...Mga Diyosa sa Asya Hapon -Si Amaterasu O-mi-kami ay ang Diyosa ng araw ng mgaHapones. -Sakanya nagmula ang mga emperador ng Japan. -Prominenteang sagisag ng araw sa bandila ng Japan dahil sa pagpaphalaga sa kanya. Dravidian -Naniniwala rin sa a Diyosa at isa rito ayang diyosa ng buwan. -Sapagdating ng mga Indo-aryan, naging lalaki lamang ang kanilang mga diyos Mga kababaihan sa Batas ni Hammurabi -Sa panahon ng mga Babylonians, isinabatas ni Haring Hammurabi ang maraming kaugalian na umiiral sa lugar. Ang nanging resulta ay ang batas ni Hammurabi. -Sinalamin ng ilang probisyon ng batas ni Hammurabi ang mababang pagturing sa kababaihan. Halimbawa: Ang babae ai itinuring na bagay na maaaring ikalakal. Kaya’t ang pag-aasawa ay maituturing na isang transaksyong pananalapi. Ang ama ng babae at ama ng lalaki ang papasok sa isang kontrata. Magbibigay ng regalo, na karaniwan ay pera, ang ama ng lalaki sa ama ng babae. Kung sasang-ayon ang ama ng babae sa regalo, bibigyan niya ang kanyang anak na babae ng dote na mananatili sa kamay ng babae sa oras na ikasal siya. Ang doteng ito ay nagsisilbing proteksyon sa babae. -Madalas na pagkabata pa lamang ay inaayos na ang pagkasundong magpakasal ang isang babae at lalaki. Sa oras na may sapat na gulang na ang babae, sila ng lalaki ay maaari ng magbuklod. Samantala, ang babae ay nanatiling nakatira sa sariling bahay. -Ayon sa...
Words: 1994 - Pages: 8
...ng tao ay isang gulong. Patuloy na umiikot, patuloy na tinatahak ang ibat-ibang uri ng landas. Sa pagtahak na ito, minsan tayo ay nababahiran ng dungis ang ating buhay. Walang perpektong buhay sa mundong ito. ∞LIGHTS ON Ngunit noong unang panahon perpekto ang kanilang buhay. Ang kwentong ito ay magmumulat sa inyong puso’t isipan ng kahalagaahan ng pasunod at pag-asa sa ating buhay. (NAG-SASAYA ANG MGA LALAKI) Lalaki1: Napaka-saya ng ating buhay! (tatayo) Lalaki2: S’ya nga, wala na akong mahihiling pang iba! Lalaki3: Hindi na natin kailangan humiling pa sa mga Diyos at Diyosa! Hindi na! (tatawa) Lalaki4: Wala na tayong panahon na sumamba sa kanila dahil hindi na tayo mag kanda mayaw na ubusin ang mga biyaya dito! (magtatawanan ang lahat) Lalaki5: Eto pa! (hinihingal) kaya na natin na buhay na wala sila!. (Magtatawanan at mag-iinuman ang mga kalalakihan) ∞DIM LIGHTS ∞CENTER LIGHTS sa mga Diyos at Diyosa Athena: Lapastangan ang inasal ng mga mortal! Niyurakan nila ang ating mga pangalan! (galit) Ares: Ang lalakas ng kanilang mga loob, na mag-sambit ng mga ganong na salita! (galit) Hera: Kung hindi dahil sa atin, wala sila! Wala silang matatawag na daigdig! Wala silang mga buhay! (galit at nag-mamalaki) Aphrodite: Masyado kayong mainit. Sa palagay ko kailangan na ninyong mag-palamig. (malamig ang boses) Hephaestus: Tama si Aphrodite, huminahon kayo. Athena: Palibhasa’y wala kang alam. Napakitid ng iyong utak Aphrodite! ( galit ) Aphrodite: Dahan-dahan...
Words: 1348 - Pages: 6
...Noong unang panahon ay magkakasama ang limang daliri ng tao. Kahit saan magpunta ay wala silang hiwalayan. Katunayan ay maraming naiinggit sa lima dahil sa mabuti nilang samahan. Lagi kasi silang masaya at nagkakasundo. Kung paano nagkahiwa-hiwalay ang mag kakaibigan ay dahil narin sa isang malaking pagsubok na dumating sa kanilang buhay. Nagkaroon ng malawak na taggutom sa nilang lugar. Naging napakahirap ng pagkain dahil kakaunti ang nabuhay na pananim kumpara sa maraming mga taong kakain. Ang mga hayop haman ay unti-unti naring nangaubos. Lahat ng uri ng trabaho ay pinasukan ng lima. Nagtrabaho sila araw at gabi pero totoong mahirap ang buhay kaya madalas silang sumasala sa oras. Wala silang nagawa liban sa magtiis. Isang araw ay nakita ng apat na daliri si Hinlalaki. Sarap na sarap ito sa pagkain ng karne kung kaya hindi na halos sila napansin. Nang makita ni Hinlalaki ang apat na kaibigan ay bigla naman itong namutla. "Saan mo kinuha ang karneng iya?" tanong ng apat kay Hinlalaki. Bago pa makasagot si Hinlalaki ay isang galit na babae ang lumapit sa kanila. Pagkakita nito kay Hinlalaki ay agad sinampal. Gulat na gulat ang apat. "Ipakukulong kita!" banta ng babae na namumula sa galit. "Teka, huminahon kayo!" wika ni Hintuturo. "Pag-usapan natin ito." "Opo nga nama," sabad ni Hinlalato. "Ano po ba ang problema?" "Magnanakaw ang kaibigan ninyo! Ninakaw niya ang aming pag-kain!" ang sumbong ng babae. Sabay na napatingin sa isa't isa sina Palasingsingan at Kalingkingan...
Words: 1413 - Pages: 6
...ko ang santinakpan para sa iyo!” pagmamalaking sabi ni Tungkung Langit. “Hayaan mong tulungan kita, kaya ko ring lumikha,” ang sabi ni Alunsina. “Huwag kang mag-alala, mahal, ito ang regalo ko sa iyo: ang mga bituin, ang mga planeta, ang buwan, ang mga ulap, at ang hangin.” “Pero makapangyarihan din naman ako, dahil isa akong diyosa,” bulong ni Alunsina. Ngumiti lang si Tungkung Langit at niyakap si Alunsina. Pagkatapos, tumindig siya nang matikas, huminga nang malalim, at sumigaw nang pagkalakas-lakas sa kawalan. Lahat ng sabihin ni Tungkung-Langit ay nagkatotoo. Kumalat ang sinag ng bagong likhang araw. Kumislap-kislap ang mga bituin. Umikot ang mga planeta at lumiwanag ang buwan. Humangin nang pagkalakas-lakas. At naulit ito nang naulit. Mahal na mahal ni Tungkung Langit si Alunsina, kaya ayaw niya itong mapagod. Ayaw niyang gumamit ng kahit isang daliri si Alunsina upang lumikha ng kahit isang bagay. “Mas gugustuhin kong maupo ka na lang, magpahinga, at maging maganda,” ang sabi ni Tungkung Langit kay Alunsina. Ngunit sawa na si Alunsina sa ganoong klaseng buhay. Naramdaman niyang parang wala siyang silbi bilang diyosa. Gusto niyang lumikha. “Huwag kang mag-alala,” sabi ni Tungkung Langit sa kaniyang iniibig, “wawakasan ko ang iyong pagkabagot. Lilikha ako ng... oras!” At nagsimula nga ang oras. Kasamang nalikha ng oras ang alaala... at naalala ni Alunsina ang panahong wala pang laman ang kalawakan, nang hindi siya nakalikha ng kahit ano. “Gusto...
Words: 2044 - Pages: 9
...Biuag At Malana Nangalawatan, isang baryo malapit sa Il-luru, Rizal ang nagging tagpuan ng labanan sa pagitan ni Biuag at Malana. Hanggang sa ngayon, ang dalawang bundok na nakatayo sa magkabilang bahagi ng ilog – ang luagar kung saan ang ipinaglaban ng bida ang kanyang pag-ibig sa isang kaakit-akit at marikit na babae. Si Biuag ang taga- Enrile, ang bayan sa pinakakanluran ng Cagayan. Noong siya ang ipinanganak, binisita ang kanyang ina ng isang babaeng hindi pangkaraniwan ang kagandahan. Hilim na hinangaan ng babae ang sanggol. At noong napagtanto ng ina na isang diyosa ang bumisita sa kanya, agad siyang lumuhod at hiniling na bigyan ang kanyang anak ng mahabang buhay. Hindi sumagot ang diyosa. Sa halip ay nilagyan ng tatlong bato ang leeg na sanggol. Ang isang bato ang nagtanggol sa bata laban sa pisikal na sakit. Mayroong isang beses na nahulog ang bata sa kamang kawayan at tumama ang ulo sa pangkayod ng mais. Hindi siya umiyak, at hindi rin siya nasaktan. Noong nasa tamang edad na siya at nakakaya na niyang lumangoy sa ilog ay gumawa ng daan ang mga buwaya para sa kanya. Ang dalawang bato ay nagbigay sa kanya ng kapangyarihan at kakayahan. Walang hirap niyang naibabato ang kalabaw sa kabila ng bundok siya ay labing-dalawang taong gulang. Kaya niyang bunutin ang puno ng betel na parang damo. Dahil ditto, ang mga tao mula sa mga malalayong lugar ay pumunta upang siya ay makita. Ngunit sa kabila ng kanyang kapangyarihan, si Biuag ay nababagabag at hindi Masaya. Sa bayan...
Words: 1192 - Pages: 5
...EPIKO NG MGA BISAYA Apat ang kinikilalang epiko ng mga Bisaya: Haraya, Lagda, Maragtas at Hinilawod. Sa apat Hinilawod langang pinakamalapit sa epiko. HARAYA- katipunan ng mga tuntunin ng kabutihang asal at ng mga salaysay ng paghahalimbawa ngnasabing tuntunin. Hindi maituturing na epiko dahil hindi patula ang pagkakasulat. LAGDA –ay isa lamang kalipunan ng mga tuntunin ukol sa mabuting pagtupad sa tungkulin sapamahalaan na napapaloob samga salaysayin at pangyayari. Ang Kodigo ni Kalantiao ay isa samatatagpuan sa Lagda. Ang Kodigo ni Kalantiao ay naglalaman ng mga batas na dapat sundin ng mgamamamamayan at namumuno. May 18 batas ang kodigong ito. MGA BATAS SA KODIGO NI KALANTIAO 1.Bawal pumatay, bawal magnakaw, bawal manakit ng matatanda. Ang hindi makasusunod ayitatali sa bato ay lulunurin sa ilog o sa kumukulong tubig. 2.Kailangan magbayad ng utang sa tamang oras. Ang hindi makasusunod sa unang pagkakataon aylalatiguhin ng isang daang beses. At kung ang pagkakautang ay malaki, ilulublob ang kanyangkamay sa kumukulong tubig ng tatlong beses. At kung hindi talaga makababayad ay bubugbuginhanggang sa mamatay. 3.Walang sinuman ang maaaring magkaroon ng asawang napakabata. Hindi rin dapat mag-asawang higit sa kayang tustusan. Ang lalabag sa unang pagkakataon ay kailangan lumangoy ng tatlongoras at sa ikalawa, lalatiguhin ng may tinik hanggang mamatay. 4.Bawal gambalain ang katahimikan ng mga namatay. Dapat silang igalang habang dumadaan sakuweba o puno kung nasaan...
Words: 2038 - Pages: 9
...Noong unang panahon sa isang kahariang matatagpuan sa may dagat ng Mindanao, may isang makisig at matapang na sultang nagngangalang Rajah Solaiman. Dahil sa kaniyang galing at tapang sa digmaan siya’y nakilala bilang isang kilabot sa iba’t ibang kaharian. Pinaniniwalaang nasa kaniyang pag-aari ang isang mahiwagang sundang, ang Sundang Lenantatyon. Ibinigay ito kay Solaiman ni Bal-Lido, ang diyosa ng digmaan. pangongolekta nito. Para sa isang maharlikang tulad niya, walang dalang bigat ang naguumapaw na babae sa kaniyang buhay. Kung may isang aalis, may tatlong darating, kung gaano siya kahusay sa paggamit ng kaniyang sundang, tila mas matalim ang kaniyang mga salita pagdating sa pag-ibig. Sa dulo ng kaniyang kaharian, may naninirahang isang mangingisda. Kasama nito ang kaniyang anak na babae sa bahay na siyang nag-aalaga sa kaniya. Isang tapat na tagapaglingkod ang mangingisdang ito kay Rajah Solaiman. Subalit, dahil sa pag-aalala sa posibleng kahinatnan ng kaniyang anak, itinago niya ito sa gitna ng gubat. Umaasang walang mga matang makatatanaw sa kaniyang anak, lalo pa ang mga mata ni Rajah Solaiman. Alam niyang hinding hindi siya makatatanggi sa kung ano mang sabihin ng kaniyang Rajah. Tumira si Waling-Waling sa itaas ng isang punong lauan. Napaliligiran ito ng mga ilang-ilang at ilang halamang gubat. Walang nakaaalam ng paraan upang makaakyat dito kung hindi ang mapag-arugang mangingisda lamang. Pati ang mga pagbisita ilang-ilang at ilang halamang gubat. Walang...
Words: 713 - Pages: 3
...at naging sanggunian na din dahil sa mga tema nito. Sa sobrang laki ng impluwensya nito, tinaguriang itong ‘Bibliya’ ng mga Griyego. Naka-sentro ang kuwento ng Iliada sa malagim, madugo at mahabang ‘Trojan War’. Nagtagal ang digmaan ng sampung taon at si Achilles ang itinuturing na bayani ng mga Griyego at malaking parte ng istorya ay inilaan sa kahanga-hangang mga nagawa niya noong panahong iyon. Ngunit, maraming parte ng kasulatan tungkol sa digmaang ito ay nawala na at ang natira lamang ang mga nangyari noong huli at pinakamadilim na taon ng digmaan para sa mga Griyego at ang pinakamatamis na pagwawagi ng mga Trojans at nagbabalik tanaw sa mga nangyari sa mga nakalipas na taon. Ipinapakita ng Iliada ang pakikiaalam ng mga diyos at diyosa sa mga buhay ng tao kahit na ipinagbabawal ito, ang dangal ng mga bayani, ang galit ni Achilles, ang kayabangan ng mga hari at ang mga kabayaran ng digmaan. Ang Iliada ay dating kasama sa grupo ng mga sinaunang tula na tinatawag na Epic Cycle. Binubuo ito ng dalawampu’t apat na balumbon. Nawawala na ang halos lahat nito at ang Iliada ay hindi sakop ang mga nangyari bago magkaroon ng digmaan at ang pagtatapos ng digmaan pati ni arin ang kamatayan ni Achilles ------------------------------------------------- PAMAGAT AT BUOD ANG ILIADA Nagsisimula ang kuwento halos sampung taon na matapos magsimula ang Trojan War. Ang mga...
Words: 1428 - Pages: 6
...Noong Unang Panahon, Sa sinaunang Gresya, ay merong isang bata na makulit at palagi niyang pangarap na makasama sa kaniyang ama sa kaharian ng mga diyos at diyosa sa bundok ng Olympus. Siya ay si Ilios na ibig sabihan sa griyego ay “Araw” , ngunit siya ay kalahating diyos at ang kanyang ina ay tao lamang. Dahil ang kanyang ama ay isang Diyos at palaging wala sa tabi ang kanyang ama, kaya ang kanyang ina lamang ay nagpapalaki sa kanya sa isang maliit na bahay sa isang isla ng Delos. Isang araw habang naglalaba ang kanyang ina merong mga kawal na mula sa Kaharian ng Athens na paparating sa bahay ng mag-ina, sinigawan ng kanyang ina na pumasok sa bahay mula sa pangangaso ang labin limang taong gulang na si Ilios at maghintay sa mga kawal. Isang kapitan ng mga kawal ay lumapit sa mag-ina at sinabing ,“Ako ay si Kapitan Runo ang ika tatlumpong tatlong sandtahang lakas na mula sa kaharian ng Athens at kailangan namin ang iyong anak na makasama sa lakbay papunta sa ilog ng Styx upang kunin ang nawawalang kaluluwa ng aming prinsipe”. sabi ng ina ni Ilios .“ Bakit kailangan niyo ang aking anak sa inyong mapanganib na paglalakbay, labin limang taong gulang lamang siya at walang ka ano-anong alam sa pagdidigma?”. sabi ni Kapitan Runo . “ Narinig namin na ang iyong anak ay anak rin ng diyos ng araw na si Apollo at kailangan namin ang tulong ng diyos ng araw upang kami ay may panglaban sa lugar ng kadiliman.” Sabi ng ina, “Sabihin niyo ang diyos ng araw ninyo na tumulong sa inyo hinde yung...
Words: 2230 - Pages: 9
...------------------------------------------------- Nemo, ang Batang Papel ni Rene O. Villanueva Si Nemo ay isang batang yari sa ginupit na diyaryo. Pinunit-punit, ginupit-gupit saka pinagdikit-dikit, si Nemo ay ginawa ng mga bata para sa isang proyekto nila sa klase. Ngayo’y bakasyon na. Si Nemo’y naiwang kasama ng ibang papel sa silid. Nakatambak siya sa bunton ng mga maalikabok na polder at enbelop. Isang araw, isang mapaglarong hangin ang nanunuksong umihip sa silid. Inilipad niya sa labas si Nemo. Nagpalutang-lutang sa hangin si Nemo. Naroong tumaas siya; naroong bumaba. Muntik na siyang sumabit sa mga sanga ng aratiles. Nang mapadpad siya sa tabi ng daan, muntik na siyang mahagip ng humahagibis na sasakyan. Inangilan siya ng dyip. Binulyawan ng kotse. At sininghalan ng bus. Mabuti na lamang at napakagaan ni Nemo. Nagpatawing-tawing siya sa hangin bago tuluyang lumapag sa gitna ng panot na damo sa palaruan. Nakahinga nang maluwag si Nemo. Ngunit nagulantang siya sa dami ng nagtatakbuhang paa na muntik nang makayapak sa kaniya. Naghahabulan ang mga bata at kay sasaya nila! Araw-araw, tuwing hapon, pinanonood ni Nemo ang mga naglalarong bata. Inggit na inggit siya sa kanila. Tuwing makikita niya ang mga bata sa palaruan, gustong-gusto rin niyang maging isang tunay na bata. “Gusto kong tumawa tulad ng totoong bata! Gusto kong tumakbo tulad ng totoong bata! Gusto kong maghagis ng bola tulad ng totoong bata!” Sabi nila, kapag may hiniling ka raw na gusto mong matupad...
Words: 5574 - Pages: 23
...PY 10 Filipino EP E D C O Modyul para sa Mag-aaral D Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. ng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at Kagawaran ng Edukasyon sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, Republika ng Pilipinas kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. EP E D C O PY Filipino – Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing...
Words: 47092 - Pages: 189
...AKO'Y PILIPINO Pilipino ako sa anyo, sa kulay, sa wika, sa gawa at sa kalinangan. Ang mutyang bayan ko'y Perlas ng Silangan, kilala sa ganda at sa iwing taglay na yaman. Sa mga ugat ko ay nananalaytay, magiting na dugo ng raha at lakan; ang kasaysayan ko'y di malilimutan ng aking kalahi't liping pinagmulan Maraming bayaning nagbuwis ng buhay, di nagatubili sa tawag ng bayan, nabuwal sa dilim at nagdusang tunay upang kalayaan ay aking makamtan. Ikararangal ko itong aking lahi, di ikahihiya sa alinmang lipi; busilak ang puso, malinis ang budhi mamatay ay langit kung bayan ang sanhi. Taas noong aking ipagmamalaki Pilipino akong may dangal na lahi, Sintang Pilipinas ang bayan kong saksi, dinilig ng dugo ng mga bayani. ANG AKING GURO Masdan mo ang guro, ang taong dakila, Mapagtiis siya't laging matiyaga; Sa tungkulin niya'y lagi siyang handa, walang tigil siya sa maghapong gawa. Guro ko ang siyang nagturo sa akin, Na ang ating lupa ay aking mahalin, Ako raw'y gumawa at aking sikaping Mapaunlad itong mutyang bayan natin. Siya ang nagturo ng kabayanihan Ng ating Mabini, Burgos at del Pilar; Siya ang nagulat ng buhay ni Rizal, Siya ang nagturong ako'y maging tapat Sa mga tungkuling aking ginaganap Nagtatagumpay raw yaong masisipag, Di raw giginhawa yapng taong tamad. Siya ang maysabing ating tangkilikin Yaong mga bagay na yari sa atin; Sino pa raw yaong tutulungan natin Kundi kababayan at kalahi na rin. Guro ko ang aking tunay na huwaran Siya ay maayos sa kanyang katawan, Sa pagsasalita...
Words: 3770 - Pages: 16
...MAIKLING TALAMBUHAY NI JOSE PROTACIO RIZAL (Manunulat, Pambasang Bayani ng Pilipinas, Dakilang Henyo ng Lahing Malayo) ISINILANG SA: Calamba, Laguna (Hunyo 19, 1861) BINARIL SA: Bagumbayan (ngayo’y Luneta; Disyembre 30, 1896) Mga Magulang: FRANCISO MERCADO at TEODORA ALONSO (“Z” sa ibang aklat) Mga Ninuno: Domingo Lamco, sa panig ng ama (negosyanteng Instik); Lakandula, sa panig ng ina (pinuno ng Tondo na namuno sa isang bigong pag-aalsa sa mga Kastila, inapo ni Rajah Sulayman ng Maynila) Nagbinyag: Padre Rufino Collantes Ninong: Padre Pedro Casañas Paboritong kura paroko/parish priest: Padre Leoncio Lopez (nagturo kay Rizal ng pagrespeto sa karapatan ng ibang tao) Buong Pangalan: Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda Jose Protacio - first name Jose: sa karangalan ni San Jose, patron ng mga manggagawa, asawa ng Birheng Maria, tatay sa lupa ni Hesukristo Protacio: sa karangalan ni San Protacio (isang martir; kapistahan/feast day niya tuwing Hunyo 19) Mercado: tunay na apelyido ng kanyang ama; nangangahulugang “pamilihan/market” sa wikang Español Rizal: apelyidong pansamantalang pinagamit kapalit ng Mercado upang makaiwas sa gulo (kabibitay pa lamang sa Gomburza; konektado kay Padre Burgos si Paciano kaya delikado ang apelyidong Mercado); mula sa salitang Español na “ricial” (luntiang lupang tinatamnan ng trigo/green fields of barley) Alonso: tunay na apelyido ng ina noong dalaga pa/maiden name; middle name ni Jose Rizal Realonda: middle name ng kanyang...
Words: 3770 - Pages: 16
...95 PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG: ng Kabihasnan ay nakatutulong sa pagkakakilanlan ng isang nasyon. Marahil ay maraming tanong sa ating kaisipan tungkol dito at sa mga pangyayaring naganap nang sumibol ang kabihasnan sa Asya.Paano nga ba nabuo ang sinaunang kabihasnan sa Asya? Naniniwala ka ba na ang pilosopiya, relihiyon at kaisipang Asyano ay may kinalaman sa pag-usbong at pagunlad ng kabihasnang Asyano? Sa modyul na ito, ikaw ay inaaasahan na kritikal na makapagsusuri sa mga pilosopiya, relihiyon at kaisipang Asyano na nagbibigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.Gayundin ay mapapahalagahan mo at mauunawaan ang mga ambag ng kabihasnan sa kasaysayan Asyano at ang pagbabago at pag-unlad nito sa kasalukuyang panahon.Dapat mong maunawaan sa modyul na ito ang mga sagot sa mga sumusunod na katanungan: Paano nahubog ang kasalukuyang sibilisasyon ng mga bansa sa Asya? Paano nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya? Paano nakatulong ang kabihasnan sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng kabihasnan tungo sa pagkakakilanlang Asyano? Mga Araling Sakop ng Modyul Aralin 1 - Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya Aralin 2 - Sinaunang Pamumuhay sa Asya 96 Sa araling ito, inaasahang matututunan mo ang mga sumusunod: Aralin 1 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya 1. Konsepto at Kahulugan ng Kabihasnan 2. Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya Kabihasnang Sumer Kabihasnang Indus Kabihasnang Shang 3. Mga Ambag ng Kabihasnan sa Asya...
Words: 20598 - Pages: 83
...Ibong Adarna Script Posted by Bokals on Saturday, March 5, 2011 Labels: Mga Script "Ibong Adarna" Narrator: Magandang umaga/hapon sa inyong lahat. Ngayong hapon, magpepresenta kami ng isang dula na pinamagatang "Ibong Adarna". Ang kwento nito ay nagsisimula sa isang masayahing kaharian ng Berbanya. Doon, halos araw-araw ay may handaan. Ang hari ng Berbanya ay si Haring Fernando. Ang asawa niya ay si Reyna Valeriana. Ang mag-asawa ay may tatlong binatang anak. Sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Haring Fernando: Magsisimula na ang handaan, mga anak! Pumili na kayo ng mga babae na isasayaw ninyo. Maraming magagandang mga babae na nandoon na sa labas. Reyna Valeriana: Ehem... Haring Fernando: Ngunit, mas maganda pa rin ang reyna ng puso ko. Alam mo na man, 'di ba mahal kong, Valeriana? Narrator: Habang nag-uusap ang selosang reyna at ang kawawang hari ay nag-uusap rin ang tatlong mga prinsipe. Don Diego: Narinig mo si papa, mga kapatid? Marami na raw'ng chicks sa labas! Ano pa ba ang hinintay natin? Don Juan: (Hahaha) Haay nako, si Kuya Diego talaga! Don Pedro: Tumigil nga kayong dalawa! Para kayong mga naliligaw na mga unggoy na nanggagaling sa kagubatan! Narrator: Kitang-kita na naman ang mga iba't ibang kaugali ng mga magkakapatid. Ang panganay na si Don Pedro, ay seryosong-seryoso. Isang chicksboy naman si Don Diego ang ikalawa. Ang bunso na si Don Juan ay mabait na mabait. Babae #1: Wow, ang gwapo talaga ng mga prinsipe! Babae #2: Haay! Ang suwerte natin talaga...
Words: 10980 - Pages: 44