Free Essay

Cvdsf

In:

Submitted By Charmaine16
Words 2631
Pages 11
Pangngalan

Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari.

Halimbawa : tao: Anna, Claudine, Fred, Clarence, Lito bagay: lapis, aklat, pisara, lamesa, pambura pook: palengke, paaralan, ospital, simbahan, palaruan hayop: pusa, palaka, aso, kambing, kalabaw pangyayari: kaarawan, pagtatapos, pagbibinyag, piyesta, panunumpa

Uri ng Pangngalan

1. Pantangi (Proper Noun) - nagsasaad ng tanging pangalan ng tao, hayop at bagay at isinusulat sa malaking titik (capital letter) ang unang letra o titik ng salita.

2. Pambalana (Common Noun) - tawag sa karaniwang pangalan.Mga Halimbawa:Pambalana - bansaPantangi - Pilipinas, Tsina, AmerikaPambalana - bundok Pantangi - Mt. Pinatubo, Bundok ArayatPambalana - artistaPantangi - Pokwang, Willie Revillame, Kris AquinoPambalana - lugar Pantangi - Luneta, Robinson'sPambalana - lapisPantangi - Monggol

Kasarian ng Pangngalan

1.Panlalaki – pangngalan para sa lalaki Halimbawa: lolo, tatay, tiyo, kuya, pari lolo2.tatay3.tiyo4.kuya5.pari2
2.Pambabae – pangngalan para sa babae Halimbawa:lola,nanay,tiya,ate, madr
Pang-uri
Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Gayon man, hindi kinikilalang uri ng salita sa pangkalahatan ang pang-uri; sa ibang salita, may mga ilang wika ang hindi gumagamit ng mga pang-uri.[pananangguni'y kailangan] Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip. Ang mga pinakakinikilalang mga pang-uri ay iyong mga salita katulad ng malaki, matanda at nakakapagod na sinasalarawan ang mga tao, mga lugar, o mga baga

Kayarian ng pang-uri
May apat na anyo ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Payak - Ito'y binubuo ng mga salitang-ugat lamang. Mga halimbawa: hinog, sabog, ganda, 2. Maylapi - Ito'y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlaping Ka-, ma-, main, ma-hin, -in, -hin, mala-, kasing-, kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-, 3. Inuulit - Ito'y binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita. Mga halimbawa: pulang-pula,puting-puti,araw-araw gabi-gabi. hindi inuulit ang mga salitang: halo-halo, paru-paro. 4. Tambalan - Ito'y binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal. Mga halimbawa: ningas-kugon, ngiting-aso, kapit-tuko, balat-sibuyas.
Uri ng pang-uri
May tatlong uri ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Pang-uring naglalarawan - Nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangngalan o panghalip. 2. Pang-uring pamilang - Nagpapakita ng bilang ng pangngalan o panghalip. 3. Pamilang na patakaran o kardinal - ginagamit sa pagbilang o sa pagsasaad ng dami
Kardinal na pamahagi - ginagamit kung may kabuuang binabahagi o pinaghahati-hati.
Kardinal na palansak o papangkat-pangkat - nagsasaad ng bukod sa pagsasama-sama ng anumang bilang, tulad ng tao, bagay, pook atbp.
Kardinal na pahalaga - nagsasaad ng halaga ng mga bagay. 1. Pamilang na panunuran o ordinal - ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng tao, bagay, hayop, lugar at gawain. May panlapi itong ika- o pang-.
Kaantasan ng pang-uri
Ang tatlong kaantasan ng pang-uri ay: 1. Lantay-naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip na walang pinaghahambingan. 2. Pahambing-nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip. 3. Pasukdol-ang pasukdol ay katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.
PANGHALIP
Ang panghalip ay ang salitang panghalili sa mga pangngalan.
Kung saan ang: * Unang Panauhan — tumutukoy sa tagapagsalita. * Ikalawang Panauhan — tumutukoy sa kinakausap. * Ikatlong Panauhan — tumutukoy sa pinag-uusapan. * |
Panaklaw
Ito ay nagsasaad ng dami o kalahatan. anuman, kaninuman, lahat, bawat-isa, alinman, sinuman, pulos, madla, iba
Halimbawa: Lahat tayo ay magtutulungan.
Panghalip na kaukulan Palagyo
Ito ay kapag ginagamit ang panghalip bilang simuno. Audrey Michelle Adoptante Panauhan | Una | Ikalawa | Ikatlo | Unang Panauhan | ako | kata | kami | Ikalawang Panauhan | ka | ikaw | kayo | Ikatlong Panauhan | siya | sila | |
Halimbawa:
Ako ang magluluto.
Ikaw ang magluluto.
Siya ang magluluto. Paari
Ito ay nagsasaad ng pag-aari ng isang bagay. Unang Panauhan | akin, ko, amin, atin, naming, natin | Ikalawang Panauhan | mo, iyo, ninyo, inyo | Ikatlong Panauhan | niya, kaniya, nila, kanila |
Halimbawa:
(Pauna) Ang inyong damit ay nalabhan na.
(Pahuli) Ang damit mo ay nalabhan na.
Palayon
Ito ay ginagamit bilang layon ng pang-ukol at sumusunod sa pandiwang nasa tinig ng balintiyak.
Halimbawa:
Si Jenny ay pinasakay ko.
Pinakain nila ang mga tuta. Mga Gamit ng Panghalip Panaguri ng Pangungusap
Halimbawa:
Ang pera ay kanya.
Ang bola ay kanila. Panuring Pangngalan
Halimbawa:
Ang ganiyang tatak ng relo ay maganda.

Ginagamit bilang Pantawag
Halimbawa:
Ikaw, umalis ka na.
Kayo, hindi ba kayo sasama?
Sila , hindi pa ba sila kakain? Bilang Kaganapang Pansimuno
Halimbawa:
Tayo ay kakain na.
Iyan ang gagawin mo.
PANDIWA
Ang pandiwa, pangwatas, berbo, o berb ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. Ito ay tinatawag na Verb sa wikang Ingles.
Mga halimbawa: * Pumunta ako sa tindahan * Binili ko ang tinapay Tuon ng pandiwa
Pokus o tuon ng pandiwa ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa. 1. Tagaganap o aktor - ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na isinasaad sa pandiwa. * Nagpahatid ng pasasalamat si Elijah kay Daj dahil niligtas niya ang kanyang buhay. 2. Layon o Gol - ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang layon ay ang paksa o ang binibigyang-diin sa pangungusap. * Ginawa ni Ernest ang espadang ito para sa ikaliligaya ni Ian. 3. Ganapan o Lokatib - ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay ang lugar o ganapan ng kilos. * Pinagdarausan ng buwang-buwang eksibit ang Intramuros, Manila. 4. Tagatanggap o Benepaktibo - ito naman ay tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta o kilos na isinasaad ng pandiwa. * Ipinaghanda ni Mig ng masarap na kakanin si Bianca. 5. Gamit o Instrumental - ito ay tumutukoy sa kasangkapan o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos o pandiwa na siyang paksa ng pangungusap. * Ibinato niya ang yeso kay Jenille. 6. Sanhi o Kosatib - ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos. * Ikinatuwa ni Monica ang katagumpayan ng programang EST.
Ito ay ang relasyon ng pandiwa sa simuno. * Aktor. Nagtuturo na ang tagaganap o aktor ang siyang simuno ng pangungusap * Nagsayaw ng limbo rock ang mga kalahok sa paligsahan sa programang Eat Bulaga. * Layon. Ang paksa ng pangungusap ay ang layon. * Ang basura ay ipinatapon niya sa basurahan. * Ganapan. Ang lugar o pook ang ganapan ng kilos. * Ang bakanteng lote ay tinataniman nila ng gulay. * Tagatanggap. Ang simuno ang pinaglalaanan ng kilos. * Ipagsasalok mo ng suka ang bisita para inumin nila.. * Gamit. Ang kasangkapan o bagay na ginagamit ang gagawa ng kilos. * Ang abaka ay ipantatali niya sa duyan. * Sanhi. Ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi. * Ikinagagalak niya ang pagtanggap sa kanyang pag-ibig.

Mga Uri ng Pandiwa ayon sa Kaukulan 1. PAYAK
Ito ay ipinalalagay na ang simuno.
Halimbawa:
Lubos na mahirapan ang mga walang tiyaga mag-aral. 2. PALIPAT
Ito ay may simuno at tuwirang layon.
Halimbawa:
Naglinis ng hardin si Nena. 3. KATAWANIN
Ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap.
Halimbawa:
Ang matiyaga ay nagwawagi. Aspekto ng Pandiwa 1. Pangnagdaan.
Nagsasaad ito ng kilos o gawaing natapos na.
Halimbawa:
Nabatid mo ba ang tungkulin at pananagutan mo sa ating bansa? 2. Pangkasalukuyan.
Nagsasaad ito ng kilos o gawaing nasimulan na ngunit ipinagpapatuloy pa rin.
Halimbawa:
Kailangang gisingin an gating kamalayan sa nagaganap sa ating paligid. 3. Panghinaharap.
Nagsasaad ito ng kilos o gawaing isasagawa o magaganap pa lamang.
Halimbawa:
Madarama mo ang wagas na pakikipag-isa sa layunin ng makabuluhang pamumuhay kung maging tapat ka sa iyong sarili.

Pokus ng Pandiwa
Pokus ang tumutukoy sa kaugnayang pambalarila na matatagpuan sa pandiwa at sa isang kaganapang pandiwang karaniwan nang pinangungunahan ng panandang pampokus na ang. 1. Pokus sa actor o tagaganap.
Ang gumaganap ng kilos ang simuno.
Halimbawa:
Humihitit ka na naman. 2. Pokus sa layon o goal.
Tuwirang layon ang simuno ng pangungusap.
Halimbawa:
Tinatakpan nito ang lahat ng daanang hangin n gating katawan. 3. Pokus sa benepaktibo o pinaglalaanan.
Ang kaganapang pinaglalaanan ng kilos ang simuno.
Halimbawa:
Pinagmamalasakitan ng may-ari ang mga kabataang nalulong sa paninigarilyo. 4. Pokus sa ganapan o lokatib na pokus.
Ang ganapan o ang pinangyarihan ng kilos ang simuno ng pangungusap.
Halimbawa:
Ang tindahang binibilihan mo ng sigarilyo ay nagsara. 5. Instrumental o pananangkapan na pokus.
Ang instrumento ang simuno sa pangungusap.
Halimbawa:
Ipinang-alis niya ng bisyong paninigarilyo ang pagsipsip ng kendi o pagkain ng tsokolate. 6. Kawsatibong pokus.
Ang dahilan o sanhi ang simuno ng pangungusap.
Halimbawa:
Ikinamatay ng tatay mo ang kanser sa baga. 7. Pokus resiprokal.
Ang resiprokal ang simuno ng pangungusap.
Halimbawa:
Pinakiusapan siya ng nanay mo na makipagtulungan sa proyekto ng Kagawaran ng Kalusugan, ang “Yosi, kadiri.”

PANG-ABAY
Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
Ang mga pang-abay ay nagsasabi ng kung paano, kalian, saan at gaano.

MGA URI NG PANG-ABAY 1. Pang-abay na Pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.  May pananda
Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang
Hal. 1. Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw? 2. Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak. 3. Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan.  Walang pananda
Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,atb.
Hal. 1. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino. 2. Ipagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika – 40 na kaarawan.  Nagsasaad ng dalas
Araw-araw, tuwing umaga,taun-taon atb.
Hal. 1. Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan. 2. Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang kanyang kalusugan. 2. Pang-abay na panlunan – tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Karaniwang ginagamit ang pariralang sa/kay .
Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip. Kay /kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao.
Hal. 1. Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina. 2. Nagpaluto ako kina aling Ingga ng masarap ng keyk para sa iyong kaarawan. 3. Pang-abay na pamaraan – naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Ginagamit ang panandang nang o na/-ng. Hal. 1. Kinamayan niya ako nang mahigpit. 2. Bakit siya umalis na umiiyak? 3. Tumawa siyang parang sira ang isip. 4. Pang-abay na pang-agam – nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Mga halimbawa: marahil, siguro, tila, baka, wari, atb. Hal. 1. Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng Sandiganbayan. 2. Higit sigurong marami ang dadalo ngayon sa Ateneo Home Coming kaysa nakaraang taon. 3. Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas. 5. Pang-abay na panang-ayon – nagsasaad ng pagsang-ayon. Hal. Oo, opo, tunay, sadya, talaga, atb. Hal. 1. Oo,asahan mo ang aking tulong. 2. Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan. 3. Sadyang malaki ang ipinagbago mo. 6. Pang-abay na pananggi – nag-sasaad ng pagtanggi, tulad ng hindi/di at ayaw.
Hal. 1. Hindi pa lubusang nagagamot ang kanser. 2. Ngunit marami parin ang ayaw tumigil sa paninigarilyo. 7. Pang-abay na panggaano o pampanukat – nagsasaad ng timbang o suka . Sumasagot sa tanong na gaano o magkano.
Hal. 1. Tumaba ako nang limang libra . 2. Tumagal nang isang oras ang operasyon. 8. Pang-abay na pamitagan – nagsasad ng paggalang.
Hal. 1. Kailan po kayo uuwi? 2. Opo, aakyat na po ako.

PANGATNIG
Ang pangatnig ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa pangungusap.
Mga Uri ng Pangatnig
1. Paninsay. Ito ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang isipan ay nagkakasalungatan.
Halimbawa:
Namatay si Mang Isko ngunit ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay.
2. Pananhi. Ito ay ginagamit upang makatugon sa mga tanong na bakit o upang maipakilala ang mga kadahilanan ng isang pangyayari at ng anumang iniisip o niloloob.
Halimbawa:
Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay sapagkat nariyan si Dong na magpapatuloy ng kanyang naudlot na gawain.
3. Pamukod. Ito ay ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa sa ilang bagay o isipan.
Halimbawa:
Maging ang mga kasamahan niya’y nagpupuyos ang kalooban.
4. Panlinaw. Ito ay ginagamit upang dagdagan o susugan ang kalinawan ng mga nasabi na.
Halimbawa:
Sumisigaw ang kanyang pusoat humihingi ng katarungan.
Pangatnig na panimbang din ang tawag sa at, ngunit, datapwat sapagkat nag-uugnay ng mga salitang magkakapantay; ng mga parirala, ng mga sugnay na pantulong, at ng mga sugnay na nakapag-iisa. Panlinaw rin ang mga pangatnig na samakatuwid, kung gayon, kaya.
5. Panubali. Nagsasaad ito ng pagkukurong di-ganap at nangangailangan ng ibang diwa o pangungusap upang mabuo ang kahulugan.
Halimbawa:
Sakaling hindi ibigay, magpapatuloy ang welga.
6. Panapos. Nagsasaad ito ng wakas ng pagsasalita.
Halimbawa:
At sa wakas naibigay rin ang kanilang sahod.
7. Panulad. Nagpapahayag ito ng paghahambing ng mga gawa o pangyayari.
Halimbawa:
Kung ano ang utang, siya ring kabayaran.

Halimbawa ng mga pangatnig sa Tagalog: at pati saka o ni maging subalit ngunit kung bago upang sana dahil sa sapagkat

Uri ng Pangatnig

Panimbang: Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay.

at saka pati ngunit maging datapuwat subalit

Halimbawa:

Gusto kong umiwi, ngunit kailangan ko siyang hintayin.
Nagwalis muna si Lina, saka siya naglaba.

Pantulong: Ito ay nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala o sugnay.

kung kapag upang para nang sapagkat dahil sa

Halimbawa:

Nag-aral siya nang mabuti, para makapasa sa iksamen.
Nakabili siya ng bahay, dahil nag-ipon siya ng pera.

PANG-ANGKOP
Ang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang pagbigkasng mga ito. Sa makabagong pag-aaral ng wika, ang pang-angkop ay nahahati lamang sa dalawa.

1. na - Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay.
Halimbawa: Ang malinis na hangin ay ating kailangan.
Ang nauunang salita ay malinis na nagtatapos sa titik s na isang katinig.

Kaygandang tingnan ng makukulay na bulaklak.
Ang Diyos na makapangyarihan sa lahat ang tanging maaaring magliligtas sa atin mula sa ating kasalanan.

2. -ng - Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig (a, e, i, o u).
Halimbawa: Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno ang baha.
Ang pang-angkop na ng ay idinugtong sa salitang malalaki na nagtatapos sa titik i na isang patinig.

Ang pang-angkop na -ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang magkakasunod na kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa katinig na n. Ngunit hindi ito isinusulat sa ganitong anyo. Ang titik na n sa hulihan ng salita ay kinakaltas na lamang. Kaya ang pang-angkop na -ng at hindi g ang ginamit.
Halimbawa: luntian ng halaman >> luntiang halaman
Maraming banging matatarik sa ating bansa.

PANG-UKOL

Ang pang-ukol ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa, balak, ari o layon.

Ang mga karaniwang pang-ukol ay:

ng laban sa/kay sa hinggil sa/kay para sa/kay labag sa ukol sa/kay tungo sa ayon sa/kay mula sa alinsunod sa /kay nang may tungkol sa/kay nang wala Ang pang-ukol ay maaring kataga o salita na nag-uugnay ng isang pangngalan o panghalip sa iba pang salita sa pangungusap.
Ang pang-ukol ay bahagi ng pananalitang nagsasabi kung saang pook o bagay ang pinag-uukulan ng kilos, gawa, balak, ari o layon. Sa madaling salita, ito'y bahagi ng pananalita na mayroong pinag-uukulan.

Mga uri o mga karaniwang pang-ukol

Similar Documents