Free Essay

Elfili

In:

Submitted By ggggg22
Words 1163
Pages 5
Ang El Filibusterismo ay nobela ni Rizal na konektado sa kanyang unang libro na Noli Me Tangere. Mula sa Noli Me Tangere nasaksihan natin ang mga pangyayari na kung saan nagsimula ang lahat sa masasayang bagay at nagtapos sa malungkot na pangyayari. Tulad na lamang ng pagkamatay ni Elias na nagligtas sa buhay ni Crisostomo Ibarra at si Sisa, ang inang nangugulila sa kanyang mga anak sa loob ng mahabang panahon.Sa nobela ng Noli Me Tangere naipakita na sa ating mga mambabasa kung gaano kalupit ang mga namumuno sa atin noong unang panahon, Ipinakita ni Rizal sa atin na ang kasiyahan noong kanyang panahon ay saglitan lamang dahil sa kalupitan ng espanya, ang namuno sa ating bayan noon, Unang ipinapakita sa eksenang pagpapapatay sa amain ni Crisostomo Ibarra na si Don. Rafael Ibarra ang kalupitan ng pamahalaan at simbahan at ang huli naman ay ang pagmamalupit nila kay Crisostomo Ibarra na siyang dahilan kung bakit ito tumakas ng San Diego at magbagong buhay. Mula sa Europa ang Crisostomo Ibarra na ating nakilala ay bumuo ng bago nitong katauhan na kung saan ang mapagmahal at matulungin na binata ay naging isang malupit, mapusok at walang puso na mag aalahas na wala nang ibang hinagad kundi ang maipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang ama at ang pagpapahirap ng mga espanyol sa mga Pilipino. Ipinakita sa Nobela na ito na ang kabaitan at pasensya ng tao kapag nasagad ay may hangganan din, ‘masyado tayong minaliit ng mga taong tingin sa sarili ay may kaya’ yan ang bumalot sa puso’t isipan ni Ibarra kaya siya ay nagbalik ng Pilipinas galing ng Europa, upang maging katawan ng mga Pilipino at siya ang magsisilbing tagapagtanggol nila sa lahat. Kanyang ipinakita sa mga Espanyol na tayong mga Pilipino ay hindi dapat minamaltrato. Ipinakita sa atin ni Rizal ang ginawa niyang kabayanihan sa katauhan ni Simoun sa El Filibusterismo. Ang nobelang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Marciano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba. Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Septyembre 18, 1891. Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan. Sa introdaksyon ng nasabing nobela ay si Ferdinand Blumentritt ang nagsulat nito na nagpapabatid na ang nobelang ito ay mas masidhi keysa sa Noli ayon sa pampulitikang mga ideya ng nobela .
Nagsimula ang kwento ng El Filibusterismo sa muling pagbabalik ni Simoun sa Pilipinas, nang mabasa ko ang unang kabanata ng librong ito. Hindi ko lubos maisip na ang pagbabalik ng ating pangunahing karakter ay upang maghiganti dahil ayon sa deskripsyon sa unang kabanata, may isang mag-aalahas na nananahimik lamang sa gilid at nagmamasid masid sa mga tao sa kanyang paligid. Unti unti, habang lumilipas ang mga araw na akin itong nababasa unti unti kong nauunawaan ang mga sinasabi nilang maghihiganti si Simoun sa pamahalaan at prayle dahil sa sinapit ng kanyang mga mahal sa buhay. Gumamit siya ng mga instrumento upang gawin ang kilusan na kanyang pinaplano, Ginamit niya ang pamahalaan na siyang kanyang kinaibigan sa unang bahagi ng kwento, upang saktan ang damdamin ng kapwa Pilipino. Sa ginawa niyang iyon, ang mga Pilipinong inapi ay siyang papatay sa pamahalaan at Prayle pagdating ng tamang panahon. Una niya itong ginawa sa napakaamo at mapagmahal na ama na si Kabesang Tales na di naglaot ay nagging lider ng nasabing kilusan na kung saan si Crisostomo Ibaraa o Simoun ang nakatagong ulo at ama ng kilusan. Pangalawa niyang sinakop ang puso ng mga mag-aaral na siyang nagpasiklab sa puso ng bawat mag aaral na ang Espanya ay hindi tumutulong sa kanila upang sila ay makapag tapos ng paaralan datapwat sila pa mismo ang nangmamaliit sa kanila, lalong lalo na sa mag-aaral na si Basilio. Siya ang ginamit ni Simoun sa kanyang paghihiganti, gayun man at nagkakilala na sila sa labi ng ina niyang si Sisa at lingid sa kaalaman ni Basilio na si Simoun ang dahilan ng kanyang pagdudusa, nakulong ang binata sa loob ng maraming panahon, namatay ang pinakamamahal niyang kasintahan at hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral. Iyon ay dahil lahat sa kagagawan ni Simoun na lingid sa kanyang kaalaman. Nang mabasa ko ang ganitong sistema ng pamamaraan ni Simoun upang pasiklabin ang puso ng bawat Pilipinong kanyang gagamitin sa paghihimagsik, ako ay labis na kinilabutan. Hindi ko lubos isipin na ang isang tulad ni Simoun na dating kaybait na anak ng nasabing Don Rafael Ibarra ay kayang mag manipulado ng utak ng kanyang kapwa Pilipino. Nang itanong sa akin ng kapwa ko mag-aaral kung alin sa mga kabanata ang aking pinakanagustuhan wala akong ibang naisagot kundi ang salitang “LAHAT”. Nagustuhan ko lahat ng kabanata sa El Filibusterismo, hindi dahil sa ang librong ito ay naglalaman ng mga kilusang paghihiganti at akin itong gayahin sa sarili kong buhay kundi dahil naglalaman ito ng mga aral para sa ating mga estudayante na ang paghihiganti sa mga taong nang aapi sa atin ay walang patutunguhan. Nasaksihan natin ang aral na ito sa pinakahuling kabanata ng nobela, nang balakin ni Simoun na tumakas sa Pilipinas ay nabaril siya ng mga gwardiya sibil sa pagkakaalam nila ng malagim nitong sikreto, Nalaman ng lahat na siya ang ama ng nabuong kilusan na kung saan si Matanglawin ang nagsisilbing lider. Hindi nagtagumpay ang plano niyang ipaghiganti ang kanyang ama at si Maria Clara, bagkus siya pa ay pinatay at ipinatapon.
Naipakita sa librong ito ang mga aral na hindi natin lubos nakikita at naririnig araw-araw, Ang paghihiganti ay walang magandang maidudulot sa ating buhay. Maganda na’t tayo ay magpatawad sa mga nagkasala sa atin, hindi man sila magbago ay ang Diyos na ang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa kanila. Ang aral sa nobela na ito ay naaayon sa lahat, lalo na sa aming mga estudyante, kami ay nakakakita ang nakararanas madalas ng hinanakit sa kapwa at sa librong ito, mahaba haba man ay makakakalap naman tayo ng napakaraming aral na maaari nating ma-apply sa ating mga buhay. Si Gat Jose Rizal ay nagsulat ng isang napakagandang libro na punong puno ng aral para sa kanyang mga kababayan.

Similar Documents