Free Essay

Asdzxcasdasdasdzzxc

In:

Submitted By walterz124
Words 9571
Pages 39
Pagsulat ng Isang Salaysay

Tungkol saan ang modyul na ito?

Bawa’t tao ay may kanya-kanyang kwento ng buhay. Kwentong kaysarap balik-balikan at di-mawaglit sa isipan. Ikaw, anong pangyayari sa iyong buhay ang di-mo malilimutan? Bakit?
Kaya mo ba itong isalaysay nang tuluy-tuloy?
Madalas tayong magbahagi ng mga pangyayaring ating napanood o di kaya’y nabasa.
Subalit higit na kasiya-siya kung ito’y naging bahagi ng ating karanasang nakakatuwa… nakakatakot… nakahihiya…
Ito ang paksa ng araling pag-aaralan mo ngayon; ang pagsulat ng isang pagsasalaysay.
Tungkol din ito sa mga tiyak na pamantayan sa pasulat na komunikasyon, pagbuo ng magkakaugnay na kaisipan at impormasyon, pagpapahayag ng sariling opinyon, damdamin o saloobin sa isang halimbawang salaysay at pagbuo ng isang maayos na talatang nagsasalaysay.
Tiyak na magiging kawili-wili ang bawat gawaing iyong pag-aaralan sapagkat kuwento ito ng bahagi ng buhay na maaaring mangyari rin sa iyo o kaya’y nangyari na.
Handa ka na ba para sa pagsisimula ng iyong aralin?

Ano ang matutunan mo?
Inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan sa pag-aaral ng modyul na ito: A. Nakasusunod sa mga tiyak na pamantayan sa pasulat na komunikasyon.
1. wastong baybay
2. wastong bantas
3. kawastuang gramatikal
B. Naipahahayag ang pansariling opinyon, damdamin, saloobin batay sa isang halimbawang modelo

C. Nasusuri ang sangkap at katangian ng mabuting pagsasalaysay
1. format
2. nilalaman
D. Maipamamalas ang kahusayan sa pagbubuo ng isang sulating nagsasalaysay na may magkaugnay na kaisipan

Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Gabay sa sariling pagkatuto ang modyul na ito. Gamitin mo ito bilang patnubay sa tulong ng mga tuntunin. Upang maging makabuluhan at wasto ang iyong paggamit kailangang maging malinaw sa iyo ang mga nararapat gawin. Huwag kang mag-alala, sundin mo ang mga sumusunod: 1. Sagutin mo ang panimulang pagsubok; ang bahaging Ano na ba ang alam mo? Gabay ito upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman sa paksa.
2. Iwasto mo ang iyong sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung nagkaroon ka man ng maraming mali, huwag mag-alala. Tutulungan ka ng mga gawaing inihanda ko.
3. Pag-aralan mo na ang paksang aralin. Isagawa mo ang mga kaugnay na Gawain.
Mababasa mo ang mga dapat gawin.
4. Tingnan mo kung naragdagan ang iyong kaalaman. Sagutin mo ang Pangwakas na
Pagsusulit o ang bahaging Gaano ka na Kahusay? Pagkatapos iwasto ang iyong sagot sa tulong ng Susi.
5. Gamitin mo nang wasto ang modyul. Kaibigan mo ito. Sagutin mo nang mabuti.
Huwag mong susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na papel o kaya ay notbuk.
6. Ang isang kaibigang nagmamalasakit ay dapat mong pahalagahan sapagkat mahalaga ka rin para rito.

2

Ano na ba ang alam mo?
Huwag kang matakot sa pagsusulit na ito. Layon lamang nitong masukat ang dati mo nang kaalaman tungkol sa paksa.
Handa ka na ba?
Magsimula ka na!
A. Pamantayan sa Pasulat na Komunikasyon
1. Wastong baybay
Panuto: Piliin at isulat ang salitang may wastong baybay sa talata.
“Aba, Pare, hanga ako sa babaeng kasakay ko kanina sa _____1_____
(jip, dyip) biglang hinablot ng isang _____2_____ (isnatcher, isnacher) ang kanyang kuwintas at patalilis na bumaba. Agad ba namang pinatid ng babae ang paa niya. Na-off balance siya at nahulog. Putok ang kanyang ulo. Hawak pa niya ang kuwintas na hinablot nang damputin siya ng _____3_____ (pulis, police) Bale pare, ang kuwintas naman pala e _____4_____ (fancy, fansy) lamang. _____5_____ (Fake, Peke)! Hindi ginto!!!
2. Wastong bantas
Panuto: Punan ng angkop na bantas ang bawat patlang.
“Tuloy kayo, tuloy” sabi ni Gng ___1___ Francisco. “Ano po ba ang maipagllilingkod namin sa inyo ___2___”
Napansin ni Kap. Academia ang mga muwebles sa bahay. “Naku, ang ganda ng mga ukit sa silya ninyo ___3___ Palagay ko’y nara ang mga ito.
Matigas at tila matibay ang kahoy ___4___ e.”
“Nara nga po,” tugon ng ginang.
“Pasensya na kayo, ___5___ Wika ni Gng. Francisco. “Masyadong mainit. Brownout kasi, hindi tuloy namin mapaandar ang bentilador.”
3. Kawastuang Gramatikal
Panuto: Piliin ang wastong salita sa loob ng panaklong
Isang hapon, nagbabasa ng aklat si Liza. Nakarinig siya ng katok.
Binuksan niya ang _____1_____ (pinto, pintuan). “Ay, Ninang, kayo pala.
Tuloy po kayo,” sabi ni Liza.

3

“Nariyan ba ang nanay mo?”
“Opo, maupo muna kayo at _____2_____ (tatawagin, tatawagan) ko.”
Pumasok sa sala ang nanay ni Liza. “Mare, napasyal ka,” bati nito.
“Oo, Mare. Kasi, aanyayahan ko kayong mag-anak sa bahay sa darating na
Linggo sa ganap na ika-3:00 _____3_____ (ng, nang) hapon. Ika-14 na taong kaarawan kasi ng apo kong si Alice,” Wika ng bisita.
“Ganoon ba? O sige, _____4_____ (sasabihin, sasabihan) ko sa pare mo.” Walang anu-ano, pumasok si Liza. May dala itong suman, matamis na makapuno at malamig na tubig.
“Ninang, magmiryenda po muna kayo.” Alok ng bata.
“Naku, salamat!!! _____5_____ (May, Mayroon) pamiryenda pa!
“Sige kumain ka muna bago tayo magbalitaan.”
B. Wastong Gamit ng Pandiwa
Panuto: Isulat ang wastong anyo ng pandiwang nasa loob ng panaklong.
Si Rodolfo, 19 na taong gulang na nawalan ng malay mula sa mga sugat na _____1_____ (tamo) dahil sa aksidente; ay nakahandusay sa kaliwang upuan sa harap ng isang station wagon na nag-aapoy sa likod at tagiliran. Si Renato, isang trabahador, 22 taong gulang, at isa pang lalaki ay patakbong _____2_____ (lapit) sa sasakyang _____3_____ (tanggal) na ang pintuan ng drayber. _____4_____ (kalat) na ang apoy sa may pintuan sa harap. Nakaluhod sa upuan, _____5_____ (buhat) si Renato at ng lalaki si
Rodolfo at inalis ito sa sasakyang mabilis na nilamon na apoy.
C. Pagpapahayag ng pansariling opinyon, damdamin, saloobin batay sa halimbawang modelo. Panuto: Basahin muna ang salaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga katanungan tungkol dito. Letra lamang ang isulat.

Higit pa sa Kinang ng Ginto
Sa ospital na Ortepedik, may isang mabait na seruhano. Nagpapakita siya ng kabutihan sa mga pasyente. Naging interesado siya nang gayon na lamang kay Jimmy na nilumpo ng polyo. Natinag siya sa kalagayan ni
Jimmy – parang ahas kung maglakad; ginagamit na paa ang puwit at mga kamay. 4

May tiwala ang seruhano na makalalakad si Jimmy kaya sinabi niya rito isang araw, “Jimmy, gusto mo bang gamutin ko ang mga paa mo para makalakad ka’t makapaglaro tulad ng ibang bata?”
“Doktor,” sabi ng bata, “Magiging masayang-masaya po ako. Pero mahirap na mahirap lang po kami. Siguro, kailangang may tumulong sa akin…” “Sagot ko na ang gamot. Libre ang ospital,” ang mabilis na wika ng duktor .
Nagdaan si Jimmy sa apat na operasyong sa tantiya ay may isang milyong piso ang halaga. Ngayon, kahit hindi siya magiging kasintaas ng talagang taas niya, makatatayo naman siya sa pamamagitan ng kanyang sariling dalawang paa. Magsusuot siya ng mga brace habambuhay. Ngunit hindi naman niya kailangan na ang mga saklay sa dakong huli.
At ginawa ng seruhano ang lahat ng ito nang libre.

1. Ano ang masasabi mo sa kabuuan ng kuwento?
a. simple at malinaw
c. maikli at masalimuot
b. matalinghaga at mabisa d. malalim at simple
2. Matapos mabasa ang kuwento, ano ang naging damdamin mo sa ginawa ng seruhano? a. nanaghili
c. nabahanga
b. natulala
d. nainggit
3. Ang mga tauhang ginamit sa kuwento ay masasabing
a. guniguni lamang
c. di-katanggap-tanggap
c. kapani-paniwala
d. mahirap paniwalaan
4. Ang tagpuan ng kuwento ay sa
a. ampunan
c. lalawigan
b. bahay
d. pagamutan
5. Ang mga pangyayari sa kuwento ay masasabing
a. samu’t sari
c. makatotohanan
b. likhang-isip
d. walang batayan

5

D. Pagsunod sa pamantayan sa pagsulat ng format
Panuto: Isulat kung anong bahagi ng kuwento ang isinasaad ng mga pahayag sa bawat bilang 1. Ay mali!
2. Gayon na lamang ang kanyang pagsisisi nang mabatid ang tunay na pangyayari. 3. Katapatan sa kapwa.
4. “Aalis ako? Aba, saan ako pupunta?” tanong niyang may kahalong tawa. “Di na nga ako makakilos eh… diyaskeng rayuma ito! Aalis pa ko.”
5. Ilang kawal pa ang dumating na bumiling-baligtad sa bangkay ni Kardo upang tiyaking patay na nga ang matagal na nilang pinaghahanap.
Nilalaman
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga sangkap ng kuwento ayon sa hinihingi ng bawat bilang. Piliin sa ibaba ang wastong sagot.

wakas tagpuan kasukdulan

tauhan banghay E. Pagbuo ng isang sulating nagsasalaysay. Isaayos at isulat ang bilang ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari upang makabuo ng isang salaysay.
1.

Isang babaeng may sakit na malubhang pagdurugo sa nakalipas na 12 taon ang pumunta sa likuran ni Hesus at kumapit sa gilid ng kanyang damit, sabi ng babae sa sarili, “kahit kumapit lang ako sa damit niya ay gagaling na ako.”
6

2.

Pagkatapos, pumasok sa bahay ng opisyal si Hesus. Nang makita niyang nangakagayak ang mga musikero at mga tao para sa libing, sinabi niya,
“Lumabas kayong lahat. Ang batang babae ay hindi patay – natutulog lamang siya.” 3.

Habang nagsasalita si Hesus, isang opisyal na Hudyo ang lumapit sa kanya, lumuhod at nagsabing, “kamamatay lang ng anak kong babae ngunit halika at idampi ang mga kamay mo sa kanya at siya’y mabubuhay.”

4.

Humarap si Hesus at nakita ang babae, at sinabi niya, “anak lakasan mo ang iyong loob. Nilulunasan ka ng iyong pananalig.” Sa sandaling yaon, gumaling ang babae.

5.

Tumayo si Hesus at sinundan ang opisyal. Sumunod din ang mga desipulo ni Hesus.

Iwasto mo ang iyong sagot. Hingin mo ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro. Kung mataas ang iskor na iyong nakuha, nangangahulugan lamang na magiging madali para sa iyo ang araling pag-aaralan.
Huwag ka namang mag-alala kung mababa ang iskor na nakuha. Tutulungan ka ng mga gawaing inihanda ko na malinang ng husto ang iyong kaalaman.

Mga Gawain sa Pagkatuto
Sub-Aralin 1
Layunin


Nakasusunod sa mga tiyak na pamantayan sa pagsulat na komunikasyon
a. wastong baybay
b. wastong bantas
c. kawastuang gramatika

7

Alamin mo
Pansinin mo ang mga larawan. Naging bahagi rin ba ng iyong karanasan ang mga pangyayari sa isinasaad ng larawan? Kaya mo ba itong isalaysay?

Hindi lahat ng karanasan ay masaya. Dumarating ang mga pagkakataong nakadarama tayo ng kalungkutan, pagkapahiya sa harap ng ibang tao, pag-aalala, pagkatakot o kaya’y panghihinayang o pag-aalinlangan.
Mahalaga lamang na mapulot natin ang mahahalagang aral mula sa mga karanasang ito upang magamit sa ating pang-araw-araw na buhay.
Upang mabigyan ka pang lalo ng mga impormasyon, basahin mo ang panayam na aking inihanda.
Linangin
Ang pagsasalaysay ay pagkukuwento. Ito ay pagpapahayag na naglalayong maglahad ng sunud-sunod na pangyayaring palasak at madalas na kailanganin ito ng tao.
Lahat ng tao ay nagkukuwento at naaaliw makinig o bumasa ng kuwento. Sa tuwing magsisimula tayo ng “Noong araw…” o kaya’y “Alam mo ba kung ano ang nangyari?” tayo ay nasa landas na ng pagsasalaysay. Pagkagising mo pa lamang sa umaga at pagdulog sa hapag ng almusal sasabihin mo “Napangarap ko ba naman kagabi eh…” at gayun, nagsasalaysay ka na.
May dalawang paraan ng pagsasalaysay. Maaaring pasalita o pasulat na maaaring mabatay sa alinman sa mga sumusunod:
a.
b.
c.
d.
e.

sariling karanasan pangyayaring nakita o nasaksihan pangyayaring narinig pangyayaring nabasa bungang-isip 8

Sa isang baguhan (tulad mong mag-aaral), mahalagang mabatid muna ang ilang mga hakbang sa pagsulat. Naririto ang ilang hakbang na maaari mong pagbatayan.
A. Linawin mo kung anong paksa ang iyong tatalakayin.
B. Gumawa ng isang balangkas. Ito ay isang iskeleton ng iyong gagawing pagtalakay sa paksa.
C. Alamin mo rin kung paano mo ilalahad ang iyong salaysay. Nararapat na nakaayon ito sa tamang istruktura:
1. Introduksyon – dito inilalahad ang paksang tatalakayin.
2. Eksplorasyon – dito iniisa-isa ang mga kaalamang may kinalaman sa paksa. 3. Kongklusyon – dito inilalahad ng sumusulat ang sariling opinyon tungkol sa paksa.
D. Alamin mo ang mga kaalamang teknikal tulad ng wastong baybay, bantas at pamimili ng angkop na salita.
Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Sa bahaging ito ng iyong aralin, pagtutuunan natin ng pansin ang mga kaalamang teknikal.
A. Wastong baybay – hindi ito maaaring ipagwalang-bahala upang maging wasto at maayos ang pagpapahayag lalo na kung ito ay pasulat.
Kahit tumpak ang pagkakabuo ng mga pangungusap at wasto ang gamit ng mga salita sa diwang nais ipahayag, hindi magiging ganap at mabisa ang pagpapahayag kung ang mga salita ay hindi nasusulat sa patakaran at pamantayan sa wastong palabaybayan sa wikang Filipino.
Narito ang mga tuntunin sa panghihiram.
1. Sundin ang mga sumusunod na tuntunin sa paghanap ng mga panumbas sa mga hiram na salita.
a. Gamitin ang kasalukuyang leksyon ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang banyaga.
Halimbawa:
north – hilaga rule – tuntunin south – timog skul – kasanayan
b. Kumuha ng mga salita mula sa iba’t ibang katutubong wika ng bansa
Hiram na salita imagery husband muslim preist

-

Filipino haraya (Tagalog) bana (Hiligaynon) imam (Tausug)
9

c. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles at ibang wikang banyaga at saka baybayin sa Filipino.
Halimbawa:
Kastila cheque liquido education Filipino tseke likido edukasyon Ingles centripetal commercial advertising Iba pang wika

Filipino

Coup d’ etat (French)
Blitzkrieg (German)
Chinelas (Kastila)

Filipino sentripetal komersyal advertayzing kudeta blitzkreg tsinelas

2. Gamitin ang mga letrang C, Ñ, Q, X, F, J, V, Z kapag ang mga salita ay hiniram nang buo ayon sa mga sumusunod na kundisyon:
a. Pantanging ngalan
Halimbawa:
Tao
Lugar
Gusali
Sasakyan
Pangyayari

- Quirino, Aquino
- Sta. Cruz, Cavite
- Doña Margarita Building
- Mercedes Benz, Qatar Airlines
- El Niño, First Quarter Storm

b. Salitang teknikal o Siyentipiko
Halimbawa:
x-ray

quartz

enzyme

c. Salitang may natatanging kahulugang cultural
Halimbawa:
Cañao (Ifugao)
Señora (Kastila)
Masjid (Maguindanao)

-

pagdiriwang ale pook-dalanginan

d. Salitang may iregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra o higit pa na hindi binibigkas ang mga letra ay hindi katumbas ng tunog.
Halimbawa:
bouquet champagne zendesvouz plateau 10

e. Salitang may internasyonal na anyong kinikilala at ginagamit
Halimbawa:
taxi

exit

fax

3. Gamitin ang mga letrang F, J, V, Z para katawanin ang mga tunog /f/, /j/, /v/,
/z/, kapag binaybay sa Filipino ang mga salitang hiram.
Halimbawa:
fixer – fikser vertical – vertical

subject – subjeck zipper – ziper

4. Gamitin ang mga letrang C, Ñ, Q, V sa mga salitang hiniram nang buo.
Halimbawa:
cornice cell reflex requiem cataluña xenophobia Gawain 1 – Wastong baybay
Panuto: Isulat nang wasto ang mga salitang may salungguhit
May sakit ang bata. Dinala niya ito sa (1) _centro_ ng bayan upang ipakonsulta sa (2) _doctor_ sumakay sila ng (3) _takxi_ kahit kaunti lamang ang baong pera dahil sa masama na ang lagay ng bata.
Matapos masuri, nagtungo sila sa (4) _botica_ upang bilhin ang mga gamot na (5) _inireceta_ ng manggagamot.
Gawain 2 – Wastong bantas
Panuto: Bago mo sagutin basahin mo muna ang mga paliwanag upang magkaroon ka ng sapat na impormasyong iyong magagamit sa pagsagot sa gawain.
Narito ang mga karaniwang bantas na madalas nating gamitin sa ating mga sulatin.
1. kuwit ( , )
a. sa paghihiwalay ng mga salita, parirala o sugnay.
Halimbawa:
• Sila ay bumili ng aklat, notbuk at mga papel
• Kung kasama ka, matutuloy sila
b. Sa paghihiwalay ng Oo o Hindi sa iba pang bahagi ng pangunugsap.
Halimbawa:
• Oo, tayo ay tutulong sa ating kapwa
• Hindi, ayokong sumama sa iyo

11

c. Sa pagitan ng petsa at ng taon.
Halimbawa:
• Hunyo 18, 2006
• Ika-20 ng Pebrero, 2006
d. Sa salitang pantawag.
Halimbawa:
• Nena, isulat mo sa pisara ang wastong sagot.
• Renato, aalis ka na?
2. Pananong ( ? )
a. Sa pangungusap na patanong.
Halimbawa:
• Sasama ba kayo sa amin?
• Totoo bang maligaya ka sa iyong buhay?
b. Sa bahaging pinag-aalinlanganan sa isang pangungusap.
Halimbawa:
• Ikakasal sila sa Linggo?
3. Padamdam o paghanga
a. Sa mga kataga, salita o pangungusap na padamdam.
Halimbawa:
• Naku! Nahulog ang bata!
• Hindi ko akalain!
4. Gitling
a. Sa pagitan ng mga salitang inuulit.
Halimbawa:
• sama-sama tayo
• araw-araw siyang nag-aaral
b. Sa pagitan ng panlaping nagtatapos sa katinig na “g” at salitang-ugat na nagsisimula sa patinig.
Halimbawa
• Tag-ulan na naman.
• Mag-anak ang bumubuo sa tahanan
c. Sa pagitan ng dalawang salitang may nawawalang kataga sa gitna.
Halimbawa:
• Kapit-tuko
• Bulaklak-parang

12

5. Kudlit
a. Sa halip ng titik na nawawala sa loob ng salita.
Halimbawa:
• Sa halip nito’y iyan na lamang ang dalhin mo.
• Ako’y magbabakasyon na lamang
6. Panipi
a. Sa tuwirang sinasabi ng nagsasalita.
Halimbawa:
• “Ibigin mo ang iyong kapwa nang higit pa sa iyong sarili,” sabi ni
Bonifacio.
b. Sa pamagat ng akda o paksa.
Halimbawa:
• Ang “Uhaw ang tigang na lupa” ay isang mahusay na akda.
Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Kung gayon, handang-handa ka na sa gawaing aking inihanda.
Simulan mo na!
Panuto: Isulat ang angkop na bantas sa bawat patlang sa talata.
Nakita ni Kumander Matsing ang nangyari _1_ Ay Mali! Sabi niya at sana _2_ y babaguhin niya ang utos ngunit huli na. Isang tutubi ang dumapo sa ulo ni Kumander. Nakita ito ng isang susuray _3_ suray nang matsing at pinukpok ang tutubi. “BOG _4_ “ at sabay na nabuwal ang dalawang matsing _5_
Gawain 3 – Kawastuang Gramatika
a. Aspekto ng pandiwa
Sa pagsasalaysay o pagkukuwento lubhang mahalaga ang wastong paggamit ng iba’t ibang bahagi ng panalita, lalung-lalo na ang mga pandiwa. Ang angkop na aspeto ay makatutulong nang malaki sa wastong pagsasalaysay.
Ano nga ba ang pandiwa? Pandiwa ang tawag sa mga salitang nagpapahayag ng kilos o galaw.
Halimbawa:
• Nagdiwang ang buong bansa sa pagkakapanalo ni Pacquiao.

13

Tatlo ang aspekto ng pandiwa: naganap, nagaganap, magaganap
Naganap – nagsasaad na ang kilos ay tapos na
Halimbawa:
• Nagdaos sila ng palatuntunan kahapon.
• Ipinagdiwang nila ang araw ng kalayaan.
Nagaganap – nagsasaad na ang kilos ay kasalukuyang nagaganap
Halimbawa:
• Nagsisimula nang magdatingan ang mga panauhin.
• Kumakain na sila nang kami’y dumating.
Magaganap – nagsasaad na ang kilos ay di pa nagaganap o mangyayari pa lamang. Halimbawa:
• Magsisimula ang palatuntunan.
• Magtatanghal sila bukas.
Panuto: Isulat ang wastong anyo ng pandiwang nasa loob ng panaklong na nababagay sa diwa ng pangungusap.
Malakas ang naging halakhakan ng mga matsing nang marinig nila ang paghamon ni Haring Telbino. 1(Tanggap) ng mga matsing ang paghamon ng mga tutubi. Itinakda ang pook at oras ng paglalaban ng mga mandirigmang matsing at manlilipad na tutubi.
2(Dating) ang takdang oras ng paglalaban. Nasa isang panig ng malawak na parang ang mga matsing na pawang may dalang piraso ng kahoy na pamukpok. Isa lamang ang 3(sigaw) na utos ni Kumander Matsing sa mga sandatahang kawal na 4(bantay). “Bawat makitang tutubi, pukpukin!” ganito nga ang kanilang 5(gawa).
b. Wastong gamit ng salita
Upang higit na maging mabisa ang isang pahayag, mahalagang wasto rin ang mga salitang ating ginagamit.
Ang salitang bunutin at bunutan ay may magkaibang kahulugan.
Ang bunutin ay nangangahulugang alisin tulad ng damo.
Samantalang ang bunutan ay alisan, tulad ng pag-aalis ng puti sa buhok.

14

Ang alisin ay nangangahulugang tanggalin ang buong bagay na ipinaaalis. Halimbawa:
• Alisin mo ang aklat sa mesa upang may magamit na sulatan ang mga mag-aaral.
Ang alisan ay ang bahagi ng kabuuan na siyang tatanggalin.
Halimbawa:
• Alisan mo ng tuyong dahon ang halaman.
Panuto: Piliin ang wastong sagot sa loob ng panaklong.
1.
2.
3.
4.
5.

(Pahirin, Pahiran) mo ang iyong pawis sa iyong mukha.
Maaga siyang (bumangon, magbangon) upang makapasok nang maaga.
(Kung, Kong) darating siya nang maaga, tutuloy kami sa handaan.
Sasalubungin (nina, nila) ang kanilang mga panauhin.
(Nang, Ng) sila’y dumating, sinumulan agad ang palatuntunan.

Lagumin mo
A. Panuto: Isulat ang bantas na kailangan sa bawat patlang at wastong pandiwa na nasa loob ng panaklong.
Noong si Apolinario Mabini ay nag-aaral pa sa Maynila ay nagnais din siyang mamusturang gaya ng kanyang mga kamag-aral.
“Inay _1_ “ ang sinulat niya sa kanyang inang nasa lalawigan, _2_ padalhan naman ninyo ako rito ng salapi upang maibili ko ng mga damit. Ako lamang ang hindi pustura rito.
“Kaawa-awa naman ang aking anak.” Ang naibulong sa sarili ng ina…
“ _3_ (Gawin) ko ang lahat upang mapadalhan ng salapi si Apolinario.”
_4_ (Tiis) ng ina ang init ng araw sa gitna ng bukid nang mahabang panahon pati ang lamig ng ulan at ang hampas ng hangin sa paggawa sa bukid. _5_ (Bili) niyang lahat ang kanyang aning palay at kape. Ang mga pise
_6_ piseta niyang naipon sa mahabang panahon ay _7_ (buhol) sa kanyang alampay at ipinadalang lahat iyon ng ina.
Nang kalagin ni Apolinario Mabini ang buhol at nakita niya ang perang unti-unting _8_ (ipon) ng kanyang ina, nangilid ang kanyang mga luha. Hindi na salapi ang nakita niya sa alampay kundi hirap _9_ pawis at luha ng kanyang ina. Hindi niya nagawang gugulin sa pamumustura ang ipinadalang iyon ng ina.
Nang mamatay si Mabini _10_ (kita) ng isa niyang kamag-anak ang mga piseta na nakabuhol pa sa alampay ng nasira niyang ina.

15

B. Panuto: Isulat ang wastong baybay ng nasasalungguhitang salita sa pangungusap.
1. Hindi pa uso ang cheque noon kaya barya-barya lamang ang ipinadala ng ina kay Mabini.
2. Walang gaanong komersyal na tindahan kaya’t limitado ang nabibiling gamit. 3. Naisip din niyang padalhan ng bagong chinelas ang anak.
4. Higit na mahalaga kay Mabini ang educasyon.
5. Madalas siyang umuuwi sa kanilang lalawigan dahil sa hirap ng transportation. Subukin mo
Panuto: Isulat ang mga tinutukoy ng mga sumusunod na pahayag sa bawat bilang
1. Bantas na ginagamit kapag inuulit ang buong salita.
2. Bantas na ginagamit bilang pananda sa nawawala o higit pang salitang magkasunod. 3. Ginagamit na bantas sa paghihiwalay ng mga salita, parirala o sugnay.
4. Inilalagay ang bantas na ito sa tuwirang sinasabi ng nagsasalita.
5. Kapag humihingi ng sagot o paliwanag, ito ang bantas na ginagamit.
6. Bahagi ng panalita na nagsasaad ng kilos o galaw.
7. Kapag ang kilos na isinasaad ng pandiwa ay natapos na, ito ay nasa aspektong
__________.
8. Kung ang kilos ay kasalukuyang nangyayari, ito ay nasa aspektong __________.
9. Kung gagawin pa lamang ang kilos, ito ay nasa aspektong __________.
10. Ang anyo ng salitang “kain” ay nagiging kumain kung ang kilos na isinasaad ay
__________ na.
Paunlarin
A. Panuto: Isulat ang A kung wasto ang baybay ng mga nasasalungguhitang salita sa bawat bilang at B kung hindi.
1. Nagtutulungan ang mga tao sa komyuniti.
2. Isinasagawa ang cañao sa mga pagkakataong masaganang ani o di-kaya’y may nagbabantang panganib.
3. Marami silang aning piña sa taong ito kahit pa nga dumaranas ng El Niño ang bansa. 4. Inilagay nila ang mga huling isda sa bañera.
5. Umupa sila ng truk upang maibiyahe ang mga aning prutas at huling isda.
B. Panuto: Isulat ang angkop na bantas sa bawat patlang sa pangungusap.
1. “Amang Abraham _____ kaawaan mo ako. Iyong sugurin si Lazaro. Utusan mo siyang isawsaw ang kanyang daliri sa tubig at patuluin ito sa aking dila upang ako ay malamigan nang kahit bahagya.”
2. “Bakit magkaiba ang aming kinalalagyan _____”

16

3. “Anak, tandaan mong noong ikaw ay nabubuhay ay lumasap ka ng lahat ng ginhawa, samantalang si Lazaro ay pawang hirap ang dinanas, sagot ni Abraham
_____
4. “Napakainit _____ Lubhang ako’y nagdurusa,” hinagpis ng mayamang lalaki.
5. “Hindi, Amang Abraham, _____ ang giit ng lalaki. Kapag may patay na nagpaalala sa kanila, sila ay walang sawang magsisisi. _____
C. Panuto: Isulat ang wastong anyo ng pandiwang nasa loob ng panaklong
1. Itinuro ni Hesus na malaking parusa ang naghihintay sa mga taong (buhay) lamang sa kalugurang dulot ng mundo.
2. At upang maunawaan mabuti ang nais niyang sabihin, (bigay) niya ang parabola ng taong mayaman na si Lazaro.
3. May isang mayamang lalaking lubhang marangyang namumuhay. (Bili) niya ang lahat ng maibigan.
4. Samantala naman, sa labas ng palasyo ng mayamang lalaki ay may isang pulubing laging (hintay) ng kahit na mga mumong nalalaglag sa mesang kinakainan ng mga nagpipiyesta. 5. Nang mamatay ang pulbi (dala) ng mga anghel ang kanyang kaluluwa sa kinaroroonan ni Abraham. Ngunit nang mamatay ang mayaman, siya ay ibinaon sa apoy ng impiyerno.
D. Panuto: Piliin at isulat ang wastong salitang angkop sa pangungusap.
Si Luisito ay anak-maralita sa kabila ng kahirapan ay sinisikap pa _1_
(rin, din) niyang makapag-aral kaya sa gabi siya nag-aaral upang makapaghanapbuhay naman sa araw. Kadalasan, sa hangad na kumita _2_
(ng, nang) malaki, naghahanapbuhay pa _3_ (siya, sila) pagkalabas sa eskwela at hatinggabi _4_ (kong, kung) dumating _5_ (ng, nang) bahay at hindi na makuhang mag-aral ng leksyon. Bunga nito ay madalas siyang makatulog sa loob ng klase at kalimitan ay hindi makasagot sa leksyon.
Iwasto mo ang iyong sagot, hingin ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro. Kung hindi mo naman makuha ang lahat ng tamang sagot, balikan ang mga bilang na ito at pag-aralan mabuti kung bakit ito ang naging sagot upang higit na maliwanag sa iyo ang aralin. Kung wala ka mang mali, nangangahulugan lamang na sanay na sanay ka na sa kasanayang iyong pinagaralan. Binabati kita.

17

Sub-Aralin 2
Layunin


Naipahahayag ang sariling opinyon, damdamin, saloobin batay sa isang halimbawang modelo

Alamin mo

Ano ang nakikita mo sa larawan? Naranasan mo na rin ba ang mga pagkakataong ito? Bawat tao sa mundo ay may kani-kaniyang makukulay na karanasan sa buhay.
Ang karanasan ay maaaring makuha nang tuwiran. Tuwiran ito kung galing sa sariling pagkasangkot. Matindi ang epekto nito sapagkat naaapektuhan ang buong pagkatao.
Samantala, pamalit ito sa karanasan ng ibang tao kung ang kaalaman ay nakukuha lamang sa iba, maaaring nabasa sa mga aklat o mga babasahin, narinig sa kung sino, nabalitaan sa mass media o naikuwento ng kaibigan. Ang epekto nito ay depende na rin sa mga naging tuwirang karanasan o sa kakayahang dumamay, iyong paglalagay ng sarili sa katauhan ng iba; dahil kung hindi, ito’y walang halaga.
Ang pagsasalaysay, samakatuwid ay pagkukuwento ng mga pangyayari tungkol sa mga naging karanasan ng tao sa sarili, sa kapwa at sa kapaligiran, sa layuning makapagpahayag-loob, makapagsalitang-kuro, makapaghatid-impormasyon, makapagbigay-aral, makapagdulot-tuwa, tungo sa kahalagahang ikapagpapalawak ng kaalaman, ikapagpapaunlad ng pang-unawa.
Sa bahaging ito ng aralin, ikaw ay magbibigay ng pansariling-opinyon, damdamin o saloobin hinggil sa nabasang salaysay.
Linangin
Tuwing tayo’y nakaririnig/nakababasa ng kuwento, hindi maiaalis ang pagbibigay natin ng reaksyon/opinyon. Iba’t ibang anggulo o bahagi ang maaaring bigyang-tuon sa pagbibigay ng sariling damdamin o opinyon gaya ng pagkamakatotohanan ng kuwento,
18

mga tauhang gumanap, kaangkupan sa kasalukuyang panahon, kilos o naging desisyon ng mga nagsiganap o pagkakabuo ng kuwento.
Ang pagbibigay ng opinyon ay batay sa sariling pananaw na naaayon lamang sa nabasa o napakinggan.
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang salaysay. Pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Letra lamang ang isulat.
Napagkamalan
Isang araw ng linggo’y nagtungo ako sa Maynila at namili ng mga libro. Natagalan ako sa paghahanap ng mga aklat na kailangan ko sa pag-aaral sapagkat napakaraming namimili. Isa pang dahilan ay masyadong masalimuot ang daloy ng trapiko, parang prusisyon ang usad ng mga sasakyan. Ginabi tuloy ako ng uwi.
Habang naglalakad patungo sa amin, naulinigan ko ang mga yabag na papalapit sa akin. Bigla akong kinabahan. May taong sumusunod sa akin, naisaloob ko. Lumingon ako’t nakita ko nga ang isang lalaki.
Noon di’y kumaripas ako ng takbo, ngunit mabilis din ang ginawang pagtakbo ng lalaki. Pagkaraa’y tumawid ako ng daan at natanaw kong nakasindi ang ilaw sa aming bahay. Walang anu-ano’y bigla na lamang akong sinunggaban ng lalaki.
“Sabi ko na’t anak ka ni Kapitan, e,” anang lalaki at napangiti ito.
“Kaya kita hinabol ay upang ibigay ang librong ito na nalimutan mo sa dyip.”
At ako’y nagtaka at nasiyahan sa nangyari. “ Marami pong salamat,” nasabi ko na lamang. “Napakabuti po ninyo.”

1. Ano ang iyong naramdaman habang binabasa ang kuwento?
a. kinakabahan
c. naaawa
b. naiinis
d. kinukutuban
2. Sa ikinilos ng nagsasalaysay, mahihinuhang siya’y
a. naguguluhan
c. natatakot
b. nananabik
d. nag-aalala
3. Ang mga salitang ginamit sa salaysay ay masasabing
a. imformal
c. lalawiganin
b. formal
d. kolokyal

19

4. Ang mga pangyayari sa kuwento ay
a. di-makatotohanan
c. imposible
b. walang batayan
d. makatotohanan
5. Naging maliwanag ang paraan ng pagsasalaysay dahil sa
a. malikhaing pagkukuwento
b. kawili-wiling paksa
c. mga pangyayaring naganap
d. mga payak na salitang ginamit
Lagumin mo
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang salaysay. Pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Letra lamang ang isulat.
Medalyang Ginto
Malaki ang naitulong ng palakasan kay Ernesto. Dahil sa matulin niyang pagtakbo, agad siyang pinatawag ng gurong-tagapagsanay sa takbuhan sa kanilang paaralan. Naging daan ito upang malinang ang kanyang kakayahan.
Bunga nito’y marami nang rekord sa pagtakbo ang napanalunan niya at sa pamamagitan niya’y napatanyag ang kanilang paaralan.
Sa iba’t ibang paligsahang pampalakasan, naging matunog at bukambibig ang kanyang pangalan. Lagi siyang nagwawagi sa mga palarong panlalawigan, panrehiyon at maging pambansa. Sa tulong nito’y naitaguyod niya ang kanyang pag-aaral hanggang sa kolehiyo. Naglalaro siya sa umaga at kumukuha ng Arkitektura sa gabi. Habang dumarami ang mga paligsahang nilalahukan niya lalo ring dumarami ang medalyang gintong nagiging hiyas ng kanyang karangalan at tagumpay.
Ngunit isang araw ng dalawin siya ng kanyang ama habang nagsasanay, bigla siyang nawalan ng malay. Noon di’y isinugod siya ng ama sa ospital ng kanilang pamantasan at nabatid nitong talamak na ang kanyang karamdaman: kanser. Huli na nang ito’y malaman niya habang nag-uusap ang kanyang ama’t ina. Gayunman hindi siya nawalan ng pag-asa. At upang mamalagi ang kanyang alaala sa larangan ng palakasan at magsilbing halimbawa sa mga kabataang mag-aaral, ipinasya niyang ihandog ang lahat ng kanyang tinamong medalyang ginto sa kanyang mahal na Alma Mater.
1. Ano ang naramdaman mo sa ginawang pagkakaloob ni Ernesto ng lahat ng
Medalyang ginto sa kanyang paaralan?
a. paghanga
c. pagkilala
b. pagtataka
b. panghihinayang

20

2. Sa pagtanggao ni Ernesto sa karamdamang dumapo sa kanya, masasabing siya’y isang taong
a. makapagkakatiwalaan
c. matatag
b. mapagkumbaba
d. maunawain
3. Mawala man si Ernesto mananatiling buhay ang kanyang alaala dahil sa kanyang a. kagalingan
c. kabantugan
b. kabutihang-loob
d. katalinuhan
4. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Ernesto, alin sa mga sumusunod ang hindi mo gagawin?
a. kahahabagan ang kalagayan
b. ipagpapatuloy ang pang-araw-araw na gawain
c. sasali pa rin sa iba’t ibang paligsahan
d. makikihalubilo pa rin sa iba
5. Alin sa mga sumusunod ang walang kaugnayan sa tekstong binasa?
a. Habang may buhay, may pag-asa
b. Hindi balakid ang karamdaman sa pagtatamo ng tagumpay
c. Lahat tayo’y may karamdaman
d. Maging matatag sa mga pagsubok sa buhay
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang kuwento. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na katanungan na matatagpuan sa kabilang pahina. Letra lamang ang isulat.
Sa Europa ay may isang babaeng halos mamatay na sa kanser. Isang gamot ang maaaring makapagligtas sa kanya. Ito’y isang anyo ng radium na ipinagbibili ng parmasyotiko sa halagang $2,000, sampung beses ang taas kaysa nagasta sa paggawa nito. Si Heinz, ang asawa ng may sakit, ay lumapit sa lahat ng kilala niya para mangutang; ngunit ang napagtipun-tipon niya ay kalahati lamang ng presyo ng gamot. Sinabi ni Heinz na parmasyotiko na ang asawa niya ay malapit nang mamatay. Nakiusap siya rito na ibigay sa kanya ang gamot sa murang halaga o kaya’y saka na lamang siya pagbayarin. Ngunit ang sabi ng parmasyotiko ay “Ayoko”. Naging desperado si Heinz at pinasok niya ang tindahan ng parmasyotiko para nakawin ang gamot.
1. Ano ang masasabi mo sa naging kapasyahan ni Heinz?
a. marahas
c. maagap
b. mabilis
d. matalino
2. Ang ginawa ni Heinz ay maituturing na isang kasalanan dahil isa itong
a. pamimilit ng tao
c. pang-aapi
b. paglabag sa batas
d. panlilinlang

21

3. Ang kaganapan sa kuwento ay maituturing na
a. walang batayan
c. di-dapat paniwalaan
b. di-maaaring mangyari
d. katanggap tanggap
4. Ang suliraning panlipunang nasasalamin sa kuwento ay
a. kahirapan
c. karamdaman
b. kriminalidad
d. katarungan
5. Ano ang maaaring kahinatnan ng buhay ni Heinz?
a. lalong maghirap sa buhay
b. mawalan ng asawa
c. katakutan siya ng mga tao
d. makulong siya sa mahabang panahon
Paunlarin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang talataan. Pagkatapos sagutin ang mga katanungan. Letra lamang ang isulat.
Noong gabi ng baha, limang kabataang lalaking sakay ng kotse ang tumawid ng ilog para malaman kung may sinumang nangangailangan ng tulong.
Nang nasa kalahatian na sila ng umapaw na ilog, ayaw nang umandar ng kanilang kotse. Tinangka nilang itulak ito. Pantay-tuhod na ang ilog ngunit hindi nila magawang itulak ang kotse. Palalim nang palalim ang tubig at palakas nang palakas ang agos. Mabuti na lamang at dumating ang isang malaking trak at itinulak nito ang kotse. Nang dumating ang lima sa kanilang destinasyon, agad silang kumilos. Tinulungan nilang makakita ng masisilungan sa higit na mataas na lugar ang mga biktima. Binigyan nila ng mga tuyong damit at ipinagluto ng sopas ang mga ito. Isa sa kanila ang naglista sa lahat ng tao at pinaggrupu-grupo batay sa pamilya.
1. Ang pangyayari sa kuwento ay makikita sa mga pagkakataong may
a. namatayan
c. kalamidad
b. pagdiriwang
d. suliranin
2. Ang ginawa ng limang lalaking sakay ng kotse ay
a. karaniwan lamang
c. kamangha-mangha
b. kahanga-hanga
d. mahiwagang tunay
3. Sa ikinilos ng limang kabataang lalaki, mahihinuhang sila ay
a. sanay sa gayong gawain
b. preparado sa lahat ng bagay
c. magaling dumiskarte
d. maalam sa buhay

22

4. Alin sa mga sumusunod na pamagat ang angkop sa salaysay
a. Ang Malaking Baha
b. Salamat sa Malaking Trak
c. Ang Magigiting na Kabataang Lalaki
d. Isang Kapana-panabik na Sandali
5. Kung ikaw ay isa sa mga natulungan ng mga kabataang lalaki, alin ang di mo gagawin? a. lubos na magpapasalamat
b. mikikiisa rin sa kanilang gawain
c. mananahimik at mamumuhay nang payapa
d. tutulong din sa mga nangangailangan
Iwasto mo ang iyong sagot. Hingin ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro upang malaman kung gaano na ang iyong iniunlad.
Kung tama ang lahat ng iyong sagot, binabati kita. Nangangahulugang sanay na sanay ka na sa pagbibigay ng reaksyon. Kung mayroon ka mang mali, muli mong balikan ang katanungan at pag-aralang mabuti kung bakit iyon ang sagot.

Sub-Aralin 3
Layunin


Nasusuri ang sangkap at katangian ng mabuting pagsasalaysay
a. Format
b. Nilalaman

Alamin mo
Masasabing mabisa ang isang pagsasalaysay kung taglay nito ang mga sangkap at katangiang kailangan. Kasama rito ang pamagat, mahalagang paksa, maayos na pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at kawili-wiling simula at wakas.
Ipaliliwanag sa bahaging ito ng aralin ang iba’t ibang sangkap sa pagsulat ng salaysay upang mabigyan ka ng ideya kung paano nga ba ito nabubuo.
Linangin
Mga Sangkap at Katangian ng Mabuting Pagsasalaysay
1. Magandang Pamagat
Anu-ano ang katangian ng mabuting pamagat? Isa-isahin natin.
23

a. Maikli – Binubuo lamang ng isa hanggang tatlong salita.
Halimbawa
• “Ay Mali!” “Naku Po!” “Aba, Naku!”
b. Gumigising ng kawilihan at pananabik – Dapat makapukaw ng interes na sa pagkabasa pa lamang sa pamagat ay higit niyang naising basahin ang salaysay o kuwento. Tulad ng “Tata Selo”, “Banyaga”, “Mabangis na Lungsod”.
c. Hindi palasak – Maraming maiisip na pamagat na angkop sa pagsasalaysay, kaya’t iwasan na ang iyon at iyong pamagat.
2. Mahalagang Paksa
Ang paksa o ang pangyayaring isasalaysay ay dapat na magkaroon ng kahalagahan at mag-iwan ng kakintalan. Ang pagsasalaysay ay kawili-wili at kapanapanabik kung mahalaga at may lalim ang paksang isinasalaysay. Ang mga karanasan ng tao ang mga may kaugnayan sa damdamin ng pag-ibig, paghihiganti, pagpapatawad, tagumpay at kabiguan, pakikipagsapalaran ay mga paksang kailanma’y hindi pagsasawaang basahin.
3. Kawili-wiling Simula
Ang maganda at kawili-wiling simula ng anumang pagsasalaysay ay nakaaakit sa mambabasa o sa tagapakinig. Kung walang “init” at pang-akit ang panimula, maaaring hindi na ipagpatuloy ang pagbasa o pakikinig. Hindi dapat simulan ang pagsasalaysay sa paraang maligoy at masalita. Wika nga, dapat may aksyon o kilos agad ang tauhan.
Mga Halimbawa:
Kay Lydia niya unang narinig ang balita
“La,” sabi ni Lydia na kumandong sa kanya at pinagdaop ang mga palad sa kanyang buhok, “Aalis ka na nga ba rito, ha, La?”
“Baka makipag-away ka na naman, Impen?” tinig iyon ng kanyang ina.
Nangangaral na naman. Mula sa kinatatalungkuang giray na batalan saglit siyang napatigil sa paghuhugas ng mumo sa kamay.
4. Maayos na Pagkakasunud-sunod ng mga Pangyayari
Ang mabuting pagsasalaysay ay may maayos na pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari, may magandang pagkakatangi-tangi ang mga pangyayari kung alin ang unang dapat isalaysay. Sa gayon ay magiging malinaw, kawili-wili at may kapananabikang napupukaw sa tagapakinig o bumabasa.
5. Ang Kawili-wiling Wakas
Ang kawili-wiling wakas ay isinusunod agad sa kasukdulan ng salaysay o sa bahaging naroon ang pinakamataas na antas ng kawilihan. Maikli, kagya’t o karaka-raka
24

ang wakas. Wala nang marami pang paliwanag. Sa halip ay nanghahawakan ang nagsasalaysay sa mga simbolismo at pahiwatig. Ipinauubaya rin sa guniguni at haraya ng mambabasa o tagapakinig ang ibang detalye.
Gawain 1
A. Pagkilala sa format ng salaysay
Panuto: Piliin at isulat ang salitang tumutugon sa inilalahad ng bawat bilang
1. May Bukas Pa
2. Ang araw ay mahapdi sa balat at ang hangin at tila hininga ng isang nilalagnat. 3. Ilang kawal po ang dumating na bumiling – baliktad sa bangkay ni Kardo upang tiyaking patay na nga ang matagal nilang pinaghahanap na may sapalos na takas. Inilulan ang bangkay ni Kardo sa sasakyan ng military.
4. Natulig siya. Nahilo, at pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.
5. Pakikipagsapalaran sa buhay
Pagpipilian:
wakas simula nilalaman

paksa pamagat Gawain 2
Panuto:Hanapin sa kasunod na pahina ang karugtong na pahayag upang mabuo ang isang salaysay. Letra lamang ang isulat.
Nagpalibut-libot sa malawak na gubat si Juan ______________1______________
“Ano ang malambing na himig na aking naririnig?” bulong niya sa sarili.
________________________2__________________________.
“Makinig ka Juan. Pulutin mo ang aming maliliit na butil,” waring sinasabi ng himig. ______________________3______________________.
Idinilat na mabuti ni Juan ang kanyang mga mata at tinitigan ang mataas na damo.
_____________________4______________________ Hmm; napakabango ng mga kulay-gintong butil na ito.
Muling nakarinig ng malumanay na himig si Juan na sa wari niya ay dala ng hanging malamig. “Ang mga ginuntuang butil na iyan ay tatawagin ninyong palay. Itanim ninyo ang mga butil at palaguin.”
“Ito ay tunay na magbibigay ng ibayong lakas at kagalingan sa tao,” bulong ni
Juan. _______________________5______________________.

25

Pagpipilian:
A. “Saan kaya ito nanggagaling?”
B. “Kami ay hindi na magpapagala-gala sa paghahanap ng pagkaing mainam.”
C. Upang humanap na pagkain nang bigla siyang may naulinigan
D. “Aba! Maraming bunga ang dulo ng damo!
E. “Masarap ito at mainam na pagkain.”
Lagumin mo
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari upang makabuo ng isang malinaw na salaysay. Letra lamang ang isulat.
A. Nagdasal siya at umasang makaligtas.
B. Napapaligiran siya ng mababangis na hayop handang sumila sa kanya anumang oras.
C. May isang lalaki ang naging biktima sa pagbagsak ng eroplano sa kasukalan.
Wala siyang landas palabas.
D. Ngunit hindi siya nawalan ng loob.
E. Tinangka niyang hanapin ang landas palabas hanggang siya ay nailagtas ng pangkat ng mga tagapagligtas na hindi nawalan ng pag-asa.
Subukin
Panuto: Isulat kung ano ang tinutukoy ng mga sumusunod.
1. Bahagi ng salaysay na siyang pumupukaw sa interes ng mambabasa.
2. Nag-iiwan ng kakintalan sa mga mambabasa.
3. Mga kaganapang maayos na pinagsunud-sunod upang maging malinaw ang kabuuan ng kuwento.
4. Ang isinusunod sa kasukdulan ng salaysay.
5. Ang bahaging ito ng kuwento ay sinisimulan sa paraang di-maligoy at masalita 26

Paunlarin
Panuto: Isulat kung anong sangkap/ bahagi ng kuwento ang mga sumusunod na pahayag
1. Hindi tumututol si Datu Ramilon sa pamimintuho ng kalalakihan sa kanyang anak dahil sa siya ay isang ama.
2. Natatangi sa Negros ang barangay ni Datu Ramilon dahil sa kanyang kahanga-hangang katapangan at kabaitan.
3. Ang bundok ng Kanlaon.
4. Mula noon, ang dating maliit na burol ay naging isang malaking bundok.
5. Wagas na Pagmamahalan.

Sub-Aralin 4
Layunin


Naipamamalas ang kahusayan sa pagbubuo ng isang sulating nagsasalaysay na may magkakaugnay na kaisipan

Alamin mo
Masdan mo ang larawan. Maisasalaysay mo ba ang kaganapn sa tagpuan larawan?
Alam mo na ba kinalabasan nito?

Tama ka. Sa paaralan nga naganap ang pangyayaring, isinasaad sa mga larawan.
Dahil sa naging maayos ang pagkakahati-halti sa oras sa bawat gawain, mahihinuhang naging maganda ang kinalabasan ng pag-uulat sa klase.
Anumang gawain kung maayos na naisagawa ay maganda ang nagiging bunga.
Tulad ng pagsasalaysay, nararapat lamang na sunud-sunod ang mga pangyayari upang maunawaan ng mga mambabasa o tagaparinig.
27

Sa bahaging ito ng iyong aralin tatalakayin ang tungkol sa pagtatalata upang lubos mong maunawaan kung paano bubuuin ang talatang nagsasalaysay.
Linangin
Alam mo na bang magbaha-bahagi ng talata?
Ang talata ay ang pinagsama-sama at pinagdugtung-dugtong na mga magkakaugnay na pangungusap tungo sa isang paksa o isang tiyak na bahagi ng isang higit na malawak na paksa.
May sulating binubuo ng isang talata tulad lamang halimbawa ng isang kolum o pangulong tudling sa pahayagan. Ang buong ideya ng pagpapahayag ay nakalulan nang lahat sa talata. Sa isang talata lamang ng kolum ay ganap nang naipahayag ang gustong sabihin. Samantala, sa mga sulating mahaba-haba, ang isang talata ay sumasagisag sa isa lamang sa mga pangkat ng kaisipan upang makalikha ng isang sulatin.
Ang pagtatalata ay ginagawa ng manunulat upang maisaayos niya nang mahusay ang kanyang mga kaisipan tungo sa lohikal at matalinong pagsusuri at pagpapangkatpangkat. Ito rin ay nag-uudyok sa mga mambabasa upang ipagpatuloy ang pagbasa, sapagkat isang bahagi ng kabuuan ay maaaring kumatawan sa kabuuan mismo ng sulatin.
Ilang Bagay na Dapat Isaalang-alang sa Pagtatalata
1. Tandaan na sa pagsisimula ng talata, dapat na ito’y may indensyon o nakapasok. Ang pasok ay naghuhudyat ng bagong talataan at gayun din upang makapagpahinga ng panandalian ang mata ng mambabasa.
2. Ang pasok na talata ay mga isang pulgada mula sa palugit (margin) kapag sulat kamay at limang espasyo mula sa palugit kapag makinilyado.
3. Sa pagtatalata ng tuwirang sinabi (direct quotation) dapat itong ihiwalay sa punong talata.
4. Upang makamtan ang kalinawan, ang tuwirang sinabi/ sinalita ay maaaring italata nang bukod mula sa unang paglalahad kapag ang sinabi ay makikita sa bahaging hulihan ng mga pangungusap.
5. Kapag may salitaan o diyalogo ang bawat salitaan ay dapat na nakabukod sa talata upang maipakita kaagad ang palitan ng salitaan.
6. Ang haba ng talata at ibinabatay sa dalawang bagay:
a. Ang kahalagahan at pagkamasalimuot ng paksa
b. Haba ng kabuuan ng sulatin
7. Ang isang punong kaisipan ay maaaring isang talata at ang haba ay ayon na rin sa kahalagahan ng kaisipan.

28

Paghahati-hati ng Talata
Ang isang talatang bahagi ng isang mahabang sulatin ay kadalasang lumilikha ng isang seksyon ng isang masaklaw na kaisipan. Bawat pangungusap ng ganitong talata ay dapat makatulong sa pagbuo ng isang partikular na seksyon ng talata na nais malinang.
Ang talata ay natatapos kapag nasabi nang lahat ng manunulat ang nais ipahayag at handa nang magsimula ng isa pang talata. Ang pag-iindensyon sa susunod na linya ay naghuhudyat ng bagong talataan.
Naging malinaw ba sa iyo ang mga paliwanag na aking ibinigay? Mabuti naman kung gayon. Natitiyak kong magiging madali na para sa iyo ang pagbubuo ng talata.
Handa ka na ba?
Simulan mo na!
Gawain 1
Panuto: Isaayos ayon sa pagkakasunud-sunod ang mga talata upang makabuo ng isang mabisang kuwento. Bilang lamang ang isulat
Ang Kilusan ng Chipko
1. Isang araw, nag-utos ang Maharajah na putulin ang mga puno sa isang gubat upang makapagpatayo ng isang bagong palasyo. Tinutulan iyon ni Amrita.
Sinabi niyang labag sa pananampalataya ang pagwasak ng gubat. Nang hindi siya pansinin ng tagaputol ng kahoy, niyakap niya ang kauna-unahang puno upang ipagtanggol ito. Natamaan ng tagaputol ng kahoy ang kanyang bukung-bukong.
Bumagsak sa lupa si Amrita ngunit yumakap pa rin siya sa puno. Kinakailangang putulin pa ng mga tagaputol ng kahoy ang kanyang katawan bago nila nahawakan ang puno. 2. Lubhang humanga ang Maharajah sa katapangang iyon at isinumpa niyang ang mga nayon ng Vishnois ay hindi na pakukunan ng troso. Hindi na rin pangangasuhan ng mga ligaw na hayop. Naroroon pa rin ang mga nayong iyon; pinoprotektahan ng kanilang mga puno, mga oasis sa isang disyerto ng kalungkutan.
3. Si Armita Deji ay lumaking nagbibigay proteksyon at nagmamahal sa lahat ng puno at ligaw na hayop. Isa sa pang-araw-araw na panalangin ng kanyang pananampalataya ay “Paano kami mabubuhay kung wala ka? Binabantayan mo kami, pinapakain, binibigyang-buhay. Puno, ibigay mo sa akin ang iyong lakas upang maprotektahan ka.”
4. Sa may paanang burol ng bundok Himalaya, 250 taon na ang nakaraan isang grupo ng walang pinag-aralang kababaihan ang hinamon sa kapangyarihan ng
Maharajah (hari).

29

5. Ang istorya ng Chipko ay buhay pa rin sa India. At dito’y masigla pa rin ang kilusan. Ngunit sa iba pang mga bahagi ng mundo ang mga tribu sa kagubatan ay patuloy na tumututol sa mga banta sa punungkahoy.
6. Ang tungkulin ni Amrita ay ipinagpatuloy ng kanyang tatlong anak na babae. At pagkaraan ay ng maraming miyembro ng tribu ng lugar na iyon. Sa katapusan ng araw, 363, taganayon ang patay at ikatlong bahagi lamang ng kinakailangang mga kahoy ang naputol.
Lagumin mo
Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na pahayag upang makabuo ng isang maikling kuwento. Isulat nang buo ang talata.
1. Sa kalauna’y nagkaroon ng katuparan ang kanilang pag-asang mabuhay.
2. Nang mamatay ang padre de-pamilya, naging mahirap ang buhay ng naiwan niyang asawa’t maliliit na anak. Kakaunti lamang ang kanilang pera at pagkain. 3. Sa ngayon, lahat ng miyembro ng pamilya ay may matatag nang kabuhayan.
4. Tila wala nang solusyon sa mga problema. Ngunit hindi nawalan ng pag-asa ang pamilya.
5. Nagsikap sila at nagtrabaho nang tapat.
Subukin
Panuto: Punan ng angkop na pahayag ang bawat patlang sa talataan upang mabuo ang kuwento. Letra lamang ang isulat.
Ang Maghangad ng Kagitna
Gabi noon at malakas ang ulan. Kasalukuyang nahihimbing ang lahat nang biglang tila dumagundong ang malalakas na kulog at gumuhit ang matatalim na kidlat sa kalangitan.
________________________1___________________________________
_____________________________________________________________________
_______________________________________.
________________________2___________________________________
Lumabas ako ng bahay at nakita kong nasusunog ang bahay ni Aling
Pinang.

30

________________________3___________________________________
_____________________________________________________________________
_______________________________________.
Bagama’t madaling naapula ang apoy, naging magulo pa rin ang paligid.
Nilamon ng lahat na __________4_________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________________________________.
Nandaya si Aling Pinang upang maliit lamang ang bayaran niyang konsumo sa kuryente. Subalit ang naging kapalit ay ang kanyang buong bahay.
_________________________________5___________________________________
_____________________________________________________________________
_______________________________________.
Pagpipilian:
A. Ang pinagmulan ng sunog ay ang metro ng ilaw ni Aling Pinang na nilagyan ng alambre upang maging mabagal ang pag-ikot.
B. Hindi sana nangyari ito kung naging matapat lamang siya.
C. Bigla akong napabalikwas at sa aking pagkagulat ay narinig ko ang malalakas na sigaw.
D. Ginising ko ang aking mga magulang upang makapagbalot ng mga gamit at mailigtas ang mga ito sa sakaling lumaki pa ang apoy.
E. Sunog! Sunog! Sunog!
Paunlarin
Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na talata upang makabuo ng isang maayos na kuwentong may anim na talataan. Isulat nang buo ang kuwento
Isang araw, habang wala si Maria, naghalungkat si Roy sa bahay ng dalaga at kinuha ang lahat ng gintong kanyang nakita.
Mula noon, hindi na nagpakita ang sakim na dayuhan. Maging si Maria ay nawala rin. Pagkaraan ng ilang panahon, may napansing tila kulay gintong halaman sa kinabagsakan ng mga ginto. Tinikman nila ang bunga ng halamang ginamit nila sa pagluluto. Kalaunan, nakilala ang bungang ito bilang luya.
Madalas namamasyal ang lalaki sa dampa ni Maria. Labis na nagtataka ang binata sa mga gintong laging ibinabayad o ibinibigay ni Maria sa mga kababayan.
Dahil sa kanyang kabaitan, maraming binata ang humanga sa kanya. Isa na rito ang makisig na dayuhang si Roy na naging mapalad naman sa puso ng dalaga.

31

Noong unang panahon, sa paanan ng Bundok Arayat, may nakatirang isang maganda at mayuming babae. Ang pangalan niya ay si Maria na lumaking may mabuting kalooban tulad ng kanyang mga magulang.
Pagbalik ni Maria ay natuklasan niya ang nangyari. Nagalit siya. Itinaas niya ang kanyang mga kamay at gumuhit sa langit ang isang napakatalim na kidlat. Sa takot ng tumakbong binata, nahulog ang mga ginto at unti-unting kinain ng lupa ang mga ito.
Iwasto mo ang iyong sagot. Hingin ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro upang malaman kung gaano ang iyong iniunlad.

Gaano ka na kahusay?
A. Pamantayan sa pagsulat ng komunikasyon
1. Wastong baybay
Panuto: Piliin at isulat ang salitang may wastong baybay sa talata.
“Anak, may dinaramdam ka ba?” ang nababahalang tanong ni Aling
Leonela sa anak.
“Wala po Inay,” ang malumanay na sagot ni Herman. “Naalala ko po lamang ang nangyari kangina sa __1__ (skul, iskul).
“Bakit may nangyari ba? Ano iyon?” ang patuloy na pagkabahala ng ina. “Wala po namang gaanong mahalagang bagay, Inay. May __2__
(sarvey, surbey) po lamang kangina. Tinanong po ni __3__ (titser, teacher) kung ano pong kurso ang aming kukunin pagkatapos ng __4__ (hayiskul, haiskul),” ang paliwanag ni Herman.
“Kay-aga naman nilang nagtanong. Ikalawang taon ka pa lang ah,” ang nawika ni Aling Leonela.
Kailangan ko po iyon, pagkat aayusin na po ang mga asignatura para sa isang taon. Iba po ang ibibigay para sa kukuha ng __5__ (vokasyunal, bokeysyunal) ang sagot ng anak.

32

2.

Wastong bantas
Panuto: Punan ng angkop na bantas ang bawat patlang sa usapan.
“Maligayang Anibersaryo po, Inay, Itay!” sabay __1__ sabay na bati ng magkakapatid. Pagkatapos, isa-isa silang humalik sa mga magulang.
“Naku __2__ mga anak. Ginulat ninyo kami __3__” sabi ni Aling
Belen. “Hindi namin ito inaasahan. Ano ba ang laman nitong kahon at pagkalaki-laki naman yata __4__”
“Buksan po ninyo at nang inyong makita,” tugon ni Charito.
“Naku, ang ganda! __5__ Wika ng ina. “Inukit sa kahoy ang cariñosa na pambansang sayaw natin.”

3. Kawastuang Gramatikal
a. Wastong gamit ng salita
Panuto: Piliin ang wastong salita sa loob ng panaklong.
Araw ng Linggo. Mamimili ang nanay subalit bago siya umalis ay nagbilin siya sa kanyang mga anak na ___1___ (walisin, walisan) ang bakuran
___2___ (alisin, alisan) ng tuyong dahon ang mga halaman at ___3___
(bunutin, bunutan) ang matataas na damo.
___4___ (Iniwan, Iniwanan) niya ang kanyang mga anak matapos makapagbilin. Natuwa siya ___5___ (ng, nang) siya’y dumating. Malinis ang buong paligid. Tunay na maaasahan ang kanyang mga anak.
b. Aspekto ng Pandiwa
Panuto: Isulat ang wastong anyo ng pandiwang angkop sa pahayag.
Sino ang may Kasalanan?
Naglalaro ng bola sina Nelson at Weng. Napalakas ang hagis ni
Nelson sa bola. ___1___ (Labas) ito ng bakod at ___2___ (gulong) sa daan.
___3___ (Habol) ito ni Nelson. Hindi niya nakita ang rumaragasang dyip.
___4___ (Bundol) siya at nasaktan. Hindi tumigil ang nakabundol. Isang tsuper ng taksi ang tumigil. ___5___ (Dala) siya sa ospital. Hinabol naman ng mobile patrol ang dyip at ikinulong ang nahuling tsuper.

33

B. Pagpapahayag ng pansariling opinyon, damdamin, saloobin batay sa halimbawang modelo. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang salaysay. Pagkatapos sagutin ang mga katanungan. Letra lamang ang isulat.
Siyam na taong gulang si Dante. Wala siyang ginawa kundi maglaro sa maghapon. Hindi siya tumutulong sa nanay niya.
Isang araw, pinagbantay siya ng kanyang nanay sa kanilang mga manok. Nagdabog si Dante sapagkat di-siya makapaglaro. Nahiga siya. Mayamaya’y nakarinig siya ng tinig na nagtatanong kung ano ang kanyang gusto.
Luminga-linga siya at nakita niya ang maliit na taong may balbas.
Muli siyang tinanong ng maliit na tao kung ano ang kanyang gusto.
Tinugon naman niyang nais niyang maging langgam upang makuha ang matagal na niyang hinihintay na bayabas na nasa dulo ng sanga.
Naging langgam nga si Dante. Inakyat niya ang bunga ng bayabas subalit ang isang langgam ang tumawag sa kanya at sinabihan siyang bago makuha ang bayabas ay kailangan muna niyang magtrabaho. Tinanong niya ang kapwa langgam kung nagtatrabaho ba ang mga ito. Sinagot naman siyang bago kumain ay kailangan munang magtrabaho. Dahil dito’y ayaw nang maging langgam ni Dante.
Muli siyang tinanong ng maliit na tao kung ano ang gusto niya.
Sumagot siyang nais niyang maging bayabas.
Biglang naging bayabas si Dante. Lagi siyang nagtatago sa dahon dahil ayaw niyang mainitan. Sinigawan siya ng punong bayabas at sinabihan ng tamad. Dapat daw siyang magtrabaho, lumabas para maarawan at mahinog.
Dahil dito’y ipinasya niyang muli na ayaw na niyang maging bayabas.
Muli siyang humiling na siya’y maging ibon; Naging ibon nga siya. Maya-maya’y may dumating na batang may dalang tirador. Tinirador siya at nahulog sa lupa.
Hiniling niya sa maliit na tao na muli siyang ibalik sa dati. At nangakong tutulong na sa bahay, papasok sa paaralan at magtatrabaho na.
Pinapasok ni Dante ang mga manok sa kulungan. Hinahakot ang mga kahoy na panggatong.
“Nakapagtataka!” ang natutuwang sabi ng kanyang ina.
1. Ang kuwento ay masasabing
a. likhang-isip
c. matalinghaga
b. makatotohanan
d. mapanganib

34

2. Ano ang iyong nadama sa pagbabagong ginawa ni Dante?
a. nagtaka
c. napahanga
b. natuwa
d. nabigla
3. Sinabi ng langgam na kailangang magtrabaho muna upang may makain. Ano sa palagay mo ang nais niyang iparating kay Dante?
a. pagtatrabaho ng walang humpay
b. paghahanap ng ikabubuhay
c. kahusayan sa pagtatrabaho
d. kahalagahan ng paggawa
4. Ang pagpapalit-palit ng anyo ni Dante na gawa ng maliit na tao ay masasabing isang a. kababalaghan
c. milagro
b. kisapmata
d. himala
5. Layunin ng kuwento ang
a. magpakitang-gilas
b. magbigay-aral

c. mang-aliw
d. maglibang

C. Pagsunod sa pamantayan sa pagsulat
1. Format
Panuto: Piliin sa mga salitang nakasulat sa ibaba kung anong bahagi/ sangkap ng kuwento ang isinasaad ng mga pahayag sa bawat bilang.
1. Noong unang panahon, may naligaw na mga sundalong Kastila sa isang lugar sa
Cavite. Napadaan sila sa isang pandayan. Nang sandaling iyon ay abala naman sa paggawa ng kalawit ang mga panday.
2. Ang Alamat ng Kawit, Cavite
3. Ngunit dahil sa garil sa pananagalog, napaikli ang salitang kalawit hanggang sa masabi na lamang nila’y Kawit.
4. “A, ito po bang ginagawa naming? Ito po’y kalawit,” ang sagot ng isang matandang panday na ang akala’y itinatanong ng kastila ang uri ng gawaing kanilang ginagawa.
5. Ang pinagmulan ng pangalang Kawit sa Cavite.

35

2. Nilalaman
A. Panuto: Tukuyin kung anong sangkap ng kuwento ang isinasaad ng mga pahayag
1. Ang looban ay may bahagyang ganda ng isang maliit na nayon sa lalawigan at sagana sa kapangitan ng isang “patay na pook” sa lungsod.
2. Popoy – ang batang tutol sa paglipat ng kanyang pamilya sa Dampalit
Aryong
Goryo
Leona
Pentong

Mga kababata ni Popoy

3. Nailulan nang lahat ang mga kasangkapang pambahay nina Popoy. Ang maganak ay nakasakay na rin. Si Popoy ay nasa tabi ng tsuper at nagpapaalam sa kanyang mga kalaro. “Diyan na kayo,” ang kanyang wika. Basag ang kanyang tinig at narinig niya ang ingay ng makina ng trak.
4. Sa kauna-unahang pagkakataon sapul nang mamulat siya sa kahalagahan ng kanyang sarili ay noon lamang siya napaiyak. Hindi niya madalumat kung paano nakakilala ng luha ang walang gulat na “hari” ng looban.
5. Ano nga ba ang sanhi at lilipat pa sila sa Dampalit? Hindi niya maunawaan ang kanyang tatay. Gayon yatang talaga ang mga manunulat, mahirap maunawaan. Pagpipilian: banghay kasukdulan wakas tagpuan tauhan B. Panuto: Isaayos ang mga pangyayari upang makabuo ng isang maayos na kuwento.Bilang lamang ang isulat.
1. Nang halos masukol na ang magkasintahan, minarapat nila ang tumakas!
Nagpakamatay sila nang magkayakap sa gitna ng bukid.
2. May kasintahan si Kang na anak ng isang raha sa karatig-pulo. Siya ay si Datu
Laon. Bantog ang binata sa kagandahang lalaki at kabayanihan.
3. Agad tinipon ni Datu Laon ang kanyang mga kawal. Ngunit hindi pa sila nakapaghahanda ay lumusob na ang mga kaaway. Halos naubos na ang mga kawal ng hari sa anim na oras na paglalaban.
4. Sang-ayon si Haring Ramilon, Ama ni Kang, sa pag-iibigan ng dalawa kaya itinakda ang kanilang kasal. Ngunit nang sisimulan na ang kasal, may
36

dumating na duguang kawal at ibinalitang lumulusob si Datu Subanon; at mga kawal nito.
5. Tangka nilang agawin ang prinsesa sapagkat may gusto si Datu Subanon sa prinsesa. D. Pagbuo ng Sulating Nagsasalaysay
Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na talata upang makabuo ng isang maayos at mabisang salaysay. Isulat ang buong talataan.
Ang Alamat ng Lawa ng Buhi
Kinabukasan, napansin ng mga karatig bayan na nawala ang bayan ng
Buhi. Napalitan ito ng isang magandang lawa. Pinaniniwalaan na ang sinarapan ay nagmula sa maliliit na himaymay na gamit sa paglalala ng mga sombrero ng mga dating naninirahan doon.
Sinasabing noong araw hindi lawa ang Buhi. Isang maliit na bayan daw ito. Mababait ang mga tao na may matibay na pananalig sa Diyos. Ngunit sa pagdaraan ng panahon, nabago ang mga tao. Naging ambisyoso at nakalimot sa
Panginoon.
Isang araw, may naganap na hindi pangkaraniwang pangyayari. Ang mga dahon ng punungkahoy ay hindi kumilos. Huminto ang hihip ng hangin. Umitim ang mga ulap. Pagkatapos, biglang bumagsak ang malakas na ulan na nauwi sa isang napakalakas na bagyo.
Sa kabukiran, sa Camarines Sur ay may lawang bantog sa kagandahan. Ito ang lawa ng Buhi kilala rin ang lawa sapagkat dito lamang matatagpuan ang itinuturing na pinakamaliliit na isda sa buong daigdig, Sinarapan ang pangalan ng isdang ito.
Ito ang alamat ng Lawa ng Buhi.
Iwasto mo ang iyong sagot. Hingin ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro.
Kung nakuha mong lahat ang wastong sagot, nangangahulugan lamang na naunawaan mong lahat ang iyong mga pinag-aralan. Binabati kita!
Kung mayroong bilang na hindi mo nakuha, balikan mo itong muli at masusing pagaralan kung bakit iyon ang tamang sagot. Huwag kang mag-alala, ang pagkakamali ay dinangangahulugang di-mo naunawaan ang aralin, maaaring di-mo lamang naunawaang mabuti ang tanong o di-kaya’y nalito ka lamang sa mga pagpipilian.
Gamitin mo itong aral upang sa susunod ay maging maingat ka pang lalo sa pagsagot.

37

Similar Documents