...Sa Lupa Ng Sariling Bayan ni Rogelio Sikat Walang hindi umuuwi sa atin. Walang hindi umuuwi sa kanyang bayan. Namatay ang kanyang ina noong siya’y limang taong gulang lamang. Di naglipat-taon, sumunod na namatay ang kanyang ama,. Siya’y inampon ng isang amain - ang kapatid ng kanyang ama sapagkat wala nang ibang sa kanya’y mag-aampon. “Dalawang pera lang ang hihingin niya noon sa kanyang Tata Indo ay kailangan pa niyang maghapong umiyak.” Sa ganitong pangungusap malimit ilarawan ni Ama ang kakuriputan at kabagsikan ng amaing iyong nag-ampon kay Layo. “Kaya ang gagawin ng Layong iyan ay paririto sa iyong ina sasabak ng iyak. Ku, kumakaripas pa ng takbo iyan kapag nabigyan ng ina ng tatlong pera.” Malaki na ang ipinagbago ng buhay ng batang iyong binabanggit ni Ama: Mula sa isang api-apihang kamusmusan, siya ngayo’y isa na sa mga kinikilalang manananggol sa lunsod. Kausapin mo ang isang abugado o kaya’y isang kumuha ng abugasya at malamang na nakikilala niya kung sino si Atty. Pedro Enriquez. Sasabihin ng abugado na talagang magaling ito ( topnotcher yata iyan, sasabihin sa iyo ng abugado): sasabihin naman ng estudyante na talagang magaling ito, lamang ay mahigpit sa klase ( si Layo ay nagtuturo rin ng batas sa isang unibersidad at isang taga-San Roque ang minsa’y ibinagsak niya). Tatlo ang tanggapan ni Layo: isa sa Escolta, isa sa Echague ( sa itaas ng isang malaking hotel doon), at isa sa Intramuros, sa pinakamalaking gusaling nakatayo noon ngayon. Bago siya naratay ay...
Words: 24955 - Pages: 100