Free Essay

Communication

In:

Submitted By benica
Words 6678
Pages 27
+
JMJ

I. A. Pag-uugat - Reyna ng Espada at mga Pusa
Source- https://thepacsmachine.wordpress.com/2015/09/27/ang-reyna-ng-espada-at-mga-pusa/

II. Buod ng Katha

Ang kuwento ng Ang Reyna ng Espada at mga Pusa ay tungkol sa isang tao na nag ngangalan na Jose T. Clutario III o mas kilalang Clutario. Siya ay nakulong dahil sa salang pagpatay, at binigyan siya ng Presidente ng Pilipinas ng Executive clemency, o isang paraan para makalaya siya. Pero ayaw ni Clutario lumabas sa bilangguan dahil ayaw niya iiwan ang kanyang kaibigan. Ang kaibigan niya na si Peng, ay nagulat iniisip ni Clutario dahil para kay Peng, hindi niya ito dapat palalagpasan na pagkakataon. Si Peng naman ay gustong-gusto na makalaya sa kulungan at tinanong ang kanyang kaibigan niya kung pwede siya sumama. Ngunit sinagot siya ni Clutario na hindi, dahil ayaw niyang lumbas sa dahilan na wala siya raw pupuntahan kapag nakalaya na siya, at hindi niya gusto na iiwan lamang ang mga kaibigan niya sa kulungan. Sinabi ni Peng kay Clutario na nanaginip siya na naglalaro siya ng solitaryo at tinanong niya kung lalabasba talaga si Clutario. Ang sabi ni Peng, kapag ang kulay ng baraha ay nakakasunod-sundo, halimbawa pula na hearts at itim na spades (o para kay Peng tinagawag niya ito na “bulaklak”) ay oo ang sagot nga mga baraha. Naglaro si Peng kasama kay Clutario at binuksan niya ang mga baraha, hanggan nakapadpad sila sa Queen of Spades na hindi naman kamukha ng Queen of Spades, ito ay dahil noong na wala ang mga baraha ni Peng gumawa si Clutario ng bago, mula sa mga sa karton ng sigarilyo. At ginuhit ni Clutario ang Queen of Spades na parang pusa. At doon nag simula ang Reyna ng Espada at Pusa. Pagkatapos ng laro nila ay nagusapan sila tungkol sa mga nangyari sa kanila sa loob ng bilangguan.

Kinuwento ni Clutario kung paano niya pinatay ang kanyang ama, at ang dahilan nito ay nagplano siya na ipapagahasa ng kanilang ama sa tatlong lalaki ang kanyang kapatid na si Onor dahil nalaman niya na lesbiyana pala si Onor. At akala niya mapababe niya ang kanyang anak sa paraan na ito. At doon pinatay ni Clutario ang kanyang ama, ipinagpatulog niya muna ang kanyang ama at hinampasan niya ito gamit ang isang bote ng alak sa ulo. Hinampasan niya ulit ito pero mas malakas at nabasag ang pwet ng bote, at ang na tira sa bote ay itinarak niya ito sa leeg ng kanyang ama. Sumirit ang dugo mula sa leeg nito, pero hindi pa ito sapat para kay Clutario. Winakwak ni Clutario ang lamunan ng tatay niya. Pero sa huli ay isinumbong ni Onor si Clutario sa pulis at doon ikinulong si Clutario.

Pagkatapos ng kuwento ni Clutario ay nag usapan sila ni Peng. Tinanggap nalamang ni Clutario na lalabas na siya bukas at iiwan niya na si Peng. Nagbiruan pa ang dalawa bago sila nagsama sa huling beses sa panahon na iyon. Doon ang huling beses na umaibabaw ang Hari ng mga Puso sa Reyna ng Espada, at doon nag tapos ang kuwento ng Reyna ng Espada at mga Pusa.

A. Uri ng Panitikan
Ang uri panitikan ay maikling kuwento dahil ito ay nagpapakita ng mga katangian ng isang maikling kuwento, at ito ay nasa isang estorya lamang. Hindi kagaya ng mga epiko at ibang litiritura na may mga kabanata. B. Istilo ng Paglalahad
Ang istilo ng paglalahad ay gumamit ng pagsalaysay at paglalarawan. Dahil isinalaysay ng awtor ang buhay at ang mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nilalahad ang mga pangyayari ng paunahing tauhan noon at ngayon nga mga kaganapan.

C. Mga Tayutay
1. Kami ay nasa isang duwelo ng mga espada Ang tayutay na ito ay naglalarawan ang pagtatalik nila ni Clutario at ni Peng sa kuwento.

2. Pero pilit niyang ititikom ang labi, kahit nanginginig na ito na halos gumagaya na sa tunog ng bentilador na walang langis. Ang tayutay na ito ay naglalarawan kung ano ang ingay na ginagawa ni Peng. At kung paano niya ito pinilit na pigilan ang malakas na ingay.

3. ‘yung ilang ihip na lang ng masamang hangin ay kukuhanin na ng hukay Ang inilalarawan ng tayutay na ito ang nararamdaman ni Clutario kapag lalabas na siya sa bilangguan. Dahil para sa kanya, kapag lalabas siya ng bilanguan ay baka makaharap niya na ang kanyang kamatayan.

D. Sariling Reaksyon
1. Teoryang Pampanitikan Realismo. Ang kuwento na ito ay realismo dahil ipinapakita nito ang katotohanan kaysa kagandahan. Si Clutario ay nakulong dahil pinatay ni Clutario sa kanyang ama, ipinakita ng awtor ang mabangis na pagpatay sa kanyang ama. At ipinakita sa mga mambabasa ang pwede mangyari sa loob ng bilangguan at ang mga nakatagong samahan sa loob nito. Ikinuwento rin ng awtor sa istorya ang buhay ni Peng bago siya makulung, hindi natin alam pero baka nagaganap ito sa tottoong buhay. Nasasaad ang kahirapan na dinaos ni Peng, pero hindi niya lang ipinapakita na nasasaktan siya sa mga nangyari sa kanyang buhay. At saka rin, ikinuwento kung paano na padpad si Peng sa loob ng bilangguan, na kumidnap siya ng mga bata para sa pera. Ang mga naganap sa loob ng maikling kuwento ay may posebilidad na ito ay mangyari sa realidad.

Romantisismo. Ito ang ikalawang pampanitikan dahil sa loob ng kuwento ay nakasaad na ang dalawang pangunahing tauhan na si Clutario at Peng ay nagiibigan. Kahit na lalaki silang dalawa ay hindi ito nakapigil sa pagmamahalan nila, sa unang basa ay akala mo ay matibay ang pakikipagkaibigan nilang dalawa. Pero sa daloy ng istorya ay inilalahad ang kanilang lihim na pagibigan. Ang kanilang pagibig ay hindi karaniwan dito sa Pilipinas, kasi nga masyadong sirado ang isipan ng mga tao dito, at ang kanilang pag-ibig ay hindi tinatanggap ng simbahan. Eksistensyalismo. May mga iba’t ibang kahulugan ng salita na “kalayaan”. At para kay Clutario ay hindi na niya kailangan makalaya pa dahil pakiramdam niya na malaya na siya sa piling ng kanyang kasintahan na si Peng. At para sa kanya balewala na yung clemency na binigay sa kanya, dahil kahit makalabas man siya ay baka makasalubong niya ang kanyang kabaong, at iiwan niya si Peng sa loob ng bilibid.

2.Mga Pansin at Puna
a. Mga Tauhan Jose T. Clutario III o Clutario. Si Clutario ay ang pangunahing tauhan sa kuwento. Siya ay nakulong dahil pinatay niya ang kanyang ama, siya ay binigyan ng Presidente ng executive clemency. Siya ay isang mapagmahal at maunawain na tao, isasakripisyo niya sana ang kanyang clemency dahil hindi na gusto iiwan si Peng sa loob ng bilangguan. Siya ay mapagmahal na kuya sa kanyang kapatid na si Onor.

Peng. Si Peng ang kaibigan at kasintahan ni Clutario sa loob ng bilangguan. Siya ay simpleng tao, pero may mga masam siyang ginawa kaya na padpad sia sa loob ng bilangguan; kumidnap siya ng mga bata para sa pera.

b. Galaw ng mga Pangyayari Ang galaw ng pangyayari ay mabilis dahil sa simula pa lang kuwento agad ni Clutario ang mga nangyayari sa loob ng bilangguan. Ang mga alaala sa kabuuan ng nakalipas na panahon, ay ipinagkuwento niya sa mga mambabasa at ipinaramdam niya ang sakit na mararamdaman niya kapag aalis na siya.

3. Bisang Pampanitikan
a. Bisa ng Isip Naiwan ang aking isipan na dapat hindi tayo manghusga sa pagmamahal ng dalawang tao na pareho ang kanilang kasarian. Dahil lahat tayo ay may karapatang magmahal kahit kanino. Kagaya sa kuwento na hindi matanggap ng amo ni Clutario na lesbiana pala ang kanyang kapatid na si Onor kaya inabuso at ipinagahasa niya si Onor sa tatlong lalaki dahil akala niya ay magbabalik ito sa pagbabae niya. Ang kaisipan na ito ay masagana sa mga isipan ng mga mauling na may mga anak na LGBTQ, akala nila ay isang “phase” lamang ito at malalagpasan lang ito. Pero hindi yan tottoo, kagaya ni Clutario. Isa na siyang matanda at siya ay isang parte sa mga LGBTQ.

b. Bisa ng Damdamin Ang damdamin na nadama ko ay kalungkotan dahil si Clutario ay aalis na sa bilangguan at iiwan niya na si Peng. Minahal niya si Peng ng malubos at sa mga pinagdaanan nilang dalawa ay nararamdam ko ang kahalagahan ng kanilang pagkakaibigan. Ayaw sana ni Clutario na makalabas sa bilangguan dahil alam niya ma iiwan niya si Peng sa loob, ito ay nag papakita na sila ay nagiisip sa damdamin ng isa’t-isa at hindi lang sila magkakaibigan kung magkaibigan dahil kahit hindi sinasabi sa kuwento, mararamdaman mo talaga ang kanilang ibigan sa isa’t-isa.

c. Bisa ng Kaasalan Ang natutunan ko sa kuwento ay dapat bigyan natin ng halaga ang mga alaala, pagmamahal, at pagkakaibigan na ibinigay ng isang imporanteng tao sa ating buhay. Dahil binibigyan lamang tayo ng isang inilaang panahon upang makasama sila at makapiling sila bago sial umalis o di kaya bago tayo aalis, at hindi natin alam kung kailan natin sila makikita ulit. Sa sitwasyon nila Clutario at Peng ay isang halimbawa nito dahil hindi alam ni Peng at Clutario kung kailan lalabas si Peng sa bilangguan. At kung lalabas din si Peng, magkikita pa sila sa labas? At kung magkita-kita silang dalawa ay magkakasama parin sila? Ang mga tanong na ito ay tumatanong kung may kasiguradohan ang mga tauhan sa hinaharap na kinabukasan. Wala man sa kaalaman nila na bibigyan si Clutario ng clemency at lalabas ng maaga kaysa kay Peng. Sabin ga nila, asahan ang hindi inaasahan.

d. Bisa sa Lipunan Ang mensahe na gustong ipahiwatig ng awtor ay maipabatid sa lipunan ang LGBTQ komunidad, na sila ay mga tao din at hindi natin dapat pakitunguhan sila dahil lamang sa kanilang kasarian. Kagaya sa kuwento nalaman ni Persidio ang pagmamahalan nila Peng at Clutario, pero hindi niya hinuhusgahan ang dalawa. Nagbibiro nga siya sa dalawa at pinabayaan niya lamang ang mga gumaganap sa dalawa. Kaya nga si Presidio ang isang tauhan na nagugustohan ko sa kuwento dahil wala siya masamang hangarin sa pagitan ng mga kasintahan.

Ang Reyna ng Espada at mga Pusa
Ni: John Carlo I. Pacala

Ang alam ko lang na clemency ay ‘yung pinipiga sa pansit. Natawa ka ‘no? ‘wag.

Minsan na ‘kong pumatay ng tao. Papatay ulit ako ngayong araw na ito. Hindi ako inosente. Masama akong tao. Maniwala ka.
Ipinababatid ng Mahal na Pangulo ng Pilipinas na ipinagkaloob niya sa akin, kay Jose T. Clutario III, ang kanyang awa. Executive clemency. Pwede na raw akong makalabas sa bilangguang ito. Matapos ang apat na dekada at apat na taon, matapos ubanin ang iyong buhok at ugatin ang iyong bayag, Congratulations sabi ni His Excellency, laya ka na! Ayoko, Mr. President. Nais kong ipabatid ‘yun.

Napagplanuhan ko na nga ito, eh. Tipong premeditated murder ang dating at isang I plea guilty your Honor, hindi katulad noong apat na dekada at apat na taon na ang nakakaraan. Noong wala pa sa bokabularyo ko ang salitang guilty.

Ganito yung naisip ko:

<Plan A> Mamaya, sa paglilinis ng kasilyas ni Cebreros, sa kanyang pag-eskoba kasabay ng pilit na pagkabisa ng alpabeto, hihilamin ko siya ng tubig na may kinanaw na sabong panlaba at chlorox. Kapag hindi na siya makakita, iuumpog ko yung ulo niya sa inidoro, o kaya sa baldosa hanggang sa mabasag ang bungo niya. Hindi naman kailangang bumasa o sumulat bago tanggapin sa langit kaya pwede siya doon. O sa impyerno siguro.

<Plan B> Pagdating ng tanghalian, habang ngumunguya si Liwanagan at pinagpaplanuhang magbitiw ng bagong green joke na itinuro sa kanya ng kinakasama niya, ‘yun bang sumiping sa kanya noong kamakalawa, kukunin ko ang oportunidad na iyon para saksakin siya sa lalamunan. Gamit ang tinidor. Uulit-ulitin ko na lang hanggang sa lumabas ang nginuyang munggo at tamban, o kung anuman ang ulam mamaya.

<Plan C> Makakapaghintay ako hanggang mamayang gabi. Pero hindi na bukas. Hihintayin ko ang pagpatay ng ilaw saka ko ipupulupot sa leeg ni Trampe ang punda ng unan hanggang sa hindi na siya makahinga. Bakit si Trampe at bakit punda ng unan? Hindi ko rin alam. Wala na akong maiisip. Ni hindi ko nga alam kung mamamatay siya ng ganoong paraan. Ika nga, wala namang masama kung susubukan, ‘di ba?

Siguro naman, kapag may napatay ulit ako kahit isa, magdadalawang-isip na ang presidenteng ibigay sa akin ang mailap niyang awa. Ang tanda mo na nga, wala ka pa ring kadala-dala. Kaya dadagdagan pa nila ang sintensya ko ng isa pang dekada. Isang taon. O kahit isang araw lang. Papatay na lang ako ulit para sa isa pa. At isa pa ulit.

Si Peng ang nagbigay sa aking ng ideyang ito.
“Patayin mo ‘ko,” suhestiyon niya noong ibalita ko sa kanya ang pagkakasama sa’kin para sa executive clemency ng pangulo. Ilang matatandang bilanggo rin ang palalayain. ‘yung ilang ihip na lang ng masamang hangin ay kukuhanin na ng hukay. Pakiramdam ko nga, ayaw lang nilang problemahin ang pagpapalibing sa’min, dun kayo sa labas at ‘wag niyo kaming abalahin.

Sinabi ko kasi kay Peng, ayokong umalis. Wala naman akong pupuntahan. Ayokong iwan ang brigada. Matanda na ko. Baka paglabas ko, may kabaong at musikong sasalubong sa’kin, ako na lang ang hinihintay.
“Bilibid ‘to, hindi Golden Acres.” Hindi ako nililingon ni Peng. Nakaupo siya sa ibabang bahagi ng papag na double deck, yung pinaghahatian naming dalawa, nakatalikod. Parang kausap ko ang kuluntoy at kupas na dragong nakaimprenta sa likuran niya, nakalaylay sa kulubot niyang balat. “Kung ayaw mong umalis, ‘wag kang umalis. Pumatay ka. Patayin mo ko. Tutal, parang ganoon rin naman yun kung aalis ka.”

“Alin ang parang ganoon?” Napangiti ako. Madalas, nagbibitiw tayo ng mga tanong na alam na natin ang kasagutan. Mga tanong na hindi na kailangang itanong dahil hindi rin naman umaasa ng sagot. Biglang nag-ipon ang plema sa lalamunan ko pero wala naman lumabas noong iubo ko. Sa pagitan ng mga tahol ko, nagbitiw ulit ako ng tanong na hindi naghahanap ng sagot. “Bakit, hahanapin mo ba ko kung sakali ngang matuloy ang paglaya ko bukas?”

“Tangina mo,” mabilis niyang sagot. Napansin kong nagbabalasa pala siya ng baraha sa harapan niya at inilatag niya ito. Isa-isa, hanggang sa makabuo ng pitong hilera. Solitaryo. “Nanaginip ako kagabi,” sabi niya,” naglalaro ako ng solitaryo, tinatanong ko raw yung baraha, kung lalabas ka nang talaga. Pero hindi ako makabuo. Isang beses, dalawang beses, labindalawa. Paulit-ulit. Hanggang sa isang beses, noong buklatin ko lahat ng baraha, lahat, bawat isa, kulay pula. Paano ako makakabuo kung lahat ay kulay pula. Lahat, maliban sa Queen of Spades.”
Sa tuwing maglalaro ng solitaryo si Peng, alam mong may bumabagabag sa kanya. May mga nakabiting tanong sa isipan niya.. “Humihingi ako ng sagot sa baraha,” sabi niya sa’kin dati Minsan, mabubuo ang laro, mabubuklat lahat at maiaayos sa hilera ng sunod-sunod na pula-itim-pula-itim na mga baraha. “Ibig sabihin niyan, oo ang sagot ng baraha sa tanong mo. Kapag naman wala nang posibleng galaw, dead end na, hindi ang sagot ng baraha. Magbalasa ka na lang ulit at magtanong ng iba.”

Siguro ngayon, sinusubukan niya ang kanyang panaginip. Tinatanong kung makakalaya nga ako. Kung iiwan ko itong brigada bukas. Mga tanong na alam na natin ang kasagutan. Inilipat niya ang four of hearts sa ibaba ng five of clubs, o flower kung si Peng ang tatanungin mo.
“Clubs? Flower yan! Tignan mo, o, mukhang bulaklak.” Nakikipagtalo si Peng dati, nung tinuturuan niya kong magsolitaryo.
“Clubs nga yan. May bulaklak bang kulay itim, sige nga?”
“Yung bulok…”
Sunod ay binuklat niya ang baraha sa hilerang inabandona ng four of hearts at lumantad ang King of Hearts. Ang Hari ng mga Puso. Inilipat niya sa ilalim nito ang Queen of Spades. Ang Reyna ng mga Pusa. Parang pinagtagpo ang dalawang monarkong ito ngayong araw.
“Naalala mo pa ba nung ginawa mo ‘to?” Sa wakas, humarap na rin siya sa’kin, si Peng, hawak ang Queen of Spades.

Sa lahat ng baraha, natatangi ang reynang ito. Yung orihinal kasi na Queen of Spades, yung talagang kasama nung deck, nawala nung minsang may nanghiram sa baraha ni Peng at naglaro ng pusoy. Halos mag-amok si Peng at kulang na lang ay pagbubugbugin niya yung mga naglaro, kung hindi lang dumating ang mga umawat na bantay.
“Eh, tarantado pala kayo. Pa’no ngayon yan malalaro?”
“Masyado kang mainit, Pengson. Palaro mo na lang muna yang burat mo diyan kay Clutario.”

Kung hindi talaga naawat si Peng, malamang ay naglimas ako noon ng dugo sa brigada namin. Ganito kasi yung mga eksenang hinding hindi niya pinapalampas. Noon. Noong hindi pa nangangawit ang tiyani sa pagtanggal ng puti niyang buhok. Noong matikas pa ang dibdib niya at hindi pa hinihila ng grabedad ang kanyang utong. Noong sa tuwing nilalagyan ko ng mainit na langis ang kanyang braso o binti ay dahil sa pakikipagbuno o pagbubuhat ng mabigat at hindi dahil umaatake ang rayuma niya. Noon. Ilang dekada na ang nakaraan.

Para makumpleto ang limampu’t dalawang baraha, gumupit ako ng kuwadradong kasing sukat ng regular na baraha gamit ang karton ng sigarilyo at saka ko ito ginuhitan. Gamit ang ballpen, ginaya ko ang itsura nung Queen of Hearts pero pinalitan ko ng spades ang mga puso. Tawa siya nang tawa nung ipakita ko iyon sa kanya.
“Ano ‘to?”
“Queen of Spades ‘yan. Kapalit nung nawala.”
“Bakit mukhang pusa?”

At noon nga nagkarron ng pusa sa kanyang kaha ng baraha. Ang Reyna ng Espada at Pusa. Hindi na muling nagamit sa pusoy ang baraha. Dahil sa kakaibang likod nito, paniguradong malalaman agad ng kalaro mo na may hawak kang Queen of Spades, kahit anong tago ang gawin mo. Pero kung solitaryo lang, pwede namang pagtiyagaan.

Ganoon naman talaga, ‘di ba? Kapag nawala, kailangang palitan. Kung hindi man katulad, kailangang pagtiyagaan para magamit at magpatuloy ang buhay. Gaya nung chess set na minsang nawalan ng puting kabayo, para magamit, humalili sa pwesto nito ang isang maliit na graba. Ito ngayon ang sumusulong ng pa-letrang L para patumbahin ang tore at kainin ang hari ng kalaban. Gaya kung paano namin unti-unting pinalitan ang mga alaala ng mga tao sa labas ng bilangguan ng kung ano ang meron kami. Kung ano ang nandiyan. Mga nawalang pinsan, alternatibong tatay, pekeng kapatid. Mga taong pupuno sa aming kakulangan.

Hindi pa man siya nakakabuo, iniligpit na ni Peng ang baraha saka inilagay sa kaha. Oras na ng paglilinis ng brigada. At bawat miyembro ng tahanan naming ito ay may nakatokang trabaho. Halimbawa, itong si Carbonel, nakadestino sa pagtanggal ng agiw at sapot sa kisame. Siya ang may gusto nito. Naging pampalipas oras niya na rin kasi ang paghahanap ng itlog na gagamba. Kung hindi ka pa nakakakita noon, kulay puti iyon, parang bulak at hugis galyetas. Bubuklatin niya ito, tatanggalan ng kinabukasan ang mga batang gagamba, saka itatapat ang itlog sa ilaw. Sabi niya, may nakikita siyang numero doon. Noong nasa labas pa raw siya, tinatayaan niya raw ‘yung mga numeron iyon sa lotto. Nung nakulong siya, ibinibigay niya ito sa misis nya tuwing bumibisita ito para patayaan ang mga binuklat na itlog.
“Nanalo ka naman ba kahit minsan?”
“Wala nga eh, itlog din. Pero meron pa namang next time. ‘yaan mo, babalatuhan kita.”

Pero wala nang next time. Lahat ng nakita niyang itlog ay naipon at nakabalot sa damitan niya. Tatayaan niya daw lahat kapag nakalaya siya. Hindi na kasi muling bumalik ang asawa ni Carbonel. Nung inusisa ko kung bakit hindi na dumadalaw ang misis niya, ang tanging sagot niya sa’kin, “Baka naka-jackpot na.”

Pagkatapos ng kisame ay ang higaan. Pagpagin ang kumot at punda. Labhan kung kinakailangan. Itapat sa araw para sumingaw. Inspeksyunin ang mga double deck at baka may nakasalising anay. Susundan ito ng pagwawalis sa sementadong sahig saka lalampasuhin.
Kailangan malinis at doble ingat sa mikrobyo. Dahil mainit at dikit-dikit, mabilis magkahawa-hawa ng kung ano-anong sakit. Naalala ko tuloy noong nagkaroon ng bulutong dito sa loob, hindi ko na matandaan kung kailan eksakto sa tagal. Kung merong world record sa pinakamaraming sabay-sabay na pagkakamot, sana isinali ko ang brigada namin. Sa kaso ni Peng, gabi noong nagsimula siyang magkamot. Patay na ang ilaw. Paikot-ikot siya sa kamang pinaghahatian namin, hindi mapakali.

“Ano bang nangyayari sa’yo,” pabulong pero iritable kong tanong sa kanya dahil hindi rin ako makatulog.
“Ang kati-kati ng likod ko. Nahawa na yata ako ng bulutong.”
“Eh, akala ko ba nagkaroon ka na ng bulutong dati. Isang beses ka lang pwedeng magkabulutong.”
“Tigdas yata ‘yun, eh. Ewan. Di ko alam. Kamutin mo nga.”
“Dito ba?” Kinamutan ko siya sa bandang balikat.
“Ibaba mo ng kaunti.”

Buong gabi ko siyang kinamutan ng likod hanggang sa mamalayan kong naghihilik na siya. Pinilit kong matulog pero hindi ako madapuan ng antok. Nahawa yata ng bulutong yung utak ko noon, pilit nagpapakamot pero hindi maabot-abot. Pinagmasdan ko ang hubog ng ulo ni Peng sa pudpod niyang buhok. Pinagala ko ang daliri ko sa kanyang batok kung saan tumutubo ang maliliit na buhok hanggang sa likuran ng sapad niyang bungo. Sabi nila, kapag sapad daw ang ulo ng isang tao, malamang sa malamang ay nakapirmi ito sa pagkakahiga noong sanggol pa lamang. Hindi naglilikot, walang reklamo, payapa. At ganoon ang nakita ko kay Peng habang natutulog siya noong gabing iyon. Napakainosente at walang muwang. Isang batang hindi umiiyak para maghanap ng gatas dahil alam niyang wala.
Sa paggalugad ko sa kanyang ulo, iba ang sinasabi ng kanyang puyo. Dalawang ipuipo, dalawang mata ng bagyo ng inipong buhok. Isang pilyong bata. Magulo, mapusok, salbahe. Nagtaka tuloy ako kung anong uri ng binatilyo si Peng. Siguro’y mabilis siyang mapikon kapag nabuburot sa tumbang preso. Siguro, tipong naghahagis ng pusa mula sa bintana para malaman kung talagang bumabagsak ang mga pusa sa paa nila. O baka naman siya ‘yung tipong naghahanap ng maya o langaylangay sa mga sanga ng puno saka titiradurin, ikukulong at kakalimutan ang kawawang pilay na ibon.

Naisip ko noon, biyakin ko kaya ang bungo niya para malaman kung ano ang nilalaman ng kanyang utak? Ano nga ba ang iniisip niya? Natatandaan niya pa kaya yung mga mukha ng mga batang kinidnap niya? Mga batang natututo pa lang ng A is for Apple at B is for Ball, may makukulay na pencil case at de-hilang bag. Mga natatarantang yaya. Mga aligagang magulang. Natatandaan niya pa kaya yung mga mukha nung kasama niya, na sa tingin ko ay nakalimutan na siya? Mga kasamahan niyang wala siyang balak ilantad para kahit papaano’y bumaba ang sintensiya niya. Pero baka kapag biniyak ko ang bungo niya, mas marami pang lumabas na katanungan kaysa sagot. Baka mas lalo akong maligaw sa buhol-buhol at liko-likong laberinto ng kanyang gunita.

Inaninag ko ang kanyang mukha. Alam mo, napagtanto ko na kapag nasanay na ang mata mo sa kadiliman, mas malinaw mo nang makikita ang mga bagay-bagay. Ang mahabang pilikmata ni Peng, ang matangos niyang ilong, maliit na labi, at buhay na nunal sa kanyang baba.

“Nagmana ako sa lolo ko,” naalala kong sinabi niya dati nung tanungin ko siya kung nanay ba o tatay kanyang kamukha. Tapos naikuwento niyang hindi niya kabisado ang mukha ng mga magulang niya. Sumama sa ibang lalaki ang nanay niya at nagpakamatay ang tatay niya dahil sa depresyon.
“Mga limang taon ako noon, o anim yata,” kuwento niya, “Kagigising ko lang, lumabas ako ng bahay para magmumog at maghilamos sa may poso. Tapos, nung tinutuyo ko na ang muka ko, nandoon si tatay, nakabigti sa puno ng kamagong sa tapat ng bahay. Para siyang asong ulol. Ganoon ang ginagawa sa mga asong ulol sa probinsya namin, ibinibitin sa puno.

“Lolo ko na ‘yung nagpalaki sa’kin. Yung lolo ko,” pagpapatuloy niya, “hindi ko ‘yun tunay na lolo. Asawa yun ng ditse ng nanay ng tatay ko.”
“Ano ulit? ‘Yung nanay ng tatay mo, may asawang iba?”
“Hindi. Ano ka ba, ang hina mong Clutario ka. Yung nanay ng tatay ko, lola ko ‘yun. Makinig ka ha. ‘yung lola ko, may kapatid siya, ‘yung ditse niya. Tapos, itong ditse, may asawa. ‘yun yung lolong flolo ko na hindi ko tunay na lolo na nagpalaki sa’kin. Kuha mo?”
“Bali bayaw ng totoo mong lola?”
“Ewan. Mahina ako sa ganyan. Bayaw, bilas, manugang. Hindi ko naiintindihan.”

Sa madaling salita, hindi tunay na lolo ang nag-alaga sa kanya. Isang alternatibong lolo. Kung ano ang meron. Siguro, tinatanong mo, paano siya nagmana sa nag-alaga sa kanya? Wala rin akong kaide-ideya.
Bumaba ang kamay ko sa braso niya, papunta sa kanyang kamay. Malaki ang palad niya na may mahahabang daliri at matitigas na kalyo. Nagpapawis ang kamay niya. Sa likod ng palad niya’y nakaumbok ang mga ugat. Parehong mga kamay na naggapos sa mga dinakip na bata para sa pera. Nagbusal ng bibig. Nagkandado sa bodega. Bigla niyang pinisil ang palad ko at ikinulong sa mga da niya.
“Salamat, ha.” Hindi pa pala siya tulog. O baka nananaginip lang. Hindi ko alam.
“Saan?”

Bumuntong hininga lang siya, hindi na sumagot. Isa pa uling buntong hininga at dinala niya ang kamay ko sa kanyang tiyan, nakadantay ang braso ko sa tagiliran niya, ang dibdib ko sa likuran niya, Naamoy ko ang pawis sa kanyang batok. Naramdaman ng kamay ko ang init sa kanyang pusod at ang maninipis na hibla ng balahibong nakapaligid dito. Walang anuman, gusto kong sabihin, pero baka nakatulog na siya ulit.

Hindi ko namalayang nakatulog ako noon. Nagising na lang akong nakaupo siya sa gilid ng papag, nakahubad ang pang itaas. Nakita ko ang likod niyang pinutakti ng bulutong, parang mga nakatanim na bomba sa kulay lupa niyang balat, at ano mang oras na makanti ay muling magpapasabog ng kati. Nag-utos ang isang agurang, o miyembro ng lupon ng mga nakakatandang preso, na magpakulo ng buto ng kulantro at ipaligo sa lahat ng may bulutong.

“Clutario, paki buhusan naman ‘yung likod ko.” Iyon ang huling beses na nakita ko ang likuran niyang iyon. Nagpa-tattoo kasi siya, ‘yung malaking dragon, nung nagpeklat ang mga bulutong. Ngayon, hindi mo na makikita ang matandang dragon dahil mukha na itong pinagbalatan ng ahas.
Binasa ko ang likod niya ng manilaw-nilaw na tubig at dumaloy ito mula leeg pababa sa gulugod, pa kanyang puwit at binti. Sa pagtama nito sa sahig, nabasag ang mga patak ng tubig sa ilan pang piraso ng mga patak. Inabot niya sa’kin ang sabon. “Paki na rin, kung pwede.”

Mabuti’t may alam ang mga agurang ng brigada noong araw. Pagkat iyon naman ang trabaho nila, ang magpayo. Gaya nga ng kasabihan, ang karunungan ay kasabay ng katandaan. Pero hindi sa lahat ng panahon. Gaya ngayon. Ako at si Peng ay miyembro na ng kagurangan at wala naman akong nakikitang karunungan sa sarili ko. O kay Peng. Wala silang matututunan sa amin.

Kasabay ng paglilinis ng higaan at sahig ay ang paglilinis ng kasilyas. Kailangang paputiin ang inidoro at kuskusin ang pagitan ng mga baldosa. Noong araw, sementado lang yang banyo na ‘yan. Nagsimula ‘yung kabilang brigada na ipabaldosa ‘yung kanila. Tapos, naggayahan ang buong carcel.
Nahahati kasi sa dalawang bahagi ang compound ng Bilibid. Presidio at carcel. Sabi nila, noong unang panahon daw, noong panahon ng mga Kastila at nasa Maynila pa ang Bilibid, sa presidio inilalagak ang mga presong nasintensiyahan na. Sa carcel, yung mga naghihintay pa lang ng sintensya. Mula Maynila, inilipat sa Muntinlupa ang Bilibid pero nandoon pa rin ang dibisyon. Ngayon, ang dibisyong ito ang nagsasabi kung saang pangkat kaalyado ang isang bilanggo. Sa presidio, nandoon ang mga pangkat na kaalyado ng Sputnik gaya ng Commando, Happy Go Lucky, at Bahala Na Gang. Dito sa carcel, kung nasaan ako at si Peng, narito karamihan ang kaalyado ng OXO. Nandito ang Genuine Ilocano Gang, Batang City Jail, Batang Cebu, at kung ano pa. Yung mga walang pangkat, yung mga cuerna, nakakalat sila sa kung saan saang brigada.
Bawat brigada at pangkat, mayroong bosyo. Mayor. Lider. Dito sa amin, si Mayor ang nakaisip gayahin ang pagpapabaldosa ng banyo. Pinag-ipunan iyon ng buong brigada. Patak-patak. Importante kay Mayor itong banyo dahil isa ito sa pinakamalaking proyekto niya. Bawat tao ay gustong mag-iwan ng marka nila sa mundo. Kumbaga, ito ang kanyang monumentong ambag sa sibilisasyon. Dito rin siya madalas gumagawa ng mga desisyon para sa brigada.

“Magaan ang pakiramdam ko dito, eh. Parang wala akong dalang bagahe, Nakakapag-isip ako ng matino,” naalala kong sabi dati ni Mayor.
Mahirap ang trabaho ng aming bosyo at hindi pwedeng kung kani-kanino lang ibinibigay ang posisyon. Dapat ay marunong makipagkapwa tao pero kayang dumisiplina ng miyembro. May lakas ng loob para magpataw ng takal o isang hampas ng dos por dos sa mga nagkasala at pasaway na kabrigada. Wala na rin dapat utak laya ang preso at tinanggap na niyang mabubulok siya dito. At siyempre, dapat kilala niya hanggang sa bawat patay na kuko ang mga miyembro para sa ganoong paraan, magamit sila at mapakinabangan. Sino ang pwedeng karpintero, tubero, sino ang pwedeng magluto, isali sa susunod na paliga. At siyempre, sino ang maglilinis ng kanyang trono.

Napansin kong nakangiti sa’kin si Cebreros. Kanina pa pala ako nakatulala sa kanya habang iniiskoba niya ang makutim na lumot sa pagitan ng mga baldosa. Nagkakabisa siya ng A-B-C.
“Agurang, kanina ka pa nakatitig, ah. Taeng tae ka na, no? O baka naman may session kayo ni Agurang Pengson Loverboy?” Nung makita niyang wala akong reaksyon, mas lumaki ang ngiti niya. “Joke lang, ha. Kung natatae ka, saglit na lang ‘to?”
“Anak ka ng hindot. Hindi na tinitigasan ‘yang si Peng.” Naisip ko, ito na ang tsansa para biyakin ko ang kanyang bungo.

Loko-loko talaga ‘yang si Mayor. Ikinuwento na yata sa lahat ng natoka sa kasilyas ang istorya namin ni Peng. Nahuli kasi kami dati ni Mayor, noong hindi pa siya Mayor at natotoka pa sa kasilyas, ilang dekada na ang nakararaan, bago pa magkabit ng baldosa.
“Putang ina, mag-abiso naman kayo sa susunod. Magkakabit pa kayo diyan, para kayong mag-inang kangaroo. Umurong tae ko sa inyo, eh.”
“Wag ka nang puro daldal,” utos ni Peng, “magbantay ka na lang diyan.”
“Oo na, lover boy. Makautos ka, ah.” Yun ang naging bansag niya kay Peng. Lover boy. Ang Hari ng mga Puso.
Mula noon, sa tuwing kinakati si Peng, kahit wala na siyang bulutong, sa tuwing kumakalat ang init mula sa pusod niya sa buong katawan, si Mayor noong hindi pa siya mayor, ang opisyal naming bantay.
“Ayos na ‘yan, agurang, pwede ka nang manalamin sa tiles.”
Lumabas na siya ng kubeta bitbit ang C for Cat, D for Dog, E for Elephant. Buo ang bungo. Malinis nga ang kubeta. Nakakahinayang bahiran lang ng dugo.

“Anong meron? Wala yatang palikpik ang ulam?”
Nagtawag na para sa tanghalian. Ang ulam? Manok sa gisantes. Himala ng mga himala at naisip nilang mag manok.
“Siyempre, may lalaya sa brigada natin, eh. Ano Clutario, excited ka na?”
“Ah, oo.”

Sa mesa, bumabanat na naman si Liwanagan ng green joke na ibinato sa kanya ng kinakasama niya, ‘yung bumisita sa kanya noong kamakalawa. Ano daw ang pinakamalakas na muscle sa katawan. Nagtawanan sila. Dila daw ang sagot. Hindi ko naintindihan. Sa kabilang banda, may ibinabalita si Mayor tungkol sa susunod na laban ng basketball. Hindi ako interesado. Nababahala ako kay Peng. Sa plato niya, nakaipon ang gisantes sa gilid at ang tumbong ng manok. Nung maubos niya ang kanin, inilagay niya ito sa platong may mga buto at mismis ng kanin. Uminom siya ng tubig at umalis sa mesa.

Mapili sa pagkain si Peng at isang milagrong nabuhay si Peng sa kulungan. Lalo pa’t isa ang pagkain sa mga pinag-aawayan, lalo na noong kabataan ko. Halimbawa, ‘yung mga Batang Cebu, ang gusto eh, isda at gulay. ‘Yung mga taga Bicol, gusto maanghang. Kapag Iglesia, hindi kakain ng dinuguan. Yung mga Manila Boys, gusto, fried chicken.Tapos bigla silang mag-aaway-away kasi hindi sila nagkakaintindihan, akala nung mga taga-Maynila, sila ‘yung pinag-uusapan nung mga nagbi-Bisaya.

Si Peng, hindi siya kumakain ng ng okra dahil baka daw tumubo ‘yung buto sa tiyan niya. Pinagbawalan din siya ng doktor na kumain ng mga sitaw, munggo, bitswelas, at eto nga, gisantes. Sa manok, hindi siya kumakain ng tumbong dahil napapanghihan siya dito. Na siya namang paborito ko. Madalas ay lahat ng ayaw niyang pagkain, inililipat niya sa plato ko.

“Kainin mo,” sasabihin niya sa’kin.

“Huwag,” kunwaring pigil ko sa kanya, “may ilaw pa.” Susundan ko iyon ng kindat.

“Tarantado,” ngumisi siya, “kainin mo yan.”

Isa ‘yon sa mga birong kami lang ang nakakaalam. Iyon kasi ang mismong salitang binibitawan niya kapag nagsisiping kami at ang bibig ko ay dumako na sa pagitan ng kanyang mga hita. Kainin mo. Tapos ay uungol siya ng pigil na pigil, nakakuyom ang mga labi dahil ayaw niyang marinig ng mga kasama namin ang aming pagsisiping. Kahit na napaka imposible noon sa napakaliit na espasyong ito. Pero pilit niyang ititikom ang labi, kahit nanginginig na ito na halos gumagaya na sa tunog ng bentilador na walang langis.

Minsan naman, papatong siya sa’kin, ang dibdib niya sa’king dibdib, mukha sa aking mukha. At iyon lang ang tsansa niyang mahalikan ako. Ang ilong namin ay nagpapalitan ng hininga. Kinikiliti ang baba ko ng buhok sa buhay niyang nunal sa baba. Kami ay nasa isang duwelo ng mga espada. Ginagagap ng kamay ko ang likuran niya, ang kabuuan ng dragon sa kalagitnaan ng pagbuga ng apoy, ang kaliskis nito at mala-ahas na buntot. May mga panahong bumabaon ang kuko ko sa kanyang balat.

“Para ka namang pusa,” sasabihin niya sa pagitan ng kanyang malalalim na paghinga.
“Kaya nga kinakain ko ang mga tira-tira mo, di ba?” Saka ko gagayahin ang pagngiyaw ng pusa.

Bumanat na naman si Liwanagan ng green joke mula sa kinakasama niya. Tungkol sa babaeng virgin na hindi isinali ng mga kaibigan niya sa paluwagan. Hindi ko na tinapos ang istorya. Hindi ko na lubos maisip kung paanong habang nagkakangkangan sila, bumibira ang kinakasama niya ng “Labs, may magjowa sa sinehan. Pini-finger nung lalaki ‘yung babae. Sabi nung lalaki, ‘Honey, naiwan ko ‘yung college ring ko sa loob.’ Kaya kinapa ni lalaki. Nung nakuha niya yung singsing, nagulat siya. ‘Honey, bakit nagkulay green, acidic ka ba?’ Ay, hindi. Baka sa dati kong boyfriend yan, Lasalista ‘yun, eh.’”

Isang joke pa at lalaslasin ko na ang lalamunin niya ng tinidor. Itatarak ko ang tinidor gaya kung paano ko itinarak ang basag na bote ng alak sa leeg ng tatay ko. Ang sarili kong ama na ipinagahasa ang kapatid kong babae noong malaman niyang may karelasyon itong kapwa babae. Nang malaman niyang lesbiyana ang kapatid kong si Onor. Kung paanong naisip ng tatay ko, ang mahusay kong ama, ang lasenggo kong ama, ang ama kong parating sinasabihan ni Onor na ‘Tay, baka ikamatay mo yang kaaalak. Kung paanong naisip niyang mababago niya si Onor kapag pinasukan ng titi ang puwerta nito. Ginahasa si Onor sa kamalig ng tatlong lalaking hindi niya nakilala dahil madilim, at hindi sanay ang mata ni Onor sa kadiliman.

“’Tay, hindi ba tayo magsusumbong sa mga pulis?”

“Hayaan mo na, para naman maging babae yang kapatid mo, tignan mo, kapag nagkaanak yan. Lalambot yan.”

Kay Onor ako unang nagsabi na alanganin ako, na bakla ako, na may gusto ako sa kapwa ko lalaki. Si Onor na nagsabing pareho pala tayo at nagbalita sa’king may nililigawan siyang kamag-aral niyang si Thelma. Si Onor, ang kapatid kong mas matapang sa’kin, ang may lakas ng loob na ipagsigawan kung ano siya. Ako, isa akong gagamba na kapag pinuwersang palabasin mula sa itlog nito, mamamatay ako, ni wala man lang tsansang maging kahit ano, hindi man lang manalo sa lotto.Mas nararamdaman ko ang kalayaan sa pagkakakulong. Gaya ngayon, sa pagkakakulong, ligtas ako. Ito ang aking sanktwaryo.

Hinintay ko ang pagtulog ng tatay ko. Paano niya nagawa iyon kay Onor na may parehong hubog ng ilong niya, halos magkahawig na bibig? Hinampas ko siya ng bote ng alak sa ulo. Nung maalimpungatan siya, nataranta ako at kaya hinampas ko siya ulit ng mas malakas at nabasag ang puwit ng bote. Itinarak ko iyon sa leeg ng tatay ko. Sumirit ang dugo. Pero hindi sapat iyon kapalit ng dugong gumapang sa binti ni Leonor, ang tinanggal niyang pagkatao. Kaya winakwak ko ang lalamunan ng tatay ko. Isinumbong ako ni Onor sa pulis. Si Onor na noo’y naglilihi sa balimbing. Ang putang inang tibong sumbungerang si Onor. Natatakot na daw siya sa’kin. Ang traydor na si Onor. Parang hindi na daw niya ako kilala. Mali raw ang ginawa ko. Ang mapanghusgang si Onor. Hindi man lang niya ako binisita. Ang kapatid kong si Onor.

Mabuti pa si Liwanagan, binibisita siya ng kinakasama niya. Parati siyang pinapasalubungan ng isang bayong na libog at isang sakong green jokes. At kung papatayin ko siya ngayon, siguro babanat pa rin si babae ng mga green jokes sa lamay niya habang nagbubuka ng butong pakwan. Magtatanong siya sa kahit na sino, baka sa nanay ni Liwanagan, o sa pinsan nito, kung ano ang pinakamalamig na bahagi ng katawan ng lalaki. At sasagutin niya ito ng mga hita, dahil kung mainit ito, malamang ay naluto na ang mga itlog. Malamang, sasabihin niya ito habang iniiyakan ang bangkay ni Liwanagang butas-butas ang leeg. At ayokong makita iyon.
Nagligpit na ko ng pinagkainan. Kasama ng mga mismis ng kanin, nandoon pa rin ang tumbong ng manok.

Patay na ang ilaw pero wala pa rin akong napapatay. Naghihilik na si Trampe at gusto kong ipasak ang kamao ko sa bibig niya. Pero wala na akong gana. Tinatamad ako.

Katabi ko si Peng. Alam kong gising siya at nakatitig sa papag na nasa ibabaw ng aming higaan, ang bawat dugtungan at pinagpakuan ng mga kahoy, na kaya niyang aninagin sa dilim. Dahil tulad ko, nasanay na ang mata niya sa kadiliman.

“Peng,” bulong ko. Hindi agad siya sumagot. Ang naririnig ko lang ay ang kanyang paghinga. “Pa’no, lalabas na ko bukas.”

“Oo nga, eh. Lalaya ka na.”

“Hindi,”mabilis kong sagot,” Lalabas lang ako. Panibagong mga lugar. Panibagong mga mukha. Pero matagal na kong lumaya.”

Hinawakan niya ang kamay ko. Ang kulubot at mabuto niyang kamay. “’Yan naman kasing presidente na ‘yan. Binigyan ka ng clemency, wala namang pansit. Sa’n mo kaya gagamitin ‘yun, di ba?”

“E di gagawa ako ng clemency juice. Para sa’yo. Masyado ka kasing nagmamaasim.”

Pinatigil niya akong magsalita, nakatapat ang hintuturo niya sa bibig ko. Tapos ay hinalikan niya ako. Sa pisngi. Sa leeg. Sa labi.

Pumatong siya sa’kin. Sa huling pagkakataon. Pumaibabaw ang Hari ng mga Puso sa Reyna ng Espada. Solitaryo. Iisa.

Lalabas na ako bukas. At matatandaan ko ang gabing ito, ang napakatahimik na gabing binasag ng bentilador na kulang ang langis. Isa sa mga gabing nakakulong ako, sa kanyang mga binti at braso, kung kailan ko naramdaman ang tunay na kalayaan.

Talambuhay ng May Akda
John Carlo I. Palaca Isa siyang undergraduate sa University of Sto. Thomas, Philippines. Nag-aaral siya sa kursong Political Science. Ikalawang panalo niya na ito sa kanyang kuwento sa Palanca awards.

Pasasalamat

Unang-una nagpapasalamat ako sa Ginoong Diyos dahil binigyan niya ako ng pagpapasiya at tiyaga. At binigyan niya ako ng oppurtunidad na magawa ito. Nag papasalamat ako sa guro ko sa Filipino 2, si Gng. Mira Abalajoon dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko ito magagawa. Nagpapasalamat din ako sa mga magulang ko dahil sa kanilang supporta sa akin at sa pagsagot sa mga tanong ko tungkol sa proyekto na ito, tinulungan din nila ako sa pagtranslate ng mga salita at pagkonstrak ng aking grammar. Sa mga kaibigan ko na walang kupas na supporta at tulong nila para matapos ko ito, kung hindi dahil sa kanila hindi ko talaga ma tapos ang proyektong ito. Nagpapasalmat ako sa kanilang pag gabay sa akin kapag hindi ako amrunong gumawa ng mga pangungusap na mas maiintindihan ng aming guro. At sa huli, nag papasalamat ako sa Google Translate kung hindi dahil sa ito ay talagang nga-nga ako sa ibang salita dahil ang bokabularyo ko sa Filipino ay hindi ka ano-ano kalaki.

Similar Documents

Free Essay

Communication

...importance of communication in an organization can be summarized as follows: 1. Communication promotes motivation by informing and clarifying the employees about the task to be done, the manner they are performing the task, and how to improve their performance if it is not up to the mark. 2. Communication is a source of information to the organizational members for decision-making process as it helps identifying and assessing alternative course of actions. 3. Communication also plays a crucial role in altering individual’s attitudes, i.e., a well informed individual will have better attitude than a less-informed individual. Organizational magazines, journals, meetings and various other forms of oral and written communication help in moulding employee’s attitudes. 4. Communication also helps in socializing. In todays life the only presence of another individual fosters communication. It is also said that one cannot survive without communication. 5. As discussed earlier, communication also assists in controlling process. It helps controlling organizational member’s behaviour in various ways. There are various levels of hierarchy and certain principles and guidelines that employees must follow in an organization. They must comply with organizational policies, perform their job role efficiently and communicate any work problem and grievance to their superiors. Thus, communication helps in controlling function of management. An effective and efficient communication system...

Words: 2659 - Pages: 11

Premium Essay

The Communication

...------------------------------------------------- Communication For other uses, see Communication (disambiguation). "Communicate" redirects here. For other uses, see Communicate (disambiguation). Communication (from Latin commūnicāre, meaning "to share" [1]) is the activity of conveying information through the exchange of ideas, feelings, intentions, attitudes, expectations, perceptions or commands, as by speech, non-verbal gestures, writings, behavior and possibly by other means such as electromagnetic, chemical or physical phenomena and smell. It is the meaningful exchange of information between two or more participants (machines, organisms or their parts).[2][3] Communication requires a sender, a message, a medium and a recipient, although the receiver does not have to be present or aware of the sender's intent to communicate at the time of communication; thus communication can occur across vast distances in time and space. Communication requires that the communicating parties share an area of communicative commonality. The communication process is complete once the receiver understands the sender's message.[citation needed] Communicating with others involves three primary steps:[4] * Thought: First, information exists in the mind of the sender. This can be a concept, idea, information, or feeling. * Encoding: Next, a message is sent to a receiver in words or other symbols. * Decoding: Lastly, the receiver translates the words or symbols into a concept or...

Words: 2378 - Pages: 10

Premium Essay

Communication

...head: Effective Communication Effective Communication Michael Sharpe Embry-Riddle Aeronautical University Communication is a necessity in virtually every activity a person engages. Yet with the constant communication that takes place on a daily basis, poor communication is still a problem. Learning to communicate and to communicate well is the key to an overall safe flying activity and is most definitely the safe recovery of the aircraft during and incident. Communication is everyone’s responsibility, understanding the process of effective communication is only part of the overall experience. Learning to identify and combat the barriers is also part of the communication equation. There are three types of communication, verbal, written and non-verbal. Verbal communication is just that, the speech a person uses everyday. During the brief or when the pilot checks in, he is constantly using verbal communication. Written communication is present in nearly every action associated with an aircraft in daily operations. It exists in the form of checklists, memos, forms, and miscellaneous paper work. The non-verbal, simple put is body language. The actions and motions you make while communicating. These usually come naturally to most people and are unintentional. The use of these three types of communication can vary, but ultimately the effective use of these elements will determine the effectiveness of the communication. Communication can be further...

Words: 1826 - Pages: 8

Premium Essay

Communication

...Anna Neriza E. Custodio Rheyneil H. Caballero Clark Jonar R. Aguilar Chapter 6 Communication Communication is a requirement for survival and growth not only of people but also organizations. In the past, nations rose and fell depending on their ability to communicate effectively. History is replete with stories of individuals who became successful because of their effective management of communication. When ancient Rome became the target of hostile forces, its communication system was effective enough to warn its leaders about the forthcoming danger. Modern armies consider communication as an important factor in waging a successful attempt to defeat the enemy. In the same manner, modern organizations consider communication as an important factor in motivating their employees to improve productivity and to meet competition. What is Communication? Communication may be defined as the transfer of information including feelings, and ideas, from one person to another, the goal of communication is to have the receiver understand the message as it was intended. The transfer process, however, is affected by a number of factors that either help or hinder the message. The Importance of Communication Without communication, organizations cannot exist. It is through communication that the individual members of the organization will know the important concerns such as: 1. What their organization is 2. What objectives their organization wants to achieve 3. What their roles are...

Words: 3447 - Pages: 14

Premium Essay

Communication

...The Ways of having an Effective Organizational Communication Communication is fundamental to the foundation, success and effectiveness of an organization. Experts note that too much communication is not a bad thing. While some think of it as a just part of the bureaucracy, communication is essential in managing employees and pushing for organizational growth. Without proper communication between different components of the organization, it is impossible to properly facilitate processes and other procedures. Organizational communication involves formal and informal communications throughout an organization. This branch of communications considers an organization's communications to employees, with employees and from employees to upper management. When a business or agency does not establish clear communication policies, define roles or provide training for better communications, this can result in several barriers to effective communication. The writer is showed the element of communication process involve. There is an idea that need to communicate, and the message will sent to receiver in the form of verbally and non-verbally. The successful transmission is depends on content and context. Content is the way to deliver message through tone, expression, body language as well as gestures. However the content is the actual words which is a part of the message. In the article, there are 3 types of communication barriers. Those are ourselves , perception and mental stage. Normally...

Words: 1326 - Pages: 6

Premium Essay

The Importance Of Communication In Communication

...understanding when addressing your message to the audience, in written or spoken form. In business communication, having your audience understand your message is vital to success. The strategies that are being focused on are: Clarity, Conciseness, Credibility, Tone and Reference. Clarity is a big part of communication as it enforces understanding within the message. In other words, it allows for communication to flow naturally, and be understood easily. Without clarity, an audience may be thinking about something you said (such as a word, that they aren't familiar with), rather than thinking about what your message is about. In the past, I have used clarity to help describe a problem to a customer, rather than using difficult “trade terms” for them. Here's an example: “Look at the back of your TV, and you will see three cables. They are red, yellow and white colored.” That sentence is much easier to understand than “Look at the input...

Words: 874 - Pages: 4

Free Essay

Communication

...effective communication can be achieved in an organization.  (Be sure to refer to both interpersonal and organizational communication.) Communication is a two-way process of reaching mutual understanding, in which participants not only exchange (encode-decode) information, news, ideas and feelings but also create and share meaning. The effectiveness of communication is therefore determined whether the receiver attributes the same meaning to the message after interpreting it. Whether on an individual or organizational level it is important to achieve effective communication in an organization because failing to do so will result in lowered efficiency and effectiveness. Interpersonal Communication This type of communication takes place every time we interact. A breakdown in this type of communication can be costly to an organization animosity and reduced co-operation in the workplace. The sender and the receiver shares responsibility for effective communication. Thus, senders must send a clear message and receivers must possess good listening skills for the communication to be effective. Sending a Clear Message Verbal communication accounts significant percentage of communication that takes place. In communicating one must be careful of word choice; concrete and abstract. Concrete words represent objects and makes ideas easily conveyed while abstract words are ambiguous and as a result an idea conveyed with this word usage is subjective. Effective communication can be...

Words: 375 - Pages: 2

Premium Essay

Communication

...Business Communication Trends Johanna Mikucki XCOM/285 Melissa Edwards Business Communication Trends Face-to-face communication, spoken communication electronically transmitted either on the telephone, video mail or voicemail, personally addressed written communication (personal messages), and impersonal written communication such as memos or letters, are the four levels of communication that exsit in business today. The evolutin of technology has created any forms of communication trends in the workplace today such as; email, instant messages, and text messages. The invention of the PDA has started a new trend in business today. The message results from these communication types could be anything from informative to persuasive. Sometimes information is urgent and may need to be communicated quickly. For instance a sales representative is out in the field and needs information that could be the deciding factor on making a sale or not. With today’s technology the information could be sent quickly through an email or a text. Business communication plays an extremely important role in my day-to-day work activities. I work for an extremely small business, the owner and I run everythig from the register to purchasing stock for the shop to taking out the trash. It is important for us to use the above mentioned communication types to make sure informtion gets where it needs to be a remembered. The owner and I run everything from the register to purchasing stock for...

Words: 398 - Pages: 2

Free Essay

Communication

...Communication is the heartbeat of an organization. All that is accomplished results from effective communication. It is the process of transmitting feelings, ideas, information and opinions among various people. Without proper communication, the organization will fail to thrive and eventually die. Good writing, reading, listening and speaking skills are necessary; to ensure that the goals of the organization are being accomplished. Since communication is so important, recruiters often seek individuals that have mastered this crucial skill. The art of communication is the most important skill that recruiters look for when searching for new team members. One must know how to accurately form a message, send it and it must be completely understood by the receiver. If a potential candidate is not able to convey their thoughts, feelings, or ideas they will be overlooked for the open position. This is done to protect the company’s internal and external customers from misunderstandings which can lead to stress, conflict, low productivity and customer satisfaction. The lack of effective communication causes all types of problems; some can be fixed, while others cannot. When communication is not done properly, there are several negative consequences that will result. Improper communication gives way to mistakes, which causes an organization to miss deadlines and lose money. It can also contribute to low morale among team members and management. If people are not happy; they tend...

Words: 312 - Pages: 2

Premium Essay

Communication

...Communication is the Key RaKeshia Rhodes MGT/521 July 4th 2011 Robert Price Communication is the Key Meaningful communication is very important in the business world. No matter the size of the company, this can be difficult if the message isn’t relayed effectively. Scenario I As the marketing manager, the best method to inform teammates of the new strategy would be written communication. The form of written communication that should be use to relay the message to teammates should be an email. An email will allow the marketing manager to get the message out immediately to the teammates. How quickly the message is relayed is very important because the team only has one week to come up with the strategy. If the team members have any type of questions, ideas, or concerns, after reading the email, the can then reply to the message. When conveying the strategy to the vice president, I would use oral communication. Having a face-to-face meeting with the vice president about the strategy will allow the marketing manager to convey the team’s strategy thoroughly. Once this information is presented, the vice president can then ask any questions he or she may have, as well as give his feedback on the strategy. Scenario II Login information is something that is very import to company employees. If this information isn’t available or working, technical assistance should be alerted immediately. The best method for contacting the IT Company would...

Words: 621 - Pages: 3

Premium Essay

Communication

...Heath Care Communication Methods HSC/320 L. Grant April 5, 2014 Stephen Southern Communication in health care is difficult to say the least. Within a nursing home there are different ages ranges, socioeconomic levels, literacy and cultures. As an Administrator of a local nursing home this issue is known first hand. The organization has just received notification that the organization is being purchased by a national group. Because of the new policies, many of the residents will be displaced. Some of the residents have difficulty communicating, have no family in the local area, and have not indicated that they approve the release of their medical information. As the administrator I must make arrangements for said individuals. A transition team as been assembled to effectively place each individual back into the community. Each individual will be assessed for placement back into the community. The transition team for placement will screen each individual identified with the potential to be displaced. Various forms of health communications will be used to complete this task. The screening team will consist of a Physician, RN, LSW, PT, OT, ST, the individual and or a family member/ power of attorney for said individual. The assessment will determine what supports the individual will need to live in the community or if he or she needs to be relocated to another nursing...

Words: 1137 - Pages: 5

Premium Essay

Communication

...Our Aviation Engine Repair Center is not an exception and our organization uses a variety of tools in the process of communication but, in the course of time, we have eventually arrived to the necessity to use all media effectively so that the message could fit the media it is transmitted by. First of all, it should be said that, at the present moment, we use a variety of media which may be viewed as traditional and new ones. Among traditional media, or communication channels that are used in our Aviation Engine Repair Center may be named telephone and faxes. In fact, telephone is probably the most widely spread and used channel of communication within our organization. Basically, the communication process occurs by means of telephone between different units or departments of our company. For instance, the director can communicate with a head of the department using the telephone simply in order to find out the general information about the functioning of the department what it actually works at or what are the recent results of its work. Similarly, a head of the department can communicate with the manager in order to find out the details of some order the latter received from a customer, or vice versa, the manager can supply the head of the department with more detailed information about the order and demands of a customer. By the way, the telephone communication may be also external, when a manager communicates with a customer, for instance, that is also quite effective as it...

Words: 359 - Pages: 2

Premium Essay

Communication

...Communication is Key Jean A Jean-Rene BCOM/275 August 25, 2014 Communication is Key Communication plays an important role when delivering directions to employees, and trying to avoid misunderstandings. Misunderstandings can lead to errors that could have a direct impact on a company, implementing specific directions could avoid costly mistakes. Misunderstandings The sender was my supervisor, receiver was myself, the message was an idea for me to go and get the next rack of sausage by the white wall for packaging. The channel that my supervisor used was face to face. I had thought she said the right wall and it actually was the white wall, which caused me to bring the wrong rack. Listening closer to directions it could have been avoided. The communication process can be difficult if you are unsure of the directions, having two words, white and right sounding the same was the cause of the misunderstanding. The sender was my supervisor, receiver is myself, and the message was an idea for me to come into work an hour earlier on Friday, the channel she used was email. My supervisor had asked me if I was available to come in to work an hour early on a Friday, I told her she should email me to confirm Friday, I had gotten busy and forgot about the email and never checked. I learned that this could have been avoided if I would have remembered to check the email before Friday. The main cause of the misunderstanding was my forgetfulness of checking my email...

Words: 315 - Pages: 2

Premium Essay

Communications

...Technology and Communication Tammi Staub COM/295 October 19, 2014 Randi Barnes-Plante Technology and Communication I think that Southwest Airlines does an excellent job with their blog. It shows a very friendly atmosphere for not only travelers but also employees. To me it looks like they work very hard to keep a positive message at the front of the communication in their blog. I can’t say that I travel all that much, but after reading through some of the blog posts I would consider traveling with Southwest. Again there seems to be a lightness within the company that would be very welcoming. I am most interested in learning more about the company after reading and reviewing the blog. In today’s business world it is so important to stay in the front of the public’s eye. Creating a blog and Twitter account seems like the best thing to do. Especially in a world of smart phones. By putting their ideas and promotions out in a very open and public way they are able to reach a variety of people from many different cultures. I think it is very important for Southwest to continually think about their broad audience and develop messages that appeal to a wide variety of individuals. It is also very important to plan carefully what they are posting. Probably one way to effectively communicate is to consider the promotion that they may be offering and direct it to the type of audience that it would most benefit. Blogs seem like a...

Words: 315 - Pages: 2

Premium Essay

Communication

...Experts agree that good communication is one of the keys to being successful in today’s competitive job market. People must be able to communicate with each other on a daily basis to keep the work flowing in an orderly fashion, and to deal with work issues as they arise. Misunderstandings can lead to delays, which ultimately affect the productivity of the company. In the past decade, employers have been forced to cut back on the number of personnel in order to save money, and problems in productivity can be even more detrimental in a slim-downed work force. Communication in the 21st century is quickly evolving into one that involves less conversation, and more electronic sharing of information. While in the past, an employee might have a discussion with a co-worker face-to-face, today people tend to communicate via email or instant message. Either way, the old rules still apply regarding how to effectively communicate in the workplace. [pic][pic][pic] One of the most important components for successful interpersonal communication is clarity. People need to be able to understand what you are saying. This may seem obvious, but it is surprising how many people seem to think that excessive language makes them appear more intelligent and/or important. In conversation either in person or by phone, speak clearly, making your point quickly. Before you pick up the phone to make a call, have your points organized and be ready to answer questions if posed. If the person to whom you...

Words: 342 - Pages: 2