Free Essay

Cabuyao at Ang Asia Brewery

In:

Submitted By denisequila
Words 1534
Pages 7
PAGKAKATATAG
NG BAYAN NG CABUYAO

Hindi pa dumarating ang mga Kastila sa Pilipinas ay malaon nang pinamamayanan ng mga Katutubo ang Kanlurang Baybayin ng Looc ng Bai, na ngayon ay Looc ng Laguna. Hiwa-hiwalay ang mga pookang nakakalat sa dalampasigan nito, at isa na sa pinakamalaking pookan dito ay tinatawag na “Tabuko” na ang ibig sabihin ay “Hangganang Ilo.”

Nabubuhay ang mga katutubo sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman (root crop) at pangingisda sa karatig na dagat, na noo’y makipot kaysa ngayon, dahil sa hindi pa noon nagagalaw ang mga kabundukan, kung kaya wala pang malalaking baha na nagdadala ng lupa at burak sa nabanggit na karagatan. Noong mga panahong iyon, ay nakalilipad ang labuyo sa pagtawid sa kabilang ibayo kung ito ay nabubulyaw sa “Tabuko.”

Tangi sa paghahalaman at pangingisda ay nakararating din sa Tabuko ang mga mangangalakal na Intsik upang mamalit (barter) ng almaciga, pukyutan at iba pa, sa kanilang panindang damit, kasangkapan at iba pang kailangan ng mga katutubo.

Ang pamahalaan nila ay sa pamamagitan ng pamumuno ng isang Lakan na siyang kinikilala at iginagalang ng lahat. Marami din silang sinasamba at pinaniniwalaan, tungkol sa pananampalataya tulad ng araw, buwan at punongkahoy, ayon sa kanilang paniniwala.

Noong taong 1570, matapos masakop ang Maynila ay dumating sa Tabuko ang mga kawal ng Kastila sa pamumuno ng isang batang Kapitan na si Kapitan Juan de Salcedo at ang pook na ito ay kanyang binanggit sa kanyang pagbabalik kay Miguel Lopez de Legaspi na siyang kataas-taasang pinuno nang punong himpilan sa Maynila. Nang ito ay malaman ng “Adelantado” (Miguel Lopez de Legaspi) noong Enero 16, 1571 ay ipinahayag niyang ang pook na ito (Tabuko) ay maging isang encomienda o bayanan sa ilalim ng pamumuno ng isa niyang kawal na si Gaspar Ramirez. Ang kawal na ito ay kanyang itinalaga upang siyang mamahala sa pagsuko at pakikipag-ugnayan sa mga katutubong naninirahan dito, bilang isang “Hepe de Ocampo” o Puno ng Himpilang Kastila.

Matagal ding namalagi ang pamamahala ng military sa pook na ito ng Tabuko, na ang hangganan sa ibaba (North) na ang pookang ngayo’y kilalang bayan ng San Pedro; sa ilaya (South) ay ang ngayo’y bayan ng Bay; sa silangan (East) ay Lawa ng Laguna at sa kanluran (West) ay ang bundok ng Sungay.

SA PANAHON NG PANANAKOP NG HAPONES

Isa na sa pinakamapalad na bayan ang Cabuyao sa panahon ng pananakop ng Hapones. Dahil sa kanyang mga bukiring pinag-aanihan ng palay at katihang pinag-aanihan ng tubo ay naging sagana sa pagkain ang mamamayan dito. Ang bayan ng Cabuyao noon ay nagging likasan (Evacuation Center) ng mga taong nagmumula sa Batangas, Maynila at iba pang lalawigan at karatig-bayan, dahil sa kahirapan at panganib ng buhay sa kanilang pinanggalingan. Nagging kalaban noon ng mamamayan ang mga pangkat ng MAKAPILI na siyang nagging katulong ng mga Hapon sa pamamahala sa bayang ito. Kung bagamat mayroon sa baying ito ng mga “MAKAPILI” ay mayroon ding mga maka-Amerikanong lihim na kumikilos na kung tawagin ay mga “GUERILLA.” Sa dalawang magkalabang ito nasa gitna ang mga mamamayan, na kapwa pinakikisamahan at inaabuluyan kung kailangan, upang sila ay matahimik at maging panatag ang buhay. Sa loob ng apat (4) na taon ng pananakop ay nagging sentro ng kalakal ang baying ito, sapagkat nagging magulo noon sa mga bayan ng Calamba at Tanauan.

Spanish Era

Tinatayang 300 taon bago ang kapanganakan ni Kristo, dumadating taon-taon ang mga Malays sapagkat sila ay nahahalina sa progreso ng Maynila kung saan ang sentro ng kalakalan sa pamamagitan ng mga mamamayan sa lawa ng Ba-I o mas kilala ngayon sa tawag na Laguna de Bay. Sa lugar na ito nagaganap ang pakikipagkalakalan ng mga mamamayan sa Intsik, Arabo, at sa iba pang Malay race. Ang mga dayuhang negosyante ay nagtatag ng kani-kanilang mga nayon sa sa paligid ng Laguna de Bay.

Isa sa pinakamaliking nayon na naitatag sa kanlurang bahagi ng lawa ay ang “Tabako” o “Hangganang Ilog” na nangangahulugang boundary in the native tongue. Ang mga mamamayan sa barangay na ito ay nagmula sa Malay race ng Malaysia, Indonesia, at Indo China. Ang “Tabuko” ay walang tiyak na hangganan maliban sa mga natural na palatandaan tulad ng mga bundok, burol, at lawa. Masasabi na ang hangganan ng “Tabuko” ay abot sa hanay ng bundok ng Sungay sa kanluran, bundok Makiling sa timog, at ang lawa ng Ba-i sa silangan at ang malalaking tanawin ng kumunoy sa Tunasan sa hilaga.

Noong ika-16 ng Enero 1571, inanunsyo ni Miguel Lopez de Legazpi na ang Tabuko ay tinuring na bilang “encomienda” o isang bayan sa pamumuno ni Gaspar Ramirez. At ang barangay Malabanan, Calamba at Sta. Rosa ay sa ilalim ng pangangasiwa ng pamahalaan ng Tabuko. Ito ang oras na nagkaroon ng hangganan ang Tabuko. Ang hangganan sa hilaga ay Tunasan, sa timog ay Ba-I, sa kanluran naman ay Sungay at ang sa silangan ay Lake Ba-i

ANG PAGDATING NG MGA AMERIKANO

Noong mga unang araw ng Enero ng taong 1945 ay dumating sa Cabuyao ang mga unang pangkat ng mga Hukbong Mapag-palaya ng Amerika (American Liberation Forces). Kaagad itinatag ang pamahalaang sibil o kung tawagin ay PCAU (Phil. Civil Administration Unit) ng Hukbo at hinirang noon si G. Enrique Hemedes na maging pansamantalang Alcalde ng Cabuyao. Namigay noon ang Hukbo ng mga bigas, de lata, damit at iba pang pagkain ng mamamayan upang maibalik agad sa normal ang kabuhayang napinsala sa pananakop. Ngunit, dahil sa karamihan ng nagkalat na armas at bala noon ay nagging dahilan ito ng pagdami ng nakawan, patayan at iba pang krimen na karaniwang nangyari pagkatapos ng digmaan. Sa taong ding ito, itinayo ang Luzon Prisoner of War (LUPOW) sa nayon ng San Isidro, Banlic at Pulo. At dito ikinulong ang mga nabihag na Hapones kabilang na sina Heneral Homma at Hen. Yamashita na ditto rin sila binitay ayos sa hatol ng Hukumang Militar ng Hukbong Amerikano. Sa panahon ding ito hinuli at ibinilanggo ang mga dating “Makapili” sa paratang na “Collaborator” sa Hukbong Hapones.

KALAGAYAN NGAYON NG KABUHAYAN Simula ng ipahayag ng Pangulo ng Pilipinas ang pagkakalat ng industriyal sa bansa at pagtatakda ng 50 kilometro sa labas ng Kamaynilaan, ang pagtatayo ng mga pabrika o pagawaan ay nagdulot ng biyaya ang patakarang ito sa Cabuya. Unang nagtayo ng pagawaan alinsunod sa mga patakarang nabanggit ay ang;

Continental Chuwa sa - nayon ng Sala RFM - nayon ng Pulo
Du Pont Far East - nayon ng Pulo
Alliance Textile - Banaybanay
Nutritional Product - Niugan
Mineral Processing Plant - Mamatid.

Ang mga nabanggit na pagawaan ay sa panahon lamang ng Martial Law napatayo sa Cabuyao, bukod pa ang RAM Food Products na siyang kauna-unahang pagawaan sa bayang ito. Dahil sa pagdami ng pagawaan sa Cabuyao ay unti-unting nababago ang takbo ng kabuhayan ng mga mamamayan na dating sa agrikultura lamang kumukuha ng ikabubuhay. Ang bagong uri ng kabuhayang agro-industriyal ay nadadama na sa ngayon ng mga mamamayan. Lalo na ang magsasaka ng pairalin ang palatuntunang Masagana ’79 ay lubhang nag-iba ang takbo ng buhay. Kung kaya masasabing malaking kaunlaran ang idinulot ng Bagong Lipunan sa bayan ng Cabuyao at kanyang mamamayan.

Asia Brewery Inc.

Noong ikaz-27 ng Enero 1982, ang Asia Brewery Inc. ay itinatag ni Dr. Lucio Tan. Itinatag niya ito sa Cabuyao sapagkat, dito siya nakabili ng isang malawak na lupain kung saan puwede siyang magtayo ng isang malaking kumpanya. May laki itong 320 hectares. At matatagpuan sa Km. 43, National Hi-Way, Brgy. Sala Cabuyao Laguna 4025. Ang lupang kinatatayuan ngayon ng Asia Brewey Inc. ay dating tirahan ng ilan sa mga tao sa Cabuyao na binigyan ng lupa sa Sala, ang Bagong Silang o mas kilala bilang “Tarecan” (tarikan kung bigkasin ng mga tao).

Ang pananaw ni Dr. Lucio Tan ay para sa ikatataas ng pamantayan ng mga mamimiling Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng may mataas na kalidad ng mga produkto kung saan ang presyo ay tama at abot kaya. Sa pagsasakatuparan ng mga ito, nagsimula sa unang bote ng serbesa na inilabas mula sa planta ng Cabuyao. Nang dumami at nasundan pa ito, ang Asia Brewery Inc. ay sumagisag ng makabagong ideya, pagpapasiya, kahusayan at higit sa lahat, ang kalayaan sa pagpili ng produkto ng mga taong mamimili. Ang panlasa ng Pinoy, ay maari na ngayong pumili ng iba’t ibang produktong may mataas na kalidad. Maliban sa serbesa, ang kumpanya ay gumagawa rin ng mineral, distilled at soda water, iced tea, shandy. Matapos ang mahigit sa dalwang dekadang pagpapatakbo ng kumpanya, ang Asia Brewery Inc. ay nagging tanyag na sa larangan ng paggawa ng serbesa, bottled water and industrial packaging. Ngayon, ang Asia Brewery Inc. ay naitatag na bilang isang kumpanyang may matibay na pamantayan para sa kalidad ng mga produkto.

Ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga taong may posisyon sa kumpanya:

President - Gen. Guillermo A. Pecache Vice President - Antonio R. Chon Chief Executive Officer - Michael G. Tan Chief Operating Officer - Hubert Tan

REFERENCES:

http://cabuyao.gov.ph/history/49-historyofcabuyao

http://cabuyao.gov.ph/history/50-historyofcabuyao

http://siva-ph.jobstreet.com/_profile/previewProfile.asp?advertiser_id=25733 Asia Brewery, Inc. (Cabuyao Plant)

http://www.asiabrewery.com/contactus.php Asia Brewery Incorporated

Similar Documents