 1. Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa. 2. Ang buhay ay parang Gulong,minsan nasa ibabaw,minsan naman ay nasa ilalim. 3. Ang isip ay parang Itak,Sa hasa tumatalas Bugtong 1. Kabaong na walang takip, BANGKA Sasakyang nasa tubig. 2. Tumakbo si Tarzan, ZIPPER Bumuka ang daan. 3. Nagsaing si Betong, BIBINGKA Nasa ibabaw ang Tutong. ALAMAT Noong unang panahon, ang mga hayop ay nakapagsasalita at nagkakaintindihan. Sila ay magkakaibigan. Ang daigdig ay napakapayapa at animo'y isang paraiso. Ang mga aso, pusa at daga ay mabubuting magkakaibigan. Sama-sama silang kumakain. Lagi silang nagbibigayan at nagtutulungan sa kani·kanilang mga suliranin. Subali't ang lahat ng ito ay nasira dahil lamang sa isang pangyayari. Isang araw, umuwi ang aso na may dala-dalang buto para pagsaluhan nila ng kaniyang mga kaibigang pusa at daga. Wala doon sina pusa at daga dahil naghahanap pa rin ang mga ito ng pagkain. Nakarinig ng ingay ang aso sa pintuan ng bahay. Inilapag ng aso ang buto at tumakbo sa labas upang tingnan kung ligtas ang kaniyang amo. Sa oras naman na iyon ay dumating ang daga. Malungkot siya dahil wala siyang nakuhang pagkain. Nakita niya ang buto. Kinuha niya ito at dinala sa bubungan ng bahay. "Mamayang gabi ay may pagsasaluhan kami ng aking mga kaibigang aso at pusa." bulong ng daga sa sarili. Pagbalik ng aso sa bahay ay nagulat ito ng makitang walana ang iniwang buto. Naghanap nang naghanap ang aso subalit hindi rin niya makita ang...
Words: 1313 - Pages: 6
...Andres Bonifacio Ang kahirapan sa buhay ay di dapat maging hadlang sa ating pagmamahal sa bayan. Ipananganak si Andres sa tondo, Maynila noong Nobyembre 30, 1863. Ang ama nya ay si Santiago Bonifacio na isang sastre. Ang ina naman nya ay si Catalina de Castro na isang masipag na maybahay. Katorse anyos pa lamang nang maulila si andres. Kaya nagdesisyon sya magpaalam kay Don Guillermo Osmena na guro niya sa paaralang primarya. Panganay sa magkakapatid si andres siya ang unang nagtrabaho upang buhayin ang pamilya nila. Kasama nya ang mga kapatid nya na sina Ciriaco, Procopio, Troadio, Espiridiona at Maxima, gumawa at naglako sila ng mga tungkod na kawayan at papel na pamaypay sa lansangan upang may makain lamang. Ngunit hindi sapat ang kinikita ng magkakapatid kaya namasukan si andres bilang klerkmensahero ng Fleming and Company. Ngunit ng mamasukan sya doon hindi naging sapat ang kinikita ni andres doon, kaya lumipat sya sa malaki-laking Freshell ang Company. Kahit na sa prilimarya lang ang natapos ni andres nagsikap syang hubugin ang kanyang isip. Sinikap nyang unawain ang kalagayang pulitikal ng kanyang paligid sa pamamagitan ng pagbabasa. Kahit na batng bata pa sya ay nabasa at naunawaan na niya ang aklat na kasaysayan ng Rebolusyong Pranses. Sinasabing ang kayang tirahan ay kakikitaan mo ng mga aklat na Noli Me Tangere, El Filibusterismo, The Wandering Jew at Les Miserables. Ang malawak na kaalamang sinasabing pandigmaang ang maaaring naging dahilan upang pasukin ni andres...
Words: 710 - Pages: 3
...ANG MGA PISNGI MO Ang lahat ng̃ buti'y natipon na yata Sa kabataan mong ilag sa paraya, Pati ng̃ pisng̃i mong pisng̃i niyong saga Ay nakahihibang at nakahahang̃a. Ang mg̃a pisng̃i mo'y malambot, maamo, Mayumi, manipis at hindi palalo, Ang sang̃ahang ugat kahit humahalo, Ay napapabadha't... di makapagtago. Kung ikaw'y hindi ko dating kakilala Ako'y mamamangha kung aking makita Ang mg̃a pisng̃i mong wari'y gumamela. Naiinggit ako sa paminsanminsan Sa dampi ng̃ hang̃ing walang-walang malay, Pano'y kanyang-kanya ang lahat ng̃ bagay..! PAG-IBIG Ni: Jose Corazon De Jesus Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha! Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata. Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata, tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa. Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso; pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro. Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo. . . naglalaho, layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo. Ang pag-ibig na dakila’y aayaw ng matagalan, parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiiman. Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan, at ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang. Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos, walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos. Ang pag ibig na matapang ay puso ang inaanod pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog. Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral, tandang di pa umiibig, nakikita pa...
Words: 940 - Pages: 4
...bansa. Bilang isang Pilipino, ang magagawa ko ay ang tulungan ang aking sarili. Unti-unti ko itong babaguhin para hindi ako mahirapan sa pagtulong sa aking pamilya. Pagsisikapan kong iangat ang aming estado at baguhin ang lahat na ugali na puwedeng makasira sa aming samahan. Titiyakin kong maging maayos ang aming relasyon para mapanatili ang katahimikan sa loob ng bahay. Tutulong ako sa mga problema ng aking mga kaibigan para mapagaan ang bigat na kanilang pinpasan. Hindi ako magdadalawang isip na gabayan at pangaralan sila dahil alam ko ang lahat ng aking ginagawa ay para sa kanilang kinabukasan na ipaangat ang kanilang pamumuhay. Gagawa ako ng isang maliit na grupo na ang hangain ay tumulong sa mga nangangailangan. Papalawakin ko ang isipan ng bawat miyembro para maipamahagi nila ang kanilang kaalaman sa mga taong nasasakupan ng aming barangay. Gagawa kami ng programa na maaaring makapabago sa buhay ng bawat isa. Hihikayatin namin na baguhin ang sistema ng pamamalakad ng aming mga opisyales sa barangay. Gagawa ako ng mga poster, sanaysay, awit at slogan na nagpapahiwatig ng mga bagay na dapat nating gawin upang makatulong sa ating bansa. Lilinangin ko ito at ilalagay sa internet upang makita ito ng mga tao sa buong mundo. Hihikayatin at tutulungan ko ang aking mga kababayan na ipakita at ipamalas ang kanilang talento para isa sila sa mga ipagmalaki ng ating bansa. Magsasagawa ako ng grupo sa buong bansa gamit ng makabagong media para makatulong sa anumang sakuna na maaaring mangyari...
Words: 3082 - Pages: 13
...KABANATA I SULIRANIN AT SANDIGAN NITO Ano nga ba ang epekgto ng kawalan ng magulang? At anu nga ba ang pangunahing dahilan kung bakit nawawalan ng magulang ang kabataan? At bakit mas madaming magulang ang nagiging pabaya s kanilang mmga anak ? at bakit mas gusto p nila na ipagpalit ang kanilang mga anak para lamang s sarili nilang kagustuhan? At bakit mas hinahayaan pa nila ang kanilang mga anak n tumayo sa mga sariling paa nito? At ano ba ang posibleng mangyari kapag hindi nila ginampanan ang mga tungkulin nila bilang magulang sa kanilang mga anak ? At marami nabang mga kabataan ang pakalat-kalat ngaun sa lansangan dahil s kapabayaan ng mga magulang? Maraming katanungan sa itaas ang gusto nating masagot pero pano ba natin ito masusulusyunan ? malalaman naten s mga susunod na mga pahina. Ang epekto ng mga magulang sa kanilang mga anak ay maraming kasagutan ang mga halimbawa , sa maagang pagbubuntis o’ pag aasawa nagagawa nila ang mga mali sa mga oras na hindi pa nila kayang gampanan ang kanilang mga sarili kaya nagagawa din nilang iwan ang kanilang mga anak hudyat lamang sa pag sunod sa kanilang sariling mga kagustuhan. Mas marami na nga bang mga magulang ang mas nagiging pabaya sa kanilang mga anak , ang sagot karamihan hindi , dahil mas marami pa sa loob ng mundo ang marunong sumunod sa mga tungkulin o responsible bilang mga magulang dahil nakagamit sila ng maayos n pagpaplano o’ mas kilala sa salitang “family planning” at dahil mas meron silang kakayahan para maayos...
Words: 3337 - Pages: 14
...na pupuntahana po natin ngayon ay mga lugar na pinuntahan ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal. 1st stop Nikki: Nandito po tayo ngayon sa Singgapur, dito kung saan unang pumunta si Rizal sa kanyang paglalakbay pagkataposmaglakbay ng limang araw. 1st Rizal (Singgapur): Habang nandito ako tumitingin sa kanilang makasaysayang tanawin ay ginugol ko ang panahon ko sa pagsulat ng talaarawan at mga liham. Nikki:. Dumaan si Rizal sa Napoles at Marselles. Mula Marselles ay tumungo siya sa Barcelona. Kaya tara na sa Barcelona! 2nd Rizal (Barcelona): Dahil sa maunlad at malayang kapaligiran, dito ko sinulat ang isang makabayang sanaysay na ang pamagat ay Amor Patrio (Pag-ibig sa Tinubuang Lupa). Ito ang kauna-unahang sinulat ko sa Espanya. Nikki: Pagklatapos ng tatlong buwan si Rizal ay pumunta naman ng Madrid [matapos niyang marinig ang masamng balitang na ang salot ng kolera ay kumakalat sa Maynila at karatig sa pook nito]. Kaya pumunta na rin tayo sa Madrid para malaman natin kung ano ginawa niya doon. 3rd Rizal(Madrid): Dito ay nagaral ako ng Medisina, Pilosopiya, at Panitikan sa Unibersidad Central de Madrid. Nag-aral din ako ng pagpinta at at eskultura sa Academia de San fernando. Kumain ako sa piging na inihandog sa karangalan ng mga pintor na sina Juan Luna at Resurrecccion Hidalgo sa pagwawagi nila sa pagpinta. Ipinahayag din nila ang kaluluwa ng ating lipunan, ugali at kabuhayang pampulitika. Pagkatapos ng salo-salong iyon ay nakita ko...
Words: 2323 - Pages: 10
... | |Isang Hakbang Tungo Sa Paglaya Gabay Ng Mag-Aaral | |I Am Redeemer and Master Evangelical Church | CONTENTS Apat na Kamangha-manghang Pagkakataon Ang mga Benepisyo ng Krus Ang Bagong Kapanganakan Ang Pangangalaga sa Bagong Kapanganakan Ang Benepisyo ng Bagong Kapanganakan at ang Buhay ng Espiritu Pagkilala sa ating Kaaway Ano ang kailangang malaman patungkol sa ‘Encounter’ Panimula Ang pagkakatagpo (encounter) kay Hesus ay ang pinakamaluwalhating karanasan na maaaring mangyari sa isang tao. Binabago niya ang ating buhay, pinapauli ang ating puso at iniaangat ang ating espiritu. Sa ating pagkatagpo sa kanya, napaparam ang kalungkutan, natutunaw ang sakit at ang ating paghihirap (depression) ay nawawasak sapagkat ang kalakasan ng Kanyang Banal na Espiritu ay hinihipo ang ating buong pagkatao. Nang aking makatagpo si Hesus, binago niya ang patutunguhan ng aking buhay, binaliktad niya ng isang daan at walumpung digri (180°) sapagkat siya ay sobrang kakaibang tao. Nagsimula akong makakita sa aking bagong paningin at may kaibang pananaw. Binigyan niya ng bagong kahulugan ang aking buhay na ako’y lubos na naniniwala na hindi ako nag-aaksaya ng panahon. Mula ng makatagpo ko siya, nais kong matubos (redeem) ang bawat sandal ng aking pananatili sa mundo. Ang gabing nasumpungan ko si Hesus ang pinakamaluwalhating sandali ng aking buhay. Ang bawat araw simula ng karanasang ‘yon ay mahalaga sapagkat pambihirang...
Words: 11570 - Pages: 47
...Teoryang Pampanitikan Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pagaaral ng panitikan at ang mga paraan sa pagaaral ng panitikan. Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito. Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sinp, ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigayng kayamanan. Natanggap ng isang tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay totoong makasisira rin sa tao. Teoryang Markismo/Marxismo Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga bahaging tiyakang nagpapakita ng paglabanan ng malakas at mahina; mayaman at mahirap . Makabuluhan rin kung paano natalo ng mahina ang malakas ng dukha ang mayaman. Ginagamit ng mga oriyentasyon na ito upang mabuksan ang mga isipan at ang mga mata ng tao sa pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan. Ito'y sumibol sa panahon ng kastila at hapon, at namayagpag naman sa makabagong panahon WALANG PANGINOON ni Deogracias Rosario ...
Words: 7708 - Pages: 31
..._______ Panuto:Salungguhitan ang tamang sagot na nasa loob ng panaklong. 1. Sa kanila napangangalagaan ang moralidad ng pananamit. Nangangahulugan itong:( sumusunod sa uso/ pagtalima sa batas/ may dati ng resolusyon/ may ipinatutupad na batas) 2. Makatulong sana kayo upang di maging dungis ng lipunan. Ang may salungguhit ay nangangahulugang:( makasalanang mamamayan/palaaway na kabataan/mamamayang mangmang/pabigat sa bayan) 3.Isang dahilan ito ng paglaho niya sa sanlibutan. Nangangahulugan ang may salungguhit ng: (pag-alis/paglipat/pagkawala/pagwasak 4. Tungkol sa pamamalakad ng trapiko, may ordinansa sila na nagpaparusa sa mabagal magpatakbo ng sasakyan. Kung gayon dapat lamang na: ( magpatakbo nang mabilis/magpatakbo nang tiyak na may kaligtasan/ magpatakbo nang di nakakaabala/magpatakbo tulad ng nakikipagkarera) 5. Ang Miliminas at Pilipinas ay maaaring iisa dahil sa: (pagbanggit ng heograpiya nito/pagkakalarawan sa pananamit/ pagkakaroon ng mga katiwalian/pagkakasundo sa mga transaksyon 6. May mga alagad ng pamayanan na gumagamit nang mabuti. Sila pa ang nagtatago dahil sa sila’y pinagtatawanan. Nagpapahayag lamang ito na may: (kakaibang patakaran ditto/nakararami ang masama ngayon/ kumukutya sa gumagawa nang mabuti/nagagalit sa kanila 7. Naghahanda ang pamilya ayon sa katas ng kinabuhayan. Ang may salungguhit ay nangangahulugang: ( lebel ng hanapbuhay/ taon ng paghahanapbuhay/kalagayan ng buhay/mariwasang buhay) 8. May kasabihan silang iboto sa bulsa at hindi sa balota. Iboto...
Words: 1305 - Pages: 6