Free Essay

Ang Pananaw Ng Mga Mag-Aaral Ng Computer Science Sa Usapaing Pagsasalin Ng Mga Aklat Tungkol Sa Computer Science Sa Wikang Filipino

In:

Submitted By thessaamor
Words 1163
Pages 5
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
Sta Mesa Manila

Ang Pananaw ng mga mag-aaral ng Computer Science sa usapaing pagsasalin ng mga aklat tungkol sa Computer Science sa Wikang Filipino

Florentino, Wesley
Jamandron, Dana
Pantojan, Patreesza
Puyat, Kate
Belga, Alexis
Castillo, Xena
Cruz, Thessa Amor
Ayaay, Arjel
Magturo, Tristan
BSCS 1-1D
Prof. Jomar Adaya
Feb 19 2013
Kabanata 1: Ang Suliranin at Kaligirang Pangkasaysayan.

Panimula
Ang wika ay isang makapangyarihang bagay dahil may kakayanan itong makabuo o makawasak. At kung ang mga estudyante ay may panahong mapag-aralan ang nasabing wika ay magkakaroon din sila ng kapangyarihan.
Sa mga taon na tayo ay nag-aaral ng wika sa mga paaralan. May dalawang klaseng wika tayong natutunan at ito ay ang Wikang Ingles at ang Wikang Filipino. At sa henerasyon ngayon na ang pagbabago ay wala na kasing bilis, nagkakaroon na ng konsepto ang mga Pilipino sa pagkaprestihiyoso sa pag-gamit ng Wikang Ingles lalo na sa agham at teknolohiya at unti-unti na itong mas nagiging dominante sa pag-gamit kaysa sa sariling wikang. Ngunit, kahit ang Wikang Ingles ay sopistikado, siyentipiko, at intelektuwal ay hindi parin ito matitibag ang wikang pinagmulan sa paraan na ito ay ipinapatibay ng ating konstitusyon at iba pang batas.
At ang pag-aaral na isasagawa ay ipapakita hindi lamang na bibigyang halaga ang sariling wika ay kundi bibigyang rin nang importansya ang paraan ng pagsasaling sa Wikang Filipino. Sa gagawing pag-aaral ay dito malalaman ang mga pananaw ng estudyante sa Computer Science ukol sa usaping pagsasaling wika ng mga aklat nito. Magiging isang daan ito upang mapalawak ang pag-gamit na sariling wika sa pag-gawa ng mga pananaliksik at mai-ambag narin sa paaralan ang natuklasang kaalaman.

Kaligirang Pangkasaysayan
Tatalakayin dito kung ano ang halagang gampanin nang sariling wika natin sa pagkatuto ng mga mag-aaral, kung ano ang epekto nito, kung epektibo ba na gamitin ang wikang Filipino sa usaping pagsasalin ng mga aklat tungkol sa Computer Science sa Wikang Filipino. Noong Ika – 13 ng nobyembre 1936, pinili ang tagalong bilang batayan ng isang bagong pambansang wika dahil una sinasalita ito ng napakaraming tao sa ating bansa, marami ng nakasulat na aklat sa tagalong at ang tagalong ang wika ng himagsikan at ng katipunan na dalawang pangyayari sa kasaysayan ng pilipinas. Kaya mas mahalagang gamitin ang wikang Filipino sa pagkatuto natin bilang Pilipino dahil ito ang ating nakasanayang gamitin na wika sa araw – araw, dahil ito ang wikang ating kinagisnan at kinalakihan at dahil ito ang wika ng ating Inang Bayan.

Paglalahad ng Suliranin
1. Gaano ka epektibo ba ang pagsasalin ng mga aklat ng Computer Science sa Wikang Filipino?
2. Ano ang magiging pananaw ng mga estudyante kung pag-aaralin ang Computer Science sa Wikang Filipino?
3. May posibilidad ba na ang pagsasaling wika na gagawin ay masakatuparan batay sa nakalap na inpormasyon?

Paglalahad ng Layunin
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ipakita ang epekto ng Pananaw ng mga mag-aaral ng Computer Science sa usapaing pagsasalin ng mga aklat tungkol sa Computer Science sa Wikang Filipino. Nais din nitong maipaliwanag ang magiging pananaw ng mga mag aaral kung ang mga libro o aklat na kanilang binabasa at gagamitin ay nakasalin sa ating inang wika na Filipino. Layunin din nitong gisingin ang mga estudyante kung epektibo nga ba talaga ang mga librong nakasalin mula Ingles patungong Filipino. Maaari din nitong magbigay-daan ang mga estudyanteng hindi bisaha sa wikang Ingles upang mas lalo pa nilang maintindihan ang mga araling binabasa nila. Sapagkat ipapakita ng pananaliksik na ito kung gaano kahalaga ang wikang Filipino kung ito ay ang wikang ginagamit sa bawat pahina ng aklat na pang Computer Science.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga upang malaman ang iba’t ibang pananaw ng mga estudyante sa usaping pagsasaling wika ng mga aklat ng Computer Science sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sta Mesa, Manila.
Sa mga estudyante, upang magbigay ng bagong ideya at konsepto lalo na sa parte ng pagka-epektibo ng pagsasaling wika. Maari rin itong maging daan upang matulungan ang ibang estudyante sa pagawa ng kanilang thesis o maging basehan sa pag-aaral.
Sa paaralan, upang maging daan sa pagbabahagi ng bagong kaalaman na natuklasan sa mga estudyante at guro. Ito rin ay makadagdag sa kaalaman na inilalabas na isang institusyon ng kaalaman. Sa lipunan, hindi lamang maibabahagi ang natuklasang bagong informasyon ay kundi maipapakita ang kagalingan ng estudyante sa isang institusyon ng kaalaman. Mag-aambag rin ng impormasyon pwedeng magamit ng iba’t ibang tao sa kanilang pag-aaral at paghahagilap ng mga kaalaman.

Balangkas Teoretikal
Ang pagsasaliksik na ito na may paksang Pananaw ng mga mag-aaral ng Computer Science sa usapaing pagsasalin ng mga aklat tungkol sa Computer Science sa Wikang Filipino ay ayon sa Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan ni Pamela Constantino. Sabi pa ni Pamela Constantino, sa pamamagitan ng katutubong wika, mas mag-iisip (hindi lang magmememorya gaya ng ginagawa sa Ingles), mas titingin at magsusuri sa kanyang kapaligiran at hindi mahihiyang magtanong (na simula ng siyentipikong pag-iisip) ang mga bata.
Inilahad ni Pamela Constantino na kung gagamitin naten ang sarili nating wika mas mabilis tayong matututo at maiintindihan ang mga bagay na ating binabasa, nakikita, at iba pa. Dahil ito ang wikang natutunan simula pagkabata at dumadami pa ang kanyang kaalaman tungkol sa wikang ito habang tumatanda. Kung ito ay iuugnay sa paksa ng aming pananaliksik, masasagot ang ilang katanungan tungkol sa pag sasaling wika mula Ingles patungong Filipino. Dahil mas mauunawaan at maiintindihan ang mga aralin kung ito ay nakasulat sa katutubo wika.

Balangkas Konseptuwal
Dalawang wikang taon ng ginagamit at pinag-aaralan
Wikang Ingles Wikang Filipino
Ang kapangyarihan ng Wika
Importansya ng pagsasaling wika mula ingles sa wikang filipino
Pagpapahalaga ng Wikang Filipino
Ang Pananaw ng mga mag-aaral ng Computer Science sa usapaing pagsasalin ng mga aklat tungkol sa Computer Science sa Wikang Filipino sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ng taong 2013-2014

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Pananaw ng mga mag-aaral ng Computer Science sa usaping pagsasalin ng mga aklat tungkol sa Computer Science sa Wikang Filipino.

Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Pananaw lamang ng mga estudyante ng Computer Science sa pagsasalin wika ng mga aklat sa Computer Science at kung sila ay aayon o hindi sasang-ayon sa posibilidad ng pagsasaling wika ng mga aklat. Ang Pag-aaral ay naka-saklaw lamang sa pananaw ng mga 1st year BSCS na estudyante sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa, Manila.

Katuturan ng mga Salitang Ginamit
Institusyon, ay isang organisasyon na nagbabahagi ng impormasyon at sumusunod sa isang layunin.

Computer Science, ay isang kurso sa kolehiyo na nakapokus sa komputasyon at pag-proseso ng impormasyon maging sa hardware o software.

Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan, ay isang libro na koleksyon ng mga artikulo/sanaysay ukol sa kahalagahan, kabuluan at relasyon ng Wika sa lipunan na isinulat ni Pamela Constantino at tsakasi si Monica M. Atienza

Similar Documents