KABANATA III
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Disenyo ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib-analitik na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang epekto sa akademik na performans ng mga atletang mag-aaral.
Mga Respondente Ang mga piniling respondent sa pag-aaral na ito ay mga iskolar na atleta mula sa una hanggang ikaapat na taon sa kasalukuyang semester ng Unibersidad ng Xavier. Ang mga respondent ay mayroong apat na grupo: isa (1) sa unang taon, dalawa (2) sa ikalawang taon, walang respondente sa ikatlong taon at apat (4) sa ikaapat na taon. Samakatuwid hindi pantay ang pagkahati ng mga respondente batay sa taon. Gumamit din ang mga mananaliksik ng random sampling upang magkaroon ng pantay na representasyon ang bawat grupo.
Instrumentong Pampananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsarbey. Ang mga mananaliksik ay nag handa nang sarbey-kwestyoner upang malaman ang epekto sa akademik na performans nang mga atletang mag-aaral. Upang lalong madagdagan ang kaalaman ng mga mananaliksik ay nag-interbyu sila ng isang dalubhasa tungkol sa nasabing paksa ng pamanahong papel. Para sa lalong pagpapabuti ng pag-aaral ay minabuti rin ng mga mananaliksik na mangalap ng impormasyon sa iba’t ibang hanguan sa aklatan tulad ng mga libro, journal, pahayagan at iba pa.
Tritment ng mga Datos Dahil ang pamanahong-papel na ito ay panimulang pag-aaral lamang at hindi isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri, ay walang ginagawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistika. Tanging pagta-tally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinakailangang gawin ng mga mananaliksik.