Free Essay

Asin Sa Sariling Bakuran, Maaring Anihin

In:

Submitted By louieam
Words 349
Pages 2
Asin, sa sariling bakuran, maaring anihin

Ang asin ang isa sa itinuturing na pinakaluma at pangkaraniwang pampalasa ng pagkain. Ito ay binubuo ng sodium at chloride at makukuha mula sa tubig dagat o deposito ng bato.
Ayon kay G. Jessie Delos Reyes, isang pangkaraniwang mamamayan na may masidhing pagmamahal at labis na paghanga sa kalikasan, napakasimple at kahit sino’y pwedeng umani ng asin basta’t may init mula sa araw at may availabale na tubig-dagat. “Kahit sa sarili mong bakuran, pwede kang umani ng asin o ‘solar salt’ ”, wika ni G. Jessie.
Ang dagat kasi ay kilala sa taglay nitong alat na may antas na 32-39 o Grade 5 salinity, alat na hindi sapat para maging asin kung matutuyo. Kailangan nitong maabot ang antas na alat na 80-100 o Grade 10 salinity para maging asin.
So, paano ito isinasagawa?
Sa pasimula, kailangan mong ihanda ang limang drum na magkakakonekta o magkakaugnay, ito ang pag-iimbakan ng tubig-dagat sa loob ng limang araw. Kapag naihanda na ang mga drum, iaayos o ihahanda naman ang ‘rock salt bed’ na yari sa tisa o binasag na palayok na dinikdik ng pinung pino. Dito ilalagak ang tubig-dagat upang patuyuin.
Proseso:
Sa unang araw, maglalagay ng tubig-dagat na nasa 32-39 antas ang alat sa unang drum. Hayaan ito doon sa loob ng 24 na oras. Ikalawang araw, bubuksan ang gripo patungo sa ikalawang drum at hayaan uli ito doon sa loob ng 24 na oras. UUlitin lamang ang prosesong ito sa loob ng limang araw. Pagdating ng ikalimang araw, inaasahang nasa 80-90 na ang antas ng alat o Grade 10 salinity ang nasabing tubig-dagat. Sa ikaanim na araw, narating na ng tubig-dagat ang 90-110 antas ng alat kaya maari na itong ilipat sa nakahandang ‘rock bed salt’ kung saan ito ay hahayaang matuyo sa loob ng isang araw upang anihin.
Ganyan lamang kasimple ang proseso sa pag-gawa ng asin. Sabi nga ni Kuya Jessie, kahit sa sarili mong bakuran makagagawa ka ng asin. Ang pormula: tubig-dagat + init ng araw = solar salt.

Similar Documents

Free Essay

World Teachers Day

...mga pagbabagong nagaganap sa isang nagdadalaga/nagbibinata Pagpapahalaga: Pagtitiwala sa Sarili II. Paksang Aralin: Mga Pagbabagong nagaganap sa nagdadalaga at nagbibinata Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 2-3; BEC A.1.1.1 ph 56 Kagamitan : Larawan ng nagdadalaga at nagbibinata, at mga bata III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Pagganyak: Paghambingin ang mga larawan. May pagkakaiba ba ang nakalarawan? Anu-ano ang inyong napansin? Anu-ano ang kaibahan sa pisikal na kaanyuan B. Panlinang na Gawain: 1. Ipahinuha ang pagbabagong nagaganap sa isang batang nagdadalaga at nagbibinata. Itala sa pisara. 2. Pangkatin ang mga bata at bigyan ng ilang minuto upang mabatid sa batayang aklat kung tama ang hinuha. 3. Pagtatalakayan ng mga pagbabagong nagaganap sa nagdadalaga at nagbibinata Hal. Nagdadalaga Nagbibinata a. Tumatangkad a. Tumatangkad b. Nagkakaroon ng tagihawat b. Lumalaki at bumababa ang boses c. Nagiging palaayos sa sarili c. Lumalapad ang dibdib 4. Paglalahat Anu-ano ang mga pagbabagon nagaganap sa nagdadalaga at nagbibinata? C. Pangwakas na Gawain: 1. Paglalapat. Itala ang mga pagbabagon nagaganap sa inyong sarili sa pisara. Nagdadalaga Nagbibinata a. a. b. b. c. c. IV. Pagtataya: Ilan sa pagbabagong nagaganap sa nagbibinata/nagdadalaga ay...

Words: 11311 - Pages: 46

Free Essay

Whatever

...paghubog sa mga mag-aaral sa mundo ng paggawa at sa buhay ay bahagi ng Elementary Education Curriculum. Ito ay nakapaloob sa RA 232 “Education Act of 1982”na nagsasabi na “To promote work experiences which develop the child’s orientation to the world of work and creativity, and prepare himself to engage in honest and gainful work”. Dito linilinang sa mga mag-aaral ang wastong saloobin sa paggawa, ang pagiging malikhain at pagiging entreprenyur. EPP Description: Ang Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) ay isa sa mga aralin sa asignaturang Makabayan. Ito ay binubuo ng apat na lawak: Sining Pantahanan, Sining Pang-agrikultura, Sining pang-industriya, Tingiang Pangangalakal at Kooperatiba. Itinuturo ang EPP sa lahat ng mag-aaral mula baitang IV hanggang baitang VI. Nililinang sa asignaturang ito ang pangangalaga sa sarili at pamilya, ang kahalagahan ng pagtutulungan ng bawat kasapi upang maging kaaya-aya ang pamumuhay ng pamilya gamit ang makabagong teknolohiya na makapag-aambag sa kaunlaran ng pamayanan. Sa lawak ding ito tinuturuan ang mga bata magluto, mag-imbak ng pagkain gamit ang makaagham na paraan at pananahi. Ang mga kakayahang ito ay makatutulong sa bawat magaaral maging handa sa buhay. Dito nagsisimulang hubugin ang pagiging entreprenyur ng isang mag-aaral. Tinatalakay din ang mga gawaing pang-agrikultura mula sa baiting IV hanggang baiting VI. Pagtatanim gamit ang iba’t-ibang paraang siyentipiko para sa sariling kapakinabangan...

Words: 11300 - Pages: 46