Free Essay

Ang Pag-Inom Ng Alak Ng Mga Kabataan

In:

Submitted By mheiy
Words 2821
Pages 12
Abra Valley Colleges
Bangued, Abra

Pamanahunang Papel
Ipapasa kay, G. Jaymar Perlas

“ Ang Pag-inom ng Alak ng mga Kabataan ”

Bilang Bahagi ng Katuparaan sa Asignaturang Filipino – 12

Ipapasa ni, mheiy Marso 20, 201

PASASALAMAT

Bilang pasasalamt sa mga taong tumulong at nagging inspirasyon ko upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito. G. Jaymar Perlas, aking guro sa asignaturang Filipino, para sa pagbabahagi niya ng kanyang kaalaman at paggabay sa akin mula sa simua hanggang sa huli. Nagging mahirap ang paggawa ng isang pananaliksik ngunit ginawa niya ang kanyang makakaya upang mahasa ang galing ng kanyang mga estudyante. Ang pananaliksik na ito ay isang patunay na hindi nasayang ang kanyang oras at pagsisikap na turuan kaming lahat. Sa aking pamilya, para sa pagbibigay ng walang sawang suporta lalo na sa tulong pinansiyal. Kung wala sila marahil wala din ako sa aking kinatatayuan ko ngayon. Sila ang dahilan kung bakit ako ngapupursige sa pag-aaral upang masuklian ko ang kanilang sakripisyo. Sa aking mga kamag-aral at kaibigan, para sa kanilang tulong at pagpapakitang suporta na siyang naging malaking ambag upang matapos ko ang proyektong ito. At higit sa lahat, sa Poong Maykapal, sa Kanyang paggabay, pagbibigay ng lakas, talino at pagkain sa araw-araw. Malaking tulong ang kanyang naibahagi upang mapagtagumpayan ko ang pananaliksik na ito na dapat tuparin sa Filipino 12.

PAGHAHANDOG

Ang pag-aaral na ito ay hindi maisasakatuparan ng wala ang mga taong gumabay at tumulong sa aking pananaliksik. Taos puso kong inihahandog ang pag-aaral na ito sa mga taong tumulong at sumuporta upang matapus ko ito. Una, sa Poong Maykapal na siyang lumikha sa lahat. Sa aking mga guro, ka-eskwela at kaibigan. At higit sa lahat sa aking mga magulang at kapatid sa suporta at pagmamahal na ipinagkakaluob nila sa akin. Na nagsilbing inspirasyon ko upang matapos ang pananaliksik na ito.

TALAAN NG NILALAMAN
Pamagat -------------------------------------------------------------------------------------------------- 1
Pasasalamat ---------------------------------------------------------------------------------------------- 2
Paghahandog --------------------------------------------------------------------------------------------- 3
Kabanata I Panimula ------------------------------------------------------------------------------------------ 5
Kanbanata II Katawan -------------------------------------------------------------------------------------------- 7
Kabanata III Konklusyon ---------------------------------------------------------------------------------------- 12 Rekomendasyon ----------------------------------------------------------------------------------- 13
Bibliograpiya ----------------------------------------------------------------------------------------------- 15
Talaan ng Buhay ------------------------------------------------------------------------------------------ 16

KABANATA I

PANIMULA

Ilang libong taon na ang nakalilipas ng maganap ang unang himala ni Hesus sa isang kasalan sa Kanan. Ito ay ang paglagay ng tubig sa isang bariles at biglang nagging alak. Noon pa man ay umiinom na ang mga tao ngunit sa pagdaan ng panahon inabuso nila ito at nagging alkoholismo. Isang sakit na nagreresulta ng paulit-ulit na pag-inom ng alak at iba pang inuming nakakalasing. Itinatangi sa pamamagitang ng kawalan ng control sa pag-inom ng alak, pagiging maligalig at pamamaluktot ng kaisipan. Ang pagkalulong sa alak ang isa sa mga suliranin sa ating lipunan na sa ngayon ay mahirap supilin. Maraming kabataan ang natututong uminom ng alak dahil sa hayagang pagkonsumo nito. Dahil sa pauli-ulit ng pag-inom nito, unti-unting nasasanya ang kanilang murang katawan sa kakaibang epektong dulot nito.” Upang makalimutan ang problema”, ang lagging bukambibig ng mga taong regular na kumokonsumo ng alak. Ang alkoholismo ay isang salitang ngunit magkaksalungat na kahulugan. Sa karaniwan at pangkasaysayan na paggamit, binabangit ang alkoholismo bilang kahit anong kalagayang nagreresulta sa patuloy na pag-inom ng mga inuming alkoholiko sa kabila nga mga problema sa kalusugan at negatibong kahihinatnan nito sa lipunan. Inilalarawan ng medisina ang alkoholismo bilang isang sakit na nagresulta sa paulit-ulit na pag-inom ng alak at iba pang inuming nakakalasing sa kabila ng mga negatibong kahihinatnan nito. Maaari ring bangitin ang alkoholismo sa pagiging maligalig sa pag-inom o pagpilit na makainom ng alak ay maging sa kawalan ng abilidad makilala ang mga negatibong epekto ng sobrang pag-inom ng alak. Sa panahon natin ngayon, karaniwan na nating Makita ang alak lalo na sa mga okasyon. Parang isa itong atomic bomb na umusbong at mabilis ang paglaganap sa ating lipunan. Kaliwa’t kanan ang makikita nating nag-iinuman, maaaring sa kalsada, sa loob ng bahay pati na rin sa mga cabaret. Totoong umunlad an gating henerasyon ngayon. Maraming naiimbentong mga teknolohiya kasama na rito ang mga nakakalasing na inumin. Patuloy ang pagyabong ng salitang “alak” sa ating lahat. Ang isa sa mga hilig ng kabataan ngayon ay ang pag-inom ng alak. Hindi lamang ang mga matatanda ang umiinom ngayon maging ang mga menor de edad at kahit ag mga kababaihan. Iba’t iba ang kanilang dahilan kung bakit sila umiinom ng alak. Dahil sa okasyon at kapag sila ay may problema. At ito ay nagiging bisyo na nila kaya’t nagiging pangkaraniwan na para sa mga kabataang umiinpm ng alak. Malalim ang mga dahilan kung bakit maraming nahihilig na uminom nito. Napakaraming naapektuhan dahil ditto. Isa itong lason na sumusira sa buhay ng maraming Pilipino. Mapababae man o lalake, bata man o matanda, halos lahat yata ng Pilipino ay umiinom ng alak. Bakit nga ba marami ang umiinom ng alak? Bakit parang pabata ng pabata ang natututong gawin ito? Tama bang ang alak ay nakakabawas ng problema? Bakit isinasabay sa problema ang pag-inom ng alak? Ano nga ba ang naidudulot nito? Ano ang nagtutulak sa mga kabataan ngayon sa pag-inom? Ito siguro ang mga tanong na umiikot sa utak ng isang taong hindi umiinom ng alak. Hindi ba nakakapagtaka sa lahat ng okasyon lagi perfect attendance ang alak o beer. Minsan nga tayong mga Pilipino ay umiinom ng walang dahilan. Lalo na ang mga matatanda halos ginagawa na nilang tubig ang alak. Hindi rin nawawala ang all time partner ng alak at ito ay pulutan.

KABANATA II
KATAWAN
Patuloy ang pagyabong ng salitang “alak” sa ating henerasyon. Marami ang nahuhumaling at natututong uminom ng alak sa kanila ng mga masamang epekto sa ating buhay. Hindi lamang matatanda kundi pati mga kabataan ay nabibiktima nito. Maraming mga kabataan ang naaaksidente at namamatay ditto. Ang alcoholic drinks o alak ay isang inumin na may sangkap na alcohol. Karaniwan itong iniinom kapag may esppesyal na okasyon o salu-salo, ngunit pwede pa rin kahit na walang okasyon. Ika nga ng iba ay pampalipas ng oras. Tinatangap ito sa lipunan ng ilang mga bansa sa Asya, Europa at Amerika maliban sa Middle East. Ang relihiyon ay konsiderasyon sa pag-inom ng alak. Ang pagkalunod sa alak ay isa rin sa mga malulubhang karamdaman ng tao na kahit painumin man ng mga paalala o babala ay hinahanap pa rin ng kaluluwa. Isang katunayan na kahit gumastos pa nang malaki ang mga tao sa pagbili ng alak, basta lang matugunan ang pangangailangan ng kanilang lalamunan.Sa karamihan, ang pag-inom ng alak ay may malaking bahagi sa pangsosyal na buhay. Ang tamang dami ng pag-inom ay dalawang (2 ) shots kada araw para sa mga lalake at isang (1) shot naman para sa mga babae ay walang masamang maidudulot sa ating pangangatawan. Subalit madaming bilang pa din ang tao ang nahuhumaling at nagkakaproblema dahil sa sobrang pag-inom ng alak. Masasabing milyon-milyong tao ngayon ang matatawag na "alcoholics." Ano nga ba ang alkoholismo? Sa pinakasimpleng kahulugan, ito ay patuloy at sobrang pagkahilig o adiksyon sa alak. Ito ay sakit na nakakaapekto hindi lamang sa taong nasa impluwensiya ng alak kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ang alcohol ang nakakalasing na sangkap ng serbesa at alak. Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng pagpapalasa, ang proseso ng paggawa ng alkoholikong inumin. Kapag ang asukal na galing sa prutas o butyl ng bigas ay sinamahan ng pampalasa at tubig, ang kalalabasan nito ay alcohol. Ang alak ay isang gamut at tulad ng lahat ng gamot ito ay may ekepto sa katawan at isip ng tao. Dahil sa alak pakiramdam ng ibang tao na sila ay nabubuhayan at nagigising. Ngunit ang katotohanan ay nakakapagpatamlay at pinababagal nito ang paggalaw n gating central nervous system. Ang maliit na halaga ng alcohol ay nakakaapekto sa kayusan at desisyon ng tao. Ang pag-inom ng maraming alcohol ay nakakamatay. Ito ay nawawala sa katawan ngunit nag-iiwan ng lason na nagsasanhi ng mas malalang problema sa kalusugan. Ang alkohol ay salik sa pagtaas ng bilang ng krimen tulad ng pagpatay sa kapwa tao, pambubugbog, pagtangkang pagpapakamatay, pagnanakaw at panloloob. Paano nga ba natin malalaman kung sobra na ang pag-inom natin sa alak? Una sa lahat, anong ibig-sabihin ng “sobra”? Sinong makakapagsabi kung sobra na ba ang alak na iniinom ng isang tao? Bagamat iba’t iba ang dami ng alak na kailangan ng iba’t ibang tao upang malasing, maaaring magsilbing gabay ang sumusunod. Ayon sa mga iba’t ibang himpilan ay pinakamarami ngunit katangap-tangap pa rin na pag-inom ay 1-2 bote ng beer kada araw ngunit hindi lalampas ng 7 bote ng beer sa isang lingo. Una sa dahilan ng mga kabataan sa pag-inom ng alak ay impluwensiya ng kanilang mga kaibigan. Sa dami ng ating nakakasalamuha sa araw-araw, marami tayong nagiging mga kaibigan. Ilan sa mga ito ay tumutulong sa atin sa oras ng pangangailangan ngunit ang ilan naman ay nagiging dahilan kung bakit maraming kabataan ang natututong unminom. Peer pressure ang tawag ditto, kung ang magbabarkada ng isang kabataan na mahilig uminom ng alak, siguradong mahahawi siya at maiimpluwensiyahan siya niyo. Ikalawa, hindi lingid sa ating kaalaman na maraming mga kabataan ngayon ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral at pinipiling magtrabaho na lamang dahil sa labis na pagkapagod dulot ng kanilang trabaho. Ang iba sa mga kabataan ay umiinom ng alak sapagkat naniniwala sila sa mawawala ang kanilang pagos at makakaramdam sila ng kaginhawaan. Hindi ko lubos maisip kung bakit may ganitong paniniwala ang mga kabataan. Ano ba ang magiging bunga nito? Hindi ba’t pinahihirapan lamang nila ang kanilang sarili sapagkat imbis na magpahingana lamang ay ginugugol pa nila ang kanilang oras sa mga walang kwentang bagay. Ikatlo, naghahatid ng kasiyahan sa mga kabataan ang pag-inom ng alak. Hindi ba nila naiisip na ang kanilang mga magulang ay nagpapakahirap sa paghahanapbuhay upang may makain lamag sila sa araw-araw ngunit ano ang kanilang ginagawa? Nagpapakasasa sila at iniintindi lamang nila ang kanilang mga sariling kaligayahan. Ikaapat, maraming bagay ang gustong subukan ng mga kabataan ngayon.Dahil parte ng kanilang pagkatao ang pagiging mapusok o mahilig sumubok ng mga bagong bagay. Ito ay tinanatawag na kuryusidad, at dahil sila ay hindi pagaanong mulat sa mga makamundong bagay, hindi nila alam kung paano hawakan ang ganitong bagay. Sa usaping ito, ako mismo ay naranasan na rin ito. Hindi masama ang maging matanong ngunit dapat disiplinahin natin ang ating sarili. Ikalima, ang ilan sa mga kabataan ngayon ay ginagawang na ring libangan ang pag-iinom. Hindi ba nila naiisip na marami ang maaaring gawin? Imbes na makipaglaklakan sa mga kabarkada ay tulungan nila ang kanilang mga magulang na nagkakandakuba na para lamang maiahon sila sa kahirapan. Masakit isipin na ang ilan sa mga kabataan ngayon ay naliligaw ng landas. Paano pa kayamagkakatotoo ang sinabi ng ating pambansang bayani na “Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan,” kung ngayon pa lang nakikita na natin ang kanilang magiging kapalaran kung patuloy nilang sinisira ang kanilang kinabukasan sa walang katuturan na mga bagay. Ikaanim, bunga ng pagkabagot at walang magawa sa buhay natutukso na ring uminom ang mga kabataan. Hindi ba’t isang napakababaw na dahilan ito para matukso tayong uminom? Kung iisipin natin, maraming bagay ang maaari nating gawin at pagtuunan ng pansin.ika nga nga mga nakakatanda” Kung ayaw maraming dahilan, kung gusto maraming paraan”. Hindi sapat na dahilan ang pagkabagot para uminom tayo at malulong sa masamang bisyo na ito. Ikapito, ang pamilya ay mayroong malaking bahagi na ginagampanan sa buhay ng isang kabataan. Sila ang nagiging modelo sa paglaki ng kanilang mga anak. Kung minsan pa ay sinasabing kung anu ang puno siya rin ang bunga. Nagre-reflect ang ugali at gawi ng isang kabataan batay na rin sa nakikita nito sa loob ng kanilang tahanan. Isa sa mga rason ng kabataan kung bakit natututong uminom ay dahil nakikita itong ginagawa sa loob ng kanilang tahanan. Kung ang isang batang paslit ay makikita ito aakalain niyang maganda ito at tatatak ito sa kanyang isipan na maaaring gawin niya pagdating ng panahon. Kung ang mgamagulang ay ginagawa ang mga iyon, dapat ay isaalang-ala nila ang kanilang mga anak dahil wala itong maidudulot para sa kanilang kapakanan. Ang pangwalo ay may problema o suliranin na pinagdaraanan ang isangkabataan kaya mas gugustuhin niyang uminom na lamang upang makalimutan niya ito kahit panandalian lamang. Isa ito sa mga pangunahing rason sa pag-inom ng alak ngunit hindi ba nila naiisip na kahit magpakalasing pa sila ay hindi nila matatakasan ang kanilang mga problema? Hindi ba’t hindi naman! Pagkagising sa umaga, haharapin mo na naman ang iyong problema at kasabay nito ang pagsakit ng ulo na tinatawag na hang over. .Pang-siyam, marami ang nauuso ngayon at lahat ito ay nais usisain ng kabataan. Marahil napapanuod nila sa isang patalastas, sa diyaryo at maaaring sa mga kalsada sa tuwing sila ay naglalakad. Nagiging moderno na ang panahon ngayon, maraming natutuklasan na mga bagay at teknolohiya kasabayy nito ang patuloy na pag-uso ng alak. At ang huli ay pag-inom tuwing may okasyon o pagdiriwang sa isang pamilya. Huwag nating sayangin ang pagkakataon na makapag-aral at maging maganda an gating kinabukasa.huwag tayong magpapadala sa mga tukso na magiging dahilan kung bakit nasisisra ang buhay ng isang kabataan. Kumilos tayo at maging positibo ang pagtingin sa buhay. Mabuhay tayo para sa magandangdahilan at iwasan ang patuloy ng paglaganap ng alak sa ating lipunan!

KABANATA II
KONKLUSYON

Batay sa mga impormasyon na aking nakalap, mahihinuha natin na ang nagiging rason ng mga kabataan sa pag-inom ng alak ay ang impluwensya ngkanilang mga kabarkada kaya sila natututong uminom. Nagpapadala sila sa udyok ng kanilang barkada. Batay na rin sa aking karanasan, ito rin ang naging dahilan kung bakit ako natututong uminom. Dala na rin ng pakikisama at alok ng aking mga kaibigan. Ang bawat mga kaibigan na ating nakakasalamuha ay may kanya-kanyang katangian. May dalawa itong mukha, una ay ang mga taong tumutulong sa atin sa mga panahong nangangailangan tayo at magtuturo sa atin kung ano ang tama sa oras na tayo’y nawalan ng pag-asa. Ang ikalawa naman ay ang mga taong nagtuturo sa atin sa kamalian, kung tawagin ay masasamang impluwensiya sa isang kabataan. Ipinapakita lamang nito na dapat ay maging mapanuri tayo sa mga taong ating pakikisamahan dahil hindi sa lahat ng oras ay dapat tayong magtiwala at makisama kung alam naman nating hindi ito makakabuti para sa ating lahat ay huwag nalamang natin iyong gawin. Sa panahon natin ngayon maraming gustong subukan ang mga kabataan. Hindi na nila iniisip ang mga bagay na maaaring maging epekto nito sa kanilang buhay, kung ito man ay makakabuti o makakasama. Ang tanging mahalaga lamang sa kanila ay kung saan sila masaya at kung anong ginagawa nila sa kasalukuyan.Wala na silang pakialam kung anong mangyayari sa kanilang kinabukasan kung patuloy ang kanilang pagtangkilik sa mapanirang alak na ito. Lahat ng sobra ay nakakasama, kaya naman kung didisiplinahin lamang natin ang ating mga sarili maaaring hindi tayo malululong sa nakakalasong inumin na ito. Ang problema aydumarating sa lahat ng tao, nasa atin lamang kung paano natin ito dadalhin at sosolusyonan. Ngunit, hindi ba’t hindi naman solusyon ang alak? Sinisira lamang natin ang ating katawan at kinabukasan dito. Hindi tayo dapat makiayon sa lahat ng ginagawa ng ibang tao, may sarili tayong isip upang gamatin sa tamang paraan at panahon. Nasa ating mga kamayang ikauunlad n gating kinabukasan at pati na rin an gating bansang Pilipinas. Ang pagkalulong sa alak ay maaaring mauwi sa seryosong problema sa kalusugan para sa mga kumukonsumo ng alak at sa mga taong nakapaligid sa kanila. Ito ay isang sakit na kumikitil ng milyung-milyong buhay bawat taon. Ang ganitong suliranin ay kailangang pagtuunan ng pansin at unti-unti nating sugpuin. Maraming programa na ang mga naitatag upang tulungan ang mga biktima nito at ng maiwasan ang paglala ng ganitong suliranin. May mga bagong batas at alituntunin ang nagbibigay ng karagdagang suporta para masupi ito.

REKOMENDASYON Sa mga lungklusyon na nabangit, buong pagpapakumbaba kong inererekomenda ang mga sumusunod. * Para sa mga madalas umiinom, nawa’y mag-isip muna kung ito ba ay nararapat gawin lalo na sa panahon ng kahirapan. * Para sa mga magulang, maging magandang ehemplo sa mga kabataan partikular sa mga anak na may posibilidad na mahantong sa ganitong bisyo.

* Sa mga kabataan, isipin ang maaaring maging sitwasyon ng bansa kapag dumating na ang panahon na sila na ang mamumuno sa mga malalaking organisasyon o kaya’t sa ating gobyerno at biglaan silang magkakaroon ng isang malubhang karamdaman dulot ng pag-inom.

BIBLIOGRAPIYA

* Searless, John S. 1990. Children of Alcoholics, New York: Guilford Press

* Flores, Berlin. 2009. Ang iba’t ibang pisikal at medikal na mga epekto ngalak addiction.

* Hahn, Dale B. 1991. Drugs: Issues for Today. St. Louis Missouri: MorbyYearbook,

* Richards, Donna Beck. 1993. Living with Health. New York: McGraw hillInc.

* Emedicine-alcoholism by Warren Thompson, MD

* www.google.com.ph

* http://tl.wikipedia.org/wiki/Alkoholismo

* Behind-alcoholicm.php

* www.kalusugan.ph

* www.reutershealth.co

Similar Documents

Free Essay

Ang Pag-Inom Ng Alak

...INTRODUKSYON Ang pag-inom ng alak, isang napaka-karaniwang karanasan para sa isa Pilipino. Mapababae o lalaki, bata o matanda, halos lahat yata ng mga Pilipino ay umiinom ng alkohol. Bakit nga ba marami ang umiinom? At bakit parang pabata ng pabata yata ang natututong gawin ito? Tama bang ang alak ay nakakabawas ng problema? At bakit nga ba ang hilig uminom ng Pilipino? Bakit isinasabay sa problema ang pag-inom ng alkohol? Ano nga ba ang mas naidudulot nito, masama o maganda? Ano nga ba ang nagtutulak sa mga kabataan ngayon sa pag-inom. Ito siguro ang mga tanong na umiikot sa utak ng isang taong hindi umiinom. Hindi ba nakapagtataka na sa lahat ng okasyon ay perfect attendance ang alak. Minsan nga tayong mga Pilipino ay umiinom ng walang dahilan. Lalo na ang mga matatanda. Halos ginagawa na nilang tubig ang alak. Ang mga Pilipino talaga ay hidi mapakali kapag walang ginagawa. ‘Yan tuloy ang nagiging hobby na ng halos lahat ng Pilipino, ang pag-inom. Isa pa, kahit na hindi masarap ang lngunit sa tingin naming asa ng alak ay mahilig pa rin tayo ditto. Siguro dahil ito sa “tama” na nadadala ng pag-inom ng maraming alak. Hindi rin mawawala ang all time partner ng alak, ito ay ang pulutan. Kaya namin ito napili. Upang madagdagan an gaming kaalaman tungkol sa bagay na ito, dahil kami mismo ay ginagawa ito. Isa pang dahilan ay para mabigyang linaw naming ang bagay na ito sa mga taong hindi umiinom ng alkohol. Mayroon na kaming konting kaalaman tungkol dito, ngunit sa tingin...

Words: 2281 - Pages: 10

Free Essay

Papel

...EPEKTO NG BISYO SA MGA KABATAAN AT MGA SUSUNOD PANG HENERASYON Ay isang Pamanahonang Papel na Iniharap sa Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng San Jose Community College, San Jose Malilipot Albay Bilang bahagi ng pagtugon sa pangangailangan ng kursong Bachelor of Science in Business Administration JUAN DELA CRUZ BSBA IA G. RICKY M. CABRILLAS Guro S.Y. 2014-2015 Republika ng Pilipinas San Jose Community College College of Business Administration San Jose Malilipot Albay DAHON NG PAGPAPATIBAY Ang pamanahonang papel na pinamagatang, “EPEKTO NG BISYO SA MGA KABATAAN AT MGA SUSUNOD PANG HENERASYON” ay inihanda ni JUAN DE LA CRUZ, sa pagtugon sa pangangailangan ng kursong Bachelor of Science in Busness Administration, ay isinumete sa aking guro sa asignaturang Filipino. _____________________ _________________ JUAN DE LA CRUZ Marka Mag-aaral ____________________ G. RICKY M. CABRILLAS Guro PANIMULA Ang pamanahonang papel ay isang uri ng pananaliksik na karaniwang ipinapagawa sa mga estudyante sa hayskul o kaya sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko, upang mas lalo pang mahasa at matuto ang mga estudyante sa paggawa ng papel na ito. Ito ay inihanda upang mapalawak ang kaalaman ng mag aaral sa mga gawaing pang paaralan, at lalong lalo...

Words: 5912 - Pages: 24

Premium Essay

Climate Change

...Ano ang mga Bagay na Magagawa Ko para Makatulong sa Ating Bansa? Meron tayong natatanging paraan para makatulong sa ating bansa. Ito ay ang mga bagay na maaaring magdulot nang kabutihan o di kaya’y kasamaan sa ating bansa. Bilang isang Pilipino, ang magagawa ko ay ang tulungan ang aking sarili. Unti-unti ko itong babaguhin para hindi ako mahirapan sa pagtulong sa aking pamilya. Pagsisikapan kong iangat ang aming estado at baguhin ang lahat na ugali na puwedeng makasira sa aming samahan. Titiyakin kong maging maayos ang aming relasyon para mapanatili ang katahimikan sa loob ng bahay. Tutulong ako sa mga problema ng aking mga kaibigan para mapagaan ang bigat na kanilang pinpasan. Hindi ako magdadalawang isip na gabayan at pangaralan sila dahil alam ko ang lahat ng aking ginagawa ay para sa kanilang kinabukasan na ipaangat ang kanilang pamumuhay. Gagawa ako ng isang maliit na grupo na ang hangain ay tumulong sa mga nangangailangan. Papalawakin ko ang isipan ng bawat miyembro para maipamahagi nila ang kanilang kaalaman sa mga taong nasasakupan ng aming barangay. Gagawa kami ng programa na maaaring makapabago sa buhay ng bawat isa. Hihikayatin namin na baguhin ang sistema ng pamamalakad ng aming mga opisyales sa barangay. Gagawa ako ng mga poster, sanaysay, awit at slogan na nagpapahiwatig ng mga bagay na dapat nating gawin upang makatulong sa ating bansa. Lilinangin ko ito at ilalagay sa internet upang makita ito ng mga tao sa buong mundo. Hihikayatin at tutulungan ko ang aking...

Words: 3082 - Pages: 13

Free Essay

Banta Sa Kinabukasan: Kalusugan Ng Kasanggulan at Kabataan Sa Lungsod Maynila

...sa kinabukasan: Kalusugan ng kasanggulan at kabataan sa Lungsod Maynila Iniharap ni Antonio Domingo R. Reario III Komunikasyon II TFG2 Kay Rosemarie Roque (Instruktor) 8 Hunyo 2015 Unibersidad ng Pilipinas-Manila Kalye Padre Faura, Ermita, Manila Banta sa kinabukasan: Kalusugan ng kasanggulan at kabataan sa Lungsod Maynila Ang malnutrisyon Ang malnutrisyon ay isang seryosong problemang pampublikong kalusugang naka-ugnay sa malaking pagtaas ng panganib na mamatay at magkasakit (Blossner & de Onis, 2005). Karagdaran pa rito, ito ay nakaaapekto na sa daang at milyong buntis na ina at bata (Müller & Krawinkel, 2005). Layunin ng pananaliksik na itong malaman ang estado ng malnutrisyon ng mga batang 0-71 buwang gulang sa Lungsod Maynila. Maliban pa rito, susuriin ng papel na ito ang mga posibleng paliwanag, dahilan, at solusyon sa problemang tinatalakay. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa lahat ng mga magulang at balak maging magulang. Ang nutrisyon ay may tatak na impluwensiya sa paglaki, lalo na sa mga unang taon ng buhay (Koletzko, 2008). Ibigsabihin nito ay makikita sa pagtanda ng isang tao kung naging tama, labis, o kulang ang nutrisyong nakuha nito noong siya ay bata pa lamang. Ayon kay Cunningham (n.d.), nangyayari ang malnutrisyon kapag ang kinakain ng isang tao ay hindi akma sa kailangan nitong mga nutrient upang mapanatiling malusog ang katawan. Nangyayari ang pagiging kulang sa nutrisyon kung ang kinakain ng isang tao ay kulang sa kailangan...

Words: 7492 - Pages: 30

Free Essay

Factors Affecting Study Habits

...Asyano Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga mula sa mga publikong paaralan, kolehiyo at/o unibersidad. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. DRAFT April 1, 2014 Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas (Gabay ng Guro) 1 DRAFT April 1, 2014 MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG TIMOG-SILANGANG ASYA 2 I. PANIMULA Matapos na pag-aralan sa Baitang 8 ang mga panitikang pambansa, tiyak na napaghandaan ng mga mag-aaral ang malalim na pagtalakay at pag-unawa sa iba’t ibang genre ng panitikan ng mga karatig-bansa sa Asya. Sa Modyul1, matutunghayan natin ang mga akdang pampanitikan ng TimogSilangang Asya. Inaasahan nating ang mga aralin sa module na ito ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na maintindihan ang iba pang kultura at pamumuhay ng mga tao ng karatig-bansa ng Pilipinas. Inaasahang pagkatapos ng Unang Markahan, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pamapanitikan ng Timog-Silangang Asya sa tulong ng teknolohiya at mga estratehiya na gagabay sa mga mag-aaral sa higit na malalim at kapaki-pakinabang na pagkatuto. Nilalayon ng Modyul 1 na nakagagawa ang mga mag-aaral ng isang malikhaing panghihiyakat sa pamamagitan ng book fair at ilang pamamaraan na kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral sa mga susunod...

Words: 8963 - Pages: 36

Free Essay

Stories

...Aralin 1 : Teoryang Realismo ANG PAGHUHUKOM (Bahagi ng Nobela) Isinalin ni Lualhati Bautista Ang panahon ng tag-ulan, nang malamig at preskong panahon na tumutulong sa mga puno para magsibol ng mga bagong dahon at humuhugas sa mga karumihan, ay hindi pa natatapos. Pagtuloy sa pagdating ang mga araw at gabi, kahit sa anong panahon… Ang pagdaraan ng mga araw ay sumaksi sa pagpapahid ni Fak ng  balsamo sa kanyang mga sugat para mabawasan ang pamamaga sa kanyang mukha at ibsan ang sakit na nadarama ng kanyang loob. Habang dumaraan ang mga araw, ang mga sariwang sugat ay natuyo, nag-iwan ng mahabang pilat sa ibabaw ng kanyang kaliwang kilay. Ang mga araw at gabi’y patuloy na dumarating kay Fak…  Pero ang mga dumaraang mga araw at gabi ay hindi na makapagsasauli sa apat na ngiping nawawala sa bibig ni Fak, katulad ding hindi na niyon mapipigil ang kamay ni Fak sa pag-abot sa bote ng alak at pagdadala roon sa kanyang bibig. Kaya ang dumaraang mga araw at gabi ay sumaksi sa walang humpay na pag-inom ni Fak sa mga oras na siya’y gising. Ang pambubugbog na tinanggap ni Fak ng gabing iyon ay hindi lang nag-iwan ng sakit sa kanyang katawan kundi nag-iwan din ng tatak sa kanyang isipan. Sa loob ay nakadarama siya ng galit at pangangailangang makapaghiganti, at nag-iisip pa nga siya ng paraan kung paano niya bubuweltahin ang mga nanakit sa kanya. Natatandaan niya nang malinaw na dalawa sa tatlong taong sumalakay sa kanya ng gabing iyon ay sina Thid Tieng at Tid Song. Kailangang...

Words: 23011 - Pages: 93

Free Essay

Filipino

...Mag-aaral D Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. ng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at Kagawaran ng Edukasyon sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, Republika ng Pilipinas kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. EP E D C O PY Filipino – Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad...

Words: 47092 - Pages: 189

Free Essay

Falalala

...magpapakilala na lang muna ako huh?! Ang arte kasi, bakit kelangang may intro pang nalalaman tong author na to.. pede namang diretso na agad sa story line! -__- Hmp! Pero wala akong magagawa, kelangang sumunod at baka ichugi na nya agad ako dito sa story..tungkol pa naman sakin to.. pag nachugi ako, edi tapos narin ang kwento db?! Parang tanga lang..hehe..kaya eto na, sisimulan ko na..inip na kayo eh.. . . . Ako nga pala si Nami Shanaia San Jose. 17 years old, 1st year college student, SCHOLAR. (haha, ang yabang ko no? totoo naman kc eh! ) Working student ako. Nakikitira lang ako sa auntie ko. Wala na kasi akong mga magulang. Well enough of that boring introduction about myself, masyado ng common tong ganito.. Kaya pumunta na tayo sa interesting fact about me.. . . Lahat na ata ng weird na trabaho napasukan ko na. Ewan ko ba kung bakit ang wiweird ng mga trabahong napasukan ko.O___O? Isipin niyo naman,.. Naging taga alaga ako ng pusang may diabetes (SOSYAL NA PUSA,SHET NO?), . Naging taga tanggal ng pulgas ng aso ng kapitbahay namin(ANDAME KO NGANG KAGAT NUN!), . Naging mascot na sausage na nakatayo maghapon sa harapan ng isang restaurant na wala ng ginawa kung hindi sabihing “Masarap ako, tikman niyo!” (ah, ah ayoko ng maalala na ginawa ko yan! Muntik na akong lapain ng aso dahil akala nga niya sausage ako! T.T), . Naging waitress din ako sa isang restaurant na ang mga waitress kailangan nakasuot ng ninja suit! (anu ba naman kasing trip ng mga restaurant ngayon?! D ko tlga magets...

Words: 186881 - Pages: 748

Free Essay

Ah May Kailangan Ka Pa Ba?

...Voiceless (former Stop in the Name of Love!) Written by: Denny R. HaveYouSeenThisGirl Property of http://haveyouseenthisgirl.yolasite.com CREDITS Word Copy Compiled by: Purpleyhan of Wattpad Written year 2011. AUTHOR'S NOTE: Hi! I'm Denny, the epal author of this story. XD Umm... enjoy reading the story kahit sho-shonga shongang katulad ko. XD sa offline readers, sana magkatime po kayong magleave ng comments pagkatapos niyong mabasa ang story. Pede po kayong magpost sa website ko o kaya naman sa facebook page ko: https://www.facebook.com/haveyouseenthisgirlstories I accept any comments from you guys kahit constructive criticisms. That'll be a good help for me to improve. Kung may problems po sa copy na ito, please report it to me sa e-mail ko: ballpennidenny@gmail.com or sa haveyouseenthisgirlstories@gmail.com DO NOT COPY, DO NOT REDISTRIBUTE, DO NOT PLAGIARIZE, DO NOT PRINT AND SELL, DO NOT BUY A DONUT. (pero joke lang yung sa donut XD) Ayun, shaddap na talaga ako para makabasa na kayo XD enjoy! **** Prologue It's so noisy... Can someone turn it off... Please stop making noises... Stop, listen to me please... With all the voices around me, even if I try speaking... I'll end up feeling so... "Voiceless" ...can someone hear me? - - - - - - - - Her name's Momoxhien Clarkson. She loves Syntax...

Words: 74218 - Pages: 297

Free Essay

Enchanted

...kagaspangan L ng Phil. Ports Authority ang lugar na iyon. Bagamat may kagaspangan ang pagkakasemento, na noong una ay binalak niya sa v for you?" // "Wala ho. Hihingi lang ako ng paumanhin sa kagaspangan ko kagabi. Pasensiya na ho." // "Wala iyon. Pero sa j glalakad sila patungo sa third hole. Nadadaanan nila ang kagaspangan ng matataas na damo, punungkahoy at mga palumpong. I inis. Galit din siya kay Cocoy dahil sa ipinakita nitong kagaspangan ng pag-uugali. Buong akala pa naman niya'y maginoo A g kapinuhan sa kainang publiko. Lumala ang hatol niya sa kagaspangan ni Alvin nang ang tubig na inumin ay minumog bago l j pagsasalita ni Divine. // Dahil ayaw niyang magpakita ng kagaspangan, pilit na nakipag-usap nang matino si Menard sa dal A o. // "Bastos! Ano ka ba? Pati sa bata nagpapakita ka ng kagaspangan. Wala kang karapatang gawin 'yon. Ayoko na!" impit 6 oong Santos // iyon ang ahente // mabuti hung tao // may kagaspangan lamang na kumilos at magsalita // dinaramdam kong h 4 awa mo lang ang tungkulin mo // at hindi ka nagpakita ng kagaspangan ng ugali // sa pagiging doktor hindi ka nagkait sa 2 gpakita ng takot kay Mommy hindi rin naman nagpamalas ng kagaspangan o galit // kung iba sigurong mahina-hina ang loob b 9 ba pang nasa gayunding hanapbuhay ang taxi-driver ay may kagaspangan tahimik at may madilim na mukha // malas siguro par kagat F there o." Turo niya sa langit. // Nangingiti si Mitchel, kagat ang dalawang kamay ng nangangating gilagid. Napadako si...

Words: 86413 - Pages: 346