Free Essay

Epekto Ng Social Net Working

In:

Submitted By unica0605
Words 7069
Pages 29
KABANATA I
ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO A. I
NTRODUKSYON
Noong unang panahon pa lamang, laganap na sa maraming parte ngmundo ang paninigarilyo. Ang gawaing ito, ayon sa Wikipedia, ayisinasagawa ng mga tribo upang kumawala sa ulirat o makihalubilo samundo ng espiritu. Ang ilan sa mga gawaing ito ay ang pagpapaalis ngmasasamang espiritu, pagsamo sa mga ito, atbp. Ngunit, sa paglipas ngpanahon, naging isa na ito sa mga kinagigiliwang uso.Nagsimula ito sa rehiyon ng Central America noong 6000 BC. Nanglumipas ang 5000 taon, 1000 BC, nagsimula ang sibilisasyon ng mga Mayanna magpausok, humithit at ngumuya ng mga dahon ng tabako. Ginamit dinnila ito, kasama ng iba pang mga halamang medicinal, upang ipanggamot samga may sakit at sugat. Nang sila ay naglayag sa iba pang parte ng mundo,nagdal sila ng mga dahon ng tabako kaya naman nang lumipas ang mgataon, ang mga manlalakbay, tulad nila Columbus at Francis Drake, aynaisipang gumawa ng planta ng mga tobako at gawing daan upangmagkapera. Naging popyular ang paninigarilyo ng tabako sa Espanya.Ang paninigarilyo ay isang Gawain na kung saan sinusunog angsangkap, karaniwang tobako, na maaring nirolyo sa papel sabay sa paghihitng usok na inilalabas nito. Ayon sa Medlndia Online, ang stick ng sigarilyo aybinubuo ng halos 4,000 kemikal na maraming epekto sa katawan at pag-iisipng tao. Ang ilan sa mga ito ay ang nicotine, tar, acetone, chloroform, atbp.Dahil nga naman ang mundo ay mabilis magbago, nakaisp ang ibang tao ngmga modipikasyon ng paggamit o paggawa ng sigarilyo.B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang magsigarilyo sa edadna pitong (7) taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15 taong gulang. Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ngkamatayan sa buong mundo. Ayon sa Department of Health, isang tao kada13 segundo, o isang milyong katao taun- taon, ang namamatay dahil sapaninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa puso, baga,kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas nasanhi ng pag- atake ng hika.Ang mga naninigarilyo ay humihina ang katawan, nahihirapanghuminga, laging bumabahin at umuubo, sumasakit ang ulo at nagbabagoang pang- amoy at panlasa. Ang paninigarilyo ay maaari ringmakapagpapangit dahil sa pagkulubot ng balat, makapagpadilaw ng ngipinat mga kuko sa daliri, at makapagdulot ng mabahong hininga.Kung ang taong naninigarilyo ay nakakakuha ng mainstream effects,ang taong nakakalanghap naman ng usok ng sigarilyo ang nakakakuha ngsidestream effects. Ito ay tinatawag na Passive Smoking. Kahit hindi kananinigarilyo ay parang naninigarilyo ka na rin dahil sa mga kemikal nanakukuha mo sa usok ng sigarilyo ng taong katabi o malapit sananinigarilyo. Mas marami pa ang konsentrasyon ng mga masamangkemikal ang nakukuha ng mga passive smokers (mga taong hindi namannaninigarilyo pero nakatira kasama ang taong naninigarilyo) kumpara samga taong talagang naninigarilyo. Ang mga ito ay makakaramdam ngpagsakit ng ulo, at pagtutubig ng mata. Ang mga passive smokers ay maymas mataas ng 35% posibilidad na magkaroon ng kanser.Ang mga bata o anak naman ng mga naninigarilyo ay may mas malakingposibilidad na magkaroon ng bronchitis, pneumonia at mga sakit sa pusolalo na sa unang taon.

bahagdan lamang ang nagsabing gawaing pangkalakasan ang kanilangginagawa upang makaiwas.Ang taong may disiplina sa sarili ay pinipigilan ang mga hindi dapatgawin dahil alam nilang hindi ito maganda.
IBA’T-IBANG DAHILAN KUNG BAKIT MAKAKAIWAS SAPANINIGARILYO ANG KANILANG NAPILING GAWAIN:

Naaalis ang pagkanegatibo

Pang-agaw pansin

Nagiging masaya

Nakakalimutan ang problema

Gumagaan ang pakiramdam

Makakabuti sa kalusuganMay mga nagsasabi na baka raw tumaba sila kapag itinigil angpaninigarilyo. Subukang bawasan ang intake ng mga fatty foods kapag itnigilna ang paninigarilyo. Huwag hayaang ang inyong paninigarilyo ay mapalitanng panibagong bisyo. Kung kayo gustotung-gusto kumain nang matatamis,mas mabuting kumain ng prutas.Hindi pa huli para itigil ang bisyong sigarilyo. Kapag ginawa ninyo itongayon, natitiyak ko na malaki ang inyong mapapakinabang bukas. Hindi

lamang kayo ang makikinabang kundi pati ang pamilya. Alalahanin angpinsalang dinudulot ng paninigarilyo sa katawan.
KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
A. L
AGOM
Ang karaniwang dahilan kung bakit maraming kabataan angnaninigarilyo ay pamilya (40%), barkada (53%), at personal na buhay (7%). Mga aspektong nakakaapekto sa pannigarilyo ng mga mag-aaral aykalusugan (50%), pag-aaral (39%), pamilya at kaibigan (11%).Ilan sa mga gawaing ginagawa ng mag-aaral upang maiwasan angpaninigarilyo ay pagdisiplina sa sarili (67%), pinagkakaabalahan (20%),gawaing pangkalikasan (13%).B. K
ONKLUSYON
Ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo. Ito ay masama para saating kalusugan. Bukod sa magastos ang paninigarilyo, ay nakakapagdulotpa ito ng maraming uri ng sakit tulad ng sakit sa puso, bronchitis at kanser.Nakakapagpahina din ito ng resistensya n gating katawan. Ito rin aynakamamatay. Ang usok ng sigarilyo ay nakakasama rin maging sa atingmga kaibigan at kasambahay. Ang paninigarilyo rin ay masama para saating kapaligiran dahil nakadaragdag lang ito sa polusyon.C. R
EKOMENDASYON
Ito ang maaaring gawin sa pagtigil sa paninigarilyo: Una ay lumayo saibang mga naninigarilyo. Alisin ang lahat ng sigarilyo at ang bawat bakas ngtabako na taglay ninyo. Humingi ng tulong at suporta sa pamilya sa desisyonnang paghinti. Ito ang mag- iiwas sa inyo sa tukso at magpapalakas sainyong kapasiyahan na tumigil na. Kapag nakadarama ng pagkagustongmanigarilyo ay maghanap ng ibang pagkakaabalahan. Mag- ehersisyo araw-araw. Makalilinis ito sa baga at makapagbubuti sa kalusugan at kaligayahan.Huwag magpapalipas ng gutom. Kumain ng regular at huwag tatangkainmagpababa ng timbang habang sinisikap alisin ang ugalung paninigarilyo.Kumain ng masusustansiyang pagkain. Ang mga ito ay siyang magaling nalunas laban sa lason ng tabako. Kung hindi tuluyang maihinto angpaninigarilyo, komunsulta sa Smoking Cessation Clinics. Dapat din ay dagdagan pa ng gobyerno ang mga proyekto laban sa paninigarilyo ngmamamayang Pilipino.

Isang Pagsusuri sa Panonood ng Pornograpiya ng mga Lalaking Mag-aaral sa Mababang Paaralan ng Geronimo
Abstrak
Sabi sa kanta, “Batang-bata ka pa at marami ka pang kailangang malaman at intindihin sa mundo”. Subalit mas marami pang alam ang mga bata sa ngayon sa tungkol sa pornograpiya, isang usapin na iniisip ng marami na masyadong maselan at hindi pa alam ng mga bata kaysa sa mga matatanda. Ang pag-aaral na sa mga mag-aaral na lalaki sa ikalimang baitang ang isa sa mga patunay na hindi na lingid sa kaalaman ng mga batang ito ang tungkol sa pornograpiya na tinatawag ding porn o bold. Ang mga lalaking mag-aaral sa ikalimang baitang pangkat Diamond ng Mababang Paaralan ng Geronimo sa Rodiguez, Rizal ang mga kasali sa pag-aaral na ito. Sila ay sumagot sa isang survey na may labing anim na katanungan. Kabilang sa mga tanong kung nanonood ba sila ng porn, kung paano at sa anung edad sila unang nakapanood ng porn, ang dalas ng panonood nila nito, ang gamit, lugar at kasama nila sa panonood nito, ang paraan at dahilan kung bakit nila ginagawa iyon, kung alam ba ng mga magulang nila na ginagawa nila iyon, kung sino ang nakapagturo na sa kanila ng epekto ng porn sa buhay nila at ang persepsyon nila kung masama ba ito at ang nararamdaman nila matapos nilang gawin ito. Sinuri din sa pag-aaral na ito mga sagot ng mga mag-aaral at ang ilan sa marahil ay dahilan kung bakit nila iyon sinagot. Binanggit din dito ang ilan sa mga problema na kinakasangkutan ng mga kabataang ito katulad ng pagtaas ng bilang ng maagang pagbubuntis at pagdami ng mga menor de edad na nangagahasa sa kapwa nila menor de edad bilang mga bunga ng panonood ng pornograpiya noong sila ay bata pa lamang. Bingyan din ng diin sa huli ang pananagutan ng magulang, paaralan, simbahan at pamahalaan upang masolusyunan ito.
I. Panimula
Sa pagbabago at pag-unlad ng teknolohiya, pati mga bata at kabataan ay nakikisabay dito. Kung noon ay sa lansangan nila ginugugol ang kanilang maghapon sa pakikipaglaro ng patintero, tagu-taguan at langit at lupa, kasama ang kanilang mga kalaro, sa ngayon ay sa lansangan pa rin naman. Subalit ang mga computer at cellphone na ang kanilang mga kalaro maghapon. Mabuti sana kung researching, social networking at games lang ang ginagawa ng mga ito, ngunit may isa pang bagay na pumupukaw sa kanilang mga mata, isang bagay na mahirap nang takasan kapag nahuli ka. Sadya pang bata ang mga mag-aaral sa ikalimang baitang upang manood ng pornograpiya, subalit ito ang katotohanan na hindi sila exempted sa panonood ng pornograpiya. 1. A. Layunin ng Pag-aaral
Malaki ang epekto ng pornograpiya sa manonood nito, mapa-bata man o matanda. Layunin ng pag-aaral na ito na masuri at mapag-aralan ang mga bata na nasa ikalimang baitang sa kanilang panonood ng pornograpiya, kabilang na dito ang pagsusuri sa kung paano ito ba sila nagsimulang manood, dahilan kung bakit nila ito ginagawa at ang kanilang pananaw sa bagay na ito upang sa ganoon ay makatulong na matigil at maiwasan ng mga bata ang higit na pagkalulong dito at makapagbigay impormasyon sa mga magulang at kinauukulan na bigyan ng pansin at suriin ang mga pinapanood ng mga bata. 1. B. Metodolohiya
Ang mga mag-aaral na lalaki mula 10 hanggang 12 taong gulang ng ikalimang baitang pangkat diamond/ Grade V Section 1 (Diamond) ng Mababang Paaralan ng Geronimo, isang pampublikong paaralan sa Rodriguez, Rizal ang mga batang lumahok sa pag-aaral na ito. Ang pag-aaral ay naganap noong ika-25 ng Setyembre mula ala-siyete y medya ng umaga hangang alas otso y medya. Ang bata batang lalaking kalahok ay sumagot sa isang survey form na may labing anim ng katanungan na tungkol sa simula ng panonood nila ng pornograpiya, mga paraan at dahilan kung bakit nila ito ginagawa at ang persepsyon nila at ng kanilang magulang at ng lipunan sa bagay na ito. Ipinabatid muna sa mga bata ang layunin ng pag-aaral gayundin ang mga panuto sa pagsagot sa mga katanungan. Opsyonal ang paglalagay nila ng pangalan at pribado at sa pang-akademikong gamit lamang ang kanilang bawat sinagot. Ang bawat isang katanungan ay tungkol sa panonood nila ng pornograpiya. Kabilang din sa mga ginamit sa pag-aaral na ito ang pag-uugnay ng panonood ng pornograpiya ng mga bata sa mga kasalukuyang suliranin katulad ng teenage pregnancy sa pamamgitan ng mga babasahin, aklat at mga pahayagan. Gayundin ang iba pang mga impormasyon na kapaki-pakinabang sa pag-aaral na ito ay nagmula sa internet. 1. C. Saklaw at Limitasyon
Saklaw lamang ng pag-aaral na ito ang iba’t-ibang mga bagay sa panonood ng pornograpiya ng mga bata sa ikalimang baitang. Kabilang sa mga ito ang simula ng kanilang panonood; ang edad kung kalian sila nagsimulang manood, sino ang unang nagpakilala sa kanila nito at kung papaano sila unang nakapanood nito. Kasama din dito ang paraan ng panonood; ang dalas na gawin nila ito, ang gamit nila dito, ang mga kasama nila na gawin ito at ang lugar kung saan nila ito ginagawa gayundin ang mga dahilan kung bakit nila ginagawa ito. Naririto din ang pagkabatid ng mga magulang sa ginagawa ng kanilang anak, ang pagtugon ng pamilya at lipunan sa pagtuturo n epekto nito sa mga bata at ang pananaw ng mga bata sa bagay na ito.
Hindi kabilang sa pag-aaral na ito ang mga detalye sa panonood ng pornograpiya ng mga batang babae sapagkat at tanging ang mga batang lalaki lamang sa ikalimang baitang pangkat isa ang kabilang sa pag-aaral na ito. Hindi din kasama sa pag-aaral na ito ang mga internet site na kanilang pinupuntahan para manood, ang halagang ginugugol nila upang manood nito at ang ginagawa nila matapos manood nito. Hindi rin masasabing ito ang kabuuan na datos para sa mga bata mula sa ganitong edad sapagkat sa isang lugar at sa isang pangkat lamang nakuha ang mga detalye ng pagsusuring ito. Hindi rin saklaw ng pag-aaral na ito ang child pornography, o anumang representasyong biswal na nagpapakita sa mga bata na gumagawa ng iba’t-ibang sexual na gawain o ang pagpapakita ng mga maseselang bahagi ng katawan ng isang bata1. Ang sentro lamang ng pag-aaral na ito ay ang panonood ng pornograpiya ng mga batang lalaki at hindi ang pagiging kabilang nila sa gawaing ito. 1. D. Kahalagahan ng Pag-aaral
Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat ipinapakita dito ang iba’t-ibang mukha ng panonood ng pornograpiya ng mga batang lalaki sa ikalimang baitang. Dito makikita ang simula, paraaan, dahilan at pananaw ng mga bata sa panonood nito o ay maaaring makatulong at gawing kasangkapan ng mga magulang at awtoridad upang makagawa sila ng mga hakbangin upang matulungan ang mga bata na matigil at maiwasan na nagtuluyan ang panonood nito. Dito napapakita na kabilang ang mga batang ito sa mga manonood ng porn at hindi lamang mga kabataan o ang mga nasa sapat na na gulang. Ito din ang nagpapakita na walang bata o matanda sa panonood ng pornograpiya. 1. E. Rebyu ng mga Kaugnay na Pag-aaral
Noong taong 2000, nagkaroon ng report ang UNESCO International Clearinghouse on Children and Violence on the Screen tungkol sa epekto at persepsyon ng mga bata tungkol pornograpiya gayundin sa mga online games2 Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga bata sa buong mundo at ang mga datos ang nakatuon hindi lamang sa Amerika kundi sa buong mundo. Subalit ang mga datos dito ay huli na ng 12 taon at mas marami na ang nagbago. Noong 2004 naman, nagkaroon din ng pag-aaral ang Demographic Research and Development Foundation ng Population Institute ng Unibersidad ng Pilipinas tungkol sa mga ugaling sexual ng mga kabataan.3 Sa pag-aaral na ito, tanging mga teenager lamang ang sentro at walang mga datos para sa mga batang nasa edad 10 hanggang 12 taon. Sa Internet naman, may ginawang Special Report si Diana Uichanco, investigative journalist ng Family Today tungkol sa pornograpiya at dito, ang mga batang nasa 10 hanggang 12 taon gulang ay isa sa mga pinag-aaral.4 1. II. Mga Bagay Tungkol sa Pornograpiya * Ano ba ang pornograpiya?
Ang pornograpiya ayon sa Webster ay nagmula sa salitang griyego na pornographos na nangangahulugan na mga kasulatan tungkol sa mga patutot at unang ginamit ang salitang ito noong 1858.5 Ayon naman sa UP diksiyonaryong Filipino, ito ay paglalarawan o pagtatanghal ng sexual na aktibidad sa literature, pelikula at katulad, upang pukawin ang pagnanasang sexual ng mambabasa o manonood.6 May dalawang pangkaraniwang uri ng pornograpiya, ang softcore at hardcore. Tanging hubad na mga babae lamang ang nakikita sa softcore samantalang pati ang pagtatalik ay makikita na sa hardcore.7 Sa karaniwang salita, Bold o bastos ang tawag sa pornograpiya. * Maigsing kasaysayan ng pornograpiya sa Filipinas
Unang dumating ang mga pornographic materials sa Filipinas noong 1946. Ito ay sa uring pornographic magazines mula sa Estados Unidos. Noong dekada 60, ang mga magasin para sa mga babae ay naglabas ng mga artikulo tungkol sa contraception, sexual health, buhay may-asawa, erotica at kalayaang sexual na may layuning mapabuti ang relasyong pang-asawa. Sa dekada ding ito, naging madali para sa mga matatanda na may mga may asawa na makapanood ng pornograpiya gamit ang mga eight-millimeter portable film projectors bago magkaroon ng mga videocassettes. Kahit na bawal, ang mga video rental shop at ang mga bilihan ng diyaryo ang naging pangunahing daluyan ng mga binebenta at inaarkilang mga pornographic material. Nagkaroon din ng mga palabas at babasahin tungkol sa pornograpiya na gawa na sa ating bansa. Ang kauna-unahang soft-core pornographic movie ay ang Uhaw at lumabas noong dekada 70. Ito ay tungkol sa dating Filipina na beauty queen. Lumabas din ang mga mababang kalidad na hardcore pornographic oriented films sa pagdating at pag-uso ng mga CD, DVD, cable television at internet. Noong 2006, ang industriya ng pornograpiya sa bansa ay kumita ng halos isang bilyong dolyar, pang-walo sa buong mundo.8
Mga Datos Tungkol sa Pornograpiya at Panonood ng Pornograpiya sa Buong Mundo.9, 10 * Tinatayang halos 25 na milyong sites sa internet ay tungkol sa pornograpiya * Kada Segundo, halos 28,000 libong tao sa buong mundo ang nanonood ng porn. Nasa 3 libong dolyar din ang nagagastos dito * Halos $ 97 billion ang kinikita ng industriya ng pornograpiya sa buong mundo, $ 1 billion dito ay mula sa Filipinas. * Walong bahagdan ng mga email sa buong mundo ay pornographic. * Halos 1 sa kada 3 download sa buong mundo ay pornographic * Labing isang taong gulang ang pinaka-average na edad na unang na-eexpose sa pornographiya * Halos 90% ng mga bata mula sa edad n 8 hanggang 16 na taon gulang ay nakakita na ng pornograpiya sa internet. Karamihan dito ay habang gumagawa sila ng homework. 1. III. Pagsusuri sa Pinagmulan ng Panonood ng Pornograpiya ng mga Bata
Tween ang pangkaraniwang tawag sa mga batang nasa edad 10 hanggang 12 taong gulang. Ito ay mula sa salitang “in between” child and teen o sa pagitan ng pagiging bata at kabataan.11 Nasa 10 milyong Filipino ang nasa edad na ito noong taong 2010.12 Maraming mga pagbabago at hamon at pagbabago ang kinakaharap mga tween na ito sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay. Ang mga bata sa edad na ito ang isa sa mga madalas na gumagamit ng internet. At ang mga mag-aaral na lalaki sa ikalimang antas na nasa ganitong edad ang kasali sa pag-susuri na ito.
Sa 26 na mag-aaral na lalaki na nasa ikalimang baitang pangkat Diamond, 25 mag-aaral lamang ang pumasok sa eskwela at nakasagot sa survey na isinagawa. Sa 25 na mag-aaral, 16 ang sumagot na nakapanood na sila ng pornograpiya kahit isang beses pa lamang samantalang 9 ang sumagot na hindi. Nasa talahanayan 1 ang sagot ng mga mag-aaral.
Talahanayan 1 Sagot | Bilang | Nakapanood na ng pornograpiya | 16 | Hindi pa nakapanood na ng pornograpiya | 9 |
Kung susuriin, ang bahagdan ng mga batang lalaki nasa 10 hanggang 12 taong gulang na nakapanood na ng pornograpiya ay halos kalapit na ng bilang ng kabataang lalaki na nasa edad 15 hanggang 19 na nakapanood na ng pornograpiya noong 2002. Nasa 64 na bahagdan para sa mga nasa edad 10 hanggang 12 samantalang nasa 69.3 bahagdan para sa mga nasa edad 15 hanggang 19. 13 Halos dalawa sa bawat tatlong mag-aaral na lalaki sa pangkat na iyon ang nakapanood na ng pornograpiya. Magkaibang edad sa magkaibang panahon subalit halos magkatulad ang resulta. Masasabi natin na marahil ay mas mataas pa sa ngayon sa 69 bahagdan ang bilang ng mga lalaking kabataan na nakapanood na ng pornograpiya. Malaki ring bagay ang pagsikat at pagdami ng gumagamit ng internet sa ating bansa sa nagdaang dekada sa pagtaas nito.
Talahanayan 2 Edad na nakapanood na ng pornograpiya | Bahagdan | 15-19 (2002) | 69.3 | 10-12 (2012) | 64 |
Nauna nang nasabi na sa 11 taong gulang ang pinakakaraniwang edad na unang nakikita o nakapanood ang isang bata ang pornograpiya14. Subalit sa ang lumabas na resulta sa survey na ito, nasa 10 taong gulang ang pinakakaraniwan, di hamak na mas mababa ng isang taon. Nasa 37.5% o 6 sa 16 na nakapanood na ng pornograpiya ang unang nakapanood nito noong sila ay 10 taong gulang. Sinundan ito ng mga batang nagsabing 9 na taon sila nang una nila itong napanood, nasa 25% o 4 sa 16. Ang mga unang nakpanood naman nang sila ay nasa 11 taong gulang ay nasa 18.75% lamang. Nasa talahanayan 3 ang sagot ng mga mag-aaral.
Talahanayan 3 Edad ng unang nakapanood ng pornograpiya | Bilang | Bahagdan | 6 | 0 | 0 | 7 | 1 | 6.25 | 8 | 1 | 6.25 | 9 | 4 | 25 | 10 | 6 | 37.5 | 11 | 3 | 18.75 | 12 pataas | 1 | 6.25 |
Nasa 9 hangang sa 10 taon gulang pinakakaraniwan sa mga mag-aaral na ating sinuri nang unang nakapanood ng pornograpiya. Mas bata ito sa pinakakaraniwan sa buong mundo. Subalit kapansin-pansin na kahit nasa edad 7 at 8 ang iba, nakapanood na sila ng pornograpiya. Lubhang napakabata pa ng isip ng mga batang ito sa ganitong edad upang makakita ng ganoon
Isa sa madalas kasama ng mga batang ito ang kanilang mga barkada o kaibigan. Sila din ang lumalabas na unang nagpanood sa mga bata na kabilang sa ating pagsusuri ng pornograpiya. Siyam sa 16 na mag-aaral o 56.26 % ang nagsabing ang barkada nila ang unang nagpapanood o nag-suhesyon na panoorin nila ang pornograpiya. Sinundan ito ng kanilang mga pinsan may 18.75%. Nasa talahanayan 4 ang resulta ng sagot ng mga bata.
Talahanayan 4 Taong unang nagpakita ng pornograpiya | Bilang | Bahagdan | Tatay | 1 | 6.25 | Kuya | 1 | 6.25 | Pinsan | 3 | 18.75 | Barkada | 9 | 56.25 | Hindi kilala | 2 | 12.5 | Sarili | 0 | 0 |
Kapansin-pansin na ang madalas na kasama ng mga batang kabilang sa ating pagsusuri, ang kanilang mga barkada o kaibigan at ang kanilang mga pinsan ang unang nagpakilala sa pornograpiya sa kanila. Isa itong hamon sa mga magulang na dapat kilala nila ang mga lagging kasama ng mga anak nila upang sa ganoon ay hindi ito matuto ng kung anu-ano pang mga bagay na maaaring makasira sa kanilang buhay. Makikita din dito na may mga kasama din sa bahay ang naging-daan upang Makita ng mga bata ang pornograpiya. Ito ang kanilang mga kuya at tatay. Marahil ay hindi tuwiran na ipinakita, subalit aksidente at hindi alam ng kanilang kuya o tatay na habang nanonood sila ng porn sa cellphone ay nakikita sila ng mga bata. May ilan din na sa ibang tao unang nakita ang porn. Sa dalawang sumagot na ito, ang isa ay nakita ito ng aksidente sa isang tao na nanonood nito sa internet café at ang isa naman ay sa cellphone ng isang tinder sa Divisoria. Wala naming sumagot na natuklasan lamang nila ng kusa ang panonood nito.
Nakonekta ang bansa sa internet noong 1994 sa pamamagitan ng Philnet Foundation, isang kasunduan ng mga pangunahing unibersidad sa bansa at ng Department of Science and Technology (DOST)15Simula noon ay unti-unting dumami ang mga gumagamit ng internet sa bansa lalo na noong huling bahagi ng 2000’s. Sa ngayon ay may halos 30 milyon na ang gumagamit ng internet sa buong bansa.16Iba-iba ang mga ginagawa ng tao na nasa computer shop na pinupuntahan ng mga bata upang maglaro at mag-research. Kabilang dito ang panonood ng pornograpiya. At ito rin ang ipinapakita ng resulta ng ating kung papaano nila unang napanood ang pornograpiya. Labing dalawa sa 16 o 75 % na tinanong ang nagsabi na sa computer shop nila unang nakita at napanood ang pornograpiya sa mga computer shop. Ang iba ay napanood nila sa mga hindi nila kilala o kaya ay ipinahanap o ipinanood sa kanila ng mga barkada o pinsan. sa mga hindi nila pagsusuri. Durami din ang mga Filipino na may mga cellphone. Tinataya noong 2011, 90% ng mga Filipino o halos 86 milyong ang may cellphone.17 At karaniwan na sa mga cellphone na ito na may Bluetooth at may video player. Sa mga cellphone naman unang nakita/napanood ng 4 sa 16 o 25% ang porn. Ang dalawa ay aksidente lang nilang nakita sa kanilang tatay at ng isang tindero samantalang ang dalawa pa ay pinanood ng pinsan o kuya sa kwarto . Kapansin-pansin na ang internet ang naging pangunahing daan upang makita ng mga bata ang pornograpiya at sinundan ng mga cellphone video. Ang mga makabagong teknolohiya ang tulay upang matuklasan ng mga bata ang porn. Alam o naririnig siguro nila sa kanilang mga kaibigan ang tungkol dito, at marahil bunga ng curiousity kaya kapag ipinanood o ipinakita ng sa kanila ang bagay na ito, hindi na sila iiwas pa. 1. IV. Pagsusuri sa Paraan at Dahilan sa Panonood ng Pornograpiya ng mga Bata
Sa mga bata na bahagi ng survey na nakapanood na ng pornograpiya, karamihan isang bese pa lamang nakakapanood ng pornograpiya. Nasa 56.25% ng labing anim na nakapanood na ng porn o siyam na mag-aaral ang minsan pa lamang buhay nila nakapanood nito. Maaari nating masabi na bunga ito ng aksidente nilang pagkakita sa mga ito sa mga computer shop o sa mga cellphone ng kanilang kakilala. Pito naman o halos 43.75% sa labing anim na mag-aaral ang madalas manood ng porn. Apat sa kanila ay minsan sa isang buwan kung nakapanood at ang tatlo naman ay minsan sa isang lingo kung manood ng porn. Wala naman sa mga batang ito ang nanonood ng araw-araw. Nasa talahanayan 5 ang resulta ng mga sagot ng mga mag-aaral.
Talahanayan 5 Dalas ng panonood ng Pornograpiya | Bilang | Bahagdan | Isang beses pa lamang | 9 | 56.25 | Minsan sa isang buwan | 4 | 25 | Minsan sa isang lingo | 3 | 18.75 | Araw-araw | 0 | 0 |
Kung dati ay mga pornographic DVD at VCD ang uso at pinapanood ng mga nanonood ng pornograpiya, ang mga makabagong gadgets ang gamit ng mga mag-aaral na ating sinuri sa panonood ng porn. Sa pitong madalas manood ng pornograpiya, ang computer o laptop pa rin nangungunang gamit para makapanood ng porn. Sinundan ito ng mga cellphone at ng iba pang gadget katulad ng PSP at MP4. Nasa talahanayan 6 ang resulta ng mga sagot ng mga mag-aaral.
Talahanayan 6 Gamit sa Panonood ng Pornograpiya | Bilang | Bahagdan | TV, DVD player | 0 | 0 | Cellphone | 2 | 28.57 | Computer, Laptop | 3 | 42.86 | MP4, PSP, Tablet | 1 | 14.23 | Sinehan | 0 | 0 |
Kapansin-pansin na walang sumagot ng TV o DVD player, ang pangkaraniwan gamit noon upang mapanood ang mga piratang pornographic DVD. Marahil dahil mas madaling manood sa computer o laptop lalo na habang nagre-research ng mga takdang-aralin at proyekto. Konting type lang sa Google ay ayos na. Kung ikukumpara sa maghahanap ka pa ng mga porn DVDs na mahirap at mas nakakabalisa lalo na kung may darating na tao. Mas madali na din sa cellphone na magkaroon ng mga pornographic videos, magpapasa lang sa pamamagitan ng blue tooth ay ayos na, magkakaroon ka na. Naging convenient na din ang panonood ng pornograpiya sa pagdami ng mga makabagong gadget.
Halos karamihan ay nagsabing nanonood sila ng pornograpiya ay nanood ng patago o kapag walang nakakakita. Lima sa pitong nanonood ng bold o 71.43% ang nanonood ng ganito. Marahil ay natatakot ang mga batang ito na makita ng kanilang mga magulang o kakilala na nanonood sila nito. Nahihiya rin sila at naiilang kung makikita sila sa ganoong kalagayan. Isa naman ang nanonood ng lantaran at kahit may mga nakakita at isa ang hindi sumagot. Kapag may kasama naman silang manood, sila ay inaaaya ng mga barkada o kaibigan na sila ding unang nagpakita sa kanila nito. Lima ang nagsabing ang kanilang barkada o kaibigan ang kasama nila kung may kasama silang manood, isa ang nagsabing pinsan nila at isa naman ang nagsagot na ang kanilang kuya ang kasama nila.
Sa dahilan naman ng mga mag-aaral kung bakit sila nanonood ng porn, masasabi natin na iba talaga ang trip ng mga bata ngayon. Apat sa pitong mag-aaral na madalas manood ng bold o porn ang nagsabing “wala lang, trip ko lang” ang manood ng porn, isa naman ang walang maisip na dahilan kung bakit niya iyon ginagawa at ang isa naman ay hindi sumagot. Subalit nagulat ako sa isinagot ng isang mag-aaral. Nagulat ako sa sagot ng isang mag-aaral dahil nasa section one ang batang ito, ngunit ang dahilan niya sa panonood ng pornograpiya ay “upang makita ko kung papaano mabuntis ang mag-asawa.” Lubha pang bata ang mag-aaral na ito upang matuto kung paano ito nagyayari at wala pa naman siyang asawa kung tutuusin kaya nakakapagtaka kung ano ang gagawin niya kapag marunong na siya ng ganoong bagay. 1. V. Ang Pagtugon ng mga Bata, ng Magulang at ng Lipunan sa Usaping Ito
Sabi sa isang kanta, marami ang namamatay sa maling akala. Maling akala rin ng mga magulang na masyado pang birhen ang mga isip ng mga anak nila sa panonood ng pornograpiya. Sa pitong madalas manood ng pornograpiya, halos lahat ng mga magulang ng mga batang ito ay walang kamalay-malay sa ginagawang ito ng kanilang mga anak. Ganoon din naman sa mga batang isang bese pa lamang nakapanood, wala ding kamalay-malay ang mga magulang nila. Marahil ay malaki ang tiwala ng mga magulang sa kanilang mga anak ganoon din sa mga kaibigan ng kanilang mga anak na hindi nila gagawin iyon. Maaari din na masyadong abala ang mga ito sa trabaho upang tugunan ang pisikal na pangangailangan ng mga bata subalit ang emosyonal naman na pangangailangan ng mga bata ang nasasangkalan sa ganitong sitwasyon.
Karamihan din sa mga batang ito ang hindi natuturuan ng epekto sa kanila ng panonood ng pornograpiya. Dalawa lamang ang nagsabing may nagturo sa kanila ng epekto ng pornograpiya. Ang midya ang nagturo sa kanila sa pamamagitan ng mga palabas na tumatalakay sa bagay na ito. Lima naman ang nagsabing wala pa sa kanilang nagsabi at nagturo sa epekto ng pornograpiya ng kanilang buhay. Kahit na ang mga magulang, nakakatandang kapatid, eskwelahan at simbahan ay hindi pa nagbanggit sa mga batang ito ng tungkol sa pornograpiya at epekto nito.
Ang kawalan siguro ng magtuturo sa mga bata ng epekto pornograpiya ang dahilan kung bakit may dalawa sa pitong mag-aaral ang nagsabing hindi masama ang panonood ng bold o porn. Ang pananaw marahil ng mga batang ito ay ginagawa na naman ito ng karamihan eh, kaya hindi na ito masama. Subalit ang mali, kahit na ginagawa na ito ng lahat ay mali pa rin. May lima naman na nagsabing masama ang manood ng porn subalit ginagawa pa rin nila.
Matapos naman manood ng porn ng mga batang ito, isa sa kanila ang nakakarama ng takot na mahuli ng magulang, isa ang naiinis sarili na ginawa niya uli yung bagay na ito at isa ang walang sagot. Samantala, apat naman ang sumagot na wala silang nararamdaman pagkatapos manood, parang karaniwang gawain na lamang ito sa kanila. Tila yata sa dalas na gawin nila ito, nagkaroon na ng kalyo ang kanilang mga konsensya at balewala na lang sa kanila ang manood ng ganito.
Nakakatuwa naman ang sagot ng lahat ng pitong mag-aaral nang tanungin kung gusto na ba nilang matigil ang panonood nito. Lahat ay sumasagot na gusto na nilang matigil ito. Ngunit kung wala naman tutulong sa mga batang ito sa ating lipunan, kahit na gustuhin nila ay hindi pa rin nila ito magagawa. 1. VI. Ang Pagsusuri sa Epekto ng Panonood ng Pornograpiya sa mga Bata
Malaki ang epekto ng pornograpiya sa mga bata sa kanilang buong buhay kabilang na pagdating sa kanilang pagiging kabataan. Ang madalas ang panonood ng mga bata sa pornograpiya ay nagdudulot upang matutunan nila ang mensaheng nais iparating ng nasa likod nito, na ang pakikipagtalik na walang pananagutan ay katanggap-tanggap at mainam. Ito ay napakadelikado sapagkat maaari itong magdulot sa mga bata ng mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik, maagang pagbubuntis at pagkahayok o pagka-adik sa pgtatalik.17
Ang mga batang lalaki na nanonood ng pornograpiya ay magkakaroon din ng mga kasintahan pagdating ng araw. Kung madalas ang panonood ng mga bata sa bagay na ito, nagbabago din ang pananaw niya sa pakikipagtalik. Magiging katanggap-tanggap sa kanya ang pakikipagtalik na walang pananagutan na kung tutuusin ay ginagawa lang dapat ng mga kasal na may pananagutan sa isa’t-isa18. Hindi malayo na gawin niya ang bagay na madalas niyang makita at mapanood sa kanyang kasintahan na nagbubunga ng maagang pagbubuntis. Ang Filipinas ang may pinakamataas na antas ng maagang pagbubuntis o teenage pregnancy sa buong Timog Silangang Asya. Tinatayang nasa 53 kada 1,000 babae na nasa edad 15 hanggang 19 ang nabubuntis ng maaga.19 Nakakaalarma lalo na at Kristiyano pa man din tayong bansa. At ang isa nga sa makikita natin na dahilan kung bakit agresibo na gawin ito ng mga kabataang lalaki ay ang maagang at madalas na panonood ng pornograpiya.
Kung ano ang ginagawa ng matanda ang siyang ginagaya ng mga bata. Madalas na ginagaya ng mga bata ang kung ano man ang kanilang nakikita, naririnig o nababasa. Nakakatuwa sa mga batang sinuri dahil sa pitong madalas manood ng porn, lahat sila ay sumagot na ayaw nilang gawin ito sa iba kung may pagkakataon. Subalit ayon sa mga pag-aaral, sinabi na ang madalas na panonood ng pornograpiya ay nagdudulot sa mga batang lalaki na abusuhin at gawin sa mga batang babaeng mas maliit, mas bata at mas mahina kaysa sa kanila. Ang sabi din ng mga eksperto sa pang-aabuso sa mga bata, dalawang bagay ang nagiging dahilan kung bakit nabubuyo ang mga bata na abusuhin ang kapwa nila bata, ang karanasan at ang pagkalantad. Nangangahulugan ito na ang nag-abuso na bata ay maaaring inabuso dati o nalalantad sa ganitong klaseng gawain sa pamamagitan ng pornograpiya.20 21
Hindi na natin kailangang pumunta pa sa ibang bansa upang maghanap ng halimbawa na nagyayari nga ang pang-aabuso ng bata sa kapwa nito bata. Noong Mayo, isang 15 taong gulang na lalaki ang suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang 4 na taong gulang na bata sa Sta. Maria, Bulacan22.Noong Hunyo, nabalita ang 5 kabataan na nasa edad 15, 13 at 11 taong gulang at dalawang 12 taong gulang ang nanggahasa ng isang 9 na taong gulang na batang babae sa Cebu.23 Sa Catanduanes naman, dalawang menor de edad ang nanggahasa sa isang 16 na taong gulang na babae.24 Noong Hulyo naman sa Cebu uli, isang 14 na taong gulang na bata ang nanggahasa ng isang 11 taong gulang na bata.25 Naging laman naman ng balita noong unang linggo ng Oktubre sa taong ito ang isang 12 taong gulang na batang babae sa Alaminos, Pangasinan na tatlong beses na ginahasa ng tatlong menor de edad na kabaranggay niya.26 Sa isa ring katulad na insidente sa Nueva Ecija, isang 13 taong gulang na bata ang nanggahasa sa isang 6 na taong gulang na bata. At nang tanungin ang batang ito kung bakit niya iyon ginawa, sinabi niya na nakapanood isa ng isang pelikula na may nagtatalik na mag-asawa at naramdaman niya nagusto niyang gawin iyon sa batang iyon na kanilang kapit-bahay.27
Kung ang isang 30 segundong patalastas ay nakaka-impluwensya sa ating pagpili kung ano ba ang bibilhin natin, nababago din ng pakalantad sa pornograpiya ang pananaw, pagpapahalaga at pag-uugali ng mga bata.Hindi man sa pagkabata makita ang epekto ng pornograpiya sa ugali at pananaw ng mga bata, sa pagtanda naman ito lumalason ng kaisipan. Isang pag-aaral ang ginawa sa mga taong nalantad sa hard core pornography sa loob ng anim na lingo nagbago nga ang persepsyon at ugali ng mga nakapanood katulad ng pagbaba ng pagtingin ng mga kalalakihan sa mga kababaihan, pagbaba sa tingin sa panggagahasa bilang criminal offense na lamang o hindi na halos krimen, mas naghahanap ng mas matinding uri na iba sa karaniwan, kawalan ng pagpapahalaga sa kasal at pagtingin sa mga relasyon na labas sa kasal bilang normal at karaniwan na lamang.28
Nababago at naiiba din pornograpiya ang pag-unlad at pagkakakilala ng bata sa kanyang sarili. May mga panahon sa buhay ng mga bata na nagpo-programa ang utak para sa oryentasyong-sexual. Ang madalas na pagkalantad sa porn sa mga panahong ito ay magdudulot upang maging bahagi ito ng kanilang oryentasyong sexual pang-habang buhay. Sinasabi ng isang sikolohista na si Dr. Cline na ang mga alaala ng mga pangyayaring pukaw ang ating damdamin (kasama na ang sexual arousal) ay kinikintal sa utak ng epinephrine, isang hormone ng adrenal gland at mahirap na itong mabura (ito ay isa sa mga paliwanag kung bakit nanaadik at mahirap iwanan ang pornograpiya). Ang mga pantasyang sexual na dulot ng madalas na panonood ng porn ay maaaring magdulot sa manonood nito na isagawa ang kanilang mga pantasya.29 1. VII. Konklusyon
Malaki ang naidudulot ng pag-unlad sa teknolohiya sa pagkalantad ng mga bata sa pornograpiya kahit sa batang edad pa lamang. Abot-kaya na, madali lang hanapin at hindi naman bawal sa ating bansa ang pornograpiya na tinatawag din na bold kaya madali itong mapuntahan ng mga bata ang mga online pornographic site gayundin ang makapagpasa ng mga pornographic video sa cellphone. Kaya computer at cellphone na ang karaniwang gamit upang maabot ang pornograpiya. Ang pagiging halos pantay ng bilang na nanonood ng pornograpiya sa edad 10 hanggang 12 sa edad 15 hanggang 19 sa magkaibang taon ay nangangahulugan ng mas mataas na bahagdan ng mga batang nalalantad sa bagay na ito. Bunga din nito ang pagbata ng mga mag-aaral na nalalantad dito kumpara sa karaniwang edad sa mundo. Marami sa mga tinanong na nakapanood na ng porn ang isang beses pa lamang nakapanood ng nito kaya masasabi natin na sa ganitong yugto unang nakikita ng mga bata ang bagay na ito. Sa mga computer shop madalas unang nakikita ng mga bata ang pornograpiya. Maaaring makita nila ito ng aksidente sa isang tao na nanonood nito doon o kaya ay ipapanood ito sa kanila ng kanilang mga barkada at kaibiganMalaki ang impluwensya ng mga taong laging kasama ng mga bata kung paano nila unang nakita ito. Kadalasan ang mga kaibigan o barkada ang nagpapakita sa mga batang kalahok sa pagsusuri sa pornograpiya at siya ding kasama nila kung ginagawa nila ito. Patago at habang walang tao ang karaniwang paraan ng panonood nila at sariling trip lang nila ang dahilan kung bakit sila nanonood nito. Halos lahat ng magulang ay hindi nakakabatid sa ginagawa ito ng kanilang mga anak, bunga ng kanilang pagiging abala at hindi pagsusuri kung sino ang laging kasama ng mga anak nila. Hindi din lahat ay may iisang persepsyon sa bagay na ito, may ilan sa mga mag-aaral ang nagsabi na hindi masama ito, marahil dahil marami na ang gumagawa nito kaya akala nila ay tama na ito.
Malaki ang epekto ng nagagawa na madalas na pagkalantad ng mga bata sa pornograpiya. Naiiba nito ang pananaw nito, persepsyon at pag-uugali. Hindi lahat ng bata ay masama ang tingin sa panonood ng pornograpiya. Marahil nagiging tama ang mali dahil marami namang matatanda ang gumagawa nito. Subalit ang mali ay mananatiling mali kahit lahat na ay gumagawa nito at ang tama ay tama kahit na wala nang gumagawa nito. Naging pangkaraniwan na din ang gawain na ito sa kanila at wala nang nararamdaman na konsensya matapos gawin ito. Ito ay nakakatakot na senyales ng pagtaas at pagtaas pa ng sexual na pantasya ng mga bata na maaaring magdulot sa kanila upang gawin sa mas bata sa kanila o sa kanilang mga kasintahan kinalaunan ang mga napapanood nila upang maibsan at matupad ang mga pantasya nila. Ang mga gawaing ito naman ay maaaring magdulot pa uli ng mas marami pang problema katulad ng maagang pagbubuntis at pagkasira ng buhay ng inabuso at nang nag-abuso. Magdudulot din ito sa mga bata upang isipin sa kanilang paglaki na balewala lamang ang kasal at importante lang ay pagtatalik. Isa ang midya sa tumutulong upang pangaralan ang mga bata tungkol sa epekto sa kanila ng bagay na ito, subalit nakakapagtaka na ang mga taong malapit sa bata ay wala halos ginagawa upang balaan ang mga ito tungkol sa porn. Kabilang dito ang mag-anak, paaralan at simbahan. Marami ang gusto nang tumigil habang maaaga pa subalit wala naming tumutulong sa kanila upang gawin ito. Hindi tama na isipin na masyado pang bata ang mga isip ng mga mag-aaral na ito sa mga bagay na tungkol sa pornograpiya at pakikipagtalik. Harapin natin ang realidad ng buhay na may ibang bata nga ay mas marunong pa sa mga nakakatanda at mulat na sila sa mga bagay na ito bunga ng pagkalantad nila sa mga bagong teknolohiya. Nararapat na pangaralan at turuan sa mahinahon at mabuting paraan ang mga bata sa mga bagay na ito upang maging tama din ang oryentasyon ng mga ito sa pagtatalik. May batas tayo tungkol sa Child Pornography subalit walang batas tungkol sa censorship ng mga video at babasahin sa internet na hindi nakakabuti sa mga bata, hindi katulad ng China, Japan at South Korea na hindi basta-basta naaabot ng mga bata ang bagay na ito. Kung hindi aaksyon at magtutulungan ang mga magulang, paaralan, simbahan at estado upang masolusyunan ito malaki ang magiging pagsisisi ng bawat isa, dahil hindi lamang buhay ng mga bata ang masisira kung magpapatuloy ito kundi ang kinabukasan ng bansang ito dahil sila ang pag-asa at susunod na mamamahala sa ating bansa. Nawa ay maituwid natin ang baluktot na sanga habang bata pa. 1. VIII. Bibliyograpiya 2. Trinidad, Arnie C. Child pornography in the Philippines, Psychosocial Trauma and Human Rights Program, UP Center for Integrative and Development Studies 2005. 3. Children in the new media landscape : games, pornography, perceptions
UNESCO International Clearinghouse on Children and Violence on the Screen 2000. 1. Youth sex and risk behaviors in the Philippines, Demographic Research and Development Foundation, University of the Philippines Population Institute 2004. 2. http://simbahayan.tripod.com/B5-pornography01.html 3. Webster’s third new international dictionary of the English language, unabridged , Merriam-Webster c1993. 4. 6. UP diksiyonaryong Filipino,Sentro ng Wikang Filipino, Unibersidad ng Pilipinas c2001. 5. when-a-mans-eye-wanders-breaking-the-power-of-pornography 6. http://en.wikipedia.org/wiki/Pornography_and_erotica_in_the_Philippines 7. http://unitedfamiliesinternational.wordpress.com/2010/06/02/14-shocking-pornography-statistics/ 8. http://familysafemedia.com/pornography_statistics.html#anchor5 9. http://en.wikipedia.org/wiki/Tween_(demographic) 10. http://www.census.gov.ph/data/pressrelease/2012/pr1266tx.html 11. Youth sex and risk behaviors in the Philippines, Demographic Research and Development Foundation, University of the Philippines Population Institute 2004. 12. http://unitedfamiliesinternational.wordpress.com/2010/06/02/14-shocking-pornography-statistics/ 13. Youth sex and risk behaviors in the Philippines, Demographic Research and Development Foundation, University of the Philippines Population Institute 2004. 14. http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_countries_by_number_of_Internet_users 15. http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_countries_by_number_of_mobile_phones_in_use 16. http://www.protectkids.com/effects/harms.htm 17. http://www.philstar.com/article.aspx?articleid=801269&publicationsubcategoryid=200 18. http://www.protectkids.com/effects/harms.htm 19. Stephen J. Kavanagh, Protecting Children in Cyberspace (Springfield, VA: Behavioral Psychotherapy Center, 1997), 58-59 20. http://www.journal.com.ph/index.php/news/provincial/29360-girl-raped-killed-dumped 21. http://newsinfo.inquirer.net/208413/girl-raped-by-minors-no-charges-readied 22. http://www.catanduanestribune.com/article/22W7 23. http://www.sunstar.com.ph/cebu/local-news/2012/07/08/child-accuses-boy-14-rape-230956 24. http://www.gmanetwork.com/news/story/276905/ulatfilipino/dagupan/dalagita-hinalay-umano-ng-4-na-menor-de-edad-sa-pangasinan 25. http://simbahayan.tripod.com/B5-pornography01.html 26. http://www.protectkids.com/effects/harms.htm 27. http://www.protectkids.com/effects/harms.htm

Similar Documents

Free Essay

Mine

...WORKING WHILE IN CLASS MAEVELYN Q. CALAPARDO Submitted to the COLLEGE OF MASS COMMUNICATION University of the Philippines Diliman In partial fulfillment of the requirements For the degree of Bachelor of Arts in Film and Audio-Visual Communication October 2011 WORKING WHILE IN CLASS by MAEVELYN DE QUIROZ CALAPARDO has been accepted for the degree of BA Film and Audio-Visual Communication by Professor Olivia L. Cantor and approved for the University of the Philippines College of Mass Communication by Professor Roland B. Tolentino Dean, College of Mass Communication BIOGRAPHICAL DATA Name Maevelyn de Quiroz Calapardo 4 Toclong 1st - C Imus, Cavite Permanent Address Mobile Number Email Address 0927 412 1288 maevelyn018@yahoo.com Date and Place of Birth July 18, 1988 Mandaluyong City EDUCATION Secondary Level St. Emilene Academe Imus, Cavite Primary Level St. Emilene Academe Imus, Cavite WORK EXPERIENCE Associate Producer / Assistant Camera Person Sa Ilalim ng Tulay, Cinemaone Originals October 2011 Video Editor Talk, Understand, Care: Discipline Without Violence October 2011 Intern, Roadrunner Inc., May-June 2009 PASASALAMAT Ipinararating ang taos pusong pasasalamat sa lahat ng taong sumuporta at gumabay upang maisakatuparan ang proyektong ito. Pasasalamat sa aking mga magulang na sina Mobil at Leny Calapardo para sa pagmamahal at walang sawang pagtitiwala sa aking kakayahan. Sa aking mga kapatid...

Words: 30375 - Pages: 122

Premium Essay

The Culture of Dota in the Philippines

...has brought such intense effects to the Filipino youth and its everyday life; up to the point where they are affected physically, psychologically, and their respective careers. Because of DOTA, the computer shops in the country have been growing massively since its release; the youth are gathered there to play informally and to show their enthusiasm and foster friendship, teamwork and camaraderie. It follows the ‘booming’ computer shop industry and culture in the country. Also, some people handle DOTA tournaments to encourage other people and make this gaming industry to grow in the country. Because of the addiction of the people playing the game, they also express DOTA through the arts and music, language, internet and the social networks. Due to the...

Words: 15208 - Pages: 61

Premium Essay

About Hotel

...If you break this rule, the operation is considered failed and you need to face a severe punishment. Signed by: Naomi Mikael Perez I am Naomi Mikael Perez. My friends calls me Naomi, my relatives calls me Mika. He calls me Nami. And yes, tama ang nababasa niyo sa taas, ako nga ang nag sign diyan. As in ako, ang babaeng walang inintindi sa buhay kundi ang mag lakwatsa, kumain, mag-aral, magbasa ng libro, mag-alaga ng kanyang aso at mag pa-cute sa crush niya. Isang araw nagising na lang ako na kailangan ko na palang paiyakin ang ultimate Casanova ng aming eskwelahan. The guy who make a thousand girls cry. Ang lalaking wala naman akong pakialam at wala namang pakialam sakin. "In a Game called Love, the first one who falls is the LOSER" Chapter 1 *The Cassanova* [Naomi’s POV] “give me that damn notebook and I’ll sign it!!!” “wait are serious?!” “I am dead serious!!” “remember if you sign, there is no turning back” “yes I do remember!” GRRR I’M GONNA SHOW THAT STEPHEN CRUZ!! I’M GONNA BREAK HIS HEART! Inabot sakin yung notebook na pinagsulatan ng 10 things I need to do to break stephen’s heart and yung only rule doon, kasama ang isang ballpen. I signed the contract. PAUSE.. Ok readers, bago ko ituloy to,...

Words: 134716 - Pages: 539

Premium Essay

Btcho

...fall for him If you break this rule, the operation is considered failed and you need to face a severe punishment. Signed by: Naomi Mikael Perez I am Naomi Mikael Perez. My friends calls me Naomi, my relatives calls me Mika. He calls me Nami. And yes, tama ang nababasa niyo sa taas, ako nga ang nag sign diyan. As in ako, ang babaeng walang inintindi sa buhay kundi ang mag lakwatsa, kumain, mag-aral, magbasa ng libro, mag-alaga ng kanyang aso at mag pa-cute sa crush niya. Isang araw nagising na lang ako na kailangan ko na palang paiyakin ang ultimate Casanova ng aming eskwelahan. The guy who make a thousand girls cry. Ang lalaking wala naman akong pakialam at wala namang pakialam sakin. "In a Game called Love, the first one who falls is the LOSER" Chapter 1 *The Cassanova* [Naomi’s POV] “give me that damn notebook and I’ll sign it!!!” “wait are serious?!” “I am dead serious!!” “remember if you sign, there is no turning back” “yes I do remember!” GRRR I’M GONNA SHOW THAT STEPHEN CRUZ!! I’M GONNA BREAK HIS HEART! Inabot sakin yung notebook na pinagsulatan ng 10 things I need to do to break stephen’s heart and yung only rule doon, kasama ang isang ballpen. I signed the contract. PAUSE.. Ok readers, bago ko ituloy to, kailangan niyo muna malaman ang ugat nang pangyayaring...

Words: 134723 - Pages: 539

Premium Essay

Factors Affecting the Study Habits of Students

...If you break this rule, the operation is considered failed and you need to face a severe punishment. Signed by: Naomi Mikael Perez I am Naomi Mikael Perez. My friends calls me Naomi, my relatives calls me Mika. He calls me Nami. And yes, tama ang nababasa niyo sa taas, ako nga ang nag sign diyan. As in ako, ang babaeng walang inintindi sa buhay kundi ang mag lakwatsa, kumain, mag-aral, magbasa ng libro, mag-alaga ng kanyang aso at mag pa-cute sa crush niya. Isang araw nagising na lang ako na kailangan ko na palang paiyakin ang ultimate Casanova ng aming eskwelahan. The guy who make a thousand girls cry. Ang lalaking wala naman akong pakialam at wala namang pakialam sakin. "In a Game called Love, the first one who falls is the LOSER" Chapter 1 *The Cassanova* [Naomi’s POV] “give me that damn notebook and I’ll sign it!!!” “wait are serious?!” “I am dead serious!!” “remember if you sign, there is no turning back” “yes I do remember!” GRRR I’M GONNA SHOW THAT STEPHEN CRUZ!! I’M GONNA BREAK HIS HEART! Inabot sakin yung notebook na pinagsulatan ng 10 things I need to do to break stephen’s heart and yung only rule doon, kasama ang isang ballpen. I signed the contract. PAUSE.. Ok readers, bago ko ituloy to, kailangan niyo muna malaman...

Words: 129057 - Pages: 517