Ang Mapagpakumbabang Papa Juan XXIII
Joselito Layug, SSP
Ang karamihan ay maaring nalimutan na si Papa Juan XXIII. Bilang pagtanaw sa kanyang alaala ay ilagay sa ating mga isipan ang kanyang pagiging simple at ang kanyang huling pamamaalam.
Isang surpresa ng si Papa Francisco ay nagdesisyon na itanghal na santo si Juan XIII noong Hulyo 4, 2013, mula sa pagbigay nya ng kanyang ikalawang himala. Itong pagdidisesyon na kung saan ay wala pang nakagagawa ay ay umabot sa paggising upang maitanghal ding santo si Papa Juan Pablo II, sa pag sang-ayon sa kanyang ikalawang himala. Nagpasya si Papa Francisco sa kadahilanang hindi nya gusting iwanan ang Papa na ito na nagpatawag ng Ikalawang Konseho Vaticano na gumabay sa Simbahang Katoliko sa bagong panahon at pagsasaayos sa modernong panahon.
Si Angelo Giuseppe Roncalli, ang baptismal na pangalan ni Juan XXIII na ika-apat na anak sa lang apat na ipananganak na mahirap na Italyano sa Hilagang Italya. Roncalli ay naihayag na Papa noong Oktubre 28, 1958 sa edad na 77 pagkatapos ng labing isang balota. Ang Cardinal na naiitanghal na hindi sumangayon sa desisyon ng mga nakararami na sya ang piliin, sapagkat sya ay matanda at sakitin, sa paniniwalang hindi nya idadaan sa batuhan ang Bangka at payagan ang simbahan na manatili sa kanyang kurso hanggang sya ay mamatay. Pero napatunayang sila ay mali, para sa matandang ito bilang dakilang rebolusyonaryo sa kanilang lahat.
Inalala nya ang mga pangyayari bago ipinoklama sa mundo ang pagtawag sa Kunseho: “Ilang ulit ng nangyari na ako’y nagising sa gitna ng gabi at nagsimulang magisip tungkol sa seryonsong problema at magdesisyon na kailangan kong sabihin sa Papa ang tungkol ditto. At ako ay nagising ng tuluyan at naalala kong na ako ang Papa.”
Ang kanyang pagiging simple ang nakapukawa ng pansin kahit sa mga Komonista. Ang Russian Premier Nikita Khushchev ay binisita ang Vatican at naging magkaibigan , kausap sya sa pamamagitan ng telepono upang ikunsulta ang mahalagang mga bagay katulad ng Cuban Missile Crisis noong 1961 na muntik ng maging ikatlong digmaang pandaigdig. Ang mga diaryo sa buong mundo kawan ng syodad ng Vatican na magsulat tungkol sa Papa na ito na hinikayat ang napakaraming bilang ng tao sa kanyang prisensya. Sinulat nya: “tinitingnan ko kayo sa inyong mga mata sa pamamgitan ng aking mga mata. Inilagay ko ang aking puso malapit sa inyong puso.” Maraming nagpunta upang matunghayan si Juan XXIII sa mga katotohanang ito. Ang kanyang karisma ay umapaw mula sa mga harang ng Idolohiya at Politika.
Ang makasaysayang ikalawang Kunseho Vaticano ay nagbukas ang unang sesyon noong Oktubre 11, 1962. Hindi sya pinalad na masaksihan pa ang pagkakumpleto nito, namatay sya noong Hunyo 3, 1963 dahil sa stomach cancer. Ngunit nagawa nya ang hindi nagawa ng ibang Papa: buksan ang saradong pintuan at bintana ng Katolikong Simbahan.
Kahit smulat sya ng mga kahanga hangang dokumento katulad ng Pacem in Terris, ang kanyang sulat sa kanyang pamilya ay nagpapatotoo ng kanyang pagiging tao na nabuhay sa kabutihan. Bilang Obispo at Papa ay mamari nyang makamit ang yaman upang tulungan ang walang lupang pamilya at mga kamaganak, pero hindi nya ito ginawa. Sinulatan nya ang mga ito upang sabihing manatili sila s kahirapan at mahalin ang pagiging mahirap sapagkat mahal ng Dyos ang mahirap. “Ang kahirapan ay hinawakan ako sa aking mga braso simula noong aking kabataan at hindi ako nito ibinaba… Hindi natin kailangan magreklamo, sapagkat kung aakuin natin ito ng may pasensya, matutulad tayo sa paghihirap ni Hesus. Hindi natin dapat itanggi ang pangangailangan. Kayamanan, na nakikita mo sa iyong paligid ay hindi nakakapag paligaya sa tao.
Ang mga opisyal ng Vatican ay alam ang kahirapan ng kanilang pamilya kapag sila ay nagapapadala ng sula sa kanyang kapatid na pumunta at alalayan ang Papa sa mga huling araw nito. Hindi sila pumunta, hanggang isang araw ay may nagpunta sa kanyang bayan na nadiskubre na ang kanyang kapatid ay walang sapat nap era upang makabili ng ticket papuntang Roma.
Si Juan XXIII ay sinundan na ang kanyang kamatayan, pinagnilayan ito, nagiwan ng ispirituwal na testamento na nakaantig ng dadamdamin ng tao sa buong mundo.