Ang Kapalaran ni Carmela
Sa may paanan ng kagubatan, may isang pamilyang nakatira, ang magsasakang si Mang Kanor, ang kanyang mabuting maybahay na si Aling Alejandra at ang kanilang bugtong na anak na si Carmela. Si Carmela ay bunga ng pagmamahalan ng kanyang mga magulang na kahit napakapayak lamang ng kanilang pinagtaling puso ay masaya silang namumuhay.
Sa pagdaan ng taon ay lumaking maladyosa sa kagandahan si Carmela. Bukod dito ay pinalaki siyang maayos ng kanyang magulang kaya masasabing siya ay may di madapuang langaw na puso. Araw- araw siyang naliligo sa isang batis sa gitna ng kagubatan. Ngunit isang araw, sa kasamaang palad, lingid sa kaalaman ni Carmela ay lihim siyang sinundan ni Caloy, na ukol sa mga balitang kutsero ay lulong sa droga. Dala ng masidhing pagnanais sa dalaga ay nagawa niya itong pagsamantalahan sa gitna ng kagubatan. Walang magawa si Carmela dahil kahit anong sigaw niya ay walang makarinig, kahit anong pakiusap niya ay di pinakinggan ni Caloy, wala siyang nagawa kundi kalamayin ang loob. Pagkatapos nito ay dali-dali siyang iniwan ni Caloy na umiiyak at nakatingin sa kawalan.
Sa sobrang takot ay pumunta siya sa kanyang kahiramang suklay na si Maya, dito niya ipinagtapat ang kanyang guhit ng tadhana. Kinalma nito ang kanyang kalooban at sinamahan papunta sa kanyang magulang at magdilat ng mata bago sabihin sa magulang ang sinapit. Habang umiiyak ay binuksan ang dibdib ni Carmela tungkol sa kasamaang ginawa sa kanya ni Caloy. Sa sobrang nais na makaganti sa sinapit ng anak ay umuusok ang tuktok na sumugba sa ningas papunta sa bahay ni Caloy ang kanyang ama, habang ang kaibigang si Maya ay pumunta sa mga pulis at ang kanyang ina na balat sibuyas ay walang nagawa kundi yakapin ang anak at tanggapin ang mapait na sinapit nito.
Sa huli ay naipakulong nila si Caloy ngunit para sa kanilang pamilya ay hindi pa ito sapat sa kasalanang ginawa niya. Habang si Carmela ay piniling ipagpatuloy ang kanyang buhay kasama ang mga taong nagmamahal sa kanya, ngunit, hindi na mabubura pa sa kanyang isipan ang mapait na sinapit ng kanyang kapalaran.