Holy Angel University
Taong 2012-2013
Epekto ng Kakayahang Sosyal sa mga Pang-Akademikong Asignatura (Mathematics at English) at Iba pang Larangan ng mga Estudyante ng College of Arts and Sciences Education ng Holy Angel University
Andal, Annelyse Camille C.
Buco, Richmond Andre S.
Carrera, Gian Lynard G.
Gigante, Victoria Mae B.
Guevarra, Aeren Earl
Manalastas, Yrvyn U.
Tanglao, Rikka Mae P.
(P-101)
Binibining Aurelia Damaso
FilBas Instructor
Ika-12 ng Marso 2013
Talaan ng Nilalaman
Kabanata I - Ang Suliranin at Kaligiran Nito Introduksyon ………………………………………………………………………….. 1 Layunin ng Pag-aaral ...................................................................................... 2 Kahalagahan ng Pag-aaral .............................................................................. 2 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral ……………………………………………...... 3 Depinisyon ng Terminolohiya…………………………………………..……........... 4
Kabanata II - Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura, Kaugnay na Pag-aaral ……………………………………………...…..….….….... 5 Kaugnay na Literatura …………………………………………..………………..... 7
Kabanata III - Disenyo at Paraan ng Pananaliksik Disenyo ng Pananaliksik………………………………….…….………………… 8 Respondente…………………………………………….……….………………..... 8 Instrumentong Pampananaliksik……………………………….………………... 8 Tritment ng Datos……………………………………..………….……................... 9
Kabanata IV - Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos ………………………… 10
Kabanata V - Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon Lagom…………………………………………………………………..………….... 14 Kongklusyon………………………………………………………..…...…….…… 15 Rekomendasyon………………………………………………….…..................... 15
Talaan ng Talahanayan
Grap 1 .……………………………………………..………………………………… 11
Grap 2 .………………………………………………………….……………………. 13
Grap 3 .………………………………………………………….……………………. 14
Grap 4 .………………………………………………………….………………….. 15
Grap 5 .………………………………………………………….……………………. 16
Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO 1. Introduksyon Bawat mag-aaral ay may iba’t ibang paraan sa pagharap ng kanilang social life at buhay sa pag-aaral. Isa ito sa mga mahalagang dahilan ng kanilang pagtatagumpay sa buhay. Ito ay nakadepende sa kanilang pakikisalamuha sa sarili at sa ibang tao.
Maraming pag-aaral ang nagpatunay na nakakaapekto ang interpersonal skills o kakayahang makihalubilo sa ibang tao sa pag-unlad ng buhay ng isang tao. Makakatulong ang interpersonal skills sa problem solving, paggawa ng desisyon at stress management.
Bukod sa interpersonal skills, mayroon ding intrapersonal skills na nagbibigay ng malawak na pag-intindi sa mga kakayahan at ugali na nakakatulong upang lubos na makilala ang sarili. Kailangan ito para mabalanse ang buhay ng isang tao at makapaglaan ng tamang oras sa sarili at pag-aaral.
Ang interpersonal at intrapersonal skills ng isang indibidwal ay ang tumutukoy kung siya ay isang introvert o extrovert.
While extroversion is associated with risk-taking, introversion is subsumed under the concept of self-esteem(Lee, 2005).
Nasasaad sa pahayag na sinabi ni Lee (2005), ang malaking pagkakaiba ng introvert sa extrovert. Mapag-aalaman dito na ang mga estudyanteng introvert ay mas komportable sa mga bagay na kontrolado nila habang ang mga extrovert ay mas nais nilang makaranas ng mga bagay na exciting, adventurous, at fun kasama ang kanilang kaibigan o kagrupo.
2. Layunin ng Pag-aaral
Layunin ng mga mananaliksik na pag-aralan ang mga larangan kung saan nakakaangat ang mga estudyanteng introvert o extrovert sa College of Arts, Sciences and Education (CASEd) sa Unibersidad ng Holy Angel.
Inaasahan na mabibigyan ng kasagutan ang mga sumusunod na katanungan pagkatapos ng pag-aaral: 1. Ano ang epekto ng personalidad sa akademikong larangan ng pag-aaral? 2. Ano ang epekto ng personalidad sa di-akademikong larangan? 3. Anong personalidad ang nakakaangat sa CASED? 4. Bakit nakakaangat ang bawat isa sa kani-kanilang larangan? 2. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik ay makatutulong nang malaki sa iba’t ibang uri ng mga mag-aaral upang mabigyan ng bagong kaalaman kung paano mas mapapaunlad ang sarili sa kani-kanilang larangan. Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa mga estudyante na nahihirapan sa mga gawain na nangangailangan ng kakayahang sosyal.
Ang pag-aaral na ito’y makakatulong sa mga estudyanteng nagkakaroon ng problema dahil sa kawalan ng sapat na social skills at para na rin madetermina o malaman ang nangingibabaw ng kakayahang sosyal sa kani-kanilang pagkatao.
Ito rin ay makapagbibigay ng tulong sa mga guro dahil sa pamamagitan nito magkakaroon sila ng ideya kung ano ang gagamiting estratehiya sa pagtuturo sa kanilang mga estudyante.
Maliban sa guro at sa mga estudyante, ang pag-aaral na ito ay makakapagbigay din ng tulong sa mga magulang. Sa tulong nito, mas malalaman nila ang pag-uugali ng kanilang mga anak at makakapagbigay ng mas higit pang kaintindihan sa mga ito. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, magagabayan din ng mga magulang ang kanilang mga anak upang mapaunlad ang kanilang kalakasan at kahinaan.
4. Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa epekto ng Intrapersonal at Interpersonal skills sa kung anong larangan nakakaangat ang mga estudyante ng Holy Angel University (HAU) sa taong 2013.
Nilimitahan ito sa mga mag-aaral ng kursong AB Communication at BS Education ng College of Arts, Sciences and Education lamang at hindi sa iba pang departamento o college department ng HAU.
5. Depinisyon ng Terminolohiya
Ang mga sumusunod na terminolohiya na makailang binanggit ng mga mananaliksik sa kanilang pag-aaral ay binigyang-kahulugan para sa pang-unawa ng mga mambabasa: * Introvert. Mga uri ng taong gustong mapag-isa at nais lumayo sa matataong lugar. * Extrovert. Mga uri ng taong gustong makihalubilo sa mga tao. Mga taong sanay sa lugar na matao. * Interpersonal. Uri ng komunikasyon o relasyon sa pagitan ng iba’t ibang tao. Tumutukoy ito sa pakikisalamuha at pakikibagay ng isang tao sa kanyang kapwa. * Intrapersonal. Uri ng komunikasyon na pansarili lamang. Umiikot lamang sa iisang tao at wala ng ibang kasangkot. * Academic Performance. Ito ay tumutukoy sa performans ng isang estudyante sa kanyang mga aralin. Dito sinusukat ang talino ng isang estudyante sa bawat asignatura.
Kabanata II
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Tinatalakay sa kabanata ng pagaaral na ito ang mga teorya, literatura, at mga artikulo na mula sa mga libro at internet na kaugnay sa paksang napili ng mga mananaliksik. Tinatalakay din ang mga kaugnay na pag-aaral o tisis at ang mas malawak na pagpapakahulugan at pagtalakay sa pag-aaral.
1. Kaugnay na Pag-aaral
In a study that was done by Lee (2005), according to Barrett and Connot (1986), introverted students are least involved in school activities and have lower academic achievement.
Extroverts are fluent in speech and introverts are better in writing. Busch found that there is a significant negative relationship between extroversion and pronunciation. Even in subcomponents such as grammar and reading, introverts outperformed extroverts (Durosaro, NA).
Better verbal processing of extroverts compared with introverts (Matthews and Deary, 1998). Odeleye (1985), went further to say that extroverts significantly choose more person-oriented activities than introverts while introverts choose more task-oriented activities than extroverts (Durosaro, NA). The higher a student scores on the introversion - extroversion continuum scale, the lower his score is likely to be in Mathematics but the level of relationship is so significant (Durosaro, NA).
Another study conducted by Kiany (NA), there is a clear contradiction between the predictions of psychologists and applied linguists regarding the relationship between extroversion and learning. Psychologists claim that extroversion is a disadvantage for learning on the ground that an extrovert has "less cortical arousal", is more easily "inhibited" and has a "limited long term memory". In contrast, many applied linguists predict that extroversion is an advantage for learning a second/foreign language on the assumption that an extrovert elicits more input and produces more output.”
Ayon sa mga nakalap na kaugnay na pag-aaral at literatura, ang mga introvert ay mahusay sa mga asignatura na ginagamitan ng pag-iisip na intelektwal katulad ng English, Matematika at Computer na hindi gaanong nangangailangan ng pakikihalubilo sa ibang tao. Sa kabilang banda, ang mga extroverts naman ay mahusay sa mga asignatura na nangangailangan ng pagharap sa maraming tao at pakikisalamuha sa iba’t ibang uri ng grupo at extra-curricular activities. 2. Kaugnay na Literatura
Introverted personality enjoys time alone for introspection. They enjoy their own company and doing things by themselves. This does not mean that introverts have no social skills, or dislike people. All it means is that they feel more energetic and productive in solitude. Introverts can be very sociable people, when the time calls for it, but may end up feeling the need to be alone afterwards.
Extroverts seem to think that introverts are shy, quiet and socially mal-adjusted. This perception could stem from the fact that extroverted people enjoy being around other people and seem more energized in social settings. Extroverts seem to do their best thinking while talking to others. They think out loud, more or less (Cramblett, 2012).
Ayon din kay Cramblett (2012), ang mga introverts ay nakakaangat sa larangan ng Arts at Computer. Mas mahusay ang mga introverts sa larangan ng business at accountancy, pati na rin sa Matematika. Maliban sa mga nasabi, sila rin ay magaling sa mga scientific lab work, mga kursong nangangailangan ng buong atensyon at mga gawain na pinagpaplanuhan ng maigi.
Kabanata III
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
1. Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik sa deskriptib-analitik na pamamaraan ng pananaliksik. Ninanais ilarawan at suriin ng nasabing pag-aaral ang mga personalidad o social skills ng mga respondente mula sa mga piling mag-aaral sa College of Arts, Sciences and Education (AB Communication at BS Education) at malaman kung anong asignatura o larangan sila nakakaangat. 2. Respondente
Ang mga napiling respondente ng mga mananaliksik ay ang mga piling mag-aaral sa CASED (AB Comm at BS Educ) sa Holy Angel University. Angkop ang mga nasabing estudyante dahil taglay nila ang iba’t ibang personalidad o social skills na magagamit ng mga mananaliksik sa kanilang pag-aaral. 3. Instrumentong Pampananaliksik
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga pagsusulit o kwestyoneyr upang masukat ang personalidad ng mga mag-aaral sa departamento ng CASEd. Bilang parte ng pagsusulit, naghanap at pumili ng mga angkop na tanong ang mga mananaliksik sa mga librong may kaugnayan sa paksa ng pag-aaral.
4. Tritment ng Datos
Gagamit ng paraang simpleng istatistiks ang mga mananaliksik pagkatapos mai-tally ang mga sagot ng mga respondente. Napili ng mga mananaliksik na gumamit ng mga grapiko o talahanayan upang ma-interpret at mas lalong maintindihan ang resulta ng pag-aaral.
Kabanata IV
Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
Grap 1
Apatnapu’t tatlong porsyento (43%) sa mga respondente ay extrovert, apatnapu’t pitong porsyento (47%) ang balanced habang ang natitirang sampung porsyento (10%) ay introvert. Ayon sa mga nakalap na datos, makikita sa grap ang Social Skills ng mga respondenteng CASEd.
Ibig sabihin, sa tatlumpung (30) respondente, tatlo (3) ang introvert, labing tatlo (13) ang extrovert at labing apat (14) ang extrovert. Ayon sa mga nakalap na datos, makikita sa grap ang Social Skills ng mga respondente ng CASED. Makikitang pinakamalaki ang bahagdan ng mga estudyanteng mayroong balanseng social skills, kumakalawa ang extrovert at ang pinakakaunti ay ang mga introvert.
Grap 2
Ayon sa grap, ang kabuuang iskor ng mga respondenteng mula sa CASEd na introvert ay mataas sa larangan ng English (6.67) at Sports (1.3). Ang mga extrovert ay nakakaangat sa larangan ng Speech (1.92), Extra Curricular activities (1.83) at Performance (2).
At huli, ang mga balanced ay nakakaangat sa Math (7.86).
Grap 3
Tatlumpu’t anim na porsyento (36%) ang nakuha ng mga extrovert sa asignaturang Math, tatlumpung porsyento (30%) sa asignaturang English, sampung porsyento (10%) sa larangang Performance o pagtatanghal, siyam na porsyento (9%) sa Speech at Extra-curricular at anim na porsyento( 6%) ang sa Sports. Ayon sa grap, makikitang ang karamihan sa mga extrovert ay nakakaangat sa asignaturang Math, sinundan ng asignaturang English. Sumunod ang mga larangang Performance o pagtatanghal, Speech, Extra-Curricular activities at huli naman ang Sports.
Grap 4
Apatnapung porsyento (40%) ang nakuha ng mga respondenteng may balanseng personalidad sa Math, dalawampu’t siyam na porsyento (29%) sa asignaturang English, siyam na porsyento (9%) sa larangang Speech o paglalahad sa harap ng klase, (8%) sa Performance at Extra-Curricular activities, at ang anim na porsyento (6%) sa larangang Sports.
Ayon sa mga nakalap na impormasyon, sa lahat ng mga asignatura at larangan, Math ang pinakanakakaangat sa mga estudyanteng balanse ang Social Skills.Sinundan ng asignaturang English. Mapapansin na ang dalawang nanguna sa grap ay parehong akademiks.
Grap 5
Ayon sa grap, ang mga introvert ay nakakuha ng mataas sa asignaturang Math (39%), sumunod dito ang English (34%). Ang nakuha naman nila sa Sports ay sampung porsiyento (10%). Ang kanilang Extra-Curricular activities ay walong porsiyento (8%). Ang kanilang Performance ay sumukat ng pitong porsiyento (7%). At ang pinakamababang nakuha nila ay ang Speech (2%).
Kabanata V
Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon 1. Lagom
Ang pinakapangunahing layunin ng mga mananaliksik sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito ay upang malaman kung saang larangan nakakaangat ang mga estudyanteng introvert o extrovert sa CASED sa Unibersidad ng Holy Angel. Deskriptib-Analitik ang pamamaraan na ginamit sa pananaliksik na ito. Nangalap ng mga tanong ang mga mananaliksik sa isang libro na sinulat ng isang dalubhasa sa larangan na ito upang makagawa ng kwestyoneyr na ginamit upang makapag-sarbey sa mga respondente. Ito’y isinagawa sa taong-akademiko 2012-2013.
Sa kabuuan, sa tatlongpung (30) respondente, ang nakakaangat na personalidad ay balanced. Ang tatlong grupo na mag-aaral (Introvert, Extrovert at Balanced) na nasa ilalim ng departamentong CASEd, ay pare-parehong nakakaangat sa Math at English.
2. Kongklusyon Ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon na nagmula sa mga nakalap na datos: 1. Mas mataas marahil ang performans ng mga introvert at balanced sa larangan ng akademiks kaysa sa mga aktibidad na nanghihingi ng partisipasiyon ng ibang tao. 2. Ang mga extrovert naman ay nakakaangat sa larangan na nangangailangan ng pakikisalamuha sa ibang tao. 3. Mataas ang mga extrovert sa Speech at paglalahad sa harap ng klase dahil mataas ang kanilang self-confidence. Mataas din ang nasabing grupo sa Extra-Curricular activities dahil hindi sila nahihirapang makisama sa iba't ibang klase ng tao. 4. Nakakaangat ang grupo ng mga respondenteng balanse ang social skills sa departamento ng CASEd. 5. Sa kabuuan, mas mataas ang performans ng mga introvert sa larangan ng akademiks, nakakaangat sa mga social activities ang mga extrovert. At huli, ang mga estudyanteng balanced ay nasa pagitan ng dalawa. 3. Rekomendasyon 1. Para sa mga estudyanteng introvert, mas maigi kung bibigyan ng pansin hindi lamang ang mga pang-akademikong larangan kundi balansihin ang oras para rin sa mga aktibidad na makakapagpaunlad ng pakikisama tungo sa ibang tao. 2. Para sa mga estudyanteng extrovert, bigyan rin ng sapat at pantay na atensyon ang Extra Curricular activities at akademiks. 3. Importante rin sa mga estudyante na alamin ang kanilang social skills upang makilala ng mas maigi ang sarili at malaman din ang mga kalakasan at kahinaan. 4. Para sa mga magulang, alamin ang nangingibabaw na social skill sa anak habang bata pa lamang upang mapaunlad ng mas maaga ang kahinaan at kalakasan. 5. Para sa mga guro, magbigay ng pantay na aktibidad na parehong makapagpapaangat sa kagalingan at kalakasan ng mga introvert at extrovert. Marapat din na magbigay ng mga aktibidad na maghahasa sa kalakasan ng bawat isa. 6. Para sa mga susunod na mananaliksik na magsasagawa ng katulad na pag-aaral, maghanap ng pantay-pantay na respondente sa bawat social skills upang mas maiging pag-aralan ang pagkakaiba ng bawat isa. Marapat din na kumuha ng mas maraming respondente upang maging mas akyureyt ang mga datos at impormasyon na makakalap.
Ang Listahan ng mga Sanggunian
Lee, P. 2005.Students' Personality Type and Attitudes. www.catesol.org/Lee1.pdf Crambett, T. 2012. Careers that are good for introverts. http://www.helium.com/items/2341482-best-careers-for-introverts Durosaro, I.A. 1993. Relationship between Introversion –Extroversion and Academic achievement among Secondary school Students in Oyo state. http://www.irenedurosaro.com.ng/publications.htm Pazouki, M. & Rastegar, Mina.(Eds.). 2009. Extraversion-Introversion, Shyness, and EFL Proficiency. http://psychresearch.ir/en/component/content/article/217-extraversion-introversion-shyness-and-efl-proficiency-.html Kiany, G. R. English Proficiency & Academic Achievement in Relation to ExtraversionIntroversion: A Preliminary Study. http://www.essex.ac.uk/linguistics/publications/egspll/volume_1/pdf/REZAIKIANY.pdf Panuto: Lagyan ng tsek () ang kahon na naaayon sa iyong sarili.
1. Nasaktan ka na ba sa paglalaro ng mga delikadong isports? 2. Nais mo bang mag-direk ng isang dula? 3. Gusto mo bang maging isang piloto? 4. Kung ika’y nasa kulungan at nabigyan ng pagkakataong magaral, tatanggapin mo ba? 5. Nagreklamo ka na ba sa tagapamahala ng isang tindahan o stall sa isang mall? 6. Nais mo bang makibahagi sa isang welga o rally? 7. Nais mo bang mamuno sa paggawa ng float sa isang patimpalak? 8. Marami ka bang kaibigan?
Oo Hindi Hindi ko alam
9. Gusto mo bang pumasok sa panggabing klase/ night class? 10. Sikat ka ba sa iyong klase o paaralan? 11. Nanaisin mo bang magtrabaho sa finance sa isang malaking siyudad? 12. Gusto mo bang pumasok sa politika? 13. Magaling ka bang tagapagsalita o public speaker? 14. Nais mo bang maging isang doktor? 15. Isa ka bang masiglang tao? 16. Mas nais mo ba yung mga aktibidad na indibidwal kumpara sa aktibidad na pang-grupo? 17. Kumportable ka bang magsalita sa harap ng iyong klase?
18. Mas gusto mo ba yung mga aktibidad sa labas ng silid-aralan? 19. Sports-minded ka bang tao? 20. Kumportable ka bang nagtatanghal sa harap ng ibang tao?
Mula sa Psychometric Resting, 2001. Carter & Russell
WORD MEANING TEST
This test measures your ability to distinguish between words that are frequently confused or misused in correspondence and conversation. In each question you are provided with two definitions and two words. You must place each word alongside its correct definition. 1. Impartial, unbiased __________
Lacking interest __________
Disinterested, uninterested 2. How much? __________
How many? __________
Amount, number 3. Every two years __________
Twice a year __________
Bi-annual, biennial 4. Stated in detail __________
Implied but not __________ expressed Explicit, implicit
5. Smaller in amount __________
Smaller in number __________
Less, fewer
GRAMMAR AND COMPREHENSION
This is a selection questions designed to measure language use or comprehension, and your ability to adapt to different types of questions, including several involving the use of grammar and punctuation. 1. As a craftsman he was extremely _____ a creating artistic designs of metalwork and he was able to ____ his son’s suggestion to _____ several of these creations, which enables them to be put to better use.
Adopt, adapt, adept
2. The ____ had a ____ to remain ____ as the train left the platform. a. Superintendant, tendency, stationary b. Superintendent,tendancy, stationary c. Superintendant, tendency, stationery d. Superintendent, tendency, stationary
3. Which of the following sentences is grammatically correct? a. Although it’s true that the football team’s fame has spread far and wide, it’s performance has been a great disappointment to the manager throughout the current season. b. Although it’s true that the football team’s fame has spread far and wide, its performance has been a great disappointment to the manager throughout the current season. c. Although its true that the football teams’ fame has spread far and wide, it’s performance has been a great disappointment to the manager throughout the current season. d. Although it’s true that the football teams’ fame has spread far and wide, it’s performance has been a great disappointment to the manager throughout the current season.
4. “I agree in ____ that it is ____ acceptable for pupils to remove their jackets during classes in very hot weather”, said the school ____, “but they must remain ____ at all times.” a. Principal, quite, principle, quiet b. Principle, quite, principal, quiet c. Principal, quiet, principle, quite d. Principle, quiet, principal, quite
5. Which of the following sentences is grammatically correct? a. The sisters’-in-law of the bride’s cousins made their way into the church b. The sisters-in-law of the bride’s cousins made thereway into the church c. The sister’s-in-law of the bride’s cousins made there way into the church d. The sisters-in-law of the brides’ cousins made their way into the church e. The sister’s-in-law of the bride’s cousins made their way into the church
MENTAL ARITHMETHIC
The following is a mental arithmetic speed test questions, which gradually increase in difficulty as the test progress. The use of calculator is not permitted in this test. 1. What is 267 divided by 3?
2. What is 19 multiplied by 11?
3. What is 80% of 160?
4. Divide 42 by 7 and add 13
5. What is 5/6 of 360?
6. Divide 28 by 7 and add it to 15 multiplied by 5
7. Add 28 + 27 + 39 + 18 + 36
8. Add 963 to 471
9. Multiply 49 by 11 10. What is 595 divided by 7?
From: Carter (IQ and Aptitude Tests, 2007)
Mga Mananaliksik
Pangalan: Annelyse Camille C. Andal
Tirahan: #27 G Del Pilar St. Pilar Village, City of San Fernando, Pampanga
Kaarawan: June 20 1995
Edad: 17 taon
Paboritong Kasabihan: Ang taong masipag, kapag lumaki, pagod.
Hilig: Magkape, magsulat, magsulat ng madami.
Magkulong sa kwarto at magbasa ng mga libro.
Pangalan: Richmond Andre S. Buco
Tirahan: 261 Panday Pira St. Lourdes Sur, Angeles City
Kaarawan: November 30, 1994
Edad: 18 taon
Paboritong Kasabihan: Fall down seven times, stand up eight times.
Hilig: Piano
Pangalan: Gian Lynard G. Carrera
Tirahan: Sindalan, San Fernando Pampanga
Kaarawan: January 10, 1996
Edad: 17 taon
Paboritong Kasabihan: Keep your friend close, and you enemies closer.
Hilig: read stories, speeches and memorize poetry, go to the theater, play chess, tell jokes and hear new humorous stories from friends.
Pangalan: Victoria Mae B. Gigante
Tirahan: Blk. 139 Lot 4, Bulaon Resettlement City of SanFernando, Pampanga
Kaarawan: February 22, 1996
Edad: 17 taon
Paboritong Kasabihan: Mada mada dane
Hilig: Pagbabasa, Panonood ng Pelikula at mga Korean Drama
Pangalan: Aeren Earl Guevarra
Tirahan: Maimpis, San Fernando, Pampanga
Kaarawan: December 21, 1995
Edad: 17 taon
Paboritong Kasabihan: Life never forgives weakness
Hilig: Tumugtog ng keyboard
Pangalan: Yrvyn U. Manalastas
Tirahan: Purok 2, Sta. Lucia, City of San Fernando, Pampanga
Kaarawan: May 12, 1996
Edad: 16 taon
Paboritong Kasabihan: Expect the unexpected
Hilig: Panonood ng movies
Pangalan: Rikka Mae P. Tanglao
Tirahan: 3247 Katangian St. Duquit, Mabalacat, Pampanga
Kaarawan: May 24, 1996
Edad: 16 taon
Paboritong Kasabihan: Everything happens for a reason
Hilig: Pagbabasa, Internet at paglabas kasama ang mga kaibigan.