Free Essay

Ava Maldita (Wattpad)

In:

Submitted By mynameiskathc
Words 8469
Pages 34
Avah Maldita (AARTE PA?) written by: simplychummy|Kah Ramirez Jan. 20, 2012-Sept. 17,2012 Copyright © 2012 by simplychummy. All rights reserved. STEALING IS A CRIME. Credits to wattpad for keeping and publishing my stories for free. Chums note: The following is a work of fiction. Any resemblance to persons living or dead is purely coincidental. If you’re going to post MY story to other sites, please do acknowledge me as the author. Oh? Aarte pa? :) Hindi naman isang diretso ang bahay namin, madaming pasikot-sikot. Malay ko kay Daddy kung bakit ganito bahay namin. "bakit hindi na lang sa dining room?" tanong ni miranda "hmm. Pede naman sa dining room, basta ba ililipat mo yung kitchen sa rooftop at dun ka magluluto. Sounds good right? What do you think?" sabi ko sa kanya "Ano bang iluluto ko?" tanong nya "try mo iluto yung sarili mo. *tingin sa mga katulong* kayo, feel free to order Miranda around. Sabihin nyo sa kanya yung ,mga gusto nyong kainin. This is your chance para makain yung mga gusto nyo. Lubusin nyo na habang mabait pa ako" sabi ko sa kanila Nakita ko naman na natuwa sila sa sinabi ko. Aba, ang swerte nila ha, makakain na nila yung gusto nila at makakasabay pa nila ako sa pagkain. Pasalamat sila kailangan ko silang gamitin para pahirapan si Miranda. Umakyat na kaming lahat sa taas at nag-umpisa ng magluto si Miranda ng dinner namin. Kung ilang klase at kung ano anong pagkain ang iluluto nya? Hindi ko alam, basta ang alam ko masaya akong nakikitang nahihirapan sya. *rooftop* Mikee : hanggang kelan mo papahirapan si Miranda? Ako : hanggat gusto ko. Mikee: pano kung mag-sumbong sa daddy mo?

Ako: edi magsumbong sya, samahan ko pa sya e. Mikee: magagalit na naman sayo yung daddy mo nyan. Ako: ok lang. wala namang bago e, saka pareho lang kami ng nararamdaman. Ayaw nya sa akin edi ayaw ko din sa kanya. Mikee: e sa mommy mo? Ako: HAH isa pa yun. wala pa akong ginagawa, galit na yun sa akin. Atleast ngayon sulit yung galit nya. Mikee: kung kay Avy magsumbong si Miranda? Baka nakakalimutan mo, yaya nya yung pinapahirapan mo. Ako: yun nga ang gusto ko e, ang magsumbong si Miranda sa amo nya para sa ganon, umuwi sya dito sa Pilipinas. It's payback time Mikee Mikee: im sure magugulat yun kapag nakita ka nya. Wow hindi na ko makapaghintay na magkita ulit kayong magkapatid. impostora/santa-santita vs. maldita. How exciting. Ako: i know right. Gagawin ko ang lahat para lang mapabalik kita ng Pilipinas Avy. Wala akong pakialam kung kelangan kong pahirapan araw araw si Miranda at wala akong pakiaalam kung madamay sya. Ang importante sa akin ay umuwi ka. Tama na ang 5 years Avy. It's pay back time my dear sister. This time, i will make you play MY GAME AVY. ***** MALDITA 6 *bahay ko* 10am na ako nagising, masyado kasing napasarap ang tulog ko kagabi. Sino ba naman kasi ang hindi sasarap ang tulog kapag alam mo na yung taong sobrang kinaiinisan mo at sumira ng araw mo ay nagantihan mo ng bongga. Yung tipong

alam mong triple yung inis at galit na naramdaman nya kumpara sa pagng-iinis nya sayo. hahahaha Ang sarap talaga ng ganong feeling. Hayy ang gaan gaan sa pakiramdam. Hindi naman kasi masamang maging masama lalo na kung alam mong deserving yung taong sasampolan mo. Aba,hindi na uso ang sobrang bait ngayon no. NAKAKASAWA kaya maging mabait, tinatake for granted ka ng lahat at akala nila hindi ka marunong magalit. 2012 na people, BEING MALDITA IS GOOD. Pagkatapos kong mag-ayos, lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na ako. Dirediretsyo akong pumunta sa may kitchen para iutos ang breakfast ko. Pupunta pa kasi ako sa school. Late na late na nga ako, pero who cares. Anak ako ng may-ari ng school. Pagpasok ko ng kitchen, naabutan ko si Miranda na may kausap sa cellphone nya at umiiyak. Nakatalikod sya sa akin kaya hindi nya napansin ang pagdating ko. "huhuhuhu, naku Avy anak, sobrang sama ng ugali ng kapaitd mo huhu" sabi nya sa kabilang linya. oh. Perfect, nagsusumbong na sya sa amo nyang santa santita. hahahaha. Hindi ko mapigilang mapangiti ng malapad. Ayos, umaayon sa plano ko ang lahat. Hindi ko lang ineexpect na mapapabilis sa inaakala ko. Magiging maganda na naman ang araw ko nito. Patuloy lang ako sa pakikinig sa pagsusumbong ni Miranda. "hindi, Avy.. nagbago na talaga sya... huhu..... oo,.. hindi ko alam kung paano basta bigla na lang sya naging ganon....huhuhu...hindi nga daw nya ako titigilan hanggat hindi ka umuuwi.. hindi ko din alam kung ano gusto nya... huhuhuhu.. umuwi ka na la---" Hinablot ko bigla yung cellphone ni Miranda sa kanya. Bastos na kung bastos, pakialam ko?. Nagulat si tanda sa ginawa ko. aagawain pa sana nya yung cellphone nya sa akin kaya pinandilatan ko sya, hindi na sya pumalag pa. "Yaya Miranda wag kang magpatalo kay Avah, takutin mo sya. Sabihin mo sa kanya na sasaktan ko yung Yaya Sally nya kapag hindi ka nya tinigilan, matatakot yun sayo maniwala ka sa akin. Kilala ko si Avah, takot yun" sabi nung nasa kabilang linya.

HAH. Hanggang ngayon pala yun pa din ang tingin nya sa akin. Mahina.? "edi saktan mo hanggat gusto mo" sabi ko sa kanya ilang segundong natahimik sa kabilang linya "A-Av-Avah?" gulat na tanong nya. Ano ba yan, yun pa lang yung sinabi ko nagulat na sya? Tss. Pano pa kaya sa mga susunod? "Hello there, my EVIL sister, Miss me?" sarcastic na sabi ko sa kanya "WHAT DID YOU JUST CALL ME?" galit na sabi nya BINGO! Nainis ko sya. HAHA. "EVIL. Gusto mo i-spell out ko pa sayo? A-V-Y.......EVIL" nakangiting sabi ko sa kanya, "HOW DARE YOU TO CALL ME THAT? KELAN KA PA NATUTONG SUMAGOT SA AKIN NG GANYAN?" sabi nya. Tss, walang kwenta, yun lang galit na sya. "about 5 seconds ago? DUH Avy, ngayon lang ulit kita naka-usap after 5 years. Miss na miss na nga kita eh, kaya nga sobrang pagpapahirap na yung ginagawa ko sa Yaya Miranda mo, mapapatay ko na nga sya sa sobrang pagkamiss ko sayo, im desperate" ginamit ko yung sweet voice ko sa kanya. Alam ko na maiinis sya sa way ng pagkakasabi ko. She hates me when im using that voice. Inggitera kasi, trying hard kasi syang maging sweet.,not like me, NATURAL. >:) "DON'T YOU DARE TOUCH YAYA MIRANDA OR ELS---" pinutol ko yung pag sasalita nya "OR ELSE WHAT AVY? GUSTO MO NG SAMPLE? MAKINIG KA." Tumaas na yung boses ko sa kanya. Narinig ko na naman kasi yung FAMOUS LINE nya na OR ELSE. Madalas nyang gamitin yun panakot sa mga taong hindi sumusunod sa kanya.

Tinaggal ko yung cellphone sa tenga ko at pinress yung loudspeaker button, humarap ako kay Miranda, medyo tinapat ko yung cellphone sa kanya at tinignan ko sya and then *PAK* Sinampal ko si Miranda. Nagulat sya sa ginawa kong pagsampal sa kanya at umiyak sya. "avyy.. huhuhuhu" tawag nya sa amo nya habang umiiyak. "WHAT DID YOU DO TO YAYA MIRANDA AVAH?" nag-aalalang tanong nya. I can feel the panic in her voice. "Oh? Narinig mo ba yun Avy?" sabi ko sa kanya "ANONG GINAWA MO? SUMAGOT KA" sabi ni Avy "Nothing special. I just slapped her ugly face, so now my dear sister? Naniniwala ka na bang kayang kaya ko syang pahirapan? O gusto mo ng isa pang sample? Hmmm, sa kabila naman para may instant blush on sya, gusto mo?" sabi ko sa kanya Take that Avy. "HUMANDA KA SA AKIN AVAH, UUWI AKO NG PILIPINAS AND I WILL MAKE SURE NA MALALAMAN NILA DADDY YUNG GINAWA MO KAY YAYA MIRANDA" sabi nya "Go ahead; tell them, as if i care? And yes, paghahandaan talaga kita. Oh, mali pala, ikaw pala ang humanda baka kasi hindi mo ako kayanin. Alam mo na, baka sa sobrang inis mo sa akin, lumabas ang totoo mong ugali sa harap ng maraming tao. Ayaw mo naman yun diba? YOU'RE A SAINT EH" sabi ko sa kanya. "HAH, don't worry my little monster sister, ako pa ba ang hinamon mo? I turned you into a monster nga e, so i can turn you into a lost puppy again." Avy. Good. Hindi na sya nakasigaw, ibig sabihin, ready syang makipaglaro sa akin.

“Dont be so confident my evil dear sister, kadalasan mas magaling pa ang tinuruan kesa sa nagturo. So, kelan ka uuwi? Kasi, kating kati na kong sampolan ka e" sabi ko sa kanya "I will surprise you little monster, para naman exciting, and oh, don't worry, me too, im eager to make your life a living hell AGAIN. So be ready. "sabi nya "Sure. I will wait for you. And i will slap your face hard. VERY HARD." sabi ko sa kanya Inend ko na yung call at hinagis ko sa lamesa yung cellphone ni miranda. Tumingin ako sa kanya "you did a very good job Miranda. Sa lahat ng ginawa mo? Ngayon lang ako natuwa sayo. Now, hihintayin ko na lang ang pagbabalik ng amo mong santa santita." After kong sabihin yun, umalis na ako ng kitchen at lumabas ng buong bahay. Hindi na ako kumain ng breakfast. Nagpunta na kaagad ako sa school and after nito mag-babar ako kailangan kong magcelebrate. FINALLY, my long wait is OVER. ***** MALDITA 7 "hello there Avah, what brings you here?" tanong sa akin ni Mikee Nagpunta ako kaagad sa school at dumiretsyo sa faculty room kung nasan si Mikee. Wala akong pasok ngayon. Sinadya ko lang talagang pumunta para lang ibalita ng personal kay Mikee yung nangyari. Im sure matutuwa sya at syempre kelangan namin pagplanuhan lahat nang gagawin namin kay Avy. This is it, konting panahon na lang magkikita na ulit kami nig magaling kong kapatid. "Follow me" sabi ko sa kanya "Where? May klase ako in 10 mins." sabi nya "Ditch it. I dont care." sabi ko sa kanya

Nag-umpisa na akong maglakad, sumunod naman sya. TSS, kunyari pa sya gusto din naman nyang sumunod sa akin. "Bakit ba? San ba tayo pupunta?" tanong nya Nagpunta kami sa may school garden, kung saan wala ganong tao. "May sasabihin ako, hindi sya ganun kaimportante pero sinisigurado kong matutuwa ka" sabi ko sa kanya "Mukang maganda yan a. Ano ba yun?" tanong nya "About the b*tch" sabi ko sa kanya "Oh? Anong meron?" tanong nya "Nakausap ko sya kanina, nagsumbong na si Miranda sa kanya kaninang umaga, mas maaga sa inaasahan ko." paliwanag ko sa kanya "Oh? Congrats! Success yung plano mo. So, uuwi daw ba sya?" tanong nya "Yes. Kung kelan? Hindi ko alam pero nararamdaman ko na malapit na" sabi ko sa kanya "Anong balak mo? Ready ka na ba?" tanong nya sa akin "YES. IM READY. I’m always ready. Tuloy pa rin ang plano ko na palabasin ang totoo nyang ugali, kung hindi maging successful yun edi iinisin ko na lang sya ng sobra sobra, ibabalik ko sa kanya lahat ng ginawa nya sa akin. Ipaparamdam ko sa kanya lahat, DOBLE PA." sabi ko kay Mikee "Susuportahan kita dyan" sabi nya "Tss. Ano pa bang mapapala ko sayo? Kundi suporta lang. Wala ka kasing kwenta tumitiklop ka kaagad." sabi ko sa kanya "Away nyo yang magkapatid no, ayoko makisali. Saka kayang kaya mo na yun" sabi nya "Aba syempre kayang kaya ko na sya no. Tignan ko lang kung hindi sya sumuko sa akin" sabi ko sa kanya

"Uyy wag mong kalimutang si AVY CHEN ang kalaban mo. Tuso yun, kaya magingat ka din. Wag puro kamalditahan ang paganahin. Saka wag kang magpapadala sa emosyon mo. alam natin na weakness mo yan, pag si Avy gumalaw, yan ang unang pupuntiryahin sayo. Kaya Avah, ingat ingat din" paalala nya sa akin Tss. Napaisip ako sa sinabi ni Mikee. Emosyon ko ang kahinaan ko, kaya dun ako laging natatalo ni Avy. Tama sya, wag akong padalos dalos, dahil oras na magkamali ako nang galaw matatalo ako ni Avy. Maduming maglaro si Avy, wala syang pakialam kung sino pa yung madadamay ang importante sa kanya ang sarili nya. "Oo na. Hindi ako magpapatalo. Ayaw kong magpatalo, at hinding hindi ako magpapatalo sa kanya ngayon" sabi ko *sniff sniff sniff* "Sinisipon ka ba? Yuck." sabi ko kay Mikee "Gaga. Hindi ako yun." sabi nya "What did you just call me?" sabi ko sa kanya "AVAH. AVAH ang sabi ko" sabi nya Tss. May naririnig talaga akong nag.s-sniff. Tinignan ko yung nasa paligid ko at napako ang tingin ko sa may bench na natatakpan ng isang puno, may babaeng nakaupo dun. Nakatali yung buhok nya, naka tshirt, katabi nya ay libro at bag nya na malaki. Pinuntahan ko sya. "Uy. San ka pupunta?" tanong ni Mikee at naramdaman ko din na sinundan nya ako. And there, i saw a nerd. Crying. Tss. Bakit ba kapag nakikita ko to palagi na lang umiiyak? Ang pangit naman ng role nya sa storya ko, puro iyak lang. Nakakairita, walang kwenta. Anong mapapala nya kung palagi na lang syang umiiyak dito sa kwento ko? Nakakainis, sinisira nya ang image ng kwento ko, sya lang ang iyakin. hayys.

"Hoy nerd bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya Tinapik ako sa braso ni Mikee para pigilan ako na tarayan sya. Tinignan ko sya ng masama kaya hinayaan na lang nya ako. "Wala kang pakiaalam kung umiiyak ako. Wala ka namang pakiaalam sa akin e." sabi ni nerd ng hindi nakatingin sa akin Aba. Sumasagot pa. "Wala nga akong pakiaalam sayo, kaya lang kasi ang pangit mong umiyak at ang ingay mo pa. Tss." sabi ko naman "Umalis ka na nga. Iwan mo na lang ak--," tumingin sya sa akin "Miss Avah? *sniff* sorry po. Sorry po talaga" sabi nya kaagad nung nakita nya ako "Problema mo? Umiiyak ka na naman dyan? Tss" sabi ko sa kanya "Ano po kasi, ano e… hmm., ano po" sabi nya "ANO? Puro ka ano dyan. Nakakairita ka. Ayusin mo yang pagsasalita mo kung ayaw mong hilahin ko yang dila mo para dumiretsyo" sabi ko sa kanya "Alisin mo nga yang bag mo, uupo ako." utos ko sa kanya Inalis naman kaagad nya at umupo ako. Si Mikee, tahimik lang na nakatingin sa aming dalawa "Kasi po sabi sa akin kanina sa office hindi na daw po ako qualified para maging scholar ng school. Bumababa po kasi ng one point yung average ko ngayong sem., kaya po ito hindi ko alam yung gagawin ko kung san ako kukuha ng pang tuition" sabi nya Oh. So scholar pala sya dito, aala ko transferee sya. Ngayon ko lang kasi sya nakita, sabagay wala akong interest sa mga STUPIDENT ng school na to. "Yun lang pala e, edi wag ka na mag-aral. Laki ng problema mo ha" walang ganang sabi ko sa kanya

"Avah." sita sa akin ni mikee "What? Hindi na sya scholar, mahirap sya, wala syang pang-tuition edi wag na syang mag-aral, tapos ang problema" sabi ko "Hayy. Grabe ka talaga Avah." sabi ni Mikee "Ms. Avah, malaking bagay po sa akin yung pag-aaral ko dito. Sa inyo po siguro simple lang dahil kayo yung may-ari ng school" sabi ni nerd Edi ako na masama. "Kasalanan ko ba kung bakit ka natanggal sa pagiging scholar? ha?" sabi ko sa kanya Umiling na lang sya at tumungo. Hayss. Ano ba tong nerd na to, nakalimutan ko tuloy yung issue kay Avy. Hayss. Yun ang pinunta ko dito, ang ipagmayabang kay Mikee yung nangyari. Ito naman kasing nerd na to, bigla na lang umeeksena. Tsk. "Ang problema mo ngayon wala kang pambayad ng tuition fee?" tanong ko sa kanya tumango sya. hays. Tumayo ako sa pagkakaupo ko "Sumunod ka sa akin" sabi ko sa kanya. Nagtataka sya na nakatingin sa akin. "Aarte ka pa? Bilisan mo" sabi ko at nag-umpisa na akong maglakad. Naramdaman kong sumunod na din sya at si Mikee. "Uy. Anong gagawin mo? San tayo pupunta? At isasama mo sya?" tanong ni Mikee "Basta" sabi ko sa kanya

Hayss. Pasalamat ka sa akin nerd GOOD MOOD ako ngayon at MABAIT ako ngayon. Huminto kami sa may office. Binuksan ko yun at natigilan yung mga tao sa mga ginagawa nila nung nakita ako. Nilingon ko sina nerd "Pasok." sabi ko kay nerd "Wala po akong ginawa Ms. Avah. Sorry po sa pag-iyak ko kanina" sabi nya "Scholar ka ba talaga? Tss. Ngayon hindi na ko nagtataka kung bakit ka nawalan ng scholarship. Tss. Pumasok ka na nga lang." sabi ko sa kanya Pumasok naman sya. Binati kami ng mga nasa office "Ibalik nyo sya sa pagiging scholar" sabi ko "p-po?" sabi nung isang babae Nagulat din sina nerd sa sinabi ko “Bingi ka o sadyang tanga ka?" sabi ko sa nagsalita "Ibalik nyo sya sa pagiging scholar o mawawalan kayo ng trabaho?" sabi ko "Pero Miss Avah, hindi po pede yung inuutos nyo. Bumaba po kasi yung average nya ng one point so hindi na po sya qualified." paliwanang nung isa “One point lang tinggal nyo na? Wala akong pakiaalam sa rules na ginawa nyo, mas importante ang rules ko." sabi ko sa kanila "Pero Ma’am, hindi po talaga pede" sabi nya Arrghh. Sinusubukan nito pasensya ko ahh "Miss Avah, wag na lang po. Madaming salamat na lang po" sabi ni nerd Hindi ko pinansin yung sinabi ni nerd. "Ano ka ba sa skwelahan KO?" sabi ko dun sa umaapela. "School registrar staff po" proud nyang sabi

"At ako ano ako ng school na to?" tanong ko ulit "Anak po ng may-ari ng school" sabi nya "Ngayong alam mo na. LUMUGAR ka. Kapag sinabi kong ibalik nyo sya sa pagiging scholar, ibabalik nyo sya. Wala akong pakiaalam kung bumaba pa yung average nya ng one point. Naiintindihan mo ba? Kung ayaw pa rin magprocess sa utak mo yung sinabi ko, pede ka ng umalis ng school KO at maghanap ng bagong trabaho." sabi ko sa kanya Tumango sya, at kaagad inayos yung papel ni nerd. Umupo lang ako sa may office hanggang sa matapos si nerd magfill up ng panibagong form para sa scholarship. Alam ko unfair sa ibang scholar na students ang ginawa ko. Eh bakit ba, ako naman ang anak ng may-ari, so wala silang magagawa. Nagpaalam na din si Mikee na aalis na sya at may klase na sya. "Miss Avah, maraming salamat po. Pasensya na po kayo kung nakaabala pa ako. Thank you po talaga" sabi nya sa akin "Anong thank you, may bayad yung ginawa ko sayo noh. Sumunod ka sa akin" sabi ko sa kanya "Ano po yung kapalit?" tanong nya habang kasunod sa akin "You will be my slave" sabi ko sa kanya Nagulat sya sa sinabi ko at nag-aalangan pa syang sumunod sa akin "Ano aarte ka pa dyan? O gusto mo bawiin ko na lang yung scholarship mo?" sabi ko sa kanya "H-hindi po. O-ok lang po" sabi nya. "good." sabi ko Nakarating na kami sa may parking lot at huminto sa kotse ko. "Get in" utos ko sa kanya Nakatingin lang sya.

"Papasok ka ba o itutulak kita papasok?" tanong ko sa kanya Pumasok naman kaagad sya. Tss. Aarte pa, papasok din naman pala "San bahay mo?" tanong ko sa kanya at umalis na ng school "Bakit po?" tanong nya "Slave na kita diba? So ibig sabihin sakin ka na titira. San ang bahay mo?" tanong ko ulit sa kanya "May bahay naman po ako e" sagot nya "Wala akong pakiaalam. Ituro mo sa akin ang bahay mo, kukunin mo ang mga gamit mo dun, at dun ka na titira sa bahay ko. Walang tanong tanong." sabi ko. Tinuro naman kaagad nya yung daan papunta sa bahay nila. "Anong pangalan mo?" bigla kong tanong sa kanya "Hannah Aguilar po" sagot nya Hannah, bagay sa kanya, tunog tahimik. "Ahh. Ok. Nerd" sabi ko Tss. Sabi ko magcecelebrate ako dahil kay Avy, hayy. Nasira ang plano ko dahil sa nerd na to. Eto na nga ba ang sinasabi ko. Nauna na naman ang emosyon ko. Nakakainis kasi, iyak nang iyak. Saka na lang ako magcecelebrate. ********** MALDITA 8 (VALENTINES DAY SPECIAL) OH? Valentines Day pala ngayon? Ano nga ulit yung Valentines Day? TSss. You call it Valentines Day? Well, i call it TUESDAY. Eh ano naman kung valentines day? It is just an ordinary day. BITTER?

Not really. And yes wala akong ka-date dahil wala akong boyfriend. Sus. I dont need one. I’m better off alone. Saka DATE lang pala e, ang dami dyan. Kayang kaya kong mang-agaw ng date. Ako pa ba? Kung wala akong kadate, dapat sila MAWALAN ng kadate. Ganun lang kasimple yun. Aba syempre hindi ako papakabog noh, kung miserable ako dapat sila din. >:)) So dahil madaming magdadate ngayon sa mall, dito ako mang-aagaw ng mga kadate. Gusto ko mang-away ngayon, day off kasi ni Miranda, kaya wala akong maaway. Makikipagdate ata si tanda. Ewan basta nakakairita lang sya, kung kelan gusto ko syang awayin saka wala. Si nerd? Nasa bahay pinagawa ko ng project. Syempre san pa ba sila pupunta, edi sa mall. Magwiwindow shopping, kakain sa fast food, yun na ba yung date? Haha. Kaya ayokong nagboboyfriend ng mahirap e. Kung iniisip nyo na hindi pa ko nagkakaboyfriend. Well, sorry to tell you guys, pero madami na din. Syempre naman mayaman ako no, kaya ang mga nagiging boyfriend ko ay kadalasan anak ng business partner ni daddy. Nasan sila? Iniwan ko. Bakit? Simple lang. Nakakasawa sila. Ooppss, may nakita akong pwede na at mukang masaya silang dalawa. Magkaakbay pa. Tss. Maghihiwalay din kayo, maniwala kayo sakin. Haha >:) Lumapit ako sa kanilang dalawa. "Hi, girlfriend mo sya?" tanong ko sa lalaki at sabay turo dun sa babae. "o-oo." sabi nung guy "Bakit Miss may kailangan ka ba sa BOYFRIEND ko?" tanong nung babaeng feeling maganda. Aba sumasagot ka ah, gusto ko yan. Palaban "Oh? Sorry akala ko kasi Yaya ka nya" sabi ko dun sa babae, sabay takip kunyari ng bibig ko na parang nagulat. Hahaha. Ano ka ngayon? "Excuse me?" sabi pa nya

"Dadaaan ka? Go." sabi ko sa kanya at medyo tumabi ako ng konti Haha. Sorry ka na lang ikaw ang napagtripan ko. "Pilosopo ka rin no. Umalis ka na lang Miss kung ayaw mo nang gulo" banta nung babae Ok. Ako pa ngayon ang tinatakot nya? Tignan natin kung hanggang saan ang tapang mo. "Sorry, pero hindi ako takot sa iskandalo" sabi ko sa babae at mataray ko syang tinignan. Hindi nya alam kung papatulan pa nya ako nung sinabi ko yun. Hayy. Kala ko pa naman palaban na, uurong din pala kaagad. “Oh? Kanina lang hinahamon mo ko. Tss, wag ka kasing naghahamon, titiklop ka rin naman pala kaagad e." sagot ko sa kanya Tumingin ako sa lalaki at nagsalita ulit, hindi kona pinansin yung babae "Gusto kitang maging date ngayon. Tara na, iwan mo na yang Yaya mo" sabi ko sa lalaki "Oh? Aarte ka pa? E mas maganda naman ako dyan" dagdag ko pa. Hindi napigilang magsalita nung babae "Miss, wala ka bang boyfriend? Bakit pati yung boyfriend ko inaagaw mo?" galit na tanong nya "Wala. Kaya nga I’m stealing your date diba? STUPID." sabi ko at inirapan yung babae "Ano? Lets go?" sabi ko sa lalaki at nag-umpisa na akong maglakad. Eh sumunod yung lalaki. HAHAHA. Sumasabay na din sya sa paglalakad ko. Nilingon ko yung babae at galit na galit. Naglakad sya ng mabilis at hinatak yung lalaki. COOL. Gusto ko yan. MAG-AWAY KAYO DAHIL SAKIN. hahahaha

"IKAW. WALA KANG MAGAWA NO? MANG-AAGWA KA NG BOYFRIEND" galit na galit na sabi nung babae. "Tama ka, wala nga akong magawa. Eh kasalanan ko bang pangit ka? Tss, pangit ka na nga, madamot ka pa. Valentines nga e, GIVE LOVE. Tss, saka hindi mo ba alam yung SHARE YOUR BLESSING? Damot mo ahh. Edi sayo na, lunurin mo sa taba mo." sabi ko sa kanya sabay tulak papunta sa kanya dun sa lalaking kasama nya. Iniwan ko na sila dun na nag-aaway. HAHAHA. Ang saya naman ng Valentines Day ko, sana Valentines Day na lang araw araw para naman palaging maganda ang araw ko. >:P Ayoko na dito. Punta naman ako sa park, syempre common destination din to ng mga mag-dadate. So dapat kong masira ang date nila para maging masaya ang araw ko. Oh bakit? Naiinis na kayo sakin? Wala akong pakiaalam, basta ako, MASAYA. :P Pinapanindigan ko lang ang ROLE AT TITLE ng story ko. :)) Oh. I can see lovers. GREAT. Kelangan ko ng energy. "Hi, I want your boyfriend. Can I have him?" Magalang kong tanong sa babae. Na-shock ata sila pareho. Haha. I don’t care. "Wh-what?" tanong nung babae. "I said i want your boyfriend, can i have him? You’re deaf? Or just plain STUPID?" tanong ko ulit sa babae. Nanlaki yung mata nya at bigla syang napatayo sa kinauupuan nya. Akmang sasampalin nya ako pero sorry mas mabilis ako. I grab her hand. "Bastos ka ahh. Maayos kitang tinanong tapos sasampalin mo pa ako? Pede mo namang sabihing ayaw mo. " sabi ko sa kanya habang hawak yung kamay nya Pumiglas sya kaya nabitawan ko yung kamay nya. Umuusok na yung ilong nya sa galit.

"MAGHANAP KA NG SARILI MONG BOYFRIEND. YOU B*TCH" sabi nya Pagkatapos nyang sabihin yun. Sinampal ko sya. "HEY. MISS. TAMA NA" sabi nung lalaking kasama nya "Bakit mo sya sinampal?" tanong nung lalaki "Kasalanan nya yan. Tinawag nya akong B*TCH. Well, excuse me. IM NOT A B*TCH, BECAUSE IM THE B*TCH. Tss. Nakakainsulto yang girlfriend mo ahh. hmmp." sabi ko at umalis na ko sa harap nila How dare she. Tinawag nya akong b*tch? Asar ha, nakakainsulto. Mag-gagabi na kaya naman dumiretsyo ako sa bar. Diba nga kasi magcecelebrate ako para dun kay Avy? Haha. Syempre kelangan ko munang makundisyon. Kelangan ko muna ng masasampolan para naman maging mas lalong masaya ang pagcecelebrate ko. "Good Evening Ma'am" bati nung security guard. Syempre hindi ko sya pinansin, nilampasan ko alng sya at dumiretsyo sa may bar counter. Inasikaso naman kaagad ako ng mga bartender. Regular customer ako kaya alam na nila kung anong gusto ko. Wala pa akong isang oras sa loob ng bar may lumapit na kaagad na lalaki sa akin. "Hi" sabi nya Nilingon ko sya. Ok lang. May itsura naman pero hindi ko type, kaya inirapan ko na lang sya at pinagpatuloy yung pag-inom mag-isa. "So, are you alone?" tanong nya at umupo sa may tabi ko "Depende" sagot ko ng walang gana "Depende kung?" tanong nya. At hula ko iba ang ineexpect nyang sagot ko. Akala nya siguro im into him. HAH. Yun ang akala mo.

EXPECTATION NI LALAKI : "so, are you alone?" "depende" "depende kung?" "depende kung sasamahan mo ko" REALITY "so, are you alone?" tanong nya at umupo sa may tabi ko "depende" sagot ko ng walang gana "depende kung?" tanong nya. Nilingon ko sya "depende kung hindi ka marunong magbilang" sabi ko at ngumiti nang nakakaloko sa kanya. Hahahaha. See, wag ka kasing nag-eexpect. Ilang minuto pa ang lumipas, hindi pa rin umaalis yung lalaki sa tabi ko. Hindi ko sya pinapansin. Kinuha ko yung pack of cigarette ko sa bag ko, kumuha ako ng isang stick at nagsindi. Nagsalita ulit yung lalaki "Oh. So nag-sisigarilyo ka pala" medyo amazed na tanong nya. Binugahan ko sya ng usok. Bastos na kung bastos, pero ayoko syang kausap. "Hindi ka na nga marunong magbilang.... bulag ka pa., wag mo akong kausapin. TANGA KA." sabi ko at nag-umpisa na ulit uminom. Maya maya din umalis na yung lalaki. Buti naman. Akala ko ok na, pero may humabol pa pala. "Hi. I’m Andrew, and you are?" tanong nya. Aba. Uma-aura ka ha, teka lang. Nilingon ko sya

"And i am. *tinignan ko sya mula ulo hanggang paa* NOT INTERESTED" kaagad naman syang umalis sa harapan ko. So far so good na din yung stay ko dito sa bar. Nakikinig lang ako sa banda na kumkanta. Akala ko lang pala ok na yung pag-sstay ko dito yun pala hindi pa. Magsisindi na sana ulit ako ng isa pang stick nung biglang may bastos na lalaking kumuha nito sa akin. "HEY. ANO BANG PROBLEMA MO?" galit na tanong ko "Kelan ka pa natutong manigarilyo at uminom?" nagpipigil na galit na tanong nya. Natigilan ako pagkatapos kong marinig ang boses nya. P$#%^%$&%^&* I#%$^ anong ginagawa nya dito? Shit lang. Calm down Avah, wag kang magpapadala sa emosyon mo. I-off mo muna lahat ng emosyon mo, pagiging maldita lang muna ang I-ON mo. Huminga ako ng malalim at nilingon sya. "Oh, kelan nga ba? hmmmmm, 2 years ago… i think? So kamusta, BUHAY ka pa pala, akala ko kasi nilamon ka na ng lupa." sabi ko sa kanya "Bakit mo ginagawa to? Ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman dating ganyan ahh" galit nyang sabi "Dahil masaya ako. Teka nga, pakialam mo ba? Ano ba kita?" tanong ko sa kanya Medyo natauhan naman sya nung tinanung ko sya kung ano ko sya. "Ahh… naalala ko na, EX nga pala kita and now, you are AVY'S BOYFRIEND. Ang cool diba? Share share lang" sabi ko sa kanya Yes, he is my ex and he is now Avy's boyfriend. Pano naging sila? Saka ko na sasabihin ang pangtelenovela nilang love story, wala ako sa mood. "Avah, please wag ka namang ganyan, nasasaktan ako sa mga ginagawa mo sa sarili mo" sabi nya WOW. hahaha.

"OH? HAHAHA. Kelan ka pa naging joker? Naging kayo lang ni Avy, naging corny ka na. Grabe lang and excuse me lang ha, WALA AKONG PAKIAALAM SA NARARAMDAMAN MO." sabi ko sa kanya "Yung samin ni Avy, matagal na kaming wala." paliwanag nya "WALA AKONG PAKIALAM. PWEDE BA, TIGILAN MO NGA AKO. IM DONE WITH YOU." sabi ko "Pakinggan mo naman kasi yung side ko" sabi pa nya "Wag na, hindi na kailangan. Magsasayang ka lang ng laway, saka bakit ko papakinggan ang side mo? Para mabawasan yung dinadala mo? Para matahimik yung konsensya mo? NO.NO.NO. Gusto kitang makitang nahihirapan at pinapahirapan ng sarili mong konsensya." sabi ko sa kanya "Please lang Avah, maawa ka. Ang hirap e." sabi nya "Maawa? Ano nga ulit yun? Wala na ata sa dictionary ko yun. Ok yan, nahihirapan ka. FEEL THE PAIN, DAMAHIN MO NG HUSTO, GINUSTO MO YAN DIBA?" sabi ko sa kanya "Mahal pa kita." sabi nya "Hahahaha. Ok, sa lahat ng joke na narinig ko, yan ang pinaka nakakatawa. 2012 na oh, bago bago naman." sabi ko sa kanya "Sorry Avah" sabi nya "Dont be sorry, you deseve to suffer my dear ex. Bye Ian" Kinuha ko na yung bag ko at umalis ng bar. Bwiset, bakit kelangan pa nyang magpakita ngayon? Tss, asar. Akala ko magiging ok na yung araw ko, hindi pala, may sumira pa. Hayyss, asar. 2years na, akala ko wala na syang epekto sa akin. Hayyss. Bwiset. Lalong nadagdagan ang galit ko kay AVY isama mo na si IAN. *********** MALDITA 9

*bahay KO* ~all my life i've been good but now, I’m thinking what the hell?~ Enjoy na enjoy ako sa pagsabay sa pagkanta ni Avril ng kanta nyang WHAT THE HELL. Sabi nila "slut anthem" daw yung kanta. E pakialam ko? Basta gusto ko yung lyrics sa chorus, bagay sakin. "Ms. Avah" inenterrupt ni Nerd yung pagkanta ko. Tss Ano na naman kayang kailangan nito? Kanina nagtanong kung pwede na syang kumain. "Ano na naman? Iinom ka? Wala sakin yung baso" sabi ko sa kanya "Hindi po, hmm ano po kasi hmm-" "Ayan na naman yang ANO mo e. Gusto mo talagang hilahin ko na yang dila mo noh?" mataray na sabi ko sa kanya Umiling sya, ako naman naghihintay ng susunod nyang sasabihin. "Pede po ba akong umuwi sa bahay?" tanong nya "Pakiaalam ko? Nasa akin ba ang susi ng bahay mo?" sabi ko. "Nagpapaalam lang e, sungit talaga." bulong nya Nagawa pang bumulong, ang lakas naman. tss. "Alam mo nerd, kung bubulong ka siguraduhin mong hihinaan mo, bulong nga diba?" sabi ko sa kanya. Tss. Mali ata ako ng pagpapatira dito, akala ko SLAVE ko yun pala ALAGAIN. Tss. "Sorry naman po. Hmm.. so, pede na po ba akong umuwi?" tanong nya ulit Ay, ang kulit ng lahi. Paulit-ulit, sinabi ko na ngang wala akong pakialam kung uuwi sya o hindi. Ganito ba talaga to ka-slow? Nagtataka tuloy ako kung bakit to naging scholar. "Alam mo nerd, daig ka pa ng sisig" sabi ko.

"Bakit naman po?" tanong nya "Mabuti pa ang sisig may utak" sabi ko sa kanya "Sabi ko nga po, aalis na ko e. Salamat po Ms. Avah" sabi nya. Nag-umpisa na syang mag-lakad "Ano bang gagawin mo sa bahay nyo?" tanong ko, ewan. Bigla na lang lumabas sa bibig ko yang tanong na yan. "Kukunin ko po yung iba kong mga gamit" sabi nya "Siba kinuha mo na yun nung nakaraan?" nagtatakang tanong ko. Kung ulyanin kayo, ipapaalala ko sa inyo na nagpunta kami ni Nerd sa bahay nya para kunin yung mga gamit nya dahil nga dito na sya titira sakin. Syempre hindi na ko tumuloy sa bahay niya, mahirap na baka marami akong bacteria na makuha dun, magkasakit pa ko. Pano na lang kapag nagkasakit ako? Edi matutuwa kayo? Hindi pede, mawawalan ng maldita sa story na to. "Hindi ko naman po makukuha lahat ng gamit ko sa loob ng sampung minuto" sabi nya "Sinisisi mo ba ako dahil sa kabagalan mo?" tanong ko sa kanya Binigyan ko kasi sya ng sampung minuto para kunin lahat ng gamit nya. E mabagal sya, kaya hindi nya nakuha lahat. "Sinasabi ko lang po. Sabi ko nga masyado pong mahaba yung sampung minuto e" sabi nya Pilosopo talaga, may attitude din tong nerd na to e. Pasimple kung bumanat. tss. Hindi ko na lang pinansin yung sinabi nya. "Hintayin mo ko dyan, sasama ako" sabi ko sa kanya. Papaakyat na sana ako nung nagsalita sya "Bakit po?" tanong nya at hinarap ko sya "Ano nga ulit kita?" tanong ko sa kanya

"Slave po" sabi nya "At anong ginagawa ng mga slave?" tanong ko ulit "Pinagsisilbihan ang amo nila." sabi nya "Very good. So, wala kang karapatan magtanong sa akin" sabi ko "Sabi ko nga po, tatahimik na lang ako" sabi nya. Tss,pasalamat ka natutuwa ako sayo. Umakyat na ko sa kwarto ko, nag-ayos na ako at nag-bihis. Wala akong magawa dito sa bahay kaya naman sasama na lang ako kay nerd. Tutal wala din naman kaming pasok, saka nakakasawa yung pagmumuka ni Miranda. Ayoko naman makipagchismisan kay Mikee, baka mamaya madulas lang ako at makwento ko pa sa kanya na nagkita kami nung letcheng lalaking yun, mali pala. NAKITA NYA AKO. Kumukulo na naman yung dugo ko dun sa lalaking yun. Nagtataka kayo? Tulad ng sinabi ko boyfriend na sya ni Avy ngayon, pero sabi nya hindi. Ewan ko sa kanilang dalwa kung nag-break na sila. Basta ang alam ko lang, INAGAW SYA NI AVY SA AKIN, AT NAGPAAGAW SYA. The rest is history. Sa susunod ko na idedetalye kung pano, kasi kahit ako hindi ko pa rin maprocess sa utak ko. BWISET SILA. Yun lang ang malinaw sa utak ko. Isa yun sa MGA dahilan kung bakit ako galit kay Avy. Yes, MGA. Madami syang ginawa na hindi ko akalaing magagawa nya sa akin na KAPATID NYA. Isama mo na rin pala yung mga makikitid na utak ng PARENTS ko. Kaya ayun, wala pa akong ginagawa MASAMA na ako sa mata nila. Well, kung ayaw nila ako paniwalaan edi PAPANINDIGAN ko na lang yung gusto nilang paniwalaan. MASAMA AKO SA TINGIN NILA? Edi totoohanin natin para MASAYA. >:P Pagkababa ko, nakita ko si Nerd kausap si Miranda. OH GREAT. “Kaibigan ka ng malditang yun? Nako, mag-ingat ka sa batang yan, napakasama ng ugali nyan. Walang respeto, kahit mga magulang nya na naghihirap hindi nya ginalang. Kung ako sayo, lumayo ka na sa kanya bago pa madaming magalit sayo kapag nalaman na kaibigan mo sya" Pagkarinig ko nung sinabi ni Miranda. Automatic na nag-init ang ulo ko.

"Nako Nay, mataray lang po talaga si Ms. Avah, pero mabait po sya. Dalawang beses na nga po nya akong tinulungan e." sagot ni nerd "Nako Ineng, wag kang magpapdala masyado sa kabaitan nyan nako wag ka--" Hindi na natapos ni Miranda yung sasabihin nya "Hoy Miranda. Wala ka talagang kadala dala no? Hindi pa ba sapat yung sampal na binigay ko sayo non? gusto mo dagdagan ko pa? kung makapanira ka dyan akala mo ang ganda ng ugali mo. e kung sinisira ko kaya yang mukha mo?" nanggagalaiti kong sigaw sa kanya Bwiset. Ayoko sa lahat ng sinisiraan ako ng ganon. Alam kong masama ang ugali ko. Ayoko ng binabaliktad ako. Letche. Hindi ako papayag na mangyayari na naman ulit yung dati. Not this time. "Ms. Avah tama na po" sabi ni nerd at agad syang lumapit kay Miranda at hinimas ang likod nito dahil si tanda nagdradrama. May pa-iyak-iyak pang nalalaman. Akala mo naman first time kong sigawan at first time namin mag-away. Hah. ito naman si nerd, tatanga tanga naniwala agad. "Wag mo akong artehan dyan tanda, first time mong masigawan? Wow, kelan ka pa naging sensitive? OH. Nakakaloka ka, kelan ka pa nagkaron ng pakiramdam?" sabi ko At ayun, si tanda tinodo ang acting skill at humagulgol with matching takip pa ng palad sa muka. Marahas kong tinanggal yung dalawang palad nya na nakatakip sa muka nya "Tigilan mo yang pag-iyak mo dyan. Hindi bagay sayo, hindi mo na ko maloloko sa mga ganyang drama. Sorry ka na lang, hindi na bumebenta sakin yang mga drama mo" sabi ko habang patuloy na tinatanggal yung kamay nya sa muka nya "Ms. Avah tama na" si nerd at tinanggal nya yung kamay ko kay Miranda. Bahagya akong napa-atras. Nagulat ako sa ginawa ni nerd at ang pakiramdam ko? MASAMA AKONG TAO TULAD NG SINABI NI MIRANDA. Agad kong inayos ang sarili ko at hinarap si nerd. Hindi ko na pinansin si Miranda.

"Hayys. Yan ang hirap sa mga mababait e, nagpapadala sa emosyon. Konting pagdradrama lang ng kaharap nila, nilalamon na sila ng konsensya. Hindi na nakikita kung ano yung totoo sa hindi." sabi ko kay nerd. "wag mo syang itulad sayo" sabi ni Miranda. Hindi ko pa rin sya pinansin. "Alam mo nerd, balang araw, magsasawa ka ding maging mabait. Take it from me, alam na alam ko yan" sabi ko sa kanya Nag-umpisa na akong maglakad at nilagpasan sila, tumigil ulit ako at hinarap sila "may dalawang tao sa mundo, isang manloloko *tingin kay miranda* at isang nagpapaloko *tingin kay nerd* " naglakad na ko palabas ng bahay Dalang dala na ako sa kadramahan ni Miranda at Avy, kaya alam na alam ko na kung ano ang totoo sa mga ngiti at luha na pinapakita nila. Naramdaman kong sumunod na rin sa akin si nerd. "Ms. Avah, sorry po" sabi nya Hindi ko sya pinansin. Dire-diretsyo lang ako sa paglalakad hanggang makarating kami sa tapat ng kotse ko. Bakit ako tumahimik? Dahil nakita ko ang sarili ko kay nerd kanina. *loob ng kotse* Walang nagsasalita sa amin ni nerd. Ako nagmamaneho lang. Sya naman iniisip ata kung magsasalita pa sya. Ilang minuto din ang nakalipas nung naglakas ng loob si nerd na magsalita "hmm Ms. Avah, sorry po sa mga sinabi ko kanina pero kasi po mali po yung ginawa nyo hindi nyo po dapat sinigawan nang ganon si nanay Miranda." sabi nya "So naniniwala ka na sa sinabi nya na masama ang ugali ko? Gusto mo nang lumayo sa akin?" walang gana kong tanong sa kanya "Hindi naman po. Hmm… ang akin lang po dapat nirespeto nyo na lang po sya kasi mas matanda po sya kesa sa inyo." sabi ulit nya

"Hindi sya karespe-respeto, sinisiraan nya ako kanina. Yun ba ang taong gusto mong respetuhin ko?" tanong ko sa kanya Tumahimik sya saglit. "Pabayaan nyo na lang po sya. Hindi naman po ako naniniwala, saka hindi naman po masamang maging mabait" sabi nya "at hindi din masamang maging masama" sabi ko sa kanya Pabayaan ko na lang? Hindi na ako tanga na papabayaan na lang at iintindihin na lang lahat. "Yung sinabi po ni nanay Miranda na pati sa magulang nyo ganyan din kayo?" tanong ulit nya "OO" sabi ko. "Ms. Avah, wag naman po sana kayong ganyan pati sa parents nyo. Hindi nyo po ba iniisip yung mararamdaman nila sa mga ginagawa nyo? sabi nya At dun na ako nawalan ng pasensya. Pagkarinig ko nung sinabi nya, agad kong inihinto ang kotse ko at sinigawan ko sya. "BAKIT SILA BA INISIP NILA YUNG NARARAMDAMAN KO? MAY PAKIALAM BA SILA SA AKIN? PINAKINGGAN BA NILA AKO? TEKA NGA. SINO KA BA PARA PAGSABIHAN AKO? WAG NA WAG MO AKONG PAGSASABIHAN DAHIL WALA KANG ALAM. OO. KILALA MO AKO BILANG SI AVAH MALDITA PERO HANGGANG DUN LANG ANG ALAM MO TUNGKOL SA AKIN. KAYA WAG MO AKONG HUHUSGAHAN" Sigaw ko sa kanya. Hindi ako nakatingin sa kanya, nakapako ang tingin ko sa manibela na mahigpit kong hawag para makontrol pa ng husto ang galit ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nagulat si nerd sa ginawa kong pagsigaw sa kanya. “S-S-Sorry p-po M-M-Ms. A-Avah" sabi nya

"BABA!!" sabi ko. Dali dali naman syang bumaba ng kotse ko, at pagkasara ng pinto, ay mabilis kong pinatakbo ang kotse ko. ************ MALDITA 10 Pinaandar ko yung kotse ko ng sobrang bilis. Papunta saan? HINDI KO ALAM. HINDI AKO MAAAKSIDENTE KUNG YUN ANG INAAKALA NYO. Sayang ang ganda ko kung magagalusan lang ako noh. >:) NAKAKAIMBYERNA kasi yung nerd na yun. Akala mo kung sinong magaling kung makapangaral sakin. Edi sya na, sya na ang mabait. Lahat ng kabaitan sinalo na nya. bwiset sya. Akala mo naman alam na nya lahat ng tungkol sa akin. Eh ilang araw ko pa lang naman syang kilala ahh. Naawa lang ako sa kanya kaya ko sya tinulungan. ANAK NG SIOMAI NA AWA TO. Yan, yan ang napapala ko, dapat kasi talaga hindi ko pinapairal yung emosyon ko. And there. I found myself in the middle of nowhere. Syempre keme lang yun. Duh? Maldita ako, hindi ako DRAMA QUEEN. I hate drama that's why i hate THEM. AVY, MIRANDA, IAN MY PARENTS. Masyado silang madrama, kaya nga naiinis sila sakin kapag kinakausap nila ako. Inihinto ko ang kotse ko sa tapat ng isang bahay. Kinuha ko yung cellphone ko at idinial yung number nung may-ari ng bahay. ayokong mag-doorbell. Sya ang pumunta sa akin. *ring ring ring rin--"Oh? Bakit?" sagot nung nasa kabilang linya "Badtrip ako, inom tayo." sabi ko sa kanya. "tss. Anong oras?" tanong nya "Ngayon na. Andito ako sa labas ng bahay nyo. Labas na, ayokong pinaghihintay" utos ko sa kanya

"Biglaan ka talaga kung mag-aya. Teka lang bihis lang ako" sabi nya "Sige na bye. Bilisan mo" utos ko ulit In-end ko na yung call at hinintay sya sa loob ng kotse ko. Naiintriga siguro kayo kung sino yung kausap ko no? Well, makikilala nyo din sya mamaya kapag lumabas na sya, medyo mabagal lang talaga kumilos yun. tss. Kaibigan ko sya. Oh? Nagulat kayo dahil may kaibigan ako? Syempre katulad ko din. Maldita. Ayoko ng mabait na kaibigan, nakokonsensya lang ako. Nakita ko na lumabas na sya ng bahay nila. Lumapit sya sa kotse ko at binuksan yung pinto sa backseat. Aba, bwiset gagawin pa ata akong driver nito. "Hoy. Ang ganda ko naman atang driver? Nakakahiya naman sayo at sa back seat ka pa umupo" sita ko sa kanya. "Arte mo noh?" sagot nya. tss. Dapat hindi ko na to niyaya e. "e kung sabunutan kaya kita dyan at hilahin pappunta dito sa harapan? Gusto mo?" banta ko sa kanya At ang ginawa nya? Inirapan ako at inilagay yung earphones nya sa tenga nya. Bastos. "AIRA ERIKA" sigaw ko sa kanya Ayan, alam nyo na kung sino sya? Kaibigan ko since high school. PURE ISNABERA (unless you are a good looking guy) May-ari sya ng isang bar., since mahilig sya magparty and she loves being surrounded by guys. Tinanggal nya yung earphones nya at nilingon ako "tss. Alam kong maganda ang pangalan ko, hindi mo kailangan ipagsigawan" sabi nya sa akin at nagpunta na sa harapan. tss. Kelangan pa sinisigawan. "hindi ko talaga alam kung bakit kita naging kaibigan. Bwiset" sabi ko sa kanya

"dahil pareho tayong angat sa iba" sabi nya "yea right. Tawagan mo si Frances and Dhonna." sabi ko sa kanya "tss. Anong meron? Bakit bigla ka nalang nag-aya dyan?" sabi nya habang dinadial yung number nung dalawa pa naming kaibigan. "May isang nerd na nambwusit sakin e. At si miranda? Ayun sinisiraan na naman ako" sabi ko sa kanya "Kung ako sayo, pinapaslang ko na yang miranda na yan e." sabi nya Di ko na lang pinansin yung sinabi nya. Magandang idea sana kaya lang ayokong mabahiran ng dugo yung mga kamay ko. Narinig ko na kausap na nya yung dalawa pa naming kaibigan. "San daw ba?" tanong nya bigla "Sa bar mo." sagot ko. "Susunod na lang daw sila" sabi naman nya *bar* Oo, dun sa bar kung saan ako pumunta nung Valentines Day at kung saan ako nakita ng pesteng si Ian. Sabi sa inyo, regular customer ako dito, dahil si Aira ang may-ari nito. Wish ko lang wala dito yung letcheng lalaking yun. Baka maibaon ko na sya ng tuluyan sa lupa. "Andyan na pala sila e." sabi ni Aira at tinuro sina Frances at Dhonna. Lumapit na kaming dalawa sa kanila "Hi girl, anong meron at nag-aya kang uminom?" bati sakin ni Frances Mercado Si Frances Mercado, tulad ni Aira friend ko sya since high school. PURE BRATINELLA Anak sya ng may-ari ng isang private hospital.

Nag-iisang anak, kaya lahat ng gusto nya, nakukuha nya. Sya ang medyo mabait saming apat, ilalabas nya lang ang pagiging maldita nya kung kinakailangan. "Badtrip ako e, same old story of course. Pero my dumagdag e, isang nerd" sagot ko sa kanya "Wow. Nagpatalo ka na sa isang nerd? Nawawala na ba ang pagiging maldita ni Avah?" tanong naman ni Dhonna Si Dhonna Fabian, friend since high school. PURE LAITERA May-ari sya ng isang resort since mahilig syang mag-swimming at hobby nya ang pagboboy hunting, idagdag mo pa ang mga boys na nakatopless. "Shut up. Hindi pa kumukupas ang pagiging maldita ko at forever na yun." sagot ko sa kanya "so ano na palang balita sa kapatid mong mahadera?" tanong ni dhonna "Uuwi na daw sya. tss. Naiinip na nga ako e" sabi ko sa knya "Oh. Bayaran nyo ahh, hindi to libre" sabi ni Aira at inilapag sa table namin yung mga drinks namin. "Naghihirap ka na ba? Wala ka na bang pampasweldo para sa waiter at ikaw ang nagseserve?" sabi ni Frances kay Aira "Shut up. Dinala ko na nga e, dami mong arte. Saka excuse me? Ako maghihirap? ASA" sagot ni Aira kay Frances "Ang ingay nyong dalawa, sumasakit ear drums ko sa inyo" Dhonna "Hey Avah, kapag dumating yung ate mo, buhusan mo ng asido," Aira "Oo nga girl, para naman madala" Frances "ako bibili ng asido para sayo" Dhonna

"Pede ba ang cheap ng idea nyo, pang mahirap. Ayoko ng ganun, masyadong simple. Muka nya lang masisira, gusto ko lahat sa kanya masira" sabi ko sa knilang lahat "Sunugin mo na lang" Dhonna "Tama, sagot ko gas" Frances "Akin yung lighter, madami ako nun. Eto oh, ang cu-cute no?" sabi ni Aira at inilatag sa table lahat ng lighter nya. "Ayoko nun, mabaho. Pang mahirap pa rin."sagot ko "Alam ko na. Pag dating nya bigyan mo sya ng welcome party." Frances "Welcome party?" kaming tatlo "Bakit? Syempre kunyari mabait ka pa rin sa kanya at sya pa din ang bida tapos imbitahan mo lahat ng mga kakilala nya; family friends nyo, tapos saka mo sya ipahiya. Oh diba bongga" france "Gusto ko yan, PANG MAYAMANG REVENGE" sagot ko sa kanya "Tama, winner yun. We will help you, na-eexcite ako" Dhonna "Mas magiging winner ka kung kakantahan mo sya" Aira "Bakit ko naman sya kakantahan? At anong kakantahin ko?" ako "Edi yung palagi mong kinakanta, yung gustong gusto mong kantahin sa kanya" Aira "BETTER THAN REVENGE" sabay sabay naming apat. "GUSTO KO YAN, PANGMAYAMAN. Winner, maaasahan ko talaga kayo." sabi ko sa kanila ------Umuwi na ako sa bahay KO at iniwan na sila sa bar. Si Aira kasi may nakitang boylet at syempre nakijoin din si Dhonna. Si Frances? Ayun, pinairal na naman

yung pagiging bratinella. May inaaway na naman. Dahil sa masyado akong nagenjoy sa plano nila, kaya umuwi na ako para makapagpahinga. Kailangan ko pang pagplanuhang mabuti yung mang yayari. Pagkapasok ko ng bahay ko. Tahimik. Tulog na siguro lahat ng katulong. Si nerd? Ewan ko kung umuwi. Paakyat na sana ako nung biglang bumukas yung ilaw sa may sala. Lumingon ako para tignan kung sino, akala ko si Miranda na naman, HINDI PALA. "Ginabi ka ata nang uwi" sabi nya "Madaling araw na, actually" sagot ko sa kanya. Lumapit sya sa akin, nakangiti sya ng sobrang lapad at inismidan ko lang sya. "*tingin mula ulo hanggang paa* wala ka pala naman masyadong pinagbago. Ganun ka pa din. Weak, tss." sabi nya "Ikaw din. Wala ka paring pinagbago, PLASTIC ka pa din" sabi ko sa kanya "ooohh. Improvement, sumasagot ka na." sabi nya "People change my dear evil sister" sabi ko sa kanya "Really? Let see" sabi nya *PAK She slapped me. "I really miss you Avah. Naramdaman mo naman siguro yung pagkamiss ko sayo." sabi nya Inayos ko ang sarili ko. "Oo naman." sabi ko sa kanya *PAK I slapped her.

"I miss you too Avy, and.... *PAK I slapped her again. "WELCOME BACK" ************** MALDITA 11 GOOOOOOOOOD MORNING. Ito na ang pinakamasayang umaga ko. MASAYANG MASAYA AKO. Excited na rin akong mag-breakfast. BREAKFAST WITH AVY THE B*TCH, come on, PAPALAMPASIN ko ba yun? Aarte pa ba ako? Pagtapos nang nangyari kagabi? Yung napaka sweet naming batian? Syempre hindi na ako makapaghintay para makita yung LOSER na mukha nya. I’m sure hindi sya nakatulog sa binigay ko sa kanya, habang ako sobrang sarap ng tulog ko. Sa sobrang tuwa ko nga kagabi nakalimutan ko nang tawagan yung mga kaibigan ko para ibalita sa kanila yung nangyari. Oh well wala pa ako sa mood para magkwento sa kanila ng bongga kaya itetext ko na lang sila. TO ALL: THE B*TCH IS BACK!! hihihi

Similar Documents