... TALUMPATI BSED- ENGLISH 2F INANG KALIKASAN BAGO KO PO SIMULAN ANG AKING SIMPLENG TALUMAPATI, HAYAAN NINYPO PO MUNA AKONG BUMATI SA INYONG LAHAT NG NAPAKA GANDA AT MAALIWALAS NA HAPON. SA HAPON PONG ITO AY HAYAAN NIYO PONG MAPAKINGGAN, NANG AKING MAIPABATID ANG AKING SALOOBIN UKOL SA ATING INANG KALIKASAN. HINDI PO LINGID SA ATING ULIRAT AT KAISIPAN NA ANG ATING MAHAL NA INANG KALIKASAN AY UNTI-UNTI NG NAMAMATAY AT NALULUGMOK DAHIL NA RIN SA ATING SARILING KAGAGAWAN. HINDI BA’T IMBIS NA SIRAIN AY MAS DAPAT NATING PAHALAGAHAN AT ALAGAAN SI INANG KALIKASAN. MAAARING BUKSAN NATIN ANG ATING MGA ISIPAN AT KALOOBAN NA SA HENERASYON NATIN NGAYON AY NAWAWALAN NA NG IMPORTANSYA AT HALAGA ANG ATING NATATANGING INA. HINDI NATIN MAIKAKAILA NA SA PANAHON NGAYON AY MARAMI NG MGA BAGAY ANG DAHILAN NG PAGKASIRA NG ATING KAPALIGIRAN NA DULOT RIN NAMAN NATING MGA TAO. MAMAMAYAN NG MUNDONG ITO. SIMULA’T SAPOL PA LAMANG AY BATID NA NATING MGA TAO NA ANG ATING INANG KALIKASAN, TIRAHAN NATIN SA MUNDONG IBABAW AY IPINAHIRAM LAMANG NG ATING POONG MAYKAPAL. AT ALAM NAMAN NATIN NA KAPAG MAY IPINAHIRAM NA ISANG BAGAY SA ATIN AY KAILANGAN NATIN ITONG PANGALAGAAN, PERO TILA HINDI NATIN NAGAGAWA ANG SIMPLENG BAGAY LAMANG NA INATAS SA ATIN NG PANGINOONG DIYOS. KUNG BAKIT KO PO NASABI IYON? IYON AY DAHIL SA NAPAKA OBYUS NA HINDI MAGAGANDANG BAGAY NA NANGYAYARI SA ATING KAPALIGIRAN; TULAD NA LAMANG NG PAG TATAPON NG BASURA KAHIT SAAN, SA...
Words: 401 - Pages: 2
...SUDARIA IA14111 Kalikasan – Saan Ka Patungo? ni: Avon Adarna Nakita ng buwan itong pagkasira, Mundo't kalisakasan ngayo’y giba-giba, Ang puno – putol na, nagbuwal at lanta, Ang tubig – marumi, lutang ang basura. Nalungkot ang buwan sa nasasaksihan, Lumuhang tahimik sa sulok ng damdam, At nakipagluhaan sa poong Maylalang, Pagkat ang tao rin ang may kasalanan. Ang hanging sariwa, bilasa na ngayon, Nasira ng usok na naglilimayon, Malaking pabrika ng goma at gulong, Sanhi na ginawa ng pagkakataon! Ang dagat at lawa na nilalanguyan Ng isda at pusit ay wala nang laman, Namatay sa lason saka naglutangan, Basurang maburak ang siyang dahilan! Ang lupang mataba na bukid-sabana, Saan ba napunta, nangaglayag na ba? Ah hindi… naroon… mga mall na pala, Ng ganid na tao sa yaman at pera. Mga sapa at ilog sa Kamaynilaan, Ginawa na ng tao na basurahan, At kung dumating ang bagyo at ulan, Hindi makakilos ang bahang punuan. Ang tao rin itong lubos na dahilan, Sa nasirang buti nitong kalikasan, At darating bukas ang ganti ng buwan, Uunat ang kamay ng Poong Lumalang! “Na-Ondoy, Na-Pepeng” Bugtung-bugtong, anak ng pungapong Aral ni Tandang Pepeng at Ondoy Pakinggan, pakinggan, mga Ineng at Utoy Upang tumalino sa susunod na panahon: Unang aral na dapat matutunan Hindi dapat ginagahasa si Inang Kalikasan Sapagkat kapag nagbuntis ang sinapupunan Hindi biyaya ang supling kundi kamatayan! Ikalawang aral na dapat tumimo Sa kukute natin at ating pangkuro: ...
Words: 509 - Pages: 3
... SFX: EFF Pulubi, Bakit itinago kay Pope Francis? (Sustain 3 sec.) SFX: EFF Pacquiao vs Mayweather Inaabangan (Sustain 3 sec.) SFX: EFF Second Wedding nila Aiza at Liza, dinagsa ng kanilang mga kaibigan (Sustain 3 sec.) SFX: EFF Sleeping Beauty Syndrome, kumakalat sa Kazakhstan (Sustain 3 sec.) SFX: EFF (Ulat Panahon) Anchor: At ang detalye ng mga balita makalipas ang ilang paalala. I-N-F-O-M-E-R-C-I-A-L Member 1: (Paraiso) Member 2: Mama tungkol saan ang kantang yon? Member 3: Anak, para sa Inang Kalikasan ang kantang yon. Member 2: Inang Kalikasan? Member 3: Oo anak, dahil ang mga tao ngayon ay sinisira ang kalikasan. Member 2: Ano ang mangyayari kapag nasira ang inaang kalikasan? Member 3: Mawawala ang tunay na ganda ng Inang Kalikasan. SFX: Sungha Jung Message: Iligtas ang Kalikasan Ito an g ating tirahan Ating Buhay.. (Sustain 3 sec.) At ngayon para sa detalye ng mga balita (Sustain 2 sec.) Para sa Balitang Local (Sustain 3 sec.) SFX: Local Apat na raan at siyamnapung namamalimos at walang bahay na mga tao ay dinala sa mga naka-air condition na cabin log sa isang resort malapit sa Maynila para sa...
Words: 571 - Pages: 3
...Magandang araw sa inyong lahat! Ating talakayan ang mga pagbabago ating nasisilayan at nadarama sa ating kalikasan. Naalala niyo pa ba yung mga kwento ng mga lolo’t lola natin tungkol sa kabataan nila? Yung mga kwentong kung minsan ay paulit-ulit na, hindi ba’t medyo nakakasawa nang pakinggang? Pero kung iisipin natin, may dahilan kung bakit paulit-ulit nila ‘yung sinasabi sa atin, alam mo ba kung bakit? Iyun ay dahil sa lubos itong maganda at kailan ma’y hindi nila malilimutan. Kabilang sa mga kwento ng mga lolo’t lola ay kung paano sila kalapit sa kalikasan noong kabataan pa nila. Yung mga panahong inaakyat nila yung mga puno ng kapitbahay, at sa taas na rin mismo ng puno nila kakainin yung bunga. Yung pag-inom nila ng tubig sa ilog na kung ilarawan pa nila sa atin ay malamig at talaga nga namang nakakapawi ng kanilang uhaw. Sa panahon naman ng mga mama’t papa, mga tito’t tita, ‘tila ganun pa rin at walang pagbabago yung mga kwento nila. Nandun pa rin yung pagpupuri nila sa kagandahan ng kapaligirang kanilang dinatnan. Tuwing ikinukwento nila ‘to, aminin natin, tayo’y nainggit at sinabi sa ating sarili, “sayang naman.” Sa panghihinayang na ito, buhat na rin ng kagandahang taglay ng kapaligiran natin noon, nandoon pa rin ang katotohanan na hindi naman lubusang naglaho ang kagandahang taglay ng Inang Kalikasan. Hindi natin maitatanggi na sa panahon natin ngayon, ating masasabi na atin nang naaabuso at napapabayaan ang biyayang ipinagkaloob ng ating Ama sa atin. Dahil sa kapabayaan...
Words: 989 - Pages: 4
...Industriyalisasyon ng Bayan, Kasiraan ng Kalikasan Sa modernong panahon ngayon ay kalakip rin ang pag-usbong ng industriyalisasyon ng ating bayan. Ngunit napansin ba natin na sa pag-usbong ng bansa ay siya ring unti-unting pagkasira ng ating kalikasan? Marahil ay karamihan sa atin ay hindi, dahil sa pagkasilaw natin sa naipagkaloob ng makabago at mabilis na paraan sa iba’t ibang gawain, dahil dito ay siya rin ang pag-abuso sa kalikasan natin. Dahil tayo ay nasa makabagong panahon ngayon, mukhang di na alintana ng mga tao ang pagpapahalaga sa ating Inang kalikasan. Nang masimulan ang industriyalisasyon sa bansa, kaagapay rin nito ang ibat-ibang naging epekto sa kalikasan mapa-mabuti man o masama. Ang polusyon na naiibuga mula sa mga pabrika at ang mga maiitim at mababahong usok mula sa mga sasakyan ay nakakasira sa kalusugan ng mga tao, di lang tayo kundi pati na rin sa mga halaman. Naging epekto rin nito ang climate change o pagbabago ng klima dulot ng pagbubuga ng gaseous emissions na sa kalaunan ay unti-unti nitong sinisira ang ozone layer sa ating daigdig. Ang pagpututol ng mga malalaking puno sa kagubatan upang makagawa ng mga pangangailangan ng tao ay nagiging sanhi pa ng pagkawasak ng kalikasan na nagdudulot ng malalaking pagbaha at pagguho ng mga lupain at nawawalan rin ng tahanan ang mga hayop na nakatira dito. Ito ay ilan lang sa mga masasamang epekto ng di wastong pamamahala ng industriyalisasyon sa bansa. Industriyalisasyon ang daan para sa pag-unlad ng bayan...
Words: 492 - Pages: 2
...LATHALAIN: “DR. JURGENNE HONCULADA- PRIMAVERA: BAYANI NG KALIKASAN” Ni Dr. Arthur P. Casanova Madalas na ikinakapit ang taguri o titulong BAYANI sa mga taong nagpamalas ng kagitingan para sa pagtatamo ng kalayaan o dili kaya’y pagtatanggol sa ating bayan kayat may mga Bayani ng Bansa at mga Bayani ng Digmaan. Ikinakabit din ang titulong ito sa mga Bayani ng Simbahan na tumutukoy sa mga santo at santo. Bayani ring itinuturing ang mga taong nagbibigay ng libreng serbisyo sa mga gawaing pakikinabangan ng marami. Ito rin ang tawag sa mga pangunahing tauhan ng mga epiko at ng mga katha – BAYANI na nagbibigay konotasyon ng pagiging BIDA. Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang bida sa mga kuwento sa komiks, drama sa radyo, mga pangunahing karakter sa pelikula, dulang pantanghalan at teleseryeng nobela sa telebisyon. Iba-ibang KABIDAHAN o KABAYANIHAN din ang ating naririnig at nababasa ngayon: CNN Hero, ONDOY Storm Hero, at kung anu-ano pa. Sadyang ang kabayanihan ay hindi esklusibo para sa mga nagbuwis ng buhay sa digmaan dahil maraming anyo ng kabayanihan ang ating nasasaksihan sa ating panahon. Bayaning maituturing ang batang babaeng nagligtas sa kanyang kapatid buhat sa nasusunog na bahay. Maging ang pagbabalik ng pera at mga dokumentong naiiwan sa mga taksi o sa mga paliparan ay isa ring anyo ng kabayanihan. Maraming suliranin ang kinakabalikat ng ating lipunan at ng buong mundo sa kasalukuyan. Naririyan ang Eight Millennium Goals na binibigyang-diin ng United...
Words: 2565 - Pages: 11
...l. Panimula Polusyon Ang polusyon ng hangin ay isang suliraning kakambal ng pag-unlad at modernisasyon ng bansa. Karaniwang bunga ito ng maruruming usok na nagmula sa sasakyan at mga pabrika. Maaari rin naman itong manggaling sa mga sinusunog na mga bagay sa paligid. Una kailangan natin pangalagaan ang kalikasan upang magkaroon tayo at ang mga susunod na henerasyon ng magandang kalikasan. Madaming paraan upang mapangalagaan ang ating kalikasan, pwede tayong maglinis, sumunod sa mga patakaran, wag manigarilyo, wag mag putol ng puno sa maling paraan, wag gumamit ng dynamita sa pag huli ng isda at iba pa. Marami tayong ginagawa na bawal pero hindi natin napapansin na nasisira na natin ang kalikasan. Pero hindi na natin maaalis ang mga uli ng mga tao na walang pakialam sa kalikasan dahil nakasanayan na nila ito at konti lng ang mga taong nakikinig sa mga pahiwatig ng mga taong nangangalaga ng kalikasan. Ang mga taong hnd na natin mababago ay ang mga taong mahihirap o kaya ung mga tinatawag nating “Squatters” dahil lumaki na ang iba na sanay mag kalat kung saan saan. Ang mga Squatters ay ang mga taong umiihi sa ilog, naliligo sa ilog, nag lalaba sa ilog at nag tatapon ng basura sa ilog. Ang ulang asido ay maari rin maging sanhi ng pagdumi sa lupa. Dahil sa mataas ang ph ng ulang asido, maari nitong pataasin ang ph ng lupa kung saan ito tatama. Kaya naman kung mataas ang ph ng lupa, maari itong magkaroon ng mga reaksyong pangkemikal na maaring makasama sa halamang nakatanim...
Words: 4211 - Pages: 17
...ng bayan, nabuwal sa dilim at nagdusang tunay upang kalayaan ay aking makamtan. Ikararangal ko itong aking lahi, di ikahihiya sa alinmang lipi; busilak ang puso, malinis ang budhi mamatay ay langit kung bayan ang sanhi. Taas noong aking ipagmamalaki Pilipino akong may dangal na lahi, Sintang Pilipinas ang bayan kong saksi, dinilig ng dugo ng mga bayani. ANG AKING GURO Masdan mo ang guro, ang taong dakila, Mapagtiis siya't laging matiyaga; Sa tungkulin niya'y lagi siyang handa, walang tigil siya sa maghapong gawa. Guro ko ang siyang nagturo sa akin, Na ang ating lupa ay aking mahalin, Ako raw'y gumawa at aking sikaping Mapaunlad itong mutyang bayan natin. Siya ang nagturo ng kabayanihan Ng ating Mabini, Burgos at del Pilar; Siya ang nagulat ng buhay ni Rizal, Siya ang nagturong ako'y maging tapat Sa mga tungkuling aking ginaganap Nagtatagumpay raw yaong masisipag, Di raw giginhawa yapng taong tamad. Siya ang maysabing ating tangkilikin Yaong mga bagay na yari sa atin; Sino pa raw yaong tutulungan natin Kundi kababayan at kalahi na rin. Guro ko ang aking tunay na huwaran Siya ay maayos sa kanyang katawan, Sa pagsasalita, siya ay magalang At sa diwa niya'y may matutuhan. Iyang aking guro'y isang mamamayang Dapat ding tawaging bayani ng bayan; Ang mga pinuno sa kinabukasa'y Nangagdaang lahat sa kaniyang mga kamay. ANG BANDILA Ang pula at asul at tatlong bituin na nagwawagayway sa araw at dilim ay siyang sagisag ng dugong magiting... iyan ang bandilang Bayan ang kapiling! Kasaysayan...
Words: 3770 - Pages: 16
...Teoryang Pampanitikan Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pagaaral ng panitikan at ang mga paraan sa pagaaral ng panitikan. Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito. Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sinp, ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigayng kayamanan. Natanggap ng isang tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay totoong makasisira rin sa tao. Teoryang Markismo/Marxismo Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga bahaging tiyakang nagpapakita ng paglabanan ng malakas at mahina; mayaman at mahirap . Makabuluhan rin kung paano natalo ng mahina ang malakas ng dukha ang mayaman. Ginagamit ng mga oriyentasyon na ito upang mabuksan ang mga isipan at ang mga mata ng tao sa pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan. Ito'y sumibol sa panahon ng kastila at hapon, at namayagpag naman sa makabagong panahon WALANG PANGINOON ni Deogracias Rosario ...
Words: 7708 - Pages: 31
...makabubuo ng isang kaisipan sa pamamagitan ng mga piling salita at wastong ayaw-ayaw ng mga ito upang maiangkop sa target ng awdyens at matamo ng manunulat ang kanyang layunin. - Ang kasanayang ito ay natututunan o napagaaralan - Ang isang taong may kahusayan sa retorika ay kadalasan nagkakaroon ng isang magandang impresyon sa kaniyang mga audience o tagapakinig. Halimbawa na lamang ay ang paborito mong awtor ng libro tagapagbalita sa telebisyon. May kasanayan sila na kung saan sila ay ating hinahangaan at maging tinatangkilik ng mga tagapanood.Samakatuwid, ang layunin ng retorika ay maging kaakit akit at epektibo ang isang pahayag. Saklaw ng retorika 1. Lipunan 2. pilosopiya 3. wika 4. iba pang larangan 5. sining Ano-ano ang tungkulin/gampanin ng Retorika? • Nagpapaluwag ng daan para sa komunikasyon- May mga bagay na hindi natin masabi nangdiretsahan kaya gumagamit tayo ng retorika. • Nagdidistrak- Dahil sa pakikinig natin sa iba, nakaklilimottayo sa ating gawain at...
Words: 1425 - Pages: 6
...Banta sa kinabukasan: Kalusugan ng kasanggulan at kabataan sa Lungsod Maynila Iniharap ni Antonio Domingo R. Reario III Komunikasyon II TFG2 Kay Rosemarie Roque (Instruktor) 8 Hunyo 2015 Unibersidad ng Pilipinas-Manila Kalye Padre Faura, Ermita, Manila Banta sa kinabukasan: Kalusugan ng kasanggulan at kabataan sa Lungsod Maynila Ang malnutrisyon Ang malnutrisyon ay isang seryosong problemang pampublikong kalusugang naka-ugnay sa malaking pagtaas ng panganib na mamatay at magkasakit (Blossner & de Onis, 2005). Karagdaran pa rito, ito ay nakaaapekto na sa daang at milyong buntis na ina at bata (Müller & Krawinkel, 2005). Layunin ng pananaliksik na itong malaman ang estado ng malnutrisyon ng mga batang 0-71 buwang gulang sa Lungsod Maynila. Maliban pa rito, susuriin ng papel na ito ang mga posibleng paliwanag, dahilan, at solusyon sa problemang tinatalakay. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa lahat ng mga magulang at balak maging magulang. Ang nutrisyon ay may tatak na impluwensiya sa paglaki, lalo na sa mga unang taon ng buhay (Koletzko, 2008). Ibigsabihin nito ay makikita sa pagtanda ng isang tao kung naging tama, labis, o kulang ang nutrisyong nakuha nito noong siya ay bata pa lamang. Ayon kay Cunningham (n.d.), nangyayari ang malnutrisyon kapag ang kinakain ng isang tao ay hindi akma sa kailangan nitong mga nutrient upang mapanatiling malusog ang katawan. Nangyayari ang pagiging kulang sa nutrisyon kung ang kinakain ng isang tao ay kulang...
Words: 7492 - Pages: 30
...pa sa henerasyon ngayon. Kaya naman, ang pananaliksik na ito ay isang mabisang instrumento upang muling gisingin ang nahihimlay na diwa ng taumbayan pagdating sa usaping pulitika. Sapagkat nasa kamay ng mga susunod na pinuno ang pagbabagong inaasam ng bawat isa. Gayunpaman, nakapokus ang pananaliksik na ito sa mga batayan ng pagiging isang ideyal na pinuno. Sa tulong nito ay may posibilidad na mabago ang persepsyon ng mamamayan sa tamang pagpili ng nararapat na mamuno ng bansa. Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyang-linaw ang mga haka-haka ng taumbayan tungkol sa kung may pag-asa pa kayang makabangon ang bansang ito sa pagkakalugmok. Samakatwid, ang nalalapit na halalan ay hindi dapat palampasin. Dito nakataya ang kinabukasan ng ating bayan. Kaya naman, bilang isang parte ng bansang ito, ang pakikisangkot sa usaping ito ay isang mahalagang bagay na hindi dapat ipagwalang bahala ng kahit na sinuman. Kung pagbabago ang nais ng bawat isa, marapat lamang...
Words: 6865 - Pages: 28
...Filkom- Kabanata 1 Aralin 1 “Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinuhugisan o binigyan ng makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama- sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagbuo ng kaisipan.” – Henry Allan Gleason (ecologist, botanist at taxonomist) *See page 3 – Webster, Sturtevant….* Katangian ng Wika * Ang wika ay masistemang balangkas * Tunog, salita, parirala, pangungusap at diskors a. Ponolohiya o tunog – makaagham na pag-aaral ng mga makahulugang tunog o ponema b. Morpolohiya o salita- pag-aaral ng mga pinakamaliit nay unit ng tunog o morpema c. Sintaksis o parirala/sugnay/pangungusap- pag-aaral ng sistema ng pagasama-sama o paguugnay-ugnay ng mga salita d. Semantika o kahulugan ng salita- kahulugan o relasyon ng mga salita Diskurso- palitan ng pangungusap * Ang wika ay sinasalitang tunog * Interaksyon ng mga aparato sa pagsalita gaya ng bibig, dila, ngipin, ngalangala, velum at gilagid (speech organs) * Unibersal na katotohanan sa wika na tunog- pinakapangunahing pangangailangan ng wika * Ang wika ay arbitraryong simbolo ng mga tunog * Simbolong bokal at arbitrary * Dualismo- isang panagisag at isang kahulugan * Arbitraryo- walang tiyak na batayan * Ito ay arbitraryo sapagkat walang rasyunal na magagamit upang ipaliwanag ang koneksyon ng mga ito * Nakaugaliang gamitin * Ang wika ay komunikasyon * Kasangkapan ng komunikasyon ...
Words: 3394 - Pages: 14
...State of the Nation Address of His Excellency Benigno S. Aquino III President of the Philippines To the Congress of the Philippines [Delivered at the Session Hall of the House of Representatives, Batasan Pambansa Complex, Quezon City, on July 23, 2012] Maraming salamat po. Maupo ho tayong lahat. Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko; mga kagalang-galang na miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga pinuno ng pamahalaang lokal; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan; mga kapwa kong nagseserbisyo sa taumbayan; at, siyempre, sa akin pong mga boss, magandang hapon po sa inyong lahat. Ito po ang aking ikatlong SONA, at parang kailan lang nang nagsimula tayong mangarap. Parang kailan lang nang sabay-sabay tayong nagpasyang tahakin ang tuwid na daan. Parang kailan lang nang sinimulan nating iwaksi ang wang-wang, hindi lamang sa kalsada kundi sa sistemang panlipunan. Dalawang taon na ang nakalipas mula nang sinabi ninyo, “Sawa na kami sa korupsyon; sawa na kami sa kahirapan.” Oras na upang ibalik ang isang pamahalaang tunay na kakampi ng taumbayan. Gaya ng marami sa inyo, namulat ako sa panggigipit ng makapangyarihan. Labindalawang-taong gulang po ako nang idineklara ang Batas Militar...
Words: 9764 - Pages: 40
...kagaspangan L ng Phil. Ports Authority ang lugar na iyon. Bagamat may kagaspangan ang pagkakasemento, na noong una ay binalak niya sa v for you?" // "Wala ho. Hihingi lang ako ng paumanhin sa kagaspangan ko kagabi. Pasensiya na ho." // "Wala iyon. Pero sa j glalakad sila patungo sa third hole. Nadadaanan nila ang kagaspangan ng matataas na damo, punungkahoy at mga palumpong. I inis. Galit din siya kay Cocoy dahil sa ipinakita nitong kagaspangan ng pag-uugali. Buong akala pa naman niya'y maginoo A g kapinuhan sa kainang publiko. Lumala ang hatol niya sa kagaspangan ni Alvin nang ang tubig na inumin ay minumog bago l j pagsasalita ni Divine. // Dahil ayaw niyang magpakita ng kagaspangan, pilit na nakipag-usap nang matino si Menard sa dal A o. // "Bastos! Ano ka ba? Pati sa bata nagpapakita ka ng kagaspangan. Wala kang karapatang gawin 'yon. Ayoko na!" impit 6 oong Santos // iyon ang ahente // mabuti hung tao // may kagaspangan lamang na kumilos at magsalita // dinaramdam kong h 4 awa mo lang ang tungkulin mo // at hindi ka nagpakita ng kagaspangan ng ugali // sa pagiging doktor hindi ka nagkait sa 2 gpakita ng takot kay Mommy hindi rin naman nagpamalas ng kagaspangan o galit // kung iba sigurong mahina-hina ang loob b 9 ba pang nasa gayunding hanapbuhay ang taxi-driver ay may kagaspangan tahimik at may madilim na mukha // malas siguro par kagat F there o." Turo niya sa langit. // Nangingiti si Mitchel, kagat ang dalawang kamay ng nangangating gilagid. Napadako si...
Words: 86413 - Pages: 346