Premium Essay

Blar

In:

Submitted By
Words 6878
Pages 28
Isang Pagaaral Tungkol sa Epekto ng Social Networking Bilang Public Property sa mga Magaaral ng Pamantasan ng Sto. Tomas sa mga Piling Kolehiyo at Hayskul

Isang Pananaliksik Papel ang Ipinasa kay: Gng. Zendel M. Taruc Kagawaran ng mga Wika UST, Kolehiya ng Nursing

Bilang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa kurso ng Filipino 2: Pagbabasa at Pagsusulat Tungo sa Pananaliksik Ika-2 Semester, TA: 2007-2008

Ipinasa nina: Banzon, Jose Paulo Luigi A. Bayot, James C. De Chavez, Renz Irvin A. Isidro, Robin Delfin Lopez, Victor Rico P. Paulino, Alberto P. III Surell, Rusell John P. Unas, Janssen Dion T. Versoza, Jonas Ian R. I-1 Marso 7, 2008

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina I. Ang Suliranin at Kaligirang Pag-aaral a. Abstrak b. Mga Layunin II. III. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Disenyo at Paraan ng Pananaliksik a. Metodolohiya b. Presentasyon, Pagsusuri, at Interpretasyon ng Datos IV. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon a. Lagom b. Kongklusyon c. Rekomendasyon V. Bibliografiya 1-2 1 2 3-15 16-22 16-17 17-22 23-25 23 24 25 27-29

I.

Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral 1. Kaligiran ng Pag-aaral(abstrak) Ang pag-aaral ay tungkol sa epekto ng social networking bilang public property. Ang papel ay naglalarawan sa pananaw, kaugalian, at ideya ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng Santo Tomas sa mga piling kolehiyo at hayskul. Ang ginamit na instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ay isang sarbey na naglalaman ng mga open at close- ended na mga katanungan tungkol sa ideya at pananaw ng mga mag-aaral sa social networking. Sa lumabas na resulta ng mga datos, lumalabas na malaking porsiyento ang nagsasabing higit na nakakabuti ang paggamit nito at ang mga pangkaraniwang dahilan ay ang pakikihalubilo at pagpapakita ng sariling identidad. Mas naging matimbang ang mabuting epekto nito sa kabila ng masasamang epekto nito tulad ng mga kumukuha ng identidad o