Free Essay

Baka Sakali

In:

Submitted By WennJoyrenz
Words 1668
Pages 7
Baka Sakali

Ang pag-ibig ay parang nagsusugal. Kapag sigrado kang mahal mo, ibibigay mo ang lahat kahit di mo alam kung may maibabalik pa ba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan , pero luhaan ang mga sumusugal at natalo. Pero gayunpaman, tulad ng sugal, kahit walang kasiguraduhan, marami pa ring umiibig, marami pa ring sumusugal. Dahil… Baka Sakali… Baka Sakali
“Mahal kita, gusto mo ko pero… mahal mo siya”
Hanggang saan ang kaya mo para ipaglaban ang isang pag-ibig na sa simula pa lang, alam mong wala ng pag-asa? Handa mo bang isugal ang iyong puso, ang pag-ibig mo kahit alam mong sa huli, matatalo ka, masasaktan at uuwing luhaan?
Ako nga pala si Elise-,maganda, mayaman,mabait, at matalino. Lahat ng gusto ko nakukuha ko maliban nalang siya. Lahat ng tao nakikita ako. Di ko na kailangang magpapansin at magpakilala. Kilala at pansin na nila ako. Pero may isang taong kahit anong gawin ko, wala pa rin.
Siya si Kenli, ang lalaking matagal ko ng kinahuhumalingan. Gwapo,matangkad, mayaman at basketbolista sa eskwelahan. Lahat ng laban niya ay di ko pinapalampas. Ginagawa ko ang lahat para lang mapanood ito. Naging stalker niya din ako. Inalam ko lahat ng tungkol sa kanya pati sa pamilya niya.
Si Maxine, kaibigan ko at ang babaeng pinakamamahal ni Kenli. Maganda, maputi, matangkad, simple,at mabait. Namatay siya dahil sa isang aksidente. Patay na siya pero hanggang ngayon, buhay pa rin ang alaala niya sa puso’t isipan ni Kenli. Mahal pa rin siya ni Kenli…mahal na mahal.
Minsan may mga bagay tayong hindi masabi kahit madalas gusto na nating isigaw…kasi para bang di mo na kaya. Pero maraming mangingibabaw diba? Iisipin mo lahat, yung mga pwedeng mangyari dahil sa sasabihin mo, yung mga pwedeng maging kahinatnan, yung mga maaapektuhan…yung takot mo na baka may masaktan ka, kasi diba, masaktan ka na…wag lang sila. Ngayon ay balak ko na sanang ipagtapat kay Kenli na mahal ko siya dahil hindi naman masamang umasa diba? Na baka sakaling pareho kami ng nararamdaman para sa isa’t isa, na baka sakaling mahal niya rin ako. Prinaktis ko pa nga kagabi sa harap ng salamin kung paano ako aamin sa kanya, at kung anong mga sasabihin ko pero nabalewala lahat ng prinaktis at plano kong pag-amin dahil mahal pala siya ng kaibigan ko. Ayoko namang maging makasarili para agawan si Maxine ng taong mamahalin kaya di ko na tinuloy yung pag-amin ko. At napakabait nga naman ng tadhana kay Maxine dahil mahal din pala siya ni Kenli. Ang swerte nya, mahal din siya ng taong mahal niya. Kung alam lang niya kung gaano ko ka-gusto na maging siya.
Nalaman ni Kenli na ako lang yung pinakamalapit na tao kay Maxine. Humingi siya ng pabor kung pwede daw ba akong maging tulay nilang dalawa? At ang sagot ko? Oo. Pumayag ako, sino ba naman ako para umayaw diba? Oo na tanga na kung tanga pero mahal ko yung tao eh kaya tutulungan ko siya sa lahat ng bagay na makakapagpasaya sa kanya. At saka maaari din naman akong makinabang sa gagawin kong pagtulong sa kanya diba? Dahil ako yung tulay nila syempre makakasama ko siya at malay natin mapagtanto niyang ako pala talaga yung mahal niya. Ang assumera ko diba? Kung ano-anong naiisip ko. Haha. At isa pang rason kung bakit ko siya tutulungan ay dahil mahal ko si Maxine at gusto kong sumaya siya. Di bale ng ako yung masaktan, wag lang siya. At ayun nga, tinulungan ko si Kenli sa pagpaplano ng gagawin niyang panliligaw kay Max. Ang sweet niya nga eh, sobra! Ilang buwan na ang nakalipas simula ng manligaw siya kay Max.At ngayon na ang araw na pinakahihintay nya, ang araw kung kelan niya malalaman ang sagot ni Max. Alam mo bang kinuntsaba niya lahat ng estudyante pati mga guro para sa araw na ito. Gumastos siya ng malaki para dito, bumili siya ng mga lobong hugis puso, iba’t ibang klase ng bulaklak at tsokolate. May tatlong malalaking karton sa harap ni Max at hindi ko alam kung ano yun. Nagsimula na siyang tumugtog ng gitara at kumanta. Hindi ko inakalang ganito pala kaganda yung boses niya. Pagkatapos kumanta ay bumaba siya ng entablado at pumunta sa harap ng tatlong karton at binuksan niya ang mga ito isa-isa. Sa unang karton ay lumabas ang isang lobo kung saan nakalagay ang mga salitang “Will you,” sa pangalawa naman ay “be my” at sa huling karton karton ay “girlfriend?” Will you be my girlfriend? Sana talaga ako nalang si Max. Lumapit siya kay Max na kanina pa umiiyak dahil di siya makapaniwala sa lahat ng nakita niya. “Oo, girlfriend mo na ako” ang sagot ni Max at niyakap niya si Kenli. Nakita ko sa mga mata at labi ni Kenli kung gaano siya kasaya, samantalang ako nandito sa kabilang banda ng gymnasium at umiiyak dahil sa saya at lungkot. Masaya dahil masaya yung dalawang taong mahal ko at malungkot dahil wala na talaga akong pag-asa. Simula ng maging sila, di na sila mapaghiwalay, lagi silang magkasama, nagtatawanan at naglalambingan. Inaamin kong hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako lalo na pag nakikita ko silang dalawa na sweet sa isa’t isa. Masaya ako para sa kanila pero nangingibabaw pa rin yung sakit. Habang tumatagal, mas lalo akong nahuhulog sa kanya.
May mga bagay lang talaga na hindi mananatili sa tabi mo. Kahit na gustuhin mo man, kailangan niya pa ring umalis sa tabi mo. Nang dahil sa isang di inaasahang pangyayari ay naaksidente si Maxine. Nasaktan ako kasi kaibigan ko siya at dahil nasasaktan si Kenli. Hindi ko kayang makitang nasasaktan siya, kung pwede lang sanang ilipat yung sakit na nararamdaman niya sakin,ginawa ko na. Simula ng mamatay si Maxine ay naging malungkutin na si Kenli, ni hindi ko na siya nakitang ngumiti. Ako lagi yung nasa tabi niya, sinusundan ko siya saan man siya magpunta dahil baka mapahamak siya. Ngayong wala na si Max, umasa akong mahuhulog siya sakin, na matututunan niya akong mahalin dahil ako nalang yung nag-iisang taong nandyan sa tabi niya para tulungan at pangitiin siya. Umasa akong makakalimutan niya si Max kapag nandyan ako pero wala eh, nakatatak talaga si Max sa puso’t isip niya. Di ko na talaga matiis na makita siyang umiiyak, nasasaktan at nagpapakamiserable kaya kinausap ko siya. Tinanong ko siya kung sa tingin ba niya matutuwa si Max na makita siyang nagkakaganyan, nagpapakamiserable at lagging umiiyak. Sinabi ko sakanya na hindi maibabalik ng pag-iyak niya ang buhay ni Max. Wala na eh, nagyari na,wala na si Max kaya dapat tanggapin nalang natin. At dahil sa mga sinabi ko ay unti-unti na siyang bumabalik sa dati..yung masayahin at palangiting Kenli.
Dalawang taon na ang nakalipas mula ng mamatay si Max. Kaming dalawa nalang ni Kenli yung magkasama. Akala nga ng iba ay kami na. Sana nga totoo nalang yung mga inaakala nila. Habang bumababa kami ni Kenli ngayon sa hagdan kasabay ang dalawang Seniors na may dalang karton na di ko alam kung anong laman at puting pintura ay nagdasal ako sa Diyos. Humingi ako sa Kanya ng sign, na kapag nakakita ako puting uwak ay magtatapat na ako kay Kenli. Ang tanga ko talaga akalain mo ba namang nadulas ako sa hagdan at nasagi ko yung mga dala ng seniors. Buti nalang alerto si Kenli at nasalo niya ako.Naputol ang pagpapantasya ko kay Kenli ng marinig ko yung sinabi ng mga Seniors. Naging puti daw yung uwak! Ito na yung sign na hiningi ko kay God. Bukas na bukas magtatapat na ako kay Kenli. Bahala na kung may nararamdaman man siya sakin o wala basta gusto ko lang ay magpakatotoo sa nararamdaman ko. Di bale ng masaktan sa maaaring sabihin niya. Kinabukasan, pinapunta ko si Kenli sa palaruan malapit sa eskwelahan naming. Nakaupo ako ngayon dito sa swing habang hinihintay siya. Abala ako sa panonood sa mga batang naglalaro at kitang-kita sa mga mata nila kung gaano sila kasaya. Minsan tuloy,gusto ko nalang bumalik sa pagiging bata kung saan ang tanging dahilan lang ng pag-iyak mo dahil sa sakit ay ang mga sugat na nakuha mo mula sa pagkakadapa. Nabaling ang atensyon ko sa lalaking nasa tabi ko ng magsalita siya. Tinatanong niya kung bakit ang aga-aga ay pinapunta ko siya dito sa palaruan kaya sinabi ko na sa kanya ang lahat…na matagal ko na siyang mahal, na di ako nagkaroon ng pagkakataon na aminin ito sa kanya dahil ayokong maging makasarili, ayokong saktan si Maxine. Sorry Elise, gusto kita, maganda ka, mabait, matalino, na sayo na nga ang lahat eh pero mahal ko siya. Mahal ko pa rin siya. Yan ang eksaktong mga salita na lumabas sa kanyang bibig. Ang sakit pala talagang marinig mula sa bibig ng taong mahal mo na di ka niya mahal, na siya pa rin. Bakit kasi lagi nalang akong umaasa eh?! Bakit ako nagbaka sakali? Yan tuloy, nasasaktan ako ngayon. Ang tanga tanga ko talaga!
Nagbaka sakali akong mamahalin niya rin ako pero hindi eh..siya pa rin talaga. Hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Ilang buwan na pala ang nakalipas pero ngayon ko lang talaga napagtanto kung gaano ako nagpakatanga sa isang lalaki, kung gaano ko sinaktan ang sarili ko para sa kanya. Ilang buwan na ang nakalipas pero parang kahapon lang lahat ng nangyari, sariwa pa rin yung sugat sa puso ko at di ko alam kung kalian ito maghihilom. Pero kahit kalian di ako nagsisi na minahal ko siya. Dahil sa pagmamahal ko sa kanya, marami akong natutunang bagay at isa na doon ang pagpaparaya para sa kasiyahan ng mga taong mahal mo.
Siguro nga may mga bagay talagang kahit gustuhin mo, hindi mo makukuha. Siguro nga may mga bagay talagang hindi nakalaan para sayo, na kahit anong gawin mo, kailanma’y di mapapasayo dahil may nagmamay-ari na sa kanyang iba.

Similar Documents

Free Essay

My English

...man Parang pelikula ‘pag tayo nagsama Ang umekstra ‘di pagbibigyan Repeat PRE CHORUS / CHORUS BRIDGE Bahala na Kahit ‘di pa tayo ganon ka sigurado Isusugal ang ating puso bahala na Kahit may tumutol ‘di na mapuputol Ang pag-ibig ko sa ‘yo Pagkat sa ‘yo natagpuan ang ipinagkait sa akin At sa ‘yo naramdaman ang hindi ko akalaing Ipaglalaban ko Yeah… Repeat CHORUS "Oo" Hindi mo lang alam naiisip kita baka sakali nga maisip mo ako hindi mo lang alam hanggang sa gabi inaasam makita kang muli nagtapos ang lahat sa di inaahasahang panahon at ngayon akoy iyong iniwan luhaan, sugatan, d mapakinabangan sana'y nagtanong ka lang kung d mo lang alam sana'y nagtanong ka lang kung d mo lang alam ako'y iyong nasakatan baka sakaling lang maisip mo naman hindi mo lang alam kay tagal na panahon ako'y nandrito parin hanggang ngayon para sayo lumipas man ang araw na ubod ng saya hindi parin nagbabago ang aking pagsinta kung ako'y nagkasala patawd na sana ang puso kong hangal ngayon lang nagmahal wooh, hindi mo lang alm akoy iyong nasaktan o baka sakaling ngang maisip mo naman puro siya na lang... sana'y ako naman hindi mo lang alam ikay minamasdan sna'y iyong mamalayan hindi mo lang alam hindi mo...

Words: 581 - Pages: 3

Free Essay

Rizal

...Kabanata XXVIII Pagkatakot Buod Ipinangalandakan ni Ben Zayb sa El Grito na tama siya sa madalas niyang sabihing nakasasama sa Pilipinas ang pagtutuo sa kabataan. Ito’y pinatunayan ng mga paskil. Naging takot ang lahat mula sa Heneral hanggang sa mga intsik. Ang mga prayle ay di nakasipot sa basar ni Quiroga. Ang intsik man ay nag-ayos ng tindahan na madaling maisara kung sakali. Inisip ni Quiroga na magtungo kay Simoun at isangguni kung panahon na upang gamitin ang mga baril at pulbura’t bala na ipinatago nito sa kanya. Ayon sa himatong ni Simoun iyon ay palihim na ilalagay sa mga bahay-bahay at saka magpapahalughog ang pamahalaan. Daami ang madarakip at mabibilanggo. Maami, lalo sa mayayaman, ang patutulong sa kanila ni Simoun at iyon ay mangangahulugan ng malaking salapi. Nguni’t di niya nakausap si Simoun. Ipinasabi lamang na huwag galawin ni Quiroga ang anuman sa kinalalagyan. Nagtungo si Quiroga kay Don Custodio upang isangguni kung dapat sandatahan ng intsik ang sariling tahanan. Ayaw ring tumanggap si Don Custodio ng sinuman. Kay Ben Zayb nagtungo ang intsik. Nang makita niya na nakapatong sa mga papeles ng manunulat ang dalawang rebolber, kaagad nagpaalam ang intsik. Umuwi ,nahiga at nagdahilang maysakit. Kinahapunan ay kumalat pa ang balitang may panayam ang mga estudyante at mga tulisan sa San Mateo; niyari daw ang balak na paglusob sa lungsod sa isang Pansiterya; may bapor pandigma aw ang mga Aleman sa look, katulong ng mga estudyante; may mga estudyante...

Words: 929 - Pages: 4

Free Essay

Wala

...waveI n physics, a wave is a disturbance or oscillation that travels through spacetime, accompanied by a transfer of energy. Wave motiontransfers energy from one point to another, often with no permanent displacement of the particles of the medium—that is, with little or no associated mass transport. They consist, instead, of oscillations or vibrations around almost fixed locations. Waves are described by a wave equation which sets out how the disturbance proceeds over time. The mathematical form of this equation varies depending on the type of wave. There are two main types of waves. Mechanical waves propagate through a medium, and the substance of this medium is deformed. The deformation reverses itself owing to restoring forces resulting from its deformation. For example, sound waves propagate via air molecules colliding with their neighbors. When air molecules collide, they also bounce away from each other (a restoring force). This keeps the molecules from continuing to travel in the direction of the wave. The second main type of wave, electromagnetic waves, do not require a medium. Instead, they consist of periodic oscillations in electrical and magnetic fields generated by charged particles, and can therefore travel through a vacuum. These types of waves vary in wavelength, and include radio waves, microwaves, infrared radiation, visible light, ultraviolet radiation, X-rays, and gamma rays. Further, the behavior of particles in quantum mechanics is described by waves...

Words: 635 - Pages: 3

Free Essay

Jejemon

...Kulturang Pilipino, Ibangon at Isulong! Naimbag nga bigat para sa mga Ilokano; mayap a abak para sa mga Kapampangan; maayong bontag para sa mga Tagalog. Kanina lamang po, habang ako’y kumakain ng aking agahan ay narinig ko ang awiting “Uso pa ba ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka…” Marahil, marami sa ating lalo na sa mga kabataang tulad ko ang natawag ang pansin sa awiting ito ng “Parokya ni Edgar”. Oo nga naman, sa panahon kung saan lahat na ng bagay sa paligid ay moderno – telebisyon, radyo, kompyuter, “cellphone” … uso pa ba ang harana? Sino nga ba ang hindi magtataka at magugulat kung minsan isang gabi, ika’y makaririnig sa tapat ng inyong bintana ng mga “aawitan kita”. Sa isang banda, ito’y kakaiba, samantalang sa kabila naman, wika nila, ito’y luma na at kakornihan lamang. Mula noong ako’y bata pa, madalas ng maikwento sa akin ng lola kung paano siya sinuyo at napaibig ng aking lolo. Nakatutuwa ang kanyang mga kwento at aniya’y mahaba at matagal ding panahon bago makamit ni lolo ang “matamis na oo”. Ngayon, walang kapawis-pawis. Bahala na si daliring taba sa pagpindot. Papiso-pisong text lang ang katapat, “oo na kaagad”. Mga kaibigan, minsan tuwing ako’y titingin sa salamin, ay naitatanong ko sa aking sarili kung sino nga ba ako bilang isang Pilipino. Sa paglipas ng panahon marami ng pagbabago ang nangyayari sa ating lipunan. Oras-oras, minu-minuto … makabagong teknolohiya, ito na ang bida! Nakakahikayat ‘di ba? Kasabay din...

Words: 910 - Pages: 4

Free Essay

Klw; Qkdjsla

...Looking back at my past, why do I always cry? I kept thinking that I should have given another try to the love that I had for you in my heart. Every night I go to bed, wondering why you left me behind. Nothing comes close to the love I had for you. Nothing seems to come close to the pain you gave me too. I want to be with you again. Our happy time and sweet moments but I can’t because I know that it will not happen again. It will become memories... just memories... JOSEPH: It was seventy five degrees, the sky a perfect, cloudless blue. I’m wearing my favorite shirt. I was looking at her. I’m crying in front of her and pleasing her to forgive me and comeback to me. I reached her with my eyes closed. Oh God! She is my life. I tried to go back from the start. To rebuild my life without her. To go on where I left of, but I can’t. I have the notion, I just can’t go back to what my life used to be because the truth is, and she was my life. She is my life… I want to be with her again. I miss the times when we’re together. Our happy times and sweet moments but I can’t. It will not happen again. It’ll become memories. Just memories that I can reminisce… just memories. It was the first day of shool. Nagmamdali akong tumakno papunta sa school. 1:00pm na nga lang ang pasok ko eh late pa ako. Kasalanan ko ba 12 na ako ng tanghali nagising no. ang sarap kaya maglaro ng Tetris kagbi lalo nat wala naming binatbat mga kalban ko. Sa pagpasok ko ng gate, biglang may...

Words: 977 - Pages: 4

Free Essay

Talaga, Lalayas Na Ako

...Talaga . . . Lalayas na ako (Ni Alfonso Sujeco) MGA TAUHAN: * Tagapagsalaysay - Ma. Anchille Evangelista * Lyn - Jennelyn Patombon * Aling Nena - Joy Desiar * Ate Sabina - Rose Ann Pontawe * Amy - Gladys Laigue * Josie - Shaira Bitonio Tagapagsalaysay: Sumusungaw pa lamang si Lyn sa pinto ng kanilang silid-aralan ay sinalubong na siya ng masayang bati ng kaibigan niyang si Amy. Katabi nito ang isa pa nilang kaibigan na si Josie. Halos magkakasinggulang sila – labinsiyam na taon at magkaklase sa ikaapat na taon sa kursong Edukasyon. Natatangi siya sa dalawa dahil mataas at moreno ang kanyang kutis. Amy: Lyn , kanina ka pa naming inaantay. (Hihilahin si Lyn paupo sa kanyang tabi) Lyn: Bakit, naghuhulagpos na ba’t hindi mo na mapigil ang magandang balita? Amy: (papaluin sa braso si Lyn) Grabe naman to, napahiya na tuloy ako. May outing tayo sa Corregidor sa Linggo, the whole class.. Anu, sama ka? Josie: Pagkakataon na nating makita ang makasaysayang “The Rock”. Tagapagsalaysay: Saglit na lumungkot si Lyn. Naalala niya ang kaniyang ina, si Aling Nena, at ang kahigpitan nito. Hanggang ngayon ay ginagawa pa siyang bata nito na hindi mapagkakatiwalaan sa sarili. Lyn: Pipilitin kong sumama. Hindi ko pa nga nararating ‘yon, nababasa at nakikita ko lang yon sa mga litrato. Hay, sana talaga makasama ako. ---------- curtain ---------- Tagapagsalaysay: Kinagabihan, pagkatapos maghapunan at habang namamahinga sila sa salas, ay minabuti...

Words: 1573 - Pages: 7

Free Essay

Afterlife

...http://www.pstcrrc.org/docs/Primer_JJWA_Bata.pdf http://www.philstar.com/opinyon/603308/maayo-ba-ang-curfew InterAksyon.com The online news portal of TV5 MANILA, Philippines - The Philippine National Police (PNP) has urged local government units to strictly enforce curfew for minors around Metro Manila as one of the ways to prevent children from going missing. This as another young boy was safely reunited with his parents in Quezon City, almost a week since he went missing. John Gabriel Calimag, 3, was returned to his parents Thursday after he went missing on Sunday. Calimag was turned over to Pasay police after he was seen wandering near the MRT station in Kamuning. Chief Insp. Kimberly Molitas, spokesperson of the National Capital Region Police Office (NCRPO), said police will coordinate closely with local officials to strictly enforce local ordinances that impose curfews on minors. "There are already existing ordinances relating to curfew and what we will work out is the strict implementation of these ordinances," said Molitas. Most local ordinances enforce curfews for minors from 10 p.m. until 4 a.m. The NCRPO recorded 40 cases of missing children since January 2012, most of them aged 13 to 17. Many of these cases involved children who left their homes due to problems with the parents. "We believe that curfew ordinances, once enforced properly and strictly, will help a lot in preventing these cases," said Molitas. Police station commanders...

Words: 3616 - Pages: 15

Free Essay

Communication

...+ JMJ I. A. Pag-uugat - Reyna ng Espada at mga Pusa Source- https://thepacsmachine.wordpress.com/2015/09/27/ang-reyna-ng-espada-at-mga-pusa/ II. Buod ng Katha Ang kuwento ng Ang Reyna ng Espada at mga Pusa ay tungkol sa isang tao na nag ngangalan na Jose T. Clutario III o mas kilalang Clutario. Siya ay nakulong dahil sa salang pagpatay, at binigyan siya ng Presidente ng Pilipinas ng Executive clemency, o isang paraan para makalaya siya. Pero ayaw ni Clutario lumabas sa bilangguan dahil ayaw niya iiwan ang kanyang kaibigan. Ang kaibigan niya na si Peng, ay nagulat iniisip ni Clutario dahil para kay Peng, hindi niya ito dapat palalagpasan na pagkakataon. Si Peng naman ay gustong-gusto na makalaya sa kulungan at tinanong ang kanyang kaibigan niya kung pwede siya sumama. Ngunit sinagot siya ni Clutario na hindi, dahil ayaw niyang lumbas sa dahilan na wala siya raw pupuntahan kapag nakalaya na siya, at hindi niya gusto na iiwan lamang ang mga kaibigan niya sa kulungan. Sinabi ni Peng kay Clutario na nanaginip siya na naglalaro siya ng solitaryo at tinanong niya kung lalabasba talaga si Clutario. Ang sabi ni Peng, kapag ang kulay ng baraha ay nakakasunod-sundo, halimbawa pula na hearts at itim na spades (o para kay Peng tinagawag niya ito na “bulaklak”) ay oo ang sagot nga mga baraha. Naglaro si Peng kasama kay Clutario at binuksan niya ang mga baraha, hanggan nakapadpad sila sa Queen of Spades na hindi naman kamukha ng Queen of Spades, ito ay dahil noong na wala ang mga...

Words: 6678 - Pages: 27

Free Essay

Hundred in One

...Hundred in one Brief intro: Sabi nga nung mga kaibigan ko dati, masarap daw ang pakiramdam ng sikat. Yung tipong, ikaw yung hinahangaan. Naisip ko naman, lahat naman ng positive side, may kaequal sa negative side. Hindi naman puro maganda ang kinalalabasan. I'm just the girl next door. Well, hindi naman yung literal na meaning. Typical girl kumbaga. Yung mamemeet mo sa pangarawaraw. In short, average lang. Pero may nagsasabi sa akin na hindi raw ako average. Sometimes above or below. Kainis na mga yun!!! Ang lakas ng loob na sabihing above average ako? 4th year high school na nga pala ako. Bagong school. Sa katunayan, hindi naman na talaga bago sa akin ang 'Edison High School.' Nakatira naman na kasi kami dito sa lugar na ito, dati pa. Kaya lang nadestino yung Papa ko sa ibang lugar kaya napilitan kaming lumipat. Pero ngayon, stayput na siya. Hindi na yata namin kailangang lumipat uli. Kaya bumalik na naman ako sa pinanggalingan ko. Makikita ko na naman yung mga naging kaibigan ko dati. I have two brothers. Yung isa mas matanda sa akin, yung isa mas bata. Nagkataon namang yung mas bata sa akin eh ang mortal kong kaaway sa bahay namin! Si Kuya naman, hindi nakatira sa amin dahil college na siya. Bakasyon pa naman. Inienjoy ko pa naman dahil kapag nagpasukan na, magsisimula na ang nightmare. Hindi pa maayos yung bahay namin mula sa pagkakalipat, marami pa kasing hindi nabubuksang kahon. Pero syempre, inuna kong ayusin yung kwarto ko. Aba, yun ang pinakamahalaga...

Words: 82674 - Pages: 331

Free Essay

Ahahah

...ay nabaliw nung Nilabas mo pa yung lando May bago ka bang album Penge naman ng kopya Meron ako nung luma Ang kaso nga lang pirata Sumusulat din ako Marunong din akong mag rap Gusto mo ipadinig ko sa'yo Wag kang kukurap Di lang ikaw ang idol ko Pati rin yung stickfiggas Bihira lang kasi Sa pilipinas ang matikas Mabilis kang magsalita Pero gangsta ka ba Meron ka na bang baril Nakulong ka na ba Ako rin hindi pa Pero bukas baka sakali May gang doon sa amin Susubukan kong sumali...

Words: 4558 - Pages: 19

Free Essay

Ah May Kailangan Ka Pa Ba?

...Voiceless (former Stop in the Name of Love!) Written by: Denny R. HaveYouSeenThisGirl Property of http://haveyouseenthisgirl.yolasite.com CREDITS Word Copy Compiled by: Purpleyhan of Wattpad Written year 2011. AUTHOR'S NOTE: Hi! I'm Denny, the epal author of this story. XD Umm... enjoy reading the story kahit sho-shonga shongang katulad ko. XD sa offline readers, sana magkatime po kayong magleave ng comments pagkatapos niyong mabasa ang story. Pede po kayong magpost sa website ko o kaya naman sa facebook page ko: https://www.facebook.com/haveyouseenthisgirlstories I accept any comments from you guys kahit constructive criticisms. That'll be a good help for me to improve. Kung may problems po sa copy na ito, please report it to me sa e-mail ko: ballpennidenny@gmail.com or sa haveyouseenthisgirlstories@gmail.com DO NOT COPY, DO NOT REDISTRIBUTE, DO NOT PLAGIARIZE, DO NOT PRINT AND SELL, DO NOT BUY A DONUT. (pero joke lang yung sa donut XD) Ayun, shaddap na talaga ako para makabasa na kayo XD enjoy! **** Prologue It's so noisy... Can someone turn it off... Please stop making noises... Stop, listen to me please... With all the voices around me, even if I try speaking... I'll end up feeling so... "Voiceless" ...can someone hear me? - - - - - - - - Her name's Momoxhien Clarkson. She loves Syntax...

Words: 74218 - Pages: 297

Free Essay

Grading System

...100 Days For Her Happiness... Would you love someone just because you pity her? Would you agree in an agreement that you'll gonna love a sick person? Would you agree to marry a person you barely know? Could you love someone in your remaining days? Would you agree to live in a same roof in 100 days with a dying person? Color Codes: Kamia Jasha Elpedez-Lauchengco Rixx Edcel Lauchengco Johanna Anderson Rafael Chui Jecka Ilano Sebastianne Madriaga Kyler Marx Suspedez Jiro Elpedez Rex Edralin Lauchengco Yara Elpedez Jara Elpedez Maru Lyndon Cruz Could you treasure all those memories with a dying person forever? Chapter ONE Jasha’s POV "Ayoko! No! Never!" Sigaw ko sa Daddy ko. "Jasha, Anak. You need to! You know it's not for our company, it's for you!" "Yah, i know! But, i don't need a man who will love me because i'm sick!" "You don't have enough time in this world! Gusto ko lang maranasan mong magmahal at mahalin..." Dad, please don't do this to me... "Anong mahalin?! Eh awa lang naman mararamdaman nun sakin eh!" "He doesn't know your condition! Only his father knows! And his father will just shut up with this matter." ano na naman ba kasi tong pakulo na ito? "I don't want to! Is it that hard to understand?! What if that guy loves someone else?" "Then he'll be oblige to leave that girl! Sa lahat ng bagay pinagbigyan ko ang mga kagustuhan mo kaya dapat ang mga kagustuhan ko naman ang masunod kahit ito lang!" eh bakit kasi ito pa? ang labo naman ng erpats ko! "Iba na...

Words: 42445 - Pages: 170

Free Essay

Documents

...This word/pdf copy is not edited so please bear with the typos and grammar errors. If there are any missing chapters except for the epilogue, please kindly report it to me. Thank you. *** I MET A JERK WHOSE NAME IS SEVEN written by HaveYouSeenThisGirL (HYSTG)  Copyright © 2011 HaveYouSeenThisGirL. All rights reserved. Unless otherwise indicated, all materials on these pages are copyrighted by HaveYouSeenThisGirL. All rights reserved. No part of these pages, either text or image may be used for any purpose. Therefore, reproduction, modification, storage in a retrieval system or retransmission, in any form or by any means, electronic, mechanical strictly prohibited without prior written permission.  *** I N T RO D U C T I O N *** "1% is the possibility of falling inlove with that jerk and 1% is always a possibility,  ignoring 99% I fell inlove." - Annika Marie Reyes ***     "Kuha mo akong pagkain," "Anong pagkain?!" "Bili mo ako ng chocolate sa canteen!"   Pumunta ako sa canteen para bumili ng pinabibili nya at bumalik ulit sa kanya, "Eto oh!"   "Thank you. Ah nakalimutan ko, bumalik ka ulit sa canteen at ibili mo ako ng juice!"   Sinunod ko sya at bumili ng juice.   "Eto oh!"   "Ah oo nga pala, may nakalimutan pa ako---" "ANO NANAMAN?!" I've reached my limit, nasa may rooftop kami which apparently is the 4th floor ng school building namin at kanina nya pa ako inuutusan magbaba akyat para bumili ng pagkain...

Words: 17167 - Pages: 69

Free Essay

Papers

...Kabanata I Isang Handaan Buod Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay na nasa daang Anluwage na karating ng Ilog-Binundok. Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas ang palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan. Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan. Ang nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng may-bahay. Kabilang sa mga bisita sina tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, si pari Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas. Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng kanyang paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo. Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng tabako. Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng...

Words: 10434 - Pages: 42

Free Essay

Falalala

...GIRLFRIEND FOR HIRE. INTRO Teka ahm ano…. pano ko ba sisimulan to? Sige, ganito na lang siguro..magpapakilala na lang muna ako huh?! Ang arte kasi, bakit kelangang may intro pang nalalaman tong author na to.. pede namang diretso na agad sa story line! -__- Hmp! Pero wala akong magagawa, kelangang sumunod at baka ichugi na nya agad ako dito sa story..tungkol pa naman sakin to.. pag nachugi ako, edi tapos narin ang kwento db?! Parang tanga lang..hehe..kaya eto na, sisimulan ko na..inip na kayo eh.. . . . Ako nga pala si Nami Shanaia San Jose. 17 years old, 1st year college student, SCHOLAR. (haha, ang yabang ko no? totoo naman kc eh! ) Working student ako. Nakikitira lang ako sa auntie ko. Wala na kasi akong mga magulang. Well enough of that boring introduction about myself, masyado ng common tong ganito.. Kaya pumunta na tayo sa interesting fact about me.. . . Lahat na ata ng weird na trabaho napasukan ko na. Ewan ko ba kung bakit ang wiweird ng mga trabahong napasukan ko.O___O? Isipin niyo naman,.. Naging taga alaga ako ng pusang may diabetes (SOSYAL NA PUSA,SHET NO?), . Naging taga tanggal ng pulgas ng aso ng kapitbahay namin(ANDAME KO NGANG KAGAT NUN!), . Naging mascot na sausage na nakatayo maghapon sa harapan ng isang restaurant na wala ng ginawa kung hindi sabihing “Masarap ako, tikman niyo!” (ah, ah ayoko ng maalala na ginawa ko yan! Muntik na akong lapain ng aso dahil akala nga niya sausage ako! T.T), . Naging waitress din ako sa isang restaurant na ang mga waitress...

Words: 186881 - Pages: 748