Bongbong Marcos: Kontrobersiya, Kurakot Ng Lahi, Pagiging Senator
In:
Submitted By Garvanguelle Words 885 Pages 4
BONGBONG MARCOS
Sa ika-25 anibersaryo ng EDSA I, naging malaking kontrobersiya ang paglilibing sa mga labi ng dating Pangulo na si Ferdinand Marcos. Siyempre, dapat engrande. Dapat daw sa Libingan ng mga Bayani ilibing ang dating pangulo. Ayon kay Bongbong Marcos masyado na raw mahaba ang 25 na taon. Oras na raw para mag ‘move on’. Noong yumao kumakailan ang dating pangulong Cory Aquino, nagpahatid ng pakikiramay ang pamilyang Marcos sa mga Cojuangco – Aquino. Ayon nga kay Bongbong Marcos, “"We don't know each other well enough to like or dislike one another. We don't base our opinion on another person based on politics.” Dagdag pa niya, kung di raw natanggal sa pagpangulo ang kaniyang Ama noong 1986, malamang kasing unlad na raw tayo ng Singapore ngayon. Pero konting backtrack muna. Si Lee Kuan Yew, nagsoli ng nakaw na yaman bago nahuli at humingi ng kapatawaran at nagbagong loob. Si Marcos hindi sumuko. Iniwanan ni Marcos ang bansa ng foreign debt na mahigit $28 billion, at sa ilalim ng kaniyang pamumuno, nilehitimo niya ang debt servicing. Mayroon ring mahigit $13.4 billion dollars na Swedish bank Account. Nakakalat sa US Treasury ang mahigit $100 billion gold and dollar deposits ni Marcos at real estate properties na hanggang ngayon at di pa ganap na nababawi.
Kakabit na ng pangalang Marcos ang mga salitang: korupsyon, kroniyismo, humans rights abuse, extrajudicial killings, karahasan, at batas military. Umabot sa mhigit 120,000 na biktima ng humans rights abuse at extra judicidial killings, 35,000 na biktima ng torture, 70,000 biktima ng incarceration, at 1,000 na unexplained disappearances. Hindi pa nabibilang sa mga ito ang mga taong hindi na lamang nag-file ng kaso o naghamak na magpaabot ng tulong sa mga sari-saring organisasyon. Sa kagustuhan mabawi ni Marcos ang mga Sabah, nagbuo siya ng isang ispesyal na military unit na binuo ng mahigit 200 na binatilyong moro. Balak sana ng militar na patagong dalhin ang mga trainee sa Sabah para makapagsimula ng gulo roon upang mabigyang hustipikasyon ang pagnanais ni Marcos na magdeklara ng giyera sa Sabah. Ngunit nauwi ang operasyon na ito sa jabidah Massacre. Matatandaan rin ang madugong First Quarter Storm, ang Escalante Massacre sa Negros noong Sept 21, 1972, Plaza Miranda Bombing, at ang tahasang pandaraya sa eleksyon ni Marcos. Hanggang ngayon, di pa natatamo ng mga naiwang minamahal ng mga biktima ang hustisya o kompensasyong akma sa kanilang kawalan. Ang administrasyong Marcos ay tuta ng kano. Mga Amerikano ang sumagip kay Marcos mula sa mga galit na galit na militante, an gang foreign policy ng kaniyang administrasyon ay markado ng malakas na suporta sa mga ‘containment’ policy ng mga Amerikano.
Bata pa lamang si Bongbong, nabalot na ng kontrobersiya ang kaniyang buhay. Una, hindi talaga malinis ang kamay ng kaniyang mga magulang at kamag-anak. Ang mga nakaw na yaman ng pamilyang Marcos ay hinati-hati sa mga kaibigan at kapamilya niya (kroniyismo). Isa pa, kilala pa ang kaniyang ama sa pagiging dakilang babaero. Kaya naman, si Bongbong daw ay hindi tunay na anak ni Marcos.
“Ang Bongbong na kilala natin ngayon ay hindi ang tunay na Bongbong bagkus ay isang impostor. Sinasabing ang tunay na Bongbong ay pinatay sa Europa, dahil sa may nakaaway ito roon. Si Bongbong noong mga panahong iyon ay nasa Europa at nag-aaral subalit dahil sa kayabangan at maiinitin ang ulo, marami itong nakaaway. Resulta ng kamatayan umano ng tunay na Bongbong, kinailangang kunin ang isa pang anak ni Marcos sa ibang babae at magpanggap na Bongbong. Ito ang kilala nating Bongbong ngayon. Isa raw sa patunay na fake ang Bongbong ngayon ay dahil malayong-malayo ito sa tunay. Isa narito ay ang pagiging mestiso ng fake. May ‘kalambutan’ sa kilos at galaw ang fake dahil nang mag-training ito sa pagiging sundalo noon ng Pilipinas, hindi ito nakapasa.”
Manyari ay malayong-malayo raw ang itsura ng kyut na kyut na Bongbong Marcos noong araw na ipinilas sa kaniyang ina, sa nakikita nating Bongbong Marcos ngayon na hindi talaga kamukha ni Imelda.
Taniyag sa Ilocos Norte ang Bangui Windmills. Ito ay proyekto ni Bongbong na naghahalagang $75 million. Isyu: UTANG RAW IT SA WORLDBANK. Noong 2010, sa pangangampanya ni Bongbong sa pagka-Senador, inilantad niya na prioridad niya ang imprastraktura, kaakibat nito ang pagkakaroon ng trabaho raw sa milyon-milyones na Pilipino, at ang pagkakaroon ng Pilipinas ng mga reusable at cheap energy sources. Bottom line: mas marami pang utang sa World Bank.
Sa ngayon, wala pang napapatunayang bago sa camara si Bongbong. Nasa Senado na siya at binabantayan ng bayan ang kaniyang mga kikilusin: pipiliin ba niya ang daang matuwid? O ang daang tinahak ng kaniyang ama? Oras lamang ang makakapagsabi.
--------------------------------------------
[ 2 ]. Senate President Jovito Salonga, who served as the first PCGG chairman under the Aquino administration said the agency had identified 51
Marcos bank accounts in Switzerland, 23 of which are in Credit Suisse;
3 at Swiss Bank Corporation in Fribourg; 15 in Swiss Bank Corporation in Geneva; 6 at Banque Paribas in Geneva; 3 at Hoffman in Zurich; and one each at Lombard Odeii and Trade Development Bank in Geneva.
[ 3 ]. McCoy, Alfred. “Dark Legacy: Human Rights Under the Marcos Regime”
[ 4 ]. http://pinoyweekly.org/new/2011/03/bayad-pinsala-sa-mga-biktima-ni-marcos-tatanggapin-pero-hustisya-pa-rin-ang-hiling/