Free Essay

Azihr

In:

Submitted By azihR
Words 388
Pages 2
Do not KILL. Do not COMMIT ADULTERY. Aminin mo man o hindi, nagawa mo na ang dalawang kasalanan na iyan. Kahit ako, inaamin ko, nagawa ko na rin ang mga ganyang kasalanan. Hipokrito ka kung sasabihin mong hindi mo pa nagawa ang dalawang katagang iyan. Sinasabi ko ito hindi dahil gusto kong ipangalandakan ang kasamaan mo kundi para itatak sa isip niyo na mali na ipagpatuloy niyo pa na gawin iyan. Do not kill. Hindi porke wala ka sa kulungan ngayon eh hindi ka pumapatay. Nagkakamali ka. Hindi ko sinasabing pinatay mo physically ang isang tao. Ilang beses mo na ba nasabi sa kapwa mo ang mga ganitong kataga: “Bobo!”, “Tanga!”, “Walang kwenta!” ? Mabilang mo pa kaya? Sa pamamagitan ng pagbitaw sa mga salitang ito sa iyong kapwa, para ka na ring pumatay. Pinapatay mo ang pagkatao ng isang taong pinagsasabihan mo niyan. Kaya kung ayaw mong sabihan ka na mamamatay tao, tigilan mo na iyan. Ano kaya na kung imbes na batuhin mo ng masasakit na salita iyang kagalit mo eh ipagdasal mo na lang? Di’ba mas peaceful? Do not commit adultery. “Wala pa kaya akong asawa.” Malamang nasabi niyo iyan nung sinabi kong nagawa mo na ang ganyang kasalanan. Pero ito tandaan niyo, hindi lang para sa may asawa ang ganitong kasalanan. Sino/Ano ba ang inuuna mo pagkagising mo? Cellphone? Facebook? Pagkain? Pambihira. Sabi nga ng isang matalinong tao, “Whoever gets first in your attention in your daily tasks, that is your God.” Diyos mo ba yang cellphone mo, yang facebook, yang pagkain? Maraming nasasayang sa iyo. Tuwing inuuna mo ang mga bagay na iyan kesa sa totoong Diyos natin, nagco-commit ka na ng adultery. Isa lang naman makakapagkumpleto ng araw mo e. Yun yung pagkagising mo, Siya agad yung nasa isip mo at walang doubt kang nagdadasal sa Kanya. Ngayon, masasabi mo pa ba sa akin na hindi ka pa nakapatay at nagcommit ng adultery? Hindi ako exempted diyan. Isa rin ako sa mga taong ganyan ang laging ginagawa, DATI. Nung hindi ko pa Siya lubusang kilala. Pero dahil nalaman ko ang mga salita Niya, nalaman ko na hindi sapat ang maniwala ka lang sa Kanya. Kailangan mo ring sundin ang mga utos Niya, iwasan ang mga ipinagbabawal Niya at mahalin Siya ng totoo at ng walang alinlangan. (Exodus 20:13-14)

Similar Documents