Free Essay

Edukasyon O Kayamanan

In:

Submitted By kLaraCLaire
Words 1468
Pages 6
Edukasyon o Kayamanan?

Lakandiwa:

Ang dalawang mahusay na makata ay itatampok
Haharapin nila ay napakahirap na pagsubok
'Pagkat ang mga katuwiran nila ay magsasalpok
Sino kaya ang lalabas na matalino at bugok.?

Sa panahon ngayon ay ano ba ang mahalaga
Edukasyon ba o ang kayamanang tinatamasa?
Alam kung lahat ng tao'y naghahangad ng ginhawa
At ng karunungang nagpapapaunlad sa diwa.

Kanina pa sila nakatayo rito sa may gitna
Kung baga sa sundalo ay nakahanda na sa digma
Kanino kayo papanig dito ba o sa kabila?
Makinig nang husto at buksan ang inyong pang-unawa.

Ang titindig sa edukasyon hangad niya ay talino
'Pagkat ito ang pinili niya't talagang ginusto
Kaya't karangalan niyang matawag na isang henyo
Karunungan ay kasama na ng kanyang pagkatao.

Ang tingin ko sa kanyang katalo ay isang praktikal
'Pagkat itong kayamanan ang higit na minamahal
Kung mayroon kang kayamanan para na ring may dangal
Marahil ito ang nasa isip niya't iaaaral.

Nararapat lang na ang bagay na ito'y mapag-usapan
'Pagkat ang lahat ng tao ay mayroong kinalaman
Dahil tayong pinakasentro't pinatatamaan
Dapat lang makialam at huwag isara ang isipan.

Edukasyon:
Ang kailangan ng lahat ng tao ay edukasyon
Ito'y isang tulay upang maabot mo ang ambisyon
Kailangan nating sumabay sa takbo ng panahon
Mahirap maging mangmang at ituring na 'sang patapon.

Ang edukasyon ay masasabi na ring kayamanan
'Di mauubos dahil nakalagay sa iyong isipan
Kaibigan, maganda ang mayroong pinag-aralan
Para magkaroon ka ng magandang kinabukasan.

Ang literal na kayamanan ay mapapasaiyo
Dahil magkakaroon ka rin ng magandang trabaho
Kahit maralita lang balang araw ay aasenso
Lahat ay posible kung ikaw ay isang edukado.

Kung nakapag-aral malayo ang iyong maaabot
Ang mahahawakang salapi ay 'di lang kakarampot
Maaari ka ring maging among nakakapagpaikot
'Di isang tauhan na tila sunud-sunurang robot.

Walang imposible sa taong may isipang malawak
Naghahatid sa tagumpay dahil isa itong pakpak
Habambuhay na dala-dala't nasa likod ng utak
Daragin man sa apoy ay 'di rin mawawasak.

Ano ang kabuluhan ng kayamanang nauubos?
Baka kapag nawala na'y kasama ka ring matapos
Huwag mananalig sa kayamanan mong dinidiyos
Ibigin mo ang edukasyon ito ang aking utos!

Kayamanan:
Ang mahalaga sa daigdig na ito ay kayamanan
'Di ba't mas mainam kung maraming perang nahahawakan?
Ang sobrang pag-aaral ay pahirap lang sa katawan
Pinahihirapan nang husto ang sarili 'di naman yayaman.

Ang kayamanan ay 'di isang librong isinasaulo
Kundi magagamit sa araw-araw na pamumuhay mo
Dahil sa kayamanan magagawa lahat ng gusto
Malakas ang impluwens'ya mo't kapit sa gobyerno.

Ang diploma't medalya ay palamuti lang sa dingding
Nag-aral ka nga pero ba't tila mayroong tililing?
Samantalang ang kayamanan magagamit sa magaling
'Di maghihirap nang husto kagipitan ma'y dumating.

Ang edukasyon ba ay agad mo nang makakain?
Magagastos ba 'yan sa tindahan kung may nais bilhin?
Kung mayroong kayamanan 'di maaaring gutumin
'Di na kailangan na ang isip mo ay pigain.

Kapag masaganan marami ka ring matutulungan
Mga kapatid na dukha at nangangailangan
Na 'di man lang makapasok sa matinong paaralan
Tapos ngayon ay itinuturing n'yo pang mga mangmang.

Paano sila makakapag-aral kung walang pera?
P'wera na lang kung iskolar na may sumusuporta
Alam mong taun-taon tumataas ang matrikula
Kaya't sa edukasyon ay 'di na ako aasa pa!

Edukasyon:
Ang edukasyon ay malaki rin ang naitutulong
Huwag solohin ang karangalan, pilantropong gungong
Kung wala itong edukasyon tayo kaya ay dudunong?
Baka sa walang hanggang kamangmangan pa'y nakakulong.

Kapag walang tinapos 'di ka igagalang nang husto
Mamatahin ka lang ng kung sino'ng impakto't demonyo
Kaya nasapawan si Bonifacio ni Aguinaldo
Nang maliitin s'ya noon ng isa sa mga Magdalo.

Kung may likas na talino pero 'di naman binungkal
Walang kabuluhan para ka na ring nagpatiwakal
Sayang lamang ang kaloob kung 'di marunong magmahal
'Pagkat ang talino'y kinukulob at 'di pinabubukal.

Edukasyon ay mahalaga alam 'to ng gobyerno
Kaya't inilagak nila rito ang malaking pondo
Kung lahat ay nakapag-aral walang magiging bobo
Magiging matatag ang pamumuhay mo sa mundong ito.

Karamihan sa namumuno'y pawang edukado
Kapag mahina ang namumuno saan patutungo?
May maganda bang naiisip ang tulad mong utak ginto?
Kung puro kayamanan lang ang laman ng 'iyong puso.

Malaay mo balang araw maging pinuno ako ng bansa
Kaya't pakaiingat ka sa iyong pagsasalita
Kilalanin mo na ang edukasyon ay mahalaga
Huwag sabihing dunong-dunungan 'to, mangmang na bata!

Kayamanan:
Ano' nangangarap ang isang 'to na maging lider
Paano nasasarapan kang tawagin na boss at sir
Kung 'di ko pa alam gusto mo lang gayahin si Hitler
Ingat sila sa 'yo baka manira ka ng rebolber.

Kailangan pa bang maging propesor at senador
Upang maging tanyag at isang magaling na orador?
Ako kahit sa bahay lang mag-aral dahil may tyutor
Sa pag-aaral mo baka ako pa ang mag-isponsor.

Bakit si Presidente Erap drop out sa Ateneo?
Samantalang high school gradweyt lang ang lider na si Suharto
'Di ito nakukuha sa taas ng pinag-aralan mo
Nasa yaman at hangaring makapaglingkod sa tao.

Alamin mo ang datos maraming walang trabaho
Mga nakatambay kahit nakatapos ng kolehiyo
Ang iba ay 'di nagamit ang pinag-aralang kurso
Kaya't nasayang lang ang apat na taong binuno.

Kung magsalita ka akala mo'y napakatalino
Ba't alam mo ba ang lahat ng bagay sa mundo?
'Yan ba ang natutunan sa paaralan, ang maging idealistiko?
Baka sa sobrang pagbabasa nasira na ang ulo.

Huwag sanang akalain na mukha akong salapi
Nakamtan ko ito dahil sa aking pagpupunyagi
'Di nakapagtapos pero may talinong nakakubli
At nahihigitan pa kita sa aking pakiwari.

Edukasyon:
Karamihan talaga sa mayayaman ay mayayabang
Ang dating ng salita ay nasobrahan sa anghang
Napakakitid ng isip mo dahil utak-alamang
Akala mo ay dakila wala namang pakinabang.

'Di ako naniniwalang yaman ay bunga ng pagsisikap mo
May nakapagsabing namana lang sa nasira mong lolo
Paano ka uunlad lalo kung mahina ang iyong ulo?
Baka ang makinabang ng kayamanan mo ay ibang tao.

Marami ngang kayamanan 'di naman marunong humawak
Kahit katiwala lolokohin ka dahil walang utak
Baka matulad ka sa kuwento ng Alibughang Anak
Walang pagpapahalaga sa bukas at 'di nagbabalak.

'Di ba't ang malaking kayamanan ay nakakasilaw?
Kung ganoon ba't ang tao dito pa ililigaw?
Edukasyon ang kailangan natin sa mundong ibabaw
'Di ang kayamanang 'di madadala kapag pumanaw.

Ang paniniwala mo'y tulad sa ibang salesman
Sabi nila ang edukasyon ay 'di na kailangan
Mas malaki raw ang kinikita nila sa bentahan
Nasa husay mag-sales talk at networking lang ang paraan.
Ang karunungan na dulot ng edukasyon ay 'di napaparam
Samantalang ang kayamanan ay para lang hiniram
Ayokong matulad sa 'yo na walang kaalam-alam
Ang kapal ng apog mo na sa akin ay makialam!

Kayamanan:
Hoy! Bakit sinasabing mahina ang aking kukote?
Kung totoo umatras na sana ako sa debate
Wala namang kabuluhan ang mga pinagsasabi
Paikot-ikot lang, 'di pa gaanong makaatake.

Sa panahon ngayon may makikita ka bang libre?
D'yan nga sa edukasyon mo ay ang taas ng tuiton fee
Sa buong bansa halos pribado ang nagmamay-ari
Pero wala sa akin 'to dahil sa maraming salapi.

Ipinagmamalaki mo ang edukasyong komersyal?
Ang karunungang para sa lahat, ipinangangalakal
Sobrang daming gastos, ang bayad ay pagkamamahal
Ito ba ang tinitindigan mo, kuno'y intelekwal?

Kung gusto n'yo na maging mahalaga ang edukasyon
Baguhin ang maling sistema na pinaiiral n'yo ngayon
Tayo ay magbigayan 'yan ang sabi ng Panginoon
Kabig kayo ng kabig parang 'yung ibang relihiyon.

Marami ang nagsasabi na sila raw ay nakatapos
Ngunit kung tanungin mo ay 'di makasagot ng maayos
Kung kuto lang sila marahil ay akin nang pinulbos
Kung nakapag-aral ba't sa talino'y kapos?
Ang kayaman ay ayokong magamit lang sa luho
Bagama't sinasabi ng iba na ito ay isang tukso
Nais kong ituring ito na isang dalisay na ginto
Na nararapat lamang sa may malilinis na puso.

Lakandiwa;
Sa aking narinig tila ang isip ko'y tinutuhog
Sa init ng pagsasagutan n'yo para kayong mambubugbog
Baka sa gitna ninyo ay biglang may bombang sumabog.

Maganda ang katuwiran n'yo na naibigay
Sa katotohanang aral ay 'di kayo suminsay
Ngunit pareho kayong tama sa aking plagay
Magagamit ito sa araw-araw nating pamumuhay.

Huwag sanang sasama ang loob n'yo sa akin
Kung sasabihin kong kayo ay may kahinaan din
Bilang lakandiwa igalang ako at huwag batikusin
Nais ko lang kayong maging mabuti sa aming tingin.

Ikaw Edukasyon, 'di ba't ikaw ay para sa lahat?
Ba't mapepera lang ang nakakapag-aral ng sapat?
Paghusayin rin ang turo mo ito ang nararapat
Kapag naganap 'to ibabantog ka ng walang puknat.

Ikaw Kayamanan, huwag kang masyadong magpasikat
Tama na, sa sariling bangko huwag nang magbuhat
Ang biyaya ay ibahagi sa iba't iyong ikalat
Kung ganoon habambuhay ang aking pasasalamat.

Sa oras na ito nais ko munang maging neutral
Paumanhin kung naghintay kayo nang napakatagal
Ang paghuhusga'y maaaring bawat indibidwal
Yamang napanuod na ninyo ang aming pagtatanghal.

Similar Documents

Free Essay

Kabataan

...Nakakamiss ang maging bata. Wala kang ibang iisipin o aalalahanin kundi ang mga bagong palabas sa TV o kung anong oras maguumpisa ang paborito mong programa; lalo na kapag cartoons! Nako! Wala mong sawang aantabayanan ang lahat, magagalit ka pa kapag nagkataong kailangan mong matulog sa hapon at hindi puwedeng buksan ang TV. Masaya maging bata, lalo na kapag summer! Nandyan yung magtatakbuhan kayo sa kalye na parang walang bukas. Sari-saring laro ang gusto mong malaro sa buong araw! Taguan-pung, patintero, teks, jolens, mataya-taya, syato, dampa, sipa at madami pang iba! Hindi ka magpapahuli sa mga bagong laro o kung ano man ang mauuso. Ipinanganak ako noong 1987, katatapos lang ng kaguluhan noon dahil sa Martial Law. Ang kasalukuyang presidente ay babae. Madami pa din kaguluhan sa kanyang rehimen pero noong kabataan ko sa panahong iyon hindi ko napapansin iyon. Bakit? Dahil masarap maging bata! Noong kabataan ko, ang uso lang ay black and white TV, walang flat screen, LED, LCD, Plasma. Ang meron lang, mga TV na kuba! Mayaman ang tingin ng mga kalaro mo kapag ang TV ninyo ay colored na. Mas madaming dudungaw sa bahay ninyo para makinuod ng kung ano man ang pinapanood ninyo. Kung minsan pa, sila pa ang nasusunod sa channel ng gusto nilang palabas, at iyong iba nakukuha pang pumasok na lang bigla na parang inari na ang bahay ninyo. Siyempre kapag nakakita sila ng pumasok na kumportable sa pagkakaupo sa sahig o sa upuan niyo, sunod-sunod na iyan! Censored lahat ng palabas noon...

Words: 1548 - Pages: 7

Free Essay

Filipino

...--------------- Pagtalakay Konklusyon ---------------------------------------------------------- Rekomendasyon --------------------------------------------------------- Referens ----------------------------------------------------------- Appendiks ------------------------------------------------------------------ Panimula Ang Wi-Fi ay naimbento nf NCR Corporation/AT&T (dating Lucent & Agree Systems) sa Nieuwegein, Netherlands. Si Vic Hayes ang imbentor nf Wi-Fi at tinaguriang “Father of Wi-Fi”. Si Hayes rin ang umupo bilang presidente ng Institute of Electrical and Electronics Engineers o IEEE committee na gumawa ng 802.11 standard noong 1997. Ang Wi-fi ay markang pagkakakilanlan at pagkalakal ng mga grupo ng product compatibility standards para sa mga Wireless Local Area Network o WLANS. Ito ay pinaiksing Wireless-Fidelity. Sa Wi-fi ay maaaring kumonekta ang mga kompyuter, cellphone, ipad at mrami pang iba. Ito ay katulad din ng radyo na nangangailangan ng signal para sa magandang serbisyo. Napakalaking tulong ng wifi sa loob ng paaralan para sa mga...

Words: 4093 - Pages: 17

Free Essay

Phil Cons

...Diyos, upang bumuo ng isang makatarungan at makataong lipunan at magtatag ng isang Pamahalaan na kakatawan sa aming mga mithiin at mga lunggatiin, magtataguyod ng kabutihan ng bawat isa, mangangalaga at magpapaunlad ng aming kamanahan, at titiyak para sa aming sarili at angkanang susunod ng mga biyaya ng kalayaan at demokrasya sa ilalim ng pananaig ng batas at ng pamamahalang puspos ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay-pantay at kapayapaan, ay naglalagda at naghahayag ng Konstitusyong ito. ARTIKULO I ANG PAMBANSANG TERITORYO Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at mga karagatan na nakapaloob dito, at lahat ng iba pang mga teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas, na binubuo ng mga kalupaan, katubigan, at himpapawirin nito, kasama ang dagat teritoryal, ang lalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa, ang mga kalapagang insular, at ang iba pang mga pook submarina nito. Ang mga karagatang nakapaligid, nakapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging ano man ang lawak at mga dimensyon ay nag-aanyong bahagi ng panloob na karagatan ng Pilipinas. ARTIKULO II PAHAYAG NG MGA SIMULAIN AT MGA PATAKARAN NG ESTADO MGA SIMULAIN SEKSYON 1. Ang Pilipinas ay isang Estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan. SEK. 2. Itinatakwil ng Pilipinas ang digmaan bilang kasangkapan...

Words: 25474 - Pages: 102

Free Essay

Noli Me Tangere Kabanata 8-11

...Arroceros at naalala na minsan ay nahilo siya sa napakasamang amoy ng tabako. Napadaan din siya sa Hardin ng Botaniko at naikumpara niya ang mga napuntahan niyang hardin sa Europa. Ibayo ang ganda ng mga ito kaysa sa kanyang natutunghayan ngayon. Anupat ang buong Maynila ay walang pinag-unlad, bagkus ang mga gusali ay nilulumot lamang ng panahon. Sa patuloy na pag-iisip ay sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang gurong pari: 1) Ang karunungan ay matatamo kapag hinangad ng puso 2) Ang karunungan ay dapat linangin at isalin sa susunod na henerasyon 3) dapat lamang na magkaroon ng pakinabangan- kung ang mga kastila ay nanatili dito upang kuhanin ang yaman ng bansa, marapat lamang na ibigay naman ng bansang dayuhan ang karunungan at edukasyon.” Kabanata 9: Mga Suliranin Tungkol sa Bayan “Nakatakdang kuhanin ni Maria Clara ang kanyang kagamitan sa kumbento ng araw na iyon. Hinihintay na lamang siya ni Tiya Isabel sa karwahe upang tuluyan na silang makaalis ng siya namang...

Words: 1127 - Pages: 5

Free Essay

Teen Age Pregnancy

...4 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral  5 Depinisyon ng mga Terminolohiya  Kabanata II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA  Kabanata III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK 1 Disenyo ng Pananaliksik 2 Mga Respondente  3 Instrumentong Pampananaliksik  4 Tritment ng mga Datos  Kabanata IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Kabanata V LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON  1 Lagom  2 Kongklusyon  3 Rekomendasyon  A. Listahan ng mga Sanggunian B. ApendiksA Sarvey-Kwestyoneyr   KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO 1. Introduksyon Ang alawans ay maaaring ibigay ng mga magulang o kahit sino sa pamilya at ng gobyernosa mga mag-aaral na iskolar. Ang patuloy na pagtaas ng matrikula sa bawat taon ay isa sa mgasuliranin. Ang ekonomiya ng Pilipinas sa panahong ito ay nagbigay-daan din sa pagkakaroon ngpag-aaral sa alawans ng mga mag-aaral. Sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin,...

Words: 3594 - Pages: 15

Free Essay

Anytime

...ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO Renato Constantino (Malayang salin ni Luis Maria Martinez) Ang edukasyon ay isang mahalagang sandata ng isang bansang nagpupunyaging magtamo ng kalayaang pangkabuhayan at pampulitika at nagnanais na muling madalisay ang sariling kultura. Tayong mga Pilipino ay isang gayong bansa. Dahil dito, ang ating edukasyon ay dapat lumikha ng mga Pilipinong may pag-unawa sa saligang suliranin ng bayan at sa mga lunas sa mga suliraning ito. Dapat itong lumikha ng mga Pilipinong may sapat na malasakit sa bayan at may sapat na lakas ng loob na kumilos at magpakasakit para sa katubusan ng Inang Bayan. Makabayang Pagkilos sa Edukasyon Ilang taon na ang nakalipas sapul nang umalingawngaw ang mga makabayang kahilingan sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang mga makabayang kahilingang ito ay binigyang-linaw at ipinalaganap ng yumaong Claro M. Recto. Marubdob na isinulong ang mga kahilingang kilalanin ang kapangyarihan ng Pilipinas sa mga base-militar ng Estados Unidos sa ating bansa. Iginiit ang pagtutuwid ng mga tiwaling ugnayang pangkabuhayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos. Minsa’y nahamig ang suporta ng mga mangangalakal na Pilipino sa patakarang Pilipino Muna, at maraming iskolar at ekonomista ang nagmungkahing gawing kagyat na kahilingan ng bansa ang paglaya ng ating ekonomya. Nakita sa larangan ng sining ang mga palatandaan ng bagong pagpapahalaga sa ating kultura. Anubaga’t niririndi ng sanlaksang makabayang pagkilos ang iba’t ibang larangan...

Words: 17033 - Pages: 69

Free Essay

Retorika

...University of Perpetual Help Laguna Sto.Niño, Biñan, Laguna KOLEHIYO NG EDUKASYON Masining na Pagpapahayag sa Filipino (Retorika) Mga Komposisyong Popular Ipinasa ni : Romel P. Reyes BSSE-Math Ipinasa kay : G. Fernan Manzanero Propesor sa Filipino 3 Mga Komposisyong Popular Islogan Ang islogan ay isang kasabihan o motto ng isang kumpanya o ng mga aktibista na madali maalaala. Sa mga channel sa telebisyon, isa sa mga pangagailangan nila ay ang mag-taguyod ng isang islogan. Manifesto Manipesto ay isang pampublikong deklarasyon ng mga prinsipyo at intensyon, madalas pampulitika sa kalikasan. Manifestos kaugnayan sarelihiyosong paniniwala ay karaniwang tinutukoy bilang creeds . Manifestos ay maaari ring maging buhay tindig -ugnay. Komunistang rebolusyon o pagkawasak ng sangkatauhan Patay na ang komunismo! Mga manggagawa, wala nang dahilan pa na sikaping ibagsak ang kapitalismo, tinalo ng sistemang ito ang kanyang mortal na kaaway. Ito ang walang kataposang pabalik-balik na sinasabi ng burgesya, mula ng bumagsak ang bloke sa Silangan. Ngayon na duguan at maruming nagkawatak-watak na ang Stalinismo, ang burgesya ay muling naghain ng pinakamalaking kasinungalingan sa kasaysayan: na ang komunismo ay ang Stalinismo, ang kanyang mortal na kaaway at isa sa pinaka barbarikong porma ng pagsasamantala. Ang naghaharing uri sa bawat bansa ay namumursigeng kumbinsihin ang kanilang pinagsamantalahan na walang kabuluhan ang kanilang...

Words: 1896 - Pages: 8

Free Essay

Fuck You

...pagbibintangang pumatay sa isang lalaki. Mabibilanggo siya, ngunit makatatakas, kasama ang iba pang bilanggo, at magbabalik sa kaniyang lalawigan. Ang pangkat ni Lino ang magsisilbing tagapagtanggol ng naaaping magsasaka. Sasapi rin siya sa pangkat ni Don Tito, na isang makapangyarihang panginoong maylupa. Magwawakas ang nobela sa bakbakan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan. Pagkaraan, maihahayag na walang sala si Lino na taliwas sa paratang na siya'y mamamatay-tao. Pagpapahalaga Ang panalangin ay mabisang paraan sa matapos ang giyera o ano mang hindi pagkakaunawaan sa panig ng dalawang taong nagtatalo. Sa lahat ng problema o sitwasyon ay mayroong solusyon. Kahit gaano pa man ito kahirap mayroon pa ring pag-asa at mga taong may mabubuting loob na tutulong. Hindi kailangan na ang buhay dito sa mundo ay hindi pantay. May mga mayayaman, may mga mahihirap. Ngunit ang pagsubok ng buhay ay walang pinipili, kahit sino ka man presidente ka man ng bansa o ordinaryong tagapagbenta ng popcorn sa daan   Hindi pwedeng wala kang pagdaanang pagsubok sa buhay kaya isa-isip natin na normal lang ang mga ganitong bagay sa mundong ating ginagalawan. Nararapat...

Words: 3453 - Pages: 14

Free Essay

Study Habits

...sa mga pangunahing institusyon ng pagsasalin ng kultura sa mga henerasyon na bumubuo ng bawat lipuna Apperception Theory- ang mga ideyang lumilitaw sa ganitong uri ng pag-iisp ay hindi galing sa pandama o pakiramdam kundi mula sa pagmumuni-muni o paglilimi ng isang tao sa kanyang isipan. Dalawang antas ng “Apperception Theory”: 1. Percept- ipinapakita ang mga huwaran na nasa anyo ng akdang pasulat. 2. Concept-pinagyayaman ang kahulugan at ang nilalaman ng wikang ginagamit. KATUTURAN NG PANITIKAN: *Ayon sa Bagong Pangkolehiyong Diksyunaryo ni Webster-ang panitkan ay ang kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o nilimbag sa iasng tanging wika ng mga tao; ang mga naisatitik na pagpapahayag na may kaugnayan sa iba’t-ibang paksa; o anumang bungang-isip na naisatitik. *Ayon kay Bro. Azarias sa kanyang Pilosopiya ng Literatura-ito ay ang pagpapahayag ng mga damdamin tungkol sa ibat’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay,sa pamahalaan, sa lipunan at kaugnayan ng kaluluwa sa Dakilang Limikha. *Ayon naman kina Paz Nicasio at Federico Sebastian- ang panitikan ay kabuuan ng mga karansan ng isang bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin,kaisipan at pangnarap ng isang lahi na ipinahahyag sa mga piling salita; sa isang maganda at makasining na paraan, nakasulat man o hindi. Mga layunin sa Pag-aaral ng Panitikan 1. Maipakilala sa mga mag-aaral ang iba’t ianbang uri ng panitikan mula sa panahon bago dumating ang mga Kastila gangggang sa kasalukuyan. 2. Mapalalim...

Words: 2232 - Pages: 9

Free Essay

Aborsyon

... noon bilang lalaki kung manliligaw kakailangan mo munang magpaalam sa mga magulang ng babae bago kamanligaw. Sa usaping responsibilidad bilang lalaki o ama, responsibilidad mo bilang haligi ng tahanan ang maayos at matiwasay na pamumuhay, at responsibilidad naman ng babae, bilang ina o ilaw ng tahanan napanatilihing maayos ang tahanan, asikasuhin ang mga anak at angkanyang asawa. Hindi na pinaguusapan noon kung ilang anak ang nais magkaroon ng mag-asawa, kung gaano karami o sapat na ang dalawa,sabi kasi noon ng mga matatanda “kayamanan ang madaming anak”.Noon hindi isyu kung may makakain ang mga anak sa hapag kainan, o may edukasyon bang matatanggap ang anak paglaki nito, kungsusumahin walang pinagkaiba noon ang responsibilidad ng mgaMAGULANG ukol sa pag-aasawa at pag papamilya hanggang sa ngayon,ang pinagkaibahan lang iginigiit na ngayon ang “PAGKAKAROON NG ANAK NA SAPAT SA KAPASIDAD NG MAGASAWA”, pinapalawig na  din angkaalaman ukol sa tamang pagpapamilya yung sapat lang at kayang hawakan ng mag-asawa. Sawasto at maayos na pagpapamilya din masasabi mas makakabawas ng gastusin sa bawat pamilyang Pilipino. Taon-taon madaming babae ang namamatay dahil sa aborsyon o pagpapalaglag. Sa kasaysayan ng Pilipinas na binibigyang diin na pinagbabawal ang aborsyon sa Pilipinas anomang paraan, at maarin din itong tinutulan ng simbahan.   Sa tamang pag-aasawa, tamang pagpaplano, at tamang kaalamanmaari itong magbigay ng sapat o higit pang benepisyo para sa asawa,anak at ng bansang kinabibilangan. Ang RH bill ay ginawa...

Words: 2298 - Pages: 10

Free Essay

Mga Pangulo Ng Ikatlong Republika Ng Pilipinas

...------------------------------------------------- Mga Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas ------------------------------------------------- Manuel Roxas Si Manuel Acuña Roxas (1 Enero 1892 – 15 Abril 1948) ay isang politiko sa Pilipinas. Siya ay ang ikalimang Pangulo ng Republika ng Pilipinas(28 Mayo 1946 – 15 Abril 1948). Isinilang si Roxas noong 1 Enero 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay,ng lalawigang Capiz ngayon ay lalawigang Roxas. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuna ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines)noong 1912 at naging topnatcher sa Bar. Nag-umpisa siya sa politika bilang piskal panlalawigan. Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging speaker. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National Assembly, nagsilbi (1938–1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang...

Words: 3009 - Pages: 13

Free Essay

No One

...mgahain | | |ng apela sa Espanya upang bigyan ng pagkilala ang mga karapatan ng mga Pilipino. Kanyang pinanindigan na ang pag-unlad ng moral| | |na dignidad ng mga Pilipino ay ang paangunahing sangkap sa pagtaguyod ng ilang pangunahing reporma at sa pagkilala ng kanilang | | |karapatan, ito'y paawang hinihiling sa pamahalaan ng Espanya. Ang konsepto ni Rizal ng "tao" at "lipunan" ay ginagabayan ng | | |tatlong pangkabuuang prinsipyo. Una, ang tao by nature ay nagtataglay ng natatanging intelektwal at moral na kakayahan. | | |Ikalawa, ang mga kakayahang ito ay may natural na agos tungo sa pag-unlad, pag-unlad na sa pagkakahulugan ay kabuuang pag-unlad| | |o perpeksyon ng intelektwal at moral na bahagi ng tao. Ikatlo, anumang pagsubok na pigilin ang kakayahan ng tao o ng natural na| | |pag-unlad ay ikakasirang moral ng tao. Dito, naniniwala si Rizal na mayroong malalim na halaga ang tao na dapat pabayaang hindi| | |mapagsamantalahan at hayaang umunlad....

Words: 6956 - Pages: 28

Free Essay

Case Analysis Outline

...Gumising!—2005 http://wol.jw.org/en/wol/d/r27/lp-tg/102005482 Limang Paraan Upang Makahanap ng Trabaho SINO ang nakakakuha ng pinakamagandang trabaho? Lagi bang ang pinakakuwalipikadong aplikante? “Hindi,” ang sabi ni Brian, isang konsultant sa paghahanap ng trabaho. “Ang trabaho ay karaniwan nang ibinibigay sa pinakamahusay maghanap ng trabaho.” Ano ang magagawa mo upang maging mas mahusay kang maghanap ng trabaho? Isaalang-alang natin ang limang mungkahi. Maging Organisado Kung nawalan ka ng magandang trabaho o matagal-tagal ka na ring walang trabaho, madali kang masiraan ng loob. “Nang una akong mawalan ng trabaho, tiwala akong makahahanap ako ng iba,” ang sabi ni Katharina, isang modista sa Alemanya. “Pero habang unti-unting lumilipas ang mga buwan at hindi pa rin ako nakahahanap ng trabaho, nanlumo ako. Nang maglaon, nahihirapan na akong ipakipag-usap ang bagay na ito sa aking mga kaibigan.” Paano mo malalabanan ang pagkadama ng kawalang-pag-asa? “Mahalagang gumawa ka ng sarili mong iskedyul na para bang isa itong regular na ‘araw ng trabaho’ upang mapasimulan mo ang araw na nalalaman kung ano ang kailangan mong gawin,” ang mungkahi ng aklat na Get a Job in 30 Days or Less. Iminumungkahi ng mga awtor na “magtakda [ka] ng pang-araw-araw na mga tunguhin at itala ang iyong nagawa.” Bukod diyan, sinasabi nila na “sa bawat araw ay dapat kang magbihis na parang papasok ka sa trabaho.” Bakit? “Dahil kung nakabihis ka nang wasto, magkakaroon ka ng higit na kumpiyansa kahit...

Words: 3649 - Pages: 15

Free Essay

Ikalawang Yugto Ng Imperyalismo

...Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon ► Imperyalismo -ang dominasyon ng isang bansa sa political,ekonomiya, at kultura ng isa pang bansa -isang patakaran o paraan ng pamamahala kung saan ang malaki o makapangyarihang bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop, paggalugad o pagkontrol sa pangkabuhayan at pampulitikal ng ibang mga bansa. ► Kolonisasyon -ang pagtatag ng permanenteng paninirahan sa mga dayuhang lupain. -tumutukoy sa pagtatamo ng mga lupain upang matugunan ang layuning pangkomersiyal at panrelihiyon ng isang bansa. Mga Dahilan ng Imperyalismo Mga salik ang naging dahilan ng Imperyalismo : ► Pangkabuhayang Interest (GOLD) ► Layuning Pananampalataya (GOD) ► Politikal at Militar na Interest (GLORY) ► Pangkabuhayang Interest (GOLD) PANGKABUHAYANG INTEREST Mga Salik sa Pangkabuhayang Interest: ► Nangangailangan ng Daungan para sa kanilang mga suplay. ► Pagkakaroon ng bagong pamilihan. ► Makuha ang mga yamang likas ng ibang bansa. ► Magkaroon ng mga bagong lupaing siyang paglalagakan ng sobrang pondo. Mga Produktong makukuha sa mga Bansa sa Asya ► Langis Bulak ► Petroleum Uling ► Tsaa Manganese ► Kape Tubo ► Asukal Rubber/Goma Pamumuhunan ► Kumpara sa unang yugto ng Imperyalismo na Merkantilismo...

Words: 2366 - Pages: 10

Free Essay

The Not so Final

...ng Lungsod ng Maynila (University of the City of Manila) Intramuros, Maynila COLLEGE OF ACCOUNTANY AND FINANCE SI RIZAL BILANG KRITIKO NANG PAMAHALAANG KASTILA AT SALAMIN NG OPOSISYON NG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON Bilang bahagi ng pangangailangan sa ANG BUHAY AT MGA SINULAT NI DR. JOSE RIZAL Bachelor of Science in Business Administration Major in Finance & Treasury Management Ipinasa ni: Bernardo, Maria Paula Dañas, Janine Alyssa Fernando, Luisa Faye Formoso, Fate Celynne Pili, Sarah Mae Salonga Jovie Lyn Ipinasa kay: Propesor Santiago Pebrero 15, 2016 I.INTRODUKSYON Naging biktima ang Pilipinas sa malupit at mapang-abusong pamamalakad at pananakop ng mga kastila. Marami sa ating mga kababayan o ninuno ang nakaranas ng paghihirap at pagmamalupit sa ilalim ng kanilang pamumuno. Naging magulo ang pulitika ng mga kastila mula pa sa maligalig na paghahari ni King Ferdinand VII (1808-1833). Apektado ang ating bansa dahil papalit-palit ng mga nanunungkulang mga gobernador heneral at pabago-bago ang mga kailangang sundan na patakaran. Hindi makatarungan, malupit, madadaya at korupt ang mga opisyales na ipinapadala ng Espanya sa Pilipinas. Na lanmang ni heneral Rafael de Izquierdo, na gumalit sa mga pilipino noong ipapatay niya kahit inosente ang tatlong pari na sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Nawalang ng karapatan ang mga pilipino at ang batas daw ay para sa mga puting espanyol lamang. Ilan lamang iyan sa maga bagay...

Words: 3782 - Pages: 16