Dinastiyang Han ng Tsina
Sa katapusan ng Qin Dynasty (221 – 206BC), isang hukbong pinamunuan ni Liu Bang ang sumakop sa lunsod ng Xianyang noong 207BC na siyang nagbigay wakas sa mapaniil na panahon. Pagkaraan ng apat na taong pakikidigma sa kanyang katunggali ay napasakamay nina Xiangyu at Liu Bang ang buong bansa at itinatag ang kaniyang paghahari—ang Han Dynasty noong 202BC. Nahati sa dalawang makasaysayang panahon ang bagong dinastiya. Ang unang panahon'y tinatawag na Western Han (206BC – 24AD) na ang kabisera nito'y nasa Chang'an (kasalukuyang lunsod ng Xian sa Lalawigang Shanxi). Samantalang ang pangalawang panaho'y tinatawag na Eastern Han (25AD – 220AD), Luoyang ang naging kabiserang lunsod nito. Han Dynasty ang naghari sa ikalawang unipikadong emperyong Tsino. Batay sa unipikasyong nilikha ni Emperador Qin Shi Huang ay pinagsamasama nito ang magkakaibang mga kultura. Ito ang naglatag ng pundasyon sa panlahat na kultura ng Han. Sa panahon ngang ito itinatag ng grupong etniko ng Han ang sarili bilang ubod ng nasyong Tsino. Dahil nga sa napalagay sa dominanteng posisyon. Ang pangingibabaw na ito ng mga Han ay nananatili pa rin ngayon sa Tsina, kahit na may maraming mga pagbabago ang naganap sa nangakaraang mga dantaon. Sa katapusan ng Western Han Dynasty (206BC – 24AD) ang trono ng pamilyang Liu ay inagaw ni Wangmang, isang malayong kamag-anak ng pamilya ng hari. Bagama't kinondena bilang isang mangangagaw, inaasahan pa rin ni Wangmang na maibalik ang kaluwalhatian ng Han Dynasty sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga patakaran o palakad na inilarawan sa mga klasikang Confucian. Gayon pa man, sa kabila ng kanyang mga pagsisikap hindi pa ring kinagigiliwan si Wangmang dahil sa kanyang hindi tumpak na mga patakaran. Noong 17AD, nagsimula ang isang rebelyon sa buong bansa. Noong 25AD, tinalo ng mapanghimagsik na hukbo ni Liu Xiu ang hukbo ni Wangmang at nabigyang wakas ang di nagtagal na Xin Dynasty. Sa taon ding iyon, muling itinatag ni Liu Xiu ang Han Dynasty sa Lalawigang Hebei at ang Lunsod Luoyang sa kasalukuyang probisniyang Henan ang ginawang kabisera. Eastern Han Dynasty ang tawag ng mga mananalaysay sa Later Han Empire. Ang Eastern Han Dynasty ay tumagal nang 195 taon na may labindalawang emperador ang naghari. Nagyabong ang komersyo sa panahon ng paghahari ni Emperador Wu. Pinag-isa ng pamahalaan ang paggawa ng kuwaltang metal at isinabansa ang mga gawaan ng salapi. Bukod sa roon, pinatawan niya ang mga komersiyante ng mataas na buwis at nagpanatili ng mga monopolyo sa produksiyon ng bakal, asin at alak. Bunga nito, nagpasok ito ng malaking kita sa kabang-yaman ng korte. Kasunod ng pag-unlad ng teknik o paraan ng pagtunaw, naging kapuna-puna ang paglago ng industriya ng pagtunaw ng bakal sa panahong ito. Maraming mga kagamitang bakal at sandata ang malawakang ginamit sa mga pakay na agrikultural at militar. Napakahusay rin sa panahong ito ang paghahabi ng mga telang sulta. May iba't ibang klaseng mga damit na sulta at tela na nahukay sa Mawangdui ang napangalagaan sa Hunan Provincial Museum na nagpapakitang nagkaroon ito ng sulong na teknik sa industriya ng sulta sa panahong ito. Ang mga taumbayan sa panahon ng Western Han Dynasty ay nakagawa ng kahanga-hangang tagumpay sa kultura. Halimbawa, isang aklatang pang-estado ang itinayo para mag-ipon at magtago ng mga aklat. Si Sima Qian, isang dakilang mananalaysay na nabuhay sa panahon ng paghahari ni Emperador Wu ang nakapagtapos ng Records of the Historian (Mga tala ng Mananalaysay), ang unang kasaysayan ng Tsina na nagtatala ng kasaysayan mula kay Huangdi hanggang kay Emperador Wu. |
Naitatag ang dinastiyang Han matapos matalo ni Li Yuan ang anak ni Emperador Shi Huang Di na umupo sa trono matapos siyang mamatay. Sa isang pag-aalsa, natalo ni Li Yuan ang anak ni Shi Huang Di dahilan upang mapalitan ang kasalukuyang namumunong Dinastiyang Q'in (Ch'in) ng dinastiyang Han. Ang dinastiyang ito ang ikaapat sa dakilang dinastiya ng Tsina. Binuwag ni Li Yuan ang legalismo at ibinalik ang pilosopiyangKonpusyanismo.