Buhay Ni Pol Lito Koh
In:
Submitted By aeolusang
Words 753
Pages 4
BUHAY ni
POL LITO KOH
Ni : aeolusang
O Bakit kaya
Napakaraming malambing magsalita
Sa mga taong nagdurusa
Sa panahon ng pangangampanya?
____________ _________ _________ _________ _________ _________ _
Mayroon akong kababayan
Pol Lito Koh ang ngalan
Napakabilis sa takbuhan
Napakahusay sa gulangan
Makikipaglaban hanggang kamatayan
Alang-alang sa limpak-limpak na kitaan
Itong si Lito
Ay isang palalo
Ibubuwis ang lahat
Para sa matamis na "oo"
Naglalatag ng pangako
Magpapakitang tao
Alingasaw ng pagkamaligno
Agad-agad niyang maitatago
Bawat makakasalubong
Ituturing niyang kaibigan
Hangga't mayroong bubong
Kanyang lalapitan
At dahan-dahang ibubulong
"Ako ay inyong maaasahan"
Ito naman si tanga
Agad-agad naniniwala
Sa binitiwang kataga
Ni Lito na sugapa
Kaya ngayon ikaw ay nagdurusa
At ang tanging magawa
Ay ibato ang sisi sa iba
Mayroon akong inaasahan
Pol Lito Koh ang ngalan
Siya ay buong puso kong pinagkatiwalaan
Dahil sikmura ko'y mahapdi't walang laman
Masasabi bang katangahan
Nang tulad kong dukha na pag-asa ang sandalan?
Sapagka't wala kaming pinag-aralan
Likas ang maniwala kaninuman
Para sa ikatatakas at ikapupunan
Ng aming katauhan
Dito sa mundo nang walang katapusan
Na kahirapan
Pag-asa ang tangi naming sandata
Paniniwala ang siya naming Allah
Huwag sanang pandirihan
Kung kami'y nagkasala
Pagpili ng tama
Ay aming pinagsawalang bahala
Inyo sanang makita
Kami rin ay biktima
O nasaan na Lito
Ang iyong pangako?
Na ikaw ay malalapitan
sa oras ng kagipitan ko
ako ngayo'y nagsusumamo
Humihiyaw sa kirot
Panambitan kong hindi mailusot
Sa utak mong kakarampot
Ikaw ngayon sa akin ay bangungot na salot
Mayroon akong kaibigan
Pol Lito Koh ang ngalan
Nung panahon ng kanyang pakikipag-kamayan
Akin siyang tinutulungan
Kaya't ngayon ay nagsibukasan
Bank account ko na dating walang laman
Kaya akong mayaman
Patuloy ang karangyaan
Mayroon akong dinadaing
Pol Lito Koh ang ngalan
Noong panahon ng bilangan
Lubha akong pawisan
Paulit-ulit lang ang kinahihinatnan
Nang tulad kong guro na bayani ng bayan
Sana'y dusa nami'y matuldukan
Ng mga high-tech na kagamitan
Meron akong dinadalangin
Pol Lito Koh ang ngalan
Na sana si Inang Bayan
Magkaroon ng katarungan at kalayaan
Na hanggang pagbigkas na lang sa panatang makabayan ang kinahihinatnan
Panginoong Hesukristo
Kami ay iyong disipolo
Dasal namin ay malayo
Malakas pa sa pwersa ng sundalo
Kinatatakutan kumpara sa binabalak na Martial Law
Ngunit paano makararating
Ang dalangin at pangaral naming hiling
Kung ang mga ulo
Ng bayang ito
Ay may sungay na ng demonyo
Meron akong kinaiinisan
Pol Lito Koh ang ngalan
Matapos ang kalokohan
Ngayon siya ay nagpapayaman
Hindi pa nakuntento
Itong malaking lokoloko
Sa haba ng pagkakaupo sa trono
Nagyon ay magdaraos pa ng salo-salo
Sayawan na lilinlangin ang sangkatauhan
Saan kaya mapupunta
Ang pag-indak ni Lito ng Cha-Cha?
Ito kaya ay para sa masa?
O para sa ilang nagpapakasasa?
Ito ay isang malinaw na mitsa
Ng pagbagsak ng demokrasya
Ako si Pol Lito Koh
Isang biktima ng maling pagkukuro
Nadamay sa marka ng mga hudyo
Na walang ibang alam gawin kundi manloko
Huwag sanang biglain
Ang pagtingin sa amin
Maiging kilatisin
Ang tunay na Lider
Na Nakikipagbanggaan sa pader
Kahit iharap pa ay kanser
Hatid ko ay serbisyong totoo
Alay aking buong puso
Dahil ako ay isang Pilipino
Makatao at hindi siraulo
Ako si Pol Lito Koh
Hangad ko'y para sa aking bangko
Madali kong malulusutan kahit anung kaso
Dahil nasa pwesto ang hustisya mga katoto
Milyun-milyon aking nilaan
Sa paglabas ng mukha ko'y inagahan
Upang mapagpapansin sa taong bayan
At iluklok nang madalian
Nang ako'y manalo
Laban sa mga sanggano
Ako'y walang pagod totoo
Dahil gamit ko ay eroplano
Hakot dito
Hakot doon
Hanggang may milyon
Abot kamay aking ambisyon
Mayroon akong kinagisnan
Pol Lito Koh ang turan
Sa katulad kong kabataan
Hindi ito mahirap subaybayan
Kami ang susunod na henerasyon
Mapagmamasdan iba't-ibang mukha ng eleksyon
Hindi lingid sa aming imahinasyon
Ang pasakit ng katiwalian at korapsyon
Tinig man nami'y mumunti
Utak at pang-unawa ay sadyang kay laki
Hindi namin kailangan ng "Glori"
Mula sa angkan ng takot magpahuli
Hindi isang laro ang pagboto
Hindi ito kasing dali ng mini-mini-mayni- mo
Mag-ingat sa tulad ni Lito
Na patay-gutom sa trono
Kilalaning maigi ang kandidato
Ihalal ang tao
Hindi ang Dyablo
Dahil ang bawat desisyon mo
Ay may kaakibat na PAGBABAGO.
____________ _________ _________ _________ _________ ____
O bakit kaya
Napakaraming nagkakandarapa
Sumulong sa mundo ng pulitika?
Hindi tuluyang maiwaksi sa aking mga mata
Ang pagdududa
Na habol lang nila ay pera.
#