Free Essay

Efan

In:

Submitted By cutefairy09
Words 2578
Pages 11
Ang Apat(4) na ito ay karaniwang mapapansin sa pang araw-araw na buhay. Ito ay ang mga sumusunod:
a. Dyad Communication: ito ay uri ng komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao lamang. Mainam na halimbawa nito ay ang one-on-one interview.
Group Communication: Ang uring ito ay nagaganap sa pagitan ng tatlo o higit pang tao. Karaniwan nitong halimbawa ay ang mga group therapy sessions at group discussions.
Public Speaking: Ito ay ang pagbibigay ng talumpati sa harap ng madla. Maari itong maiuri sa dalawa:
Extemporaneous Speech Talumpating may kopya (): Ito ay ang pagbibigay ng talumpati kung saan handa ang tagapagsalita sa kaniyang sasabihin. Maaring may kopya ng talumpati ang tagapagsalita at binabasa na lamang ito sa harap ng madla, o kaya ay nakapagsaliksik na ito tungkol sa paksa at gumawa na lamang ng mental note. Karaniwan itong masasaksihan sa mga pormal na pagtitipon katulad ng seminar, lectures, at convocations.
Impromptu Speech (Talumpating Di-Handa): Sa uring ito, walang kopyang binabasa ang tagapagsalita habang inuusal nito ang kaniyang talumpati. Karaniwan ay hindi alam ng tagapagsalita ang eksaktong paksa hanggang sa mismong oras ng pagbibigay niya ng talumpati.
Pangmadlang Komunikasyon (Mass Communication): Naiiba ang uring ito dahil sa extent at magnitude ng kaya nitong maabot. Sa apat na uri ng komunikasyon, ito ang may pinakamaraming audience o tagatanggap ng mensahe. Karaniwan nitong halimbawa ay ang TV, print, at radio.
Kahalagahan ng Komunikasyon Ang komunikasyon ay isang paraan upang tayo ay magkaunawaan. Isa ito sa pinakamahalagang sangkap ng pagkakaintindihan sa isang lipunan. Dito naipapahayag natin ang ating mga saloobin ukol sa ating mga nakikita at nararamdaman. Ang komunikasyon ay nagpapanatili ng kapayapaan sa isang lipunan. Ang lipunang kulang sa komunikasyon ay kadalasang nagkakagulo at hindi nagkakaintindihan * DI-Berbal na Komunikasyon
DI-BERBAL - hindi ito gumagamit ng salitang bagkus naipapakita ang mensaheng nais iparating sa kausap sa pamamagitan ng kilos o galaw ng katawan.
Hindi laging berbal ang komunikasyon, hindi laging pasalita o pasulat. Madalas rin tayong gumamit ng mga di-berbal na anyo ng komunikasyon. Halimbawa, Kapag nahuli ng isang ina ang kanyang anak, hindi maililihim ng bata ang kanyang kasalanan sa kanyang mukha, mata, kilos ng katawan at kumpas ng mga kamay sa kabila ng kanyang matigas na pagtanggi.

Mahalaga ang Di-berbal na Komunikasyon sapagkat : * Inilalantad nito ang kalagayang emosyunal ng isang tao. * nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe, at * pinananatili nito ang interaksyong resiprokal ng tagapagdala at tatanggap ng mensahe.

Ang komunikasyong di-verbal ay tumutugon sa mga kabatirang dalang tagapaghatid sa tagatanggap nang walang ginagamit na mga salita.Magkakaiba ang mga di-verbal na signal ng mga kultura tulad ng pagkakaibang mga wika sa isa’t isa. Samantala, dahil sa kahalahan sa komunikasyon ngmga simbolong di-sinasabi, hindi maitatanggi na kulang ang kabatiran saisang wika kung hindi kabilang ang sistemang di-verbal ng kultura ng wikangito.Ilan sa mga kahalagahang dulot ng komunikasyong di-verbal ay mgasumusunod:
1.Inilalarawan nito ang kalagayang emosyunal ng tao.
2.Ginagawa nitong higit na malinaw ang kahulugan ng isang mensahe
3.Pinapalawak nito ang ating pag-unawa sa komunikasyon bilang isangprosesong saykolojikal 4.Pinananatili nito ang iteraksyong resiprokal ng tagapagpapadala attagatanggap ng mensahe.May iba’t ibang anyo ng komunikasyong di-verbal. Ang mga ito ay maaring makitasa mga sumusunod:

1.Oras (Chronemics) –
Mahalaga ang oras. Ito ay isang bagay na kulang samaraming tao. Ang paggamit ng oras, kung gayun ay maaaring kaakibatanng mensahe. Halimbawa, ang pagdating nang huli sa sang job interview aymaaaring i-interpret na kakulangan sa disiplina. Samantala, ang pagdatingnman nang maaga sa isang salu-salo ay maaaring makainsulto samgabibigay ng salu-salo dahil maaari niya iyong ikataranta sa paghahanda.Ang pagtawag sa telefono sa medaling-araw ay malamang na ikagalit ngibang tao. Maaari niyang ipalagay iyong sinasadyang pang-iistorbo sakanyang pagpapahinga at kung gayo’y isang kabastusan. Ngunit maaari rinnaman niya iyong ipalagay na isang matindihing pangangailangan o isangemergency.

2.Espasyo (Proxemics)
Maaring may kahulugan din ang espasyong inilalagaynatin sa pagitan ng ating sarili at ng ibang tao. Ano ang iyong iisipin kungang kaharap mo sa jeep na iyong sinasakyan ay halos magkapalitan na angmukha, ika nga, sa kabila ng kaluwagan ng sasakyan? Paano ka makipag-usap sa iyong kasintahan? Gaano ang layo ninyo sa isa’t isa kadalasan?Gayon din ba ang layo mo kapag ika’y nakikipag-usap sa isang kaibigan, oisang di-kakilala o isang pangkat ng tagapakinig kapag ika’y nagtatalumpati?Hindi, di ba? May iba’t ibang uri ng proxemic distance tayong ginagawa saiba’t ibang pagkakataon at ang distansyang ito ay maaaring mangahulugang,

3.Katawan (Kinesics)
Maraming sinasabi an gating katawan, minsan pa nga’yhigit pa sa mga tunog na lumalabas sa ating bibig. Kaya nga may tinatawagsa Ingles na body language.
Ito ay maaaring makita sa ating mga mata.Anu-anp ang posibleng kahulugan ng mapupungay na mata, namumugtongmata, umiiwas na tingin at papikit na mga mata?Hindi rin maitatago ang ating damdamin at tunay na intension sa atingmukha. Sa mukha maaaring makita kung ang isang tao ay Masaya, umiibig,malungkot, nag-aalala, natatakot, may suliranin, nahihirapan, galit o dikaya’y nag-iisip Ang ating pananamit at kaanyuan ay maaaring may mensahe rin. Ano angiyong iisipin kung may makita kang babaeng napakaikli ng palda at halos lumabasna ang dibdib? Ano ang iyong iisipin sa isang taong patpatin ang pangangatawan athalos kuba na kung maglakad?Ang ating tindig at kilos ay maaari ring magsalita para sa atin. Kapagnakakakita tayo ng isang lalaking tuwid na tuwid at matikas ang tindig, ano angagad na inaakala natin sa kanya? Kung sa lobby ng isang ospital ay may makitakang isang lalaing paroo’t parito, ano ang ipapalagay mo sa kanya?Ang kumpas ng kamay ay isa ring mayamang pinanggalingan ngmensaheng di-verbal. Maaaring ang kumpad ay regulative katulad ng kumpas ng pulis sa pagpapahinto ng mga sasakyan sa daan o kumpas ng isang guro sapagpapatahimik ng mga bata. Mayroon din tayong mga tinatawag na descriptive nakumpas na maaaring maglarawan ng laki, haba, layo, taas at hugis ng isang bagay.Ang mga kumpas naman na nagpapahiwatig ng damdamin tulad ng paghampas ngkamay sa mesa, sabay na pagtaas ng dalwang kamay, pagkuyom ng mga palad atpakikipagkamay ay tinatawag na mga kupas na empathic. 4.Pandama (Hoptics)
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch sapagpapahatid ng mensahe. Sa ating wika, may iba’t iba tayong tawag saparaan ng paghawak ng ibang tao o bagay at bawat paraan ay may kanya-kanyang kahulugan. Ilarawan ang mga sumusunod at tukuyin ang posiblengkahulugan ng bawat isa: hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos athipo. 5.Simbolo (Iconics)
Sa ating pagligid ay marami kang makikitang simbolo o icons na may malinaw na mensahe. Sa pintuan ng mga palikuran, anongsimbolo ang nagpapahiwatig na ang isa ay pambabae at ang isa ay panlalaki? Paano sinisimbolo na bawal manigarilyo sa isang lugar? Anong simbolo angmakikita sa mga lugar na para sa mga may kapansanan? Anong simbolo angmakikita sa botelya ng lason o reseta ng mga doctor, o sa tanggapan ng mgahusgado? Sa mga kalsada o daan, anu-anong mga simbolong panlansangang iyong makikita?

6.Kulay
Ang kulay maaari ring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.Ano ang ipinahihiwatig ng damit na itim? Ng bandilang pula? Ng taling dilawsa noo? Sa mga intesekyon ng daan, ano ang ibig sabihin ng ilaw na dilaw,berde at pula?

7.Paralanguage
Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng isang salita. Ang salitang oo , halimbawa, ay maaring mangahulugan ng pagsuko, pagsang-ayon, galit sa kawalan ng interes o paghamon, depende kung paano iyongbinigkas. Nakapaloob din ditto ang pagbibigay- diin sa mga salita, bilis ngpagbigkas, paghinto sa loob ng pangungusap, lakas ng boses at tginting ngtinig. Ang mga ito ay maaaring magpabagu-bago sa kahulugan kahit ng isangsalita lamang. Halimbawa, subukan mong bigkasin ng tunoh na oh sa iba’tibang paraan. Ano ang posibleng kahulugan ng bawat paraan mo ngpagbigkas ng tunog na iyon?

Mga Mabisang Panuntunan ng Komunikasyon
-pakikipagtalastasan, hindi natin maitatanggi na mayroon at mayroong mangyayaring hindi pagkakaintindihan. Ang di pagkakaintindihan na ito ay maaring humantong sa away, gulo, o di kaya’y pagkasira ng magandang relasyon natin sa ating kapwa. Ito ay maiiwasan kung isasaalang-alang natinang mga sumusunod na panuntunan para sa mabisang pakikipagkomunikasyon.. TIYAK NA LAYUNIN- Kinakailangang mayroong malinaw na dahilan at tiyak na tunguhin ang komyunikeytor sakanyang pakikipagkomyunikasyon. INILALAAN SA TIYAK NA TAGAPAKINIG O MANONOOD- Maaaring isang tao, o di kaya’y marami. Ang taga-pakinig ay nauuri sa kanilang edad, pinag-aralan, hanapbuhay, o kalagayang sosyal
Ang mga taong ito ay may kanya-kanyang gawi, paniniwala, at interes na dapat pag-ukulanng pansin. NAKAHANDA SA HAHARAPING SAGABAL- Dapat paghandaan ang mga darating na sagabal, katulad na lamang ng mga katanungan

ITO’Y BUO O GANAP AT TUWID
- Hindi kailangang paligoy-ligoy upang maikintal sa kanilang isipan ang talagang mensahengnais ipaabot. DAPAT NA MALIWANAG AT MAKAHULUGAN- -Kailangang maisama ng taga-pahatid ang lahat ng mahalagang mensahe nang walangpaligoy-ligoy. PERSONAL AT PORMAL Ang mabuting pakikipagtalastasan ay maisasaayos kung ang komyunikeytor ay nasa ayos. MAGING MAPARAAN AT MATAKTIKA-
- Paghandaan kung papaano sisimulan ang sasabihin upang hindi matanggihan o matutulanng kausap. -Alamin ang paniniwala ng kausap at maging tapat sa iyong sarili upang maka-akit ng tiwalamula sa mga tagapakinig. IANGKOP O IBAGAY ANG MGA SALITA NA GAGAMITIN SA KAUSAP-
- Ang mga salitang gagamitin sa pakikipagtalastasan ay dapat inaayon sa taong kinakausap.
- Ang maaring basehan dito ay ang edad, at estado sa buhay ng taong kausap.

Antas ng Komunikasyon a. Tipo ng komunikasyonang komunikasyon ay di lang bahagi ng ating buhay, kundi sa kabuuann gating pakikipamuhay bilang tao. Sa katunayan, ang komunikasyon ay nagsisimula kung saannagsisimula ang buhay. b. Sinasaklaw nito ang ibat ibang uri o tipo ng prosesong pangkomunikasyon. May roon itong tatlong(3) uri:
:1. Komunikasyong intrapersonalito tumutukoy sa komunikasyong pansarili. Sangkot ditto ang pag-iisip, pag-alalaat pagdama,mga prosesong nagaganap sa internal nating katauhan
.2. Komunikasyong interpersonalIto naman ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawang tao;sa pagitanng isang tao at maliit na pangkat.ang uring komunikasyong ito ang humuhubog ng atingugnayan o relasyon s ating kapwa
3. Komunikasyong pampublikoIto naman ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isang malaking pangkatng mga tao. Ang komunikasyon sa pamamagitan ng mga midyang pang masa tulad ng telebisyon,radio,pahayagan at pelikula ay nasa ilalim din ng uring ito.
b. Antas ng komunikasyon Mayroong apat(4) na antas ang komunikasyon:
1. Komunikasyon na pang masaIto ang antas ng komunikasyong gamit ang mass media bilang midyum ng ugnayan,halimbawa nito ay ang pakikinig ng radio, panonood ng telebisyon at pagbabasa ng pahayagan upangmakakuha ng impormasyon at makapaginterak sa mga komentaryo at balita.
2. Komunikasyon sa maliit na grupo at organisasyonNaglalayong maging maayos ang pamamahala sa isang organisasyon. Marami kangmakakausap sa ganitong antas ng komunikasyon. Makapagpapaunlad ng mga bagong ideya atmakapagbabahagi ka ng mga karanasan at kaalaman.
3. Komunikasyong interculturalIsa sa mga mabisang paraan upang maipakilala ang kultura ng ibang lahi at kung paanomakapamuhay sa kanilang magkakaibang kaasalan, kaugalian, mga papel na dapat gampananat mga alituntuning dapat sundin
4. Komunikasyong pangkaunlaranNaglalayong mapabilis ang pag-unlad at pagsulong ng isang bansa. Dito pinag-uusapan angmagandang proyekto ng mga bansa kung paano sila magtutulung-tulong sa isat isa
Sangkap ng Komunikasyon 1. Konteksto - Ito ay tumutukoy sa mga kalagayan kung saan nagaganap ang komunikasyon.

Ang konteksto ay may limang dimension:

1.1 Kontekstong Fisikal - tumutukoy ito sa kondisyong pangkaligiran na gaya ng temperature, liwanag, Level ng ingay gayundin ang oras ang layo o pagitan ng mga nag-uusap, at ang posisyon ng kanilang pagkakatayo o pagkakaupo.
1.2 Kontekstong Sosyal - tumutukoy ito sa uri ng relasyong namamagitan sa mga kalahok sa komunikasyon.
1.3 Kontekstong Historikal - nagpapakita ito ng ugnayan ng magkakasunod na episodo ng komunikasyon sausapan ng mga kalahok. & maaaring magkaroon ng tuwiran o di-tuwirang impluwensya ang naunang usapan samga susunod na usapan.
1.4 Kontekstong Sikolohikal - tumutukoy ito sa kalagayang emosyonal at damdaming nasasaloob ng mga taong kalahok sa komunikasyon.
1.5 Kontekstong Kultural - tumutukoy ito sa paniniwala! Buhay na kinalakhan kagawian pagpapahalaga at mga huwarang pinanaligan ng isang pangkat ng tao.

2. Partisipants - Ito ang mga taong kalahok sa komunikasyon at umaaktong tagahatid at tagatanggap ngimpormasyon.&ensahe - tumutukoy ito sa pinag-uusapan at ideyang isinalin sa pamamagitan ng paglalapat ng wika at galaw
.3.Tsanel & Midyum - Ito ay rutang dinaraanan ng mensahe.'. 4.Fidbak - Ito ang tugon ng tagatanggap sa mensaheng inihatid ng nagpasimula ng komunikasyon

Anim na Batayang Sangkap ng Komunikasyon 1. Ang Nagpapadala ng Mensahe
- Tumutukoy sa tao o pangkat ng taong pinagmulan ng mensahe.
2. Ang Mensahe
- May dalawang aspeto: a.) Mensaheng pangnilalaman o panglinggwistika b.) Mensaheng relasyunal o mensaheng di-berbal.
3. Ang Daluyan ng Mensahe
- May dalawang kategorya ng mga daluyan ng mensahe. Ang una ay daluyang sensori o tuwirang paggamit ng paningin, pandinig, pangamoy, panlasa at pandama. Ang ikalawa naman ay ang daluyang institusyonal (hal.: pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng sulat, telegrama, telepono, e-mail, fax machine, cellphone, atbp.)
4. Ang tagatanggap ng Mensahe
- Ang tagapagbigay-pakahulugan sa mensaheng kanyang natanggap. (decoder)
5. Ang Tugon o Feedback
- Ito ay nauuri sa tatlo: a.) Tuwirang tugon b.) Di-tuwirang tugon c.) Naantalang tugon.
6. Mga Potensyal na Sagabal sa Komunikasyon
- communication noise or filter. Proseso ng Komunikasyon
PAHIWATIG

DI-INTENSYONAL
INTENSYONAL

KUNG HINDI MALAY O HINDI LAYUNIN
DIREKTANG PAGPAPAHAYAG

Tagapagdala/ Pinanggagalingan-
-pinagmulan ng mensahe,maaring isang tao, isang institusyon o kaya’y isang organisasyon * Midyum/ Tsanel ginagamit paramaipadala ang mensahe; makabagonginstrumento; salita, galaw o kilos,ekspresyonng mukha * Puna 2 sistema Katugunan atKasagutan

* Tagatanggap - taong pinadalhan ngmensahe; makikilala at mauunawaan angipinahihiwatig

Ingay -Sagabal sa pagpapadala ngmensahe
Nagmumula ang mensahe sa nagpapadala. Daraan ito sa proseso ng pag-iisip ng ideya upang magkaroon ng mensahe na maihahatid sa tumatanggap. Maaaring makaapekto sa nagpapadala ang kasanayang pangkomunikasyon, ugali, kapaligiran at kultura.
Ang tumatanggap ng mensahe ay kinakailangang tumugon dito. Layunin ng komunikasyon na maihatid o mapaabot ang mensahe sa pinagtutungkulan nito.
Masusukat ang kahusayan ng komunikasyon sa pamamagitan ng tugon o fidbak. Sa pagdadala ng mensahe, maaaring gumamit ng kasangkapan sa paghahatid tulad ng wika , kilos at galaw.
Ang proseso ay mauulit at ang tumanggap ay magiging tagapagpadala na ng mensahe.

Modelo ng Komunikasyon ang mga ibat ibang modelo ng komunikasyon ay:
MODELO ni aristole -1-pagtuklas- ng kaalamang lohikal, emosyunal o etikal; 2-pagsasaayos-ng mga kaalaman sa paraang istratehikal; 3-pagbibihis-ng mga ideya sa paraang malinaw sa salita o pahayag; 4-paghahatid-ng mensahe mula sa pinanggalingan tungo sa tagatanggap

MODELO ni Schramm -Sa modelo ni Schramm, ipinahiwatig na bawat taong sangkot sa isang sitwasyong pangkomunikasyon ay may kanikanilang field of experience na maaaring makaapekto sa bisa ng komunikasyon.Samakatuwid, the more the sender and the receiver share a common field of experince the better or the more tendencyfor their communication to be effective.

MODELO ni shannon,at weaver -Ipinahihiwatig dito na ang bisa ng isang aktong pangkomunikasyon ay nakasalalay sa wastong kalkulasyon ng mga salik na nakakaapekto rito tulad ng transmitter, channel, receiver, at noise.

MODELO ni Berlo -Linear ang paglalarawan sa proseso ng komunikasyon sa modelong ito.Binibigyang diin dito na ang direksyon ng proseso mula sa pinanggalingan (S) tungo sa tagatanggap (R). Ipinahihiwatig din dito na ang mensahe ay nakadepende sa enkowding at dekowding nito.
Elemento ng Komunikasyon
Pinanggagalinganng mensahe Saan nanggagaling ang impormasyon?
Mensahe Produktong pagsasagisag a. Mensaheng nilalaman o panglingwistika b. Mensaheng relasyonal o mensaheng di-verbal

TSANEL Daluyan-sensori; daluyang institusyonal

TAGATANGGAP PAG-UNAWA TUGON O FIDBAK Positiv o negative Uri – Ttuwirang tugon; ditwirang tugon Naantalang tugon Sagabal INGAY / SAGABAL A.Semantikang Sagabal – di tiyak ang dahilan b. Fisikal na Sagabal – distraksyongvisawal * suliraning teknikal c. Fisiolojikal na sagabal – kapansanan, pagkakasakit d.Saykolojikal – biases, prejudices, pagkakaiba-iba

Similar Documents

Premium Essay

Interantionalization

...Internationalisation and the Smaller Firm: A Review of Contemporary Empirical Research Author(s): Nicole E. Coviello and Andrew McAuley Reviewed work(s): Source: MIR: Management International Review, Vol. 39, No. 3 (1999 3rd Quarter), pp. 223-256 Published by: Springer Stable URL: http://www.jstor.org/stable/40835788 . Accessed: 19/01/2013 08:47 Your use of the JSTOR archive indicates your acceptance of the Terms & Conditions of Use, available at . http://www.jstor.org/page/info/about/policies/terms.jsp . JSTOR is a not-for-profit service that helps scholars, researchers, and students discover, use, and build upon a wide range of content in a trusted digital archive. We use information technology and tools to increase productivity and facilitate new forms of scholarship. For more information about JSTOR, please contact support@jstor.org. . Springer is collaborating with JSTOR to digitize, preserve and extend access to MIR: Management International Review. http://www.jstor.org This content downloaded on Sat, 19 Jan 2013 08:47:56 AM All use subject to JSTOR Terms and Conditions mir vol. 39, 1999/3, 223-256 pp. mir - ^^ · Management International Review © Gabler Verlag1999 Nicole Ε. Coviello/Andrew McAuley and the Smaller Firm: Internationalisation A Review of ContemporaryEmpirical Research1 Abstract ■ Thispaperreviews assessesrecent and research theinternationalon empirical inthecontext Foreign isation smaller of of ...

Words: 3245 - Pages: 13

Free Essay

Politics

...Trustees of Princeton University Now Out of Never: The Element of Surprise in the East European Revolution of 1989 Author(s): Timur Kuran Source: World Politics, Vol. 44, No. 1 (Oct., 1991), pp. 7-48 Published by: Cambridge University Press Stable URL: http://www.jstor.org/stable/2010422 . Accessed: 26/02/2011 05:24 Your use of the JSTOR archive indicates your acceptance of JSTOR's Terms and Conditions of Use, available at . http://www.jstor.org/page/info/about/policies/terms.jsp. JSTOR's Terms and Conditions of Use provides, in part, that unless you have obtained prior permission, you may not download an entire issue of a journal or multiple copies of articles, and you may use content in the JSTOR archive only for your personal, non-commercial use. Please contact the publisher regarding any further use of this work. Publisher contact information may be obtained at . http://www.jstor.org/action/showPublisher?publisherCode=cup. . Each copy of any part of a JSTOR transmission must contain the same copyright notice that appears on the screen or printed page of such transmission. JSTOR is a not-for-profit service that helps scholars, researchers, and students discover, use, and build upon a wide range of content in a trusted digital archive. We use information technology and tools to increase productivity and facilitate new forms of scholarship. For more information about JSTOR, please contact support@jstor.org. Cambridge University Press and Trustees of Princeton University...

Words: 15671 - Pages: 63