Christian: Bakit? Kapag nag- ‘I love you’ ba, binibiro ka na agad? Bahala ka nga.
Shekinah: Luh? Nagtampo ka naman agad?
Christian: Eh kasi naman eh.
Shekinah: Oo na, I love you too. Oh happy na po?
Christian: Opo!
Shekinah: Hmmp! Ay siya na pala ‘by (short for baby), may ibibigay ako sayo (abot ng picture).
Christian: Ano to ‘by? Picture natin?
Shekinah: Oo, ilagay mo sa wallet mo, remembrance natin.
Christian: Sige ‘by, itatago ko to.
Shekinah: ‘By, sure ka na ba sa trabaho mo? Bakit naman kasi sa lahat ng pwedeng maging trabaho mo, nurse pa sa mental? Pwede ka namang maging nurse ng mga matitinong tao eh. Iba na lang kaya? Kaysa naman palagi kang nakakakita ng mga sira-ulo.
Christian: ‘By, mas malaki ang sweldo ng nurse sa mental kaysa sa mga regular nurses, saka isa pa, pahirapan maghanap ng trabaho pag ordinary nurses. Kaya okay na rin kung magiging nurse ako sa mental. Ang gagawin ko lang naman ay magpakain ng baliw, asikasuhin ang baliw sa pag-ihi at pagdumi, turukan ng pampakalma ang baliw, at saka painumin ng gamut ang baliw.
Shekinah: Eh baka naman pati ikaw, mabaliw na rin?
Christian: Baliw na talaga ako. Baliw na baliw sayo.
Shekinah: Sus! Nambola nanaman!
Christian: Ah bola pala ha? *kiliti*
Narrator: Kinabukasan, naghanda na si Nurse Christian sa unang araw niya sa mental hospital. Kasama niya si Nurse Alex, Nurse Rickson, at Nurse Sedrick bilang mga baguhang nurses. Pagpasok sa loob ng mental hospital ay inasahan na nila ang mga dapat asahan.
Sedrick: Ang bango, amoy tae. Tara uwi na tayo. Ayoko na pala dito.
Alex: Di na pwedeng magback-out! Nandito na tayo eh.
Rickson: Teka, sino yon? Bat ang ganda?
Christian: Maganda nga, bangag naman, tawa ng tawa.
Carla: Goodmorning new nurses, ako si Nurse Carla, ang head nurse ng hospital na ito. Eto na yung mga pasyenteng aasikasuhin nyo. Sedrick, dun ka kay Adrianne, isang ordinary patient na tamihik at nakatunganga palagi. Alex, dun ka kay Neil, ang tipo ng pasyente na kumakalma sa pagkain. Rickson, dun ka kay Yuri, ang pasyenteng walang ibang ginawa kundi ang tumawa ng tumawa. At ikaw Christian dun ka kay Reyson, bago lang yan, sobrang misteryoso kasi hindi pa rin nagsasalita hanggang ngayon. Sige, mag umpisa na kayo.
Narrator: Nagsipuntahan na ang mga nurses sa kani-kanilang mga pasyente.
Sedrick: Hello, ako si Nurse Sedrick, ako na ang magiging nurse mo simula ngayon. May gusto ka ba? Pagkain, laruan, tulog, ano?
Adrianne: ...
Sedrick: Hello? May kausap ba ko?
Adrianne: …
Alex: Hello Neil, ako si Alex, ako na ang nurse mo.
Shekinah: Ha? Papatayin ka? Kaya ayokong nandyan ka eh! Umalis ka na kasi dyan ‘by!
Christian: ‘By, ayos lang ako, saka isa pa, sabi nung head nurse namin sa hospital, normal lang daw yun. Siguro dahil sa dami ng iniisip nung baliw na yun, may matindi sigurong pinagdaanan. Kawawang Reyson…
Shekinah: Ha? R-Reyson ba k-kamo?
Christian: Oo, Reyson Cruz yata? Bakit ‘by?
Shekinah: A-ahhh w-wala ‘by. Sige ibababa ko na. I love you very much ‘by.
Christian: Bakit biglang tumamlay yung boses mo? Hay sige na nga, I love you too baby!
Narrator: Matapos ang ilang linggo ay nagawa nang mapalapit ni Christian sa kanyang pasyenteng si Reyson. Hindi na rin palaging tulala si Reyson, bagkus ay parang matinong tao na siya kung gumalaw at animo’y pwede nang makalabas ng mental hospital.
Christian: Reyson! Gusto kong makilala mo ang girlfriend ko. Eto siya oh… Siya si Shekinah, girlfriend ko.
(Nagwala bigla si Reyson at pinunit sa dalawa ang picture)
Christian: Ang ganda niya no? Mahal na Mahal ko yan!
Reyson: Sino yang nasa likod mo?
Christian: Huh? Wala nama~~
Reyson: Aaaah! Papatayin kita! Papatayin kita!!! Hayop ka papatayin kita!!!
Christian: Reyson! A-ano nanamang ginawa ko sayo? Reyson! Tulong!
(Agad namang sumaklolo ang mga nurse na nakapaligid sa hospital. Hinawakan nila ng mahigpit si Reyson.)
Alex: Anong nangyayari dito?
Reyson: Papatayin kita!!!
Carla: Bigyan nyo ng pampatulog!
(Nang mabigyan ng pampatulog ay kinausap na nila si Christian)
Sedrick: Anong nangyari Christian?
Christian: Ewan ko kung ano nangyari, basta pinakita ko lang yung girlfriend ko, tapos bigla na lang siyang nagwala. Tapos pinunit niya yung picture.
Carla: Sabi ko nga, normal na talaga ang ganyan sa pag aalaga ng mga taong wala sa tamang pagiisip. Maging pasensyoso ka na lang para sa alaga mo.
Rickson: Sabagay. Baka unti unti nang umaayos ang pag iisip ng alaga mo, kaya nagwawala kasi may naaalala na.
Neil: Pagkaeeeeeen!!! Penge pagkaeeen!
Alex: Oh siya, aasikasuhin ko na muna yung alaga ko. Nagugutom na.
Sedrick: Oo nga yung alaga ko din, Pagsasalitain ko muna.
Rickson: Oo nga pala si Venus Raj!
Christian: Venus Raj?
Rickson: Oo, ang Venus Raj ng buhay ko.
Christian: Bangag na Venus Raj?
Rickson: Ikaw naman panira ka ng moment eh!
Christian: Oo na sige na bumalik ka na dun sa ‘Venus Raj ng buhay mo’!
Narrator: Nang mag-gabi na ay kinamusta ulit ni Shekinah si Christian sa telepono.
Shekinah: Oh ‘by kumusta na yung inaalagaan mo? Sabi mo tumino na? Ano? Makakalabas na ba? Ayos na ba? Mabilis naman pala magrecover eh.
Christian: Teka bakit ang dami mong tanong? Hahaha okay na sana ‘by, pwedeng pwede na sana makalabas kaso nagwala nanaman bigla.
Shekinah: Eh diba gamay na gamay mo na yung ugali non? Ilang linggo na kayong magkasama ah? Bakit bumalik sa dati?
Christian: Yun na nga eh, ilang linggo ko na siyang kasama, bigla siyang nagwala nung makita yung picture natin.
Shekinah: Y-yung picture natin? P-pinakita mo?
Christian: Oo, sabi ko kasi, ipapakilala ko girlfriend ko sa kanya. Tapos ayun, parang niloko ako, tinanong kung sino yung nasa likod ko tapos ayun, sinunggaban ako bigla.
Shekinah: ‘By naman kasi umalis ka na dyan! Humanap ka na lang ng trabaho!
Christian: ‘By, normal lang daw yung mga ganon sa mga may sira ang ulo. Wag kang mag alala.
Shekinah: Sige ‘by, ibababa ko na. I Love you.
Christian: Sige ‘by, I Love you too.
Narrator: Nang maputol ang linya sa pagitan ni Christian at Shekinah, may tinawagang iba si Shekinah.
Shekinah: Hello Diane, Lateefa!
Diane: Oh bakit?
Shekinah: May problema ako. I need you both.
Lateefa: Ha? Sige, bukas, magkita tayo.
Narrator: Kinaumagahan, pagpasok ni Christian sa trabaho.
Sedrick: Oh Christian, andyan ka na pala.
Rickson: Kanina ka pa hinihintay ng pasyente mo.
Alex: Bumalik naman na sa dati, matino na siya ulit.
Christian: Talaga? Matino na ulit?
Sedrick: Oo, tinatanong nga kung andyan ka na eh, may sasabihin yata.
Christian: Seryoso? Sige maiwan ko muna kayo, aasikasuhin ko muna pasyente ko.
Narrator: Matapos makapagbaba ng bag ay dumiretso na sa silid si Christian. Pagkakitang pagkakita sa kanya ni Reyson ay hinatak niya agad ito at pinaupo.
Christian: Ayos ka na ba?
(Tumingin ng seryoso at nakakapanindig-balahibo si Reyson)
Reyson: Mamayang gabi, huwag kang dudungaw sa bintana. Huwag na huwag kang magpapapasok ng kahit sino. At huwag na huwag mong sasagutin ang cellphone mo. Sundin mo ang mga payo ko kung ayaw mong may mangyaring masama.
Christian: Ha? Anong pinagsasabi mo?
(At biglang may nangyari)
Reyson: Ha? A-aray. ARAY! Agh! Aaaaagh!!!
Christian: Ok ka lang ba? Reyson?
Reyson: Si-s-sino y-yun? Sino yang mga nasa likod mo?
Christian: Sa likod ko? Wala naman…
Reyson: Waaaaaa!!!
Christian: Ay baliw ka! Ikaw wag mo kong ginugulat!
Reyson: Hahahaha!
Christian: Hay nako. Oh kukuha muna ko ng pagkain mo.
Narrator: Lumabas muna si Christian para kumuha ng pagkain.
Christian: Oh guys!
Alex: Oh Christian!
Christian: Gutom nanaman?
Alex: Oo eh. Kesa naman magwala, hayaan nang kumain ng kumain. Eh yung sayo?
Christian: Napakamisteryoso. Sabi ba naman, huwag daw ako dudungaw sa bintana, tapos huwag daw ako sisilip sa pinto, tapos huwag ko daw sasagutin ang telepono kung ayaw ko daw na may mangyaring masama. Nakakapagtaka diba?
Sedrick: Eh diba sabi nga ni Nurse Carla, huwag daw maniniwala sa mga ganon? Ganyan talaga pag wala sa tamang katinuan. Kung anu-ano ang sinasabi, pero wag daw paniniwalaan.
Rickson: Ano namang masama yung mangyayari?
Christian: Ewan ko ba, tapos ginulat pa ko.
Carla: Balik na sa trabaho!
Alex: Oh siya, siya, babalikan ko na muna yung alaga ko.
Rickson: Kami din, sige na.
Narrator: Nang magsibalik ang mga nurses sa kani-kanilang mga pasyente.
Sedrick: Adrianne, eto oh pagkain. Kumain ka muna.
(Nanlaki ang mga mata ni Adrianne)
Adrianne: Mommy! Ikaw kung sino ka man na hindi ko naman kilala na ngayon ko lang namukhaan! Tulungan mo ko, maawa ka sakin, ayoko pang mamatay dahil gusto ko pang mabuhay sa mundong ibabaw kaya tulungan mo ko dito kaya ilayo mo sakin ang nakakatakot na bagay na ito sa harapan ko dahil kinikilabutan ako at nanginginig ako. *turo*
Sedrick: Anong meron? Huh?
Alex: Oh Neil, eto na ang pagkain, kumain ka na. Kain lang ng kain.
(Napatigil ng pagkain si Neil at biglang nangatog ang mga kamay)
Alex: Anong nangyayari Neil? Anong meron?
Neil: *turo*
Alex: Oh ano meron dun? Wala naman eh?
Rickson: Aking prinsesa, ito na yung pagkain mo. Masaya ka ba? Tawa ka pag Masaya ka.
Yuri: Hahahahahahaha!
Rickson: Sige kumain ka muna.
(Bigla ring natakot si Yuri)
Yuri: Huhuhuhuhuhuhu! *turo* Waaaa!
Rickson: Anong nangyayari? May gumugulo ba sa isip mo?
Yuri: *turo* Waaa! Huhuhuhuhu!
Rickson: Nasan? Wala naman.
Narrator: Samantala, sa silid ni Reyson…
Christian: Kumain ka na Reyson. Ito na ang pagkain.
(Nakatitig lang si Reyson sa sulok)
Christian: Okay ka lang ba Reyson? Bakit hindi ka na nagsasalita?
(Ngunit nanatiling nakatulala si Reyson)
Christian: Iiwan ko na lang muna rito ang pagkain mo. Kainin mo na lang pag nagugutom ka na. Lalabas muna ako.
Reyson: Akin dapat siya. Akin dapat siya. Akin dapat siya! Akin siya! AKIN SIYA!
Christian: Anong sayo siya?
Reyson: AKIN SIYA! PERO KUNG HINDI SIYA MAPAPASAKIN, WALANG PWEDENG MAG MAY-ARI SA KANYA!