Free Essay

Conputer Ganes

In:

Submitted By johnmaac14
Words 257
Pages 2
Si Pol ay nagtungo sa Iraq sa kasagsagan ng giyera sa pagitan ng Iran at Iraq nang makapagtapos siya ng kursong Arkitektura sa Unibersidad ng Sto. Tomas noong 1983, upang magtrabaho sa isang Italian construction company. Sa mga panahong inilagi niya sa lugar na iyon, kanyang naranasan ang sinasabi niyang pinaka-nakababaliw na dalawang taon sa kaniyang buhay.
Taong 1986 nang nagsimula siyang gumawa ng iskrip at gumuhit para sa Pugad Baboy, isang bagong komiks tungkol sa isang komunidad at sa isang asong nagngangalang Polgas. Matapos nito ay nagtrabaho naman siya bilang isang arkitekto sa isang firm sa San Juan, Metro Manila noong 1987.
Setyembre noong taong 2002, si Pol ay naging isa sa mga co-founder ng Pugad Baboy Inc., kasama ang pito sa kaniyang mga kaibigan. Ginamit ng kumpanya bilang motto ang Ad Astra Per Aspera na inspirasyon dito ang Pulitzer Prize-winning novel ni Harper Lee na To Kill a Mockingbird. Matapos ang tatlong taon, tuluyang nagsara ang kumpanya kasabay ng pag-alis dito ni Pol upang magsimula ng isang bagong karera sa advertising industry.
-------------------------------------------------

Simula noong 1988, ang kaniyang istrip ng Pugad Baboy ay inilathala sa Philippine Daily Inquirer at sa kaniyang 20 koleksyon. Kinilala ngKomikon ang kaniyang husay bilang isang dibuhista nang manalo siya ng dalawang award noong 2006. Ang kaniyang likhang karakter na siPolgas ay napili bilang Best Character at si Medina naman bilang Best Humor Artist.
Si Pol ay ikinasal sa kaniyang maybahay na si Susan at sila ay may tatlong anak: sina Maia cecilia, Eladio Jose at Pablo Jose

Similar Documents