Free Essay

Dfgfdg

In:

Submitted By whahaha
Words 1474
Pages 6
Proyekto sa Filipino

Ipinasa ni: Mia Joy Sumilig BEED 1-B
Ipinasa kay:
Ms. Christine Biñas

Napapanahong Isyu Tungkol sa Wika

Masasabi ko ngang mayaman ang ating bansa sa wika sapagkat mayroon tayong iba’t ibang pagkakasalin sa iisang salita. Mayaman nga ang ating wika ngunit may pagka-negatibong epekto din ito, dahil hindi lahat ng mga Pilipino ay nagpakadalubhasa sa ating wika. At hindi lahat ay nakapagbabasa, nakapagsasalita, nakapagsusulat at nakakaintindi ng lahat ng mga wikain sa ating bansa. Ipinanukala ni Pangulong Manuel L. Quezon ang isang Kautusang Tagapagganap Bilang 124, Serye 1937 na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog. Tatlong taon makalipas ang pagpapanukala, ay sinimulan na din ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralang pampubliko at pribado. Noong taong 1959, ang wikang pambansa ay tinawag na Pilipino batay na rin sa Tagalog. At sa Konstitution ng 1986, Arikulo XVI, seksyon 6, nakasaad dito pinapalitan na ang tawag ng wikang pambansa, at ginawang Filipino ang Pilipino, upang mabigyan ng tamang distinksyon ang tawag sa tao at sa wika, na ang tao ay Pilipino at ang wika ay Filipino.

Sa pamamagitan ng batas na ito nagkaroon ng pambansang pagkakaunawaan at global na pagkakakilanlan ang mga Pilipino. Nagkaroon din ng pangkalahatang pagkakaintindihan sa mga iba’t ibang pananaw, saloobin at kuro-kuro ng bawat indibidual. Sa kasalukuyang matinding sigalot sa bansa, anumang talakayan hinggil sa wika ay tiyak na magbubunsod sa isang away o maingay na pagtatalo. Kahawig nito ang usapin ng kababaihan. Laging matinik ang isyu ng pambansang wika, isang sintomas ng pinaglikom na mga sakit ng body politic. Tila ito isang mitsang magpapasabog sa pinakabuod na mga kontradiksiyong bumubuo sa istruktura ng lipunang siyang nakatanghal na larangan ng digmaan ng mga uri at iba’t ibang sektor.

Lalong masahol siguro kung sabihin kong nasa panig ako ng mga nagsususog sa isang pambansang wikang tinaguriang “Filipino.” Tiyak na tututol ang mga Sebuano, Ilokano, Ilonggo, mga alagad ng Taglish, o Ingles, o Filipino-Ingles. Ngunit hindi ito maiiwasan, kaya tuloy na tayong makipagbuno sa usaping ito upang mailinaw ang linya ng paghahati’t pamumukod, at sa gayo’y makarating sa antas ng pagtutuos at pagpapasiya.

Saan mang lugar, ang usapin ng pambansang wika ay kumakatawan sa pagtatalo tungkol sa mga mahalagang usapin sa pulitika at ekonomya. Buti naman, hindi pa tayo nagpapatayan sa ngalan ng wika, tulad ng nangyayari sa India at iba pang bansa. Marahil, napapahinahon ang bawat isa kung Ingles, ang wika ng dating kolonisador, ang wika ng globalisasyon ngayon, ang ating gagamitin.

Di ko lang tiyak kung maiging magkakaunawaan ang lahat sapagkat ang pagsasalin o translation, kalimitan, ang siyang nagbubunga ng karagdagang basag-gulo. Ngunit ang pagbaling sa Ingles ay pagsuko lamang sa dominasyon ng kapangyarihang global sa ilalim ng kasalukuyang hegemon, ang Estados Unidos. Ang makalulutas ng krisis, sa tingin ko, ay isang pakikisangkot sa nangyayaring labanang pampulitika at pang-ideolohya, laluna ang pakikibaka tungo sa tunay na kasarinlan at demokrasyang popular, sa gitna ng dominasyon ng mga mayayama’t makapangyarihang bansa sa Europa, Norte Amerika, Hapon, at iba pa.

Bagamat mula pa noong panahon ni Quezon hanggang sa ngayon, ang isyu ng “pambansang wika” ay naipaloob na sa Konstitusyon, bumangon ito muli na tila mga kaluluwang uhaw sa dugo. Maireresolba lang ang isyung ito kung may tunay na soberanya na tayo, at namamayani ang kapangyarihan ng nakararami, mga pesante’t manggagawa, at nabuwag na ang poder ng mga may-aring kakutsaba ng imperyalismo. Sa ngayon, walang kalutasan ito, sintomas ng bayang naghihirap, hanggang ang relasyong sosyal ay kontrolado ng naghaharing uri, laluna ng mga komprador at maylupang pabor sa Ingles, wikang may prestihiyo at kinagawiang wika sa pakikipag-ugnay sa kanilang mga patrong Amerikano, Hapon, Intsik at iba pa.

Sa halip na sipatin ang isyung ito sa kinagawiang empirical na lapit, tulad ng ginagamit ng mga postmodernistang iskolar, dapat ipataw ang isang materyalismo- istorikal na pananaw at ang diyalektikong paraan upang makalikha ng praktikang agenda na tutugon sa tanong kung ano ba ang wikang pambansang magsisilbing mabisang sandata sa mapagpalayang pakikipagsapalaran ng sambayanan.

Ang wika ay hindi isang bagay na may sariling halaga kundi bahagi ito ng kategorya ng kamalayang sosyal, isang kamalayang praktika—“practical consciousness,” ayon kay Marx—na gumaganap sa buhay bilang lakas ng produksiyon. Matutukoy lamang ito sa gitna ng isang partikular na mode of production sa isang determinadong pormasyonag sosyal. Hindi ito bukod sa pagtatagisang pang-ideolohiya. Kalahok ito sa pagbubuo ng integral state (konseptong galing kay Gramsci), tambalan ng lipunang sibil at lipunang pampulitika. Ang usapin ng wika ay di maihihiwalay sa yugto ng kasaysayan ng bayan, na laging komplikado at di-pantay ang pagsulong ng iba’t ibang bahagi---uneven and combined development. Samakatwid, sa ating sitwasyon, ang suliraning pang-wika ay di maihihiwalay sa programa tungo sa tunay na kasarinlan at kasaganaan, mula sa kasalukuyang neocolonial at naghihikahos na bayan.

Sa Pilipinas, ang lagay at papel na ginagampanan ng wika ay maipapaliwanag lamang sa pagsingit nito sa ugnayang panlipunan, sa kontradiksyon ng sumusulong na puwersa ng produksyon at namamayaning balangkas na pumipigil sa pagsulong ng buong lipunan. Ang katayuan ng wika ay nakabatay sa kasaysayan ng bansa, sa kolonyal at neokolonyal na dominasyon ng Kastila, Amerika at Hapon, at sa himagsik ng sambayanan laban sa pang-aapi. Ang mga katagang “nasyonal-popular” o pambansa-makamasa—na iminungkahi ni Gramsci—ang dapat ilapat sa nakararami na nag-aadhikang makapagpahayag ng kanilang pagkatao sa iba’t ibang paraan, tigib ng kontradiksiyon na bunga ng di-pantay at pinagtambal na pagsulong ng iba’t ibang sangkap ng kabuuang istruktura ng lipunan. Ang wika ay nakalubog sa daloy ng mga kontradiksiyon sa lipunan.

Kailangang idiin ang prinsipyo ng nasyonal-popular, pambansa-makamasa, ang bansa na binubuo’t pinapatnubayan ng masang walang pag-aari—mga manggagawa, magsasaka, at gitnang sangay (mga propesyonal, petiburgesyang uri, mga minorya). Kung hindi, ang bansa ay mabibigyan-kahulugan ng mga naghaharing uri, ang iilan na nag-mamay-ari, ang oligarkong tuta ng imperyalismo, mga ahente ng global finance-capital.

Sa loob lamang ng pangitaing ito, sa proyekto ng pagsisikap makamit ang tunay na pambansang kasarinlan at demokrasyang radikal makatuturang mahihimay ang problema ng pangangailangan ng wikang pambansa, isang wikang mabisang makapag-iisa sa masa at mga komunidad sa teritoryo ng Pilipinas, at makapagdudulot ng mabisang partisipasyon sa pagbuo ng isang gahum o lideratong moral-intelektwal ng masang manggagawa.

Ang layon natin ay hindi lamang kultural na identidad, o kasiyaang pang-kalinangan. Sa gitna ng komodipikasyon ng lahat, sa gitna ng laganap na konsumerismo at paghahari ng halagang-pamalit (exchange-value), ang reipikasyon at alyenasyon ng ugnayan ng mga tao ay siyang nagpapalabo sa usapin ng wika. Hindi malulutas ang mga tanong tungkol sa wika hanggang hindi nahaharap ang mistipikasyon ng pakikipagkapwa, na ngayo’y natatabingan at nalalambungan ng mga komoditi, bilihin, salapi, na tila siyang umuugit, nagpapagalaw, namamahala’t gumagabay sa lahat ng bagay. Ang mistipikasyong ito ay mawawala lamang kung mapapanaw ang paghahari ng global na kapital, ang patakaran na tubo/yaman muna bago kapakanan ng tao—na, sa ngayon, ay nagsasalita sa Ingles, ang wika ng kongkistador na pumalit sa mga Kastila.

Ang pagbuo’t pagpapayaman ng isang pambansang wika, Filipino, ay hindi nangangahulugan ng pagsasaisantabi o pagbabalewala sa ibang mga wikang ginagamit ng maraming komunidad. Ang pagpapalawig at pagsuporta sa mga wikang ito ay matutupad kung may basehan lamang: ang kasarinlan ng bansa batay sa pagpapalaya sa masa. Sa harap ng higanteng lakas ng kapitalismong global, maisusulong lamang ang proyektong nabanggit ko kung makikibaka tayo sa programa ng pagbabago tungo sa pamamayani, gahum, ng masang gumagawa. Ang wika ay maaaring maging mapagpalayang sandata kung ito’y binubuhay ng masa sa pang-araw-araw na kilos at gawa.

Ang wika ay praktipang panlipunan, isang produktibong lakas ng sambayanan. Ang bansang Pilipinas na may kasarinlan at matipunong industriya ay isang proyektong di pa tapos, nagpapatuloy, laging iniimbento ngunit hindi sa anumang kondisyon. Ang pagiging Filipino ay isang proseso ng dekolonisasyon at demokratisasyong radikal, isang kaganapan na likha ng kolektibong pagpapasya, hindi indibidwal na kagustuhan. Ang proyektong ito ay hinuhubog at niyayari ng maraming lakas, ng minanang ugali at sari-saring idea at institusyon katutubo o hiram. Hindi ito nakatutok sa pagtatamo ng isang esensiya, kundi makikilatis ito bilang isang masalimuot na pagbubuklod ng dinamikong pakikisamang pampulitika at mga komitment. Ito’y isa ring estetikong kalakaran sa kontra-gahum na paglikhang makasining.

Ang bansang Pilipinas na may kasarinlan at matipunong industriya ay isang proyektong di pa tapos, nagpapatuloy, laging iniimbento ngunit hindi sa anumang kondisyon. Ang pagiging Filipino ay isang proseso ng dekolonisasyon at demokratisasyong radikal, isang kaganapan na likha ng kolektibong pagpapasya, hindi indibidwal na kagustuhan. Ang proyektong ito ay hinuhubog at niyayari ng maraming lakas, ng minanang ugali at sari-saring idea at institusyon katutubo o hiram. Hindi ito nakatutok sa pagtatamo ng isang esensiya, kundi makikilatis ito bilang isang masalimuot na pagbubuklod ng dinamikong pakikisamang pampulitika at mga komitment. Ito’y isa ring estetikong kalakaran sa kontra-gahum na paglikhang makasining.

Similar Documents