I. DEKADA ’70 LUALHATI BAUTISTA Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Filipinong manunulat. Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kwento, pero nakalikha rin siya ng ilang akdang pampelikula.Pinanganak si LUathati Bautista sa Tondo, Manila noong Disyembre 2, 1945. Nagtapos siya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres High School noong 1962. Naging journalism major siya sa Lyceum of the Philipiines, ngunit nag-drop out bago man siya matapos ang kanyang unang taon. Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada ’70, at Bata, Bata, Pa’no Ka Ginawa? Na nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980, 1983, at 1984. Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca award para sa dalawa sa kanyang maikling kento: Tatlong Kwento Ng Buhay ni Juan Candelabra (unang gantimpala, 1982) at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang (pangatlonmg gantimpala, 1983) . Noong 1984, ang kanyang script para sa Bulaklak ng City Jail ay nagwagi bilang Best Story, Best screenplay sa Metro Manila Film Festival, Film Academy awards, at Star awards.
II.BUOD
Ang nobela ay nagsimula sa pagpapakilala ng mga tauhan at nabigyan ng pansin si Amanda isang uri ng asawang alipin ng makalumang paniniwala sa tungkulin ng babae at lalaki. Una’y di niya binigyan ng pansin ang mga pangyayari sa kanyang kapaligiran subalit nang magsimula nang manaig ang damdaming anaktibista ni Jules at ang pagkamapusok ni Gani ay nabahala siya nang lubusan. Unti-unti ay nagkaroon siya ng kuryosidad kung ano nga ba ang ipinaglalabang prinsipyo ni Jules na sa katagalan nga’y tuluyan nang sumapi sa kilusang kalaban ng pamahalaan. Bunga nito’y nagkaroon ng lama tang relasyon ng magpapamilya. Pati rin ang ibang anak na sina Em, Jason at Bingo ay nakaranas ng suliranin bunga ng bata military. Kinalaunan, dumaluhong ang iba’t ibang pagsubok sa pamilya ni Bartolome tulad ng pagkakakulong ni Jules, maagang paghihiwalay ni Gani at Evelyn, pagbubulakbol ni Jason, pagtatanong ni Bingo sa nangyayari at ang pagiging mapusok na manunulat ni Em. Katagalan din, di inaasahang namatay si Jason, biktima ng salvaging kaya nagkaroon ng pagtatalo si Amanda at Julian at umabot pa sa puntong maghiwalay na sila. Salamat naman at hindi natuloy noon ang binalak ni Amanda dahil doon ay patuloy na hinarap ng mag-asawa ang lahat ng suliraning bunga ng batas military. Sa huli, tagumpay na nalagpasan ng pamilya Bartolome ang mga pagsubok na nananatiling buo ang ugana’t samahat sa isa’t isa. Nakita ditto kung gaano kahalaga ang pagiging matibay ng pundasyon ng isang pamilya upang makayanan ang lahat ng banta ng problema. Ang nobela ay nagsilbing magandang halimbawa sa pamilyang pinoy.
III. PAGSUSURI A.URING PAMPANITIKAN Nobela- mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagkakabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila. -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
B. PAGLALAHAD Mababakas ditto ang katotohanan kaysa kagandahan. Kahit sino, ano mang bagay o kahit lipunan ay makatotohanan ang paglalarawan o pagkakalahad. Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigay ng kayamanan. Natanggap ng isnag tauhan ang nangyari subalit tinakasa niya ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili. Ipinahihiwatig nito ang pagnanais ni Lualhati Bautista(may akda) na maipabatid sa ating lahat na sinuman ay hindi pag-aari ninuman. Sa ngayon, dahil kaming mga kabataan ay umaasa pa lamang sa magulang ay maituturing na pag-aari pa rin nila ngunit sa oras na makapagtapos kami ng pag-aaral ay masasabi na naming nakahulagpo sana kami sa kadena ng pagmamay-ari tulad ng mga binata ni Amanda.
C.TAYUTAY
a.personipikasyon- ginagamit ito upang bigyang buhay , pagtaglayin ng mga katangiang pantao – talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari at pangngalang-diwa.
HALIMBAWA:
Pumitlag ang saya sa puso ko – nakaramdam ako ng tuwa Pumitlag din ang hinanakit sa akin – nakaramdam rin ako ng sama ng loob Mga galit na tigreng lumaban sa sundalo – mga taong matindi ang galit Si Amanda ay isang manhid sa katotohanan – walang muwang sa mga nangyayari
b. metapora- paggamit ng salita o pariralang pantulad ng tahasan.
HALIMBAWA:
Kawangis ni Amanda ang isnag ibong wala pang bagwis- wala siyang lakas ng loon para harapin ang problema. Sintigas ng bato ang puso ng sundalo – mga manhid o walang pakialam kahit nakakasakit na sa iba.
IV. SARILING REAKSYON
A.TEORYA HUMANISMO Si Amanda ay nagging isnag mabuti at dakilang ina. Nagawa niyang harapin ang mga pagsubok sa buhay sa gitna ng isang masalimuot na kalagayan ng bansa noon Dekada ’70 sa ilalim ng batas militar. Ipinakita niya kung ano ba talaga ang kahalagahan ng isang ina sa pamilya at pinatunayan niya na ang isang babae ay hindi lamang pampalipas oras ng mga asawa sa gabi kundi kaya rin nilang harapin ang mga problema na hinaharap ng mga kalalakihan.
B. MGA PANSIN AT PUNA
1.TAUHAN
Amanda - siya ay isang mabuti at dakilang ina sa kanyang mga anak pinakita niya ang katatagan ng loob sa lahat ng pangyayaring nasaksihan at naranasan sa ilalim ng rehemeng Marcos. Julian – nagging isa siyang mabuting ama, siya ang kaantabay ni Amanda sa pagpapalaki sa mga anak at pagdedesisyon, siya ang nag-aalaga at pumoprotekta sa kanyang mga anak.
Jules – isa siyang makabayang mamamayan . Nagpasya siya na tumuloy upang tuligsain ang kalipitan sa ilalim ng rehimeng Marcos.
Isagani – hindi siya nag-iisip sa kanyang mga desisyon. Nagkaroon siya ng pagkakamali noong nabuntis niya si Evelyn.
Emmanuel- isa siyang magaling na manunulat sa kabila ng pagtutol sa kanya ng mabuntis niya si Evelyn.
Jason – maituturing siyang isang tipikal na teenager.
Benjamin – isa siyang batang nasa kalagitnaan ng kanyangt pagbibinata.
Mara- isang mapagmahal na babae na handing ipaglaban ang kanyang minamahal.
Si Amanda ay maituturing na walang pakialam sa mga nangyayari sa kanyang kapaligiran sa unang bahagi ng nobela subali’t di naglaon ay unti-unting napupukaw ang kanyang kuryosidad. Mula sa pagiging isnag sunud-sunuran at mahinhing asawa ay natuto siyang maglabas ng nadarama at umunawa sa mga bagay-bagay.Si Julian Bartolome naman ay isang mabuting lalaki kung ang sukatan ay ang perang idinadating niya. Si Jules naman ay isang aktibo sa mga campus activity noong siya ay sekundarya pa lamang. Si Em naman ang pinakamatalino sa limang magkakapatid. May kamulatan na siya sa aspetong pulitikal sa ‘paraang Rizal. Si evelyn naman ay isnag babaeng hindi nagpapa-under sa asawa, yan si Evelyn; bagamat nasa bahay sila nina Bartolome nakatira ay hindi ito nagging hadlang upang kanyang salungatin asi gani sa mga ninanais nito. Ipinakikita niya ang kanyang katapangan at paninidigan bilang isnag babae sa makabagong panahon.si Lieutenant Liboro ay nagging isang mabait na military dahil siya ay patagong nagpapapasok ng dalaw sa mga bilanggo.
2. GALAW NG PANGYAYARI Ang likhang sining ni Lualhati Bautista na Dekada ’70 ay ukol sa mga tunay na pangyayari noong panahon ng panunungkulan ni Marcos o sa kasaysayn ng batas military kung saan binigyang diin sa pamamagitan ng pamilya ni Bartolome. Ipinakikita nito ang kahalagahan ng pamilya para sa ikauunlad ng isang bansa sapagkat ito ang itinuturing na binhi ng kung anong klaseng mamamayan ang susunod na henerasyon. Sinasalamin nito ang paraan ng pagtahak ng kanya-kanyang landas ng bawat miyembro ng pamilya na talaga naming magkakaiba sapagkat ang bawat isa ay may magkakaibang personalidad at paninindigan sa buhay. Ang bawat kabanata ay tumutulong sa ating upang makita ang unti-unting pagbabagong nagaganap sa bawat tauhan ng mga trahedyang nararanasan ng isang pamilya at kung paano nila nalutas ang mga pagsubok na iyon.
BISANG PAMPANITIKAN
A.BISA SA ISIP Natukalasan kong ang mga tao noong panahon na iyon ay naghahanap ng kalayaan. Kalayaan sa pagsasalita, pamamahayag at iba pa. Pag-unlad ay hindi magiging buo kung ang mga taong nasa paligid mo ay hindi masaya sa paraan ng pagpapatakbo. Hindi madarama ang kapayapaan kung dadaanin sa dahas. Ang mga kababaihan ay may malaking bahaging ginagampanan sa lipunan.Mayroon silang mga karapatan at kalayaan na magedsisyon.
B. BISANG PANDAMDAMIN Ang mga anak ay pag-aari ng mga magulang , Diyos at ng Bayan. Ang mga anak ay ipinahiram sa mga magulang upang mahalin at kung sakali naman na kailangan na niyang umalis para sa ikabubuti ng bayan ay wala siyang dapat isipin, hindi dapat malungkot ang magulang dahil siya naman ay tutulong para sa bayan. Ito ay para sa kanyang pananagutan sa magulang, sa Diyos at sa Bayan.
C. BISA SA KAASALAN Ang bawat tao o ang bawat lalaki ay dapat may pinagkakaabalahan I pinaglalaanan sa buhay; dahil ang lalaki ay dapat maghirap upang ang kanyang pamilya ay hindi makaranas ng kahirapan. Ang lalaking walang pinagkakaabalahan o pinaglalaanan ay maituturing na walang kwenta dahil hindi man lang siya tumutulongf para sa ikabubuti ng pamilya.
D.BISANG ANLIPUNAN Ipinakita ditto kung ano ba talaga ang kahalagahan ng isnag ina sa pamilya at sa lipunan. Ang mga babae ay hindi lamang pampalipas ng oras ng lalaki sa gabi o katulong lang sa bahay. Ang mga babae ay may karapatan din upang magsilbi o magtrabaho para sa lipunan. Maaari silang magdesisyon para sa ikabubuti ng kanyang pamilya o lumaban sa mga problemang kinakaharap niya. Pinatutunayan ditto na kahit na napakahalaga ng isang ina sa kahit anong bagay pati na rin sa ating lipunan.
PROJECT
IN
FILIPINO III
SUBMITTED BY: SUBMITTED TO: JOHN ALBERT M. SADILI MS. NEMIA DE LEON JOHNZEN JOSEPH R. ASI III-AGATE