Free Essay

Banghay Aralain Sa Edukasyon Sa Pagpapakatao

In:

Submitted By nikkochea
Words 741
Pages 3
Ayala, Nikkochea A.
BEED-II-A
Principles and Methods of Teaching
Banghay Aralin sa Edukasyon sa PAgpapakatao

I. LAYUNIN

Nakikilala na ang sarili ay natatangi at naiiba sa ibang mga bata.
Pinahahalagahan at nabibigyang pansin ang sariling katangian.
Naibabahagi sa iba ang sariling kakayahan at talento na maaaring ipagmalaki.

II. PAKSANG-ARALIN A. Paksa: Ako ay Natatangi B. Sanggunian: Curriculum Guide in Edukasyon sa Pagpapakatao Grade I C. Kagamitan: Larawan, Actuvuty Sheet

III. PAMAMARAAN

GAWAING GURO | GAWAING BATA | A. Panimulang Gawain | | Pag-awit ng may kilos ng “Kung Ikaw ay Masaya” | Kung ikaw ay masaya pumalakpak ka Kung ikaw ay masaya pumalakpak ka Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay sisigla Kung ikaw ay masaya pumalakpak ka | | | 1. Balik-aral: | | | | Sino ang nakakaalala ng napag-aralan natin kahapon at bakit ito ay mahalaga? | -Ang napag-aralan po natin kahapon ay gawaing makabubuti sa ating kalusugan at mahalaga poi to upang maging malakas at malusog po an gating katawan. | Magaling, bigyan natin siya ng “YES” klap. | -1,2,31,2,3 | | | 2. Pagganyak | | | | Magbigay ng halimbawa ng nais o gusto ninyong mangyari o gawin sa araw ng walng pasok sa paaralan. | MaglaroMagsayawKumantaMagbasa | | | B. Panlinang na Gawain | | 1. Paglalahad: | | Pumili ng isang bata na maaaring sabihin ang kanyang sariling pangalan at sasabihin din ang kanyang katangian. | -Ako po si Solemn Nhiane A. Ayala. Ako po ay mabait, makulit, matalino at mahal kop o ang aking pamilya. | -Bigyan natin si Solemn ng 3 palakpak | -1 klap, 2 klap, 3 klap | | | 2. Pagtatalakayan | | Ang bawat bata ay may kanya-kanyang hilig na gawin.Ang bawat bata ay may kayang gawin. | | -Ikaw, ano naman ang hilig mong gawin?-Ano ang kaya mong gawin?-Masaya ka ba kapag ginagawa mo ito?-Paano mo kaya mapapahusay ang hilig mong ito? | -Ang hilig kop o ay ang pagsayaw. -Kaya ko pong sumayaw habang kumakanta. -Masaya po ako kapag ginagawa ko ang hilig kung pagsayaw. -Ipagpapatuloy ko po hangang sa gumaling ako. | | | C. Pangwakas na Gawain | | 1. Paglalahat: | | Ano kaya ang madarama mo sa sitwasyong ito? Iguhit ang iyong mukha sa loob ng bilog. | | 1. Sumali ka sa kontes at nanalo ka. | | 2. Malapit ka ng tawagin para tumula. | | 3. Napili akong ilaban sa talumpati ng aking guro. | | Pag-usapan ang mga sagot. Bakit ganito ang iyong nadarama? | -Masaya po ako kapag maganda ang nangyayari sa akin at malungkot po kapag hindi maganda. | -Maraming salamat sa iyong kasagutan. Bigyan natin siya ng “boom klap” | 1,2,31,2,3Boom | | | 2. Pagpapahalaga | | Ano ang dapat mong gawin sa inyong sarili? | -Paunlarin ang aking sarili at paghusayin ang aking nalalaman. | | | -Kung mayroon ka naman gusting gawin, na parang hindi mo kaya, magtanong ka o magpatulong ka. Sa ganitong paraan, matututo ka.Tandaan:Ang bawat bata ay natatangiAng bawat batang katulad mo ay may kakayahan.Paunlarin mo ang iyong sarili. | | | | 3. PaglalapatAng sabi natin, kapag hindi mo alam, matutulungan ka ng iba.Alin sa mga sumusunod ang makakatulong sa iyo upang mapahusay ang iyong nalalaman?Makinig sa aking babasahin. Lagyan ng tsek (⁄) kung tama ang iyong sagot at ekis (×) kung hindi. | | | | 1. Nagtatanong ako sa Nanay kapag hindi ko naiintindihan ang aralin. | ⁄ | 2. Nagtatago ako sa kwarto kapag mali ang aking ginawa | × | 3. Tinatandaan ko ang pangaral sa akin ni Tatay. | ⁄ | 4. Nagpapatulong ako kay Ate at Kuya. | ⁄ | 5. Umiiyak ako kapag mayroon akong hindi magawa. | × | | | IV. Pagtataya | | Makinig sa babasahin ng guro.Ano kaya ang gagawin mo kung ikaw ang batang tinutukoy?Isulat ang titik ng kilos na iyong gagawin. | | 1. Mahilig kang umawit. Nais mong iparinig sa iyong Lolo at Lola. Ano ang gagawin mo? a. Hindi ako kakanta. b. Aawitan ko sila. | -b. Aawitan ko sila. | 2. Maliksi ka sa larong takbuhan. Pero minsan, nadapa ka sa pagtakbo. Ano ang gagawin mo? a. Iiyak ako at uuwi na. b. Pipilitin kung tumayo at kung may sugat ako ay hihingi ako ng tulong. | -b. Pipilitin kung tumayo at kung may sugat ako ay hihingi ako ng tulong. | 3. Gusto kung gumawa ng saranggola pero hindi ko alam kung paano. Ano ang gagawin mo? a. Magpapaturo ako. b. Hindi nalang ako gagawa. | -a. Magpapaturo ako. | | | V. Takdang-Aralin | | Kilala mo ba ang iyong sarili? Alam mo na ba ang mga bagay na kaya mong gawin? Iguhit sa kahon sa ibaba ang mga bagay na hilig mong gawin.

[

Ngayon, iguhit mo naman ang mga gusto mo pang matutunan.

Paano mo matutunan ang mga gawaing gusto mo mapag-aralan. Gawin ito sa inyong notebook.

Similar Documents