Free Essay

Best (Unfinished and Unedited)

In:

Submitted By simpleislovely
Words 35672
Pages 143
B-E-S-T
(Be with Each Sweatest Time)
By:
Isn’t it lovely
(SimplicityisLovely)

Theme songs: * 7-days by Wheesung * Falling in love by Six part invension * I know (instrumental) saxophone * You belong to my heart by Jolina * Saranggateun geo by Brand new day * Captured by Christian and Sitti * Love song for no one by John Mayer * Oppa Nappa by Soshi’s Jessica, Tiffany and Seo Hyun * How do you heal a broken heart by Chris Walker * My Everything by Lee Min ho * Can I have this Dance by Troy and Gabriella
Characters:
Kaitherine Yancel Torrez
Nickolo Alvarez
Mico Gomez
Sabrina Young

Kaith’s Friends:
Samantha “Sam” Ricks
Dorothea “Dara” Sioson

Christina “Tita Chiqui” Torrez (Kaith’s Aunt)
Yolando Torrez (Kaith’s Father)

Nick’s Friends:
Marco Angeles
Vince Quizon

Other Characters:
Miss Theresa Lopez
Mr. Geraldo Cruz
Mr. Vicente Reyes
Louise Chen
Kuya Rigs (Torrez’ Family Driver)
Other

PLEASE DON’T REDISTRIBUTE W/O THE AUTHOR’S PERMISSION OR CLAIM AS YOUR OWN

PROLOGUE:
There are different definitions of LOVE… kung genius ang tatanungin mo… sasabihin nila Love is an expression… love is a feeling… talagang according sa dictionary… yung mga nakaexperience naman at ineenjoy ang salitang LOVE…sabi nila, love conquers all, love moves in mysterious ways, love makes a lover blind, pero merong mga bitter about sa salitang iyon. Yung iba nga halos isumpa at halos kalimutan na ang ‘LOVE’ sa bokabularyo nila… yung mga taong NASAWI sa pag-ibig… sabi kasi ng mga taong ito, LOVE can bring you into your SADDEST part of your life… kung baga sa kanila… LOVE is equal to the word HURT… … actually my point din naman ang mga taong ito… love is like that… love is like this… pero may mga nagsasabi na walang definition ang LOVE… kasi kanya-kanya raw ang mga nararanasan ng mga tao sa LOVE… may different point of views… kaya kung lahat ng definitions ng mga tao tungkol sa salitang may aapat na letra baka kulang pa ang isang librong may kapal na pinagsama ang diksyunaryo sa English, English-Tagalog, English-Korean, English-Nihonggo, English-Spanish, English-Persian at isasama pa ang iba’t-ibang versions or chapters ng encyclopedia na may thesaurus at almanac pang kasama… but if I were asked what is my own definition about love, I would say… LOVE IS A COMMUNICATION; there must be a response (an equal distribution of expression). Sa madaling salita LOVE=COMMUNICATION. Why communication? Parang isang cycle… we can not say that there will be a COMMUNICATION if there are no response at all… sa Tagalog, paano magkakaroon ng LOVE kung walang response mula sa taong pinapahayagan mo ng nararamdaman mo? Tama diba? For me, di sapat ang isa lang ang nagmamahal, dapat parehas nilang maramdaman kung paano mahalin at paano magmahal…
I experienced a lot… 1. Nagmahal ako… nagmahal ako ng dalawang lalaki sa buhay ko. Parehas kong naranasan sa kanila kung paano MASAKTAN! 2. Nasaktan… physically and emotionally. At… 3. Minahal… ng higit sa isang daang tao…

Pag-ibig nga naman… sa totoo lang makakagawa ka na ng isang nobela na tungkol lang sa personal love life mo eh.
Actually yung akin… ang istorya ng buhay ko… umiikot lang sa iisang salita… ang salitang BEST! Clueless? Ako rin eh… di ko alam kung paano ko nasabi iyon. Marahil sa mga naranasan ko. Hay… BEST…. B-E-S-T… sa tagalog, pinaka… pero pinaka saan??
To make these all be cleared to all of us... let’s now begin to read MY STORY…

CHAPTER 1:
“Kamusta na kaya si Koko?” nakapagsalita tuloy ako unconsciously habang nakikinig kami sa lesson ng teacher namin kasi napansin ko yung necklace ko na may nakalagay na napakamemorable na bagay sa buhay ko.
Si Koko ang bestfriend ko since nakatikim akong magstudy, so therefore, bestfriend ko na siya since nursery, actually, nasa Kindergarten pa lang naman kami nun eh.sa lahat ng bully naming classmates, siya lang ang nagtatanggol sa akin. He’s really my savior and protector. Pero ironically speaking, siya talaga ang bully sa akin, though we’re really close. Sabi niya kasi siya lang ang pwedeng mang-asar sa akin. Ewan ko ba, natutuwa siya kapag napupuno na ako sa mga pangloloko niya sa akin. Siya lang naman kasi ang nangbu-bully sa akin na hindi ko ikinagagalit ang mga ginagawa niya though naaasar naman ako, feel ko nga iyon ang nakakapagpaligaya sa kanya. Mabait naman siya and ako ang makakapagpatunay nun!
“Yan-yan, punta ka mamayang uwian sa may playground ah.” Nagsusulat ako nun nang lumapit sa akin si Koko. “Nasan na ba yun?”after ng class agad ko siyang hinanap sa playground tandang-tanda ko pa nun.
“Booo!” ginulat pa ako nitong mokong na ito.
“Tara upo tayo sa swing.” Hinatak niya pa nga ako nun para mabilis na makasunod sa kanya. admitted ko naman na medyo mabagal ako sa lahat ng aspeto!
“Ano bang pag-uusapan natin?” bigla na lang siyang dumukot sa pocket niya. tapos nun natatandaan ko pa, nakalagay sa isang box yun.
“Heto!” binato niya sa akin yung thing nay un. Masama talaga siya! Pero alam kong ganun talaga ang bff ko!
“Ano ba ito?” tanong ko sa kanya.
“Bulag ka ba? Edi singsing!”
“Alam kong singsing ito, anong gagawin ko rito?”
“Edi susuotin mo!”
“Huh?”
“Gusto ko suotin mo yan hanggang sa makabalik ako para asarin kita ulit! nag-iisa lang yan sa mall na binilhan namin ni mommy, kaya wag mong iwawala yan, kundi lagot ka sa akin!” pinakita niya sa akin yung kamay niya at idinikit yung ring finger ko na may singsing na bigay niya sa may finger niya na may ring din.
“Match yang singsing na yan ah. Kaya alam ko kung ikaw nga yung binigyan ko ng ganyan o hindi! Kaya kapag malaki na tayo makikilala pa rin kita!” sabay tingin niya sa lupa.
“Bakit ka ba nagbigay ng ganito?” napayuko siya.
“Sabi kasi ni mommy aalis na raw kami papuntang states. Sabi niya nga, bukas na daw kami aalis eh.”
“Malayo ba yun?”
“Oo, sabi nila mommy, malayong malayo raw yun kaya hindi na kita makikita ulit.”
“Kelan ka babalik ulit?”
“Hindi ko alam. Kaya ikaw, kapag may nang-aaway pa sa’yo, dapat lumaban ka na ah. Kasi mawawala ako ng matagal, saka dapat suot mo yang binigay ko kahit anong mangyari para kapag bumalik na ako, madali kitang makikita para kapag may umaway sa’yo at nakita kong pinapaiyak ka na naman nila, madali kitang mapagtatanggol. Ok ba yun?”
“Ok.” Tapos nag hand-sign kaming dalawa na kami lang ang nakakaalam. Kasi kaming dalawa ang naggawa nun.
Since nun, wala na akong balita sa kanya, ilang years na rin kaming hindi nagkikta. Ni communicaton wala rin. Sulat? Masyado pa kaming bata para maisip yun… Feeling ko nga nakalimutan na ako nun eh.
“Kaitherine? Are you still with us?” waah! Kanina pa pala ako tinatawag ni Ma’am Lopez! Patay!
“I’m sorry mam. Can you repeat the question?” Hay naku Kaith! dami dami kasing iniilusyon! Hay hay! Jahe naman!
“I am asking you if you know the story of the Canterbury Tales, if so, can you further explain the story?” tumayo ako, and medyo maraming nagbubulungan sa paligid. Hay naku!
“Pare, pustahan, masasagot niya yan kahit mentally absent siya?”
“Syempre naman. Eh napakapetiks lang naman ng tanong nay un para sa kanya.” Tss… nagbulungan pa rinig naman… patay… di ko masyadong alam yung story pero narinig ko na… bahala na nga!
“Yes mam. I have heard about the story though I am not that knowledgeable to explain in details about it. As far as I know, that story is about different kinds of people who are obliged to tell different stories while they are in their expedition.” Napayuko na lang ako, di ko alam kung tama eh. Di kasi ako nakikinig.
“Very well said, I’m impressed! She is right about the story.” Nag-ring na ang bell… salamat naman at break na. “Oh, it’s already time, so for next meeting, you need to read the story and recite the different stories mentioned in the tale. I have some questions to ask regards to it. We will make a draw lots so there are no excuses for choosing your story. You are obliged to read ALL to be safe. Ok? Class dismissed.” Hay, ang dami ng story nay un? Si mam talaga!
Inayos ko na ang mga libro ko at inilagay na sa bag. Dahil break na, kwentuhan time na ulit! lahat yata ng estudyante favorite part yun araw-araw.
“Grabe talaga tong si Kaith noh? Halimaw talaga! Di nga nakikinig pero nakakasagot pa rin!” narinig kong nag-uusap na naman ang mga mokong tungkol sa akin. Oh, let me correct it, NAGBUBULUNGAN pala sila.
Oh, btw let me tell you about myself. I’m Kaitherine Yancel C. Torrez, some call me Yan-yan… yun kasi ang nickname ko… I’m 17 years old and a graduating student in high school here in St. Michael University. They said SMU is one of the top 5 famous and most accredited university in the country na may highschool. haha! Sabi kasi ni Dad dito raw ako mag-aral para maganda raw ang mging trabaho sa KANYANG MINAMAHAL na company. Ahm… I don’t get a chance to see my mom, sabi kasi ni Dad she passed away nung pinanganak ako. Si dad na yung nag-alaga sa akin, oh, let me rephrase that, siya pala ang kinalakihang tatay ko, kung iniisip niyong ampon ako you’re definitely wrong… he’s my biological father. Ang ibig ko lang sabihin, lumaki ako na may kasamang AMA pero hindi para alagaan, o para gawin ang responsabilidad niya bilang tatay… get the point? Di niya ako mahal… at hindi niya yata ako makukuhang mahalin… Lahat ng gusto niya sinusunod ko. Ginagawa ko lahat para mahalin niya ako. He has very high expectations! As in VERY HIGH! Sabi niya kasi ako lang daw ang pwedeng mag-manage ng real estate business namin all over the country. Iyon ang goal niya hindi para sa akin, kundi para sa KANYANG NAG-IISA at PINAKAMAMAHAL na KUMPANYA! Ang totoong nagmamahal at nag-alaga sa akin ay ang pinakamamahal kong tita whom I called Tita Chiqui. Di na niya nakuhang makahanap ng magmamahal sa kanya dahil kasi sa akin. Kapatid siya ni Dad, nakakatandang kapatid. Kaya, medyo hindi ako nangulila kay Mom kasi isa siyang MOTHER FIGURE for me. Kapag pinapaiyak ako ni Dad, siya ang nagtatanggol sa akin. Lagi kasing pinipilit ni Dad na maging NO. 1 sa lahat ng aspeto. Siguro nga nangunguna yung company namin sa bansa, kaya pati sa akin dinadala at pinapasa niya yung high expectations na maging UNA sa lahat. Laging iyon ang problema naming mag-ama. Siguro kapag na-attain ko lahat ng gusto niya, baka sakaling mahalin niya na ako…
Sabi ni Tita, ang laki ng pinagbago ni Dad simula ng mawala si Mom. LAging work na lang ang inaasikaso. Kung tutuusin mas lumalabas pa na magulang ko si Tita Chiqui kesa sa kanya.Di kami nag-uusap. Kung meron man, puro sigaw, or sumbat ang naririnig ko from him… He really hurts me everywhere! I really hate him! Lagi siyang ganyan! Kaya sarili kong kasiyahan di ko maranasan dahil sa buwisit na HIGH EXPECTATIONS na yan! Kaya nga I am working hard to make him proud. Pero di ko pa na-experience na masabi niya yung word na PROUD sa akin. Pati nga yung words na I LOVE YOU never ko pang narinig sa kanya. Basta ang tanging naririnig ko sa kanya ay yung BE THE BEST AMONG THE BEST. Hay… so heto ako, laging subsob na lang sa pag-aaral. Pero may one thing akong inililihim sa kanya…
“KAAAAIIIITTTHHH!!! Kanina ka pa tulala! Ano bang nangyayari sa’yo? May boylet ka na noh??” ang ingay naman nitong si Sam, megaphone talga ang boses nito! Btw, Sam is one of my amigas here in school. Since grade school barkada na kami. Siya ang pinaka makalog , maingay, at higit sa lahat, certified CHISMOSA sa amin! Mas nauuna pa nga siyang makaalam ng mga special events and holidays kesa sa mga teachers dito eh. She is a certified GIMIKERA! Di nga lang ako nakakasama sa kanila kahit na gustuhin ko dahil baka PATAYIN ako ng tatay ko. Pero kahit ganun siya, mahal ko pa rin siya. Sana magkaroon nga ng time kahit na isang beses lang… naku, go back to the topic… Marami rin siyang alam sa buhay ko. Alam niya rin ang problema ko sa aking BUTIHING AMA. Para ngang kapatid turing ko sa kanya eh. We help each other basta kaya namin.
“Oh? Bakit na naman nambubulabog ka ng university? Pasensiya ka na, may iniisip lang ako. Tss, wala akong panahon sa mga boylets noh… alam mo naman ang sitwasyon ko di ba?” tanong ko habang nag-aayos ng gamit.
“Alam ko naman yun eh… di ako nambubulabog ng school noh… may nasagap kasi akong news… Alam mo na ba ang news?” mukang sabik na sabik ipamalita ang sasabihin niya ah, at may halong kilig pa. umupo siya sa may table ko habang abot tenga ang ngiti.
“Hindi pa. Ikaw lang naman talaga ang nauunang makaalam ng balita eh. Ano na naman ang nasagap mo?” tanong ko sa kanya habang sinasara ang bag ko.
“Kasi may bagong transferee dito sa school, and guess what??? Ka-section natin!” hay, super kilig talaga toh.
“Bakit kinikilig ka jan?” tanong ko sa kanya habang paupo sa table ko.
“Eh balita ko kasi ang GWAAPPOO niya!! And eto pa huh…” meron pa?
“Top players daw siya ng tennis team sa school na pinanggalingan niya! balita ko nga bukas na raw siya papasok eh! Excited na akooo!!” napa-smile at napailing na lang ako…
“Hay naku! Tara na nga baka gutom lang yan!” kinuha ko na ang bag ko at naglakad palabas.
“Ui, Kaith, hindi mo lang ba itatanong kung anong pangalan ng bago nating classmate?” sinundan niya ako.
“Hindi. Kasi kung itatanong ko sa’yo, di ko rin naman kilala kaya wag na lang di ba? Hayaan na lang natin makilala siya bukas.” Nag-uusap kami habang naglalakad pababa ng hagdan.
“Edi, sasabihin ko na lang din sayo ngayon na! Ang name niya raw ay Mico Gomez.” Napatigil ako sa sinabi niya. Ano raw?
“Ano?” napatingin ako sa kanya na para bang hindi narinig ang sinabi niya.
“Sabi ko Mico Gomez yung name! naku Kaith kanina ka pa ganyan sa ah. Out of this world!” Ba-bakit? Siya k-a-y-a yun? Hay, ano ba Kaith! imposible!
“Hindi, parang… hay kalimutan mo na nga lang… Tara na nga, gutom na ako.” At tinuloy ko na ang pagbaba sa hagdan.
“OMG! Baka siya yung long lost ‘bestfriend’ mo nung nursery pa kayo!” napahawak siya sa pisgni niya na parang kinikilig… lokaret talga toh!
May point siya, kaso ang imposible talaga… napahawak tuloy ako sa kwintas ko.
Finally, nakarating na kami sa canteen, namili lang kami ng pagkain at umupo na sa may vacant seat dun sa isang table.
“Saan mo naman nalaman yung news na yun?” tinanong ko siya habang hinahalo ang pasta na binili ko.
“Ahm, kasi galing ako kanina sa office, eh ayun, alam mo naman ang radar ko pagdating sa mga balita. Kaya nga kasali ako sa newspaper ng university di ba?” hay, obvious naman kahit na di ka pa kasali eh.
“Sabi ko nga.” Napataas na lang ako ng kilay at bumalik na uli sa pagkain.
“Nga pala. Si Dara nakita mo?” oo nga noh, nasaan kaya yun?
“Hindi eh, kanina pa nga siya wala.”
Btw si Dorothea aka as Dara, ayaw niya kasi patawag na Dorothea, ang pangit daw kasi pakinggan. Siya naman ang isa pa sa mga amigas ko. siya parati ang pinoproblema namin, palibhasa kasi natutunang mainlove, kaya ayun, yung time namin together nawawala na, lalapit lang siya kapag LQ sila ng bf niya. but of course, ganun naman talaga ang mga magbebest friends, tanggap na namin na magiging ganyan talaga ang friendship kapag dumating na ang tinatawag nilang LOVE.
“Hay naku, hayaan mo na nga yun, baka kasama na naman si Jim. Oo nga pala.” Napatigil ako sa pagkain.
“ano yun?” uminom muna siya bago nagtanong.
“May gagawin ka ba mamaya after class?” ano ba ito! Akala ko kung ano.
“Ahm may practice kami sa Guild mamaya eh. Bakit?” nalungkot ang itsura niya.
Iyon ang secret ko sa tatay ko. Ayaw niya kasing sumasali ako sa mga clubs kasi raw wala akong mapapala sa mga pinaggagagawa dun. SMU I really love acting and performing. That’s my forte. Kaso si Dad laging pag-aaral ang gustong atupagin ko. di sana ako makakasali kundi dahil sa mga amigas ko. sila kasi ang pumilit sa akin na sumali. Pagpasok na pagpasok ko dito sa SMU pinilit na nila ko. So that means magaapat na taon na ako sa guild. Finally, sana magtuloy tuloy. Alam kong pa-graduate na ako pero dito ko lang naexperience kung paano maging masaya.
“Ahm, papasama kasi ako. Ahm, pero ok lang. naiintindihan ko naman. Mas importante pa kasi ang guild kesa sa friendship!” aba, at nangonsensya pa.
“Nagdadrama ka na naman! Next time babawi ako. Kailangan kasi namin ng practice ngayon eh, malapit na kasi ang presentation namin eh. After nun pwede na. Saka understanding ka naman di ba? Dun ko na nga lang nailalabas yung totoong ako eh. ” tinapos ko na ang meal ko.
“Maiba ako. Di ka man lang ba naeexcite sa bagong classmate natin?” grabe ito. Napabalik na naman siya sa usapan. Tiningnan ko ang watch ko and almost time na, kapag di pa kami naglakad ngayon baka malate kami.
“Girl tara na! malalate na tayo!” tumayo na ako at hinatak na siya.
“Ang daya mo talaga!” Sori Sam pero male-late na talaga tayo.
“Tara na, sasabihin ko sa’yo habang umaakyat tayo.” Nagsimula na kami maglakad.
“Sige sabihin mo na…” napatingin na lang ako sa kanya at nag-smile.
“Siyempre excited, baka kasi si Koko yun eh. Pero may doubt pa rin ako, kasi basta… ayokong mag-expect.” Totoo naman yun eh… ayokong mag-expect, masakit kasing mabigo.
At kinilig naman ang lokaret! “Talaga? Wee! Haha! Malay mo siya si Koko oh Koko ng buhay mo!” at kumilos siya na parang si Juliet na sinasabi yung mga lines niya kay Romeo.
“Sira!” nabatukan ko tuloy siya pero hindi naman malakas.
“Aray!” tumingala siya at itinaas ang isang kamay niya na parang may vinivisualize. “pero malay malay mo di ba? Si Mico Gomez lang pala ang makakapgpatibok ng iyong lumuluhang puso!” at napasmile siya sa akin habang kinikilig-kilig pa.
“Sus! Di mangyayari yun! Haha! Baliw ka na talaga! Malakas ba ang tama ng pagkain sa canteen at naging ganyan ka? Tara na at pumasok na tayo.” Natawa kami pareho at pumasok na sa room.
“Well, well, well! Mukhang Masaya si Miss Feeling Genius ah! Dahil bas a napuri ka ni Mam Lopez? Feelingera ka talaga kahit kalian!” Hay! Pasira talaga ng raw tong babaeng toh!
Siya si Sabrina, Sab for short! Siya ang laging nakakasira ng araw ko. ewan ko ba. Wala naman akong ginagawa sa kanya pero ang laki laki ng problema niya sa akin. Siguro panay kami magkakumpitensya sa lahat. Sa honor roll, sa pagiging lead character sa Guild, at pati popularity sa school. Maliit na bagay na lumalaki dahil sa kanya. Ultimo kahit na sa pagbili ng pagkain nakikipag-compete pa rin siya. Hay! Buwisit talaga siya. Wala naman akong pakialam kung sikat ka o hindi eh. Di naman ako nakikipagkumpitensiya sa kanya. Ewan ko ba dun, lahat na lang parang isang arena na may labanan naming parati. Eh sa totoo lang ang mahalaga lang sa akin eh ang makapag-perform.
“Excuse me. Pero dadaan kami.” Hinatak ko yung kamay ni Sam at dumaan pa rin kahit mabubunggo siya. Medyo napalakas kaya napalayo ang pag-atras niya.
“Ouch!” tumaas ang tantalizing eyebrow niya!
“Ooops! Sorry. You’re blocking the way kasi” tumalikod ako sa kanya at ngumiti.
“Nananadiya ka ba Miss Kaitherine Torrez? I think you’re trying to enter into my nerves!” wow! Galit na si pugita!
“Hala! Mag-aaway na yata ang dalawang reyna ng kahenyuhan!” naku, may nag-side comment pa.
“Excuse me? Ikaw nga ang mukhang nananadiya diyan eh… You’re the one who blocked the way! THE WAY. I passed in a nice manner. Nag-excuse me ako. Isa lang kasi yan Miss Sabrina Young, ang daanan hindi hinaharangan and first of all, ikaw ang nauna. Ikaw ang nagsimula. Hay… I think hindi ko na dapat patulan ang issue na yan. Sorry but I have lot of things to do, so please, can you stop bothering me?” hay grabe, buti pa at nakakapagtimpi pa ako.
“KAITH! You know what??? YOU’RE ANNOYING!” aba at ako pa ngayon? Kapal talaga nitong impaktang toh! Tiningnan ko siya, ay no, tinitigan ko siya.
“Just say what you want… As if I care?” umupo na ako sa desk ko at nagsimulang maglabas ng gamit for the next subject.
Napansin kong may binulong sa akin si Sam mula sa likuran ko na dun din nakaupo. “Idol talaga kita friend! Haha! Tarush mo ha…” napasmile na lang ako sa kanya.
Finally, tapos na ang klase! Now, the most awaited part… may practice na kami sa guild! Madali kong inayos ang gamit ko para na pumunta sa Auditorium for the practice. At si Sab naman ayun, nagpauna na pumunta, as if naman nakikipagpaunahan ako sa kanya.
“Friend, ano? Punta ka na ng Audi? Sige, see you tomorrow ah… “ tumango ako at nagsmile siya sa akin at nag-goodbye kiss as usual. Yung beso beso na ginagawa ng mga girls. “Ingat ka ha.” Tumalikod na siya papaalis na ng room at nag-wave.
Papunta na ako sa Audi. Medyo may kalayuan sa building namin pero ayos lang. Excited na nga ako magpractice eh. Sa akin kasi binigay ni Sir Reyes yung lead role. Nakakatuwa nga eh. Btw, yung mga performances namin hindi katulad sa mga iba na puro acting lang. may mga performances din kami tulad ng mga concerts, mapa-individual performer, mapa-group, or mapa-banda. Ahm gusto kasi ni sir na mahasa kami sa lahat. Yun daw kasi ang tinatawag na pagiging isang Performer. Pero sa lahat ng nagawa naming performances, ang pinakafavorite ko yung mga musical plays na ginagawa naming. Kasi lahat nandun na; acting, singing at dancing. Dahil siguro sa guild kung bakit naging kilala ako sa campus. Di ko nga rin ineexpect na magiging ganito ang challenge na mabibigay sa akin. Nung una kasi, Masaya na ako kapag nakakaakyat ako sa stage. Pero si Sir kasi may nakita raw siyang malaking potential sa akin kaya inilalagay ako sa malalaking performances at malalaking roles. Kahit nga sa concerts meron din siyang balak na magbigay ng isang major concert para sa akin. Sabi niya kasi last year ko na kaya kailangan maganda yung mga projects na ibibigay niya. malaki nga pasasalamat ko sa kanya kasi dahil sa kanya naging open ako sa mga gusto kong gawin sa buhay ko. hindi puro na lang sunod kay Dad. Masaya ako sa ginagawa ko. As in super happy! If only Dad can see and notice what’s a real happiness means to me. hay...
Malapit na ako sa audi nang may sumalubong sa akin…
“Miss Kaith?” napatingin ako sa kanya. mukhang nasa lower level siya. I think nasa second or first year pa lang.
“Yes?” nag-smile ako sa kanya.
“Wow! Ang swerte ko naman! Nakakita ako ng isang tinitingalang tao dito sa campus! Alam mo Miss Kaith, idol kita! Ang galing mo kasing umarte. Basta ang galing mo magperform! Since unang pasok ko dito sa SMU naging fan mo na ako. Kakatuwa!” nagtatatalon siya sa tuwa… “Ay wait lang” may kinuha siya sa bag niya. “Miss Kaith, pwede po bang pa-autograph?” nahihiya niyang sinabi.
“Grabe. Na-flattered naman ako sa mga sinabi mo. Sure ka bang gusto mo ng autograph ko?” napasmile ako sa kanya at siya naman mabilis na tumango. Kinuha ko yung notebook at ballpen na hawak niya at nilagyan ng dedication para sa kanya.
“Anong name mo? Anong year ka na?” tanong ko sa kanya.
“Louise po. Ahm first year pa lang po ako.” Nagulat ako na first year pa lang siya.
“Talaga? First year ka pa lang pero kilala mo na ako?” iniabot ko sa kanya yung notebook at pen niya.
Tumango siya sa akin “Kasi di ba po nagperform yung guild niyo nung orientation ng mga freshmen? Ayun po, nung nakita ko kayong nagperform, especially ikaw, nagalingan na ako, since nun, pinanuod ko na lahat ng mga plays niyo. Grabe Miss Kaith! LAhat ng roles mo sa play lead characters! Ang galing niyo po talaga!” napa-smile ako sa kanya.
“Thank you ah. Huwag mo na ako tawagin na Miss Kaith, Ate Kaith na lang. ok ba yun?”tumango siya sa akin.
“Oo ba! Nga pala Miss… ay… Ate Kaith, marami pa akong classmate na gustong gusto ka.” Grabe, namumula na yata ako sa hiya at touch sa mga sinasabi niya.
“Talaga? Bakit ikaw lang ang nandito?” nagsmile siya sa akin.
“Swerte nga po ako kasi nakita kita. Umalis na po kasi sila. Hinihintay ko po kasi yung sundo ko tapos saktong sakto dumating ka, kaya ayun.” Napaayos siya ng buhok.
“Ah ganun ba? Paano Louise, kailangan ko nang pumasok ah, kwentuhan na lang tayo next time.”
“Sige po ate. Thank you pala dito sa autograph ah… mabait ka nga talaga… sabi ko na nga ba eh… ahm next time dadalin ko yung iba kong classmate na gustong makita ka. Thank you ulit!” at tumakbo na siya papalayo.
Grabe sobrang nakakatouch naman siya. Napapa-smile tuloy ako mag-isa na parang may sira na sa ulo. Siya naman kasi eh.
Auditorium:
Nakarating ako na halos kumpleto na at yung iba nagpa-praktis na, pero yung mga minor characters pa lang. Medyo late ako ng ilang minutes eh. Napasarap kasi ang kwentuhan naming ni Louise kanina. Buti na lang sila pa lang ang pinaparaktis kundi lagot ako. Nakita ko si Sir na nakaupo sa isang corner ng mga seats. Pinuntahan ko agad siya.
“Sir sorry po I’m late.” Tiningnan niya ako at tumingin sa relo niya.
“Miss Kaith, di ka pa late, just that right to reach this place. Don’t worry, pinapraktis ko pa naman yung mga minor roles eh.” Napasmile siya sa akin.
“Thank you Sir” at nag-smile back ako sa kanya.
Inilagay ko na yung gamit ko sa may shelves malapit sa stage. Bawal kasi pakalat kalat yung mga bag sa loob ng audi eh.
“Hey!” naramdaman ko na lang na may tumulak sa akin mula sa likod.
“Aray!” tiningnan ko kung sino. Hay si Sab lang pala!
“Anong problema mo hah?” nag-cross yung arms niya at tinaas ang ‘asset’ niya raw na eyebrow
“Ano bang pinakain mo kay Sir at ganyan siya kabait sa’yo? Know what? You’re like a turtle! Ang bagal mo kasing kumilos. Look at me… kanina pa ako nandito!” napailing na lang ako at bumalik sa paglalagay ng gamit sa shelves.
“Pwede ba Sab, wala akong panahon na makipagtalo sa’yo. And besides, di naman ako nakikipag-unahan sa’yo. Just do what you want. I don’t care!” hay… kulit talga!
“You’re pissing me off Miss Tor--“
“Ok! Major roles! Proceed on the stage please!” narinig ko na si Sir na nagtawag kaya tumayo na ako at dinedma na yung antagonist sa buhay ko.
At nagstart na nga ang praktis. Ok naman ang kinalabasan. Medyo nakakapagod pero ayos lang. paulit-ulit kasi yung isang scene dahil sa pasaway na si Sab. Di niya pa kasi saulo yung lines sa scene nay un kaya nahirapan siya. Hay… tumingin ako sa relo ko nang makit kong 7:00 pm nap ala! Shocks! Patay ako kay Dad nito! Hay…
Pagkalabas ko ng audi nakita ko na agad si Kuya Rigs. Siya yung driver naming. Hatid sundo niya ako sa school at kahit saan ako pumupunta. As usual si Dad ang may gusto. Alam ni Kuya Rigs na sumali ako sa Performing Arts Guild. Nung una hindi, pero nung ginabi ako ng labas nalaman niya na, nung una nga isusumbong n asana ako eh, pero nakiusap ako sa kanya na wag sasabihin kay Dad, kasi naku, makakatikim na naman ako sa kanya. Kaya siguro napapayag siya para hindi ako masaktan ni Dad.
Pagkakita ko sa kanya, sumakay agad ako.
“Kuya, kanina ka pa?” tanong ko habang inaayos yung palda ko sa pagkakaupo.
“Medyo lang naman. Naku Mam Kaith, malalagot tayo nito kay Sir eh… ginabi ka na naman ng uwi.” Napakamot ng ulo si kuya.
“Kuya please naman wag mo sabihin kay Dad yung tungkol dito.” Pinaandar niya na yung sasakyan at nagsimula nang umalis sa school.
“Hindi ko nga ho sasabihin pero tiyak mahahalata ng Daddy mo tungkol dito.” Napabuntong hininga na lang ako.
“Ako na pong bahala dun…” napailing na lang siya.
Hay, naku, bigla akong kinabahan dahil nandito na ako sa bahay. Bago ako pumasok sa pintuan napahinga ako ng malalim at binuksan na ang pintuan. Nasa likod ko si Kuya Rigs dala ang gamit ko.
Pagkabukas ko ng pintuan sumalubong agad si Dad na nakaupo at may kausap sa phone.
“Hello?! Ano na namang katangahan yang pinaggagagawa niyo hah?! Kapag di niyo naayos agad yan tatanggalin ko kayo sa kumpanya ko! I want the BEST possible results of the sales tomorrow morning! So please finish it or else alam niyo na ang kahihinatnan ng mga trabaho niyo!!” naku, lagot na. bad mood si Dad! Paano na yan… napahinga uli ako ng malalim. Si Kuya Rigs naman tinap yung balikad ko at nauna na na para ibigay yung gamit ko kay Manang; isa sa mga katulong namin.
“Dad I’m here.” Kumiss ako sa kanya habang pinatay niya na yung phone niya. nakangunot yung mukha niya. ako naman after ko magkiss nagstart na ako maglakad papunta sa kwarto ko.
“Kaitherine wait!” patay…
“Yes?” habang medyo yung itsura ko ngayon eh parang natatakot na ewan.
“Bakit ngayon ka lang ha? It’s exactly 7:28 in the evening. You are suppose to be here at 5:18…” tiningnan niya ako na di ko mawari yung itsura niya.
“Dad… ah… ahm… nagkaroon lang po kasi kami ng group project to be pass tomorrow so tinapos lang po namin yun. “ mukhang di naniniwala si Dad. Nag-cross fingers ako na patago at nagwish n asana maniwala siya.
“Ok, next time magpapaalam ka sa akin or sa Tita mo. Sige na magpalit ka na ng damit.” Wow. Kakaiba si Dad ah. Nung nakain nito?
Pumasok na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Pahiga na sana ako sa kama pero may kumatok sa pintuan. Agad kong binuksan.
“Hija… how’s school?” hay si Tita Chiqui lang pala. Naupo kaming dalawa sa kama at nag-usap.
“It’s good though, talagang may sumisira ng araw ko… “ napabuntong hininga ako.
“Why? Si Sab na naman ba?” napatango na lang ako habang yakap ang isang unan.
“Eh how’s the practice?” agad akong napatingin sa kanya at nag-smile.
“Its good Tita… Masaya po!” alam kasi ni Tita yung tungkol dun. Bale ang may alam lang nun, syempe ako, sila Sam and Dara at si Kuya Rigs. Syempre pati yung sa mga tao sa school, sila lang naman pwedeng manuod sa amin eh.
“Sabi ko na nga ba kapag tinanong ko yung bgay na yan babalik ang smile ng baby ko eh.” Napangiti na lang ako sa sinabi niya.
“Napagalitan ka na naman ban g Dad mo?” umiling ako.
“Hindi po. Nagtataka nga po ako kasi di niya ako nasermunan kanina.” Napangiti siya.
Napatingin ako sa kanya na parang nagtataka. “Baklit po?”
“Kinausap ko kasi siya. Sabi ko sa kanya kapag sinermunan ka ngayon, mapipilitan akong wag magtrabaho para sa kumpanya.” Natawa siya bigla.
“Yan-yan, ayoko na kasing umiiyak ka. Saka love na love kita eh…” hinug niya ako ng mahigpit tapos kiniliti…
“Haha! Tita! Thank you po ah… The Best ka talaga!” kinurot niya ang pisngi ko…
“Aba… Malaki na nga talaga ang baby ko… marunong na mambola eh…” natawa siya bigla.
“Tita naman!” tumayo na siya at hinawakan yung door knob.
“Oh siya, halika na at kakain na tayo.” Sumunod ako sa kanya sa dinning table.
Habang kumakain kami… parang napakasagrado… walang nag-uusap… ayoko naman kasi magsalita kung wala naman akong sasabihin… saka si Tita lang naman pwede kong kausapin eh… kung si Dad, anong sasabihin ko sa kanya?
“Kaitherine… ayokong masyado kang nagpapagabi. Kababae mong tao ginagabi ka sa labas!” hay naku… then it broke our silence
“Yes Dad.” Yun lang ang sinabi ko.
“Kaya lang naman ginagabi ng uwi itong anak mo dahil maraming ginagawa sa school” dugtong ni Tita. Thanks tita! Napatingin ko sa kanya at nagsmile lang siya sa akin.
“Bakit pwede niya namang gawin dito yung mga iyon ah! Baka gusto niya na din a siya makapasok pa dito sa pamamahay na ito! Oo nga pala! After you graduated you will take up Business Management para naman magkaroon ng kaalaman sa pagpapatakbo ng kumpanya. ” just say what you want! That course? MY GAAD!! Gusto ko kunin yung Conservatory of Arts eh.. hay… wala na akong pag-asa!
“ Dad… I but I want to take Conservatory of Arts as my course.” Napahampas siya sa table na ikinagulat naming di lang kami ni tita pati na rin sila Manang.
“WHAT?! CONSERVATORY OF ARTS??? Anong mapapala mo roon?? MY GAAD KAITHERINE! Are you really out of your mind?! That course is only for the less fortunate people! Sinabi ko na sa’yo noon na tigilan mo na ang mga walang kwentang bagay!” But I want that course!!
“But Dad! I Can still run the company even if I took that course!”
PAK! Nasampal ako ni Dad… di ko napigilan… tumulo na ang luha ko…
“Tonto! Do you think you can run the company kung iyon ang kurso na kukunin mo?! FOOL! Just do what I want! It’s for your own good!” habang umiiyak napilitan pa rin akong sagutin siya…
“ Wala naman akong magagawa eh! KAHIT NAMAN NA PILITIN KO ANG GUSTO KO IKAW NAMAN PARATING NASUSUNOD! DAD it’s not for my own sake… it’s for YOUR BEST COMPANY!” nagwalk-out n asana ako nang hinawakan niya yung braso ko…
“WHAT KIND OF MANNER YOU HAVE?! RESPECT ME AS YOUR FATHER!” inalis ko yung braso ko sa pagkakahawak niya.
“How will I respect like you who doesn’t even respecting his own daughter?” sinabi ko ng malumanay at tumakbo na ako papunta sa kwarto ko. Hahabulin pa sana ako ni Dad kaso pinigilan siya ni Tita…
“Yolando! Pwede ba tama na! Sumosobra ka na sa anak mo!”
“Lumalaking bastos eh! Ano bang klaseng pagpapalaki ang ginawa mo sa anak ko ate?!”
“Ano?! How dare you say that to me! Sarili mo ngang anak di mo makuhang alagaan eh tapos huhusgahan mo ako ng ganyan! Hindi ako nagkulang sa kanya! Ikaw! Kung hindi mo kayang mahalin ang anak mo, pwede bang wag mo nang pagbuhatan ng kamay? Wag mo naman sanang idamay ang anak niyo ni Katherine sa kalungkutan mo sa pagkawa niya! 17 years na ang nakakaraan… Pwede ba? Maawa ka sa kanya! palibhasa sarili mong anak di mo makuhang kilalanin!” tingin ko umalis na rin si Tita…
“ATE!” sigaw ni Dad
Pagpasok ko sa kwarto agad kong ni-lock yung pinto at nag-iiyak…
*knock knock*
“Hija… si Tita toh… buksan mo ang pinto…” tumayo ako at binuksan ang pintuan. Di ko na nakuhang tingnan pa si Tita at diretso na ako sa pagsubsob sa kama ko…
“Anak… intindihin mo na lang ang Dad mo…” napahagulgol ako…
“LAgi ko na lang siyang iniintindi… Lagi na alng akong napapasensya… lagi na lang akong nagtitiis… pero ni isa man lang sa gingawa ko ngayon never niya pa nagawa para sa akin… Tita… bakit ganyan siya? Bakit di niya ako makuhang mahalin? Bakit ang lupit niya sa akin? Bakit?” patuloy pa rin ang pag-iyak ko.
CHAPTER 2:
“Tita alis na po ako…” nagkiss na ako kay tita habang nakaupo sa may garden at nagbabasa ng magazine. Papaalis na sana ako papunta ng school pero hinawakan niya yung kamay ko. at lumapit sa akin para hawakan yung part na nasampal ni Dad.
“Ahm, nagkapasa ng bahagya ang mukha mo. Buti na lang di masyadong halata. Masakit pa ba?” umiling ako. “Alright hija. Ingat ka. Di ka na ba magpapaalam ka na ba sa Dad mo?” umiling ako sa kanya…
“Wag na po Tita… male-late na po kasi ako eh… pakisabi na lang po na umalis na ako.” At sumakay na ako sa sasakyan.
“Rigs! Pakisabi kay Yan-yan na umuwi ng maaga para di magalit yung Dad niya ah.” At binalik na niya uli ang atensyon sa pagbabasa ng magazine.
“Opo mam.” At umalis na nga kami.
Mga 30 mins lang nakarating na ako sa school. Medyo ilang minutes na lang medyo male-late na talaga ako.
“Sige Kuya… mamaya na lang ulit!” at mabilis ko nang kinuha yung gamit ko sa kanya.
“Ah Mam… gagabihin po ba ulit kayo ng uwi ngayon?” tumango ako sa kanya.
“Pero sabi po ni-“ pinutol ko sasabihin niya.
“Alam kop o, narinig ko… 6 ka na lang bumalik, uuwi ako ng maaga… sige na male-late na ako. Bye!” at tumakbo na ako papunta ng room.
Finally… nakarating rin… buti wala pang teacher… haha! Di pa ako late.
“Oh Kaith… nalate ka yata? Teka…” lumapit sa akin si Sam at mukhang napansin niya yung pasa sa mukha ko, hinawakan niya ito…
“Aray!” daing ko at inilayo ko na ang mukha ko sa kanya.
“Anong nangyari diyan?” tanong niya. concern siya sa akin. Thanks!
“Ah, wala… Hay, my nangyari kasi kagabi… kwento ko sayo mamayang break.” Napadukdok na lang ako sa desk ko.
“Let me guess… ah, sa Dad mo na naman galing yan noh?” napatango ako sa kanya.
“KAAIIITH!! I miss you!” at may yumakap sa akin. Tinanggal ko yung pagkakayakap niya.
“Oh, Dara! Ikaw pala… Buti naman at nagparamdam ka… Saan ka galing kahapon? Di ka na pumasok?” napakamot siya ng ulo.
“Ahm may pinuntahan kasi kami ni… alam niyo na…” at kumilos siya na kinikilig.
“LOkaret ka talaga!” sabay batok ni Sam sa kanya…
“Aray! Malakas yun ah…” nag-pout siya. Tong dalawang toh talga… kakatuwa… buti na lang pinapaganda nila araw ko. di ko pa rin lubos na makalimutan nangyari kagabi eh…
Finally dumating na rin si Ms. Lopez… ang ganda yata ng araw ni Mam ngayon… kasi nakangiti agad siya.
“Ok class… please take your seat.” At naupo kami lahat.
“Before we start. Let me introduce to your new classmates…” at nagbulungan sila… Classmates? Di lang isa? Napalingon ako sa likod ko. si Sam kasi ang nandun.
“Sabi mo isa lang?” lumapit siya sa tenga ko at bumulong din.
“Oo nga eh… haha! Pero at least tama yung balita na may bago tayong kaklase.” At umayos na kami ng upo.
“Please be quiet… we have two new members of your section… they are both gents.” Hah? Parehong lalaki? Cool…
“Ok, let me introduce Mr. Nickolo Alvarez and Mr. Mico Gomez…” siya kaya yung childhoon friend ko? napapikit tuloy ako… nang nakita ko siya… Geeezzz SIYA NGA!!! SIYA NGA SI KOKO!
“Ui friend! Ano? Siya ba yung childhood friend mo?” nag-shrug ako sa kanya… di pa kasi ako sigura do kung siya nga… Proof no. 1: kamuka talaga niya si Koko!
“Tell us about yourselves please…” at unang nagsalita si Koko este si Mico pala…
“Good morning to all of you. I’m Mico Gomez. I came from US and I heard that this school is a well known campus in the country. I love playing tennis. Actually I was a varsity of my school, and I am planning to be one in this school also. So hope you guys be nice and be my friend. That’s all.” Nagpalakpakan kami. Proof no. 2: galing US! isa na lang kailangan kong tingnan kung siya nga si Koko… yun yung singsing na binigay niya!
Sumunod namang nagsalita si Nick.
“Hello, I’m Nick Angelo Alvarez, I’m 18. I came from MTU, the rival school of SMU. I’m not that good in academics but I am good ineverything. That’s all.” Nagclap din kami para sa kanya.
“Mr. Gomez, you can seat beside… ahm…” napapikit ako at napa-cross yung fingers ko n asana dito siya paupuin.
“Ah ok… please seat beside Sabrina. The girl near the window.” Kainis naman! Bakit dun niya pa inilagay si Koko… este si Mico.
“Ahm, while you Mr. Alvarez, you can seat beside Ms. KAith, the one in the second row.” Napa-smile siya… pero yung smile niya hindi cute, or hindi pleasing… it’s annoying! Hmp! Geeezz… sa akin pa siya tinabi… mukang di maganda yung vibes ko sa lalaking ito ah…
“Hello Nick, I’m Kaitherine Yancel C. Torrez. Nice to meet you.” Iniaabot ko yung kamay ko pero ni hindi man lang lumingon at mag-effort abutin yung kamay ko! in short parang wala siyang narinig! Hay… ang presko!
“Ok, let’s now begin our lesson… the two new comers will be temporarily excused in participating because kararating lang nila. But make sure na makinig kayo ngayon and catch up fast.” Daya naman… Kinuha ko na yung libro ko sa Literature subject naming nang napansin kong NR (no reaction) yung katabi kong lalaki dito.
“Ahm, wala ka bang libro? Gusto mo share muna tayo?” Tama Kaith, be nice to him!
Lumingon siya sa side ko at tiningnan niya ako… sinimulan niya sa ibaba patungo sa taas… in short from toe to head… “Alam mo, maganda ka sana, kaso lang masyado kang madaldal…” Wow! Napanganga ako sa sinabi niyang yun. I tried to be nice to him… ANG KAPAL NG MUKHA!! NAKAKASIRA NG ARAW! Hay Kaith, yung puso mo baka malaglag… ok fine kung ayaw niya sa offer ko… at nadadaldalan siya sa akin… pwes di ko na siya kakausapin!!! Hmp…
Habang nagbibigay ng instruction si Mam Lopez napatingin ako sa side nila Sab kung saan nakaupo si Mico. Buti pa siya, napaka-approachable, nakita ko kasing masayang nag-uusap yung dalawa, hay, samantalang yung katabi ko parang tuod na di mo maintindihan. Hay naku… Gwapo lang siya PERIOD!
1hour and 30mins nagdiscuss si Mam… ang haba kasi ng story na tinatacle eh… hay yung katabi ko ganun pa rin, napakatahimik… pero ano kayang ibig sabihin niya ng pagngiti kanina? Hay di ko gets! Ngayon break na naming, finally, makakapgarelax muna… patayo n asana ako nang biglang nagsisuguran mga classmates ko ditto sa pwesto naming…
“Ui Nick! Ang galing mo naman! Varsity ka ba ng MTU? Wow! Mukha kasing familiar yung itsura mo kasi nakikita ka namin tuwing may game yung school naming at school niyo dati! Grabe ang gwapo mo! Wee” eto namang si Liza parang artista ang kausap! Naku, kung alam mo lnag ang ugali niya!
“Oo nga Nick, sa totoo lang ngayon lang kita nakita ng personal… haha! Gwapo ka nga!” nag-smile siya sa kanila…
“Sige mamaya na alng tayo magkwentuhan pagkatapos kumain.” bakit naman ang bait niya sa mga ito, samantalang sa akin hindi…
“KAith! Di ka ba sasama kumain?” at nakangisi pa ang dalawa… parang may pinapahiwatig…
“Sandali, di ako makalabas ditto…” nakaharang kasi yung mokong na ito!
Naku ito namang si Sam nakipagkilala pa… dapat wag na… masama ugali niya! Teka! Inabot niya kamay niya? Samantalang nung inabot ko yung akin NR! Hmp!
“Ahm, if you don’t mind, please excuse me… lalabas kasi ako…” tiningnan niya ako ng masama…
“Ok.” Aba buti naman…
PLAK!
ANG BAIT NIYA TALAGA! SALAMAT SA PAGPATID AH!
“Sorry di ko sinasadya!” at nag-smirk pa! buwisit talaga toh!
“Thank you ah!” naku nakakainis talaga ito! Napasugod naman sila Sam ditto.
“Oh Kaith ok ka lang?” tumango naman ako. Isa pa itong si Dara nakipagkilala rin… nagsmile naman si Mokong! Bakit sa kanila mabait?!
“Ah, Kate pala name mo…” (read as kati, ka-te; yung sa English ay itchy.) napupuno na talaga ko! sana awatin ako nila Dara!!
“I beg your pardon please?! Hindi po Ka-te ang pangalan ko… it’s Kaith, Keyt! Gets?” hay…
“Oo nga, pero Ka-te ang spelling ng name mo… kaya Ka-te tawag ko sayo!” at tumwa siya ng napakalakas!
“Excuse me… K-A-I-T-H ang spelling ng name ko… hindi K-A-T-E…” natawa siya! Naku nakakainis ah…
“What’s funny?” natawa pa siya ng malakas!
“So that means KA-IT na tawag ko sayo. Haha!” grr! Naiinis na ako sa kanya… sa buong buhay ko ngayon lang nainsulto ang pangalan ko!
“Come again?!” I was about to scratch his FACE nang pigilan ako nila Sam…
“Kaith easy lang… tara na kumain na lang tayo…” Kainis talaga!
Nakarating kami sa canteen na walang preno ang bibig ko kakasalita…
“Kaith tama na nga yan… pagpasensyahan mo na lang…” hay naku…
“Sa bahay nagpapasensya na nga ako.. hanggang dito ba naman…” hay…
“Oo nga pala friend… anung nangyari sayo kagabi sa bahay niyo? Kwento mo na dali!” ayoko n asana pag-usapan yung sa kagabi kaso…
“Ahm, nag-away kasi kami ni Dad kagabi… as usual, nasaktan niya ako. Nasagot ko kasi siya eh… pano yung gusto niya na naman kasi ang pilit na masusunod… wala kasi siyang pakialam sa akin!” hay kaya ayoko na mapag-usapan pa eh kasi iiyak na naman ako… sila tango lang ng tango tapos hinihimas nila ang likod ko.
“Ok lang yan friend… intindihin mo na lang siya. Para rin naman sa ikakabuti mo yun eh.” Bigla akong napatingin kay Sam.
“Intindihin? Para sa akin? Lagi ko na lang siya iniintindi… ang hirap nga eh… hirap na hirap na ako sa kanya Sam… Hindi naman kasi para sa akin yung mga pinapagawa niya eh, kundi para sa business niya!” napalakas ang pag-iyak ko…
“Tama na friend… baling araw marerealize niya na mali siya… tahan na” hay thanks Dara! Napadukdok na lang ako sa table at nag-iiyak…
“Look who’s here? Hi cutie!” narinig ko si Dara na nagsalita.
“Anong nangyari jan?” sino kaya itong lalaking ito?
“Ah wala… naglalabas lang ng sama ng loob…” eto namang si Sam kung anu-ano ang pinagsasasabi. Ang sama sa pandinig ng meaning. Itinaas ko na yung ulo ko para makita kung sino yung dumating. Hay… si NICK pala! Ang walang kwentang si Nick Alvarez! Hmp! Napatitig siya sa akin parang yung tingin niya sa akin parang nagtatanong kung bakit sa ako umiiyak.
“Anong tinitingin-tingin mo diyan?!” naku, kapag nakikita ko siya umiinit ang ulo ko!
“Ba-“ pinutol ko na ang sasabihin niya.
“Pakialam mo? Umalis ka na nga sa harapan ko! Nakakairita ka!” at umalis na siya sa may table namin.
“Girl, ang sungit mo naman.” Hinawakan niya yung kamay ko.
“Dapat lang sa kanya yun, masama siya sa akin… I tried to be nice to him pero sama lang ng loob yung kapalit!” nakasimangot kong sinabi habang pinupunasan yung mga luha ko.
“Friend, huwag ganun, ang gwapo ng tao ginaganyan mo.” Eto talagang si Dara, kahit may boyfriend na tumitingin pa sa iba.
“Nonsense lang ang pagiging gwapo niya kung masama ang ugali niya!” napa-smile na lang ang dalawa sa akin.
“Ang init na talaga ng dugo mo sa kanya ah… maiba ako. Ano friend, confirmed nab a na si Mico at Koko ay iisa?” naaupo ako ng maayos sa sinabi niya… buti naman at nakahanap ng magandang pag-usapan itong si Sam.
“Sana siya na nga, kaso may isang bagay pa akong titingnan para malaman kung siya nga talga si Koko.” Napatano sila sa akin.
“Ano yun?” hay, panay kasi wala kaya wala masyadong alam sa aking buhay.
“Eto” pinakita ko yung necklace na yung ‘pendant’ ay yung singsing na binigay niya.
“Aahhh… Let’s go? Akyat na tayo para di tayo malate.” Sumang-ayon naman kaming dalawa sa sinabi ni Dara.
Habang papaakyat kami…
“Nga pala Dara, bakit kasama ka naming ngayon at hindi si Jim?” napakamot ng noo si Dara dahil sa sinabi ni Sam sa kanya.
“Hay, LQ?” napatango na lang siya.
“Sinasabi ko na nga ba…” napailing na lang ako sa sinabi ni Sam.
Nakarating na kami ng room, and finally, wala si bruhilda!
“Friend, nandito si Mico… tanungin mo na kaya siya.” Hah? Wait lang. nakakagulat naman yun… masyadong biglaan…
“Wait lang naman… dib a pwedeng tumiming muna ako? Kailangan ng time para diyan!” napailing yung dalawa.
“Ano ka ba! Hindi pa ba tamang panahon ito para sayo?”
“Tama si Sam friend… 12 years kang naghintay… dapat ngayon igrab mo na yung chance!” napa-smile ako sa kanila… papalapit n asana ako nang sumingit si asungot! Ayun, nakuha niya na ang atensyon ni Mico. Hay!
“Kahit kalian talaga napaka-wrong timing talaga nitong bruhilda na ito!” nanggagalaiti na sag alit si Sam.
“Tama na, may next time pa naman.” At naupo na kami sa kanya knyang upuan. Ako eto naglabas ng diary at nagsulat ng MAGAGANDANG nangyari ngayong araw! Hay! Sila Sam naman naalala yung assignment sa Trigo, ngayon lang gagawin… yung mga ito talaga…
“KAAAIIITTHHH!! “ nagulat naman ako kay Sam!
“Ano yun?” Agad akong napasara sa diary ko.
“Paano itong homework natin sa Math! Ang hirap!” lumapit siya sa may upuan ko at nagpaturo… tinuruan ko na rin pati si Dara, may mga terms daw kasing di niya maintindihan.
“Ah ganun lang pala yun! Thanks friend!” nag-smile ako sa kanya!
“Oo nga, buti na lang at kaibigan ka namin… haha! May nasasandalan kasi kami tuwing gipit!” at natawa kaming tatlo.
“OMG! Simple trigonometry hindi masagutan? Duh!” Hay, umentra na naman itong si bruhilda.
“Excuse me, may mga terms lang kaming hindi maintindihan kaya kami nagtatanong. Unlike you kasi, isa kang CHEATER!! Nangongopya kaya nag-eexcel, kami kasi hindi ganun, we’re striving to achieve our DESERVE grades in a CLEAN and HONEST manner.” Ang taray naman nitong si Sam. Haha! Napasmile at napailing na lang ako.
“What did you say?!” nag-cross yung arms niya at tinaas na naman ang napakatalim niyang kilay.
“Ay, Alam mo Sab, may itsura ka sana, kaso bingi ka lang… ano bay an, bingi na, nandadaya pa!” nagtawanan silang dalawa ni Sam at nag-apir!
“Girls tama na yan, huwag niyo na lang siya pansinin.” Binalik ko na ang tingin ko sa notebook na hawak ko.
“Isa ka pa!” agad siyang lumapit sa kinauupuan ko at hinila ang buhok ko… as in itinayo niya ako gamit ang panghihila niya sa buhok ko!
“ARAY! SAB ANO BA NASASAKTAN AKO!” pilit tinatanggal nila Sam ang kamay ni Sab sa buhok na halos pati na yata anit ko matatanggal na.
“Ano ba bitiwan mo nga sya! Wala namang siyang ginagawa sa’yo!” pilit pa rin niya hinahatak ang buhok ko!
“It’s her fault! Kasalanan niya lahat!” tiningnan niya ako ng masama… “Alam mo, nakakainis ka na! lahat na lang feeling mo magaling ka! Pati sa Guild! Kala mo kung sino ka! CERTIFIED FEELINGERA ka talga Kaith!” di ko namapigilan ang sarili ko….
“Wala akong ginagawa sayo!” naiyak na ako sa sakit ng sabunot niya
“Sab, tama na yan! Wala namang ginagawa yung tao sa’yo eh. Nananahimik lang siya… Stop it!” sino yun?
“Mico, you don’t understand, yung mga taong tulad niya hindi dapat ipagtanggol! Di mo siya kilala!”
“I SAID STOP IT!!” hinawakan niya yung kamay ni Sab at inalis ito sa pagkakasabunot sa akin… ako naman napatakbo dahil di ko na mapigilan ang mga luha ko…
“KAITH!!” gusto sanang sundan ako nila Sam pero sinabi kong gusto kong mapag-isa.
NICK ALVAREZ: “Ahm, while you Mr. Alvarez, you can seat beside Ms. KAith, the one in the second row.” Yun yung sabi ng teacher namin.
“Hello Nick, I’m Kaitherine Yancel C. Torrez. Nice to meet you.” Yan ang unang salubong niya sa akin. Iniabot niya pa ang kamay niya. tss. Hindi ko nga binigay yung akin. Mukhang nainis yata siya ah. Ang cute niya pala kapag naiinis!
Nung nagstart na mag-lesson si Ms. Lopez, kinuha niya na yung libro niya at inofferan niya pa ako na share kami… nice girl… hay, dahil sa gusto ko siyang tingnan, tiningnan ko simula paa hanggang ulo niya. Maganda siya. Mukha ring mayaman. Pero dahil sa sinundan niya rin ako ng tingin sinabi ko sa kanya na
“Alam mo, maganda ka sana, kaso lang masyado kang madaldal…” nag-pout siya bigla. Ayos ito… hard to get. Haha! Interesting…
After ng Lit class namin, break na, tamang tama, gutom na ako… maraming sumugod sa may desk namin, panay tanong, nakakairita, pero dapat maging nice ako since bago lang ako… inentertain ko sila buti na lang at umalis na sila. Napatingin ako kay… Ano nga ba ulit name niya? nakalimutan ko…
“KAith! Di ka ba sasama kumain?” tawag sa kanya nung kaibigan niya yata… ah yun pala name niya…
“Sandali, di ako makalabas dito…” haha! Magexcuse me ka muna… napatingin sa akin yung friend niya. “Hi Nick, ahm… Nick right? I’m Samantha, just call me Sam para di mahaba” nakipag-shake hands siya sa akin para effective ang pagpapakilala niya. “Ahm, if you don’t mind, please excuse me… bababa kasi ako…” tinitigan ko siya ng masama, napayuko naman siya bigla. Pinadaan ko naman siya kaso iniharang ko yung paa ko sa dadaanan niya
PLAK!
Hahaha! Success! Oh ow… mukang sasabog na ang Bulakng Mayon. “Sorry di ko sinasadya!” di ko mapigilan ang pagtawa ko kaya medyo napa-smirk ako
“Thank you ah!” nagfake smile siya sa akin… ok naman pala yung pasensya niya ah, I think magkakasundo kami…
“Oh Kaith ok ka lang?” sino naman ang isang ito?
“Nick! I’m Dara… hello handsome!” ah, Dara pala name niya…nag-smile na lang ako sa kanya at ibinalik ang atensyon kay Kate
“Ah, Kate pala name mo…” sinadya ko na ganun ko ipronounce yung name niya para mainis siya.
“I beg your pardon please?! Hindi po Ka-te ang pangalan ko… it’s Kaith, Keyt! Gets?” wow! Ang tindi sa English… matalino siya ah… tingnan na lang natin…
“Oo nga, pero Ka-te ang spelling ng name mo… kaya Ka-te tawag ko sayo!” yun ang explanation ko sa kanya, natawa ako dahil sa itsura niya na mukhang kakain na ng tao.
“Excuse me… K-A-I-T-H ang spelling ng name ko… hindi K-A-T-E…” haha! So iba pa pala ang spelling ng name niya…
“What’s funny?” natawa pa siya ng malakas!
“So that means KA-IT na tawag ko sayo. Haha!” sige na nga tama na… masyado na niya akong napasaya.
Di ko na siya pinansin pa at kinuha yung cellphone ko para mag-text. Mukha ngang susugurin niya ako pero buti hindi natuloy… saved by the bell…
“Nick! Tara sa amin ka na sumama…” woa, ayos toh, para naman may kakilala na at kasama na ako. Sa akin kayo sasama ah… baka mapahamak kayo kapag kasama niyo ako…
“Sige salamat.” Nag-smile ako sa kanila at tumayo na.
“By the way pare, ako si Marco.” Nag hand shake kami.
“Ako naman si Vince!” naghand shake din kami.
“Nice to meet you!” ayun na nga bumaba na kami sa canteen para kumain.
Pagkadating ko sa canteen, bumungad agad sa akin si Kaith pati yung mga friends niya, pero bakit nakadukdok sa lamesa yung babaeng yun? Lagot!
“Look who’s here? Hi cutie!” yung isang friend niya nagsalita sabay wink pa sa akin. Si Da--- ah tama… si Dara… Tss…
“Anong nangyari jan?” tanong ko baka kasi dahil sa akin… napasobra yata ako sa pang-aasar…
“Ah wala… naglalabas lang ng sama ng loob…” ano daw? Finally inangat niya na yung ulo niya. at umiiyak nga siya. Hay kasalanan ko ito! Nick Alvarez! Kabagobago mo nagpaiyak ka agad ng babae!
“Anong tinitingin-tingin mo diyan?!” awts, ang sungit niya… mukhang ako nga… pero kailangan kong tanungin ang dahilan kung bakit siya umiiyak.
“Ba-“ pinutol niya yung sasabihin ko
“Pakialam mo? Umalis ka na nga sa harapan ko! Nakakairita ka!” oh no… galit siya. Umalis na ako baka mag-skandalo pa siya.
Natapos na kami mamili ng pagkain pero nung tumingin ako sa table nila, wala na sila dun, baka umakyat na sila sa room.
“Pare, pansin ko lang ah… may gusto ka ba kay IQ girl?” hah? Ano daw? Naupo na kami sa bakanteng table.
“Huh? IQ ano?” tanong ko.
“Kay IQ girl. Ay sorry, kay Kaith pala. IQ girl kasi tawag namin dun, ibang klase kasi utak niya eh.” Natawa sila. So matalino nga talaga siya.
“Ah ganun ba?” napatango na lang ako sa sinabi nila.
“Naku pare kung may gusto ka sa kanya wag mo nang ituloy.” Huh? Bakit kaya?
“Di ko siya magugustuhan noh! Ang sungit na babae… maganda pa naman sana. Bakit mo nga pala nasabi?” tinapos niya ang pag-inom sa inumin niya at nagsalita ulit.
“Ows? Talaga? Si Kaith di mo gusto? Sikat kasi siya sa campus. Maraming may gusto kaso natatakot dahil baka di niya mapansin. Hanggang titig ka na lang…” napataas ang kilay ko sa sinabi nila. Teka… siya sikat?
“Paano siya naging sikat? Sa sungit niyang iyon? Imposible!” di talaga ako makapaniwala.
“Pare, bago ka pa nga lang talaga!” napailing si Vince sa akin.
“Oo, totoong sikat siya dito sa campus simula nung sumali siya sa Performing Arts Guild. Magaling kasi siyang magperform kaya maraming taas noo sa kanya.” dugtong ni Marco.
“Tama si Marco, Pare. Saka si Kaith masungit? Sa iyo ko lang yata narinig yan… maraming nagsasabi na mabait siya. Hahangaan ba siya kung hindi? Saka kahit matalino si IQ girl, ni hindi niya man lang pinagmayabang yun. Malalapitan mo siya kung gusto mo tumaas ang grade mo! Lalo na sa sa subject ni Sir Cruz! Naku kung manggisa pa naman yun parang wala ka ng mukhang maihaharap dahil sunog na sunog ka na sa harap ng board!” ganun? Kung sabagay, kung di ko lang naman siya napag-tripan di siya magsusungit eh. Teka sino yun, Sir Cruz??
“Sino si Sir Cruz?” napailing sila.
“Siya yung sinusumpang teacher sa Math ng mga estudyante dito sa SMU!” watda! Paano na ngayon yan?!
“Talaga?” sh!t! bakit ganun? Malas!
“Oo, kaya kung ako sa’yo wag mo na inisin si IQ girl kasi balang araw kakailanganin mo siya. Alam mo ba dahil siguro sa ugali niya nagkagusto ako sa kanya pero wala talaga. Titig ka na lang talaga sa kanya. nahihiya kang kausapin siya kung ang dahilan mo yung paghanga mo sa kanya. Nakakapipi pagkaharap mo siya. Buti nga ikaw nakuha mo pang pagtripan siya, siguro kung dito mo siya ginanon baka bugbog sarado ka na.” Natawa na lang siya. Sabihin mo torpe ka lang. ako? Mabubugbog sarado? Ganun ba talaga siya kasikat? Tss..
“Maiba ako. Nagkasyota ka na ba?” ano ba namang tanong yan, malamang!
“Oo naman!” napatango sila
“Tama kami, kaganda mong lalaki imposibleng di ka pa nagkakasyota.” hay, bakla yata mga ito!
“Nakailan ka na?” ganda ng tanong ah.
“Isa” nanlaki mga mata nila…
“Isa pa lang? Kayo pa rin hanggang ngayon?” tanong niya agad. Umiling ako.
“Nagbreak na kami bago ako lumipat” napatango sila
“Pare, pwede ko bang malaman kung bakit kayo naghiwalay? Nakakapagtaka lang, mukha kasing totoo ka magmahal” napangiti na lang ako.
“Ahm, niloko niya ako eh… Saya noh? Lalaki pa ang naloko ng isang BABAE!” ayoko na talaga pag-usapan pa yun!
“Eh ngayon ba, wala kang natitipuhan?” Nagugustuhan? Ewan.
“Di pa siguro ngayon, mahirap na eh. Siya lang kasi ang babaeng minahal ko.” grabe ito, nakakawala na mood.
“ Tara akyat na tayo. Male-late tayo. May homework pa naman sa trigo.” Saan daw?
“Oo nga, masungit pa naman si Sir Cruz. Mangopya na lang tayo kay IQ girl.” Napatingin ako. Teka-teka nakakataranta naman itong dalawang ito!
“Oo tama. Pare, kung ako sayo gumawa ka ng homework, kasi walang new comer new comer dun, mangopya ka na lang muna.” Ganun? Paano ako kokopya sa kanya eh galit sa akin at mukhang kinamumuhian ako?! Nick! Kasalanan mo ito! Patay ka na ngayon…
Umakyat na kami agad kasi daw kokopya pa daw sila ng homework, nagpaiwan muna ako para pumunta ng CR. Nang nakasalubong ko si Kaith palabas ng ladies room.
“Anong ginagawa mo dito? Este,” ok Nick mali diskarte mo! Inirapan niya lang ako at umalis na agad. Namumugto yung mga mata niya. parang kaiiyak lang. grabe naman umiyak yun. Parang free flowing ah… tagal eh.
Pagkatapos ko umakyat na ako sa room. Naabutan ko siyang nakaupo na at nakasubsob ang ulo sa desk. Naguiguilty na ako sa ginawa ko. umupo na ako. Tiningnan ko muna siya. Huminga ako ng malalim…
“Sige din a kita pagtitripan… sorry na…” napa-angat siya ng ulo at tiningnan lang ako. Ako naman napayuko na lang, aba first time ko kayang humingi ng tawad sa babae.
Halos isang oras akong nasabong nung teacher sa Trigo. Grabe terror nga siya! Akala ko makakaya ko pero masahol pa pala sa nag-amok na toro! Grabe… sana nakinig ako sa mga mokong nang di ako napagdiskitihan. Ang bilis ng karma!
“Kung wala kang homework, sana humingi ka ng tulong para di ka nasabon ni Sir. Ayan, mayabang ka kasi… haaayyy…sa lahat ng taga SMU, kaw lang sigurong naglakas loob na di gumawa ng homework kahit baguhan ” napapailing pa nung napatingin ako sa kanya habang nagsusulat siya. Ayos din itong babaeng ito ah… gantihan?
KAITH TORREZ:
Ang bilis talaga ng karma! Haha! Pero naawa ako sa kanya kasi kabago-bago niya pa lang napagtripan na ni Sir. Di kasi uso yung new comer sa kanya eh… hayaan ko na nga… pero at least nakaganti ako kahit papaano…
Finally, dismissed na ang class… pero kailangan dumeretso na ako sa audi para maagang makauwi.
Papasok na sana ako sa audi nang may sumalubong sa akin… sila Louise!
“ATE!” nakita ko na naman siya.
“Oh Louise. Bakit?”
“Ate, kasama ko yung mga classmate ko gusto ka raw makita.”
“Hello.” Nagwave ako sa kanila. Ang dami nila. Marami pa sa section namin.
“Gulat ka ba? Karamihan di ko kaklase, narinig kasi nila kami na pinag-uusapan ka, eh ayun, sumama sa amin, gusto ka raw makita.” Napasmile ako sa kanya
“Bakit? Di ba nila ako nakikita sa campus?” nagkibit balikat si Louise
“Miss Kaith! Di ka naming makasalubong ditto sa campus, ang laki kasi. Pero buti na lang nakita ka naming. Maganda ka talaga sa personal. Mas maganda ka kapag hindi naka-make up.” Grabe mamumula na naman ako sa mga sinasabi nila.
“Ah salamat ah. Ahm pasensya na kayo, may practice kasi kami, kailangan ko nang pumasok, kapag may time na magkita tayo ulit saka na lang tayo magkwentuhan… ok?” grabe kahiya, pero kailangan ko talaga makauwi ng maaga.
“Sige, promise yan ah…” tumango ako.
“Mabait ka nga Miss Kaith, di tulad nung isa ang sungit at feeling mo sikat na artista.” Napa-smile na lang ako.
“Ah, ganun ba? Baka pagod lang kaya ganun siya sa inyo. Sige pasok na ako. Umuwi na kayo agad.” Nagpaalam na lahat sila sa akin…
“Balita ako sikat ka raw… sa nakita ko ngayon… sikat ka nga talaga dito.” Sino naman kaya yun? Lumingon ako sa likuran ko… hay, nasira ang hapon ko!
“Anong ginagawa mo rito?!” inirapan ko siya.
“Masama bang umuwi? Nagkataon lang na dito ang way pauwi.” Napailing na lang ako.
“Oh ano pang ginagawa mo rito? Edi umuwi ka na!”
“Sungit nito! Sige na nga!” naglakad na siya palayo…
“Sandali” lumingon siya! “Gumawa ka na ng homework sa math nang di ka magisa ulit!” tumawa ako. Way ko na yun para gumanti sa kanya! aba! Marunong pala umirap. Haha!
Ayun nagpractice na kami…. Mas maganda yung kinalabasan ngayon kesa kahapon. Buti din a nag-extend si Sir, kundi naku lagot na naman ako. Next day na raw kasi yung presentation kaya medyo chill na lang kami ngayon. Bukas general rehersal daw. Excuse kami. Nakakatuwa! Hay ang tagal naman ni Kuya Rigs… after 10mins dumating din…
“Pasensya na Mam… traffic po kasi eh.” Ok, reason accepted.
“Ayos lang po.” Tumango siya. Kinuha niya na yung gamit ko at nilagay na sa loob ng kotse.
“Kanina pa po ba kayo naghihintay?” sabay start sa kotse at pinaandar na ito.
“Ah di naman po masyado. Nandun po ba si Dad?” tumango siya. Finally nakarating na kami sa bahay. Sinalubong ako ni tita at ni manang.
“Hi Tita.” Nagkiss ako sa kanya.
“Oh, bakit ganyan mata mo? Umiyak ka ba?” si tita talaga… halata ba? Hay…
“Ah opo, kailangan po kasi sa presentation.” Sorry tita ayokong mag-alala ka kaya nagsinungaling ako.
“Ah ganun ba? Sige na magpalit ka na ng damit mo pagkatapos nun bumaba ka agad, kakain na tayo. Mamaya na tayo magkwentuhan okay?” Tumango ako sa kanya.
Pagkatapos ko magpalit at maglinis ng katawan, agad akong bumaba at pumunta sa dinning table. Nakita ko si Dad na as usual may ginagawa.
“Hi Dad…” nagkiss ako sa kanya pagkatapos nun umupo na.
“Kaitherine” napatingin ako sa kanya.
“Po?” habang sumusubo ng pagkain
“May small gathering the next day sa bahay nila Mr. Tan, and I want you to come! Gusto ka raw makita at ipapakilala ang anak niya sa’yo. Remember! That day is very important! You better be there or else, makakatikim ka sa akin!” hay, akala ko magsosorry tungkol sa kahapon… hay Kaith asa ka pa! wait, the next day? Thursday? Play namin yun!
“But Dad... I--” kailangan mong pilitin na di ka pwede!
“WHAT?! Pag-aawayan ba na naman natin ito ha Kaitherine?! Baka gusto mo na naman makatikim sa akin?!” ano ba! Play ko iyon! Napatingin ako kay Tita at napatango na lang siya habang hinahawakan ang braso ko.
Di na ako nakapalag sa kanya dahil baka masaktan na naman niya ako, kaya pagkatapos ko sa pagkain agad na akong pumasok sa kwarto at gumawa ng homework.
Di pa ako nakakalahati sa ginagawa ko nang may kumatok…
“Hija? Nagpapahinga ka na ba?” si Tita…
“Hindi pa po…” tumayo ako at binuksan ang pinto.
“Akala ko nagpapahinga ka na. Ahm, don’t worry sa sinabi ng Dad mo. Akong bahala roon” nagsmile siya kaya napasmile na rin ako. Thanks Tita! Hay… “How’s your day of my one and only pamangkin?” itinabi ko yung mga notebooks ko para makapag-usap kami…
“It’s quite irritating tita.” Agad siyang nag-alala.
“Oh, bakit, dahil kay Sab na naman?” hinawakan niya yung kamay ko. Umiling ako
“Paano po kasi may new comer sa school. The whole class hours lagi niya akong… aaahhh! He is pissing me off!!” nanggigigil talaga ako kapag naaalala ko yun!
“He is pissing you off? Oh… it’s a guy… is he good looking?” nanlaki mata ko sa tinanong niya.
“Tita naman! Alam ko ibig niyong sabihin ah… yes, he has looks though his looks doesn’t fit to his annoying attitude! Kaya NEVER EVER ko siyang magugustuhan!” hay naku! Bigla akong niyakap ni tita tapos kinurot kurot pa ang pisngi ko.
“Aba, Kaitherine, baka sa una lang yan, baka after sometime you’re telling me, ‘tita, I think I am in love with him’” si tita talaga… pinikit-pikit pa yung mga mata with matching weird moves.
“TITA! NEVER KO PO TALAGA SIYA MAGUGUSTUHAN!” nagpout ako. Talagang NEVER! Itaga niyo naman sa pinaka matigas na bagay sa buong universe!
“Asus… yung baby ko talaga! Alam ko namang you’re still waiting for someone… right?” huh? Waiting for someone?
“Tita? I didn’t get it… waitng for?” napailing si tita…
“Sino pa ba yung tinutukoy ko… no other than Koko? Tama ba ako huh?” mapaisip ako bigla ah… partly, pero… hay…
“Speaking of him… I think he’s back…” nagulat siya at lumapit pa sa akin ng kaunti.
“Really? How did you say so? Did you met him already?” tiningnan ko siya.
“I think so but I am not so sure about it… Because, di lang naman po isa ang new comer sa school, dalawa po sila, and yung isa dun, siya po yung suspect ko na childhood friend ko…” napatango siya…
“Bakit naman pumasok sa utak mo na siya yung childhood friend mo?” napangiti ako sa kanya…
“I think tita I have three major reasons why… First, his name is Mico Gomez, like Koko’s real name… second, he came also from States like Koko and lastly, he looks like Koko though he is more handsome now! But I am still in a state of doubt because I need to know if he has this.” Tinuro ko sa kanya yung necklace na suot ko.
“Oh, the ring that he gave you years ago… you still have it…” hinawakan niya yung ring sa necklace ko.
“Of course, this is the only way for him to can find me. Tita, kapag naprove ko na siya nga talaga si Koko through this necklace? Di ko na siya pakakawalan pa!” nagsmile si Tita sa akin…
“I hope that I it will happen Hija.” Nagsmile ako sa kanya…
“Of course tita it will!” tumayo na siya…
“Sige na, I am disturbing you na, I won’t take any longer here… finish your homeworks then go to sleep ok?” nagsmile ako sa kanya at tumango…
“Sige na… good night!” kiniss niya ako sa forehead at palabas na ng pinto…
“Ahm Tita wait!” napalingon siya sa akin.
“What is it?” napahawak siya sa knob ng door.
“I love you, and good night! Thank you po pala regarding sa nangyari kahapon saka po sa sinasabi niyong kayo na po bahala for Thursday.” Nagsmile ako sa kanya…
“Ikaw talaga… sige na, tita loves you too! After that matulog na!” nagsmile back siya…
“Opo Mam!”
CHAPTER 3:
Another day na naman! Sana maging maganda ang araw ko ngayon… unlike kahapon! After ko magbihis dumeretso na ako sa dinning para mag-breakfast. Masarap ang inihanda nila manang… Bacon, egg, saka favorite kong Ceasar’s Salad… naabutan kong nakaupo na sila Tita, ako na lang pala ang wala. Nakita ko si Dad nagbabasa ng newspaper, si Tita naman nakaupo at ipinaghahain ako.
“Goodmorning!” masayang bati ko sa kanila habang naglalakad papunta sa upuan sa dining.
“Oh Hija… Good morning din! Kumain ka na… favorite mo yung breakfast.” Nagsmile ako sa kanya.
“Opo nga po eh… marami tuloy akong makakain.” Nagsmile ako! Mukhang magiging maganda araw ko ah.
“Edi better kung marami, haha! Breakfast is the most important meal di ba? Sige na umupo ka na diyan.” At umupo na nga ako…
“Anong gusto mo? I’m sure gusto mo ng Salad, pero do you like bacon and bread?” I was about to answer kaso…
“Malaki na yang pamangkin mo. She’s 17 she must stand on her own… just let her Ate. Ini-spoil mo yan…” hay…
“Sige na po Tita ako na lang…” tiningnan ko si Manang, “Ahm Manang, pakuha na lang po ng lalagyan”
“Para saan po Mam?” tanong niya sa akin.
“Paglalagyan ko po ng breakfast ko.” napatingin sa akin si Tita. Si Dad kahit ayaw pahalata, medyo sumilip siya sa binabasa niyang newspaper.
“Bakit? Di ka ba kakain dito?” tanong ni Tita. Mabuti na rin ito, para wala nang gulo at sigawang maganap.
“Di na po… sa sasakyan ko na lang po kakainin.” Iniabot na sa akin ni Manang yung pinapakuha ko sa kanya.
“Salamat po.” Kumuha na ako ng pagkain na gusto ko…
“Hija…” tiningnan ko na lang siya at nag-smile. Halata sa kanya na nag-aalala siya sa akin.
“Don’t worry, tita, I’m fine… maybe it’s better if I don’t eat here…” nagsmile na lang ako at naglakad paalis.
“Kaitherine! Lumalaking bastos ka hah!” narinig kong sinabi ni Dad yun. Lumalayo na nga ako eh.
“Di siya bastos… Kung tutuusin tama lang ginawa niya, kasi kung dito pa siya kakain baka masaktan mo pa siya! Palibhasa kasi di mo lang kasi kilala ang anak mo kaya ganyan ka tumingin sa pagkatao niya. Kelan mo ba bubuksan ang mga mata mo para makita mo ang dapat mong makita? Napakawalang kwenta mong ama! Yan-yan sandali lang” hinabol niya ako habang di pa ako nakakalayo.
“Oh Tita. Papasok na po ako ah.” Hinawakan niya yung braso ko.
“Teka lang, kumain ka muna.” Nagsmile ako sa kanya.
“Wag na po, sa sasakyan na lang po ako kakain…” hinawakan ni Tita yung pisngi ko…
“Pasensya ka na sa Dad mo ah…” tumango ako…
“Lagi naman po akong nagpapasensya sa kanya eh… thank you po sa pagtanggol sa kanya kanina ah” pinipigilan kong wag maiyak… mabuti pa at pumasok na ako.
“Ahm sige po alis na ko.” nagkiss na ako sa kanya at tumakbo papasok ng sasakyan.
Yun na nga, sa kotse na ako kumain, ang sarap pa naman ng breakfast, kaso di ako nakakain ng mabuti! Di ko na kasi napigilan yung pag-agos ng luha ko… Nakakainis kasi… hay…
“Mam, nandito na po tayo.” Agad ko nang pinunasan yung mata ko.
“Ah sige po…” agad akong pinagbuksan ni Kuya ng pintuan dala dala yung gamit ko.
“Si Sir na naman po ba?” tumango ako…
“Wag na niyo akong pansinin, ok naman po ako. Salamat po sa paghatid” kinuha ko na ang bag ko sa kanya.
“Ahm nga po pala, pakisabi kay Tita na gagabihin akong umuwi.” Buti naalala ko, General practice nga pala namin.
“What time ko po kayo susunduin?” nag-isip ako…
“Ahm, tetext ko or tatawag na lang po ako kung what time… ayoko po kasing magbigay ng time baka po kapag napaaga matagal ang hintayin niyo.” Sinara niya yung pinto ng kotse kung saan ako lumabas.
“Ah ganun po ba? Sige po hintayin ko na lang po yung text niyo. Wag niyo na pong isipin yun… ok?” napa-smile ako sa kanya… lumapit siya sa akin at pinunasan yung mukha ko.
“Ang laki laki na eh, wag ka na umiyak, nakakapangit yan, baka wala nang magkagusto sa’yo niyan.” Natawa ako sa sinabi niya.
“Sige po, susunduin niyo pa si Dad, baka mainip po yun… ingat po kayo pati sa paghatid niyo sa kanya mamaya!” pumasok na ako sa loob at pumunta na sa room.
Pagkarating ko sa room di maipinta ang itsura ko. bad mood na kasi ako kanina sa bahay, at mababad mood pa ako dito sa school dahil makikita ko na naman si Nick Alvarez na yan! Pagbukas ko ng pintuan ng room sinalubong agad ako nila Sam.
“Oh Friend napaaga ka yata?” tanong sa akin ni Sam
“Oo nga eh… may nangyari kasi” hinawakan ni Dara yung kamay ko.
“As usual ganun pa rin ang sasabihin namin…”
“Basta nandito lang kami…” buti na lang nandyan kayo.
“Thank you. Sige punta na ako sa upuan ko.”
Papunta na ako sa pwesto ko nang bumungad sa akin yung dumagdag sa nagpapasira ng araw ko…
“Nandiyan ka na pala… oh dumaan ka na.” aba bumait yata… ano kayang nakain nito? Naku, paba patirin na naman ako.
“Yung paa mo baka iharang mo na naman! Wala ako sa mood makipagbiruan ngayon kaya umayos ka.” Yun ang lumabas sa bibig ko. Nakakadala kasi siya!
“Alam ko, at ayaw ko na rin makipagbiruan sa’yo noh. Nasasayang lang ang oras ko. Umupo ka na!” kapal talaga ng mukha!
Umupo na ako at idinukdok ang ulo sa desk… wala talaga ako sa mood… mga ilang sandali pa lang ako nakasubsob sa desk ko may nangangalabit na!
“What?!” nagulat ko yata siya… istorbo kasi!
“Ah… pwede ko bang mahiram yung notebook mo sa trigo? Ang hirap kasi ng homework natin eh… pati na rin sana yung sa literature at physics pahiram…” nagulat ako sa sinabi niya. hay, makapal talaga ang mukha niya… pinipigilan kong tumawa… paano kasi nakakatawa ang itsura niya, parang di siya lalaki makipag-usap ngayon, parang unti-unting tinatanggalan ng pagmumukha dahil sa hiya.
“Bakit? Natatakot kang mabara uli ni Sir noh? Kaya pala ang bait mo…” mapangiti tuloy ako. Napayuko naman siya. Bumalik ako sa pagkakasubsob sa desk ko…
“Ui! Please lang. Pinaka-worst scenario ko yung nangyari kahapon… sige na please!” habang naririnig ko na sinasabi niya yun natatawa ako…
“Kunin mo sa bag ko… Take care of it!” iniangat ko ang ulo ko para makipag-eye contact “Kapag may nakita akong dumi, lukot, tupi or any unnecessary things on my belongings, you’re dead!” tapos binalik ko ulit yung ulo ko sa desk.
“Opo” Di pa ako nakakapag-muni muni kinakalabit na agad ako…
“WHAT?!” hay kakainis ah!
“Nasaan yung notebook mo ditto?” naku, kinuha ko yung bag ko at ako na ang kumuha ng kailangan niya.
“Ayan na! May kailangan ka pa? Estorbo ka eh!” umiling siya… hay kainis talaga! Di nga nangtitrip ang kulit naman!
“If you bother me again, I will take back my things… wag ka nang kakalabit ulit ah, kasi I’m irritated… you’re annoying!” tumango naman siya. Balik sa original position… maya-maya kinakalabit na naman ako…
“DI BA SABI NANG-“ naputol ko yung sasabihin ko kasi hindi siya yung kumalabit sa akin.
“Mam Lopez… I’m sorry…” tumango siya.
“Kaith why you’re here? I thought may general rehersal kayo ngayon for tomorrow’s presentation?” ay patay… oo nga pala.
“Oo nga pala! I almost forgot… Thanks for reminding me mam!” tumango tango siya.
“Ok, I’ll just see you next week, kasi di rin kita makikita bukas dahil sa presentation niyo… Are you coming on Friday?”
“Yes Mam, I’ll be here on Friday. Thank you again.” Tumango si Mam at agad na akong pumunta sa audi para sa rehersal. Geezz super late na yata ako…

Auditorium:
Dumating ako na nagsisimula na sila. Gosh! Nakakahiya kay Sir! Inilagay ko muna yung gamit ko sa may shelf tapos agad na dumeretso sa stage.
“O Kaith, bakit ngayon ka lang?”
“I’m so sorry Sir, nawala po sa utak ko about sa time ng rehersal. I was in the room when Mam Lopez remind me about the rehersal. I’m sorry for being unprofessional.” Napayuko ako, napatingin naman ako kay bruhilda at ngingisi-ngisi siya.
“It’s ok, I hope it will never happen again especially you’re a lead actress here… just don’t be late tomorrow or else I will never forgive you…” nag-smile siya sa akin…
“Thank you Sir…” tumango siya.
“Ok back to practice! Since nandito na si Kaith, we will start again from the top. I’m just reminding about the blockings and the lines… ok let’s start!”
Ayun,almost perfect na yung presentation naming konting polish na lang… kaya nagbreak muna kami. Kasi next naman yung dress rehersal. Pumunta muna ako ng canteen para kumain na rin.
“Friend!!” Si Sam talaga kapag tinatawag ka lahat makakarinig kahit nasa kabilang building pa.
“Sam! Si Dara?” napansin ko kasing siya lang ang nakaupo sa table.
“Hay, naku, ayun ok na sila ni Jim kaya disappear na naman!” napataas na lang ang kilay ko.
“Musta practice?” umupo ako para makapag-usap.
“Ok naman! Oo nga pala yung notebook ko?” nanlaki ang mata niya.
“Hah? Wala sa akin!” hay…
“Nasaan kaya yun? Btw, manuod kayo bukas ah…” tumango tango siya
“Siyempre naman noh! Syempre present kami dun noh!” napasmile ako…
“Thanks!” sa totoo lang naeexcite ako para bukas… sana maging successful siya tulad ng dati. Since ilang minutes lang ang break bumalik na ako sa audi para magpractice… hay, straight na ito… wala nang break except water break. Buti nakakain na ng marami.

NICK ALVAREZ
Maghapon kong hindi nakita si Kaith, kung bakit kasi kasama siya sa guild na yun! Buti na lang at pinahiram niya yung homework niya sa trigo, grabe, nilunok ko ang pride at kahihiyan ko para lang dun… first time ko ginawa sa babae ang magmakaawa ng ganun! Kaya hindi ako nasabon ng bwisit na si Cruz! Medyo naging boring nga ang araw ko kasi wala ang katabi ko. Ewan ko ba kung bakit hinahanap ko siya, lumambot yata ang puso ko nung nakita ko siyang umiiyak. Ah! Alam ko na, wala lang akong maasar! Imposible iniisip ko! Naku, tama na nga yan, magta-try out nga pala ako para sa soccer team… buti na lang at maaga kami nadismissed.
5:00 ang call time ng tryouts kaya quarter to 5 pa lang nagpunta na ako sa field, nagpalit na ako ng damit para dun… medyo matagal tagal na rin akong di nakapaglaro… namiss ko ito ng sobra!
Saktong 5 ng dumating yung coach, medyo marami rin ang nagtry out kahit mag iisang buwan na simula nagstart yung school year.
6 na nung natapos yung game, kaya nagshower na ako at nagbihis na para makauwi. Sabi ni coach by next week pa malalaman yung results sa try outs… kapag di pa ako na natanggap dun ewan ko na lang… nag-aayos na ako nang gamit ko nang… PATAY! Nasa akin yung notebook ni sungit! Hay naku, kailangan ko pa tuloy siyang puntahan!
Buti na lang di kalayuan dito yung auditorium, hay, problema ko na lang kung may tao pa sa loob, pumasok ako sa loob para silipin. Jackpot! Nasa loob pa sila! Parang nanunood na talaga ako ng presentation bukas, naka-full attire na kasi lahat… pumasok muna ako at naupo sa upuan sa bandang likuran. Nakita ko si sungit umaarte… haha! Magaling nga talaga siya at ang ganda sa costume niya.
Tahimik akong nanunood sa practice nila… di na ako nagtataka kung bakit maraming humahanga sa kanya. Nakakadala yung bawat linya na sinasabi niya… parang totoo. Hay sungit, nagsisisi akong napag-tripan kita… mainit tuloy dugo mo sa akin… pero tingnan lang natin… babait ka rin sa akin!
Ayos ang ending ah! Nakakahanga masyado! Napatayo at palakpak tuloy ako! “Congrats! Ang galing niyo!” Lahat sila nagtinginan sa akin! Bakit? Anong meron? May mali ba akong nagawa?
“And who are you and why are you here??” lagot na… mukhang bawal dito! Patay! Napansin ko si sungit galing sa likuran at lumapit dun sa teacher kanina…
“Ah Sir, classmate ko po siya…” tumingin siya sa akin “Pinapunta ko po siya dito kasi po meron lang po akong sasabihin sa kanya, medyo napaaga po yata siya kaya po di niya po sinasadyang makapasok.” Sinalo niya lang ba ako? Pero bakit niya ginawa yun? “Kaith alam mo diba ang patakaran sa Guild? Ayaw kong may nakakapasok na outsider especially kapag may rehersal?” lagot na! napagalitan tuloy siya! Bakit niya pa kasi ginawa iyon!
“Sir sorry po” napayuko siya.
“I hope this will never happen again! Sana bumalik na yung Kaith na kilala ko bago ko ibigay yung character sa kanya.” ano ba, bakit ginawa ni sungit yun?
“Sorry po Sir. Di kop o kasi alam na dip ala allowed yung di member… lalabas na lang po ako.” Napatingin sila sa akin pati si sungit. Lumabas na ako para di na mapagalitan yun. Kung bakit pa kasi ginawa yun!
“Sorry po! Di na po mauulit!”
Lumabas na ako baka lalong mapagalitan si Sungit ng dahil sa akin. Mas mabuti pa sigurong hintayin ko na lang siya ditto sa labas. 7:30 na pero di pa sila tapos… ang tagal naman nila. Medyo malamig at malamok dito… Teka may papalabas… kaya lumayo ako sa may hagdan at nagtago sa may puno sa harapan nung pintuan sa di kalayuan.
Nakita ko si sungit nagmamadaling lumabas… teka… umiiyak ba siya? Anak ng tokwa naman! Kasalanan ko na naman kung bakit umiiyak siya! Kung hindi dahil sa akin di sana siya papagalitan. Nilapitan ko siya kasi alam ko kailangan niya ng kausap.
“Bakit nandito ka pa? Akala ko ba umalis ka na?!” agad niyang pinunasan yung luha niya. Umiiyak na nga masungit pa!
“Umiiyak ka ba dahil sa kanina? Sorry.Di ko kasi alam na bawal. Ibibi--” Naputol ang sasabihin ko, singit kasi! Grabe! Naguiguilty ako!
“Alin?” tanong niya habang nakatingin lang ng direstso sa harapan niya.
“Bakit mo kasi sinabing pinapunta mo ako? Ayan tuloy napagalitan ka!” tiningnan niya ako ng masama.
“Kung di ko ginawa yun edi mas matindi pa kay Sir Cruz ang napala mong sermon!” Ganun ba magalit yun? Di naman.
“Eh mukhang mabait naman nung pinagsabihan ka kanina ah…” napailing siya
“Super nagtimpi lang siya kanina. Kasi ayaw niya masira yung mood ng grupo dahil bukas na yung presentation.” Bakit parang okay lang sa kanya? iniiyakan niya nga yun di ba?
“Ok lang sa’yo?” tanong ko.
“Ano ka ba! Sa tingin mo sinong matutuwa kapag pinapagalitan?! Sige nga! Siyempre hindi, first time ko nga maagalitan eh, at dahil sa’yo pa!” Sungit talaga nito! Akala ko mabait na…
“Nagka-utang na loob pa ako sa’yo!” baka isumbat pa sa akin itong nangyaring ito ah!
“Iyon ba ang iniiyakan mo?” napatingin siya sa akin ng bigla.
“Hindi dahil dun! Teka! Napapansin ko lang, bakit ba ang tanong mo?!” Tss… concern lang naman ako! Eh bakit siya umiiyak?
“Eh bakit ka umiiyak?” napahinga siya ng malalim, at tumingin sa akin ng nakangiti.
“Wala, nadala lang ako sa eksena kanina! Kulit mo!” Mukhang nagsisinungaling siya. Halata naman, di siya makatingin ng diretso.
“Di ako naniniwala!” napailing siya.
“Edi wag kang maniwala! Pinipilit ba kita?!” nagmamagandang loob na nga ang sungit pa rin! May napansin akong may paparating na magandang kotse sa harapan.
“Pero…” di ko naituloy ang sasabihin ko. nakita ko na lang na bumaba yung driver nung kotse.
“Mam tara na po.” Ano? Mam ang tawag niya kay sungit?
“Pasensya ka na pero nandito na yung sundo ko. bye!” Kumaway siya at papasok na sa kotse na binuksan para sa kanya.
“Teka lang… Sungit!” napalingon siya sa akin.
“Nasa akin yung notebook mo!” itinaas ko yung notebook niya para mapansin niya… lumapit siya sa akin.
“Na sayo lang pala ito. Akala ko nawala na. Sige salamat” nginitian niya ako at pumasok na sa loob ng sasakyan. Binuksan niya yung bintana ng kotse “Hoy Mokong! Wag mo na ulitin yung sa kanina! Nandadamay ka pa! Sige bye! Umuwi ka na rin baka maghasik ka pa ng lagim dito!” nagsmile siya at sinara na yung bintana at umalis na.
Mas maganda siya kapag nakangiti. First time niya ginawa sa akin yun. Puro kasi irap at nakabusangot na itsura ang nakikita ko sa kanya. Mayaman pala talaga siya. I mean, alam kong mayaman sila, pero di ko akalain na ganun sila kayaman. Ibang klase, habang tumatagal yata marami akong nalalaman tungkol sa kanya. Napasandal na lang ako sa may isang step sa hagdan kung saan kami nakaupo kanina… mukha na akong baliw dito, ngumingiti mag-isa.
CHAPTER 4:
KAITH TORREZ:
Nakakainis talaga yung bruhilda kanina! Di ko talaga siya mapapatawad!
Flashback:
“Ok, let’s forget about that matter… I will now dismiss you early for the preparation for tomorrow’s presentation. I wish all of you will deliver your roles successfully. Ok, let’s pack up and change your clothes! Double time! Ahm, Kaith, can I talk to you for awhile?” lumapit ako kay Sir.
“Sir? Ahm sorry po ah.” Tumango siya.
“It’s okay. Alam kong sinalo mo lang ang kasalanan niya. but don’t do it again okay?” tumango ako. Alam niya na inako ko lang ang kasalanan ni Nick? Ang galing talaga niya.
“I called you not because of the scenario earlier. I called you because of one thing.” One thing? Ano kaya yun?
“About what Sir?” huminga ng malalim si Sir at tiningnan ako ng deretsahan.
“Is there something bothering you? Napansin ko kasing kahapon ka pa parang wala sa sarili. What I meant was, your not that focused on what you need to do. Nung mga unang practice natin di ka naman ganyan. Maybe your co-members don’t notice it, because you delivered your lines well, though for me it’s not your best “napayuko na lang ako. Iniisip ko kasi yung s autos ni Dad bukas.
“Sorry po Sir, I promise to be focused on the presentation tomorrow.” Napatango lang siya.
“Ok, aasahan ko yan. To be professional, you need to forget your personal problems while performing. Understand?” napatango na lang ako.
“Ok, you can go.” Pumunta na ako sa dressing room para magpalit.
Imbis na mapabilis ang pagbibihis ko. Napatagal pa dahil lang sa impaktitang si Sabrina Young!
“Buti nga sa’yo! Dapat lang na mapagalitan ka ni Sir, masyado ka na kasing feelingera!” nagsalita na naman ang hindi.
“Pwede ba Sab kahit ngayon lang tantanan mo na ako.” Tinaas niya ang kilay niya.
“Bakit di mo ba makayanan ang mga sermon ni Sir?” tumawa siya ng malakas.
“Wala akong pakialam sa mga sasabihin mo. Just say what you want, I DON’T CARE!” papalayo na ako nang hinatak niya yung buhok ko.
“ARAY! Ano ba!” ang sakit ng pagkakahatak ng buhok ko.
“Miss Torrez! Kumakapal na yata ang pananalita mo ah!” grabe, mahigpit pa rin ang hawak niya sa buhok ko.
“Sabrina! Stop it!” bigla niyang binitiwan ang buhok ko. si Sir pala ang nagsalita. Thank you Sir.
“Sorry Sir, I’m just teaching her some lessons because of what happened earlier.” Nakayuko niyang sinabi habang inaayos ko ang nagulo kong buhok. Papaiyak na sana ako pero pinipigilan ko lang.
“In this place, ako lang ang pwedeng magalit, manermon at magturo. In that manner Miss Young, dapat may mga offense ka na dapat but this will serve you as a warning, if this happen again, I will not let it. Understand?” napatingin sa akin ng masama si Sab.
“Yes Sir, sorry.” Napayuko na lang ako sa nakakatunaw na titig niya sa akin.
Pumunta na ako sa kwarto para makapagpalit na ng damit pero bago yun hinubad ko muna yung mga accessories kong suot sa may mirror kung saan kami nagme-make up para di abala. Di naman ako matagal magbihis kaya nakabalik na agad ako para kunin na yung mga hinubad kong accessories pero pagkuha ko, parang may kulang. WAIT! Yung necklace ko! Yung necklace na may singsing na bigay sa akin ni Koko NAWAWALA! Hinanap ko lahat ng pwedeng mapuntahan at masingitan nung kwintas ko pero wala. Nagsimula na akong maiyak dahil importante yung bagay nay un sa akin.
“Nakita niyo ba yung kwintas ko dito?” natatarantang tanong ko sa mga co-members ko pero lahat sila umiling. Di ko na mapigilan yung luha ko. Tuloy-tuloy na ang pag-agos. Pumasok na si Sir para sabihan kami na umuwi na. Pero paano yung kwintas ko! Di pwedeng mawala yun! Nakakainis! Ang malas ng naging araw ko!
Lumabas na ako ng audi na umiiyak, umupo muna ako sa may hagdan sa harap ng pintuan, dun ko na nailabas ang mga luha ko. Di ko maintindihan pero may lumapit sa akin, at yung lalaking kinaiinisan ko pa ang lumapit! Ang malas talaga!
END OF FLASHBACK
Dumating ako sa bahay na tahimik. Quarter to 9 na ako nakauwi. Lagot ako kay Dad nito. Si Tita ang sumalubong sa akin.
“Hija! Ang tagal naman yata ng practice niyo. Ginabi ka ng husto. Did you already eat dinner?” grabe ang ingay ni Tita, baka marinig siya ni Dad. Pero wala na sa utak ko yun, laman lang ng utak ko yung kwintas ko na nawawala.
“Hija, are ok? Wala ka sa sarili mo.” Natauhan ako nung sinabi ni Tita yun. Tumango na lang ako at dumeretso na papuntang kwarto.
“Yan wait! I know you’re not. Alam ko rin na di ka pa kumakain. Pag-usapan natin sa loob yan.” Inakbayan ako ni Tita papuntang dinning at nagpahanda ng pagkain.
“Ano bang nangyari huh?” nag-aalalang tanong niya sa akin. Umiling na lang ako.
“If you’re bothered because of your Dad, don’t worry he’s not here, nasa Dubai siya for an out of town business, so tell me what happened.” Napatingin ako sa kanya. halatang gulat sa nabalitaan.
“Wala si Dad? Ilang araw po siya mawawala?” napatango si Tita.
“I don’t know.” Napatango na lang ako. Pero teka, malapit na birthday niya. Pinaghahandaan ko pa naman yun.
“Dito po ba siya magbibirthday?” tanong ko kay Tita. Gusto ko kasi na dito siya magcelebrate. May ibibigay pa naman ako sa kanya.
Umiling si Tita, “I don’t know either. Besides he doesn’t care about it. Why?” umiling na lang ako at kumain na.
“So now tell me what happened? Umiyak ka ba?” napatingin ako kay tita at napayakap na lang sa kanya at napaiyak na naman.
“I can’t find it!” nagtataka yung mukha ni tita nung sinabi ko yun. The tears went to fall again.
“Can’t find what?” at iyon sinabi ko ang nangyari na nawala ang necklace ko na may singsing na bigay ni Koko.
Buong gabi ako kinomfort ni Tita hanggang sa makatulog ako. Ang bait niya talaga sa akin. Buti pa siya. Sana ganito din si Dad sa akin. Hindi puro sermon, panglalait at pasa na lang ang natatamo ko sa kanya.
Finally, dumating na ang araw ng presentation. Partly excited at partly nervous ang darama ko. Natatakot kasi ako sa pwedeng mangyari. Di kasi mawala sa isip ko ang nawawala kong kwintas at, oo nga pala yung party sa bahay ni Mr. Tan. Nagpromise pa naman ako kay Sir na focused na ako, pero tuwing maaalala ko yung tungkol dun baka mawala yung focuse ko at magkalat sa harap. Kinausap ko si Tita at sabi niya siya na lang daw bahala dun… sana nga Tita!
Maaga akong pumasok kahit excuse naman kami dahil sa presentation. Siguro 2pm ako dumating sa school kahit 6:30pm pa ang start ng presentation. Di naman sa excited pero umaasa akong mahanap ko yung kwintas ko. Yung sa party di ko na muna pinoproblema sabi ni Tita siya na bahala roon. Si Tita Chiqui nagpromise na manunuod daw siya. Kasama niya sila Manang, Kuya Rigs, at yung iba pang kasama sa bahay. Kakaiba kasi si Tita, gusto niya raw akong bingyan ng FULL COMBAT SUPPORT. Sila Louise din nagpromise na manuod. Di daw kasi nila pwedeng palampasin ang second presentation ng Guild for this year lalo pang ako daw ang bida. Kaka-flattered talaga sila. Sila Sam din nagpromise na manunuod. Pati sila Ms. Lopez kasama at pati si Sir Cruz. Nakakatuwa nga eh. Pero isa ang inaasahan kong manuod… si Mico. Sana manuod siya! Gagalingan ko pa lalo kung makakarating siya para manuod.
Ilang oras na ako naghahanap sa kwintas ko pero wala talaga. Nalibot ko na ang buong Audi pero wala talaga. Nawawalan na ako ng pag-asang makita siya. Paano ako makikilala ni Mico este ni Koko kung wala yun? Hay… di pa naman ako sure kung siya nga yung long lost friend ko eh. Tumingin ako sa watch ko nang mapansin kong 5:00 na! kailangan ko na talagang tigilan ang paghahanap dahil kailangan ko nang maghanda.
This is it! Malapit na magsimula ang palabas! Excited na ako. Nandito na kami sa backstage at nagpe-prepare na kami. Sumilip ako sa may kurtina at nagulat ako sa nakita ko. ANG DAMING TAO! Napuno namin pati second floor ng auditorium. So that means mahigit 1,500 na katao ang manunuod sa amin. Kinabahan tuloy ako. Pero di ko na lang inisip yun. Ang mahalaga mag-focuse ako. Nag-sign of the cross ako para i-guide Niya ako.
“Good Evening to everyone! Thank you for saving this night for this one of the most awaiting presentation of the year here in SMU. I won’t take it any longer because the wait is over. Ladies and Gentlemen… let us now witness the SMU’s Performing Arts Guild.” Narinig kong nagpalakpakan na ang mga tao. This is it Kaith! Kaya mo yan! Go, go, go! At nagbukas na ang kurtina at nagsimula na magsilabasan ang mga artists…
Pumunta na ako sa stage na dala-dala ang confidence. Binuhos ko ang buong makakaya ko para rito. Nakita ko sina Tita na very proud at supportive sa akin. Mukhang kinukunan niya pa ako ng video. Si Tita talaga. Si… Si Mico kaya nanuod? Sana nakita niya yung show… Mahigit three hours din ang tinagal ng presentation. Nakakatuwa! Successful ang show! Pumasok na kami lahat sa backstage.
“I’m very proud to all of you PAG members! Ang ganda ng mga feedback sa atin especially sa lead actress natin na si Kaith!” naka-smile na sinabi sa amin ni Sir. Ako naman napayuko.
“Thank you Sir!” ang tanging nasabi ko.
“Ok, so starting on Monday,wala muna tayong meeting. Magpapatawag na lang ako after kong makaisip ng magandang theme para sa next project natin. So that’s all members.. makakapagrest na kayo. Again, CONGRATULATIONS!” at umalis na si Sir.
Pumunta na ako sa dressing room para makapagpalit…
“Kaith! Congrats sa atin!” bigla akong niyakap nila Ate Kat at Ate Pau. Co-members ko sila na nasa college na. First year. Kahit kasi graduate ka na ng high school pwede ka pa rin or rather member ka pa rin pag-akyat mo ng college basta SMU pa rin ang school mo. Kaya nga ako, umaasa pa rin na maging member pa rin ng guild kahit na extra na lang ang role basta makapag-perform pa rin.
“Oo nga ate…” nakangiti kong sabi.
“Balita ko, sa’yo raw ibibigay ni Sir yung last and biggest presentation ng PAG para sa taon na ito ah. Congrats! Deserve mo yun.” Hah? May ganun ba dapat?
“Talaga? Pero wala pang sinasabi si Sir regards dun.” Napa-akbay si Ate Pau sa akin.
“Mas mabuti na ikaw ang makakuha ng role kesa sa walang K na si Sabrina” natawa silang dalawa. Ako naman napangiti.
“Sige na magbihis na tayo.” At iyon na nga nagbihis na kami.
After ko magbihis lumabas na muna ako ng audi at umupo sa may stairs sa harap ng entrance door. Ayoko pang umuwi eh. Habang nagmumuni-muni ako sa labas, napatingin ako sa langit. Ang daming stars. Mom, nakita niyo po ba ang presentation? Sana po proud po kayo sa akin. Kung si Dad po siguro ang makakapanuod nun, sigurado po akong di niya makukuhang tapusin yung show at papakaladkad niya ako sa mga tauhan niya.Yun ang nasabi ko habang nakatingala sa itaas. Napangalung-baba na lang ako habang nakatingin sa sapatos ko. Nakatulala. May narinig akong pagbukas ng pinto pero di ko na lang pinansin, parang ayaw gumalaw ng katawan ko.
“Anong ginagawa mo dito?” sino yung nagsalita? Kaya lumingon ako sa bandang kaliwa ko… totoo ba itong nakikita ko? si…
“Mico? Alam mong nandito ako? I mean anong ginagawa mo dito?” napangiti siya at naupo sa tabi ko.
“Hindi, lumabas lang ako. Out of place kasi ako sa loob. Masyadong busy kasi yung tao sa loob sa mga gumanap. Hinahanap ka nga ng karamihan dun.” Napatingin ako sa kanya. napangiti ng di namamalayan.
“Nanuod ka pala. Akala ko kasi di mo alam ang tungkol dito. Buti nakarating ka.” Tumango siya at napa-smile.
“Ah oo. Ininvite kasi ako ni Sab. Actually akala ko siya yung gaganap na lead actress sa play niyo, di niya kasi binabanggit na may mas MAIN pa pala sa kanya. Parati kasi niyang sinasabi na bida raw siya. Ngayon ko lang nalaman na ikaw ang talagang main character at infairness sa’yo magaling ka umarte. Di nagkamali na ikaw ang pinili nila.” Nagblush ako sa sinabi niya at napangiti unconsciously.
“Ah, ganun talaga siya. Masanay ka na lang… naku, di naman.” Napatingin siya sa harap niya.
“Alam mo, you’re reminding me of someone.” Wee! Ano ba ito! Mukhang nakikilala niya ako.
“Huh? Sino naman?” sumagot ka na agad… excited na ako.
“Wala, nevermind.” Hay naku binitin talaga ako.
“Sige na sabihin mo na.” nakakainis talaga ito.
“Malalaman mo rin. Sige na pumasok ka na maraming naghahanap sa’yo sa loob.” Umalis na siya papauwi. Kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko at papasok na sa loob.
“KEEP IT UP TIYAN!” anong sabi niya? Ti…Yan? Isa lang naman pwedeng tumawag sa akin nun. Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko siyang tumakbo na palayo.
“SAN-dali lang.” di ko na siya napigilan. Nakalayo na siya! Nkakainis! Wala pa namang pasok bukas para matanong ko siya!! Grr.
Pumasok na ako sa loob. Di pa rin naaalis ang sinabi sa akin ni Mico. Alam niya na kaya na ako si… hay sana sana…
“Miss Kaith?” natauhan ako dahil medyo shinake ako nung nasa harapan ko. Di ko sila kilala pero nakikita ko sa mga mata nila na masaya sila sa play na napanuod nila.
“Sorry. What is it again?” grabe out of this world ako! Si Mico kasi binibigla ako eh. “Miss Kaith ang sabi ko po ang galing galing mo talaga!” napa-smile ako.
“Thank you sa panunuod ah.” Nag-smile na lang ako.
“Oo nga… no doubt ikaw ang pinakamagaling na stage actress na nakita ko.” hinawakan niya ang kamay ko at medyo analog dahil sa tuwa niya.
“Ah ganun ba? Thanks talaga ah.” Grabe nagba-blush na ako ah.
“IDOL!” napalingon ako sa likuran ko.
“Nick? Nandito ka rin? Anong ginagawa mo dito?” naku, nandito pala si mokong!
“Bakit masama bang manuod? Maganda sana yung play kaso ang pangit ng bida.” Napanganga ako sa sinabi niya. ako ba ang pinaparinggan niya?
“AKO BA ANG TINUTUKOY MO?” naku, nag-uumpisa na naman siya!
“Bakit may iba pa bang bida maliban sa’yo? Saka pwede ba huwag kang sumigaw, masira pa magandang impression nila sa’yo.” Napabungis-ngis siya. Kainis talaga!
“Sa lahat ng nakausap ko, lahat sila magaganda ang feedback na sinabi nila sa akin. Kung ikaw ang kaisa-isang tao ang manlalait sa akin pwes hindi conclusive ang mga comments mo! Umalis ka na nga sa harap ko. You’re ruining my night!” tumalikod na ako at siya naman tumatawa. Lumingon ako ng bahagya sa kanya habang tumatawa pa rin siya papalayo sa akin.
“KAITH!!!!” I’m sure si Sam ito. Lumingon ako sa right side ko nang nakita ko siya papalapit sa akin. Sabi na eh.
“Oh?” Niyakap nila ako ni Dara at nagtatalon.
“Ang galing mo talaga friend! Tama talaga ang desisyon naming pagpilit sa’yo sumali sa guild!” dalawang ito talga ang iingay. Nag-smile na lang ako sa kanila.
“Hija!” si Tita! Niyakap niya ako. Niyakap ko na rin siya.
“I’m very proud of you! Congratulations!” kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at nagsmile.
“Thanks po Tita.”
“If only your Dad can see this…” napayuko ako sa sinabi niya. kahit naman makita ni Dad ito alam kong di niya maaappreciate ito.
“Let’s go? It’s getting late.” Napalingon siya sa may right side niya at nakita niya sila Sam na nakatingin sa amin.
“Oh, girls, nandito pala kayo. How are you both?” napangiti yung dalawa.
“We’re fine Tita.” Napatango si Tita.
“You can visit us sometime… ipaghahanda ko kayo ng masarap na desert.” Nagtatalon naman sila Dara.
“Really Tita. Sige po tomorrow pupunta po kami sa house niyo.” Natawa sila Tita pati ako. Di excited huh.
“Of course anytime. After class tomorrow. You can spend the rest of the day in our home.” Napangiti na lang kami.
“Sure Tita. Tomorrow po. Di ba Sam?” Siniko-siko ni Dara si Sam kay napatingin na lang si Sam kay Dara.
“Ah-eh… Sige na nga.” Nagtatalon si Dara sa tuwa.
“Ok, I’ll expect you to come tomorrow.” Ayun at ang bilis ng tango ni Dara kay Tita.
“Tita, if you don’t mind…” nahihiyang tanong ni Sam.
“What is it?” tanong ni Tita.
“Ahm… can you bring me home? Wala po kasing susundo sa akin. Si Manong Tats po kasi naghalf day lang kaya wala po kaming driver. Sinabi kop o kala mommy na sasabay po ako sa inyo ni Kaith kung okay lang po.” napakamot si Sam ng ulo dahil sa hiya.
“Of course you can. Ikaw pa malakas ka sa amin.” Napapalakpak sa tuwa si Sam.
“Oo nga naman, ikaw pa. wag ka na mahiya.” Sabi ko.
“Ikaw Dara may sundo ka ba?” tanong ko sa kanya.
Tumango siya, “Opo, ihahatid po ako ni Jim. Thank you na lang po” Napatango ako.
“Sige ingat kayo sa pag-uwi.” Napatango siya sa akin
“Let’s go?” tanong ni Tita. Kami tumango na. medyo pagod din kami eh.
Pagdating sa bahay nagulat ako sa nakita ko. Pati si Tita! Dad is home! Patay!
Naabutan namin siya na nakaupo sa sofa at mukhang hinihintay talaga kami. Napalunok na lang ako
“Kaitherine, where have you been?” tanong niya sa akin habang nakatitig sa akin.
“Ahm…” napatingin ako kay Tita… anong sasabihin ko?
“Ahm, sa party ni Mr. Tan! Sabi mo small gathering lang yun eh, engrande nga eh!” sagot ni Tita para sa akin. Halatang pinagtatakpan niya ako.
“SINUNGALING! IKAW BA TINATANONG KO HAH?!” tumingin sa akin si Dad at galit na siya! “Halika nga dito! Ako talaga sinusubukan mo noh?” hinawakan niya yung braso ko ng napakahigpit! Naiiyak na ako sa sakit.
“Dad! Tama na po! Nasasaktan po ako!” nagmamakaawa kong sinasabi sa kanya.
“ANO BA BITAWAN MO ANG ANAK MO! NASASAKTAN NA SIYA!” pigil ni Tita. Pero di nagpaawat si Dad! Desidido siyang saktan ako.
“WAG KANG MAKIALAM DITO ATE! ANAK KO SIYA AT MAY KARAPATAN AKO KUNG ANONG GAGAWIN KO SA KANYA!” dinala niya ako sa isang room at dun na niya binuhos ang galit niya…
I thought that’s the end of my life… that’s the worst treatment I ever received from him so far! CHAPTER 5:

“KAAAAIIIIITTTHHH!!” sino namang nanggigising sa akin ng ganito kaaga? Pagmulat ko ng mga mata ko sumambulat sa akin yung mga mukha ni Dara at Sam. Grabe, ang aga mambulabog nila Dara dito. Teka may pasok pala…
“ARAY! Wag niyo akong hawakan please?” daing ko sa kanila.
“Bakit? Sungit mo naman! Gising ka na! Male-late na tayo, bilisan mo!”
Kahit masakit ang katawan ko pinilit kong tingnan ang alarm clock. 6:30 na pala… Teka 6:30? 6:30 ng umaga pa lang??? Nagulat ako! Napaupo ako sa kama dahil sila din nakaupo na at din a ako makakatulog kasi sira na tulog ko.
“May pasok nga pala! Sandali lang” bakit ganun, ang hirap bumangon. Ang sakit ng katawan ko.
“KAAIITH! Anong nangyari sa katawan mo? Ang dami mong pasa! ” Tiningnan sinubukan nilang hawakan yung mga bruises ko sa katawan.
“Aray! Wag niyo hawakan please… parang awa niyo na!” alalang alala yung dalawa sa akin…
“Alam na ba ng Dad mo yung tungkol sa guild kaya ka nagkaganyan?” umiling ako.
“Hindi pa…” nanghihina kong sinabi
*knock knock*
“Pasok po.” Sabi ko.
“Ka--” si Tita pala. Mukhang nagulat siya kala Dara.
“Nandito na kayo? Maaga pa ah!” tiningnan ako ni Tita “Yan ,di ka muna papasok ngayon ah. Di mo kaya.” Sabay kuha ng first aid kit na kanina pa pala niya dala.
“Pero Tita…” kumuha siya ng bulak at ng antiseptic (betadine)
“Wala ng pero pero! Di ka nga makabangon ng maayos eh. Magpahinga ka na lang. Napakawalang hiya talaga ng tatay mo! Kung di ko pa siya nasaktan gamit ang bag ko di ka niya tatantanan kahit wala ka ng malay ” tumingin siya kala Sam “Pumasok na kayo, baka ma-late kayo, pakisabi na lang na di makakapasok itong si Kaith, pakisabi na lang may sakit” nakita kong nag-smile siya.
“Ahm Tita, sige po.”
“Babalik na lang po kami mamaya para kamustahin si Kaith.”tumango si Tita.
“Kaith…” Malungkot yung mukha nila at halatang nag-aalala sa akin…
“Ok lang ako… wag na kayong mag-alala. Sa Monday na lang ako papasok.” Iyon na lang ang sinabi ko para din a sila mag-alala pa.
“Ahm sige, papasok na kami.” Nagpaalam na sila at nangakong babalik after ng class.
Pagkatapos gamutin ni Tita ang mga sugat ko, pinagpahinga niya na ako. Ginigising niya lang ako kung kakain na saka kapag lalagyan niya ulit ng gamot yung mga sugat ko. di ko rin namalayan yungtakbo ng oras. Parati kasi akong tulog dahil na rin siguro ayokong makaramdam ng sakit dahil sa mga sugat ko.
Di nagtagal dumating na sila Dara sa bahay at dumiretso sa kwarto ko…
“Kaith, kamusta na? ok ka na ba?” tanong ni Sam sa akin.tumango naman ako kahit medyo masakit pa katawan ko. Ok na rin yun para din a sila mag-alala.
“Alam mo ba hinahanap ka ni Mico kanina… saka ni Nick!” chismis sa akin ni Dara. Si Mico? Hinanap niya ako? Ang saya naman!
“Talaga? Bakit daw?” nagkibit-balikat siya. Kainis naman! Bitin! “Ui Kaith, ano ba kasing nangyari?” nag-aalalang tanong ni Sam
“Ahm, di kasi ako nakapunta sa party kagabi na binilin ni Dad, kasi nagkasabay yung play eh. Kaya ayun. Pero ok lang. di naman masyadong masakit eh” napailing yung dalawa. Hay ok Kaith, lier ka!
“LIER! Anong hindi masakit? Sabi ni Tita Chiqui kulang na lang yata di ka na huminga para lang maawat siya sa kakabugbog sa’yo!” napayuko na lang ako. Daig pa kasi nila yung nanay kung tumalak!
“Tapos sa itsura mong yan? Di masakit? Isang sugat nga lang ang magkaroon sa akin nasasaktan na ako yan pa kaya?” napapailing na sinabi ni Sam
“Oo na! Nagsinungaling ako na di ako nasaktan. Pero kailangan ko na lang sanayin ang katawan ko dun.” Hay… kahit gaano kasakit, titiisin ko dahil umaasa pa akong mamahalin niya ako bilang anak.
“Tama na nga yan next topic na lang!” tumango naman ang dalawa.
“Oo nga pala KAith, congrats ulit sa kagabi ah… best actress ka talaga!” kagabi pa yan ah…
“Kagabi niyo pa ako kino-congratulate eh.” Nakangiti kong sinabi.
“Teka nga lang. Saan ka ba galing after ng play? Tagal ka naming hinanap.” Hay si Dara talaga.
“Nagbihis na ako. After nun lumabas na muna ako. And guess what??! May nangyaring maganda!” nagulat silang dalawa kaya lumapit sila ng kaunti sa akin.
“Kwento mu na!! Dali!” ito namang si Sam basta balita hindi nagpapahuli.
“Nakapag-usap kami ni Mico nung gabi ng play!” nagulat yung dalawa sa kinuwento ko.
“ANO?! TAPOS?” sabay pa talaga sila.
“Sabi niya ang galing ko raw tapos sinabi niya pa na may naaalala raw siya sa akin… tinanong ko siya kung sino pero di niya sinabi tapos may hindi ako makalimutang sinabi niya sa akin… sinabihan niya akong ‘keep it up, tiyan’, ang tanging tumatawag lang sa akin nun si Koko… sa tingin niyo may hinala na rin siya na baka ako yung kababata niya?” nakangiti habang nakatingin sa kawalan habang sinasabi yun…
“Grabe! Nakakainis! Sana nandun kami sa scenario na yun! Sa Monday tanungin mo siya hah?!” niyugyog ako ni Sam para siguraduhin na gagawin ko yung sinabi niya.
“Oo na… tatanungin ko… kaso paano ko sisiguruhin na ako nga si Yan-yan na kaibigan niya nung nursery?” napasalong-baba ako. Naalala ko kasi na nawawala na yung singsing ko…
“Edi yung singsing na binigay niya.” sabi ni Dara habang painom ng juice na hinanda ni Manang.
“Eh ang problema nga nawala ko yung singsing eh…” nasamid si Sam sa narinig niya dahil umiinom din siya nun.
“ANO?!” nanlaki ang mata ni Sam sa narinig niya.
“Paano nawala?!” tanong naman ni Dara sa akin.
“Nung isang araw nung rehersal namin. Inilagay ko kasi yun sa may salamin kasi hinubad ko muna para di sagabal sa pagbibihis ko. Tapos nung bumalik na ko wala na roon. Tanging hikaw at relo ko na lang ang nakita ko. Hinanap ko naman yun. Sinuyod ko ang buong audi pero wala akong nakitang singsing.” Napailing na lang ang dalawa, ako naman di ko alam ang itsura ko. Parang di maipinta.
“Paano ngayon yan?” napakibit-balikat na lang ako dahil ako mismo di ko alam ang gagawin ko.
“Ganito na lang, sa Monday kapag natanong at nakausap mo na si Mico at napatunayan mong siya nga si Koko at tinanong ka kung nasaan yung singsing sabihin mo di mo na sinusuot kasi maliit na sa’yo. Idescribe mo na lang ang itsura niya.” tinaas-taas ni Dara ang kilay niya… wala na talagang pwedeng gawin kundi ang sinabi talaga ni Dara.
“Oo, sang-ayon ako sa sinabi niya Kaith. Yun na lang talaga ang paraan para magkakilala kayo.” Napabuntong hininga na lang ako.
July 5, Monday:
Maaga akong naghanda para sa pagpasok. Nagulat si Tita dahil di niya na ako nakuhang gisingin o puntahan sa kwarto. Kumain na agad ako ng breakfast.
“Yan, kumain ka ng marami. Sure ka bang ok ka na? Gagabihin ka ba ngayon?” tanong ni Tita sa akin. Tumango ako para isagot sa kung ok na ako.
“Hindi po. Wala po muna kasi kaming meeting or practice sa guild. Hintayin na lang daw po naming yung announcement ni Sir.” Tumango si Tita.
“Buti naman.” Madali ko nang tinapos yung pagkain ko at madali nang umalis.
“Tita alis na po ako. Bye!” kiniss ko na siya sa tapos sumakay na sa sasakyan.
Maaga ako dumating ng school. Medyo halata pa rin yung ilang sugat na nakuha ko pero mas ok na ito ngayon keso nung Friday. Effective kasi yung gamot na nilalagay ni Tita. Naabutan ko lang sa room, yung tropa ni Nick na sila Marco at Vince.
“Kaith congrats nung Thursday night ah. The best ka talaga!” salubong sa akin ni Vince.
“Thanks.” Nagsmile ako sa kaniya. Kahit mahiyain si Vince alam ko mabait yan. Di kami close pero alam ko mabait siya. Minsan lang kasi kami mag-usap. Actually iilan lang sa room ang nakakausap ko. hindi ko alam kung nahihiya sila na kausapin ako.
“Anong-?” hahawakan n asana ni Vince yung mukha kong may part na may pasa pero itinulak ko yung kamay niya.
“Wala ito, nabunggo lang ako.” Sagot ko.
“Oo nga. Pagpasok nga namin dito nung Friday at kanina marami na ang naghahanap sa’yo, eh nung Friaday kasi absent ka diba saka ngayon akala namin male-late ka ng dating kaya sinabi naming mamaya ka pa.” dagdag ni Marco.
“Ganun ba? Yun nab a talaga yung impression ko? ang pagiging LATE?” natawa sila sa akin.
“Di naman! Minsan naman maaga ka pumasok tulad na lang ngayon.” Nagtawanan kaming tatlo.
Pero di nagtagal dumating na rin ang laging naninira ng araw ko… hay, di ko siya pinapansin. Kasi kapag pinansin ko masisira na ng tuluyan yung araw ko.
“Oh Pare nandito ka na pala” salubong ni Marco kay Nick habang papasok ng room. Tiningnan niya ako pero bigla kong iniwas yung tingin ko sa kanya.
“Aga mo ah.” Nangingiti niyang sinabi habang nilalagay ang bag niya sa may upuan niya sa tabi ko. din a lang ako umimik sa sinabi niya. pakialam niya ba kung maaga ako ngayon. Hinawakan niya yung noo ko…
“O, hanggang ngayon ba naman may sakit? Aga mo kasi eh… Ano kaya nakain mo? Teka ano yang nasa pisngi mo?” naku, nakita pa! kung sa bagay, halata naman kasi pag malapitan eh.Nakakainis ah. Agad kong inalis yung kamay niya sa noo ko at tiningnan siya ng masama.
“Pakialam mo ba kung maaga akong pumasok?! Saka pwede ba mind your own business?” kakainis siya ah!
“O, sungit mo naman! Araw araw ka bang meron ah?” natawa siya! Grabe! Nakakahiya! Ako pa lang naman ang babae ditto! Ang kapal talaga ng much niya!
“Tigilan mo na nga ako! Buwisit ka talaga ng buhay ko noh?!” napailing siya at umupo na sa tabi ko! unfortunately, sinisiksik niya ako… at ayun na nga nahulog na ako sa kinauupuan ko. naku! Di pa nga masyadong ok yung mga bugbog ko madadagdagan pa yata.
“MR, NICK ALVAREZ! KUNG WALA KANG MAGAWA PWEDE BA WAG MO KONG GULUHIN AT HUMANAP KA NA NG MAPAGTI-TRIPAN MO! KASI NAKAKAIRITA KA NA EH! BUWISIT!” sinabi ko sa kanya ng galit na galit.
“Woa! Easy lang…” inakbayan niya ako na pilit ko namang inaalis at pilit niyang binabalik. “Ikaw naman di ka na mabiro… I’m just glad na nakita kita agad.” Grabe! Nakita ko pang nag-wink siya sa dalawa na sina Marco at Vince, tumawa naman sila. Kapal talaga ng mukha!
“Ui si Miss Kaith oh! Dali puntahan natin.”
“Oo nga noh… tara lapitan natin.”
“Oh, Miss Kaith ang dami na ng mga taga-hanga mo sa labas oh… mga nakasilip.”tiningnan ko muna yung buwisit na lalaki nay un na mukhang nang-aasar pa. Tumingin ako sa may pinto. HALA! Nagulat ako. Ang dami nila sa labas. Nagsisiksikan pa.
“Pwede po bang makausap po si Miss Kaith?” nakikiusap yung isa kay Vince na malapit sa may board at nakaupo sa may teacher’s table.
“Kaith, harapin mo na itong mga ito.” Grabe naman… nakakahiya.
“Wow ang daming tao sa labas. Di ako makapasok agad.” Si Sam dumating na! buti naman.
“Oo nga, sino bang hinahanap nila?” si Dara rin. Magkasabay sila?
“Sino pa ba, edi yung bida sa play nung isang araw.” Sagot ni Marco.
“Oh, Friend ikaw pala ang hinahanap. Puntahan mo na para umalis na.” nakakahiya eh.
“Nahihiya ako eh.” Lumapit sila sa kinauupuan ko.
“Bakit naman?” tanong nila.
“Ngayon lang ako nakakita ng ganyan karaming tao na gusto ako makausap.” Hinawakan ni Sam ang likod ko.
“Sikat ka kasi kaya ganyan sige na puntahan mo na.” tumayo na ako para lapitan sila. Nahihiya man akong lumapit pero pinilit ko mag-smile sa kanila kahit pulang-pula na ang itsura ko sa hiya.
“Hello… pasensya na ngayon lang ako lumapit. May kailangan ba kayo?” ano ba nasabi ko. di ko kasi alam kung paano humarap sa kanila.
“Wala po, gusto lang po naming sabihin na ang galing galing niyo po nung presentation. Hangang-hanga po kami sa inyo.” Napa-smile na lang ako.
“Ganun ba? Salamat hah…” wala talga akong masabi. Pero tulad nila Vince at Nick, napansin din nila yung pasa ko sa pisngi, ang sabi ko na lang nabunggo ako sa kung saan, halatang nag-aalala sila sa akin.
“Nga po pala, sana po kahit na graduate na kayo ng high school wag niyo pong kakalimutan na susuportahan ka pa naming. Kaya wag po kayong aalis sa guild.” Napakamot ako ng ulo. Grabe ang dami nilang nagustuhan ang presentation.
“Ganun ba? Maraming salamat talaga hah. Di ko ineexpect na lahat kayo magugustuhan ang presentation. Thanks a lot!” nag-smile ako sa kanila.
“Wala yun. Kung katulad mong isang magaling na performer ang nagpresent eh talagang lahat magugustuhan yun. Maganda ka pala talaga sa malapitan. Di lang magaling at maganda, mabait pa.”
“Oo nga.” Sumang-ayon sila sa sinabi nung isang guy.
”Ahm, sige na. magta-time na rin. Thanks sa oras ah… tara na guys, balik na sa room.” At isa-isang umalis.
Naabutan kong paparating na si Mico. Biglang lumakas ang pintig ng puso ko nung nakita ko siya. Napapasmile na lang ako… nang malapit na siya sa may pintuan agad akong lumayo para di mahalata...
Waaaaaahh! Nakita ko silang dalawa ni Sab… sabay pumasok. At yung kamay nila magkahawak! Bakit???
Agad akong bumalik sa desk ko. silang dalawa naman pumunta sa harap. Mukhang may sasabihin.
“Dear classmates… anyone who has an idea kung bakit nasa harap kami ngayon ni Mico?” ano na naman kaya ang pakulo nitong impaktang ito. Lahat nag-ilingan. Lahat walang ida kung bakit sila nasa harapan.
“Alright, if so, I am proud to say to all of you na me and Mico are having a relationship.” Ano daw? Relationship? Ano naman kaya? Malamang friends simula last week.
“If you’re thinking na friend relationship lang ang meron sa amin, pwes you’re wrong, Mico beside me is already my boyfriend.” ANO?! Ang daming nagbulung-bulungan tungkol sa balita. NO! Hindi pwede! Bakit napaka-bilis naman yata!
“I think you’re all shocked about the news kasi mukhang mabilis ang mga pangyayari but, the truth is, may nadiscover kami sa isa’t-isa about sa past namin. So di na namin pinalampas ang pagkakataong maging kami.” I don’t get it! Bakit ganun? Lumapit si Sam at may binulong sa akin.
“Ano yung tungkol sa past nila? Ang alam ko kayo ang may past hindi silang dalawa.” Tama si Sam, pati ako di ko maintindihan si Mico. Akala ko ba may idea na siya na ako si… ang gulo talaga.
MICO GOMEZ:
Nakita ko si Kaith na gulat na gulat sa balitang ikinalat ni Sab sa room. Teka, bakit may pasa siya sa pisngi niya? Napaano siya? Hay… Sa totoo lang parang magulo ang sitwasyon. Akala ko siya kasi yung kakilala ko dati pero nagkamali ako. Nahihiya nga ako sa kanya nung gabi ng presentation kasi nasabihan ko siya nung usual na sinasabi ko dati.
FLASHBACK:
“Keep it up, TIYAN!” yun ang huling sinabi ko sa kanya. nung una pa lang ang gaan na ng loob ko sa kanya kasi parang ang tagal ko na siyang kilala. Kahit unang pag-uusap namin, she is reminding me of someone.
Sana siya yun dahil may three reasons ako kung bakit siya ang hinihinala kong si Yan-yan yung kababaa ko dati. First her looks, kamukhang kamukha niya si Yan-yan though gumanda siya lalo. Second, the way she acts. Parang si Yan-yan… at yung third, yung smile niya. sweet pa rin siya mag-smile. Pero kailangan ko pa ng isang proof para mapatunayan na siya nga yung taong hinahanap ko. Sana nasa kanya yung singsing na binigay ko sa kanya.
Tumakbo ako papalayo after nang pagkakasabi kong iyon, mukha ngang nagulat siya. Mukhang may sasabihin siya dahil nakuha niya pang tumakbo pababa ng hagdan para habulin ako. Mukhang tama ako ng hinala ah. Sana siya nga iyon. Dahil nakatingin ako sa likuran ko dahil sa kanya di ko napansin yung taong nasa harapan ko at nabunggo ko siya.
“Ouch!” nku lagot.
“Sorry miss di ko sinasadya.” Inangat niya yung ulo niya.
“Mico?” huh? Mukhang si…
“Sab! Ikaw pala. Pasensya na, di kita nakita.” Napapakamot ako ng ulo ko sa hiya.
“It’s ok. I’m fine. Pumunta ka ba sa presentation?” tumango ako.
“So what can you say about my performance?” naupo kamu sa bench malapit sa lugar kung saan ko siya nabunggo.
“You’re good at acting. Congratulations.” Napatango-tango siya.
“I know. Dapat nga ako yung lead character eh. Kaso yung napili ni Sir sipsip sa kanya kaya napili siya.” Si Kaith ang tinutukoy niya.
“Magaling naman talaga siyang umarte. I think she deserves the role. She delivered it well.” Nagpout at umirap siya.
“That girl? Deserves a role like that?” napailing-iling siya. Napansin kong nangangati yung leeg niya, panay niya kasi kinakamot.
“Anong makati sa’yo?” napatingin siya sa akin.
“Huh?” napatingin siya sa suot niyang kwintas. “Ah, siguro because of this necklace, di kasi ako sanay magsuot ng mga necklace na ganito. It’s so cheap.” Hinubad niya yung suot niyang necklace.
“Pwede ko bang makita?” tinanong ko kung pwede. Na-curious lang ako sa pendant parang familiar.
“Sure, kung gusto mo sa’yo na, nakuha ko lang naman yan sa isang walang—“ nagulat ako sa pendant ng necklace! Bakit—
“IKAW?” nagulat yata siya sa tanong ko.
“What do you mean?”
“Yan? Ikaw ang hinahanap ko!” napayakap ako sa kanya dahil sa tuwa ko.
“Wait, wait. Ano ba sinasabi mo?” nagtataka niyang tanong sa akin.
“Di mo maalala? It’s because of this! Yung singsing na binigay ko sa’yo nung mga bata pa tao. Meron din ako ng ganitong ring.” Inangat ko ang legs ko at tinaas yung pants na suot ko. pinakita ko sa kanya yung ring ko na ginawa kong anklet dahil din a kasya sa akin.
“…” mukhang speechless siya.
“It’s ok, you don’t need to say anything. Ang mahalaga nakita na kita. Yan?” napayakap ako sa kanya.
“Yan? Nevermind… Ah, ok, I remembered it na! It’s nice to see you again after all these years!” napayakap na in siya sa akin.
“I have to say something. Actually matagal na ito… Yan, I like you!” nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.
“Totoo ba ang sinasabi mo sa akin Mico? I like you too!” natuwa ako sa sinabi niya. tumango ako.
“Yeah! Simula pa lang nung una. Gusto na kita. Kaya nga panay ang pang-aasar ko sa’yo nun eh.” Napayakap siya bigla sa akin.
“What are you waiting for? Di na ako magpapaligaw sa’yo dahil starting from this night tayo na. okay?” nagulat ako sa sinabi niya. tumango ako sa kanya…
END OF FLASHBACK
Pero three days after maging kami, nakikita ko na na iba na siya. Parang di ko na siya kilala. Parang marami siyang kaaway. She really has an attitude problem. Kapag kasi lumabas kami, tulad kaninang break, parati niyang pinag-iinitan yung tinder sa canteen. Kapag nasa room naman kami, si Kaith naman. Mainit ang dugo niya kay Kaith. nung tinanong ko siya kung bakit inis siya kay Kaith isa lang sagot niya… Inaagaw niya kasi ang dapat na sa akin. But in fact wala naman akong nakikitang mali sa kilos ni Kaith.
Wala si Sir Cruz kaya nagkwentuhan na lang muna kami…
“Yan, labas muna tayo.” Aya ko sa kanya. bakit ganun parang wala siyang narinig.
“Yan, labas muna tayo!” parang di ko siya tinatawag. Wala siyang response.
“Sab!” agad siyang lumingon.
“Ano ka ba, kanina pa kita tinatawag wala kang imik diyan.” Nagulat siya sa sinabi ko.
“Tinatawag?” napailing ako.
“Oo, Yan ako ng Yan di ka lumilingon.”
“Sorry, di kasi ako sanay na tawagin mong Yan, ang baduy! Sab na lang kasi.” Baduy? Eh yun nga pinapatawag niya sa akin dati eh. Yan-yan nga talaga pinapatawag niya eh pero Yan na lang ang sinasabi ko dahil iba na panahon ngayon.
Ang weirdo niya talaga, di ko na talaga siya kilala. Ibang-iba na talaga siya.
CHAPTER 6
KAITH TORREZ:
Wala masyadong ginawa ngayong araw kasi walang kaming Math ngayon. Pero di na talaga maiwasang may makakita sa “spot of the day” ko sa pisngi… haayy… Nagkaroon kami ng activity ginagawa ngayon. Di kasi pwedeng walang gawin kapag wala ang teacher pero madali naman kaya halos lahat kami tapos na. Napatingin ako sa dalawa… kala Sab at Mico, mukha ngang sila na. Pinipilit nga akong kausapin siya nila Sam pero minabuti ko nang wag na ituloy. Baka mapahiya lang ako. Saka mukhang wala na talagang pag-asa. Ngayon nakaupo na lang kami. Nagkukwentuhan. Di ko pa rin mapigilang wag silang tingnan. Nagseselos yata ako. Kung kalian kasi nakita ko na yung taong nagtatanggol sa akin noon saka pa nawala… matagal ko na siyang hinihintay dahil matagal ko na rin siyang gusto. Pero ganun naman siguro eh, kailangan ko na lang tanggapin.
Lumapit sa akin si… MICO?!! Weee! *tug-tog tug-tog* (heart beats fast!)
“Hi!” wee.. binati niya ako…
“Mico… may kailangan ka?” kinikilig ako!
“Ahm, wala, may tatanong lang ako…” di kaya??
“Ahm ano yun?” wee excited na ako… nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko at hinawakan ito… grabe!
“Napaano itong pasa mo dito?” hay, pati ba naman siya tatanong din yun? Pero ok lang, concern siya!
Hinawakan ko kamay niya at dahan-dahan kong inalis yung kamay niya at humawak ako sa pisngi ko kung saan yung tinutukoy niya “Ah, eto ba? Wala, nabunggo lang ako…” napayuko ako bahagya at napasmile.
“Excuse me…” Si Mam Lopez… ano kayang ginagawa niya dito?
“Kaith, can I talk to you for awhile?” huh? Kakausapin niya kami? Bakit kaya? At kasama ko pa yung walang kwentang lalaking iyun!
Pinuntahan ko na si Mam sa may corridor… pero bago pa ako makarating sa may pintuan ng room, nantisod pa nga ang Mokong! Kainis ito, nakakainis talaga siya!! Buti di ako na-out of balance.
“Mam?” salubong ko sa kaniya.
“I’m glad you came right away. I need to talk to you for some matters…” tumango kami sa sinabi ni Mam.
“Mr. Cruz and some of your teachers suggested that you, Kaith, will be having a tutorial session for Nick.” Napanganga ako sa gulat.
“What Mam?! Siya?!!” napalakas ang pagkakasabi ko…
“Yes, siya. Why, is there any problem? Mr. Alvarez is really having difficulties in academics. Ayaw naman namin matanggal siya sa vasity ng soccer team because he is really a good player. So we, your teachers agreed that through your help, he can improve his grades para hindi siya matanggal sa team, especially malapit na ang competition and mas lalong mawawala ang focus niya sa studies niya dahil sa practice.”
“But Mam, bakit naman po ako?” tanong ko kay mam. Ayoko talagang turuan ang lalaking yun! Ang sama kasi ng ugali!
“Kaith, you are the one who really excel in this class. Hindi naman namin pwedeng isuggest si Miss Young because she is not that responsible for that and you are much better than her. And besides, wala pa naman kayong gagawin for the guild. I hope you can help. It’s not just for him but also for our school. Alam mo namang panay natatalo ang school because of the soccer team ng MTU na pinanggalingan ni Nick. Please… can you do it?” hay ang hirap naman nito! “Kaith? please, pumayag ka na… hindi mo naman kailangan tapusin ang school year para sa tutorial eh, basta maimprove yung grades ni Mr. Alvarez ok na, you can resign as his tutor but kahit hindi pa nangyayari yun, you must do your job, kahit yung ituro mo lang yung mga terms na nahihirapan siya or kahit na sa mga piling subject na may qui kayo… kapag malaki ang naging improvement ni Mr. Alvare we promised you na there will be a good news waiting…” nagsmile si Mam sa akin. Ano ba ito! Sa lahat kasi siya pa ang tuturuan ko… Kaith isipin mo na lang para sa school kung bakit mo kailangan makisama sa lalaking yan…
“Ok Mam, I’ll do it!” hay wala nang urungan ito. Nasabi ko na.
“Thank you! Because of that, you can have your study lessons in the library, I will provide a place where you can make your tutorial session… you’re really a great help! Sabi ko na nga bang hindi ako magkakamali sa pagpili sa’yo.” Hay mam, kung alam niyo lang kung gaano ka-torture ito para sa akin!
“It’s ok mam…” tumango tango si mam.
“Ok, can you start later? After your class? And siyempre araw-araw na yun except for any personal purposes you two have.” Hah? Mamaya na?
“Today na po mam?” tumango si mam.
“Yes, di ba we have a quiz tomorrow and Sir Cruz reminded you that you will also have a quiz on him too? Dapat maturuan mo agad siya especially in Math where he find it difficult.” Napatango na lang ako. Kakainis talaga! Hay naku!
“Don’t worry, nakausap ko na si Mr. Alvarez about this. Magsabay na lang kayo pumunta ng library mamaya ok? Thank you Kaith. Sige na pumasok ka na sa loob.” Haaayyy…
Sa wakas, natapos na ang Physics class… buti na lang at walang quiz kundi madadagdagan ang ituturo ko sa mokong! At ayun na nga… inaayos ko na ang gamit ko para sa makapunta na ng library.
“Kaith, sabay na tayong bumaba.” Aya nila Sam sa akin.
“Sorry di ako pwede, marami pa kasi akong gagawin. Pinakiusapan kasi ako ni Mam Lopez na tutoran yung Mokong!” hay ayan din a tuloy ako makakahang-out! Wrong timing naman! Kung kalian pwede na kami magliwaliw dahil wala si Dad at walang practice saka pa kailangan ko gawin ito.
“Oh? O sige… init ng dugo mo sa kanya baka madevelop ka jan ah!” napatawa si Dara sa sinabi niya. naku NEVER!
“Dara kung magkaganun man, ibig sabihin wala ng lalaki sa mundo! NEVER akong madedevelop dun noh! Saka hinaan mo boses mo, marinig ka pa niyan!” naku, tumawa pa yung dalawa! Uuwi na nga lang nang-asar pa!
Tiningnan ko si Nick na nakikipag-usap sa kaibigan niya. mukhang paalis na yata.
“HOY ALVAREZ! TEKA LANG! MAY GAGAWIN PA TAYO!” sigaw ko sa kanya para pigilin siyang umalis.
“Ano naman?! May gagawin pa ako kaya kailangan ko na umalis” hay! Akala ko ba kinausap na siya ni Mam?
“May tutorial sessions kaya tayo ngayon!” hay naku!
“Hah? Wag mong sabihing—“ nagulat yata ang mokong!
“Di mo alam na ako ang magtuturo sa’yo?” nanlaki ang mata niya.
“ANO?! IKAW?! Sa lahat naman bakit ikaw pa?!” kala mo naman kung sino. Naku!
“Di ko rin ginusto ito! Kaya tara na pumunta na tayo sa library.” Nauna na ako sa paglalakad sa kanya. kahit kalian talaga.

NICK ALVAREZ:
Badtrip naman si Mam Lopez oh! Ang buong pagkakaakala ko teacher ang magtuturo sa akin yun pala… Bakit kasi sa lahat si sungit pa ang napiling magturo sa akin. Ang init init ng dugo niya sa akin baka kainin pa ako ng buhay nun.
Pumunta na kami sa library kung saan may hindi ipapagamit na table para raw sa tutorial. Naku, si sungit nauna pumunta habang ako sinusundan siya. Mukhang badtrip din siya sa suggestion na ito. Pero napag-isip-isip ko rin na okay din naman ito dahil lalo kong mapagti-tripan si Mam Sungit! Hahah!
“Oh magsimula na tayo para maaga matapos!” ang sungit talaga kahit kalian.
“Alam mo bang nasa library tayo?” tinitigan niya ako ng msama sa sinabi ko.
“Anong tingin mo sa akin? Bulag? Siyempre alam ko!” sungit talaga. Parati bang may buwanang dalaw ito?
“Ang lakas mo kasi magsalita! Sungit nito! Dapat maging mabait ka na sa akin para naman ganahan akong mag-aral sa’iyo” ayun kinuha niya na yung mga notebooks at libro niya para sa pagtuturo niya sa akin.
“Oh, pakialam mo ba?! Sa lahat ng mga kalokohang ginagawa mo sa akin magiging mabait ako sa’yo? Asa ka pa! Ayusin mo ang pag-aaral mo kundi, LAGOT KA TALAGA SA AKIN!! Oh… hindi ka man lang maglabas ng gamit mo? Wala ka bang libro, notebook o kahit ballpen man lang?” kakatakot naman ito! Nangangain yata! Katamad maglabas ng gamit… Kailangan pa ba maglabas nun?
“Bakit kailangan pa nun? Magsasalita ka lang naman diyan noh.” Mukhang malapit na yata sumabog ito ah.
“Siyempre naman! May mga seatworks kang gagawin noh! Lalo na sa Math! Hay naku.” Inis na inis na yata sa akin kaya nilabas ko na ang gamit ko.
Nagsimula na siya magturo, habang ako ayun, natatakot kasi kapag may hindi ako nakasagot naninigaw. Hindi siya pinapagalitan ng librarian dito kasi pinagsabihan siya ni Mam na may magtututor ditto kaya kung ano man daw ang strategy niya kailangan daw hayaan. Naku. Lahat ba kami sa kanya. Pero may maibubunga rin palang maganda,dahil mas okay siya magturo kesa sa mga teachers namin.
Sa bawat tingin niya sa mga ituturo niya napapatitig ako sa kanya. may itsura siya. Hindi, maganda siya, lalo na kapag naka-ipit bihok niya. itinali niya buhok niya mukang naiirita at sagabal sa kanya. di ko tuloy mapigilang tititgan siya.
Naggawa siya ng isang ‘seatwork’ daw sa math. Kapag daw tapos na ako sabihn ko raw. Eh naku, paano ko sasagutan ito eh di ko nga ito alam eh. Hay naku. Habang napapatitig ako sa mga numbers na nakalagay…
“Miss Kaith? Anong ginagawa niyo dito?” may nagtanong sa kanya. mukhang college na. natanggal tuloy yung tingin ko sa sinasagutan ko dahil sa nagtanong sa kanya.
“Ah, may study lessons kasi kami.” Sagot niya naman habang nakangiti. Cute pala siya kapag nakangiti. Ang bait sa lalaki, samantalang sa akin hindi!
“Ikaw yung bida nung play di ba?” tumango siya.
“Ang galing mo dun. Usap-usapan nga yung presentation niyo sa college department eh. Ibang klase ka raw.” Tama naman sila eh. Nung napanuod ko yung kabuuan ng play namangha ako eh. Sa totoo lang yung sinabi ko sa kanya kabaligtaran lang na pangit yung bida. Sarap lang niya kasi asarin.
“Ah, thank you sa complement.” At nag-blush naman si sungit!
“Ah, sige di ko na kayo iistorbohin.” Umalis na yung lalaki.
“Aba, nagba-blush ka yata! May gusto ka dun sa kumausap sa’yo noh?” napatingin siya bigla at nawala yung ngiti niya na binigay niya sa kausap niya kanina. Mukhang nabadtrip na naman.
“Wala noh! Kapal nito! Pwede ba, mind your own business hah?! Nandito tayo para mag-aral at hindi para makialam sa kanya-kanyang buhay! Teka tapos ka na ba magsagot diyan?” tanong niya na may inis!
“Paano ko sasagutan ito eh sobrang hirap!” napakamot na lang ako ng ulo
“Kasi, sana sinabi mo agad ng di ka pa nag-effort titigan ito. Halos tunawin mo na eh!” Napasmile siya bahagya. Mukhang may pang-iinsulto siyang pinapahiwatig ah. Sa totoo lang naman may utak naman ako noh, ayoko lang gamitin kasi nakakatamad. MAsyadong boring ang mag-aral at making sa walang kwentang mga teachers.
“Lumipat ka nga ditto sa may tabi ko, nahihirapan ako sa’yo pag diyan ka nakapwesto!” ano? Pinapatabi niya ako? Ayoko nga baka mangagat yan.
“Ayoko nga! Nanlalamon ka ng buhay!” sagot ko sa kanya.
“Anong akala mo sa akin? Aswang? Tara na kasi! Paano mo maiintindihan ito kung ayaw mo pagparticipate diyan?” naiinis na naman yata. Kaya wala akong nagawa kaya lumipat na ako ng upuan.
Tinuro niya na sa akin lahat. Habang tinuturuan niya ako, naaamoy ko siya! Pare ang bango niya! Parang hirap nang iwasan yung amoy niya. nawawala ako sa focus dahil sa pabango niya.
“Hoy! Nakikinig ka ba? Tinatanong kita kung anong sagot dito.” Nku, tinatanong na pala ako ni sungit. Sinagot ko siya, nakatiyamba naman! Sa totoo lang naiintindihan ko yung turo niya kaya may masasagot na ako tiyak sa quiz niyan bukas!
“Oh? Naiintindihan mo na ba? Magsabi ka lang kung may hindi ka pa alam na terms. Ituturo ko na sa’yo” Mabait pala ang babaeng ito. Kung sabagay napatunayan ko na yang bagay nay an nung rehersal nila, yung araw na sinalo niya yung kasalanan ko.
“Saka na yan. Tinatamad na ako mag-aral.” Ayoko pa sanang sabihin yun pero nabore na ako. Kaya ayokong nag-aaral mabilis akong sawaan. “Bahala ka nga! Sa tingin ko tapos na natin yung review. So uwi na tayo.” Huh? Uuwi na? ayoko pa! tiningnan ko yung oras, nagulat ako na mag-6 na pala. Hanep, nakatagal ako ng 3 oras sa pag-aaral? Teka, ano bang pwedeng alibi para di pa kami umuwi? Di naman pwedeng magpaturo pa ako dahil ayaoko na mag-aral. Nick mag-isip ka! Gamitin mo yung chickboy strategy mo…
“Wag muna tayong umuwi.” Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya.
“Teka saan tayo pupunta?” tanong niya sa akin.
“Basta! Sumunod ka na lang!” tama yan Nick. Pasunurin mo siya.
Dinala ko siya sa isang ihaw-ihaw para ilibre kumain.
“Ano yan?” tanong niya sa akin. Mukhang di pa yata sanay makakita ng ganito dahil mayaman.
“Ate isa nga pong isaw.”
“Oh, Nick ikaw pala. Tamang tama nagtatabi ako para sa iyo. Pinagtabi kita ng anim na isaw.” Sabi sa akin ni Ate, suki na kasi ako dito simula nung pagpasok ko ng SMU. Katamad kasi umuwi ng maaga. Iniabot ko sa kanya yung isa. Mukhang di niya alam kung ano yung binibigay ko sa kanya.
“Ano ba yan? Ayoko ngang kunin yan, wala akong tiwala sa’yo” ntawa ako sa itsura niya. diring diri siya at di maipinta ang itsura.
“Wag kang mag-alala, malinis yan… basta tikman mo na lang magugustuhan mo yan.” Kinuha niya yung isaw at tinikman… mukhang nasarapan at kumuha pa ng isa.
“Hmm, ang sarap naman nito. Ano ba ito?” tanong niya sa akin habang kumuha pa ng isa.
“Ahm, basta.” Nakangiti kong sagot. Habang siya inirapan niya ako.
*ring ring* nagring yata ang cellphone niya.
“Hello?” napatingin ako sa kanya.
“Oh Tita napatawag kayo?”
“Opo… nasa school pa po ako. Ahm tatawagan ko na lang po si Kuya Rigs kung magpapasundo na po ako…” napansin kong patango- tango siya na parang nasa harap niya lang ang kausap niya. ako naman iniiwas ko yung tingin ko sa kanya sa tuwing napapatingin siya sa akin.
“Sige po. Bye… see you later.” Binaba niya na yung cellphone niya. tumingin siya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
“Pasensya ka na, tumawag kasi yung Tita ko.” tumango na lang ako. Ano ba naman ang sasabihin ko ko di ba?
“Pinapauwi ka na ba?” tanong ko sa kanya.
“Ahm, hindi naman, tinanong lang kung nasaan ako.” Himala, di masungit ang mga sagot niya.
“Tara maupo muna tayo dun oh.” Tinuro ko yung upuan malapit sa may north gate ng school.
“Teka lang, kukuha ako ng maiinom.” Tumango siya sa akin. Kumuha ako ng sagot gulaman dun sa pinagbilhan ko ng isaw. Napatingin ako sa kanya. parang napakainosente ng itsura niya. Inaamin ko maganda talaga siya. At napakaimposibleng walang nagkakagusto sa kanya. sa totoo lang gusto ko siyang makilala, hindi puro sigaw at busangot ng mukha niya ang nakikita nararanasan ko sa kanya.
Papalapit n asana ako para iabot itong inumin sa kanya pero may lumapit na dalawang lalaki sa kanya. Mukhang taga-hanga rin niya yung dalawang ito, nakipagkamay kasi yung dalawa, tapos tumabi pa sa kanya. teka mukhang may nangyayaing di maganda ah. Nagte-take advantage itong mga ito ah… parang naiilang naman si Kaith sa ginagawa ng dalawa. Di siya nasisiyahan, uncomfortable siya sa kanila.
“ANO BA! BITAWAN NIYO AKO!” napasigaw na siya at umalis na sa kinauupuan. Sinasabi ko nang di maganda ang mangyayari kaya tumakbo na ako papalapit sa kanya.
“Hoy! Tigilan niyo nga siya!” Napatingin yung dalawa sa akin.
“At sino ka naman?!” ang angas ng dating sa akin ng dalawang ito ah.
Lumapit ako kay Kaith at hinawakan ang kamay niya. “Boyfriend niya!” nagulat si Kaith sa sinabi ko kaya nag-wink na lang ako sa kanya. iniamba ko yung kanang kamay ko sa kanila dahil yung isang kamay ko nakahawak sa kamay ni Kaith “Ano? Lalaban pa kayo? Baka maghanap kayo ng bagong mukhang ipapalit sa mga patapon niyong mukha!” napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Kaith para iparating na huwag na siya matakot dahil nandito ako. Buti na lang mukhang natakot yung dalawa kaya umalis na paplayo.
“Ok ka lang ba?” tiningnan ko siya at tinanong ko agad. Napatingin siya sa kamay namin na magkahawak kaya napaalis ko bihla yung kamay ko.
“Sorry.” Tumango siya habang papunta sa bench kung saan nakaupo siya kanina.
“Ah, sandali kunin ko lang yung binili ko.” papaalis na sana ako pero pinigilan niya ako dahil sa paghawak ng kamay ko.
“Wag ka na umalis, dito ka na lang...” Natatakot yata siya…kaya umupo na lang ako at tumango.
“Salamat nga pala ah.” Napatingin ako bigla. Nakita ko siyang nakatingin siya sa akin at naka-smile. Napangiti na rin ako.
“Wala yun! Ginawa ko lang yun dahil may utang ako sa’yo.” Kumunot yung mukha niya, paran di niya alam ang sinasabi ko.
“Natatandaan mo ba yung pagsalo mo sa kapalpakang nagawa ko nung araw ng rehersal niyo?” napabukas yung bibig niya na parang alam niya na yung sinasabi ko.
“Ah oo. Natatandaan ko na.” napangiti siya.
“Mabait ka pala noh?” napatingin siya sa akin bigala tapos nagpout siya.
“Mabait naman talaga ako noh. Kaya mali lang kasi impression mo sa akin dahil sa mga panti-trip mo!” sagot niya sa akin. Natawa naman ako sa sinabi niya.
“Alam mo ba kung ano ang kinain mo kanina?” nakangiti kong sinabi. Kapag nalaman niya kung ano yung kinain niya baka isumpa niya na ang pagkain nun. Umiling siya at mukhang desidido siyang malaman.
Natawa na lang ako ng malakas “Bituka ng manok yun. Large intestine to be exact!” nagulat siya sa nalaman niya.
“WHAT?!!!! YUUUCCKKK!! Sabi na nga ba eh! Kaya wala akong tiwala sa’yo eh!” dinuro-duro niya ako… natatawa ako sa itura niya, parang gusto niya isuka yung kinain niya.
“Alam mo, wala nang magagawa yang pagiging hesterical mo diyan dahil dina-digest na ng katawan mo ang kinakain mo ngayon.” Di pa rin siya mapakali. Natatawa talaga ako sa kanya.
“Tumigil ka na.Nasarapan ka naman eh!” napatigil siya sa sinabi ko. Umupo siya ulit sa tabi ko.
“Alam mo, nung una ganyan di ang reaksyon ko, pero hinanap hanap ko rin yung lasa, kaya ngayon sanay na ako. Kaya ikaw, pasalamat ka at ibinahagi ko ang kalahati ng buhay mo.” Ngumiti na lang ako at sumandal na lang habang inilagay ko yung braso ko sa sandalan. Siya naman napatingin na lang sa akin parang yung expression niya yung sinasabi niya yung “tss”.
“Oo nga pala. Marami akong natutunan kanina sa tutorial session natin.” Napa-smile siya sa sinabi ko.
“Buti naman noh! Dapat mataas makuha mo bukas kundi lagot ka sa akin!” tss.
“Bakit may premyo ba kapag mataas?” biro ko sa kanya. napaisip siya sa sinabi ko.
“Hmm… Sige, kapag mataas ang nakuha mo ililibre kita for one week pero kapag hindi, titigilan mo na lahat ng pang-aasar, at pangti-trip mo sa akin and promise to be nice like a pet to me. ang range dapat ng score na makuha mo ¾ of the highest possible score ok bay un?” ¾? Pero ayos na rin haha! Ayos yun. Maganda ang proposal!
“Game! Deal ako diyan!”
“Ok DEAL!” ibinigay niya yung kamay niya para makipag-hand shake. Kaya iniabot ko na yung akin.
Halos isang oras din kami nakapag-usap. Iyon na ang pinakamaayos at pinakamatagal na pag-uusap naming dalawa. Matatagalan pa sana yung pag-uusap namin kung hindi lang dumating yung driver niya. wrong timing naman. Pero ok na rin yun. Naging Masaya ang araw ko dahil sa kanya. After niya umalis umuwi na rin ako. Mag-aaral ako para mataas ang makuha ko, kailangan kong maka 75% para lang manalo sa deal namin. Lugi naman kasi siya sa deal na yun. Kasi kapag mataas ang nakuha ko di niya ako ililibre, di ko pa siya titigilan sa pang-aasar ko.
CHAPTER 7:
KAITH TORREZ:
Maaga akong pumasok sa school. Ewan ko ba kapag wala si Dad maaga akong nakakapasok. Habang papasok ako di pa rin maalis sa isip ko yung nangyari kahapon between me and Nick. Akala ko may pagka bastos at walang modo yung lalaking iyon, yun pala gentleman at may pagka magalante. Kahit na pinakain niya ako ng bituka ng manok na kadiri pero masarap. Pero I swear! Hindi ako magpapadala sa mga pinakita niya sa akin. Naisip ko tuloy yung deal namin, mukhang lugi ako. Isipin mo, kapag nanalo siya, ililibre ko na nga, di niya pa ako titigilan sa pang-aasar niya pero kung mananalo ako, di niya na nga ako aasarin pero parang useless ang naging pag-aaral namin, dahil parang walang improvement. Nakakainis naman! Kaya pala pumayag agad ang mokong. Pero wag dapat ako mawalan ng pag-asa, dahil may range naman, kailangan maka-75% siya sa quiz mamaya. Sa 50 items na quiz dapat mali niya maximum na ang 12 kapag lumabis siya roon panalo ako! Edi okay na.
Naabutan ko na nasa room na sila Sam at Dara, sila Mico at Sab, at yung tropa nila Marco, siyempre kasama na dun si Nick. Nagulat ako sa nakita ko, naabutan ko silang nag-aaral pwera na lang sa isa, si Mokong. Hay, wala talagang tiyaga toh!
Di nagtagal dumating na si Ms. Lopez, as usual naalala niya na may quiz at ayun nag-test kami, 50 items. Medyo may kahirapan pero yaka naman.
“Ok class, i am giving you one minute to finalize your answers.” Ayun na nga nagtimer na siya, after a minute…
“Ok, stop writing and pass it forward, we will check it now.” Geez, nakakakaba naman.
Ayun nagcheck kami at natahimik kami sandali, kasi inarrange niya yung papers namin from highest to lowest. Lagi niya namang ginagawa yun eh.
“Here’s the result of our quiz today. As usual the highest is Ms. Torrez who got one mistake.” Ano? Isa lang mali ko? akala ko— napatingin sa akin si Nick kaya napatingin ako sa kanya.
“Mukhang matatalo ako sa deal natin ah, ang hirap ng test yung iba kasi di mo tinuro!” aba kapal talaga ng mukha nito.
“Lahat tinuro ko, baka di ka lang nakinig.” Yun ang sinabi ko. lahat naman na-discuss ko sa kanya eh.
“Next to the highest is—guess what?” naghulaan yung mga classmate ko…
“Mam is that Miss Young’s paper?” sagot ni Myka. Si Sab naman masyadong nagpaapekto.
“No doubt. Of course that’s my paper! Tingin ko nga I have only two mistakes, I forgot some terms kasi eh, kung tutuusin nga dapat naperfect ko nay an eh kaso di naman ako nag-aral eh.” Sus, ang yabang talaga!
“Bakit nagme-make face ka diyan? Inis ka sa kanya noh?” napatingin ako kay Mokong at nakangisi niyang sinabi yun.
“Mind your own business!” naku, ayoko na sanang patulan eh.
“No, it’s Mr. Gomez who got 45…” wow, si Mico. Matalino nga siya. Kung siya nga talaga si Koko, totoo na ganyan din ang makukuha niya. matalino naman talaga siya nung mga bata pa kami eh. Buti nga napahiya si Sab, lakas kasi ng fighting spirit.
“Next,, oh what a surprise!” napatingin sa akin si Mam tapos nag-smile. Ano kayang pinahihiwatig niya?
“Mr. Alvarez made it. He got 38 out of 50. Congratulations! I hope this will continue.” Nagulat yata ang mukha ni Nick. Di niya expected. Natuwa naman ako sa nangari though talo ako. Pero may quiz pa sa Math kaya tingnan natin kung ganun pa rin ang swerte niya.
“Hay, natalo ako sa part na ito, pero may Math pa.” yun ang bulong ko sa kanya.
“Di ko naman alam na mataas makukuha ko. Nilambang ko lang kaya yan.” Yun yung sinabi niya sa akin.
“Ok, class. Next meeting we will have a new lesson and prepare for a graded recitation. Class dismissed” hay… ang aga naman nagpalabas ni Mam. Pero ok na rin matagal ang break.
Nakita kong nauna na ang hinayupak na si Nick lumabas… Sus, di man lang nagpasalamat…
“Kaith, tara na…” aya sa akin nila Sam.
“Sige, sandali lang ayusin ko lang gamit ko.” sabi ko sa kanila.
“Hay, naku, ang dakilang feelingera talaga! Nag-cheat ka noh?” naku, umeentra na naman itong impaktitang ito! Napailing na lang ako at ayoko nang patulan pa siya dahil pagod na ako makipagtalo.
“HEY! TUMINGIN KA NGA DITO!” sigaw niya sa akin. Mabingi-bingi ako sa sigaw niya ah kaya napahawak ako sa tenga ko.
“Pwede ba Sab tigil-tigilan mo nga ako. Tara na nga, nakakasira lang ng araw kung papatulan pa yan!” hinatak ko si Sam at Dara papalabas ng room.
“DI PA TAYO TAPOS MS. FEELER!” naku, nagpahabol pa!
Pababa na sana kami ng hagdan nang makaramdam ako ng call of nature.
“Ahm, sandali lang, magc-CR lang ako.” Tumango naman ang dalawa.
Agad akong tumakbo papunta sa CR dahil ayoko rin naman matagalan sa kakahintay ang dalawa sa akin. Ilang sandali lang, pagkatapos kong gamitin ang CR, nakahawak na ako sa knob nang may marinig akong nag-uusap… sino kaya ito? Ayoko naman lumabas agad dahil magagambala ko ang momentum nila.
“Mahal pa kita, alam mo ba yun? Please, let’s start again”mukhang umiiyak yung babae.
“I’m sorry. Sandz, tama na yung nangyari sa atin, ayoko na. Sorry talaga” Parang familiar ang boses… sino kaya ito?
“Di mo na ba ako mahal? Nararamdaman kong mahal mo pa ako” *SLAP* ouch! Nasampal yata yung kausap niya. napailing na lang ako dahil sigurado akong masakit yun.
“Sandra! Move on! Let’s move on! Di lang ako ang lalaki sa mundo, marami pa diyan! Napalitan mo nga ako diba? Besides, ayoko na sa mga babaeng katulad mo. Sorry pero di na ako nagrerecycle kapag alam kong wala na talaga.” grabe naman yung lalaking yun! Napakasama ng ugali! Alam niya ba kung gaano kahirap lunukin ang pride? Naku. Tama na ang dami ko nang narinig. Lumabas na ako ng tuluyan at nagulat ako sa nakita ko.
“IKAW?!” si mokong pala! Naku, nakita ko ang babaeng iyak nang iyak!
“Anong---“ nanlaki ang mga mata niya sa nakita niya.
“ALAM MO! MAY ITSURA KA SANA, KASO ANG SAMA NG PAG-UUGALI MO! SANA GAMITIN MO MAN LANG YANG MUKHA MO SA KABUTIHAN” dinuro-duro ko siya habang siya napapatingin sa daliri ko na nanlalaki pa rin ang mga mata.
Humarap ako sa babae na kausap niya at patuloy pa rin sa pag-iyak “Miss, alam mo, sa panahon ngayon, maraming MAS GWAPO na para sa’yo!” tinitigan ko si Nick nang masama, napayuko lang siya “Di katulad ng lalaking ito na walang modo!” napatingin siya sa akin.
“Ano bang alam mo dito huh?!” tanong niya sa akin habang nakatitig sa akin.
“Mr. Alvarez, marahil wala nga akong masyadong alam sa istorya ng buhay mo, pero mukang nakikita kong di ka karapat-dapat mahalin ng mga babae dahil paiiyakin mo lang sila! Naku, diyan ka na nga!” umalis na ako dahil naalala kong kanina pa pala ako hinihintay ng dalawa.
“Pasensya na…” sinabi ko kala Sam at Dara na hinihingal pa.
“Tagal mo naman mag-CR?” nagtatakang tanong ni Dara.
“Hay, naku, wag mo nang itanong. Tara na nga.” Bumaba na kami para kumain.
Sandali lang kami kumain at umakyat na kami sa room dahil mag-aaral pa kami para sa Math quiz mamaya. Nakasalubong ko si Mokong na masama ang titig sa akin. Naku, kala naman natatakot ako sa kanya. Nang makarating na kami sa room agad na kami umupo at nagbuklat ng libro.
Maraming bumabagabag sa isip ko lalo na san a-encounter ko kanina kaya di ako makapag-aral ng maayos. Hay naku. Ewan ko ba! Lumingon ako sa likod ko para magtanong kay Sam.
“Sam? May tanong ako…” binaba niya yung notebook niya at tumingin sa akin.
“Hmmm?” napabuntong-hininga ako
“Ahm, ano impression mo kay Alvarez?” napataas siya ng kilay.
“Huh? Alvarez? Ahh! Si Nick? Bakit mo natanong? Crush mo noh?!” naku, what a joke!!
“Ano ka ba naman Sam! Hindi noh, natanong ko lang, kasi di ba tutor niya ako, eh alam mo na, kailangan kong makibagay sa kanya…” naku, bahala na nga!
“Ahhh” mukhang na-gets naman yata ako.
“Ahm,tingin ko naman matino siya, saka…” huminto siya ng mga 25 seconds siguro “saka GWAPO!!!” hay, akala ko naman napaka-worth waiting ng sasabihin niya. naku, wala din naman ako mapapala kung magtatanong ako sa babaeng ito. Kaya binalik ko na lang ang atensyon ko para mag-aral. Habang naka-focus sa notebook ko may naramdaman akong tumabi sa akin. Sino kaya ito? Binaba ko ang notebook ko at nagulat ako sa nakita ko!!!
“Mi-co?” nanlaki ang mga mata ko na parang nakakita ng multo. Napalingon ako kay Sam at mukhang konti na lang at matatawa na…
“Ahem, ahem!” naku si Sam talaga! Binaling ko na lang ulit ang tingin ko kay…. MICO!!
“A-anong gi-nagawa mo rito?” tanong ko! geez! Bakit nauutal ako?
“Ah, sorry… ahm, may tanong sana ako sa’yo” weh?? Di nga! Baka naman tatanong niya ako nga si Yan-yan nab ff niya noon! Pinipigilan kong mag-smile baka ma-obvious ako.
“Ah, ah-eh…” napakamot ako ng ulo! Ano ba Kaith! “Ano ba yun?” unti-unti siyang dumikit sa akin! OMG, ano ba ito!! Haha! Wag ganun, kinikilig ako!
“ Ah, tungkol sana sa—“ naku, Mico naman, wag ka na mahiya… haha!
“Ahm ,ano ba kasi yn?” wee, nae-excite na ako! Ang tagal mo magsalita!
Huminga siya ng malalim… “tungkol sana dito sa Math, may di kasi ako maintindihan. Di ba magaling ka ditto? Baka pwede mo naman sana ako turuan?” waaaaaa!!! Parang ang nararamdaman ko eh nasa isang salamin ako at bigla na lang nabasag! Nakakainis naman! Akala ko naman! Grrr!
Nag-fake smile ako “Ahh… Ganun ba? Ah sige…” hay, kala ko kung ano na! tinuruan ko na lang siya pero feeling ko nakatitig siya sa akin… haha! Sana nga! Naku, Mico Gomez, kung alam mo lang… MAHAL NA KITA simula pa lang nung una kitang makita…
“Ah, ganun lang pala ito! Salamat ah! Alam mo, may naaalala ako sa’yo… pero imposible kasi nakita ko na siya eh.” Wwwaaahhh! Anong sinasabi niya?? Nakita na niya?
“???” speechless ang lola mo. Di na nga namalayan na umalis nap ala siya.
Di nagtagal dumating na rin si Sir Cruz at nagstart na ang HELL QUIZ namin sa Trigo! Etong katabi ko naman, di ko alam kung anong ginagawa… Mali kasi mga equation niya… naturo ko naman sa kanya ito ah! Naku!
“Hoy! Mali yang ginagawa mo!” bulong ko sa kanya.
“Wag mo nga akong pakialaman!” bulong niya rin. Naku, pasalamat ka nga tinuturuan ka eh.
“Miss Torrez! Mind your own paper!” wah! Napansin ako ni Sir! Tinitingnan ko lang naman kung tama ang ginagawa ng Mokong na ito eh!
“Sorry Sir.” Naku, bahala nga siya! Kainis!
Natapos na ang quiz naming makabasag bungo! Ang hirap kasi eh. Isang subject na lang at uwian na.
“Hoy, ano bang ginagawa mo sa Math kanina? Mali kaya ang ginagawa mo. Di naman ganun ang tinuro ko sa’yo kahapon ah!” sinasabi ko sa kanya habang tinutulak-tulak siya sa braso.
“ANO BA! TIGILAN MO NGA AKO! MUNTIK NA AKONG MAHULOG OH! KANINA KA PA! AT ANO BANG PAKIALAM MO? GRADE KO NAMAN YUN AH!” oh-uh… nagalit na siya. Ok fine di na ako magsasalita pa.
Buong hapon niya ako di kinausap… hanggang sa matapos ang last class… badtrip yata sa akin ang Mokong… Care ko naman sa kanya noh! Buti nga concern ako sa kanya eh.
Inaayos ko na ang gamit ko nang…
“Kita na lang tayo sa library” cold napagkakasabi niya sa akin at nagdiretso na palabas ng room… I rolled my eyes… as if naman na magmamakaawa ako sa kanyang magsorry ni hindi ko nga alam kung ano nagawa ko roon eh!
“Kaith ano? Sabay ka sa aming umuwi?” tanong ni Dara.
“Ah hindi, may tutorial session kami ngayon eh. Next time na lang” tumango na lang ang dalawa at umalis na rin.
Sinara ko na ang bag ko at ready na umalis ng lumapit sa akin si Mico! <3 <3
“Thank you nga pala sa pagturo sa akin kanina ah? Kung hindi dahil sa’yo di ko masasagutan yun” nag-smile siya sa akin… wee… kinikilig ako!
“What? Anong sinasabi mo diyan?” naku, entra talaga ito! Napatingin ako sa braso ni Mico, at kitang kita kong kapit na kapit yung pagkakahawak niya sa braso ni Mico. Napailing na lang ako at binalik ang tingin k okay Mico… Haaaayyy… @.@
“Ah, wala yun…” nagsmile ako sa kanya.
“Don’t tell me nagpaturo ka sa feeler na yan?” napakapit na lang ako sa strap ng bag ko at pinipigilan ang sarili na mapaaway… Kaith, patience… girlfriend niya ang kinakalaban mo…
“Sab pwede ba?! Tantanan mo si Kaith? Wala namang ginagawa yung tao sa’yo ah!” wah! Thanks Mico, savior ka talaga!
“Duh! Meron kaya! Baka pati ikaw agawin pa sa akin noh! Eh bukod sa filengera yan, mang-aagaw pa!” pinairal na naman niya ang matatalim niyang mga kilay! As if naman gagawin ko yun noh! Di ako cheap!
“Stop it! Kaith, pasensya ka na… ahm sige una na kami.” Nagpaalam na si Mico habang si Sab umirap lang. naku Mico bakit sa lahat ng babaeng pipiliin mo siya pa! napailing na lang ako…
Agad akong pumunta sa library para turuan na angMokong, pero pagdating ko wala pa siya! Kanina pa umalis yun pero wala pa siya… siguro after 15 minutes dumating na siya… salamat naman! Pero naku, nakita kong dala-dalawa pa ang kaakbay na babae! Babaero talaga ito! Napailing na lang ako… palibhasa gwapo kasi kaya lahat ng babae nasusungkit. Nang sinimulan ko na ang pagtuturo, parang nakikpagusap lang ako sa hangin. Naku, konti na lang talaga sasabog na ako sa inis! Parang walang pakialam yung mokong na ito sa mga sinasabi ko! Naka-headset tapos ngumunguya ng chewing gum! Sino ba kasing di maiinis diba? Kainis ah!
“Kung ayaw mo making di wag! Bahala ka diyan!! Uuwi na lang ako!” napuno na ako… inayos ko na ang gamit ko at umalis na! NR ang Mokong! Walang pakialam… sus… kainis!
CHAPTER 8:
NICK ALVAREZ:
Mukhang nainis si Sungit dahil di ako at wala akong ganang makinig sa kanya dahil kasi sa pakikialam niya kanina. Badtrip siya kanina! Buong akala ko magiging okay na kami ngayong araw dahil sa nangyari kagabi. Kaso hindi eh, nakakainis siya! Bakit kailangan niya pang pakialaman ang personal na buhay ko eh wala naman siyang alam. Nauna siyang umalis kaya umalis na rin ako hindi para umuwi kundi para magpahangin. Nagpunta ako sa may park sa loob ng school at doon nag-isip.
Ilang buwan na rin ang nakakalipas nung nahuli ko si Sandz na may kasamang ibang lalaki. Sobra akong nasaktan nung mga panahong iyon. Di ko matanggap. Nagmakaawa ako sa kanya at nangakong kakalimutan ang lahat basta magkabalikan kami ulit.
“Sorry Nick but I love Rico.” Yun na ang naging katapusan ng lahat para sa amin ni Sandra. Simula nun, tinanggap ko na ang lahat. Tinanggap ko na na di na kami pwede. Na di niya na ako mahal. Kaya nga nagdecide akong lumipat ng school para kalimutan na ang mga nangyari. Si Sandz ang kaisa-isang babaeng minahal ko ng sobra. Ganun ako eh. Sobra kung magmahal. Akala ko nga siya na, pero nagkamali ako. Kahit maraming babaeng umaaligid at nagpapahiwatig sa akin, siya lang talaga ang nakikita ko. Mahal ko kasi siya eh. Pero kahit lubos akong nasaktan sa kanya, hindi ko siya nakuhang iyakan. Ewan ko kung bakit, di lang nakuhang tuluan siya ng luhaa nga mga mata ko.
Nagkita kami ni Sandz sa corridor sa labas ng room namin. Ikinagulat ko yun dahil lumipat din pala siya! Sinubukan ko siyang iwasan pero…
“Nick, please, pwede ba tayong mag-usap?” pakiusap niya habang nakatalikod ako.
“Ano pa ang dapat nating pag-usapan? Tapos na tayo diba?” cold ang pagkakasabi ko habang di pa rin natitinag sa kinatatayuan ko.
“Nick please? Nakikiusap ako. Last na talaga…” ok kung iyan ang gusto niya, wala akong magagawa. Pumunta kami sa may bintana malapit sa CR ng mga babae.
“Huli na ito. Ayoko na maulit pa ulit ang pag-uusap na ito. Oh, ano ba gusto mong pag-usapan?” malamig pa rin ang pakikitung ko. hindi ko nga makuhang tingnan siya eh.
“Wala na kami ni Rico. Ahm kaya lumipat ako ng school para makasama kita, pero napunta ako s ibang section eh, but at least nasa isang campus tayo.” Di ko alam ang expression ng mukha niya.
“So anong gusto mong palabasin?” nakatingin pa rin ako sa may bintana habang siya nasa likod ko… di ko pa rin siya tinitingnan.
“Mahal pa kita, alam mo ba yun? Please, let’s start again” ano? Ano ako laruan na pwedeng itabi kapag sawa na at pwedeng balikan kung kelan gusto? “I’m sorry. Sandz, tama na yung nangyari sa atin, ayoko na. Sorry talaga” alam ko mas maayos na ako kesa sa dati. Ayoko na bumalik pa sa dati. Humarap ako sa kanya para makita niyang seryoso ako.
“Di mo na ba ako mahal? Nararamdaman kong mahal mo pa ako” umiling ako. Alam kong may natitira pang pagmamahal sa puso ko para sa kanya pero ayoko na talaga. Bigla niya na lang ako sinampal. Dahil dun bigla ako nakaramdam ng galit! “Sandra! Move on! Let’s move on! Di lang ako ang lalaki sa mundo, marami pa diyan! Napalitan mo nga ako diba? Besides, ayoko na sa mga babaeng katulad mo. Sorry pero di na ako nagrerecycle kapag alam kong wala na talaga.” Tiningnan ko siya ng diretso habang nanlilisik ang mga mata ko. alam kong sobra ang nasabi ko. pero nasaktan ako. Sinaktan niya ako tapos ngayon babalik siya sa akin na parang walang nangyari?! T@nga ba siya?! Ako di na ako magpapakat@nga sa pag-ibig para sa kanya at para na rin sa lahat! Pagkatapos kong sabihin ang lahat may narinig akong may lumabas sa pintuan ng CR… Si… Sungit! Nasa loob pala siya at mukhang nakinig siya sa pinag-uusapan namin. Lumabas siya ng galit na galit. At mukhang ako pa ang nagmukhang may kasalanan sa kanya! lalo pa akong nainis dahil nakialam pa siya! Pagkatapos ng mga pinagsasasabi niya sa akin, umalis na siya. Nakuha niya pang mag-walk out! Kaya buong hapon di ko na siya pinansin! Nawalan na rin ako ng gana making. Akala ko okay na lahat sa amin. Pero mali. Nagugustuhan ko na sana siya, pero lilinawin ko, nagugustuhan ko siya bilang kaibigan hindi ka-ibigan. KAITH TORREZ: Nauna na akong umalis sa kanya since mukhang walang patutunguhan ang “tutorial session” namin. Since maaga pa at wala naman si Dad sa bahay para manermon sa akin, minabuti ko munang magpalipas ng oras sa park. Umupo ako sa may bench at kinuha ang ‘notebook ko’. Mahilig kasi akong magsulat. Kahit ano na lang. Madalas mga karanasan ko ang nasusulat ko kaya kung may makakakita siguro nito, marami nang malalaman tungkol sa akin. Nag-isip ako nang pwedeng isulat. “Ah! Alam ko na!” sabi ko sa sarili ko. Magsusulat ako tungkol sa ideal man ko! Tama! Gusto ko kasing icheck kung papasa bilang ideal man ko si… Mico! Haha! Sinimulan ko na… My Criteria in choosing my IDEAL MAN: 1. Know how to play instruments especially saxophone, the hardest wind instrument. … gusto ko yung marunong tumugtog ng mga instruments kasi kapag ang isang guy marunong tumugtog, he is definitely expressive and sweet. (I want a guy who can play sax on our date before I give him my ‘YES’) 2. Who can teach me how to dance …maraming nagsasabi sa akin na nasa akin na daw yata ang lahat ng talents sa mundo, but definitely not! I REALLY DON’T KNOW HOW TO DANCE and how to play instruments. So I am madly in need of a guy who can teach me. 3. A man who will appreciates me, and can say ‘I am proud of you’ 4. A man who can let me expeience the things that I am not familiar with. 5. And a man who can accept and protect me on how my father sees and treats me. “Ayan tapos na!” finally natapos ko rin… napa-smile tuloy ako dahil may natapos na naman akong isang bagay! Haha! “Ano yan?” out of nowhere may nagsasalita. Sino kaya yun? Lumingon ako sa side kung saan malapit yung voice. “Mico?” nandito pala siya! Anong ginagawa niya rito? Umupo siya sa tabi ko. “Ano yang ginagawa mo?” tanong niya habang tinitingnan ang notebook ko. agad kong sinara yun baka kasi makita niya pa. “Ah.. ah-eh… wala, nagsulat lang ako ng schedule ko this month” lier ka talaga! Mabuti na rin yung ganito, kesa makita at mabasa niya ang laman nito noh! “Ahm, pwede ko bang makita?” waaat??? Sige… ay hindi! “Sorry but I can’t. Medyo confidential eh” nagsmile na lang ako. “Ok, I understand” buti naman at naintindihan niya. “So, what brings you here?” tanong ko sa kanya. “Ah, nakita kasi kitang nag-iisa dito eh, kaya pinuntahan kita. I just want to have a talk with you” talaga? Haha! Kinikilig na naman ako. “Ah, really?” tumango siya sa akin. “By the way thanks nga pala kanina sa Math ah ang sorry sa attidude na binigay ni Sab sa iyo.” “Ano ka ba, wala yun. Kanina ka pa nagpapasalamat eh, and yung tungkol kay Sab, ok lang, sanay na ako sa kanya.” napatango siya. “Di ko alam kung bakit mainit ang dugo niya pagdating sa’yo. Mabait ka naman. Ah by the way, may boyfriend ka? Sorry if I asked personal questions, curious lang ako.” Basta ikaw… kung pwede nga lang na ikaw eh kaso kayo na ni bruha! “Ah, wala. “ napatingin lalo siya sa akin, ako naman napaiwas ng tingin. “Really? Sa ganda mong yan? I don’t think so” eh sa anong magagawa ko? “Seriously, I don’t want to involve in any serious relationship because I am still waiting for someone.” Totoo naman, crush ko na si Koko ever since at ngayon love ko na siya! Sana nga ikaw yun… “Waiting for whom?” you! Joke! “Ahm waiting for my childhood friend. Ever since kasi gusto ko na siya.” Napatango siya. “But, malay mo, hindi na siya bumalik” babalik siya! Baka nga katabi ko na eh… “No! He promised me. Sabi niya babalik daw siya para makita ako ulit.” napasmile ako “How will he recognize you kung bata pa kayo nagkahiwalay?” hay, oo nga! Nawala kasi yung kwintas ko! “Ah, actually he handed me something to recognize each other. But unfortunately, I lost it, so I will think some of other ways to find him. Maybe I will look the same thing from him. Meron din kasi siya nun katulad ko. haha!” Nagulat yata siya… “REALLY? Anong bagay yun?” huh? Bakit gulat na gulat siya? I was about to answer his question nang makita ko si Nick na naglalakad paalis sa park. “NICK!” napalingon siya sa akin… gusto ko sanang magsorry sa kanya. kasi alam niyo na… “Ahm, sorry Mico but I have to go, mag-usap na lang tayo next time. Sige bye! Thanks for the time” kinuha ko na ang bag ko at tumakbo para habulin si Nick na hindi man lang huminto kahit na sandali! Finally naabutan ko rin siya! “Nick! Galit ka ba? Sorry na kanina. I know I was so mean that time to you. Sorry na…” I’m beging him… kapag kasi di naayos ito, baka hindi namin magawa yung sariling part sa tutorials. “Kalimutan mo na yun. Tapos na naman eh.” tumuloy siya sa paglalakad “Talaga? Pinapatawad mo na ako?” napa-smile ako sa kanya “May sinabi ba akong ganun? Sabi ko kalimutan na lang yun” sus! Akala ko naman… naku! “Sige na please! O sige ganito na lang… treat kita! Kahit saan mo gusto” napatigil siya sa paglalakad at napatingin sa akin. “Talaga?” tumango ako. Seryoso ako! Ngayon lang ako nagplease ng ganito sa kinamumuhian ko pa! “Sige! Ako na bahala kung saan tayo pupunta.” Tumango na lang ako. Kulit sabi na kasing siya bahala eh. Hay, mukang sinasadya niya yatang parusahan ako ah. Paglakarin ba naman ako ng malayo? Mukhang nalibot ko na ang buong SMU nito ng limang beses. (note SMU has the same parameter and area as UST) “Saan ba tayo pupunta? Ang layo na ng nalakad natin oh!” hinawakan niya ang kamay ko at nagpatuloy sa paglalakad. “Malapit na! sabi mo akong bahala.” Hay naku. Sige na. finally, nakarating din! Teka ano ito?? “Aling Ising’s Carinderia?”watda? anong kainan yan? Akala ko naman isang resto or maayos na kainan… “Ano yan? Don’t tell me dito tayo kakain?” ano bang pumasok sa ulo ng lalaking ito, ni hindi ko nga alam kung malinis yung pagkain na sineserve dito eh. “Akala ko ba ako ang mamimili ng lugar kung saan tayo kakain? Oh eto na! Wag kang mag-alala, masarap pagkain dito” hinatak niya ako sa loob at umupo. “Ate, dalawang order ng sisig, samahan niyo po ng dalawang kanin ah saka sofdrinks” napahawak na lang ako sa pisngi ko dahil din a ako makapalag. “Di mo man lang talaga ako tinanong kung anong gusto ko kainin noh? Hay naku!” napangalung baba na lang ako… wala na akong magawa eh “Iyon kasi ang dinarayo dito! Baka kapag natikman mo yung sisig nila dito baka pasalamatan mo pa ako at magkautang na loob sa pagdala ko sa’yo dito!” hay naku! “Di naman kasi ako kumakain ng mga lamang loob ng hayop noh! Saka kadiri kaya yun!” di ko mapaliwanag ang itsura ko ngayon. Parang halo halong galit, pandidiri, at pagtitimpi ang nararamdaman ko. “Tingnan lang natin kung masabi mo pa yan…” nag-evil smile pa! “Sir, ito na po ang order niyo.” At ayun inilagay na nga nung babae yung order naming este ORDER NIYA! Tinitigan ko muna ang pagkaing nakalagay sa mesa, habang ito namang si Mokong kain na ng kain… naku, bahala na nga… kahit bawal ang macholesterol… pinagbabawalan kasi ako ni titang kumain ng matatabang pagkain kaya nga sanay ako sa salad at puro dahon ang kinakain ko sa bahay eh… hay ewan ko na lang, minsan lang naman eh… Naglagay na ako ng kanin at nung ulam sa kutsara, bago ko isubo, napalunok ako… heler, lamang loob kaya ng baboy ang kakainin ko… “Wag kang mag-alala, di ka mamamatay pag kinain mo yan…” nakangisi pa! inirapan ko nga! Sinubo ko na ang pagkaing kanina pa nakatengga… pagkasubo ko, agad ko na nalasahan… parang bumaba ang mga anghel sa langit, at nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan… GRABE ANG SARAP!! Yung isang subo na yun na akala ko tatapos sa sikmura ko, nadagdagan pa ng isa, hanggang sa maging dalawa at hanggang sa dumaming ulit pa! di ko na napansin yung mokong, di ko na makuhang tingnan pa siya. “Kitam, nasarapan ka rin…” natatawa niyang sinabi… “Naku, di ako nasasarapan, masasayang kasi itong pagkain, saying ang ibabayad ko rito noh kung hindi ko gagalawin!” wee, I lied! Haha! Ayoko ngang mawala ang dignidad ko dahil napatunayan kong tama siya… tinuloy ko na ang pagkain ko, tapos na kasi siya eh. “Ah, sir, ngayon niyo lang po ba siya nadala dito?” tanong sa kanya nung isang waitress dito. “Ah, oo, kaya nga ganyan lumamon yan eh… first time.” Aba tumawa pa! anong lumamon? Grabe naman ito makapagsalita! Tinitigan ko siya ng masama! “Sir, buti na lang nagdala na kayo ng babae ditto, tagal na rin kasi naming di kayo nakitang may dinala ulit eh. So bago niyo pong girlfriend?” muntik na akong mabilaukan sa tanong nung ba babae, kaya napainom tuloy ako bigla! “Ah itong babaeng ito? Kung magiging girlfriend ko ito, parang sinabi ko na rin na no choice at wala nang babae sa mundo kaya napili ko siya no!” tumawa na naman siya ng malakas! Grabe! I’m pissed of! “NAku! KAPAL NG MUKHA MO! HOY, PARA SABIHIN KO SA’YO, NEVER, AS IN NEVER KITANG MAGIGING BOYFRIEND KAHIT IKAW NA LANG ANG LALAKING MATITIRA SA MUNDO, MAS GUGUSTUHIN KO PANG TUMANDANG DALAGA KESA MAGING BF KA!” hmp! Kainis “HOY! Baka natatandaan mo, kaya nandito tayo ngayon dahil humingi ka ng sorry… gusto mo bang magsorry ulit hah?” waah oo nga noh? Naku, siya naman kasi nauna! Inirapan ko na lang siya… “Oh, ate, ito na po bayad namin…” iniabot niya yung pera dun sa waitress kanina… teka ako ang nagpresintang magbabayad ng kakainin namin ah! “Hoy, bakit binayaran mo na? Diba ako ang manlilibre?” nagweird smile na naman siya! “Di libre yan! Utang mo yan noh!” sus! “Kung utang pala, edi sana ako na lang pinagbayad mo! Hay naku!” kahit kalian talaga napaka-isip bata nito! “Sino ba may sabi sa’yo na pera ang ipambabayad mo?” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya… don’t tell me… katawan ko?! noooo! Wait! Ano ba Kaith naghehesterical ka na naman! “So ano pala?” nagsmile na naman siya “Pag-iisipan ko muna!” naku, ayun, nahantong sa ganun ang idea kong magbibigay pala sa akin sa kapahamakan sa lalaking ito! Mga 5:30 na ako nakauwi sa bahay… dahil hinintay ko pa si Kuya… yung Mokong naman, pagkatapos akong ihatid sa school umuwi na at di na ako sinamahan! Naku! CHAPTER 9
Ngayon, after three weeks… ganun pa rin kami ni Nick. Mukhang mas malala pa nga eh, grabe na siya mang-asar! Kapag tutorial session lang naming siya tumitino, nakikinig siya, medyo ayos na rin ang mga grades niya. Natutuwa nga sila Ma’am Lopez at Sir Cruz sa mga nakukuhang scores niya kapag may exams or activities… tinutukso na nga kami ng mga kaklase namin dahil daw araw-araw at may extension pa after class daw kami nagkakasama. Paano kasi malapit na ang exams kaya heto kami ngayon, sinusubsob ko siya sa pag-aaral.
Kami naman ni Mico, mas madalas na kami mag-usap kesa dati… sinabi niya nga na mas okay akong kasama kesa kay Sab na girlfriend niya. as usual patago kami mag-usap kasi kapag nakita kami ni Sab na magkasama, magkakagiyera for sure!
Ngayon, may pasok pa rin… nandito kami ngayon nila Sam sa isang restaurant na bagong tayo lang. ito na naging tambayan naming kasi sawa na kami sa pagkain sa canteen.
“Friend, kamusta na kayo Papa Nick?” ito namang si Dara nag-uumpisa na naman…
“Ano ka ba… ayos lang kami, NAKAKAINIS PA RIN SIYA!” sinabi ko na ang itsura ko parang sinakluban ng langit at lupa. Sila naman parang di na niwala.
“Asus, Kaitherine… eh five days a week at extended pa nga after class na nga kayo kung magkita eh, hanggang ngayon di ka pa ba nadedevelop sa kanya?” she grinned
“Sam, NEVER AKONG MAGKAKAGUSTO… as in NEVER!” itaga mo pa yan sa baton a made of DIAMOND!
“Asus… oo nga pala… Kaith, need your help… pwedeng maki-join ako sa teaching sessions niyo ni Papa Nick?” nagsmile siya sa akin…
“Sure!” sabi ko… si Sam naman siniko si Dara
“Ouch! BAkit ba?” daing ni DAra
“Ano ka ba… bakit makiki-join ka pa sa dalawa edi di nila nasolo ang isa’t-isa…” nag-wink si Sam kay Dara, mukhang nakuha naman ni Dara ang pinapahiwatig ni Sam…
“Ah, sige Sam, tayong dalawa na lang ang mag-study lessons… nakakahiya kay Kaith!” naku, itong dalawang ito talaga!
“Tigil-tigilan niyo nga ako! Kayong dalawa talaga!” naku… ininom ko yung juice na inorder ko kani-kanina lang
“Oh, speaking of…” sabi ni Dara. Nagulat ako sa sinabi ni Dara kaya napalingon ako sa likuran ko at… nakita ko si Mokong naglalakad kasama sina Marco at Vince at papalapit dito.
“Hello…” bati sa amin nila Marco at Vince, si Mokong naman NR…
“Oi, Sungit! Tara na labas tayo!” hinawakan niya ang kamay ko at kinaladkad palabas
“Ui, Ano ba sandali nga!” kinalas ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya kaya napatigil kami sa paglalakad
“Sino ka naman para dalin ako sa kung saan hah? Wala ka man lang manners, di ka man lang nagpaalam sa mga kasama ko!” humarap siya sa akin…
“Di na kailangan yun! Saka lalabas lang naman tayo masama bay un hah?” nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko kaya napapikit ako… natatakot ako sa mangyayari… baka…
“Sus! Di kita hahalikan noh! Feeling ka naman! May papikit-pikit pang nalalaman… haha!” kapal naman ng mukha nito!
“As if naman magpapahalik ako sa’yo noh!” inunahan ko na siya maglakad… walk-out ang drama ng lola mo!
“Sandali nga lang!” hinabol niya ako at hinawakan ang kamay ko…
“WHAT?!” nanggagalaiti kong sinabi! Nakakainis naman kasi talaga siya eh!
“Diba sinabi na sa’yong lalabas tayo? Bakit nauuna ka diyan?” naku! Nakakapikon na siya!
“BAHALA KA! May pasok pa tayo noh!” tinuloy ko na ang paglalakad ko at tinanggal na ang kamay ko.
“Bakit sinabi ko bang hindi tayo papasok? Sinabi ko lang na lalabas tayo ah…” natawa siya… tiningnan ko siya ng masama… ano nanaman ba ang iniisip ng lalaking ito?
“Bakit? Akala mo ba dadalin kita sa kung saan hah? Akala mo siguro ide-date kita noh?” tumawa na naman siya ng malakas… KAPAL TALAGA!
“Shut up! Di noh! Diyan ka na nga! BUWISET!!” umalis na talaga ako ng tuluyan! Sirang sira na ang araw ko!
“PIKON!” may pahabol pa! buwiset talaga!
MICO GOMEZ
Palabas sana ako sa room para mag-CR nang makita ko si Kaith na inis na inis… ano kayang problema nito.
“Hi” salubong ko sana sa kanya pero dinaanan niya lang ako… parang hindi yata ako napansin.
“Nakakainis! Nakakainis talaga siya!” di niya ako kinakausap pero nagsasalita siya mag-isa. Gigil na gigil ang expression niya. para bang lalamon ng buhay. Pumasok ako para tanungin kung sino ang kinaiinisan niya.
“Oh, sino kaaway mo?” tanong ko habang papalapit sa kanya sa desk niya.
“SINO PA EDI YUNG WALANG KWENTANG LALAKING KATABI KO!!” inis na inis pa rin siya.
“Ano bang ginawa sa’yo nung lalaking iyon at inis na inis ka?” napaupo ako sa tabi niya…
“EH PANO, WALA YATANG GUSTONG GAWIN KUNDI ANG ASARIN AKO!” sinabi niya habang may kinukuha sa bag niya.
“Haha! Ganun talaga yun!” napatingin siya sa akin at mukhang nagtataka.
“Bakit? Kilala mo ba siya? Close ba kayo hah?” tanong niya
Tumango ako “Oo, pinsan ko siya eh.” Nanlaki ang mata niya
“PINSAN?! YUNG MOKONG NA IYON?” natawa ako sa expression niya. nakakatawa kasi ang itsura niya eh.
Tumango ako “Oo, pinsan ko nga siya, kaso nagkasundo kami na huwag magpansinan kapag nasa school, ewan ko ba kung ano yung trip niya, kaya umoo na lang ako.” Napakamot siya ng ulo
“Buti, napag-titiyagaan mo yung taong iyon? Ako kasi nabubwisit na sa kanya! AS IN!” napailing na lang ako sa kanya… napapangiti tuloy ako.
“Mabait naman yun, di ko nga alam kung bakit napagti-tripan ka niya” nanlaki ang mata niya.
“SIYA?! MABAIT?” tumango ako.
“Ngayon ko nga lang ulit nakitang ngumingiti yun eh.” Expression ngayon niya parang ‘huh’ yung gustong sabihin.
“Bakit?” tanong niya…
“Simula kasi nung nagbreak sila nung kaisa-isa niyang girlfriend, kinalimutan niya na kung paano ngumiti. Buti nga ngayon hindi na eh, at mukhang dahil sa’yo” napa-salong baba siya…
“Teka, eh bakit magiging ganun siya kadepressed eh mukhang siya pa nga ang nanloko kaya sila nagbreak noh!” huh? Natawa ako
“Sa tipo ni Nick, kapag nagmahal yun, totoo, wala sa bokabularyo niya ang manakit ng damdamin ng babae… bakit mo nasabi yan?” napakamot siya ng ulo
“Eh, kasi nung narinig kong nag-uusap sila nung ex niya sa may CR noon. Masakit na salita kasi ang sinabi nung Mokong na yun dun eh.” Napatango ako at parang alam ko na kung bakit niya nasabi yun
“Siguro ginawa niya yun kasi galit siya sa ginawa ni Sandz saka ayaw niya na siguro makipag-balikan” napatango siya
“Teka, wala naman sa mukha niyang nagseseryoso ng babae noh.” Natawa ako sa kanya
“Maraming pumipila sa kanyang babae, pero ayaw niya sa kanila, gusto nun siya ang pumipila hindi siya ang pinipilahan, kaya ganun na lang tingin mo.” Napatango na lang siya.
KAITH TORREZ:
Magpinsan pala si Nick at yung crush ko… no, love kong si Mico? This can’t be! Ang layo ng ugali ng dalawa! Si Mico, mabait, gentleman at medaling pakisamahan habang si Nick? Ano bang meron sa kanya? Hay, antipatiko, mayabang, walang modo… at higit sa lahat… NAKAKAINIS! Hay… kung wala lang sanang girlfiend si Mico, ako sana ang unang gagawa ng move! Kahit masira ang image ko… hehe! But of course… ganito ang fate naming dalawa… sana nga mag-break na sila nung bruhilda para kami naman ni Mico! Hehe! >:p
“Ok class we will have a cooking lessons tomorrow for our Home Economics class” wow! Ngayon ko lang mararanasan ang magluto… Masaya ito ah! Pero himala yata, bakit magkakaroon ng ganung lesson sa subject na halos di naming makuhang pag-aralan…
Nagbulungan ang mga tao sa classroom… nagtataka rin siguro sila sa announcement…
“Ok, alam kong nagtataka kayo kung bakit magkakaroon tayo ng ganito... the board announced about the cooking battle in the high school department of SMU… napag-isip-isip kasi nila na walang productivity na nangyayari sa mga seniors dahil wala silang knowledge about this… so they decided to have a competition… we will have a cooking lessons due to preparation of this event…so kung sinong mananalo sa battle na ito, exempted for the examinations next week… so we only have three days to prepare for this event…” waaahhh… bakit ganun? Di naman ako marunong magluto… at imposibleng matuto ako for just three days!
“Mam, is this individual?” tanong ni Myca, isa sa mga classmates ko… malamang diba?
“No my dear… this will be a group work… a group will compose of three members… but since your class will not be devided equally by three, one group will have four members…of course, I will be the one to decide which group you must belong… ok?” okay… group work pala eh… pero sayang… akala ko pwede mamili ng sariling members… edi sana kami-kami nila Dara at Sam…
“The, first group will be, Jomel, Myca and Liza…” buti pa sila… grupo talaga nila ang napili… hindi mahirap ang cooperation… ako kaya saan??
“The second group will compose of Samantha, Marco, and Rocco” okay itong si Sam ah… dalawang guys agad ang kasama niya… parang love triangle… haha!
“The third group will be… Dara, Romel, and Maribel” ay… naku, imposible na na maging kagrupo ko mga amigas ko… hay… hay… kanino kaya ako mapapasama?? Meron pang 10…
“The fourth group will be… Vince, Jeric, and James” nooo… gaaaassshhh… seven na lang… sana di ko maging kagrupo si Sab… at Nick! Naku… it will be my big BURDEN!!
“The Fifth group will be…Ruby, Lexy, and Jana…” oh no… ibig sabihin…
“And the last group will be… Nick, Kaitherine, Mico, and Sabrina…” watda! Ok n asana na kami na lang ni Mico eh… mas ok sa akin yun… nakasama ko pa yung dalwang buwisit sa buhay ko!
“Mam!” yes! Mukhang may mag-oobject! Sige lang…
“Yes, Maribel?”
“I think it is unfair if we join the three intelligent students in one group?” maraming sumang-ayon… wee.. oo nga… ialis niyo si Sab… hehe
“Maribel… as I said awhile ago… this is a cooking competition… not an academic competition… therefore, everyone has the capability to win…lahat kayo may chance manalo dahil hindi utak ang labanan dito… it’s your ability… understand?” ay… may point si Mam…
“Yes Mam… I’m sorry…” hay… badtrip naman! Ang grupo ko!
“Ok… tomorrow we will start our lessons… so be at the Culinary Arts building after your break… ahm, your mathematics class with Sir Cruz will be in the morning… so that means we will not meet in our Literature class because of our Cooking Class… ok? Any questions?”
“None”
“Ok, that’s all for today, goodbye class… see you tomorrow” lahat sila nag-ayos na nang gamit… ako hindi pa… nababadtrip ako sa grouping… it’s a hell DISASTER! Arrggghhh!
“Kaith… okay lang yan… kasama mo naman si Papa Mico eh…” salamat sa pag-comfort Dara…
“Yeah, tama si Dara friend… ilang days ka lang naman magtitiis sa babaeng iyon eh…” tinap niya ang likod ko…
*sigh* umalis na sila… alam kasi nila na may TUTORIAL LESSONS pa kami ni mokong! Hay… ang sama ng naging araw ko…
“Sungit! Tara na!” naku… napakamanhid talaga ng lalaking ito… di man lang nagsorry tungkol sa kanina…
“You know what?YOU’RE INSENSITIVE!! DIYAN KA NA NGA!” umalis na ako… nakakainis kasi siya…
“Teka lang… anon a naman nakain mo huh?” hinabol niya ako at hinawakan ang braso ko kaya napatigil ako…
“WALA! Kita na lang tayo sa Library!” inalis ko yung kamay niya sa braso ko at nagpatuloy sa paglalakad…
Ayun nga… ang mga 15 minutes na ako sa library at wala pa si Mokong… mukhang sinusubukan niya talaga ang pasensya ko… grabe… 10mins pa at talagang aalis na ako dito!
I min past… wala pa rin siya…
3mins past… no show pa rin… 5mins past… #@$! Wala pa rin!
7,8,9… aaaaahhh! I’m so pissed off! Suko na ako! Aalis na ako… tumayo na ako at kinuha ang bag ko…
“Oh, bakit aalis ka na? di pa nga tayo nagsisimula eh…” dumating pa!
“YOU’RE LATE! And who the hell are you? You really wasted my time! Napaka-insensitive mo talaga! Diyan ka na nga!” inayos ko na ang upuang inupuan ko kanina at papaalis na…
“Teka lang naman… magwo-walk-out ka na naman diyan eh… “ hinawakan niya ang dalawang braso ko at pinaupo…
“Relax…” tinap niya ang likod ko habang siya papunta sa pwesto niya… sa harap ko kung saan siya umuupo…
“Alam ko kung bakit naiinis ka…and honestly… I like it when you’re already pissed off…” nagsmile siya… nag fake smile ako…
“Ganun ba? Anong akala mo sa akin? Laruan na pwedeng paglaruan ang emosyon?” oh no… sobra naman yata ang nasabi ko…
“Look… alam kong isinusumpa mo na ako ngayon…”
“Buti alam mo!” inirapan ko siya
“Pero hanggang ganito na lang ba tayo parati? Paano naman ang working relationship natin kung ganito tayo? Panay nag-aaway…” tssss… PLASTIC!
“It’s not my fault! Ikaw nga itong panay naninira ng araw ko eh… you know what… it’s tiring! I am tired!” tumayo na ako at sinubukang umalis ulit…
“Wait… “ napahawak ulit siya sa braso ko… “I’m sorry… in fact kaya ako na-late because of something…”
Lumingon ako sa kanya na nakataas pa rin ang isang kilay…
“WHAT?!” I said without hesitations… kinuha niya yung bag niya at binigay niya yung plastic na may laman…
“Ano ito?!” hay… di ko alam kung anong laman nito… pero mainit ang pagkakahawak ko… and may naaamoy ako…
“We can’t eat that here… tara sa park tayo…” hinatak niya ang kamay ko at kinaladkad sa may park…
“Ano ba kasi ito?” di ko pa rin alam kung ano ang laman kahit nakarating na kami sa park at nakaupo na sa bench doon…
“Buksan mo kaya nang malaman mo” napasandal siya sa kunauupuan namin. Nang binuksan ko ang plastic… nagulat ako sa laman… isaw… yung unang pagkaing kinain namin nang magkasama…
“Wow!” napangiti ako dahil doon… isang buwan na yata akong di nakakakain ulit nun simula nung unang beses… pero natauhan ako… tinanggal ko ang ngiti sa mukha ko…
“Anong gimik na naman ito huh?” napahawak siya sa ulo niya…
“Wala lang…” tiningnan niya ako… “Sabihin na lang nating peace offering ko sa’yo sa lahat ng mga nagawa kong pang-iinis sa’yo” kumuha na ako ng isang stick sa plastic para makakain na… dudukot na rin sana siya pero iniwas ko para di siya makakuha… haha! Akin na ito noh!
“Oh bakit? Ako naman namili niyan ah! Penge naman.” Pakiusap niya sa akin… napa-smile ako habang kagat-kagat yung laman…
“Akala ko ba bigay mo sa akin ito? Bumili ka ng sarili mo dun!” sabi ko… sumimangot naman siya…
“Naku, kaya ba ayoko ng ganito eh… damot mo naman!” tinitigan ko siya ng masama
“Akala ko ba peace offering ito? Bakit nagsisimula ka na naman?!” inirapan ko siya
“Eh ayaw mo magbigay eh… sige na penge na please…” lumuhod siyasa tapat ko…
“Ano ba tumayo ka nga diyan! Parang isaw lang itataya mo ang pride mo…” binigay ko na sa kanya ang natitirang isa… nakain ko na kasi yung isa at kumaha pa ng isa kaya isa lang ang natira sa kanya…
“Alam mo, pwede naman tayong maging magkaibigan eh…” napatingin ako sa kanya pero nakatingin siya ng malayo sa harap niya…
“Maging magkaibigan? Sus! Ayoko nga! Masisira ang stardom ko sa school kapag ginwa ko yun noh…” napatingin siya sa akin…
“Bakit? ganun ba ako kasama para ikasira ng kasikatan mo dito sa school… at teka… sikat ka lang kapag may show kayo sa guild niyo noh!” napailing siya at bumulong “Kala mo naman kung sinong sikat…” asus.. bumulong pa…
“HOY! Narinig ko yun! Sikat ako noh, maraming gustong makasama at makausap ako… marami ring naghahabol sa akin noh… di ko lang pinapansin… mukhang nawawalan na yata sila ng ganang lapitan ako kasi kasama kita… ayan sira na tuloy ang pagkatao ko!” sabi ko…
“AKO? Ang swerte mo kaya at isang Nick Alvarez ang nakakasama mo! Mga naghahabol lang naman sa’yo mga pipitsugin eh… mga walang breeding!” ang kapal naman nito!”
“Bakit ikaw ba meron? Di ka rin mayabang noh? Nagsisimula ka na naman eh”bigla siyang napailing ng mabilis at parang bata kung gawin niya iyon… kaya napatawa na lang ako… pati siya natawa na rin…
“NAku, magsimula na nga tayo… wala tayong matatapos niyan eh” aya ko sa kanya
“Yes Mam…. Sungit!” napatingin ako sa kanya… pero nag-peace sign siya… sieze fire kami ngayon.. kaya walang awayang nangyari… pero siguro never na mangyayari yung one whole day na walang away at asarang magaganap…
Minsan din kahit papaano may natatagong kasweetan itong Mokong na ito eh… pero Minsan lang… kung baga… once in a blue moon lang iyon…

CHAPTER 10
NICK ALVAREZ:
Naging masaya ang naging study namin kahapon ni Sungit. Isaw lang pala ang makakapagpabait sa kanya eh…inaamin ko naman na napikon ko siya kahapon… kaya tama lang sigurong bumawi kahit papano…
Pumasok ako ng maaga sa school dahil ayokong malate… first period pa naman namin yung si Cruz, baka kung ma-late ako sabunin na naman ako…
Naabutan ko na sila Sam at Marco sa room… as usual… maaga naman talaga sila kung pumasok… nandun na rin si Mico at Sab… tsk… ewan ko ba dito sa lalaking ito… bakit kaya ang bilis makakuha ng girlfriend… umupo na ako dun sa ‘seating arrangement’…
“Hi Nick!” bati sa akin ni Sam kaya nag-hi na rin ako… sa likod lang naman siya nakaupo eh…
Nilabas ko ang cellphone ko para magtext… katext ko kasi mga kasama ko sa MTU na player din ng soccer team sa school…
“Pare!” tawag sa akin ni Marco.
“Bakit?” tanong ko… ano kayang kailangan nito? Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya na nasa teacher’s table… lumapit na rin ako… istorbo naman
“Oh?” tanong ko sa kanya pagkalapit ko
“Pare… gusto ko sanang… ahm…” Ano?
“Huh?” napakamot siya ng ulo…
“Gusto ko sanang…” napataas ako ng kilay.. tagal kasi sabihin…
“Ano?” napakagat siya sa labi niya…
“Ah… pansin ko kasi na… lagi kayong nagkakasama ni Kaith… ahm mukha kasing nagkakasundo na kayo, ahmm…”
“Deretsahin mo na nga ako… ano bang sasabihin mo??” napahawak siya sa noo niya…
“Gusto mo ba siya?” ano? Ano ba namang tanong yan!
“Huh?! Anong klaseng tanong ba yan hah? Wala akong panahon sa kalokohan ah…” napailing ako at balak na sanang umalis…
“Teka lang… sagutin mo lang tanong ko noh… nagugustuhan mo na ba siya?” napapahid ako sa mukha ko… hay… tinatanong niya kung gusto ko si Kaith? sus… edi…napaisip ako ah… imposible!
“Hindi! Di ko tipo mga katulad niya… masyado siyang masungit…” napatingin ako sa kanya… siya naman nanlaki ang mata…
“Masungit? Siya? So wala kang gusto sa kanya?” tumango ako… wala nga diba? Kulit
“Bakit mo ba naitanong?” napangiti siya
“Ahm, wala lang… akala ko kasi magiging karibal kita eh… ayoko sanang makabangga ng kaibigan…” huh? Anong sinasabi niya?
“Anong ibig mong sabihin?” napakamot siya ng ulo
“Pare… gusto ko sanang ligawan si Kaith…” nanlaki ang mata ko
“Hah?! Liligawan mo si Kai—“ tinakpan niya ang bibig ko…
“Pare… wag ka namang maingay diyan…” napatango ako…
“Yun na nga… balak ko siyang ligawan… noon pa… pero pare… medyo natotorpe kasi ako sa kanya eh… baka pwede mo naman akong tulungan sa kanya?” ako?! Sus! Bakit ako! Alam niya ba kung ano ang dugo niya pagnakikita ako? Baliw na talaga ito!
“Ako? Bakit ako?!” napakamot siya ng ulo niya
“Napansin ko kasing ikaw ang madalas niyang nakakasama… saka kaibigan naman kita diba? Ilakad mo naman ako sa kanya…” napailing ako…
“Ayoko!” tumalikod na ako at ready na umalis
“Bakit naman?” tanong niya… humarap ako sa kanya…
“Alam mo ba ang pakikitungo niya sa akin? Para akong may sakit na nakakahawa at ayaw niyang lapitan…” nagtaka ang itsura niya…
“Niloloko mo naman ako eh… nakita ko kayo sa park kahapon, nagtatawanan… iyon ba yung sinasabi mong ayaw kang lapitan huh?” so, nakita niya pala yung kagabi?
“Pare, di mo ako naiintindihan… di kami magkasundo nung babaeng iyon… mainit ang dugo niya sa akin… imposible yang sinasabi mo…” hay… di pwedeng maging tulay ako sa kanila!
“Sige na pare… subukan lang natin… kapag ayaw niya talaga… titigil na ako… sige na…”
“Pare… pasensya ka na pero…” napansin kong may paparating kaya napatigil ako…
Napatingin ako sa may pintuan ng room nang bumungad sa akin si Kaith… nakangiti… mukhang maganda ang mood…
“Hi Kaith…” bati ni Marco… kinawayan naman siya ni Kaith…
“Oh, Sungit, nandito ka na pala…” lumapit siya sa akin na hindi pa rin nawawala ang mga ngiti niya…
“Pasalamat ka maganda mood ko ngayon…” bulong niya sa akin… anong nakain nito? Nagtataka ako sa kilos niya ngayon… anong meron?
“Sige una na ako sa inyo…” lumapit na siya sa mga kaibigan niya… napasunod tuloy ako ng tingin sa kanya… kakaiba siya… cute siya pag galit pero mas cute siya kapag nakangiti…
“Oi… ano na?” napalingon ako kay Marco… kanina niya pa pala ako tinatawag…
“Sige sige… pero susubukan ko lang ah…” nanlaki ang mga ngiti niya…
“Oo ba! Salamat ah…” tumango ako…
“Isang beses ko lang gagawin iyon ah… bahala ka na dumiskarte…” tumango siya sa sinabi ko… ako naman umalis na at bumalik na sa kinauupuan ko…
“Anong nakain mo? Mukhang masaya ka ah…” bulong ko sa kanya… napalingon yata siya sa akin…
“Ahm, wala lang… basta… kaya ikaw… wag na wag mong sisirain ang mood ko ngayon kundi lagot ka sa akin!” umamba siya na parang susuntukin ako pero binaba niya agad saka ngumiti sa akin…
“Alam mo, kung parati kang ganyan, magkakasundo tayo…” nag-smile ako sa kanya
“Kung magiging good boy ka sa akin baka araw araw akong maging ganito noh…” nag-smile din siya sa akin… teka… anong ibig niyang sabihin? Tungkol kaya ito kahapon? Tiningnan ko siya pero nakatingin na siya sa harap… naka-half smile na siya… cute nga talaga itong si sungit…
“Anong tinitingin-tingin mo diyan? Making ka na… mapagalitan ka pa ulit ni Sir niyan sige ka…” huh? Napatingin tuloy ako sa harap at nandun na pala yung teacher na masungit…
“Ahm, Nick… go to the board and answer the problem…” patay… napatingin ako kay sungit… napatingin din siya sa akin at nag-smile
“Madali lang iyan… naturo ko yan sa’yo kahapon diba? Sige na…” kinindatan niya ako… napahingang malalim tuloy ako…
Finally natapos ko rin… nilagay ko na ang chalk sa chalk box at napatingin kay sungit… nag –two thumbs up siya sa akin… napa-smile tuloy ako… ok pala kapag di sinusumpong ito… sige na nga… kahit isang araw lang.. di ko siya pipikunin…
“Ok… excellent… you’re a bit improving… I think your tutor did a great job…” napatingin ako kay Sir… nag-smile siya kay Kaith, si Kaith naman napayuko ng konti pero di niya pa rin inaalis ang ngiti niya…
“Thank you Sir…” tumango siya
“You may take your seat…” nakahinga rin ako ng maluwag…
“Sabi na sa’yo madali lang yun eh…” nagsmile ako sa kanya… mukhang magiging masaya at peaceful ang saya ng araw ko ah…
Hay sa wakas natapos din ang nakakatuyong-bungo na subject na iyon… grabe dalawang oras din yun ah… ok na rin… at least break na! Nakakatuwa!
“Hey! Feeler!” napatingin ako sa kanan ko… si Sab… Feeler??
“Hay naku, Sab… masayadong maganda ang umaga ko kaya pwede ba wag ka munang manira ng araw? Ipagpabukas mo na lang sana yan…” napatingin ako kay Sungit… ay Kaith pala, kasi di naman siya masungit sa akin ngayon…
“You know what? I am very unfortunate to have you in my group!” teka… naiipit ako sa dalwang ito ah…
“Don’t worry… ako rin naman eh…” nakangiting sagot niya… mukhang fake yung ngiting iyon ah… hay… umalis na si Sab.. napikon yata…
“Kaith, una na kami ni Dara ah… sunod ka na lang…” napatingin ako kay Kaith… tumango lang siya… Yes! Wala siyang kasabay bumaba! Teka… bakit ba ako natutuwa?
“Wala kang kasabay?” tanong ko sa kanya…
“Narinig mo naman ang sinabi nila Sam kanina diba?” nnapakamot ako ng ulo ko… nabara ako ah…
“Bumabalik na naman ba si Sungit sa realidad?” napa-smile siya sa akin ganun din ako
“Sa ngayon…” tumayo siya at kinuha na ang bag niya “Hindi pa…” napatango na lang ako…
“Ano pang hinihintay mo… tara na… sasamahan mo ako diba?” napanganga at napa-smile ako sa kanya… at ayun, tumayo na ako at sinundan siya…
Habang pababa kami ng hadgan… “Bakit ang init ng dugo sa’yo ni Sab?” napatingin siya sa akin…nag-shrug lang ang balikat niya…
“Matagal na siyang ganun, simula nung napunta ako ng SMU… siguro para sa kanya, lahat ng bagay isang malaking competition na kailangan niyang mapanalunan… kaya siguro ako ang maiituturing niyang pinaka matinik niyang kalaban…” kaya pala…
“Eh, ikaw? Ganun ka rin bas a kanya?” umiling siya at napahinto sa paglalakad… tiningnan niya ako…
“Di naman ako nakikipagkumpitensya sa kanino man eh… at ayoko ng ganun… makakaramdam lang ako ng pressure sa katawan…” maayos din pala siyang kausap…
Nagpunta kami sa canteen, mukhang wala doon yung mga kabarkada niya… napangiti siya sa akin…
“Mukhang tayo ang magkasamang kumain ah…” napangiti at napatango na lang ako… umupo na kami sa bakanteng table at nag-order ng pagkain..
“Naisip ko lang… have you ever had a boyfriend before?” wah! Nick! Ano bang tanong yan! Napatigil siya sa pag-inom ng juice niya
“Huh?” binaba niya yung juice na hawak niya “Actually I never had one…” wala pa siyang naging boyfriend?
“Bakit naman?” ano ba itonbg pumapasok sa utak ko!
“Masyado na yatang personal ang mga tinatanong mo ah…” napakamot ako ng ulo at napainom ng softdrinks…
“Ah, ganun ba… sorry…” woooh! Bakit ba ganito nararamdaman ko?!
“Hindi, joke lang yun… ahm sa totoo lang natatakot akong mabugbog ng father ko kung gawin ko iyon…” tumawa siya ng malakas… literally ba yun? Ako naman ang itsura ko parang nagtataka na ewan
“Nagbibiro lang ako!” ah… akala ko totoo…
“Pero nainlove ka na?” ay potek ano bang mga tanong yan!
Napatigil siya sa pagsubo ng inorder niyang salad at pinunasan ang bibig niya
“Ahm… oo… pero, I think, may mahal na siyang iba eh…but I’m still waiting…” napapasmile na lang siya habang sinasabi iyon… masakit din yun ah…
“Teka… napansin kong panay ang tanong mo sa personal life ko ah… ako naman…” napatingin tuloy ako sa kanya…
“After Sandra? Sandra right?” kilala niya? paano? Napatango na lang ako…
“May pumalit na ba sa kanya sa puso mo?” napangiti ako sa tanong niya… corny eh!
“Wala pa… masyadong masakit kasi mga nangyari” napatango siya…
“So do you still love her?” umiling ako… napatango naman siya… ahm… may naalala ako… “baka pwede mo naman akong tulungan sa kanya?” nagpapatulong nga pala itong si Marco… itatanong ko ba?
Take it slow Nick…“Ahm may nanligaw na ba sa’yo” ano ba ito! Si Marco kasi eh!
“Hmm? Marami… bakit?” nanlaki mata ko…
“Marami?!” tumango siya…
“Oo, pero di natutuloy eh… kasi ayoko pa sa ganun noon, pero nag-iisip na nga ako na magdecide magpaligaw eh… kaso mukhang natatakot na yata silang mabasted kaya wala na masyadong lumalapit…” natawa siya…
“Eh paano kung si Marco? May pag-asa ba siya?” nagulat yata siya sa tanong ko…
“Depende…” ang labo…
“Dependeng ano?” tinapos niya na ang pag-inom niya ng juice
“Depende kung makakaya niyang magpatugtog ng sax sa harap ko…” nag-smile siya…
“Huh? What do you mean?” umiling siya…
“Wala!” tumayo na siya at hinawakan ang kamay ko… hinatak niya ako papalabas ng canteen.
“Anong ibig mong sabihin?” umiling lang siya…
“Tara na… pupunta pa tayo sa CA building… may cooking lessons pa tayo noh.. baka malate tayo.. malayo pa naman yun…” iyon lang ang nasabi niya sa akin…
Grabe… umaga pa lang at marami na ang nangyari… nandito na kami ngayon sa room kung saan magtuturo tungkol sa pagluluto ang mga teachers dito… inaamin ko… medyo baduy ito.. nakasuot kasi kami ng apron eh… potek… di bagay sa akn! Mukha akong bakla! Pagkatapos nito… di na ako magsusuot nito kahit na kalian!
“Ok class… gawin niyo na lahat ng nasa board… nandiyan na lahat ng mga procedures okay?” napakamot na lang ako ng ulo… wala rin naman kasi akong masyadong alam sa pagluluto eh… napatingin ako kay Kaith na mukang kina-career… nilapitan ko siya… masyadong seryoso eh… naisip kong kulitin siya ng konti…
“Anong ginagawa mo?” napatingin siya sa akin…
“Edi hinahalo itong nasa pot…” pot pa talaga ang tawag niya ah… kinuha ko yung sandok na hawak hawak niya…
“Oh! Bakit mo kinuha?!” nag-pout siya…
“Wala lang… trip kong gawin ito eh…” nakita kong umirap siya at pumunta naman dun malapit kay Mico… lumapit din ako…
“Siguro mas masayang gawin ito” tiningnan niya ako ng masama…
“Nananadiya ka ba?” umiling ako…
“Siguro mas masaya lang gawin ito…” nag-smile ako sa kanya…umalis na siya… mukahng nagpapasensya na… pumunta naman siya dun sa kabilang table at naghiwa ng carrots… papalapit n asana ako
“Pare… iniinis mo na naman ba si Kaith?” tumingin ako sa kanya at ngumiti…
“Hindi… pinaglalaruan lang…” napailing siya… tinuloy ko na ang balak kong lapitan siya…
“Muka yatang mas masaya yan ah...” nag-smile ako… pero siya tinitigan niya ako ng masama… mukhang badtrip na sa akin si Sungit… bumalik na sa realidad si Sungit…
“Nagsisimula ka na naman ba hah Mr. Nick Alvarez?! Naiinis na ako sa’yo ah!” naiinis na nga siya! Pero di pa rin ako nagpaawat… dumikit ako sa kanya at inusog-usog ko siya…
“Ikaw naman… di ka na mabiro…” inusog-usog ko pa rin siya… hanggang sa…
“OUCH!!” lagot na…
“Anong nangyari?” tanong ko… napakagat siya sa kamay niya… nakita kong may umaagos na dugo sa may palad niya…
“Nasugatan ka ba?” ano ka ba naman Nick! Di ko na alam ang gagawin ko… mukhang malalim…
“Ui… patingin nga!” sinusubukan kong kunin ang kamay niya… pero iniiwas niya naman…
“Pwede ba! Kung wala kang magandang gagawin umalis ka na lang dito!” naku… di pwede… ako nga may kasalanan kung bakit ka nasugatan
“Patingin sabi eh!” iniiwas niya pa rin ang kamay niya…
“Kasalanan mo ito!” nakikita kong patuloy pa rin ang pagtulo ng dugo sa kamay niya…
“Kaitherine? Nick? What’s going on there?” patay…
“Ahm Mam ka—“ naputol ang sasabihin ko dahil sumingit siya…
“Ahm, I just cut my finger Mam…” yeah… and it’s my fault
“WHAT? May I see it?” umiling si Kaith
“No Mam, I’m fine… titigil din po ang bleeding nito…” anong titigil… kanina pa kaya umaagos yan… lumapit si Mico sa kanya at tiningnan ang kamay niya…
“Patingin nga… Anong titigil agad? Ang lalim ng sugat mo oh…teka…” kinuha niya yung panyo niya at itinali ito sa sugat ni Kaith…
“Hindi… ayos lang naman ako eh…” umiling siya… ako naman walang magawa dito…
“MAm, I will send her in the clinic for first aid…” tumango si Mam…
“Mam, sasama na po ako!” dapat lang sumama ka… kasalanan mo ito!
“No Nick… stay here…”
“But Mam…”
“No… just stay here” hay naku… di ako mapakali…
“Ang clumsy kasi kaya nangyari iyan!” si Sab talaga…
Isang oras na ang nakakalipas pero di pa rin bumabalik sila Kaith… anon a kayang nangyari… malala ba ang pagkakasugat sa kanya… kasalanan ko ito! Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ko at nagawa ko pa iyon… mabait na nga siya sa akin nakuha ko pang inisin at SUGATAN! Di tuloy ako makapag-concentrate… Hanggang sa may lumapit sa akin at…
“Pare… wag ka nang mag-alala… ok na siya… medyo malalim ang sugat niya pero okay na…” bulong ni Mico sa akin… nakahinga ako ng maluwag… tumingon ako sa lugar kung saan nanggaling si Mico pero bakit wala si…
“Nasaan siya?” nag-smile siya sa akin…
“Papunta na…” hay… akala ko nasa clinic pa rin siya… nakita ko siya may benda ang kamay… pero maliit lang… yung part lang na nahiwa…
Lalapitan ko siya para magsorry…
“Ahm… I’m so--” napailing siya… “Tapos na…kaya pwede bang lumayo-layo ka na muna sa akin… baka may mas malala pang mangyari…” ok… pero nagui-guilty ako! Sige pagbibigyan ko siya… pero kailangan kong makausap siya…
Buong meeting na nilayuan ko siya… pero after ng class… buti may tutorial kami… kaya makakausap ko siya…
Kaya habang nakatingin siya sa libro at nagtitingin ng pwedeng ituro sa akin… napatingin ako sa sugat niya… at di ko na pinalampas ang pagkakataon…
“Sorry nga pala kanina…” napatingin siya sa akin… hay napahinga ako ng malalim… pakiramdam ko parang nabunutan ako ng tinik
Napa-smile siya… “Di siguro makayanan ng conscience mo kaya ka nagsosorry no?” natawa siya… alam niya ba kung gaano kahirap magsorry? First time ko humingi ng sorry sa babae lalo pa ako ang may kasalanan…
“Alam mo nakakatawa ka kanina… mas namumutala ka pa sa akin eh… ganun ka ba nag-alala?” tumawa na naman siya… ako naman ngayon ang naiinis… teka… namutla ba ako kanina?
“Di naman noh! Di kaya ako namutla!” ngumiti siya at nilapit ang mukha nga sa akin
“Ows… di nga? Eh mas mukhang ikaw ang nawawalan ng dugo kesa sa akin eh… mukhang hihimatayin ka pa nga eh” naiinis na ako ah!
“Sh!t naman oh!” napatigil siya sa pagtawa…
“Naiinis ka na ba? ako nga dapat magalit noh… dahil sa’yo nasugatan ako!” ok fine… kasalanan ko lahat…
“Okay… quits na tayo… mag-aral na tayo…” yun na lang ang nasabi ko… di ko akalain na ganun pala siya katindi… parang hindi naano… parang di man lang nasugatan… nakuha pang mang-asar… KAITH TORREZ:
Akala ko pa naman magiging maganda ang buong araw ko… nung umaga nalaman k okay Titan a makakauwi si Dad sa birthday niya… tapos nung Math naman, naging maayos ang pagsagot ni Nick sa problem… at nung break time… naging matino ang pag-uusap naming dalawa… actually okay na rin yun… kahit kalahating araw naging okay kaming dalawa… buwisit kasi siya nung sa cooking lessons eh,… nang-inis na… di yata nakatiis… at ayun… nasugatan ako ng dahil sa kakulitan niya… pero di ko naman siya sinisisi sa nangyari eh…
“Patingin nga… Anong titigil agad? Ang lalim ng sugat mo oh…teka…” kinuha niya… ni Mico ang kamay ko… ayoko n asana pero natatakot na rin ako kasi di tumitigil yung pagdurugo…
“Hindi… ayos lang naman ako eh…”nahihiya ako…binebendahan niya kasi yung sugat ko ng panyo niya… masyado kasi siyang malapit sa akin… di ko na pinansin yung reaksyon ni Sab… basta ang mahalaga… concern sa akin si Mico…
“MAm, I will send her in the clinic for first aid…” iyon ang sinabi niya pagkatapos talian yung kamay ko.
Sinamahan niya akong pumunta ng clinic… di ko nakuhang tingnan siya habang naglalakad kami papunta dun… siya naman hawak yung kamay ko na nasugatan…
Pagdating naming sa clinic…
“Nurse… pagamot naman po ng sugat ng kaibigan ko… nahiwa po kasi kanina…” agad naman kumuha ng first aid kit yung nurse. Mukhang di yata ako napansin kasi agad akong dinala ni Mico sa kwarto
“Okay ka na ba? Hindi ka ba nahihilo?” umiling ako…
“Medyo malalim ang sugat mo kaya matindi ang pagdurugo…” tumango ako… dumating na rin yung nurse…
“Oh, ikaw pala… Bakit ka naman nasugatan huh?”sinabi niya habang tinatanggal ang panyo sa kamay ko… napakamot ako ng ulo… napatingn naman sa akin si Mico.
“Bakit po? Madalas po ba siya dito?” tanong niya sa nurse…
“Ah,hind… kilala kasi masyado itong batang ito… maraming taga-hanga. Boyfriend ka ba niya” nanlaki ang mata ko sa sinabi ng nurse… si Mico naman napangiti
“Hindi po… kaibigan ko po siya.” Bakit mo tinanggi! Kainis ka! Haha! Joke lang
“Ah, akala ko kayo, kaya walang may lakas ng loob na lumalapit dito… marami kasing nagkakagusto dito eh… karamihan kasi ng napupunta dito nakikipag-away… kaya yung mga nasusugatan dinadala dito at siya yung pinag-aawayan…” grabe naman… ang dami nang nadadawit sa gulo ng dahil sa akin… ganun ba ako kaganda at kasikat para pag-awayan? Napatingin sa akin si Mico…
“Sikat ka nga talaga ah… di naman kasi kataka-taka yun… maganda ka kasi…” namumula tuloy ako sa sinabi niya…
“Oh ayan tapos na… medyo malalim ang sugat mo kaya naparami ang dugong nawala sayo… mag-iingat ka na sa susunod… dito muna kayo… baka kasi kapag umalis na kayo agad mahilo ka…” napatango kaming dalawa ni Mico…
“Salamat po…” tumango na lang yung nurse at umalis na. So kaming dalawa na lang ang natira sa loob…
“Nakita mo ba ang reaksyon ni Nick sa nangyari sa’yo?” napatingin ako sa kanya habang siya nakatingin sa kabilang kama na nasa loob…
“Oo, alalang-alala siya…” napangiti kaming dalawa
“Akala ko nga mas mauuna pa siyang himatayin kesa sa’yo eh” nagtawanan kaming dalawa…
“Siya naman may kasalanan eh… kung di niya ako ininis di mangyayari ito… pero di ko naman siya masisisis… baka magpakulong pa iyon…” tumawa ulit kami…
“Alam mo, sa totoo lang cute ka kapag naiinis… kaya di na ako nagtataka kung bakit gusto ka asarin ni Nick…” nagpout ako…
“Kung ganun… papakamatay na lang ako… ayoko ng palaging inaasar… nakakapundi!” napatigil siya…
“BAkit?” napatingin siya sa akin
“Wala… para kasing may nagsabi na sa akin ng ganyan…” napatango ako…
“Ah ganun ba?” sino naman kaya yun… hay never mind…
“Matanong ko lang… if you don’t mind… paano mo nagustuhan si Sab kahit…” napatingin siya sa akin
“Kahit masama ugali niya?” he knows what I mean,…
“Ahm hindi naman sa ganun…” napatango lang siya at napa-ngiti…
“Kasi there’s something about her about my childhood days… kaya ganun…” ah… bakit? ano bang meron sa kanila…
“Magkababata kayo?” tumango siya…
“Yup, since nursery… siya yung lagi kong tinutukso pero di siya napipikon sa akin… we were close that time… di ko nga alam kung bakit nagbago na siya ngayon eh…” teka… ako yun eh… ako yun!
“Ahm… pa-papano mo siya nakilala?” geezz… ako yung tinutukoy niya! it’s me not her!
“Because of something that I gave her before I left her…” aaahhh! Siya nga! Siya nga si Koko! Siya nga yun!
“Anong bagay na iyon?” napatingin siya sa akin at parang nagtataka… Mico… I need to know!
“Ahm, bakit mo gusto malaman?” argh! Akala ko sasagutin niya na….
“Ahm, wala lang… curious lang siguro ako…” napatango siya… tumingin siya sa watch niya at ibinalik ang tingin sa akin…hinawakan niya yung kamay ko
“Tara na… one hour na tayong wala sa class, baka hinahanap na tayo…” at ayun… naputol na ang pag-uusap namin… PROVEN! Siya nga talaga si Koko!! No doubt… kahit di niya pa nasasabi yung bagay na iyon… alam ko na singsing yung tinutukoy niya… Hay…

CHAPTER 11

Similar Documents

Premium Essay

Critical Thinking

...fourth EDItION fourth EDItION This clear, learner-friendly text helps today’s students bridge the gap between Its comprehensiveness allows instructors to tailor the material to their individual teaching styles, resulting in an exceptionally versatile text. Highlights of the Fourth Edition: Additional readings and essays in a new Appendix as well as in Chapters 7 and 8 nearly double the number of readings available for critical analysis and classroom discussion. An online chapter, available on the instructor portion of the book’s Web site, addresses critical reading, a vital skill for success in college and beyond. Visit www.mhhe.com/bassham4e for a wealth of additional student and instructor resources. Bassham I Irwin Nardone I Wallace New and updated exercises and examples throughout the text allow students to practice and apply what they learn. MD DALIM #1062017 12/13/09 CYAN MAG YELO BLK Chapter 12 features an expanded and reorganized discussion of evaluating Internet sources. Critical Thinking thinking, using real-world examples and a proven step-by-step approach. A student ' s Introduction A student's Introduction everyday culture and critical thinking. It covers all the basics of critical Critical Thinking Ba ssha m I Irwin I Nardone I Wall ace CRITICAL THINKING A STUDENT’S INTRODUCTION FOURTH EDITION Gregory Bassham William Irwin Henry Nardone James M. Wallace King’s College TM bas07437_fm_i-xvi.indd i 11/24/09 9:53:56 AM TM Published by McGraw-Hill...

Words: 246535 - Pages: 987

Premium Essay

Marketing

...fourth EDItION Critical Thinking A student ' s Introduction Ba ssha m I I rwi n I N ardon e I Wal l ac e CRITICAL THINKING A STUDENT’S INTRODUCTION FOURTH EDITION Gregory Bassham William Irwin Henry Nardone James M. Wallace King’s College TM TM Published by McGraw-Hill, an imprint of The McGraw-Hill Companies, Inc., 1221 Avenue of the Americas, New York, NY 10020. Copyright © 2011, 2008, 2005, 2002. All rights reserved. No part of this publication may be reproduced or distributed in any form or by any means, or stored in a database or retrieval system, without the prior written consent of The McGraw-Hill Companies, Inc., including, but not limited to, in any network or other electronic storage or transmission, or broadcast for distance learning. This book is printed on acid-free paper. 1 2 3 4 5 6 7 8 9 0 DOC/DOC 0 ISBN: 978-0-07-340743-2 MHID: 0-07-340743-7 Vice President, Editorial: Michael Ryan Director, Editorial: Beth Mejia Sponsoring Editor: Mark Georgiev Marketing Manager: Pam Cooper Managing Editor: Nicole Bridge Developmental Editor: Phil Butcher Project Manager: Lindsay Burt Manuscript Editor: Maura P. Brown Design Manager: Margarite Reynolds Cover Designer: Laurie Entringer Production Supervisor: Louis Swaim Composition: 11/12.5 Bembo by MPS Limited, A Macmillan Company Printing: 45# New Era Matte, R. R. Donnelley & Sons Cover Image: © Brand X/JupiterImages Credits: The credits section for this book begins on page C-1 and is considered...

Words: 240232 - Pages: 961

Free Essay

Something

...Advance Edited Version Distr. GENERAL A/HRC/12/48 15 September 2009 Original: ENGLISH HUMAN RIGHTS COUNCIL Twelfth session Agenda item 7 HUMAN RIGHTS IN PALESTINE AND OTHER OCCUPIED ARAB TERRITORIES Report of the United Nations Fact Finding Mission on the Gaza Conflict ∗ ∗ Late submission A/HRC/12/48 page 2 Paragraphs Page EXECUTIVE SUMMARY PART ONE INTRODUCTION I. II. III. METHODOLOGY CONTEXT EVENTS OCCURRING BETWEEN THE “CEASEFIRE” OF 18 JUNE 2008 BETWEEN ISRAEL AND THE GAZA AUTHORITIES AND THE START OF ISRAEL’S MILITARY OPERATIONS IN GAZA ON 27 DECEMBER 2008 IV. APPLICABLE LAW PART TWO OCCUPIED PALESTINIAN TERRITORY: THE GAZA STRIP Section A V. VI. THE BLOCKADE: INTRODUCTION AND OVERVIEW OVERVIEW OF MILITARY OPERATIONS CONDUCTED BY ISRAEL IN GAZA BETWEEN 27 DECEMBER 2008 AND 18 JANUARY 2009 AND DATA ON CASUALTIES ATTACKS ON GOVERNMENT BUILDINGS AND POLICE VIII. OBLIGATION ON PALESTINIAN ARMED GROUPS IN GAZA TO TAKE FEASIBLE PRECAUTIONS TO PROTECT THE CIVILIAN POPULATION VII. A/HRC/12/48 page 3 IX. OBLIGATION ON ISRAEL TO TAKE FEASIBLE PRECAUTIONS TO PROTECT CIVILIAN POPULATION AND CIVILIAN OBECTS IN GAZA X. INDISCRIMINATE ATTACKS BY ISRAELI ARMED FORCES RESULTING IN THE LOSS OF LIFE AND INJURY TO CIVILIANS XI. DELIBERATE ATTACKS AGAINST THE CIVILIAN POPULATION XII. THE USE OF CERTAIN WEAPONS XIII. ATTACKS ON THE FOUNDATIONS OF CIVILIAN LIFE IN GAZA: DESTRUCTION OF INDUSTRIAL INFRASTRUCTURE, FOOD PRODUCTION, WATER INSTALLATIONS, SEWAGE...

Words: 227626 - Pages: 911

Free Essay

Ebook

...Also by J.K. Rowling Harry Potter and the Philosopher’s Stone Harry Potter and the Chamber of Secrets Harry Potter and the Prisoner of Azkaban Harry Potter and the Goblet of Fire Harry Potter and the Order of the Phoenix Harry Potter and the Half-Blood Prince Harry Potter and the Deathly Hallows (in Latin) Harry Potter and the Philosopher’s Stone Harry Potter and the Chamber of Secrets (in Welsh, Ancient Greek and Irish) Harry Potter and the Philosopher’s Stone Fantastic Beasts and Where to Find Them Quidditch Through the Ages The Tales of Beedle the Bard Copyright First published in Great Britain in 2012 by Little, Brown and Hachette Digital Copyright © J.K. Rowling 2012 The moral right of the author has been asserted. All characters and events in this publication, other than those clearly in the public domain, are fictitious and any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted, in any form or by any means, without the prior permission in writing of the publisher, nor be otherwise circulated in any form of binding or cover than that in which it is published and without a similar condition including this condition being imposed on the subsequent purchaser. ‘Umbrella’: Written by Terius Nash, Christopher ‘Tricky’ Stewart, Shawn Carter and Thaddis Harrell © 2007 by 2082 Music Publishing (ASCAP)/Songs of Peer, Ltd. (ASCAP)/March Ninth Music...

Words: 161544 - Pages: 647

Free Essay

The Casual Vacancy

...Also by J.K. Rowling Harry Potter and the Philosopher’s Stone Harry Potter and the Chamber of Secrets Harry Potter and the Prisoner of Azkaban Harry Potter and the Goblet of Fire Harry Potter and the Order of the Phoenix Harry Potter and the Half-Blood Prince Harry Potter and the Deathly Hallows (in Latin) Harry Potter and the Philosopher’s Stone Harry Potter and the Chamber of Secrets (in Welsh, Ancient Greek and Irish) Harry Potter and the Philosopher’s Stone Fantastic Beasts and Where to Find Them Quidditch Through the Ages The Tales of Beedle the Bard Copyright First published in Great Britain in 2012 by Little, Brown and Hachette Digital Copyright © J.K. Rowling 2012 The moral right of the author has been asserted. All characters and events in this publication, other than those clearly in the public domain, are fictitious and any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted, in any form or by any means, without the prior permission in writing of the publisher, nor be otherwise circulated in any form of binding or cover than that in which it is published and without a similar condition including this condition being imposed on the subsequent purchaser. ‘Umbrella’: Written by Terius Nash, Christopher ‘Tricky’ Stewart, Shawn Carter and Thaddis Harrell © 2007 by 2082 Music Publishing (ASCAP)/Songs of Peer, Ltd. (ASCAP)/March Ninth...

Words: 161520 - Pages: 647