Impluwensya ng Makabagong Gadget sa Academic Performance ng Mag-aaral ng Bachelor of Science in Industrial Engineering sa Paaralan ng Polytechnic
University of the Philippines Santa Rosa Campus
Taong Pampaaralan 2014-2015
KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG NITO Panimula Ngayon tayo ay na sa ika-21 siglo na ng panahon, marami na ang nagbabago gaya ng ating pamumuhay, mas madali na ang mga gawain dahil sa makabagong teknolohiya. Ang transportasyon, komunikasyon at pag-aaral ay hindi na mahirap ngayon dahil sa mga ito. Isa sa mga bagong teknolohiya na kinahuhumalingan ng mga mag-aaral ay ang gadget, isang bagay na ginagamit ng halos lahat ng tao sa mundo. Ang teknolohiya na ito ay kadalasang ginagamit sa komunikasyon, sa pagkalap ng mga impormasyon at sa pagbibigay aliw. Maraming nagsasabi na isa ito sa mahalagang imbensyon sa kasaysayan. Ayon naman kay D. Chandler (1996) ang teknolohiya ay may malaking impluwensya sa sosyalidad dahil sa mga bago at kapakipakinabang na naidudulot nito sa sangkatauhan. Sinasabi naman ni M. Underwood (2009) na ang teknolohiya ay isang kasangkapan sa pakikipag komunikasyon. Napapadali at napapabilis nito ang pag sagap ng mga balita. Sa kasalukuyang panahon, patuloy pa rin ang pag-imbento ng mga makabagong teknolohiya. Halos sa lahat ng pagkilos ng mga tao ay may teknolohiyang kasama. Isa na dito ang gadget. Nakapaloob sa kategorya ng gadget ang cellphone, laptop, computer at tablet.
Ang Cellphone ay isang uri ng gadget na kung saan ay mabisang paraan sa pakikipag komunikasyon saan ka man naroroon. Ito ay gawa sa light materials kung kayat madaling dalhin kahit saan ka man pumunta, pwedeng ilagay sa bag o kaya naman ay sa bulsa. Dito sa ating bansa ay maraming “Telecommunication Company” may kanya kanyang ini-endorsong cellphone, stratehiya sa paggamit sa pinakamadaling at abot kayang halaga. Ang teknolohiya natin sa ngayon ay madaming nagbabago, ang mga dating bago ay agad na nagiging luma at ang bago ay agad na nagiging mahal. Kahit na mahal ang presyo nito ay patuloy pa ring tinatangkilik ng marami sa atin. Hindi alintana ang positibo at negatibong impluwensya nito.
Ayon naman kay Isabalita T. Manayan, sa paglakad ng panahon ay nagkaroon na tayo ng tinatawag na “globalisasyon”, at patuloy na umaangat at umuunlad ang ating teknolohiya. At sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya ay masasabing nakasasabay na tayo sa kaunlaran at makabagong teknolohiya ng mauunlad na bansa.
Sa kasalukuyang panahon ay sinasabing computer age na tayo dahil lahat ng larangan ay halos computer na ang ginagamit. Sa mga opisinang gobyerno, pribadong opisina, sa mga eskwelahan at maging sa pamamahay man ay gumagamit na ng computer sa kanilang pakikipag-transaksyon. Kung walang personal computer ay may mga makabagong cellphone na nagsisilbing gamit sa iba't ibang uri ng pakikipag-transaksyon. Sinasabi pa nga sa mga datos na ang Pilipinas ang siyang “cellphone capital of the world”, dahil ultimong mahihirap na pamilyang Pilipino ay nakagagamit na ng cellphone.
Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito.
Bago pa man ipatupad ng mga kinauukulan o ng gobyerno ang pag-unlad ng teknolohiya ay binubusisi at pinag-aaralan munang mabuti kung ito ba ay makatutulong o hindi. Kanilang hihimayin ang mga positibo at negatibong dulot nito at kung nakalalamang ang positibo ay kanilang aaprubahan at ipatutupad nang naaayon sa umiiral na batas ng ating bansa, partikular sa edukasyon. Malaking tulong sa mga guro at mag-aaral ang makabagong teknolohiya basta huwag lang aabusuhin at laging pairalin ang disiplina sa sarili. Gamitin ang makabagong teknolohiya sa tamang paraan na magiging gabay sa pagpapaunlad ng kaisipan na makatutulong ng malaki sa pag-aaral at pagtuturo. Lagi ring tatandaan na ang lahat ang sobra ay nakasasama at nagsisilbing lason na siyang nagiging hadlang sa pagtupad sa mithiing makapagtapos ng pag-aaral ng isang mag-aaral.
Ngunit, ang imbensyon na ito ba ay kapaki-pakinabang sa lahat? Ano nga ba ang impluwensya ng gadget sa pag-aaral ng mga mag-aaral? Totoo kayang may epekto ang paggamit ng Gadget sa academic performance ng mga estudyante? Anu-ano ang mga salik na maaring makaimpluwensya sa kanilang mga marka? Malaki ba ang naitutulong nito sa pag-aaral ng mga kabataan? O magiging sagabal upang maabot nila ang kanilang pangarap.
Kaligirang Kasaysayan Marami ang magandang naidudulot ng makabagong teknolohiya sa ating buhay. Isang halimbawa nito ang mga makabagong gadget/s na tumutulong sa mga mag-aaral sa kanilang mga aralin at napapadali nito ang iba't-ibang proseso na kailangan nila. Ngunit paano kung mali na lamang ang paggamit sa mga makabagong gadget ng mga kabataan ngayon?
Sa panahon natin ngayon, lumalagpas na sa limitasyon ang paggamit ng mga mag-aaral sa mga bagay na ito. Sa pagbuo ng pananaliksik na ito ay napansin namin ang kawalang disiplina ng mga kabataan sa paggamit sa makabagong teknolohiya. Napansin din namin ang pagiging iresponsable ng mga estudyante sa paggamit nito sa loob ng paaralan. Ito ang nagiging sanhi ng pagkawala nag atensyon ng mga estudyante sa mahahalagang aktibidad ng paaralan, pagkawala ng konsentrasyon sa mga talakayin at pagkawala ng pokus sa pag-aaral.
Layunin ng pag-aaral na ito na ipaalam ang impluwensya ng makabagong gadget sa academic performance ng mga estudyante. Nais din ng aming pananaliksik na ilahad ang naidudulot ng makabagong gadget sa pagbibigay importansya at atensyon ng mga mag-aaral sa pag-aaral.
Balangkas Teoretikal
Ang pag-aaral ukol sa makabagong teknolohiya ay may malaking bahagi sa mga tao lalo na sa mga mag-aaral. Napakarami ng masasama at mabubuting impluwensya ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral ng isang kabataan, maaari nitong mapabilis ang paggawa ng asignatura o kaya naman ay makapaghanap ng mga impormasyon na makakatulong sa pagpapalawak ng kaisipan ng isang mag-aaral. Ilan lamang iyan sa mga mabubuting impluwensya ng makabagong gadget sa atin.
Ang pag-aaral na ito ay upang makatulong sa mga mag-aaral ng kursong Industrial Engineering. Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang paghambingin ang mabubuti at masasamang impluwensya ng paggamit ng makabagong gadget sa kanilang pag-aaral.
Balangkas Konseptwal
DI-MALAYANG BARYABOL
MALAYANG BARYABOL
1. Propayl - edad - kasarian - dami ng gadgets - buwanang kita ng magulang 2. Gadgets - cell phones - laptop/computer - Ipod/mp3 players
3. Academic Performance
Impluwensya ng makabagong gadget sa Academic Performance ng mag-aaral ng Bachelor of Science in Industrial Engineering ng Polytechnic University of the Philippines Santa Rosa Campus Taong Pampaaralan 2014-2015
Pigyur : Ipinakikita ang Malaya at Di-malayang Baryabol
Paglalahad ng Suliranin Maraming nagagawa ang teknolohiya, isa na rito ang mas pinabilis na pagtatapos ng gawain ng mga tao sa pang-araw-araw. Kung noon ay isa lamang itong luho, ngayon, malaki na ang tungkulin nito sa mga tao. Sa modernong panahon ngayon, makikita na ang laganap na paggamit ng teknolohiya sa buong mundo. Isa na ang Pilipinas sa mga gumagamit ng teknolohiya na kung saan unti-unti ng nababago nito ang mga ugali ng Pilipino. Marami na kasing umaasa na lamang sa nabibigay na tulong o impormasyon ng teknolohiya sa kanila. Ang pananalksik na ito ay isinagawa upang magkaroon ng ideya at para narin malaman natin ang impluwensya ng makabagong gadget sa Academic Performance ng mag-aaral ng Bachelor of Science in Industrial Engineering sa paaralaan ng Polytechnic University of the Philippines Santa Rosa Campus. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang masagot ang mag sumusunod na katanungan:
1. Anu-ano ang mga katangian ng mga respondante batay sa: 1.1 edad 1.2 kasarian 1.3 dami ng gadgets 1.4 buwanang kita ng magulang 2. Anu-ano ang mga mabubuti at masasamang impluwensya ng makabagong gadget para sa mga mag-aaral? 3. Nahahati ba ang atensyon ng estudyante kapag gumagamit ng gadget? 4. Nagiging sanhi ba ang makabagong gadget sa pagkasira ng ng pokus ng mga estudyante habang nag-aral? 5. Mas nagiging interesado nga ba ang mga estudyante kapag may makabagong gadget na ginagamit sa pagtuturo? 6. Mahuhuli nga ba sa aralin ang mga estudyante kung wala siyang gadget? 7. May malaking impluwensya ba ang makabagong gadget sa academic performance ng mag-aaral ng Bachelor of Science in Industrial Engineering sa paaralan ng Polytechnic University of the Philippines Santa Rosa Campus?
Hipotesis
Ho :Walang makabuluhang kaugnayan sa impluwensya ng makabagong gadget sa Academic Performance ng mga mag-aaral sa kursong Industrial Engineering. Ha : May makabuluhang kaugnayan sa impluwensya ng makabagong gadget sa Academic Performance ng mga mag-aaral sa kursong Industrial Engineering.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Maraming suliranin ang maaaring maidulot ng paggamit ng mga gadget. Maaaring maisip natin na sa kalusugan lang may suliraning maidudulot ang sobra at maling paggamit nito. Lingid sa kaalaman ng nakakarami, nakakaapekto rin ang mga gadget sa pag-aaral.
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ng mga mananliksik upang malaman ang mabuti at masamang impluwensya ng makabagong gadget sa mga mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines sa kursong Bachelor of Science in Industrial Engineering at palawakin ang kanilang kaisipan ukol paksa. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, maaaring makahanap ng mabisang paraan ang mga mag-aaral kung paano nila maiiwasan ang masamang impluwensya ng makabagong gadget sa kanilang pag-aaral. Kabilang sa mga sumusunod ang maaring makinabang sa pag-aaral na ito:
Sa mga mag-aaral ng kursong Industrial Engineering. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mabibigyan linaw at kaalaman ang mga mag-aaral ukol sa impluwensya ng makabagong gadget sa kanilang pag-aaral. Maari din nilang malaman ang masama o mabuting resulta sa patuloy na paggamit nito.
Sa mga Magulang. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mas mabibigyan ng oras ang mga magulang sa pagsubaybay sa kanilang mga anak na gumagamit ng gadget.
Sa mga Propesor. Bilang isa sa mga nakakasalamuha ng mga mag-aaral at magandang halimbawa sa kanila, maaaring makaimpluwensya ang kanilang paraan ng paggamit ng mga gadget sa mga mag-aaral.
Sa mga Kabataan. Malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito sa mga kabataan lalo na ngayon, na maraming gumagamit ng makabagong teknolohiya. Malalaman nila ang maaaring maidulot nito sa kanilang pag-aaral.
Sa mga mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay maaaring makapag bigay ng kaalaman ukol sa impluwensya ng gadget sa mga mag-aaral partikular na sa mga estudyante ng kursong Industrial Engineering.
Bukod sa pagbibigay pakinabang sa ibang tao, naipakita rin ng pag-aaral na ito kung paano tayo naiimpluwensyahan ng gadget.
Ang pag-aaral o pananaliksik ukol sa paksang ito ay nagtataglay ng malaking kahalagahan at impormasyon sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Bagamat limitado ang mga impormasyon na nakalap sa mga mag-aaral, ito ay naaangkop pa rin sa paksang tinatalakay ng mananaliksik.
Dapat ay maging disiplinado sa paggamit ng gadget at ilagay sa lugar ang paggamit. Walang mali sa paggamit ng gadget kung magiging responsable lang tayo.
Saklaw at LImitasyon Ang sakop ng pag-aaral na ito ay para magbigay ng sapat na kaalaman ukol sa impluwensya ng makabagong gadget sa mga mag-aaral at ang mga kapakinabangan nito sa kurso na Industrial Engineering. Nakapaloob din sa pag-aaral na ito ang depinisyon at kahalagahan ng makabagong gadget sa panahon natin ngayon. Tatalakayin ng pananalisik ang impluwensya sa marka at academic performance mga mag-aaral. At higit sa lahat, ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga susunod na mag-aaral ng paksang ito.
Sa pangangalap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng mga talatanungan, kinakailangan ang partisipayon ng mga mag-aaral sa kursong Industrial Engineering mula sa una hanggang ika-limang baitang. Ang mga mananaliksik ay kakausap din ng ilang mga propesor ukol sa nasabing paksa.
Hindi kasama sa pag-aaral na ito ang ibang kursong may kinalaman sa Engineering dahil mas pagtutuunan ng pansin ay ang nasabing kurso sa pag-aaral.
Katuturan o Kahulugan ng Salitang Ginamit
Academic Performance. Ito ay ang kakayahan ng isang mag-aaral sa kanyang mga akademikong aralin.
Cellphone. Isa itong uri ng makabagong teknolohiya na kadalasang ginagamit sa pakikipag komunikasyon at pagbibigay-aliw sa mga nagamit nito
Computer Age. Ito ay ang panahon kung saan lumalaganap na ngayon ang iba't-ibang makabagong teknolohiya.
Gadget. Isang makabagong teknolohiya na ginagamit sa pakikipag komunikasyon.
Industrial Engineering. Isang kurso na tumatalakay na gawing mas mainam ang mga bagay-bagay.
Pananaliksik. Ito ay ginagawa ng mga mananaliksik upang mapatunayan ang ginagawang pag-aaral.
Telecommunication company. Isa itong uri ng kumpanya kung saan sila ay nagbibigay serbisyo sa mga nagamit ng kanilang produkto tulad ng cellphone.
Teknolohiya. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Ang kabanatang ito ay napapalooban ng ilang patunay na mga salitang direktang sinabi ng isang tao o parte ng isang artikulo na nagmula sa mga literatura at pag-aaral upang mas lalo pang pagtibayin ang nilalaman ng pananaliksik. Ang mga ito ay kapwa banyaga at lokal na literatura at pag-aaral na maaari pang magpaliwanag ng posibleng mabubuti at masasamang impluwensya ng makabagong teknolohiya partikular na sa gadget sa iba’t-ibang aspeto ng buhay ng isang mag-aaral.
Mga Kaugnay Na Literatura
Ang pag-unlad ng komunidad ngayon ay mabilis dahil sa makabagong teknolohiya. Ayon kay Henry Thoreau (d.1862) sinasabi niya na ang patuloy na paglawak ng teknolohiya ay walang katapusan.
Ayon kay D. Chandler (2000) ang teknolohiya ay may positibo at negatibong epekto sa sosyalidad. Sinasabi niya na ang pakikipag komunikasyon gamit ang teknolohiya ay isa sa makabagong paraan upang mapadali ang ugnayan ng bawat isa. Ngunit, ito ay nakakapagpababa din sa kakayahan ng isang katauhan upang malinang ang kanyang personal na pakikipag komunikasyon sa kapwa.
Isa sa malapit kay D. Chandler (2000), B. Winston (1998) kanyang inalisa sa kanyang artikulo na "How are Media Born and Developed" ang mga mabubuti at masasama na naidudulot ng makabagong teknolohiya. Naniniwala siya sa determinasyon ng teknolohiya tungo sa pag-unlad ng ating mundo. Ngayon tayo ay nasa ika-21 siglo marami na ang nababago sa pamamaraan ng ating pamumuhay gayun na din sa ating mga pribadong buhay.
Ang patuloy na pag-unlad ng makabagong teknolohiya ay may pakinabang para sa mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral. Malaki ang naidudulot nito para sa pagpapadali ng pag-aaral at maging isang epektibong mamamayan ang mga estudyante ayon na rin kay M. Underwood (2009)
Posible nga ba para sa isang kabataan at mag-aaral ang buhay na walang internet, moblie phones(para sa pakikipag text), at iba pang makabagong teknolohiya? Ang kabataan at mag-aaral sa panahon ngayon ay may bagong uri ng pamumuhay gamit ang makabagong teknolohiya. Ang bagong henerasyon ngayon ay gusto ng pagbabago, gaya ng pagbabago sa paraan ng pamumuhay nila sa panahon ngayon, mas gusto nila ang madali at komportable na walang anumang iniisip na problema. Para sa kanila ang pinaka magandang pagbabago ngayon ay ang makabagong teknolohiya. ( S. Kumar, S. Raghav, 2007 )
Mga Kaugnay na Pag-aaral
Sa pag-aaral ni Samantha Wilson, sa kanyang artikulo na "The Influence of Technology on Collge Students" sinasabi niya na ang kailangan ng tao sa paggamit ng teknolohiya ay ang disiplina. Ang bawat henerasyon ay may ibat-ibang disiplina batay narin sa kanilang kinagisnan na komunidad. Coomes (2004) ay nagsabi na "Ang kasaysayan at kultura ay may malaking bahagi sa pagbuo ng paniniwala at kaugalian ng isang katauhan." Sa paglipas ng panahon, nagiging iba na ang pag-uugali ng tao kaysa noon na wala pang impluwensya ng teknolohiya. Coomes and Debard (2004), Howe and Strauss (2003) sinasabi nila na ang disiplina ng tao ay ang pinaghalong environmental factor at social factor kagaya ng impluwensya ng pamilya, ng media, ng relihiyon, ng mga kaibigan, ng pag-aaral at ng politika. Ang disiplina ay mahalaga para sa mga mag-aaral lalo na sa mga kolehiyo kung paano sila makitungo sa kaniliang kapaligiran.
Ngayon, ang mga mag-aaral ng kolehiyo ay mayroon ng makabagong teknolohiya gaya ng cellphones, Ipod, MP3 players, at online social networks gaya ng facebook, twitter, instagram. Ang mga napapanood naman nila sa telebisyon at mga laro sa kompyuter ay maaaring makapag pabago sa uri ng kanilang pag-iisip. Ang mga ito ay may malaking impluwensya sa academic performance nila sa loob ng klase. (Strauss, Howe and Markiewicz, 2006).
Ayon sa pag-aaral ni Sadler (2007), kadalasan maririnig natin sa mga mag-aaralngayon na sinasabi kung gaano sila nagpuyat sa paggawa ng mga aralin at kung gaano sila kaaga gumising para pumasok. Sinasabi nila ito upang maipagmalaki sa iba kung ano ang kanilang nagawa. Ang mga mag-aaral ngayon ay kayang pagsabayin ang pagtetext at pag-aaral, iba na talaga ang mga kaugalian ng mga estudyante ngayon. Wala na silang sapat na disiplina sa paggamit ng kanilang oras at kung paano ito mawawaldas ng may katuturan.
Ayon naman kay Arend (2004), sinasabi niya na isa sa paniniwala ng mga estudyante na ang pag-aaral ay isang pag-aaksaya lamang ng kanilang oras, kung kaya't ang iba sa kanila ay mas pinipili nalang na gumamit ng makabagong teknolohiya at ubusin ang oras sa mga walang kwenta bagay.
Gemmill at Peterson (2006), sila ay nagtanong sa mga mag-aaral kung gaano kalaki ang nagagamit nilang oras para sa paggamit ng makabagong teknolohiya at kung malaki ba ang naidudulot nitong stress. Base sa kanilang nagawang pag-aaral, halos 25% na kanilang oras ay nagagamit sa teknolohiya at may malaking parte din ito sa stress na nararanasan ng mga estudyante.
Lloyd, Dean at Copper (2007) ay nagsagawa ng pag-aaral ukol sa parte ng media sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Napag alaman nila na mayroon itong malaking impluwensya sa pamamaraan ng pakikitungo ng mga mag-aaral sa kanilang kaibigan, kamag-aral, at guro.
Sinopsis
Kung susumahin, malaki ang papel ng makabagong teknolohiya sa makabagong panahon. Ito ay ang pangunahing kasangkapan sa isang epektibong pakikipagkomunikasyon upang madali ang pakikipag-ugnayan ng bawat isa. Malaki din ang pakinabang nito para sa mga kabataan at estudyante sa kolehiyo. Malaki ang naitutulong nito sa pagpapadali ng mga pag-aaral at para maging isang epektibong mamamayan. Ngunit kailangan ng disiplina sa paggamit nito. Madaming kabataan ang inaabuso ang paggamit nito at umaabot na sa sukdulan ng kanilang limitasyon. Maraming estudyante ang wala nang sapat na disiplina sa paggamit ng kanilang oras at kung paano ito mawawaldas ng may katuturan. Dahil sa kapabayaan at kawalan ng disiplina, ito ay nakakaapekto sa academic performance ng mga estudyante. Marami sa kanila ang napababayaan ang kanilang mga responsibilidad lalo na sa kanilang pag-aaral dahil sa pagkahumaling nila sa makabagong gadget/s na nauuso sa panahon ngayon. Ang pagkahumaling rin sa mga makabagong gadget/s ang nagigigng sanhi kung baket sila nakararanas ng tinatawag na stress na nakakaapekto sa kanilang konsentrasyon at pagbibigay ng kanilang pansin sa kanilang pag-aaral. Matapos maipahayag ang mga kaugnay na literatura at kaugnay na pag-aaral, makikita natin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng kasalukayang pag-aaral. Malaki ang naitutulong nito sa mga mananaliksik upang maging gabay sa nasabing pag-aaral. Ang mga nabanggit na pag-aaral at literatura ay may kaugnayan sa isa’t-isa. Ang nais nilang iparating ay ang lahat ng makabagong teknolohiya lalong lalo na ang gadget/s ay may malaking impluwensya sa lipunan lalo na sa mga mag-aaral.
KABANATA III
METODOLOHIYA SA PAG-AARAL Inilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at paglalarawan ng mga hakbang na isinakatuparan sa pagsusuri ng mga impluwensya ng makabagong gadget/s sa mag-aaral. Dito nakapaloob ang dahilan kung bakit iyon ang napili ng mga mananaliksik at kung bakit ito ang nararapat na gamitin. Nakalagay din dito ang mga kagamitan at teknik na ginamit ng mga mananaliksik upang mangalap ng impormasyon sa mga respondente.
Mga Pamamaraang Ginamit Upang maisakatuparan ng mga mananaliksik ang pangangalap ng impormasyon, ginamit sa pag-aaral na ito ang mga pamamaraan ng: deskriptibo, analitikal at komparatibo. Sa mga pamamaraang ito nailarawan, naihambing, nasuri at naipaliwanag ng mga mananaliksik ang mga impluwensya ng makabagong gadget sa kursong Industrial Engineering. Deskriptibo sa paraan kung saan inilarawan isa-isa ang mga detalye at inintindi itong mabuti upang pagkonektahin ang mga impormasyon at makakuha ng maayos na resulta sa pagsasaliksik. Analitikal sa paraan kung saan pinag-isipang mabuti ang mga detalye at impormasyon upang mabigyan ng kahulugan ang mga kasagutan na nakapaloob sa ating pananaliksik at magbalangkas ng isang magandang resulta tungkol sa suliranin ng pag-aaral base sa kanilang nalalaman. At Komparatibo sa paraan kung saan inihambing ng mga mananaliksik ang mga kabutihan at kasamaang impluwensya ng makabagong teknolohiya sa mag-aaral ng kursong Industrial Engineering para malaman kung ito ba ay kapaki-pakinabang sa kanilang pag-aaral.
Mga Teknik na Ginamit Upang malaman ang mabubuti at masasamang impluwensya ng makabagong gadget/s sa mag-aaral, ginamit sa pag-aaral na ito ang “purposive sampling”. Ito ang gagamitin sapagkat ang layunin ng mananaliksik ay makakalap ng impormasyon sa mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines sa kursong Industrial Engineering. Nagbigay ng sarbey na talatanungan ang mga mananaliksik sa mga piling respondente na nakapokus sa impluwensya ng makabagong gadget/s sa kanilang Academic Performance. Kumalap din ng mga impormasyon ang mananaliksik sa aklatan at internet.
Populasyon at Bilang Nito Ang respondante ng pananaliksik na ito ay ang mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines Santa Rosa Campus sa kursong Industrial Engineering. Ang mananaliksik ay gumamit ng 30 piling estudyante para sa pagsasagot ng survey.
Paraan ng Pagpili ng Kalahok Ang mga mananaliksik gumamit ng mga mag-aaral bilang respondente upang malaman ang imlpuwensya ng makabagong gadget/s sa Academic Performance sa kursong Industrial Engineering. Ang mananaliksik ay pumili ng 30 respondente base sa kurso na pokus ng pag-aaral na ito.
Deskripsyon ng Kalahok Ang respondente ng mga mananaliksik ay mga kolehiyong estudyante na 16 hanggang 21 taong gulang sa kursong Industrial Engineering. Lahat ng ito ay nag-aaral sa Polytechnic University of the Philippines Santa Rosa Campus. Ang mga nasabing respondente ay bahagi ng pananaliksik na ito ay dahil sa patuloy na lumalaganap ang makabagong gadget na nakaka impluwensya sa kanilang pag-aaral at karamihan sa kanila ay masasabi natin na gumagamit nito. Ang nabanggit na dahilan ay may malaking importansya sa pananaliksik na ito.
Instrumentong Gagamitin Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey kung saan gumamit ang mga mananaliksik ng sarbey na talatanungan (survey type questionnaire). Naghanda ang mga mananaliksik ng mga talatanungan upang mangalap ng mga ideya at opinyon ukol sa paksa ng pag-aaral. Sa itaas na bahagi ng talatanungan ay ang sulat ng paghingi ng permiso sa mga respondent. Ang sarbey na talatanungan ay binubuo ng dalawang kategorya: Una, ang tanong sa tungkol sa kanilang propayl. Napapaloob dito ang tungkol sa kanilang sarili, kung ano ang kanilang edad, kasarian, uri ng gadget na gamit at ang buwanang kita ng kanilang pamilya. Ikalawa, ang tanong ukol sa impluwensya ng gadget sa kanilang pag-aaral.
Nagsagawa rin ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng paggamit ng kompyuter para sa internet, cellphone para sa pagtatago ng mga impormasyon at mga aklat.
Paraan ng Pangangalap ng Datos Ginamit sa pananaliksik na ito ang mga sumusunod na paraan: Una, pipili ang mananaliksik ng mga respondente gamit ang ramdom sampling. Pangalawa, gagawa ang mananaliksik ng sarbey na talatanungan para maipamahagi sa mga napiling respondent. Pangatlo, hihingi ng permiso sa mga respondent kung maaari ba silang tanungin o hindi. Pang-apat, makikipanayam sa mga mananaliksik sa respondente gamit ang talatanungan. Pang lima, mag-iinterbyu ng ilang respondente para malaman ang ilang nilang nararanasan kapag gumagamit ng makabagong gadget. Ang mga makakalap na impormasyon ay aming itatala sa papel o irerecord sa cellphone habang sila ay nagsasalita. Pang-anim, lilikumin ang mga datos mula sa kanilang kasagutan at ito’y masusing pag-aaralan at aanalisahin. Ang mga talatanungan ay titipunin para sa pagpapatibay ng pag-aaral. Pampito, matapos suriin, ikukumpara ang mga resulta sa nakalap na mga impormasyon. At pangwalo, kukuhanin ang pinal na natuklasan mula sa mga nakalap na datos.
Uri ng Gagamiting Estatistika Ang mga mananaliksik ay gumamit ng statistical tool sa pagtitimbang at pagsukat ng mga data ang percentage technique sa pananaliksik na ito. Ang percentage technique ay ginagamit upang makita ang kinalabasan ng ginawang pagsusuri batay sa mga sagot ng mga respondent. Ginagamit din ito upang makuha ang kalahatang bahagdan ng bilang ng pare-parehong mga sagot sa isang particular na tanong. Ang gagamitin na pormula ay ang:
P=B/N x 100
Kung saan:
P= porsyento o bahagdan
B= kabuuang bilang ng tumugon
N= kabuuang bilang ng manunugon
KABANATA IV
PAGLALAHAD, PAGSUSURI, AT PAGPAPAHALAGA SA MGA DATOS Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng naging resulta ng mga pagsusuring isinagawa ng mananaliksik sa impluwensya ng makabagong gadget mula sa mga napiling respondente sa Polytechnic University of the Philippines Santa Rosa Campus.
Suliranin 1: Profayl ng mga tagasagot batay sa kanilang edad, kasarian, dami ng gadget at buwanang kita. Itinala ng mga mananaliksik ang nalikom na datos batay sa kanilang edad, kasarian, dami ng gadget, at buwanang kita. Ang mga ito ay inihayag at binahagdan upang maipaliwanag.
Talahanayan 1.1 Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa Kanilang Edad EDAD | PREKWENSI (f) | BAHAGDAN (%) | 15-17 | 11 | 36.67 | 18-20 | 19 | 63.33 | KABUUAN | 30 | 100 |
Ipinapakita sa talahanayan 1.1 ang prekwensi at pagbabahagi ng bahagdan ng mga tagasagot batay sa kanilang edad. Ang mga edad ng mga respondente na mag-aaral ay naangkop sa hangganan ng 15-20 taong gulang. Ang 15-17 taon ay nakakuha ng 11 o 36.67 bahagdan at ang 18-20 taon ay nakakuha ng 19 o 63.33 na bahagdan na siyang pinakamataas.
Implikasyon:
Ipinapakita ng nakalap na datos na karamihan sa mga tagasagot ay nasa gulang na 18-20 na siya namang karaniwang inaasahan na edad ng mga mag-aaral na maraming gadget sapagkat sila ay may kakayahan nang makabili ng kanilang sariling kagamitan. Magkakaiba ng paraan ng pag-iisip at pamumuhay ang mga taong nasa iba’t-ibang edad.
Talahanayan 1.2 Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa Kanilang Kasarian KASARIAN | PREKWENSI (f) | BAHAGDAN (%) | Lalaki | 12 | 40 | Babae | 18 | 60 | KABUUAN | 30 | 100 | Ang propayl naman ng kasarian ng respondenteng lalaki ay umabot sa 12 o 40 na bahagdan, masasabi nating mas mababa ito kaysa sa mga babae na umabot sa 18 0 60 na bahagdan. Ipinapakita ng datos na karamihan sa mga lumahok sa pag-aaral na ito ay mga babae.
Implikasyon:
Ang kasarian ay may malaking epekto kung paano gamitin ang gadget. Ang mga lalaki ang kadalasan na nagbibigay ng mahabang oras sa paggamit nito dahil na rin sa mga nauusong computer games. Sa kabilang banda, hindi lamang puro lalaki ang nahuhumaling dito. Mayroon din na kaunting bilang ng mga babae ang naglalaro nito. Sa kabuuan, madalas na lalaki ang mas naiimpluwensyahan ng mga makabagong gadget.
Talahanayan 1.3 Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa dami ng kanilang gadget DAMI NG GADGET | PREKWENSI (f) | BAHAGDAN (%) | Isa | 13 | 43.34 | Dalawa | 6 | 20 | Tatlo | 7 | 23.33 | Higit sa tatlo | 4 | 13.33 | KABUUAN | 30 | 100 |
Makikita na ang mga mag-aaral na mayroong isang gadget ay 13 o 43.33 na bahgdan, ang dalawa ay 6 o 20 na bahagdan, ang tatlo ay 7 o 23.33 na bahagdan, at ang higit sa tatlo ay 4 o 13.33 na bahagdan. Karamihan sa mga respondente na mag-aaral ay mayroon lamang na isang gadget at kakaunti lamang ang may higit pa dito.
Implikasyon:
Ang gadget ay isa sa tinatawag na status symbol ayon sa isang artikulo sa Manila Bulletin. Sinasabi dito na kapag mayroon ka nito ay tataas ang tingin ng mga tao sa iyo. Ang isang ordinaryong tao ay nakakatanggap ng mas mataas na tingin mula sa ibang tao. Maraming mamamayan ang bumibili ng iba’t-ibang uri ng gadget kahit na hindi kailangan upang maipagmalaki lamang sa mga taong nakapaligid sa kanya. Marami ang nahuhumaling sa makabagong gadget ngayon dahil sa mga magaganda at kapaki-pakinabang na gamit nito.
Talahanayan 1.4 Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa Buwanang Kita ng Kanilang Pamilya BUWANANG KITA NG MAGULANG | PREKWENSI (f) | BAHAGDAN (%) | 1,000-5,000 | 10 | 33.33 | 6,000-10,000 | 9 | 30 | 11,000 pataas | 11 | 36.67 | KABUUAN | 30 | 100 |
Gamit ang talahanayan, makikita natin na ang mga magulang na kumikita ng 1,000-5,000 ay 10 o 33.33 na bahagdan, 6,000-10,000 naman ay 9 o 30 na bahagdan, at ang 11,000 pataas ay 11 o 36.67 na bahagdan.
Implikasyon: Makikita dito na karamihan sa mga magulang ng mag-aaral ay kumikita nang mataas kaya sila ay mayroong kakayahan na makabili ng gadget para sa kanilang mga anak. Ang kita ng magulang ay may malaking impluwensya sa pag-aaral ng kanilang anak. Mayroong malaking epekto sa academic performance ng mag-aaral kung hindi kumikita nang sapat ang mga magulang. Maaaring hindi sila makapag pokus dahil sa kakulangan ng gamit pang eskwela.
Suliranin 2: Anu-ano ang mga mabubuti at masasamang impluwensya ng makabagong gadget/s sa mga mag-aaral?
Talahanayan 2.1 Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa Pagpili ng mag aaral na gumamit ng gadget imbes na magbalik aral o gumawa ng mga asignatura sa bahay
Ipinapakita ng talahanayan 2.1 na ang bilang ng mag-aaral na madalas gumamit ng gadget ay 1 0 3.33 na bahagdan, ang paminsan-minsan ay 8 o 26.67 bahagdan, minsan ay 13 o 43.33 bahagdan, at bihira ay 8 o 26.67 bahagdan batay sa resulta ng pagsusuri na nakuha ng mga respondente sa paggamit nila ng gadget.
Implikasyon:
Kung mapapansin natin, lagpas kalahating porsyento ng mga mag-aaral ay hindi nakakaligta na magbalik-aral o gumawa ng asignatura sa bahay sa kabila ng pagkakaroon ng gadgets. Pinapakita lamang nito na responsable pa rin ang mga mag-aaral sa paggamit ng gadgets.
Talahanayan 2.2 Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa hindi pagpansin sa oras ng mga mag aaral kung kaya’t napupuyat at nagiging sanhi ng pagkahuli o pagkawala ng konsentrasyon sa klase MARKA | PREKWENSI (f) | BAHAGDAN (%) | Madalas | 3 | 10 | Paminsan-minsan | 9 | 30 | Minsan | 6 | 20 | Bihira | 12 | 40 | KABUUAN | 30 | 100 |
Ipinapakita ng talahanayan 2.2 na ang bilang ng mag-aaral na hindi nakakapansin ng oras habang gumagamit ng gadget/s ay madalas 3 o 10 bahagdan, paminsan-minsan 9 o 30 bahagdan, minsan 6 o 20 bahagdan, at bihira 12 o 40 bahagdan batay sa resulta ng pagsusuri na nakuha ng mga respondente.
Implikasyon:
Karamihan pa rin sa mga mag-aaral ang hindi nakakaligtaan ang oras habang gumagamit ng gadget. Mapapansin natin na sila ay disiplinadong mag-aaral. Ang pagkapuyat ay may malaking impluwensya pagdating sa academic performance ng mag-aaral, maaari silang hindi makapag pokus pagdating sa talakayan at pagkahuli sa klase na nagiging sanhi na mababang grado.
Suliranin 3: Nahahati ba ang atensyon ng estudyante kapag gumagamit ng gadget?
Talahanayan 3.1 Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa Paggamit ng gadget ng mga mag aaral sa oras ng klase MARKA | PREKWENSI (f) | BAHAGDAN (%) | Madalas | 1 | 3.33 | Paminsan-minsan | 9 | 30 | Minsan | 7 | 23.33 | Bihira | 13 | 43.33 | KABUUAN | 30 | 100 |
Ipinapakita ng talahanayan 3.1 ang bilang ng mga mag-aaral na gumagamit ng gadget/s sa oras ng klase ay madalas 1 o 3.33 bahagdan, paminsan-minsan 9 o 30, minsan 7 o 23.33 bahagdan, at bihira 13 o 43.33 bahagdan batay sa resulta ng pagsusuri na nakuha ng mga respondente.
Implikasyon:
Kakaunting bilang lamang ng mag-aaral ang gumagamit ng gadget sa oras ng klase. Patunay lamang ito na mas pinipili ng mga mag-aaral na makinig sa talakayan ng guro kaysa gugulin ang oras sa paggamit ng gadget.
Talahanayan 3.2 Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa pagkahuli sa talakayan sa tuwing gumagamit ng gadget ang mga mag aaral habang nagtuturo ang guro/instraktor MARKA | PREKWENSI (f) | BAHAGDAN (%) | Madalas | 0 | 0 | Paminsan-minsan | 0 | 0 | Minsan | 4 | 13.33 | Bihira | 26 | 86.67 | KABUUAN | 30 | 100 |
Ipinapakita ng talahanayan 3.2 ang bilang ng mag-aaral na nahuhuli sa talakayan sa tuwing gumagamit ng gadget/s ay, madalas at paminsan-minsan, may kaparehas na 0 bahagdan, minsan 4 o 13.33 bahagdan, at bihira 26 o 86.67 bahagdan batay sa resulta ng pagsusuri na nakuha ng mga respondente.
Implikasyon:
Ang mga mag-aaral na gumagamit ng gadget sa oras ng talakayan ay bihira lang na mahuli sa tinuturo ng guro, masasabi natin na sila ay mas pursigidong matuto kaya kahit na may distraksyon sa kanilang pag-aaral ay hindi sila nagpapaapekto dito. Nasabi sa ilang mga pag-aaral na kailangan ng disiplina sa tamang paggamit ng gadget upang hindi ito makasira sa pamumuhay ng isang indibidwal. Sa panahon ngayon, masasabi natin na karamihan sa mga mag-aaral ay mayroong disiplina sa paggamit nito.
Suliranin 4: Nagiging sanhi ba ang makabagong gadget/s sa pagkawala ng pokus ng mga estudyante habang nag-aral?
Talahanayan 4.1 Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa pagkakaroon ng “focus” ng mga mag aaral kapag may gadget/s na gamit MARKA | PREKWENSI (f) | BAHAGDAN (%) | Madalas | 2 | 6.67 | Paminsan-minsan | 2 | 6.67 | Minsan | 11 | 36.67 | Bihira | 15 | 50 | KABUUAN | 30 | 100 |
Ipinapakita ng talahanayan 4.1 ang bilang ng mga mag-aaral na nagkakaroon ng “focus” kapag may gadget na gamit ay, madalas at paminsan-minsan, 2 o 6.67 bahgdan, minsan 11 o 36.67 bahagdan, at bihira 15 o 50 bahagdan batay sa resulta ng pagsusuri na nakuha sa mga respondente.
Implikasyon:
Mapapansin na kalahati ng bahagdan ng tagatugon ang bihira na magkaroon ng “focus” kapag sila ay may gadget/s na gamit. Masasabi na pag may gadget/s na gamit ang mga estudyante ay nahahati ang kanilang atensyon at di napagtutuunan nang pansin ang ibang bagay. Masasabi din na ito ay nagsisilbing distraksyon sa kanilang pang araw araw na pamumuhay.
Suliranin 5: Mas nagiging interesado nga ba ang mga estudyante kapag may makabagong gadget/s na ginagamit sa pagtuturo?
Talahanayan 5.1 Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa pagiging mas interesado sa talakayan ng mga mag aaral kapag may gadget/s na ginagamit sa pagtuturo MARKA | PREKWENSI (f) | BAHAGDAN (%) | Madalas | 8 | 26.67 | Paminsan-minsan | 8 | 26.67 | Minsan | 7 | 23.33 | Bihira | 7 | 23.33 | KABUUAN | 30 | 100 |
Ipinapakita ng talahanayan 5.1 ang bilang ng mga mag-aaral na mas interesado sa talakayan kapag may gamit na gadget/s sa pagtuturo ay, madalas at paminsan-minsan, 8 o 26.67 bahagdan, at minsan at bihira, 7 o 23.33 bahagdan batay bahagdan batay sa resulta ng pagsusuri na nakuha sa mga respondente.
Implikasyon:
Ang mga estudyante ay madalas at paminsan-minsan na mas nagiging interesado sa talakayan kapag ang kanilang guro/instraktor ay may makabagong gadget/s na gamit. Masasabi na nakukuha ang atensyon ng mga estudyante kapag may bago silang nakikita. Nababaling ang kanilang atensyon na nagreresulta ng pagkakaroon ng interes sa talakayan.
Talahanayan 5.2 Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa mas madaling pag “pick-up” ng mga mag aaral sa mga aralin kapag may gadget na gamit MARKA | PREKWENSI (f) | BAHAGDAN (%) | Madalas | 7 | 23.33 | Paminsan-minsan | 7 | 23.33 | Minsan | 9 | 30 | Bihira | 7 | 23.33 | KABUUAN | 30 | 100 |
Ipinapakita ng talahanayan 5.2 na ang bilang ng mga mag-aaral na mas madaling maka-“pick-up” sa aralin kapag may gamit na gadget ay, madalas, paminsan-minsan at bihira, 7 o 23.33 bahagdan, at minsan 9 o 30 bahagdan batay sa resulta ng pagsusuri na nakuha sa mga respondente. Implikasyon: Ipinakikita sa bahagdan na minsan ay mas madali para sa mga estudyante na maka-“pick-up” o makaintindi ng mga aralin kapag mayroon silang makabagong gadget na gamit. Isa lamang itong patunay na nakatutulong ang makabagong gadget/s upang ipaintindi ang talakayan.
Suliranin 6: Mahuhuli nga ba sa aralin ang mga estudyante kung wala siyang gadget/s?
Talahanayan 6.1 Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa pagiging mas “updated” sa mga impormasyon ng mga mag aaral kapag mayroong gadget MARKA | PREKWENSI (f) | BAHAGDAN (%) | Madalas | 18 | 60 | Paminsan-minsan | 2 | 6.67 | Minsan | 7 | 23.33 | Bihira | 3 | 10 | KABUUAN | 30 | 100 |
Ipinapakita ng talahanayan 6.1 na ang bilang ng mga mag-aaral na nagiging mas “updated” sa mga impormasyon kapag mayroong gadget/s ay, madalas 18 o 60 bahagdan, paminsan-minsan 2 o 6.67 bahagdan, minsan 7 o 23.33 bahagdan, at bihira 3 o 10 bahagdan batay sa resulta ng pagsusuri na nakuha sa mga tagatugon.
Implikasyon:
Mapapansin na malaking porsyento ng tagatugon ang nagsasabing madalas silang mas nagiging “updated” dulot ng makabagong gadget/s. Masasabing malaki ang kontribusyon ng makabagong teknolohiya sa mga estudyante. Dahil sa makabagong gadget/s ay madaling nakakakuha ng mga impormasyon ang mga estudyante na makakatulong sa kanilang pag aaral. Isa ding naidudulot ng makabagong teknolohiya ang mabilis na pagkalat ng mga anunsyo tungkol sa mga talakayan.
Talahanayan 6.2 Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa malaking kabawasan ng kawalan ng gadget/s para sa mga mag aaral MARKA | PREKWENSI (f) | BAHAGDAN (%) | Madalas | 7 | 23.33 | Paminsan-minsan | 6 | 20 | Minsan | 8 | 26.67 | Bihira | 9 | 30 | KABUUAN | 30 | 100 | Ipinapakita ng talahanayan 6.2 na ang bilang ng mga mag-aaral na nakararanas ng kabawasan dahil sa kawalan ng gadget/s ay, madalas 7 o 23.33 bahagdan, paminsa-minsan 6 o 20 bahagdan, minsan 8 o 26.67 bahagdan, at bihira 9 o 30 bahagdan batay sa resulta ng pagsusuri na nakuha sa mga tagatugon.
Implikasyon:
Mapapansin na malaking bahagdan ng mga tagatugon ang nagsasabing bihirang nagiging malaking kabawasan para sa kanila ang kawalan ng makabagong gadget/s. Maraming pa ding estudyante ang di nakadepende sa mga makabagong teknolohiya. Marami pa ding estudyante ang naniniwalang mas malaki ang maitutulong ng makalumang pamamaraan sa pag-aaral.
Talahanayn 6.3 Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa malaking naitutulong ng gadget/s para sa mga mag aaral
Ipinapakita ng talahanayan 6.3 na ang bilang ng mga mag-aaral na nakatatanggap ng benepisyo mula sa gadget/s ay, madalas 18 o 60 bahagdan, paminsan-minsan 7 o 23.33 bahagdan, minsan 3 o 10 bahagdan, at bihira 2 6.67 bahagdan batay sa resulta ng pagsusuri na nakuha sa mga tagatugon.
Implikasyon:
Batay sa sarbey na isinagawa, malaking porsyento ng tagatugon ang nagsasabing madalas na malaki ang naitutulong ng gadget/s para sa kanila. Masasabi na malaki ang nagiging papel ng makabagong teknolohiya sa mga estudyante sa panahon ngayon. Dahil sa mga makabagong gadgets/s ay mas napapadali ang ibang proseso at gawain.
Suliranin 7: May malaking impluwensya ba ang makabagong gadget sa academic performance ng mag-aaral ng Bachelor of Science in Industrial Engineering sa paaralan ng Polytechnic University of the Philippines Santa Rosa Campus?
INTERPRETASYON NG NAKALAP NA DATOS Ang mga nakalap na datos ay makakatulong sa pagiinterpreta ng impluwensya ng makabagong gadget sa academic performance ng mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines sa kursong Industrial Engineering. Layunin nito na malaman kung mayroon ba itong mabuti o masamang maidudulot sa antas ng pagkatuto ng mga magaaral at sa nakasanayang pamamaraan ng mga guro. Lahat ng interpretasyon na nakasaad ay naayon lamang sa mga nakalap na datos sa naganap na sarbey. Ayon sa mga nakalap na datos mula sa mga tagatugon, hindi gaanong nakaiimpluwensya ang makabagong gadgets sa academic performance ng mga mag-aaral. Sa katunayan, hindi ito nagiging hadlang upang magbalik-aral ang isang estudyante at gumawa ng mga asignatura sa bahay. Bagama’t minsan ay pinaglalaanan ng mga mag-aaral ng mahabang oras ang paggamit ng gadget/s, sinisiguro ng mga tumugon sa sarbey na makakatapos sila ng mga kailangan gawin sa paaralan. Karamihan sa mga mag-aaral ay pinipili pa rin ang makabagong gadget sa pagtuturo.
KABANATA V
PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Naunang tinalakay sa kabanatang ito ang mga suliranin ng pagsusuri, ang mga tagasagot at ang mga ginamit sa estadistika sa mga datos ng pag-aaral. Kasunod nito, ay ang pagbaling ng pagtalakay sa lagom ng pag-aaral, mga konklusyon at mga rekomendasyon ng mga mananaliksik.
Mga Natuklasan: 1. Sa kabuuan ng pag-aaral, ang mag-aaral sa kursong Industrial Engineering buhat sa Polytechnic University of the Philippines Santa Rosa Campus na may gulang na nasa pagitan ng 15-20. Karamihan sa mga ito ay mga kababaihan na masasabi natin na nasa tamang uri ng pamumuhay. Sapat lamang ang kinikita nang kanilang mga magulang upang masuportahan ang kanilang pangangailangan pinansyal. At dahil sa may sapat na kita ang mga ito, nabibigyang pansin din nila ang mga luho ng kanilang mga anak gaya na nga lang sa pagbili nila ng gadget na maaaring magamit ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. 2. Ayon naman sa oras ng paggamit ng gadget, ang mga mag-aaral ay binibigyang importansya pa rin ang kanilang pag-aaral. Karamihan sa kanila ay nagbabalik-aral o kaya ay gumagawa ng asignatura kapag nasa bahay at hindi sila naglalaan nang malaking oras sa paggamit ng gadget. 3. Ang mga mag-aaral na gumagamit ng gadget sa oras nang klase ay kadalasan hindi nawawala ang konsentrasyon sa kanilang talakayan, pinapakita dito na ang mag-aaral sa kursong Industrial Engineering ay may sapat na kakayahan na pagsabayin ang paggamit ng gadget at pag-aaral. 4. Hingil sa pananaliksik na ginawa, masasabi natin na mas madaling maka “pick-up” ang mga mag-aaral kapag may gamit na makabagong gadget sa pagtuturo. Mas nagiging interasado sila sa talakayan kapag may gamit na ganito dahil mas naipapaliwanag o naipapahayag nang mabuti ang mga leksyon. 5. Ang kita ng mga magulang ay may malaking impluwensya sa academic performance ng mag-aaral sapagkat dito nakasalalay kung paano sila makakapag-aral nang maayos nang may sapat na gamit pang eskwela. 6. Ang dami nang gadget ay isa rin sa may malaking impluwensya para sa mga mag-aaral. Ang gadget ay mayroong mabuti at masamang naidudulot sa academic performance nang isang mag-aaral. Kaya dapat lang na magkaroon nang sapat na bilang na ito base sa pangangailangan ng isang indibidwal.
Mga Konklusyon: 1. Ipinapakita sa nakalap na datos, ang mag-aaral sa kursong Industrial Engineering buhat sa Polytechnic University of the Philippines Santa Rosa Campus na may gulang na nasa pagitan ng 15-20. Mula dito ay mahihinuha na ang nasa ganitong edad ay may kakayahan nang gumamit at bumili nang kanilang sariling gadget. 2. Ang kasarian ay isa sa mga salik na nagpapakita nang kakayahan at kaibahan ng bawat mag-aaral pagdating sa paggamit nila ng gadget. 3. Base sa datos ay karamihan sa mga mag-aaral ay mayroon nang sariling gadget na siyang ginagamit nila sa pag-aaral. 4. Ang kinkita ng mga magulang ay isa din sa salik na maaaring makaimpluwensya sa pag-aaral. 5. Ang kalakhang bahagdan nang paggamit sa oras ng gadget ay tama lang. Hindi nagsasayang ng oras ang mga mag-aaral sa kursong Industrial Engineering sa paggamit ng gadget. Kanilang nababalanse ang oras ng pag-aaral at paggamit nito. 6. Masasabi natin na mas madaling maka “pick-up” ang mga mag-aaral kapag may ginagamit na makabagong gadget sa pagtuturo. 7. Ang edad, dami ng gadget at kinikita ng magulang ay may malaking impluwensya sa academic performance ng mag-aaral sapagkat ang mga ito ay isa sa mga salik na maaaring makaapekto sa pag-aaral nila.
Rekomendasyon:
1. Mahalagang isaalang-alang ng mga mag-aaral kung paano nila gagamitin ang kanilang gadget na hindi makakaapekto sa pag-aaral. 2. Mahalagang bigyang pansin ng mga mag-aaral ang kanilang academic performance kaysa sa paggamit ng gadget. 3. Ang mga guro ay marapat lamang na guamamit ng makabagong gadget sa pagtuturo upang mas maging interasado ang mga mag-aaral sa talakayan. 4. Marapat lamang na bigyang pansin ng mga magulang ang pangangailangan ng mga mag-aaral upang mas maging maganda ang kanilang academic performance sa paaralan.
Talasanggunian
Electronic References
Shadow66, 2006. Advantages ang Disadvantages of Technology http://www.studymode.com/essays/Advantages-And-Disadvantages-Of-Modern-Technology-99813.html Manayan, I. “Bagong Teknolohiya, Makakatulong Ba Ito o Hindi?”
Manila Bulletin, Pebrero 2012. “The Gadget As Status Symbol” http://The-Gadgets-As-Status-Symbols/Yahoo/News/Philippines.html The Influence of Modern Technology to the Society http://www.ukessays.com/essays/social-policy/the-influence-of-modern-technology.html http://tl.wikipedia.org/wiki/Teknolohiya http://takdang-aralin101.blogspot.com/2011/07/positibo-at-negatibong-epekto-ng.html http://dc444.4shared.com/doc/YErGnBsG/preview.html http://smallbusiness.chron.com/advantages-disadvantages-technology-advances-12579.html http://www.ifets.info/journals/11_2/20.pdf