Unang una po sa lahat magandang umaga po sa aking mga kamag aral, guro, at mga magulang na narito,
Hindi ko po lubos maisip n narito ako ngayon sa inyong harapan at nagbibigay ng aking talumpati ukol sa mga tinahak kong mundo bago marating ang matamis na tagumpay. Naalala ko po noon halos akoy mangiyak ngiyak dahil sa kakapusan ng pera at hirap akong gumawa ng mga project at talagang tipid n tipid ako sa aking pagkain.dumating pa nga ako sa punto na gusto ko ng tumigil sa pagaaral at magtrabaho na lamang, ngunit mas nanaig ang aking mga pangarap sa buhay, pinilit kong maging matatag para sa aking pamilya at aking mga pangarap. Dahil din sa mga pagsubok n dumaan sa aking buhay ay napakarami ng aking natutunan nagsumikap akong magaral upang marating ang rurok ng tagumpay .kaya heto po ako ngayon taas noo ipinagmamalaki ang isang karangalang aking tinanggap. Tunay nga po ang kasabihan “hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang tagumpay”. Magtiwala lang po tayo sa ating panginoong diyos, magkaroon ng pagtitiyaga,pagsusumikap at pagtitiwala sa sarili. Mahalin natin at pahalagahan ang bawat bagay na dumadating sa ating buhay .huwag nating sayangin ang bawat panahon na lumilipas ng wala tayong pagsisihan.
Kaya sa aking mga kamag aral, huwag po nating kalimutan ang ating mithiin huwag tayong magpadala sa mga bagay na alam nating hindi makakatulong sa pagusbong ng ating pagkatao. Naniniwala ako na bawat tao ay may pangarap na gusting matupad, lahat po tayo ay may kani-kaniyang personalidad ngunit isa lamang ang nasa puso ang matulungan ang ating pamilya at magkaroon ng magandang buhay. alam ko na magtatagumpay tayong lahat magkaroon lamang ng determinasyon. Walang anak ang gustong masaktan ang magulang bagaman tayo’y tao lamang hindi maiiwasang makagawa ng pagkakamali ngunit alam ko na sa bawat pagkakamali natin ay lalo tayong nagiging matatag na siyang bumubuo sa ating pagkatao.
Ang pagkakaroon ng karangalan ay isang pangyayari sa aking buhay na hindi ko malilimutan ito ay nagpapaalala sa akin isang tagumpay na puno ng pagsubok, magkahalong lungkot at saya ang aking nararamdaman.malungkot dahil ito ang huling araw na palagi kong nkakasama ang aking mga guro na siyang nagturo sa akin at naging sandalan ko sa mga sandaling ako’y nahihirapan.. maraming salamat po sa inyo na tumulong upang mabuo ang isang Crystine Perez na may paggalang at pagmamahal sa kapwa. At sa aking mga kamag aral na nagbibigay saya sa tuwing ako’y may dinaramdam.sa isang tabi Masaya naman ako dahil sa dinami rami ng aking pagsubok ay nakamit ko pa rin ang isang karangalang hindi matutumbasan ng kahit anu pa man. salamat sa aking mga magulang na siyang gumabay sa akin ito na ang simula ng bunga ng aking pagsusumikap.
Nawa’y maging inspirasyon po ako ng mga bawat batang tulad kong nangangarap at nagsusumikap salamat po..
PEREZ,CRYSTINE
Masining na pagpapahayag