...Pareho sila ng mga hilig. Noong bata sila, kung ano ang kay Ella ay ganoon din kay Sofia. Kapag bibili sila ng damit ay parehas sila ng klase, at kulay lang ang pinagkaiba. Ganoon din sa pagbili ng sapatos, gamit sa eskwelahan at iba pang mga bagay. Paborito nilang panoorin ang Spongebob Squarepants at araw-araw nila itong inaabangan sa telebisyon. "Ako si Spongebob at ikaw si Patrick! Magkapatid man tayo, para na din naman tayong mag-bestfriend katulad nila Spongebob at Patrick." sinabi ito ni Ella kay Sofia noong pitong taong gulang siya. Mas maalaga si Ella kay Sofia dahil mas matanda siya at dapat siyang maging ate para kay sofia. Ngunit isang araw ay nagbago ang lahat ng ito. Nagbago ang kanilang pag-iisip ng sila’y tumuntong ng hayskul. Kung dati'y hindi sila mapaghiwalay, ngayo'y parang hindi sila magkakilala. Hindi sila nagpapansinan kahit nasa iisang bubong lamang sila. Ang tingin ni Ella kay Sofia ay nakikipag-kompetensiya ito sa kanya. Nakikipag-pagalingan siya sa kanyang kapatid kahit na wala namang paligsahan na nagaganap. "Lagi na lamang akong ikinukumpara sa'yo!" galit na sabi ni Ella kay Sofia na pinag-ugatan ng kanilang pagaaway. Pareho silang maganda ngunit masasabing mas angat ang ganda ni Sofia. Pero pagdating sa talento ay si Ella ang biniyayaan nito ng Diyos. "May mga bagay na hindi ibinigay sayo ng Diyos. Walang taong perpekto kaya itigil mo na ang pagiisip ng mga bagay na nakakasama ng iyong loob sa akin." wika ni Sofia kay Ella dahil hindi na niya kaya...
Words: 934 - Pages: 4
...Hanggang sa muli kaibigan Inaabangan ng bawat mag-aaral ang buwan ng Marso. Ito kasi ang simula ng tag-init. Isang indikasyon na malapit na ang bakasyon. Ngunit para sa mga 4th year students, ito na ang wakas ng kanilang buhay hayskul at simula ng bagong yugto ng kanilang buhay. Apat na taon na ang lumipas mula ng pumasok sila sa mga pintuan ng MMSU-LHS. Iba't ibang mukha ang kanilang nakahalubilo. Iba-ibang personalidad ang kanilang nakilala. At ang bawat isa sa mga ito ay nagiwan ng tatak na kanilang dala-dala sa loob ng apat na taon at muling dadalhin saan man sila dalhin ng panahon. Hindi makakamit ang tagumpay kung walang taong gagabay at aalalay sa iyo. Hindi aabot ang mga Seniors kung walang gumabay at umalalay sa kanila. Kaya't kanilang inihahandog ang kanilang tagumpay sa mga taong naging dahilan sa kanilang nakamit na pagpupugay. Sa kanilang mga magulang na simula't sapul ay laging nakahandang saklolohan sila. Sila na naghandog ng dugo't pawis upang mabigyan sila ng magandang buhay. Nagsakripisyo sila upang mabigyan ng kasiguraduhan ang kinabukasan ng kanilang mga anak. Sila na kayang baliin ang oras para lamang mabigyang panahon na suportahan ang kanilang mga supling. Sa kanilang mga guro na nagbigay sa kanila ng karunungan. Hindi lang sila nagturo, sila rin ang nagsilbing ikalawang magulang nila. Gumabay at sumuporta sa kanila. Naging kaibigang maari nilang sandalan. Kung wala silang kakapitan, ang mga guro ang kanilang lalapitan. Sa bawat taong naging...
Words: 511 - Pages: 3
...Benedicta Luzon Arevalo. Ang hanapbuhay ng aking magulang ay negosyo sa Julian Pastor Memorial Market. Kami ay labingapat magkakapatid ako ang bunso. Ang madalas na tawag sakin ng iba ay Phanie. Sa ngayon tatlo na lang kaming napasok sa paaralan ang kua George nasa ikatlong kolehiyo nakuha ng kursong seaman, ate Vivian nasa unang kolehiyo nakuha ng kursong accountancy at ako G-7 hayskul. Noong ako'y nasa elementarya palang ako'y nag aral sa pampublikong paaralan ng Julian A. Pastor Memorial Elementary School. Ang aking hilig ay sumayaw. Ang aking paboritong pagkain ay sphagetti sa pagkakaalam ko pinaglihi ako dito noong pinagbubuntis ako ng aking ina. Ang paboritong kung actress at singer ay si Sarah Geronimo. Ang paborito kung kulay ay rosas at ang paborito kung asignatura ay matematika. Payak lamang ang pamumuhay ng aking pamilya masaya, sama-sama, at tulong-tulong ngunit hindi maiiwasan ang mga problema na talagang susubukin ang isang pamilya pero ang kaylangan lamang ay pagmamahal, pagtutulangan at pananalig sa Diyos upang malampasan ang lahat ng iyon. Sa aking karanasan naman sa buhay ang hindi ko malilimutan ay noong nakagat ako ng aso sa ilong noong akoy bata pa. Ako ay simple lamang mapagmahal, mabait pero matinding magalet. Bilang kaibigan naman ako ay mapag biro at siyempre may pagpapahalaga ako sa mga kaibigan ko at madalas ay inaala ko muna ang kanilang mararamdaman bago ko magsalita. Tuwing ako ay may problema madalas akong umiyak sa Diyos sa Kanya...
Words: 374 - Pages: 2
...Ibat-ibang Epekto ng Social Media Ang paksa ng pananaliksik na ito ay ang mga ibat-ibang epekto at dulot ng mga social networking websites/social media sa buhay natin.Ito ay madalas na nabibigyan ng mga positibong kritisismo at hindi napapansin ng karamihan ang masasamang dulot ng mga ito. Marami na sa ngayon ang may mga account sa mga social networking sites.Mga libangan ng mga kabataan at pati narin ng mga matatanda ang mga sites na ito ngayon, nagiging gumon sa pagkuha ng litrato at kung anu-ano pa, gaya ng sites na FACEBOOK at TWITTER, ngunit hindi lang maganda ang naidudulot nito sa atin maaari rin itong makasakit sa ating kapwa tao o maging sa ating sarili. Sa katunayan, napakaraming mag-aaral sa hayskul ang may mga ganito dahil sinasabi na " IN " ka pag mag ganito ka at magiging “OP” ka naman kung wa ka nito dahil hindi ka makakarelate sa kanilang pinag-uusapan at higit sa lahat,naipapahayag sa buong mundo ang sariling ideya at pananaw natin sa buhay.kaya napakaraming bata ang naghuhumaling na gumawa nito dahil napapadali nga naman ang komunikasyon ng mga tao at easy access nga naman at wala kang babayaran kundi ang pangload mo lamang o ang WIFI, ngunit dahil rin dito marami sa mga estudyante ang na bubully.Pwede din itong gamiting pangblackmail na madalas na nangyayari sa ngayon, maari rin nitong sirain ang ating pag-iisip sa pag-aaral o magiging distorbo ito.Marami pa ang negatibong nadudulot nito sa atin ngunit patuloy parin natin itong ginagamit dahil makakatulong...
Words: 407 - Pages: 2
...pamilya. Pagsisikapan kong iangat ang aming estado at baguhin ang lahat na ugali na puwedeng makasira sa aming samahan. Titiyakin kong maging maayos ang aming relasyon para mapanatili ang katahimikan sa loob ng bahay. Tutulong ako sa mga problema ng aking mga kaibigan para mapagaan ang bigat na kanilang pinpasan. Hindi ako magdadalawang isip na gabayan at pangaralan sila dahil alam ko ang lahat ng aking ginagawa ay para sa kanilang kinabukasan na ipaangat ang kanilang pamumuhay. Gagawa ako ng isang maliit na grupo na ang hangain ay tumulong sa mga nangangailangan. Papalawakin ko ang isipan ng bawat miyembro para maipamahagi nila ang kanilang kaalaman sa mga taong nasasakupan ng aming barangay. Gagawa kami ng programa na maaaring makapabago sa buhay ng bawat isa. Hihikayatin namin na baguhin ang sistema ng pamamalakad ng aming mga opisyales sa barangay. Gagawa ako ng mga poster, sanaysay, awit at slogan na nagpapahiwatig ng mga bagay na dapat nating gawin upang makatulong sa ating bansa. Lilinangin ko ito at ilalagay sa internet upang makita ito ng mga tao sa buong mundo. Hihikayatin at tutulungan ko ang aking mga kababayan na ipakita at ipamalas ang kanilang talento para isa sila sa mga ipagmalaki ng ating bansa. Magsasagawa ako ng grupo sa buong bansa gamit ng makabagong media para makatulong sa anumang sakuna na maaaring mangyari at ang hangarin ay handang tumulong sa pamahalaan natin. Ang pagtulong ko sa ating bansa ay makakagawa ng malaking pagbabago sa ating pamahalaan upang...
Words: 3082 - Pages: 13
...Apendiks A Balangkas ng Pananaliksik ng Ikatlong pangkat ( LANGUAGE GROUP ) I. Pamagat Salik na Nakakaapekto sa Saloobin ng mga Mag-aaral sa Pag-aaral ng Filipino II. Paglalahad ng Suliranin Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy at masuri ang mga salik na nakakaapekto sa saloobin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Filipino Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan : 1. Ano ang profayl ng mga respondent ? 1.1 Kasarian 1.2 Katayuan sa buhay 1.3 Dayalekto / Unang wika 2. Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa saloobin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Filipino ? 3. Anu-ano ang posibleng solusyon sa mga naitalang suliranin hinggil sa saloobin ng mga mag-aaral ? 4. Anu-ano ang mga tiyak na paraan na maaring gawin ng mga guro upang mabago ang saloobin ng mag-aaral hinggil sa Filipino? 5. Ano ang posibleng magiging bunga ng pag-aaral para sa mga gurong nagtuturo ng Filipino ? III. Kalahok Tinatarget ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral ng Filipino sa level sekondari. Ang mga kalahok ay bubuuin ng apatnapung ( 40 ) mag-aaral sa ikatlong antas ng sekondari. Ang pagpili ng mga kalahok sa pag-aaral ay isasagawa ng pa-random Kakailanganin din ang partisipasyon ng mga guro sa Filipino sa pag-aaral na ito upang matiyak ang mga istratehiyang...
Words: 649 - Pages: 3
...ating sandata upang magkaroon ng maganda at simple na pamumuhay. Ang edukasyon bilang isang propesyon ay sinasabing pagpasok din sa isang bokasyon ng pag-aalay ng iyong sarili upang hubugin ang kaalaman at asal ng mga mag-aaral na siyang pag-asa ng ating bansa. Malaki ang ginagampanang papel ng kolehiyo sa buhay at kinabuksan ng estudyante. Isa sa mga pinakamahirap na desisyon na gagawin ng isang estudyante na magtatapos sa sekondarya ay ang pagpili sa kung anong kurso ang nais niyang tahakin o kunin sa kolehiyo sapagkta ito ang magiging kaakibat ng indibidwal sa kanyang panghinaharap na pamumuhay. Sa artikulo nina Rodman Webb at Robert Sherman (1989), kanilang binahagi na ang salitang career ay maaaring tumukoy sa isang linya ng trabaho o kurso ng propesyunal na buhay ng isang indibidwal. Ang dalawang kahulugan ng salitang ito ay nagpaintindi sa atin na ang karerang tatahakin o kukunin ay kailangang pinag-isipan ng mabuti. Sa pahayag ni Abeliade (1995), kanyang inisaad na ang pinansyal na kasiguraduhan ay isang mahalagang salik sa pagpili ng kurso. Hindi rin alintana ang malaking ginagampanan sa pagdedesisyon ng mga taong nakapaligid sa mga magsisipagtapos ng hayskul. Sa panahon ng mga kabataan ngayon higit na naipapakita ng mga magulang ang kanilang pag-aalala sa pwedeng mangyare sa kanilang mga anak. Kung meron man na may kadismayang mangyari sa anak, mabigat na pasanin ito para sa kanila ayon naman it okay Santrock (2005). Dahil dito, malaking porsyento ng mga magulang...
Words: 1275 - Pages: 6
...KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO I. Introduksyon Bawat mag-aaral na nasa hayskul ay nasa edad pa ng kanilang pagdadalaga at pagbibinata. Sa ganitong edad, dito nila natutuklasan ang mga pagbabago sa kanilang pisikal, mental, sosyal at maging emosyonal. Nakakatagpo sila ng mga barkada o kaibigan na makakatanggap sa kanila. Sa ganito rin edad mas nangangailangan ng patnubay ng magulang. Ang mga makabagong teknolohiya ay isa sa pinakamaimpluwensyang bagay sa mundo na naaapektuhan ang pag-iisip at pag-uugali nila. Dahil sa maling paniniwala at kulang na rin sa patnubay ng magulang , napupunta sila sa maling direksyon. Ang isa sa pinakapinoproblema ngayon ay ang maagang pagbubuntis. Ang maagang pagbubuntis ay nangyayari kapag ang dalawang tao ay sumubok sa pre-marital sex. Sa ganitong sitwasyon, pareho pa silang hindi handa sa maaaring bunga ng kanilang ginawa. Dito napagdesisyonankung bubuhayin nila o ipapalaglag ang bata. Kapag napagdesisyonan ng babae na bubuhayin ang bata, hindi siya makakapagtapos ng kanyang pag-aaral, hindi niya mabibigyan ng magandang buhay at hindi niya mabibigyan ng sapat na pinansyal ang kanilang anak. Maaaring hahantong ito sa pamimigay o ipapa-ampon na lang ito. Dahil ang ina, iniisip lang nito kung ano ang mas makakabuti sa kanyang anak. “Some parents tend to avoid their daughter because of having their daughter early pregnant. Some parents don’t understand about the situation. It is important that parents are the first persons who...
Words: 3892 - Pages: 16
...Introduksyon Marami sa mga kabataan ngayon ang may mabababang marka. Hindi ito dahil sa hindi nila maintindihan ang mga itinuturo sa klase. Ito ay dahil marami silang pinagkakaabalahan bukod sa pag-aaral. Talagang napakalayo na ng narrating ng teknolohiya sa paggawa ng mga makabagong kagamitan. Ang mga makabagong kagamitang ito ay ang mga kinalolokohan ngayon ng marami sa mga mag-aaral ng Pilipinas. Ito an gaming piniling pagtuunan ng pansin sa kadahilanang kapansin-pansin, lalo na sa aming klase, na imbes libro at bolpen ang dala ng mga mag-aaral, ang mga daa nila ay PSP, iPod, Laptop at Cellphone. Ang “k-zone” ay isang pambatang magasin. Sa loob ng magasin na ito malalaman ang mga makabagong kagamitan na mabibili sa mga malls ngayon. Ang magasin na io ay may buwanang sipi na may titulong “What’s Hot?” na nagpapakita ng mga sikat na makabagong kagamitan ngayon at mga nalalaos na. Mapansin na kung maglilibot tayo sa bilhan ng mga magasin, maraming kabataan ngayon ang bumubili ng K-Zone. At dahil na ring sa “What’s Hot?” naiimpluwensyahan ang mga kabataan na makiuso sa kung anung bagong kaamitan ngayon. Ang mga naunang pag-aaral patungkol sa mga kadahilanan kung bakit mabababa ang mga grado na nakukuha ng mga mag-aaral sa eskwelahan ay may kinalaman lamang sa problema sa pamilya, lugar kung saan nakatira ang mag-aaral, ang tinatawag na study habit, etc. Ngunit dahil ngayon lamang lumabas ang PSP, iPod, Laptop at Cellphone, wala pang pag-aaral ang naglayong alamin...
Words: 2331 - Pages: 10
...Paghahambing ng misyon at bisyon ng Roosevelt College Cubao at Far Eastern University __________________________________________ Ni: HILARIO, JOSE NOEL B. Isinumite bilang pangangailangang papel sa Final Tag-init 2011-2012 Isinumite kay: G. Jorge P. Cuibillas Guro sa Fil 2A FAR EASTERN UNIVERSITY KALYE N. REYES, SAMPALOK, MAYNILA 16 MAY 2012 I. INTRODUKSYON: A. Hangad na tagapakinig at pagpapakilala Ang naturang pananaliksik at pag-aaral ay inilatag at isinagawa upang magkaroon ng masusing obserbasyon ukol sa misyon at bisyon ng kapwa pinag-aaralang institusyon ng Roosevelt College at Far Eastern University. Bukod pa dito ay ang mailarawan at mabigyan ng sapat na substansya ang pag-aaral sa pamamagitan ng paglalatag at pagkalap ng sapat na impormasyon gaya ng pagbibigay ng kasaysayan ng Roosevelt College at iba pa na makatutulong upang mas lalong maipakilala at mabigyang laman ang naturang pag-aaral. Ang makapagtatag ng maka agham na pagsusuri upang makabuo ng analisis tungo sa mabisang paghahambing at pagkakaiba na maghahatid sa isang mabisang aplikasyon. At dahil dito masasabing ang papel na ito ay hangad na maibahagi para sa lahat ng estudyante at mag-aaral, mga guro at propesor, at iba pang mga kagayang mag-aaral at mga dalubhasa. Bigay na ang mga gabay, ang mga sapat na pag-alalay at mga pagbubuyo ng aking guro at propesor na si G. Jorge Cuibillas ako ay nagnanais at umaasa na ang papel na ito ay magkaroon lamang ng kakaunting pagkukulang...
Words: 2171 - Pages: 9
...Suring Basa I. A. Pamagat ng Katha Tayong mga Maria Magdalena B. Awtor Fanny A. Garcia II. Buod ng Katha Nagbukas ang kwento sa pakikipag-usap ni Hilda sa isang babae na baguhan pa lamang sa bar na pangalan ay Uncle Tom’s na pagmamay-ari ng isang Amerikano, si Thomas Dewey. Ibinahagi niya ang kanyang buhay, simula sa kanyang kabataan at kung paano din siya nagsimula magtrabaho sa Uncle Tom’s. Si Hilda na kilala din bilang Ne ay lumaki na ulila sa ama kaya ang kanyang Nanay na lamang ang nagpalaki sa kanya. Pinalaki siya ng kanyang ina na maging konserbatibo sa pagkilos at sa pananamit. Kilala siya sa kanilang lugar, ang Looban, dahil sa angkin niyang kagandahan. Nang nakatapos na ng hayskul, nagtrabaho siya bilang weytres sa isang restoran upang mapagipunan ang matrikula niya sa kolehiyo dahil pangarap niya maging nars. Sa restoran na iyon ay nakilala niya si Mother, isang Mama-san, inaaya siya na maging a-go-go dancer sa isang bar kung saan malaki ang makukuha niyang sweldo. Pumayag siya at simula noon ay nag-iba na ang itsura, pananamit at pagkatao niya. Natuto siya gumawa ng mga masasamang gawain tulad ng pag-iinom, paggamit ng droga, pakikipatalik at pagpapalaglag ng bata kagaya ng ibang regular bar girl dahil sa mga hindi inaasahang mga pangyayari. Nalaman ng mga taga- Looban at ng kanyang ina ang tungkol sa pag- a-go-go dancing niya noong siya ay nakita ng kanyang kababata. Sa kabila ng mga panghuhusga ng mga taga-Looban sa kanya, ang pagmamahal ng kanyang...
Words: 1606 - Pages: 7
...A. PANIMULA Ang edukasyon ay isang pundasyon ng mabuting pamumuhay. Ito ay naglalayon ng pagkatuto ng isang katauhan. Sinasabi din na ito ay isang proseso ng pagkuha ng kalaaman kaya naman ito ay nagdudulot ng benepisyo sa ating mental, pisikal, emosyonal at maging sa ating espiritwal. Pinapabuti nito ang bawat aspekto ng ating buhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga kaalaman sa lahat ng bagay. Sumakatuwid, napakahalaga ng edukasyon sa bawat mamamayan ngunit maraming estudyante sa kolehiyo at hayskul ang hindi nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral. Ayon nga sa UNESCO (United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization), “Ang edukasyon ay isang prinsipyo ng karapatang pantao at ito ay isa ring pagsasanay sa iba pang karapatang pantao na nagtataguyod ng indibidwal na kalayaan, nagbibigay kalakasan at nagbubunga ng paglago. Subalit milyong mga kabataan maging mga matatanda ang hindi napapagkalooban nito dala ng kahirapan sa buhay.” Bunga nito, ang mga pursigidong mag-aaral na may pangarap na makapagtapos ng pag-aaral ngunit sa kakapusan ng kuwalta ay hindi sila nabibigyan ng pagkakataon, pumapasok na lamang sa pagtatrabaho. Naaapektuhan nga ba ng kanilang pagbabanat ng buto ang kanilang pagganap sa paaralan? Ang pagtatrabaho habang nag-aaral ay makapagdudulot din ng tagumpay kung sa kanilang pagtatrabaho ay matututunan nila ang pagiging masipag, matiyaga at magkakaroon sila ng ‘time management skills’. Sa kabilang dako naman, maaari din itong makapagpalubha...
Words: 2249 - Pages: 9
...Isang Pagaaral Tungkol sa Epekto ng Social Networking Bilang Public Property sa mga Magaaral ng Pamantasan ng Sto. Tomas sa mga Piling Kolehiyo at Hayskul Isang Pananaliksik Papel ang Ipinasa kay: Gng. Zendel M. Taruc Kagawaran ng mga Wika UST, Kolehiya ng Nursing Bilang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa kurso ng Filipino 2: Pagbabasa at Pagsusulat Tungo sa Pananaliksik Ika-2 Semester, TA: 2007-2008 Ipinasa nina: Banzon, Jose Paulo Luigi A. Bayot, James C. De Chavez, Renz Irvin A. Isidro, Robin Delfin Lopez, Victor Rico P. Paulino, Alberto P. III Surell, Rusell John P. Unas, Janssen Dion T. Versoza, Jonas Ian R. I-1 Marso 7, 2008 TALAAN NG NILALAMAN Pahina I. Ang Suliranin at Kaligirang Pag-aaral a. Abstrak b. Mga Layunin II. III. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Disenyo at Paraan ng Pananaliksik a. Metodolohiya b. Presentasyon, Pagsusuri, at Interpretasyon ng Datos IV. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon a. Lagom b. Kongklusyon c. Rekomendasyon V. Bibliografiya 1-2 1 2 3-15 16-22 16-17 17-22 23-25 23 24 25 27-29 I. Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral 1. Kaligiran ng Pag-aaral(abstrak) Ang pag-aaral ay tungkol sa epekto ng social networking bilang public property. Ang papel ay naglalarawan sa pananaw, kaugalian, at ideya ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng Santo Tomas sa mga piling kolehiyo at hayskul. Ang ginamit na instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ay isang sarbey na naglalaman ng mga open at close- ended na mga katanungan tungkol sa ideya...
Words: 6878 - Pages: 28
...A. PANIMULA Ang edukasyon ay isang pundasyon ng mabuting pamumuhay. Ito ay naglalayon ng pagkatuto ng isang katauhan. Sinasabi din na ito ay isang proseso ng pagkuha ng kalaaman kaya naman ito ay nagdudulot ng benepisyo sa ating mental, pisikal, emosyonal at maging sa ating espiritwal. Pinapabuti nito ang bawat aspekto ng ating buhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga kaalaman sa lahat ng bagay. Sumakatuwid, napakahalaga ng edukasyon sa bawat mamamayan ngunit maraming estudyante sa kolehiyo at hayskul ang hindi nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral. Ayon nga sa UNESCO (United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization), “Ang edukasyon ay isang prinsipyo ng karapatang pantao at ito ay isa ring pagsasanay sa iba pang karapatang pantao na nagtataguyod ng indibidwal na kalayaan, nagbibigay kalakasan at nagbubunga ng paglago. Subalit milyong mga kabataan maging mga matatanda ang hindi napapagkalooban nito dala ng kahirapan sa buhay.” Bunga nito, ang mga pursigidong mag-aaral na may pangarap na makapagtapos ng pag-aaral ngunit sa kakapusan ng kuwalta ay hindi sila nabibigyan ng pagkakataon, pumapasok na lamang sa pagtatrabaho. Naaapektuhan nga ba ng kanilang pagbabanat ng buto ang kanilang pagganap sa paaralan? Ang pagtatrabaho habang nag-aaral ay makapagdudulot din ng tagumpay kung sa kanilang pagtatrabaho ay matututunan nila ang pagiging masipag, matiyaga at magkakaroon sila ng ‘time management skills’. Sa kabilang dako naman, maaari din itong makapagpalubha...
Words: 2250 - Pages: 9
...I. INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK A. Paglalahad ng suliranin Sa panahon ngayon, madaming kabataan ang sadyang naadik sa paglalaro ng computer games. Sa paglalaro ng computer games, naapektuhan ang isip ng isang manlalaro dahil siya ay nagkakaroon ng mga pantasya ukol dun sa nilalaro niya. Ang madalas na nagbibigay ng epekto ay ang mga computer games na may karahasan na kasama. Mga larong may temang sex, pagpapaslang at paggamit ng mga sandatang nakakamatay. B. Pag-aaral May mga kaso sa ibang bansa tungkol sa mga negatibong epekto ng paglalaro ng computer games, kinokopya ng mga manlalaro ang mga aksyon at isinasabuhay ito, dahil sa sobrang paglalaro ng computer games naaangkop na nila at ginagaya ang kanilang nakikita na lalong nagiging adik sila dahil sa kaharasan. Ang iba naman ay nagbibigay ng positibong epekto sa pamamagitan ng pagbibigay ng lesson na magaganda at ginagawang mas malawak ang imahinasyon ng isang manlalaro. Ito yung mga ginagamit nila sa pag aaral o mga talentong na nahahasa na kanilang nakikita sa pagiging malikhain at sa mga sosyal na akitibidades ng laro. C. Layunin Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang maging kumpleto ang grado sa kursong FILIPINO II, ito ay isang “requirement”upang makapasa. Pwede rin ito sa mga kabataan, lalo na yung hindi na maalis ang kamay sa keyboard at ang grado ng salamin ay umaabot ng libo libo sa dahilan na isa siyang adik o manlalaro ng computer games. Ito ay para sa mga interesado malaman ang mga posibleng...
Words: 2021 - Pages: 9