Free Essay

Bcvb

In:

Submitted By mrskinnyjeans
Words 408
Pages 2
-------------------------------------------------
Cybercrime Prevention Act

Ang Batas Republika Bilang 10175, o mas kilala bilang Cybercrime Prevention Act ng 2012, ay isang batas na tumutukoy at nagpaparusa sa cybercrime o mga krimeng nagaganap sa pamamagitan ng Internet upang pigilan at iwasan ang pagdami nito. Nilalayon ng batas na ito na ganap na maiwasan at labanan ang maling paggamit, abuso at iligal na paggamit ng internet sa pamamagitan ng pagtukoy, pag-iimbestiga at pagsuplong ng kapwa sa lokal o pandaigdigang antas, at sa pagbibigay ng maayos na usapan para sa mas mabilis at maaasahang pakikipag-ugnayang pandaigdigan. Para buuin at ipatupad ang isang planong kaligtasang cyber o cyber security plan, bubuuin ang Cyber Investigation and Coordinating Center (CICC) sa ilalim ng pangangasiwa ng Tanggapan ng Pangulo.
Ginawa ang batas na ito ng mga kinatawan sa kongreso na sina Susan Yap (Ikalawang Distrito ng Tarlac), Eric Owen Singson, Jr. (Ikalawang Distrito ng Ilocos Sur), Marcelino Teodoro (Unang Distrito ng Lungsod Marikina) atJuan Edgardo Angara (Nag-iisang Distrito ng Aurora). Naging kasamang tagagawa naman ang mga kinatawang sinaGloria Macapagal-Arroyo (Ikalawang Distrito ng Pampanga), Diosdado Arroyo (Ikalawang Distrito ng Camarines Sur), Carmelo Lazatin (Unang Distrito ng Pampanga), Rufus Rodriguez (Ikalawang Distrito ng Lungsod ng Cagayan de Oro), Maximo Rodriguez, Jr. (Party-list, Abante Mindanao), Mariano Michael Velarde at Irwin Tieng (Party-list,BUHAY), Romeo Acop (Ikalawang Distrito ng Lungsod ng Antipolo), Bernadette Herrera-Dy (Party-list, Bagong Henerasyon), Anthony Rolando Golez (Nag-iisang Distrito ng Lungsod ng Bacolod), Juan Miguel Macapagal-Arroyo (Party-list, Ang Galing Pinoy), Ma. Amelita Calimbas-Villarosa (Nag-iisang Distrito ng Occidental Mindoro), Antonio Del Rosario (Unang Distrito ng Capiz), Winston Castelo (Ikalawang Distrito ng Lungsod Quezon), Eulogio Magsaysay (Party-list, AVE), Sigfrido Tinga (Ikalawang Distrito ng Lungsod ng Taguig), Roilo Golez (Ikalawang Distrito ng Lungsod ng Parañaque), Romero Federico Quimbo (Ikalawang Distrito ng Lungsod ng Marikina), Mel Senen Sarmiento (Unang Distrito ng Kanlurang Samar), Cesar Sarmiento (Nag-iisang Distrito ng Catanduanes), Daryl Grace Abayon (Party-list, Aangat Tayo), Tomas Apacible (Unang Distrito ng Batangas), Jerry Treñas (Nag-iisang Distrito ng Lungsod ng Iloilo), Joseph Gilbert Violago (Ikalawang Distrito ng Nueva Ecija), Hermilando Mandanas (Ikalawang Distrito ng Batangas), Ma. Rachel Arenas (Ikatlong Distrito ng Pangasinan) at Ma. Victoria Sy-Alvarado (Unang Distrito ng Bulacan).
Para mabasa ang buong batas na nilagdaan ng Pangulong Benigno Aquino III, maaaring pindutin ito. Maaari ring basahin ang orihinal na ginawa ng Mababang Kapulungan at Senado.

http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Cybercrime_Prevention_Act

Similar Documents