Epekto Ng Paghihiwalay Ng Magulang Sa Pag-Aaral Ng Mga Piling Estudyante Ng Plm
In:
Submitted By jecarsa08 Words 720 Pages 3
Kabanata 1
Suliranin at Kaligiran nito
Panimula: Ang annulment ay isang napapanahong isyu na dapat nating pag-usapan lalo na at hindi lang ang dalawang nagsasama ang naaapektuhan sa isyung ito kundi pati na rin ang kanilang mga anak. Ayon sa Office of the Solicitor General, 28 mag-asawa ang nagddeklara ng annulment kada araw mula noong 2012 at 10,528 na annulment cases ang naihain sa OSG base sa datos ng gobyerno na nakuha ng GMA News noong April 4, 2013 at tumataas pa ito taon-taon.
Ang pananaliksik na ito ay makakatulong na malaman ang epekto ng annulment sa mga piling estudyante ng PLM sa kanilang pag-aaral. Nais ding ipahiwatig ng pag-aaral na ito kung ano nga ba ang mga solusyon sa mga epektong ito at kung may mabuti at hindi mabuting naidudulot ang annulment ng mga magulang sa buhay ng isang estudyante. Sa pananaliksik na ito ay nawa’y mabigyan nito ng kasagutan ang mga tanong na namumutawi sa ating mga isipan.
Suliranin ng pag-aaral:
• Ano-anu ang mga posibleng dahilan kung bakit nagkakaroon ng annulment?
• Annulment ba talaga ang sagot sa mga magulang na hindi nagkakasundo?
• Paano maiiwasang mapunta ang hindi pagkakasundo ng magulang sa annulment?
• Ano ang epekto nito sa isang mag aaral sa PLM?
• Nakakabuti o nakasasama ba ang epekto ng annulment sa mga anak na nag-aaral?
• Sa paanong paraan o ano-anung pamamaraan ang dapat gawin ng mga mag aaral sa PLM kapag dumaranas ng ganitong sitwasyon?
• Gaano ba kahalaga ang kumpletong pamilya sa isang mag aaral sa PLM?
Layunin ng pag-aaral:
Halos taon taon lumalaki ang bilang ng mga mag asawang nag papa annul, karamihan sa mga dahilan nito ay ang problemang pinansyal at di pagkakaintindihan. Ito ay isa sa mga isyu na kinakaharap ngayon ng ating bansa at may malaking epekto sa bawat isa sa atin. Una, Layunin ng pagsusuring ito na mabigyang pansin ang mga epekto ng ganitong desisyon sa mga kabataang nag-aaral at sa paanong paraan higit na makakatulong ang mga magulang sa kanilang mga anak. Hindi na kaila sa atin na ang pag annul ng dalawang mag-asawa ay isa sa mga pangunahing nagiging dahilan ng pagrerebelde ng mag-aaral o ng mga kabataan, Pangalawang layunin ng pagsusuring ito na malaman kung anong edad ng mag-aaral ang higit na naaapektuhan upang matulungan ang mga ito na malagpasan ang mga problema. Sadyang napakahalaga ng edukasyon lalo na sa panahon natin ngayon, kailangan mayroon kang matalinong pag-iisip, malawak na imahinasyon at nakakapagpokus ka sa mga gawain kaya kung mayroong problema sa inyong tahanan naaapektuhan agad ang pag-aaral ng isa. Pangatlo, Hindi lamang para maipakita ang epekto ng annulment sa pag-aaral ngunit layunin din ng pagsusuring ito na maipaunawa sa lahat kung gaano kahalaga ang buong pamilya sa pag-aaral ng isang estudyante.
Pangapat na layunin ng pag-aaral nito ay mapalawak ang kaalaman ng mga tao ukol sa annulment Panglima ay upang sagutin ang mga suliranin na naihayag sa naunang parte ng pananaliksik na ito at bigyang solusyon ang mga problemang mayroon naman palang kasagutan. Ang huling layunin ng pananalaksik na ito ay malaman ang pananaw ng mga estudyanteng humaharap sa ganitong sitwasyon.
Saklaw at limitasyon sa pag-aaral: Ang magiging resulta ng pananaliksik na ito ay hindi nangangahulugang magiging pareho ang kakalabasan ng pananaliksik sa ibang mga pananaliksik sapagkat iginawa lamang ang pananliksik na ito sa maigsing panahon at sa maliit na populasyon lamang ng mga estudyante. Ang dami ng respondante ay nakadepende sa dami ng makakalap na estudyante na may kinalaman sa pananaliksik. Inaasahan na ang mga respondante ay sasagot ng makatotoohanan sa mga tanong.
Kahalagahan ng pag-aaral: Bawat isa sa atin ay nangangailangan ng kalinga ng ating mga magulang, Isa man sakanila ang mawala ay malaki ang magiging epekto sa buhay ng isang anak lalo na at kung nag-aaral pa ito. Ang bunga ng annulment ay maaaring makasira o makabuo ng buhay ng isang anak kaya nararapat lamang nating pag-aralan ito. Mahalagang mapag-aralan ang isyung ukol sa annulment sapagkat makikita natin ang epekto nito sa pag-aaral at pananaw ng mga estudyanteng dumadaan sa ganitong sitwasyon. Ang pag-aaral din nito ang magmumulat sa atin kung ano maaaring hakbang sa mga problemang kinakaharap ng mga estudyanteng nag-aaral na naaapektuhan ng isyung ito.