Free Essay

Epekto Ng Mga Makabagong Teknolohiyang Ginagamit Samga Pasyenteng May Malalang Sakit

In:

Submitted By Yumika
Words 1944
Pages 8
EPEKTO NG MGA MAKABAGONG TEKNOLOHIYANG GINAGAMIT SAMGA PASYENTENG MAY MALALANG SAKIT

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino , ang pamanahong-papel na ito na pinamagatang “Epekto ng mga MakabagongTeknolohiyang Ginagamit sa mga Pasyenteng may Malalang Sakit´ ay inihanda at iniharap ng mag-aaral mula sa:

Tinatanggap ang Pamanahong Papel na ito sa ngalan ng Departamento ng Filipino, Governor Feliciano Leviste Memorial National High School sa bayan ng Lemery lungsod ng Batangas, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino.

TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA I, Ang Suliranin at Sanligan ng Pag-aaral * Panimula * Paglalahad ng Suliranin * Kahalagahan ng Pananaliksik * Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral * Paradigma ng Pag-aaral * Paglalahad ng Haypotesis * Depinisyon/Kahulugan ng mga Termino

KABANATA II, Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura * Lokal na Literatura * Dayuhang Literatua

KABANATA III, Metodolohiya at Paraan ng Pananaliksik * Paraan ng Pananaliksik * Mga Pokus ng Pag-aaral * Mga Instrumentong Pampananaliksik * Tritment ng mga Datos

Listahan ng mga Sanggunian

* Aklat * Journals * Internet

KABANATA I

Ang Suliranin at Sanligan ng Pag-aaral

Panimula

Ang teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Maraming karamdaman ang umiiral sa ating bansa, karaniwa’y aspetong pisikal ang apektado di kaya nama’y ang mga organ sa loob ng ating katawan. Nalalaman natin ang mga pinagmumulan nito, ang maaring lunas sa mga ito at kung paano ang tamang pangangalaga sa taong maysakit. Lingid sa ating kaalaman na napakalaki na ng naitulong ng mga makabagong teknolohiya sa larangan ng panggagamot. Sa paglipas ng panahon kapansin-pansin ang napakaramingpagbabago, lalo na sa larangan ng medisina. Makikita natin sa panahon ngayon ang mabilis na pagbabago ng mga teknolohiya na ginagamit sa panggagamot, mapapribado man opampublikong ospital. Dahil sa pagbabagong ito umunlad, gumaling, at bumuti ang kalagayan ng maraming pasyente. Marami na ring naisalbang buhay sa tulong ng mga ‘hightech´ na kagamitan sa panggagamot. Ngunit ang paggamit ng mga makabagong teknolohiyang ito para sa mga pasyente ay may katapat na malaking halaga. Oo nga’t masasabi nating mabisang paraan ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa panggagamot ngunit hindi lahat ay may sapat nakakayahang pampinansyal para matugunan ang tulad ng ganitong pangangailangan. Bagamat may kaakibat na napakalaking halaga, marami pa rin kung tutuusin ang mas gugustohing gumastos ng malaking halaga makasiguro lang na mapapabilis ang paggaling at makasisigurong gagaling ang kanilang mahal sa buhay, kaysanaman sa pagdepende sa iba pang alternatibong payo ng doctor na mas kakayanin nga naman bulsa ng pamilya, ngunit mapapatagal naman ang paghihirap nito nawala pang kasiguruhan kung tuluy-tuloy nang gagaling ang nasabing pasyente. Ngunit ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa panggagamot ay maramiring epekto sa mga pasyente, karamihan ay puro positibo dahil sa umunlad, gumaling, at bumuti ang kalagayan ng maraming pasyente, ngunit mayroon dingmga negatibong epekto ito. At ito ang tutuklasin ko bilang mananaliksik sa pagbuo ng pamanahunang papel na ito.
Paglalahad ng Suliranin

1. Ilang porsyento ng mga pasyente ang pabor na mas epektibong gumamit ng mga makabagong teknolohiya sa larangan ng panggagamot ?
2. Gaano kaepektibo ang mga makabagong teknolohiya sa panggagamot ng mga pasyenteng may malalang sakit?
3. Alin ang mas epektibong panggamot sa mga pasyenteng may malalang sakit?
Ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya o ang paggamit ng iba pang alternatibo?
4. Ano ang dahilan ng pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya sa larangan ng medisina?
5. Ilang porsyento ng mga pasyente ang mas pabor na magpagaling gamit ang mga makabagong teknolohiya? Ang alternatibong paraan ng panggagamot?

Kahalagahan ng Pananaliksik Naniniwala ang mga mananaliksik na malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito. Makatutulong ito sa iba pang mag-aaral at mananaliksik na palawakin pa ang kaalaman ukol sa nasabing paksa. Layunin din ng pagsasaliksik at pag-aaral ukol sa paksang tatalakayin na maibahagi ng mga mananaliksik ang kaalaman na bunga ng mausisang pananaliksik at pag-aaral ukol sa epekto ng makabagong teknolohiya sa larangan ng panggagamot. Nakatutulong din ito sa pag-aaral ng isang mag-aaral na nais makapagtapos ng isang kurso ukol sa pag-aaral sa mga sakit gaya ng medisina. Maaari itong maging gabay sa pagtahak ng ibang mananaliksik tungo sa pag-aaral nila ng mga paksang may kaugnay dito. Natatalakay dito ang mga positibo at negatibong epekto ng mga makabagong kagamitan sa pang-gagamot ng mga sakit. Ang pag-aaral o pananaliksik ukol sa paksang ito ay nagtataglay ng malaking kahalagahan at impormasyon sa larangan ng pang-gagamot. Naglalayon ito na matukoy ang mga epekto ng mga makabagon teknolohiyasa pang-gagamot ng mga pasyenteng may malalang sakit.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral sa pananaliksik na ito ay sumasaklaw ng ilang mga indibidwal na syang aking taga-tugon sa aming sarvey kwestyoneyr.. Mayroon akong dalawampu’t limang (25) pasyente, at dalawampu’t limang (25) nars, mula sa Lemery Doctors, sa kabuuang bilang ng limampung (50)respondente.

Paradigma ng Pag-aaral Sa pananaliksik na ito, ipinapakita ng figura 1 ang epekto ng mga makabagong teknolohiyang ginagamit sa panggagamot ng mga pasyenteng may malalang sakit.

Paradigma - Figura 1

Paglalahad ng Haypotesis Ang pag-aaral na ginawa sa pananaliksik na ito ay lubhang napakahalaga upang maunawaan at mas mapalawak pa ang ating kaalaman sa mga epekto ng mga makabagong teknolohiyang ginagamit sa panggagamot ng mga pasyente lalo na sa may malalang sakit. Bukod dito ay upang mapag-alaman natin ang mga negatibo at positibong dulot ng makabagong teknolohiyang ginagamit s mga pasyente, at upang maipakita ang malaking pakinabang ng teknolohiya sa larangan ng medisina at ang malaking pagkakaiba ng panggagamot na may tulong ng mga makabagong teknolohiya sa iba pang alternatibong hindi ginagamitan ng makabagong teknolohiya. Sa pag-aaral na ito mas mapapalawak ang kaalaman ko at mas lalaki pa ang pang-unawa sa larangan ng teknolohiyang ginagamit sa panggagamot.

Depinisyon/ Kahulugan ng mga Termino “High Tech” mga makabagong kagamitan. “Teknolohiya “
Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. “Pamanahong papel” isang pagsulat na awtput ng isang semestreng pag-aaral at pananaliksik ng isa o pangkat ng mga mag-aaral upang manaliksik. Ito ay tinatawag sa ingles na term paper. “Aspetong pisikal” panlabas na kaanyuan. “Organ” parte/bahagi ng katawan ng tao. “Mananaliksik” ang mga mag-aaral na nagsasagawa ng pananaliksik bilang isang pangangailangang pang-akademiko.

“Medisina”
Ang panggagamot o medisina ay sangay ng agham pang-kalusugan na tungkol sa panunumbalik at pag-papatuloy ng kalusugan at kagalingan. Sa isang malawak na kahulugan, ito ang agham sa pagiwas at pag-gamot sa mga sakit. Gayon man, kadalasang tumutukoy ito sa mga gawain ng mga manggagamot at siruhano. “Alternatibo”
Ang alinman sa mga posibilidad.

KABANATA II

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Lokal

Marami na ang magazines at pahayagan na naisulat sa pananaliksik ngaun at karamihan sa mga iyon ay upang makapagbigay kaalaman sa mga tao at maging sanggunian ng pananaliksik. Kadalasan, tinatalakay ang pananaliksik upang makapagbigay ng maaaring epekto at mas epektibong mga lunas sa isa o higit pang sakit, o sa madaling salita ay upang makapagbigay ng mga impormasyon sa tao. Mangilan-ngilan lamang ang mga akda at literatura na may sariling opinion ng mga taong may kaugnayan sa pananaliksik. Ayon sa aking pagri-research, ayon kay Christine F. Liwanag, isang senior vice president ng strategic marketing at corporate affairs sa St. Luke’s Medical Center sa Maynila, na ang mga Pilipino ay sadyang mapili pagdating sa kalidad, oras at kaginhawaan natatamasa sa isang ospital. Sila’y naghahanap din ng kalidad na pag-aalagang pang-kalusugan sa tulong ng mga taong may mataas na kaalaman at kakayahang pangmedikal, umaasa din sila sa maganda at abot-kayang serbisyo, mga pasilidad at magandang lokasyon ng isang ospital.

Dayuhan

Ayon kay Dr. Alvin Y.S. Chan, Co-Chairman ng Hong Kong’s HealthEducation Committee. Ang pagpapakonsulta ay sobrang mahalaga. At kung mayroon kang karamdaman, kailangang magpatingin ka tuwing ika-anim na buwan, halimbawa iyong mga pasyenteng may sakit sa puso at mga diabetic o iyong mga posibleng magkaroon ng iba pang sakit. Kung hindi naman, ay maaari naring isang beses sa isang taon lamang magpakonsulta.Napag-alaman naman ni Dr. Netsere Tesfayohannes, director ng Interventional Pain Management Center sa George Town University Hospital sa Washington, DC. na sa paggamit instrument, ang proseso ay tatagal ng wala pang isang oras at ang pasyente ay maaari ng umuwi, ng may nakatakip na maliit na benda sa pinagpasukan ng karayom.

KABANATA III

Metodolohiya o Pamamaraan ng Pananaliksik Paraan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa pamanahong papel ang deskriptiv- analitik na pananaliksik gamit ang mga aklat na may kaugnayan sa paksa ng pag-aaral at ang mga ideya galing sa mga respondente. Tinangkang ilarawan ang mga pananaw ng mga respondente tungkol sa Epekto ng mga makabagong teknolohiyang ginagamit sa mga pasyenteng may malalang sakit sapag aaral na ito .

Mga Pokus ng Pag-aaral

Inilaan ang pag-aaral na ito sa larangan ng mga makabagong teknolohiya sa panggagamot ng mga pasyenteng may malalang sakit. Ang mga piling respondente ay mula sa Lemery Doctors, Lemery Batangas. May dalawampu’t limang(25) pasyente at dalawampu’t limang(25) nars, sa kabuuang bilang ng limampung(50) respondente. Pinili ng mananaliksik ang mga nasa Lemery Doctors sapagkat sila ang may lubos na kaalaman sa aming sinasaliksik na makapagbibigay ng ilang mga kasagutan sa aming mga katanungan.

Mga Instrumentong Pampananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarvey. Naghanda ang mananaliksik ng ilang katanungan upang mangalap ng mga ideya at opinion ukol sa paksa ng pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey kwestyoneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri ang kahandaan at damdamin ng mga respondent sa pananaliksik at ang karelasyon sa ilang mga piling personal pangkaligirang varyabol. Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng mga internet, aklatan katulad ng mga aklat, tesis, pamanahunang papel.

Tritment ng mga Datos

Ang pag-aaral na ito ay isang pangangailangan upang makapasa ang mga mananaliksik basi narin sa hinihingi ng guro sa Filipino , at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tesis kaya’t walang ginawang pagtatangka upang suriin ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Lahat nang datos ay galing sa mga aklatan, sa internet at sa mga respondente. Dito lamang ibinasi ng mga mananaliksik ang kanilang mga ideya at kaisipan na inilahad sapag-aaral na ito. Samakatuwid, pagta-tally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinailangan gawin. Sapagka limampu(50) ang mga respondente, naging madalipara sa mga mananaliksik ang pagkuha ng porsyento dahil bawat dami ng bilang ay awtomatikong katumbas ng kalahating porsyento na kapag dinoble ay katumbas ng isandaang porsyento.

Sarvey-kwestyoneyr hinggil sa “Epekto ng mga Makabagong Teknolohiyang Ginagamit sa mgaPasyenteng May Malalang Sakit.”

Pangalan: __________________________________________
Lagda:________________________
Propesyon: ____________________________________________________________Kasarian: ______________________________ Edad:________________________

Panuto:
Bilugan ang titik ng sagot na iyongpipiliin. Pumili lamang ng isa.

1. Gaano kaepektibo ang mgamakabagong teknolohiya sapanggagamot ng mga pasyenteng maymalalang sakit?

a. Napakaepektibo. b. Hindi masayadong epektibo. c. Hindi epektibo

2. Alin ang mas epektibong panggamot samga pasyenteng may malalang sakit?

a. Paggamit ng makabagongteknolohiya b. Paggamit ng iba pang alternatibo

3. Ano ang maaaring dahilan ng pag-usbong ng mga makabagongteknolohiya sa larangan ng medisina?

a. Paglaganap ng napakaraming sakitsa bansa b. Kompetensya sa ibang bansa c. Para sa mabilis na pag-unlad atpaggaling ng mga pasyente

4. Alin ang mas gugustuhin mo kungsakaling isa kang pasyente?

a. Magpagaling gamit angmakabagong teknolohiya
b. Magpagaling gamit angalternatibong paraan ng panggagamot

5. Anong sakit ang ginagamitan ng pinakamaraming aparato o kagamitan sa panggagamot? Pumili ng halimbawa.

a. Cancer
b. Karamdaman sa puso
c. Karamdaman sa utak
d. Karamdaman sa buto

Similar Documents