Free Essay

Clash of Clans Pananaliksik

In:

Submitted By eltonixes
Words 500
Pages 2
Kabanata 3
DISENYO AT PAMAMARAAN SA PAG-AARAL

Ang kabanatang ito tinatalakay ang disenyo ng pag-aaral, lokal, mga respondente, mga istatistik na ginagami, pamamaraan sa pangangalap ng mga datos, mga instrumentong ginagamit sa pangangalap ng mga datos, at pamamaraan sa pagsusuri ng mga datos na nakalap.

Disenyo ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng “Disenyong Palarawan”. Inilarawan dito ang kasalukuyang ginagamit na mga pagdulog, pamamaraan, teknik at naaangkop ito sa mga estudyanteng mahihilig maglaro ng Online games tulad ng Clash of Clans, Marami itong epekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanilang kalusugan at sa pakikipag-ugnayan nila sa ibang tao. Ang pamamaraan na ginagamit sa pangagalap ng mga datos ay ang “Pamaraang Sarbey”.

Lokal
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa ACLC(AMA) College of Mandaue na matatagpuan sa Mandaue City, Cebu. Ayon sa ginawang pananaliksik at pag-aaral na ito tungkol sa Social Networking Sites, Sinabi nila dito na sa paglabas ng kompyuter at pangkonekta nito sa internet, nabuksan din ang ibat-ibang tsanel na maari nating magamit sa pakikipagkapwa at pakikipagpalitan ng impormasyon upang mapanatili ang ating mga gawain at mapabilis ang proseso ng pagkatuto at pagaaral.

Respondente Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay maaaring sumagot sa baway talatanungan na aming ipapamahagi ay ang mga naglalaro ng online games.
Talahanayan 2
Mga tagatugon ng Pag-aaral Pangkat | Guro | Tagatugon | Accountancy | 36 | 18 | IT | 36 | 18 | HRM | 33 | 17 | CBA | 34 | 17 | Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos
Ang pamamaraan ng pangangalap ng datos ay nagsisismula sa paggawa ng talatanungan, at sinundan ng pagrerebisa sa instrumento para maiwasto ang kaayusan ng mga tanong, at upang matiyak ang kaangkupang mga tanong sa mga problemang nais lutasin ng mga mananaliksik.
Ang paghingi ng pahintulot sa bawat kalahok ay ang mga sumusunod. Personal na pinamamahalaan ng mga mananaliksik ang pagbibigay ng mga talatanungan sa bawat kalahok at ibibigay ang tamang panuto sa pagsasagotupang makuha ang nararapat nat tugon. Kinalap ang mga instumento at inihambing ang mga sagot ng bawat kalahok at binigyan ng kabuuan.

Instrumento sa Pag-aaral Ang pananaliksik ay isang pag-aaral na kung saan ang layunin ay ang mabigyang solusyon ang suliranin o paksang napili. Kinapapalooban ito ng dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay kinakikitaan ng mga propayl ng mga tagatugon, ang ikalawang bahagi naman ay talatanungang binuo ng mga mananaliksik, na nagpapakita kung ano ang kinakaharap ng problema sa pag-aaral na ito. Sa ganitong paraan nadaragdagan ang ating kakayahang depensahan ang anumang datos na ating nakalap sa pamamagitan ng masusing imbestigasyon hingil sa anumang suliranin o paksang ating napili. Sa isinagawang pag-aaral ay napili ng mga mananaliksik ang metodong talatanungan kung saan madaling makakasagot ang napiling mga tagatugon dahil kailangan lamang nilang lagyan ng tsek ang kanilang sagot. Sa ganitong paraan, malalaman ang iba’t ibang opinion ng tagatugon hinggil sa mabisang paraan ng pagtuturo ng Filipino. Ang mga tagatugon ay inatasan na bigyan ng puntos ang bawat aytem gamit ang mga sumusunod na eskala.

Similar Documents