Free Essay

Diyosa Ng Asya

In:

Submitted By poplarfaith
Words 1994
Pages 8
Mga Diyosa sa Asya
Hapon

-Si Amaterasu O-mi-kami ay ang Diyosa ng araw ng mgaHapones. -Sakanya nagmula ang mga emperador ng Japan. -Prominenteang sagisag ng araw sa bandila ng Japan dahil sa pagpaphalaga sa kanya.
Dravidian

-Naniniwala rin sa a Diyosa at isa rito ayang diyosa ng buwan. -Sapagdating ng mga Indo-aryan, naging lalaki lamang ang kanilang mga diyos
Mga kababaihan sa Batas ni Hammurabi
-Sa panahon ng mga Babylonians, isinabatas ni Haring Hammurabi ang maraming kaugalian na umiiral sa lugar. Ang nanging resulta ay ang batas ni Hammurabi. -Sinalamin ng ilang probisyon ng batas ni Hammurabi ang mababang pagturing sa kababaihan. Halimbawa: Ang babae ai itinuring na bagay na maaaring ikalakal. Kaya’t ang pag-aasawa ay maituturing na isang transaksyong pananalapi. Ang ama ng babae at ama ng lalaki ang papasok sa isang kontrata. Magbibigay ng regalo, na karaniwan ay pera, ang ama ng lalaki sa ama ng babae. Kung sasang-ayon ang ama ng babae sa regalo, bibigyan niya ang kanyang anak na babae ng dote na mananatili sa kamay ng babae sa oras na ikasal siya. Ang doteng ito ay nagsisilbing proteksyon sa babae. -Madalas na pagkabata pa lamang ay inaayos na ang pagkasundong magpakasal ang isang babae at lalaki. Sa oras na may sapat na gulang na ang babae, sila ng lalaki ay maaari ng magbuklod. Samantala, ang babae ay nanatiling nakatira sa sariling bahay. -Ayon sa batas ni Hammurabi, ang babaeng hindi tapat sa kanyang asawa ay parusahan ng kamatayan. -sa oras na mahuli ang babaeng nakikipagtalik sa ibang lalaki, pareho silang itatali at ihahagis sa malalim na ilog o dagat. -May lubos na kapangyarihan ang asawang lalaki sa kanyang pamilya at maaari niyang ipagbili ang kanyang asawa at mga anak. -Ipinagbawal ng Batas ni Hammurabi ang paglahok ng babae sa kalakalan. Ngunit may mga katibayan na nagpapakita na malayang nangangalakal ang mga babae. May kababaihan na may sariling negosyo. - Batay sa batas ni Hammurabi, walang karapatan ang mga babae ngunit batay sa ibang dokumento, ang kababaihan sa Mesopotamia ay may mga karapatan at kalayaan. -Ang isang kabatayan ng mataas na tingin sa babae sa kanlurang asya ay ang malaking papel ng reyna ng mga Hittite, Isang grupong Indo-European na tumigil sa Anatolia. Ang reyna ng mga Hittite ay may mahalagang papel sa buhay panrelihiyon ng mga Hettite. Sinasabing nakipagsulatan sila sa mga reyna ng iba pang lugar.

Code of Manu -Ang timog asya ay may katumbas ding kodigo ng mga batas. -Ang code of manu ay sinasabing nabuo noong huling bahagi ng unang siglo B.C.E. -Hindi malinaw ang posisyon ng code of manu sa pagturing sa babae. -Sinasabi nito na kapag ang isang Brahmin o pari sa Hinduism ay makipagtalik sa isang mababang uri ng babae, tiyak na siya ay pupunta sa impyerno. -Lahat ng ritwal na walang paggalang sa babae ay walang saysay. -Tutol din ang Kodigo sa kalakaran na pagbibigay ng dote. Ang dote ay pera o pag-aari na ipinagkakaloob sa pamilya ng mapapangasawa. -Ayon sa kodigo, ang ama ng isang babae na tumanggap ng dote ay maihahalintulad sa isang tao na nag-aalok ng babae sa isang lalaki -Sinasabi rin ng kodigo na ang huwarang agwat ng edad ng mag-asawa ay tatlong beses ang tanda ng lalaki sa kanyang asawang babae. - Ayon rin sa kodigo, ang amang ayaw pang ipakasal ang kanyang anak na nagdalaga na ay nakagagawa ng isang paglabag sa batas na kasing-ama ng pagpapalaglag ng bata. Ito ay sa dahilan na dapat na nagluluwal na ng sanggol ang anak ng babae.
Ang mga Babae sa Relihiyon at Pilosopiya ng Asya -Sinasabi na pagkaraan ng limang taon na nakamit ni Buddha ang kaliwanagan, isa sa kanyang disipulo ang naghihikayat sa kanya na payagan ang kababaihan na maging mga mongha -Ipinagkait ng Buddhism ang pagkilala na ang babae ay pantay sa lalaki. -Napakailalim pa rin ang mga mongha sa mga monghe. -Ipinagkait din ng Buddhism ang pagtatamo ng Nirvana ng mga babae. -Ang tanging pag-asa na lamang ng isang babae ay maisilang siya bilang isang lalaki sa susunod na buhay at makatamasa ng nirvana.
Nirvana- Walang problema o walang -Makikita ang pagpapahalaga ng Confucianism sa lalaki sa limang ugnayan o relasyon na kinilala nito. Sa nasasabing ugnayan, lahat ng ugnayan ay nakasaad mula sa pananaw ng lalaki. Muli, ang limang ugnayan na ito ay ang sumusunod: Emperador-Mamamayan Ama-Anak na lalaki Asawang lalaki-Asawang babae Nakatatandang kapatid na lalaki-Nakababatang kapatid na lalaki Kaibigan-Kaibigan -Malinaw na sinag-ayunan ng Confucianism ang pagsasailalim ng babae sa lalaki. -Sinang-ayunan din ng Confucianism ang pagpapahalaga sa mga ank na lalaki kaysa mga anak na babae. Ito ay dahil ang mga babae ang nagbibigay ng dote. -Tinitingnan ang mga babae na nagbabawas sa kaban ng pamilya samantalang ang mga lalaki ang nagdaragdag dito. -Ang mga anak na lalaki ang siyang magpapatuloy ng pangalan ng pamilya. -Ang halaga ng babae sa Confucianism ay ibinatay sa kakayahan niyang magkaroon ng anak at kung hindi man ito mangyayari, ang babae ay maaaring idiborsyo ng kanyang asawa. -Sa kabuuan, lalong pinairal ng Buddhism at Confucianism ang mababang katayuan ng babae sa lipunan.
Ang Tradisyunal na papel ng mga babae sa Asya -Itinuturing na iisa lamang ang maaaring tunguhin ng babae sa tradisyunal na asya. Ito ay ang maging isang asawa at maging ina. -Bilang asawa, ang babae ay dapat maging isang tapat na kabiyak at dapat niyang pagsilbihan ang kanyang asawa.
India
-Sa India, ang itinuturing na huwaran na babaing asawa ay si Sita, asawa ni Prinsipe Rama sa epikong Ramayana. Si Sita ay naging tapat kay prinsipe Rama maging nang siya ay mapasakamay ng hari ng mga unggoy. Sumailalim siya sa pagsubok sa apoy upang patunayan ang kanyang katapatan at kalinisan sa asawa. -Sa Hinduism, bilang patunay ng pagmamahal sa asawang lalaki, ang asawang babae ay inaasahang tumalon sa funeral pyre o apoy na sumusunog sa labi ng kanyang asawa. Ang tawag sa kaugalian na ito ay sati o suttee. Samntala,pwede rin namang hindi sumangayon ang asawa na tatalon. Sa ngayon ang paggawa nito ay isa nang krimen.
-Sa India, bilang paggalang sa asawang lalaki, ang asawang babae ay kakain lamang pagkatapos kumain ng kanyang asawa.

China

-Sa China, ang pinakamahalagang tungkulin ng babae ay magluwal ng sanggol lalo na ng mga sanggol na lalaki. Dahil ditto, ang pagiging baog o walang kakayahan ng babae na magluwal ng sanggol ay maaaring maging dahilan ng diborsyo sa china. -Sinalamin naman sa China ang mababang antas ng babae sa kaugalian ng footbinding. Ito ang sadyang pagbabali ng arko ng paa upang hindi ito lumaki ng normal. Tinatawag ang ganitong klaseng mga paa na lotus feet o lily feet. Ito ay ginagawa habang bata pa ang babae. Una, ibabad ang kanyang paa sa dugo ng hayop at mga herbal na gamot upang matanggal ang mga nalantang balat, sunod ay tatanggalin ang kanyang mga koko, tapos, babaliin ang buto ng kanyang mga darili sa paa. at ibabalot ito gamit ang isang 10 feet na haba na silk bandage. 4-6 inches lamang ang sukat ng isang lotus feet. -Sinasabing isa itong pamantayan ng kagandahan para sa mga sinaunang tsino, isang pananaw na sinimulan ng dinastiyang Sung. Humahanap ang isang lalaking tsino na may ganitong klaseng paa upang mapangasawa. Isa rin daw pagtugon sa kahilingang pang-erotiko ng lalaki ang footbinding sa china. -Ito rin nagpapatunay na nasa bahay lamang ang babae at kaya siyang suportahan ng kanyang asawa. -Isa pang kaugalian sa China na nagpababa sa antas ng kababaihan ay ang concubinage o pagkuha ng asawang lalaki ng iba pang babae liban sa kanyang asawa. -Ang concubine ay itinitira ng asawang lalaki sa kanilang bahay. May karapatan ang asawang lalaki na magkaroon ng maraming concubine. Ito ay ipinagbabawal na ngayon sa China. Muslim
-Sa mga lipunang Muslim, may mga kaugalian na sumailalim sa mababang antas na kababaihan. Ito ang kaugalian ng Purdah na ibig sabihin ay belo sa salitang persian -Inaasahan ang asawang babae na itago ang kanyang sarili sa pamamagitan ng paggamit ng burka, isang damit na maluwag na may kasamang belo. Layunin ng kaugalian na ito ang ipaalala na tanging ang kanyang asawang lalaki ang may karapatang makakita sa kanya. Pinagtibay ng kaugaliang ito ang pagpoprotekta ng karapatan ng asawang lalaki sa asawang babae.
-Tanda ng pagkamulat ng tsino sa pantay na tingin sa babae ay sumasagisag sa kalahati ng langit. Sa madaling sabi, hindi buo ang langit kung walang babae.
Japan
-Sa Japan, bago umiral ang pyudalismo, may karapatan ang parehong anak na babae at lalaki na magmana ng ari-arian ng kanilang mga magulang. -Naglaho ang kaugalian na ito noong panahon ng kamakura at Ashikaga Shogunate. Negatibo ang tingin ng lipunan sa babae. -Pinaniniwalaan sa Japan na may limang kahinaan ang babae. Ito ay ang pagiging hindi masunurin, madaling magalit, masama ang bibig, madaling magselos at mahina ang ulo.
-Isinailalim din ito ng mga element ng yin at yang sa Taoism. Tandaan na sinasagisag ng elementong babae ang yin stn g elementong lalaki ang yang.
-Aktibo ang element ng yang at sinasagisag nito ang langit, liwanag, mga bilang na walang pares, at linyang hindi napuputol.
-Sinagisag naman ng yin ang hindi aktibong element tulad ng lupa, dilim, at ang bilang na may pares at putol-putol na linya.
-Ayon sa Taoism, hangad ng dalawang elementong ito na magtamo ng isang balanseng sitwasyon. Patunay ito na sa harap ng maraming balakid ng kababaihan, may pagkilala pa rin sa kaniang kahalagahan sa tradisyunal na Asya.

Mesopotamia- umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa Kanlurang Asya, ang Sumer.
Sumer- umusbong ang ilan sa mga bagay na masasabing mahalaga sa mga bagay na masasabing ambag ng mga sinaunang asyano sa daigdig.
Ziggurat- nagsisilbing tahanan at templo ng patron ng isang lungsod.
Cuneiform- ibig sabihin ay hugis sensel o wedge-shaped
Edubba- piling-pili lamang ang pangkat ng mga kabataang lalaki ang nakakapasok dito. Kadalasan, ang mga mag-aaral dito ay anak ng mayayamang tao at makapangyarihang pinuno sa Sumer.
Gulong na sa kontemporatyong panahon ay lubhang mahalaga sa aspekto ng transportasyon.
Layag ang ginagamit upang makapaglakbay ang ilang sasakyang pangdagat gamit ang malakas na hangin.
Kasangkapang pang araro – isa ring mahalagang kontribusyon. Nagpapadali sa mga paraan ng pagtatanim ng tao lalo pa't ang araro ay hinihila ng mga hayop.
Orasang Tubig(water clock)
Ur Nammu
- inakda ang kauna-unahang batas na naisulat sa daigdig. Nag hari sa lungsod-estado ng Ur sa Mesopotamia noong 2100 B.C.E.
Gilgamesh ang ngalan sa Hari ng lungsod-estadong Uruk. Siya ang nagtaglay ng katangiang tao at Maladiyos.
Epic of Gilgamesh
– sa larangan ng literatura, itinuring bilang kauna-unahang akda pampanitikan sa buong daigdig. Ukol sa pakikipagsapalaran ni Gilgamesh, kahanga-hangang nagawa at pagpupunyaging makamtan ang immortality. Isa sa kabanata ay nagsasalaysay ukol sa naganap na matinding pagbaha o “The Great Flood” sa Bible.
Hammurabi
a. Nagpatupad ng batas na sa lahat ng kanyang nasasakupan sa panahon ng pamamayani ng Babylon sa Mesopotamia.
b. ang batas na kanyang nilikha ay isang napakahalagang ambag.
1.)Naglalaman ng kabuuang 282 batas na nauukol sa mga paksang sibil, kriminal, at pangkalakalan.
2.)Ito diumano ay isang “Batas ng Hustisya” na naglalayong ipaliwanag at pangalagaan ang karapatang pang tao.
Pagbagsak ng kabihasnang Mesopotamia, ang iba't-ibang mga kabihasnang umusbong sa bahagi ng Mediterranean ay nagkaroon din ng kani-kanilang mga ambag sa daigdig.

Hittite
a. Pinakamahalagang tuklas ang paggamit ng bakal na mas matibay kung ihahambing sa tanso.
1.) Mga Lydian ang gumagamit ng mga salapi sa pakikipag kalakalan.
Phoenician
a. Nakapaglinang ng isang makabagong paraan ng pagsulat na mas kilala bilang “phonetic alphabet”

Sanskrit
- Pinag-ugatan ng Wikang Indo- European
- Pinakapino at hinahanggang wika sa buong daigdig
Rig- Veda
- Naglalaman ng mahigit isang libong mga dalit, mga panalangin at mga awitin
Vedas
- Isang koleksyon ng mga dalit pangdigma, matalinong pahayag, mga kanta at kwento
- Masasaksihan ang mga kaganapan sa buhay ng mga Aryan
Mahabharata- The Great Story
- Binubuo ng isandaang libong taludtod at naglalalman ng mga kaisipang Hindu

Similar Documents

Free Essay

Juhyjugytfy

...MGA GABAY NA TANONG: ng Kabihasnan ay nakatutulong sa pagkakakilanlan ng isang nasyon. Marahil ay maraming tanong sa ating kaisipan tungkol dito at sa mga pangyayaring naganap nang sumibol ang kabihasnan sa Asya.Paano nga ba nabuo ang sinaunang kabihasnan sa Asya? Naniniwala ka ba na ang pilosopiya, relihiyon at kaisipang Asyano ay may kinalaman sa pag-usbong at pagunlad ng kabihasnang Asyano? Sa modyul na ito, ikaw ay inaaasahan na kritikal na makapagsusuri sa mga pilosopiya, relihiyon at kaisipang Asyano na nagbibigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.Gayundin ay mapapahalagahan mo at mauunawaan ang mga ambag ng kabihasnan sa kasaysayan Asyano at ang pagbabago at pag-unlad nito sa kasalukuyang panahon.Dapat mong maunawaan sa modyul na ito ang mga sagot sa mga sumusunod na katanungan: Paano nahubog ang kasalukuyang sibilisasyon ng mga bansa sa Asya? Paano nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya? Paano nakatulong ang kabihasnan sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng kabihasnan tungo sa pagkakakilanlang Asyano? Mga Araling Sakop ng Modyul Aralin 1 - Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya Aralin 2 - Sinaunang Pamumuhay sa Asya 96 Sa araling ito, inaasahang matututunan mo ang mga sumusunod: Aralin 1 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya 1. Konsepto at Kahulugan ng Kabihasnan 2. Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya Kabihasnang Sumer Kabihasnang Indus Kabihasnang Shang 3. Mga Ambag ng Kabihasnan sa Asya 4. Mga Kaisipang Pinagbatayan...

Words: 20598 - Pages: 83

Free Essay

Education

...Piliin ang titik ng tamang sagot. Ipinakilala ni Ana ang kanyang sarili sa harap nag klase. Alin sa sumusunod ang dapat niyang isabi? A. Ang pangalan ko ay si Ana De Belen B. Si Ana ako C. Ako si Ana Tinanong ng guro si Rex. “Ilang taong gulang ka na? Alin dito ang tama niyang isagot? A. Nasa unang baitang ak B. Ako ay may anim na taong gulang na po. C. Si Rex po ako Nawawala si Carla sa mall at umiiyak siya nang biglang lapitan ng “Security Guard” Nawawala ka ba , saan ka nakatira? “ tanong ng guard. Alin sa sumusunod ang isasagot ni Carla? A. Ipinanganak ako noong Ika -3 ng Enero taong 2008 B. Nakatira po ako sa Kalye Rizal, Barangay Mabini C. Ako po si Carla. Isa-isang tinanong ng bisita ang mga mag-aaral kung saan sila nag-aaral. Alin sa kanila ang sumagot ng wasto. A. ako ay anim na taong gulang B. Ako ay nakatira sa Barangay Rizal C. Ako ay nag-aaral sa Paaralng ng Sto. Rosario. II. Panuto: Piliin ang mukha na pangpapakita ng iba't – ibang damdamin. Iguhit ito sa papel MalungkotMasayaNagulat ______________ 5. Binulaga ka ng iyong kaklase. ______________ 6. Dumating si tatay may dalang bagong laruan. ______________ 7. Nawala ang paborito mong lapis. III. Pag-aralan ang mga laruan at pagsunod-sunrin ito ayon sa pangyayari. Isulat ang titik A, B, C, D, sa bawat puwang. 8.________________9. __________________10.____________11. ______________ IV. Ang “Timeline” ay nagpapakita ng pang araw-araw...

Words: 6898 - Pages: 28