...Kabanata 1 Aralin 1 “Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinuhugisan o binigyan ng makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama- sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagbuo ng kaisipan.” – Henry Allan Gleason (ecologist, botanist at taxonomist) *See page 3 – Webster, Sturtevant….* Katangian ng Wika * Ang wika ay masistemang balangkas * Tunog, salita, parirala, pangungusap at diskors a. Ponolohiya o tunog – makaagham na pag-aaral ng mga makahulugang tunog o ponema b. Morpolohiya o salita- pag-aaral ng mga pinakamaliit nay unit ng tunog o morpema c. Sintaksis o parirala/sugnay/pangungusap- pag-aaral ng sistema ng pagasama-sama o paguugnay-ugnay ng mga salita d. Semantika o kahulugan ng salita- kahulugan o relasyon ng mga salita Diskurso- palitan ng pangungusap * Ang wika ay sinasalitang tunog * Interaksyon ng mga aparato sa pagsalita gaya ng bibig, dila, ngipin, ngalangala, velum at gilagid (speech organs) * Unibersal na katotohanan sa wika na tunog- pinakapangunahing pangangailangan ng wika * Ang wika ay arbitraryong simbolo ng mga tunog * Simbolong bokal at arbitrary * Dualismo- isang panagisag at isang kahulugan * Arbitraryo- walang tiyak na batayan * Ito ay arbitraryo sapagkat walang rasyunal na magagamit upang ipaliwanag ang koneksyon ng mga ito * Nakaugaliang gamitin * Ang wika ay komunikasyon * Kasangkapan ng komunikasyon * Naipapahayag...
Words: 3394 - Pages: 14
...Apendiks A Balangkas ng Pananaliksik ng Ikatlong pangkat ( LANGUAGE GROUP ) I. Pamagat Salik na Nakakaapekto sa Saloobin ng mga Mag-aaral sa Pag-aaral ng Filipino II. Paglalahad ng Suliranin Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy at masuri ang mga salik na nakakaapekto sa saloobin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Filipino Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan : 1. Ano ang profayl ng mga respondent ? 1.1 Kasarian 1.2 Katayuan sa buhay 1.3 Dayalekto / Unang wika 2. Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa saloobin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Filipino ? 3. Anu-ano ang posibleng solusyon sa mga naitalang suliranin hinggil sa saloobin ng mga mag-aaral ? 4. Anu-ano ang mga tiyak na paraan na maaring gawin ng mga guro upang mabago ang saloobin ng mag-aaral hinggil sa Filipino? 5. Ano ang posibleng magiging bunga ng pag-aaral para sa mga gurong nagtuturo ng Filipino ? III. Kalahok Tinatarget ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral ng Filipino sa level sekondari. Ang mga kalahok ay bubuuin ng apatnapung ( 40 ) mag-aaral sa ikatlong antas ng sekondari. Ang pagpili ng mga kalahok sa pag-aaral ay isasagawa ng pa-random Kakailanganin din ang partisipasyon ng mga guro sa Filipino sa pag-aaral na ito upang matiyak ang mga istratehiyang...
Words: 649 - Pages: 3
...Wika Katuturan Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleasonna “ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagpapahayag.” Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan. Kahalagahan ng Wika Mahalaga ang wika sapagkat: 1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon; 2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao; 3. sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan; 4. at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman. Katangian ng wika 1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama’y sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika. 1. Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin...
Words: 1515 - Pages: 7
...pampalasa ng pagkain. Ito ay binubuo ng sodium at chloride at makukuha mula sa tubig dagat o deposito ng bato. Ayon kay G. Jessie Delos Reyes, isang pangkaraniwang mamamayan na may masidhing pagmamahal at labis na paghanga sa kalikasan, napakasimple at kahit sino’y pwedeng umani ng asin basta’t may init mula sa araw at may availabale na tubig-dagat. “Kahit sa sarili mong bakuran, pwede kang umani ng asin o ‘solar salt’ ”, wika ni G. Jessie. Ang dagat kasi ay kilala sa taglay nitong alat na may antas na 32-39 o Grade 5 salinity, alat na hindi sapat para maging asin kung matutuyo. Kailangan nitong maabot ang antas na alat na 80-100 o Grade 10 salinity para maging asin. So, paano ito isinasagawa? Sa pasimula, kailangan mong ihanda ang limang drum na magkakakonekta o magkakaugnay, ito ang pag-iimbakan ng tubig-dagat sa loob ng limang araw. Kapag naihanda na ang mga drum, iaayos o ihahanda naman ang ‘rock salt bed’ na yari sa tisa o binasag na palayok na dinikdik ng pinung pino. Dito ilalagak ang tubig-dagat upang patuyuin. Proseso: Sa unang araw, maglalagay ng tubig-dagat na nasa 32-39 antas ang alat sa unang drum. Hayaan ito doon sa loob ng 24 na oras. Ikalawang araw, bubuksan ang gripo patungo sa ikalawang drum at hayaan uli ito doon sa loob ng 24 na oras. UUlitin lamang ang prosesong ito sa loob ng limang araw. Pagdating ng ikalimang araw, inaasahang nasa 80-90 na ang antas ng alat o Grade 10 salinity ang nasabing tubig-dagat. Sa ikaanim na araw, narating na ng tubig-dagat...
Words: 349 - Pages: 2
...Communication: ito ay uri ng komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao lamang. Mainam na halimbawa nito ay ang one-on-one interview. Group Communication: Ang uring ito ay nagaganap sa pagitan ng tatlo o higit pang tao. Karaniwan nitong halimbawa ay ang mga group therapy sessions at group discussions. Public Speaking: Ito ay ang pagbibigay ng talumpati sa harap ng madla. Maari itong maiuri sa dalawa: Extemporaneous Speech Talumpating may kopya (): Ito ay ang pagbibigay ng talumpati kung saan handa ang tagapagsalita sa kaniyang sasabihin. Maaring may kopya ng talumpati ang tagapagsalita at binabasa na lamang ito sa harap ng madla, o kaya ay nakapagsaliksik na ito tungkol sa paksa at gumawa na lamang ng mental note. Karaniwan itong masasaksihan sa mga pormal na pagtitipon katulad ng seminar, lectures, at convocations. Impromptu Speech (Talumpating Di-Handa): Sa uring ito, walang kopyang binabasa ang tagapagsalita habang inuusal nito ang kaniyang talumpati. Karaniwan ay hindi alam ng tagapagsalita ang eksaktong paksa hanggang sa mismong oras ng pagbibigay niya ng talumpati. Pangmadlang Komunikasyon (Mass Communication): Naiiba ang uring ito dahil sa extent at magnitude ng kaya nitong maabot. Sa apat na uri ng komunikasyon, ito ang may pinakamaraming audience o tagatanggap ng mensahe. Karaniwan nitong halimbawa ay ang TV, print, at radio. Kahalagahan ng Komunikasyon Ang komunikasyon ay isang paraan upang tayo ay magkaunawaan. Isa ito sa pinakamahalagang sangkap ng pagkakaintindihan...
Words: 2578 - Pages: 11
...KAHANDAAN NG MGA GURO NG FILIPINO SA IMPLEMENTASYON NG KURIKULUM NG EDUKASYONG PANSEKUNDARYA (Di Limbag na Disertasyon, Pamantasan ng Bikol, Paaralang Gradwado, Lungsod ng Legazpi, Mayo 24, 2011) ni DAISY B. BORNILLA PANIMULA Bilang tugon sa mabilis na pagbabago sa larangan ng edukasyon at patuloy na paglaganap ng mga makabagong kaalaman at impormasyon, isang kurikulum ang kailangan sa paglinang sa mga kasanayan at kakayahang makatutulong sa mga mag-aaral upang maging produktibong indibidwal at magkaroon ng masaya at makahulugang buhay sa hinaharap. Makakamit ang makabagong sistemang edukasyunal ng ating 2 bansa sa pamamagitan ng kurikulum pangwikang nakapokus sa mga mag-aaral. Sa ganitong konteksto, kailangan ang pagreistruktura sa mga klasrum pangwika sa kondisyong makapagbibigay sa mga magaaral ng oportunidad upang maranasan ang pagtutulungan sa proseso ng kanilang pagaaral at pagkatuto. Maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng binagong kurikulum, ang 2010 Kurikulum sa Edukasyong Pansekundarya. 3 Sa obserbasyon ng mananaliksik, marami ang naging kahinaan sa mga nagdaang kurikulum na pinairal at ang ilan sa mga ito ay ang repitisyon at overlapping ng mga itinuro lalo sa wika mula sa elementarya hanggang tersarya; kakulangan ng artikulasyon ng mga kurikula sa tatlong antas; mababaw na nilalaman at kasanayang nililinang; walang kaayusan at pokus sa pagpili ng content at pagtalakay sa panitikan; at di lubusang paglinang ng kahusayang...
Words: 3313 - Pages: 14
...Pag-unlad kurikulum ay isang proseso ng pagpapabuti ng kurikulum . Inilalapat ang iba't ibang mga diskarte na-ginagamit sa pagbuo ng curricula. Mga karaniwang ginagamit na diskarte ay binubuo ng pagtatasa (ibig sabihin kailangan pagtatasa, pagtatasa ng gawain), disenyo (ibig sabihin layunin disenyo), pagpili (yan ay pinili ng naaangkop na mga paraan sa pag-aaral / pagtuturo, pinili ng naaangkop na pamamaraan ng pagtasa) ng bituin (ibig sabihin ng bituin ng kurikulum pagpapatupad komite, kurikulum pagsusuri komite) at pagsusuri (ibig sabihin kurikulum pagsusuri komite). 1. Pagsusuri 2. Disenyo 3. Tugma 4. Bituin 5. Repasuhin Sa pormal na edukasyon , ang isang kurikulum ( / k ə r ɪ k jʉ l əm / ; pangmaramihang: curricula / k ə r ɪ k jʉ l ə / o curriculums ) ay ang binalak pakikipag-ugnayan ng mag-aaral sa pagtuturo ng nilalaman, mga materyales, mga mapagkukunan, at mga proseso para sa pagsusuri ng attainment ng pang-edukasyon mga layunin. Iba pang mga kahulugan pagsamahin ang iba't ibang mga elemento upang ilarawan ang kurikulum tulad ng sumusunod: Ang lahat ng mga pag-aaral na kung saan ay binalak at magabayan ng mga paaralan, kung ito ay isinasagawa sa sa grupo o isa-isa, sa loob o sa labas ng paaralan.(Juan Kerr) Guhit-balangkas ng mga kakayahan, pagtatanghal, saloobin, at mga halaga ng mga mag-aaral ay inaasahan na matutunan mula sa pag-aaral. Kabilang dito ang mga pahayag ng ninanais na mag-aaral kinalabasan, mga paglalarawan ng mga materyales, at ang binalak pagkakasunud-sunod...
Words: 2992 - Pages: 12
...WIKA, EDUKASYON, PILIPINO Ano ang isang tunay na Pilipino? Sa dagat ng mga nakasisilaw na liwanag at ingay ng makabagong pamumuhay, kilala pa ba natin ang ating sarili? Kung mula pa sa ating kamusmusan at hanggang sa ating pagtanda ay wala tayong kinamulatan kundi ang mga bunga ng kolonialismo, mahalaga pa ba sa atin ang ating pagka-Pilipino...ang kalayaan na kay tagal na ipinaglaban ng libu-libo nating mga bayani at pinangangalagaan hanggang sa kasalukuyan ng marami sa atin sa buong kapuluan mula Baler hanggang Basilan? Ngunit habang ang kasalukuyan nating mga paaralan ay patuloy sa pagtuturo sa pamamagitan ng wikang banyaga, lalo na ang Ingles, nasaan ang kasarinlan? Saan natin matatagpuan ang tunay na ikaw, ang tunay na ako, ang tunay na Pilipino? Ingles, Kastila, Mandarin, Niponggo...mga wikang banyaga na karaniwa'y gamit sa halos lahat ng ating mga eskwelahan mula primariya hanggang sa pinakamataas na baytang ng pag-aaral sa bayang itong ating iniibig at sinasabing atin. May mali ba? Tayo ba'y mga tampalasan sa kabayanihan at katapangan ng ating mga ninuno hanggang kay Ninoy at Corazon Aquino na hanggang kamatayan ay iningatan ang dangal ng ating kalayaan? Tayo ba'y mga duwag, bastardo, walang utang na loob at pakialam sa tunay na diwa ng ating pagkabansa? Marahil ay hindi mali, dahil ang pagiging isang Pilipino ay kaakibat ng paggamit ng isang wikang unibersal ng kung tawagin ay Ingles at ito'y di mapasusubaliang kailangan sa lahat ng antas ng lipunan at ginamit...
Words: 569 - Pages: 3
...Batayang aklat sa wika A. Kahulugan at katangian ng wika Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay koliktibong kaban ng karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki. Ang wika ay mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa Ito ay biyayang galing sa Diyos upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa kanyang kapaligirang ginagalawan. Samakatuwid, ito ay isang dan sa pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa iba't ibang aspeto ng buhay. MGA KATANGIAN NG WIKA 1. Dinamiko ang wika. Nagbabago ito kasabay ng pagbabago ng panahon at pandaigdig na pagbabago. 2. May sariling kakanyahan ang bawat wika. Hindi mahahanap sa ibang wika ang mga katangian ng isang wika. 3. Kaugnay ng wika ang kultura ng isang bansa. Ang sining, panitikan, karunungan, kaugalian, kinagawian, at paniniwala ng mga mamamayan ang bumubuo ng kultura. Ang pangkat ng mga taong may angking kultura ay lumilinang ng isang wikang naaangkop sa kanilang mga pangangailangan sa buhay. B. Ang papel ng wika sa pag katuto Isang mahalagang instrumento ang wika sa komunikasyon. Nagkakaroon ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman; mithiin at nararamdaman sa halos lahat ng aspect ng pag-aaral --- sa ating pang-araw araw na pamumuhay. Nakasalalay ang epktibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang...
Words: 1103 - Pages: 5
...Anu anong terminong matematikal ang hindi lubos na nauunawaan ng mga mag - aaral sa Tañong High School? Paano nakaaapekto ang paggamit ng wikang Filipino sa pagkaunawa ng mga mag aaral ng Tañong High School sa mga espesipikong aspeto ng matematika Paano nakaaapekto ang mga terminong matematikal sa mabisang pagkatuto ng mga mag - aaral Ano Anong mga balakid ang humahadlang sa mabisang pagkaunawa sa asignaturang matematika ------------------------------------------------- Top of Form Ano nga ba sa Filipino ang “The square root of 4 is 2?” Dito na nauwi ang usapin kung ano ang tatahaking landas ng ating wikang pambansa. Ang ganitong argumento ay tila binabandera ng mga tutol na gamitin ang Filipino sa pagtuturo, lalo na sa mga larangan ng Agham at Matematika, para palitawin na baka mauwi lang ang usapan sa katatawanan. “Ang parisukat na ugat ng apat ay dalawa.” Sadya ngang kakaibang pakinggan. Katulad nga naman ito ng mga pagpupumilit na gamitin ang “salumpuwit” para sa upuan at “salung-suso” para sa “bra,” na para bang mangingimi kang itanong kung ano ngayon ang magiging salin ng “panty” at “brief.” May nagsasabi na ang dapat na salin ng “The square root of 4 is 2” ay “Ang skwer rut ng apat ay dalawa.” May mga purista naman na tataas ang kilay sa paraang ito ng pagsalin. Ito rin ang mga taong hindi masaya na mabasa ang mga salitang tulad ng “jornal”, “sentens”, “referens”, “iskwater”, “kompyuter”, “basketbol” at iba pang ang salin ay nanggagaling...
Words: 2148 - Pages: 9
...Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao ang wika ay isang lengguwahe === sa pilipinas === Ang kahulugan ng wika ay lengguwahe. ang wika ay may sistema, binubuo ng arbitrayong simbolo ng mga tunog, at ginagamit para sa komunikasyon ng mga tao Ang wika ay masistemang balangkas. Lahat ng wika sa mundo ay gumagamit ng isang tiyak na balangkas, mapagramatika man o mapangkahulugan. Ang wika ay sinasalitang tunog. Ang wika ay hindi maituturing na wika kung hindi ipinamamahagi. Ito ay dumadaan mula sa isip ng tao patungo sa artikulador at resonador na siyang nag-aamplify ng tunog. Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Ang wika ay hindi maaaring gamitin kung hindi rin lang nagkakaintindihan. Ginagamit natin ang wika para makipag-usap sa tao sa paraang maiintindihan niya. Ang wika ay arbitraryo. Ang wika ay natututunan sa isang lipunan. Samakatwid, hindi matututo ng wika ang tao kung hindi siya makikihalubilo. Ang wika ay ginagamit at ito ay...
Words: 1180 - Pages: 5
...kabuuang bilang ng wika na mayroon sa pilipinas. * Tagalog * Ilocano * Kapangpangan * Bikolano * Cebuano * Hiligaynon * Waray waray * E sorot dumaghet Mayroong 175 wika sa Pilipinas. 171 dito ay nanatiling gamit pa at 4 ay tuluyang lumipas na. 2. Ano ang pag kakaiba ng maikling “ng” sa mahabang “nang”? * Ang nang ay ginagamit sa kilos, halimbawa: “nang” tumayo * Ang ng ay ginagamit sa tao o bagay, halimbawa: binigay “ng” tao 3. Bahagi ng pananalita. 1. Pangngalan 2. Pangatnig 3. Panghalip 4. Pangukol 5. Pandiwa 6. Pang ankop 7. Panguri 8. Pang abay 4. Ibigay ang mga kahulugan ng pakupya, paiwa at pahilis at mag bigay ng tig 10 halimbawa “Diin” * Antas ng lakas ng bigkas ng salita o bahagi ng salita “Tuldik” * Nagpapakita ng higit na gamit ng diin (^)-pakupya (`)- paiwa ( )- pahilis pahilis - ito ay ginagamit sa mabilis paiwa - ito ay ginagamit sa malumi pakupya - ito ay ginagamit sa maragsa 1. Malumay * Binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin sa pagbigkas sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ito ay hindi ginagamitan ng anumang tuldik o palatandaan. Maaaring magtapos ang salitang malumay sa patinig o katinig. 2. Malumi * Ang bigkas na malumi ay tulad sa bigkas ng mga salitang malumay. Ito’y binibigkas nang dahan-dahan at may diin sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ang ipinagkaiba lamang ng dalawang pagbigkas...
Words: 376 - Pages: 2
...Napapanahong Isyu Tungkol sa Wika Masasabi ko ngang mayaman ang ating bansa sa wika sapagkat mayroon tayong iba’t ibang pagkakasalin sa iisang salita. Mayaman nga ang ating wika ngunit may pagka-negatibong epekto din ito, dahil hindi lahat ng mga Pilipino ay nagpakadalubhasa sa ating wika. At hindi lahat ay nakapagbabasa, nakapagsasalita, nakapagsusulat at nakakaintindi ng lahat ng mga wikain sa ating bansa. Ipinanukala ni Pangulong Manuel L. Quezon ang isang Kautusang Tagapagganap Bilang 124, Serye 1937 na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog. Tatlong taon makalipas ang pagpapanukala, ay sinimulan na din ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralang pampubliko at pribado. Noong taong 1959, ang wikang pambansa ay tinawag na Pilipino batay na rin sa Tagalog. At sa Konstitution ng 1986, Arikulo XVI, seksyon 6, nakasaad dito pinapalitan na ang tawag ng wikang pambansa, at ginawang Filipino ang Pilipino, upang mabigyan ng tamang distinksyon ang tawag sa tao at sa wika, na ang tao ay Pilipino at ang wika ay Filipino. Sa pamamagitan ng batas na ito nagkaroon ng pambansang pagkakaunawaan at global na pagkakakilanlan ang mga Pilipino. Nagkaroon din ng pangkalahatang pagkakaintindihan sa mga iba’t ibang pananaw, saloobin at kuro-kuro ng bawat indibidual. Sa kasalukuyang matinding sigalot sa bansa, anumang talakayan hinggil sa wika ay tiyak na magbubunsod sa isang away o maingay na pagtatalo. Kahawig nito ang usapin ng kababaihan. Laging...
Words: 1474 - Pages: 6
...Unibersidad ng Pilipinas WIKANG WARAY NG SAMAR (Isang Pagsusuri) Pinal na Papel Bilang Pagtugon sa Kahilingan sa Kursong Pantas sa Filipino Sa Asignaturang Istruktura ng Wikanf Filipino | | Ipinasa nina: Michael M. Ogsila Lorena S. Club Pantas sa Filipino Ika- 2 ng Abril 2014 Ipinasa kay: Gng. Perla S. Carpio Propesor Wikang Waray ng Samar Panimula Ang lalawigan ng Samar ay matatagpuan sa Silangang Bisayas ng Pilipinas. Ito ay nahahati sa tatlong probinsiya, ang Hilagang Samar, Kanlurang Samar, Silangang Samar. Maraming mahahalagang tubig ang nakapalibot dito, isa na ang Kipot ng Surigao na siyang naghihiwalay sa pulo ng Samar at Leyte. Kung ang gitna ng Leyte ay mabundok, maburol naman ang gitna ng Samar. Ang lokal na gobyerno ay nahahati sa apat na antas ito ay barangay, munisipalidad, syudad at mga probinsya. Ang barangay ang siyang pangunahing yunit ng istrukturang pulitikal at binubuo ng hindi lalabis sa isang libong naninirahan. Sa pangunguna ng barangay kapitan, ang barangay ay ang bihikulong pamahalaan para sa paghahatid ng mga produkto at serbisyong pangkomunidad. Samantala ang mga munisipalidad ay binubuo ng mga nahalal na opisyal tulad ng Alkalde, Pangalawang Alkalde, at mga miyembro ng Sangguniang...
Words: 1677 - Pages: 7
...Bagus, Rona Rhenziel S. BS SW I-2 1. Ano ang wika? Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na linggwistika. Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitanglengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon 2. Kahalagahan ng wika Instrumento ng Komunikasyon - ginagamit ng tao ang wika sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Kung minsan, hindi kinakailangang ang isang tao ay magkaroon ng mataas na kaalaman sa isang wika upang maipahayag nya ang kanyang saloobin. Ang kawastuang gramatika ay hindi na gaanong pinapansin lalo na kung ang nag-uusap ay may magkaibang wika. Sapat nang maipahayag ng bawat isa ang konseptong nais nilang iparating sa wikang pareho nilang...
Words: 1943 - Pages: 8