Epekto Ng Social Networking Sa Mga Piling Mag-Aaral Ng Bsis-1a Taong Aralan 2010-
In:
Submitted By rjhenikha Words 6528 Pages 27
Epekto ng Social Networking sa mga Piling Mag-aaral ng BSIS-1A Taong Aralan 2010-2011 ng
University of Caloocan City
Pangkat VI:
Alcera, Igie Ralph T.
Anselmo, Marnie Nadyne L.
Azcarraga, Jerson E.
Bebat, Gerlie
BSIS - 1A
Dr. Carmelita Alejo
Talaan ng Nilalaman
Kabanata 1 --------------------------------------------------------------- 4
Panimula ----------------------------------------------------------- 4
Sanligang Kasaysayan -------------------------------------------- 4
Balangkas Teoretikal --------------------------------------------- 8
Balangkas Konseptwal -------------------------------------------- 9
Paglalahad ng Suliranin ------------------------------------------- 10
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral ------------------------------ 10
Katuturan ng talakayan ------------------------------------------- 11
Kabanata 2 ----------------------------------------------------------------- 13
Banyagang Literatura --------------------------------------------- 13
Lokal na Literatura ------------------------------------------------ 14
Banyagang pag-aaral ---------------------------------------------- 17
Lokal na Pag-aaral ------------------------------------------------- 18
Kabanata 3 ------------------------------------------------------------- 25
Pamaraang ginamit --------------------------------------------- 25
Paraan ng pagpili ng respondente ---------------------------- 25
Deskripsyon ng mga respondent ------------------------------ 26
Kabanata 5 ------------------------------------------------------------- 27
Paglalagom ------------------------------------------------------ 27
Natuklasan ------------------------------------------------------- 30
Konklusyon ------------------------------------------------------ 31
Rekomendasyon ------------------------------------------------ 33
Sanggunian ------------------------------------------------------------ 34
Sangguniang Aklat ---------------------------------------------- 34
Sangguniang Web Sayt ------------------------------------------ 34
Kabanata I
ANG PANIMULA AT KALIGIRAN NG KASAYSAYAN
Panimula
Alam naman natin na panahon ngayon ng globalisasyon. Mayroong pagkakataon na may nadadagdag at nababawas sa iba’t-ibang larangan na mayroon ang ating lipunan. Halimbawa sa kultura, paraan ng pananampalataya at maging sa teknolohiya. Ang teknolohiya natin ngayon ay patuloy na tumataas, at marami ng nagbabago dahil dito. Lalo na ng umusbong ang panahon ng kompyuter. Alam nating lahat na ang kompyuter ngayon ay malaki ang naitutulong sa ating buhay, lalo na sa mga estudyante. Pero marami rin sa mga kabataan na nalululong dito at ginagamit lamang dahil sa gusto nilang maglibang. Isa sa mga kinalolokohan ng mga kabataan ngayon ay ang mga iba’t-ibang “SOCIAL NETWORKING SITE” na laganap sa mundo ng kompyuter. Samakatuwid, ang aming pananaliksik ay umiikot sa social networking, kung paano ito nakakapekto sa mga mag-aaral mabuti man o masama.
Sanligang Kasaysayan
Nagsimula ang mga social networking sites (SNS) noong 1997 sa pagkakalunsad ng SixDegrees.com (Wikipedia, 2008). Mula 1997 hanggang 2001, nabuo ang ilan pang SNS tulad ng AsianAvenue, BlackPlanet, MiGente, LiveJournal, Cyworld at Ryze.com. Matapos ang 2001, marami pang nailunsad na mga SNS at ilan sa mga ito ay popular hanggang ngayon tulad ng Friendster, Multiply at Facebook (Boyd & Ellison, 2007) (Sumangguni sa dayagram 1).
Ang mga komersyal na serbisyong onlayn ay nagsilbing akses at dahilan upang gumamit ng internet. Sa pag-abot nila sa kanilang tugatog, ang populasyon ng computer users ay tumaas ng lubos (McConnell, 2008). Hindi nagpapahuli ang mga Pilipino sa trend na ito at sa kasalukuyan ang Pilipinas ang may pinakamaraming tagatangkilik ng Friendster sa buong mundo (Yazon, 2007).
//Nagsimula ang Social Networking sa BBS o Bulletin Board System. Ang mga onlayn na tagpuan na ito ang nagsisilbing tagpuan ng malalaking code na kung saan pinahihintulutan/pinapayagan ang mga gumagamit upang makipag-ugnayan sa isang sistemang sentral kung saan maaari silang magdownload ng mga dokumento o laro(kadalasan kasama amg mga piniratang “software”)at makapagpadala ng mga mensahe sa iba pang mga gumagamit. Sa pamamagitan ng isang modem na nakaugnay sa linya ng telepono, ang BBS ay kadalasang pinapatakbo ng isang hobbyist sa bihasa at maingat inaral ang sosyal na aspeto at interes ng kaniyang proyekto na kadalasan ay may kaugnay na teknolohiya. Bukod ditto, ang pangmalayuang tawag ay karaniwang iniaaplay ara sa mga nangingibang bayan o “out of towners”, sa kabilang dako, napakaraming Bullitin Board ang nagagamit ng mga lokal na mamamayan. Napapakinabangan nila ito sa pakikisalamuha sa iba.At sa isang iglap, ang hindi mahilig sa pakikisalamuha o “anti-social” ay nagiging “social”.
Ang BBS ay hindi isang biro, kahit na ang teknolohiya noong panahong iyon ay pinigilan ang pleksibilidad ng mga sistema at ng mga “end-user”, hanggang sa teksto na lamang ang naipapalit na impormasyon dahilan sa kabagalan nito. Ang BBS ay patuloy na nagiging popular at tanyag sa mga panahong dekada otsenta(80’s) at dekada nobenta(90’s) nang maging patok ang internet. Ilang mga serbisyo tulad ng Tomjennings’Fidonet ay pinagdugtong-dugtong at pinagsama-sama ang di mabilang na mga BBS para maging makamundong koneksyong na nagtulak para malagasan ang panahon ng rebulusyon ng Internet.
Pero nagkaroon din naman ng iba pang mga daan para sa pakikipag-ugnayan o “Social Interaction”bago pa man dumating ang Internet. Isang opsyon ang Compuserve, isang serbisyo na nagsimula noong 1970 bilang isang “business-oriented mainframe computer communication solution”,ngunit inilantad lamang sa publiko dakong mga 1980 na.
Pinahintulutan ng CompuServe ang mga myembro na makapagbahagi ng mga dokumento, balita at mga kaganapan. Ngunit nag-aalok din ito ng ilang bagay na hindi pa nararanasan ng ilang. Sa pamamagitan ng pakikipa-ugnayan. Hindi lang makapagpapadala ng mensahe sa pamamagitan ng “e-mil” maari ka na din makisali sa alinman sa libo-libong mga diskusyon at mga forum kasama ang ilang libong myembro nito sa halos anumang mahahalagang paksa ng araw. Ang forum ding ito ang nagbibigay ng populiridad at nagpaganda ng daan tungo sa mosernong iterasyon ng alam natin ngayon.
Ngunit kung mayroon ngang ika nga ay pasimuno ng SocialNetorking ngayon, malamang ay nasa ilalim ng AOL o American Online. Sa maraming paraan at para sa nakararaming tao, ang AOL ay itinuturing na ang Internet bago ang Internet na diangdagan pa ng mga kaakit-akit at interesanteng mga tampok na nagpasikat dito.
Pero hindi pa rin tumitigil ang real Internet, at sa kalagitnaan ng 1990 patuloy ang pagyabong nito.Yahoo Store Built. Nagsimulang magbenta ng libro ang Amazon, hanggang sa ang bawat kabahayan ay nagkaroon na din nj sariling kompyuter o PC. At nito lamang 1995, isinilang ang unang nagbigay ng kahulugan ng modernong Social Networking.
Ang unang implikasyon ng panlipunang networking website ay nasaksihan noong 1997 sa pamamagitan ng pagbuo ng isang tiyak ba kumpanya na tinatawag na Sixdegrees.com. Ang kompanyang ito ang unang kanyang uri.Ito pinahihintulutan user sa listahan ng kanilang mga profile.Magbigay ng isang listahan ng mga kaibigan at pagkatapos ay makipag-uganayan sa kanila. Gayunman, ang kumpanya ay hindi nakagawa ng tunay na mabuti dahilan upang ito’y tuluyang magsara sa loob ng tatlong taon. Maraming mga tao gamit ang internet sa oras ng iyon ay hindi nabuo maraming mga SocialNetwork kaya may maliit nasilid para sa maniobra. Ito ay dapat na kilala na nagkaroon din naman ng ibang pang mga gumagamit na magbibigay sa kanilang mga profile ngunit hindi sila maaaring ibahagi ang iba oang mga tao ang Website. Bukod dito, may mga ilang Website na link ating eskwelahan ngunit ang listahan ay hindi maaaring ibahagi sa iba.(Cassidy, 2006).
Pagkatapos na ito doon ayang paglikha ng LiveJournal sa taon 1999. Ito ay nilikha upang mapadali ang isa palitan ng paraan ng journal sa pagitan ng mga kaibigan. Isa pang kumpanya sa Korea na tinatawag na Cyworld idinagag ang ilang mga tampok na SocialNetworking sa taong 2001. Ito ay pagkatapos ay sinundan ng Lunar Storm sa Sweden sa panahon ng parehong taon. Kabilang sa mga bagay na tulad ng talaarawan mga pahina at mga listahan ng kaibigan. Bukod ditto, Ryze.com din itinatag mismo sa merkado. Ito ay nilikha na ang layunin ay pag-uugnay sa mga tao ng negosyo sa loob ng San Francisco. Ang kumapanya ay sa ilalim ng pamamahala ng Friendster, Linkedin,Tribe.net at Ryze. Ang huling kumpanya ay ang hindi bababa sa matagumpay na sa gitna ng lahat ng iba. Gayunma, Tribe.net specialized sa mundo ng negosyo ngunit Friendster sa una ginawa na rin, ito ay hindi huling para sa haba.(Cohen, 2003)//
Balangkas Teoretikal
“Teorya ng sosyalismo”
Ayon kina Ogatia, Ivan et’ al mga mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas.
Ang teorya ng sosyalismo ay tumutukoy sa malawak na sistema ng teoryang ekonomiko ng panlipunan organisasyon na nagtataguyod sa estado o sa sama-samang pagmamay-ari o pamamahala sa paggawa at pamamahagi ng mga kagamitan, at ang lipunan ay kilala sa pagkakaroon ng pantay pantay na pagkakataon sa lahat ng indibidwal na may patas o igualitaryang pamamaraan ng pasahod. Halos magkaparehas lang sila ng teorya ng sosyolohikal
Balangkas Konseptwal
Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay may layunin tukuyin ang mga salik at epekto ng social networking site na ginamit. Nagbibigay din ito ng iba’t-ibang impormasyon na makatutulong upang masagot ang mga katanungan na nabuo ng mga mananaliksik. 1. Paano nakatutulong ang Social Networking sa isang indibidwal? 2. Anu-ano ang mga mabuti at masamang epekto ng isang Social Networking Site? 3. Gaano kahalaga sa isang indibidwal ang Social networking site?
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang aming pananaliksik ay tungkol lamang sa maaaring maging epekto ng mga iba’t-ibang Social Networking site sa mga piling mag-aaral ng BSIS-1A sa University of Caloocan City. Bilang karagdagan, ang buong pag-aaral ay nakatuon lamang sa mga Social Networking site.
Ang pananaliksik ding ito ay nakatuon sa pagbibigay ng mga impormasyon at mungkahi na makatutulong hindi lamang sa mga mag-aaral ng BSIS-1A bagkus pati na rin sa iba pang kabataan at maging sa ating lipunan.
Katuturan ng talakayan
Binigyan ng mga mananaliksik ng depinisyon ang mga terminolohiya na ginamit sa pag-aaral nito upang mas maging maayos, madali at lubusang maintindihan ang mga salitang ginamit ng mga mananalliksik sa pag-aaral na ito.
Download – pagsasalin ng mga impormasyon, imahe, video at iba pang dokumento mula sa internet patungo sa kompyuter.
Facebook – isang Social Networking Site kung saan nakakatutulong para magkaroon ng komunikasyon sa mga taong nais mong kausap na nasa malayo. Isa rin itong aplikasyon na naglalaman ng mga laro at impormasyon tungkol sa iyong mga kakilala. At maaari kang makagawa ng sariling profile. Itinatag ito noong Pebrero 2004 ng Facebook INC.
Internet - ay isang sistema na pangdaigdigang kung saan ito ay tumutulong sa milyong-milyon tao para makakonekta sa isang web sayt. Tumutulong ito sa mga tao na nangangailangan ng impormasyon parasa kanilang mga takdang aralin, proyekto at iba pang mga gawain na may kaugnayan sa kanilang pag-aaral at trabaho. Ginagamit din ito upang makausap natin ang mga taong malayo sa piling natin.
Kompyuter - Ito ay isang teknolohiya na ginagamit sa paggawa ng iba't ibang gawain kaugnay ang kalkulasyon, pagbuo ng program, at midyum sa pagmamanipula ng mga makabagong teknolihiya. Ito ay isa sa mga in-demand na kagamitan sa kasalukuyan. Isa itong multi-purpose na kagamitan na nagbibigay ng iba't ibang kapakinabangan.
Social networking - Ito ay isang sosyal na instruktura na binuo ng isang organisayon, upang ang isang indibidwal ay matulungan sa iba’t-ibang paraan tulad ng pagkokomunikasyon sa mga kaibigan , kamag-anak na nasa ibang lugar, paglilibang at pagpapalitan ng mga mensahe.
Upload – pagsasalin ng mga impormasyon , imahe, video, at iba pang mga dokumento mula kompyuter patungo sa isang web sayt o sa isang pahina ng web.
URL (Uniform Resource Locator) - isang address na natatangi o na iiba para sa isang file na napapaandar o na aaccess lamang ng internet.
Web sayt - Ito ay koleksyon ng mga pahina na may kaugnayan sa isang Web (pahina na naglalaman ng modyul para makakonekta sa labas ng Network.) na naglalaman ng mga imahe , video , at iba pang mga digital-access .
Kabanata 2:
Mga kaugnay na literatura at pag-aaral
Banyagang Literatura
“EFFECTS OF SOCIAL NETWORK ON
STUDENTS’ PERFORMANCE: A WEB-BASED
FORUM STUDY IN TAIWAN”
Ayon sa pag-aaral nina Heng-Li Yang isang propesor at si Jih-Hsin Tang na Phd Candidate sa ilalim ng departamento ng Management Information Systems ng National Cheng-Chi University.
Sinasabi na ang pananaliksik na ito ay nagsisiyasat ng kung ano ang magiging epekto ng social networking sa mga estuyante na gumaganit ng Online Education. Nangalap kami ng datos sa apatnapung [40] estudyante na may kursong Advance Management Information System [AMIS]. Nais patunayan ng mananaliksik kung gaano ang social networking site nakatutulong sa mga estudyante at nakaka-apekto ito.
Una sa Advising Network ay positibong may kaugnayan sa mga kilos ng mga mag-aaral sa kanilang klase at sa kanilang forum. Halos lahat ng mga estduyante ay hindi sang-ayon sa Adversarial variable.
Pangalawa, advising at adversarial networking ay mabuti sa pangkalahatang akademiko gayon pa man ang adversarial network ay hindi mabisa sa mag-aaral. Friendship network variable ay hindi tinutukoy ng mga mag-aaral pagdating sa kanilang pagganap. Ang implikasyon para sa mga resulta ay tinalakay din.
“The Health Effects of Social Networking”
Ang Social Networking ba ay lubos na nakaka-apekto sayo? Marahil hindi. Ngunit may ang mayroong dalawang dalubhasa sa siyensya na mula sa britanya na nagsasabi na ang labis napaggamit ng kompyuter ay nakaka-apekto sa ating kalusugan.
Sinabi ni Susan Greenfield, isang propesor sa kursong pharmacology sa Oxford University at direktor ng Royal Institution of Great Britain sa isang pahaygan na ang social networking ay parang “sanggol na kailangan bantayan ang bawat kilos at asikasuhin oras-oras”.
Ayon kay Lady Greenfield “kinakatakutan ko ang teknolohiya pagdating sa maaring maging epekto nito sa mga kabataan. Dahil maraming mga Site ang naglalabas ng mga hini magagandang imahe o hindi kaaya-aya. At mayroong pang pagkakataon na hindi na iniintindi ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral, bagkus ay matagal pa ang panahon ang ginugugol nila sa isang Social Networking Site na dahilan para sila ay mapuyat at kaligtaan ng kumain ng nasa oras.”
Imunumungkahi ng dalawa na limitahan ang paggamit ng mga social networking site kung hindi naman kinakailangan.
Lokal na Literatura
“EPEKTO NG PAGSALI SA MGA SOCIAL NETWORKING WEBSITES SA MGA PILING 1ST YEAR NA MAG AARAL MULA SA KOLEHIYO NG KOMERSIYO SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS.”
REBYU / PAGAARAL
Ang mga networking websites ay isa sa mga dahilan kung bakit ang mga kabataan at ang ilang numero ng mga nakakatanda ay nagiging hooked sa pagkuha ng litrato, pagba-blog at kung anu-ano pa. Ano nga ba ang mga mabuti at masamang epekto nito?
Ayon sa mga pag-aaral, ang networking websites ay isang daan tungo sa mabuti at maayos na pamumuno ng isang organisasyon at gayun din sa negosyo. Hindi lamang ito pangsosyal na pakikipaghalubilo gamit ang internet kundi isang magandang paraan din ng maayos na pakikipag-transaksyon sa iba’t ibang sangay ng kalakal o negosyo. Itong networking sites din ay ginagamit sa iba’t ibang lugar sa mundo kaya di malayong mangyari na magkaroon ng iba’t ibang kasunduan sa mga bansang nagkakaroon ng transaksyon gamit ito.
Mula sa pag-aaral noong 2007, maganda ang naidulot ng networking websites na ito sa mga bansang umaangat pagdating sa larangan ng negosyo. At sa pag-aaral ding ito, na may resulta sa loob ng tatlumpung araw, makikita na higit sa sampung porsyento ang naidagdag sa pagsulong na pakikipagnegosyo.
Nasabi rin na ang ito ay may magandang epekto sa larangan ng pakikipagkalakal. Ayon sa pananaliksik, nasabi na kapag ang mga kasapi ng organisasyong ito ay nakakuha ng maraming bagong patalang kaanib, mas kakaunti ang magagastos ng kompanya/organisasyon sa website na ito sa negosyo. Iba pa rito ang mga gumagamit o nakikinabang sa dulot nito kaysa sa mga kasapi lamang na sumali. Dumarating nga lamang sa punto na hindi na kayang suportahan ng website ang dami ng mga kasapi nito na nagdudulot ng kritikal na paghihigpit lalo na pagdating sa pangangalakal at pangangailangan ng mga kumukonsumo ng produktong iniaangkat ng negosyo sa pamamagitan nito. Ngunit, napapanatili nitong panatag ang daloy ng komunikasyon sa mga miyembro na nagiging resulta ng pagbabalik nito sa tamang daloy ng pakikipag-transaksyon.
Ang taktika ng mga negosyante rito ay: humanap ng koneksyon sa isang sentral na organisasyon at makipag-transaksyon sa mga sangay nito hanggang sa dumami ang maging koneksyon nito mula sa isang sangay.
Ang networking website ding ito ay kayang maitago ang pagkatao ng gumagamit sa kadahilanang wala itong sapat na impormasyon tungkol sa gumagamit kaya’t ang taong kasapi rito ay may layang ilagay ang impormasyong nais habang naitatago ang pagkatao. Dito rin ay maraming taong maaaring makilala mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Maraming iba’t ibang dulot at limitasyon ang isang networking website na ninanais na magamit. Mayroong may hangad na makahanap ng kaibigan o sosyal na pakikibagay. Mayroon din na ang pinakahangad ay ang makahanap ng kapareha o makakasama, atbp.
Sa panahong ngayon, lalo na ang walang pigil na pag-usbong ng teknolohiya, hindi na mapipigilan ang pagdami ng mga taong nagiging kasapi ng mga networking website. Gayun din ang hindi pag-alam ng kung anong masamang maidudulot nito sa mga gumagamit depende sa site na sinalihan.
Masasabi na isang magandang daan ito para makausap ang mga malalayong kamag-anak at kaibigan nang wala masyadong nagagastos at sa mabilis na transaksyon, ngunit pagdating ng mga epekto nito sa isang estudyante, magbabago ang daloy ng pakikisama nila. Ang networking websites ding ito ay nagbibigay sa mga estudyante ng mga akala o masasabi nating sa pamamagitan ng networking websites na ito ay nagkakaroon sila ng malalayong relasyon o long distance relationship. Hindi ito maiiwasan ngayong marami ng magandang naidudulot ang teknolohiya sa buhay ng bawat tao.
Isa pa sa masamang epekto nito ay nakagagawa ito ng isa pang katauhan at maling tala ng isang tao sa isa. Nakatala din sa pag-aaral na ang mga taong walang masyadong social life ay dinaraan ang pananahimik sa networking. Dahil nga sa nasabi natin na isa itong daan sa komunikasyon sa mga taong malalayo sa’yo, kilala mo man o hindi. Mahirap ding makahanap ng privacy dito lalo na sa ibang website na nakikita ang bawat update mo. (Halimbawa: facebook)
May isang pagsusuri mula sa isang pag-aaral ng isang Dutch noong 2006 na ang networking websites ay nakadadagdag ng self esteem ng mga kabataan ngayon. Sa pag-aaral na ito, sa 881 na kabataan ay 5.6% ang nakitaan ng mga negatibong epekto , 4.9% ang positibo, 35% ang nakaroon ng magandang relasyon sa pakikipagkaibigan at 8.4% ang nagkaroon ng magandang buhay-pag-ibig. Marami na ring naihahayag na masasamang epekto dito lalo na ang tinatawag na cyber bullying. Isa itong aspeto ng pagkababa ng self esteem ng bata na nadadala sa pagtanda. Ang teknolohiya nga naman, kahit na maraming nagagawang mabuti ay marami ring masamang dulot. Sa ngayon, ang mga magulang ng mga kabataang nagiging hook sa networking website ay walang kamalayan sa kondisyon ng kanilang anak sa pamamagitan ng internet. At, ang mga magulang na kasapi sa online networking ay hindi nababahala sa ano mang maaaring mangyayari sa kanila na katulad ng nangyayari sa kanilang mga anak.
Banyagang pag-aaral:
“EFFECTS OF SOCIAL NETWORK ON
STUDENTS’ PERFORMANCE: A WEB-BASED
FORUM STUDY IN TAIWAN”
Ayon sa pag-aaral nina Heng-Li Yang isang propesor at si Jih-Hsin Tang na Phd Candidate sa ilalim ng departamento ng Management Information Systems ng National Cheng-Chi University.
Sinasabi na ang pananaliksik na ito ay nagsisiyasat ng kung ano ang magiging epekto ng social networking sa mga estuyante na gumaganit ng Online Education. Nangalap kami ng datos sa apatnapung [40] estudyante na may kursong Advance Management Information System [AMIS]. Nais patunayan ng mananaliksik kung gaano ang social networking site nakatutulong sa mga estudyante at nakaka-apekto ito.
Una sa Advising Network ay positibong may kaugnayan sa mga kilos ng mga mag-aaral sa kanilang klase at sa kanilang forum. Halos lahat ng mga estduyante ay hindi sang-ayon sa Adversarial variable.
Pangalawa, advising at adversarial networking ay mabuti sa pangkalahatang akademiko gayon pa man ang adversarial network ay hindi mabisa sa mag-aaral. Friendship network variable ay hindi tinutukoy ng mga mag-aaral pagdating sa kanilang pagganap. Ang implikasyon para sa mga resulta ay tinalakay din.
Lokal na pag-aaral:
SNN: Social Networking Ngayon
“Paggamit ng Social Networking Sites ayon sa Kontekstong Moral at Kaugalian ng mga Pilipino”
Layunin
Ang pamanahong papel na ito ay may layong ilahad ang papel na ginagampanan ng konetekstong moral at kaugaliang Pilipino sa pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga Social Networking Sites (SNS). Nais ding ilahad ng mga mananaliksik ang epekto, kabilang na ang adbentahe at disadbentahe ng paggamit ng SNS.
Panimula
Ayon sa tala, mayroon humigit kumulang 45 pangunahing SNS ang aktibong sinasalihan ng mga mamamayan ng mundo ngayon. Ang mga SNS na ito ay may pagkakaiba base sa teknolohikal na katangian, kultura na namumuo sa SNS, interes, gawain at pananaw ng mga miyembro, at serbisyong pang-komunikasyon.
Ang Pilipino ay isa sa mga lahing tumatangkilik ng mga SNS at gumagamit ng mga serbisyo nito. Kaugnay ng paggamit nila ng SNS ang kanilang moralidad at mga kaugalian na nabuo sa paglipas ng panahon. Makikita ang mga markang Pilipino na ito sa kanilang mga dahilan ng paggamit ng SNS.
I. Mga Kaugnay na Babasahin
Ano ang Social Networking Site?
Ang mga social networking sites ay mga serbisyong web-based na pinahihintulutan ang mga indibidwal na gumawa ng pribado o pampublikong profayl sa loob ng sistema; pinahihintulutan ang mga gumagamit na makita ang listahan ng kanilang mga koneksyon at makita ang mga ginagawa ng iba pang tagatangkilik ng sistema (Boyd & Ellison, 2007). Ang social networking ay nakasentro sa pagbuo ng komunidad na onlayn ng mga miyembro na may pareho-parehong interes at gawain (Wikipedia, 2008). Ito ay kung saan ang isang tao ay gumagamit ng mga kontak upang makakilala ng mga bagong kaibigan bilang potensyal na koneksyon sa negosyo o social life. Ang mga koneksyong ito ay makatutulong upang mapalawak pa ang mga koneksyong mabubuo pa sa hinaharap (Bax, n.d.; MacEntee, 2007; Glaser, 2007).
Kasaysayan ng Social Networking Sites
Nagsimula ang mga social networking sites (SNS) noong 1997 sa pagkakalunsad ng SixDegrees.com (Wikipedia, 2008). Mula 1997 hanggang 2001, nabuo ang ilan pang SNS tulad ng AsianAvenue, BlackPlanet, MiGente, LiveJournal, Cyworld at Ryze.com. Matapos ang 2001, marami pang nailunsad na mga SNS at ilan sa mga ito ay popular hanggang ngayon tulad ng Friendster, Multiply at Facebook (Boyd & Ellison, 2007) (Sumangguni sa dayagram 1).
Ang mga komersyal na serbisyong onlayn ay nagsilbing akses at dahilan upang gumamit ng internet. Sa pag-abot nila sa kanilang tugatog, ang populasyon ng computer users ay tumaas ng lubos (McConnell, 2008). Hindi nagpapahuli ang mga Pilipino sa trend na ito at sa kasalukuyan ang Pilipinas ang may pinakamaraming tagatangkilik ng Friendster sa buong mundo (Yazon, 2007).
Dayagram 1. Timeline ng Paglulunsad ng mga Pangunahing SNS
2 Uri ng Social Networking Sites
May dalawang uri ng SNS – tradisyunal at ispesyal. Ang mga tradisyunal na SNS ay karaniwang bukas sa lahat ng tao at may libreng “membership”. Layunin nito ang pakikipagkaibigan, paghahanap ng affiliates at iba pa. Ilan sa mga halimbawa ng tradisyunal na SNS ay Friendster, Multiply at Facebook. Samantala, ang mga ispesyalti SNS ay may natatanging layon. Tulad ng isang online dating site, kung saan ang mga gumagamit nito ay mga taong naghahanap ng kapareha sa buhay pagdating sa personal na relasyon (Hinango Enero 2009, http://www.scribd.com/doc/6066857/advantages-and-disadvantages-of-dating-social-networking-sites; Pebrero 2009, http://www.whatissocialnetworking.com/). Isa pang halimbawa ng isang ispesyalti SNS ay ang LinkedIn na ginagamit naman ng mga negosyante at entrepreneur (Wikipedia, 2008; Glaser, 2007).
Kontekstong Moral at Kaugalian ng mga Pilipino kaugnay sa Paggamit ng SNS
Ang moralidad ang tumutukoy kung ano ang karapat-dapat, ang wastong pasya, ang mabuting gawin o ang tamang plano (Eliab, B.S., 2004). Ang mga kaugalian naman ay hinahango sa moral na paniniwala ng isang lahi (kung ano ang pinaniniwalaan nilang tama o mali) (Hinango Enero 2009, http://www.angelfire.com/fl5/ecstacyX/freedom_culture.html) at kultura na tumutukoy sa katauhan ng mga Pilipino (Gorospe, n.d.; Wikipedia, 2009).
Halimbawa ng isang moral na pananaw o norm sa Pilipinas ay ang “group-thinking” o “group-centeredness”. Ang grupo kung saan kabilang ang isang indibidwal ang nagpapasiya kung ano ang tama at mali. Ito ay dahil sa hindi pa sapat ang moral independence at maturity ng indibidwal (Gorospe, V.R., 2007; Demetrio III, 2001). Dahil sa mga moral na ito ay nabuo ang mga kaugaliang Pilipino tulad ng pagpapahalaga sa pamilya, paggamit ng “po” at “opo” bilang paggalang, pagtanaw ng utang na loob, pakikisama, bayanihan, delicadeza (pagkilos ng tama at nasa lugar), at paniniwala sa Diyos (Gorospe, n.d.; Hinango Pebrero 2009, http://www.articlearchives.com/humanities-social-science/history/394795-1.html; Wikipedia, 2009).
Ayon kay Peter Pezaris (2008), Pangulo at Founder ng Multiply, sa isang panayam sa abs-cbnNews.com, ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa pamilya at relasyon ang pangunahing dahilan ng paggamit nila ng SNS (Dizon, 2008). Pinahayag din ni Carmen Leilani De Jesus (2007) sa kanyang “blog” na kaya patok ang Friendster sa mga Pilipino ay dahil sa moral na paniniwala na ang pakikipagkaibigan at ang mga kakilala mo ay mas mahalaga kaysa sa salapi (Maderazo, 2007).
Adbentahe at Disadbentahe ng Paggamit ng mga SNS
Ang mga adbentahe na nakatala sa dayagram 2 ang karaniwang nilalayon ng mga tagapagtangkilik ng mga SNS. Sa moral na aspeto, ang paggamit nito ay maaring maidulot ng kagustuhang mapanatili ang koneksyon sa pamilya, buhayin (sa pamamagitan ng trabaho) at mapanatili ang relasyon ng pamilya at ng significant others (Dizon, 2008). Ngunit ang paggamit nito ay may kaakibat na mga disadbentahe na maaring maidulot ng ibang tagapagtangkilik ng sistema o ng sarili dahil sa malabisang paggamit nito at paglalahad ng maselang personal na impormasyon (MacEntee, 2007).
II. Paglalahad ng Sariling Pag-aaral
a. Metodolohiya
Sa pangangalap ng datos, ang mga mananaliksik ay gumamit ng onlayn na sanggunian, mga aklat at panayam. Gumamit ng talatanungan ang mga mananaliksik na may mga katanungang naaangkop sa paksa tulad ng: “Kung ibabase sa kontekstong moral at kaugaliang Pilipino tulad ng ugnayang pampamilya, ano sa inyong pananaw ang mga dahilan at salik na maaaring magdulot ng kanilang paggamit ng mga social networking sites?” at “Bakit patok ang social networking sa mga Pilipino?”
Kinapanayam ng mga mananaliksik si Bb. Ember Cruz na isang national volunteering program officer sa organisasyong Voluntary Service Overseas (VSO). Siya ay nakapagtapos ng kursong Sikolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas at isang miyembro ng Facebook. Kinapanayam din ng pangkat si Gng. Veronica Tolentino na kasalukuyang nagtatrabaho sa ABS-CBN Foundation bilang isang human resources manager. Siya ay nakapagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas taong 1984 sa kursong Behavioral Science. Siya ay isang aktibong miyembro ng LinkedIn, isang SNS.
II.A.Kongklusyon
Ayon sa panayam at nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik, ang SNS ay isang instrumento. Iba-iba ang depinisyon at gamit natin dito. Ito ay maaaring makasama o makabuti sa iba’t ibang aspeto ng buhay. At ang magdidikta kung ano ang kalalabasan ng paggamit nito, kung masama man o mabuti, ay ang taong tumatangkilik nito. Ang paggamit nito ay maaaring pangunahan ng mga moral at kaugalian ng isang tao ngunit minsan bumabaliktad ang sitwasyon at pinangungunahan ng paggamit ang moralidad. Sa oras na mauna ang paggamit sa moralidad, magdudulot ito ng mga isyu na makaaapekto sa lipunan o sa pamilya. Ang mga isyu ang siyang sumisira sa moralidad at kaugalian ng mga Pilipino at sa pagdami ng mga tagatangkilik ng mga SNS ay lumalaki rin ang pagkakataon na mabago ang mga mabuting kaugalian dahil sa impluwensya ng makabagong teknolohiya. Isang halimbawa nito ang paggugol ng oras sa harap ng isang kompyuter sa halip ng isang tao at dahil roon ay nababawasan ang kanyang kakayahan sa pakikihalubilo ng harapan. Isa pang halimbawa ang pagiging hadlang nito sa mga gawain. Ang mga SNS sa kabila ng kanilang mga gamit ay maaari ring maituring bilang isang libangan para mabawasan ang pagkahapo sa pamamagitan ng pakikipagusap at paglalahad ng mga problema. Kung ang paggamit nito ay hindi malilimitahan, ito ay maaaring magsilbing isang distraksyon sa trabaho o sa isang importanteng gawain. Sa kabuuan, ang kahihinatnan ng isang SNS ay nakasalalay sa taong gumagamit nito at kung pano niya ito gagamitin ayon sa kanyang moralidad.
Ang SNS ay isang bagay, at ang isang bagay na ginagamit sa mabuti ay makabubuti, samantala kung ito ay gagamitin sa masama ito ay makasasama.
B.Rekomendasyon
Ang paggamit ng SNS ay may dalawang panig, isa ay ang positibo na siyang nagdadala ng mga benepisyo sa buhay ng isang Pilipino at ang ikalawa naman ay ang negatibo na nagdadala naman ng mga isyung nakasisira sa isang paninindigan o paniniwala tulad ng moralidad. Upang maiwasan ang pagkasira ng ugaling Pilipino o ang mga isyu na pinagmumulan ng lumot sa mga kaugaliang Pilipino, ayon sa pag-aaral ng mga mananaliksik, kanilang inirerekomenda sa mga mambabasa na alamin ang kulturang Pilipino at ang pinagmulan nito. Sa pamamagitan ng karagdagang kaalaman na iyon, ay posibleng mas lalo pang mapagtibay sa susunod na henerasyon ang mga mabubuting gawi at paniniwala ng mga Pilipino. Inirerekomenda rin ng mga mananaliksik na limitahan ang paggamit ng mga SNS at buksan ang mga filter na siyang nagsasala ng laman ng mga profayl. Sa pamamagitan ng mga paraan na ito ay mababawasan ang pagkakataon na maistorbo sa gawain, trabaho o pag-aaral at makakita ang kabataan ng letrato o impormasyon na hindi nararapat sa kanilang edad. Para naman sa isyu ng seguridad at pagkawala ng privacy inirerekomenda ng mga mananaliksik na limitahan ang personal na impormasyon na inilalagay sa isang profayl sa SNS. Sa pamamagitan ng pagtatago ng maselang impormasyon, hindi ito magagamit laban sa may ari ng nasabing profayl. Ang mga hakbang na ito ay maaaring magkapagbawas ng mga isyu na naidudulot ng malabisang paggamit nito at upang mas maging epektibo ang prosesong ito inirerekomenda ng mga mananaliksik na
Humingi ng tulong sa mga magulang, propesor at awtoridad.
Kabanata 3:
Metodo ng pananaliksik
Pamaraang ginamit:
Sa pananaliksik may iba’t-ibang paraan para makangalap ng mga impormasyon. Halimbawa, nito ang pagbabasa ng libro, paglalarawan, historikal, at pag sasarbey.
Ang paraan na ginamit ng mga mananaliksik ay ang pagsasarbey. Bumuo ng mga katanungan bilang instrumento para makangalap ng mga datos, upang malaman ang epekto ng social networking site sa mga piling mag-aaral ng IT sa loob ng Unibersidad ng Caloocan.
Paraan ng pagpili ng respondente:
Sa paraan ng pag-pili ng respondente ay nangangailangan ng talino. Hindi dapat basta na lamang magpapasagot sa mga tao na wala naman sapat na kakayahan o abilidad. Para sa magiging respondente ay dapat na masagutan niya ng maayos ang ibibigay na katanungan ng mga mananaliksik. At nararapat na ang mga respondente ay may malaking kaugnayan sa napiling pag-aaral ng mga mananaliksik.
Sa ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik, ang mga respondenteng napili nila ay may malaking kauganayan sa kanilang pag-aaral. Pinagbatayan nila ang mga estudyanteng na ang kurso ay may kinalaman sa kompyuter. Pinili ng mga mananaliksik ang mga estuyanteng ito dahil alam nila na madalas itong nasa harap ng kompyuter, hindi lamang para mga-aaral kundi pati narin mag-libang at malaman kung ang mga ito ba ay apektado sa lumalalang bilang na gumamit ng mga Social Networking Site.
Alam ng mga mananaliksik na ang kanilang mga respondente ay may malaking maitutulong sa ginawa nilang pag-aaral upang malaman ang mabuti at masamang epekto ng Social Networking Site. Ang naturang pagsagot ng mga respondenteng ito sa mga katanungan ng mga mananaliksik ibabase ang resulta ng isinagawang pag-aaral.
Deskripsyon ng mga respondente:
Ang mga respondente sa ginawang pag-aaral na ito ay ang mga piling mga mag-aaral sa ilalim ng Departamento ng Information Technology. Sila ang mga mag-aaral na gumagamit ng kompyuter na may account sa iba’t ibang Social Networking sites.
Kabanata 5
Paglalagom ng Natuklasan, Kongklyusyon, at Rekomendasyon
Para sa pag-aaral ng Epekto ng Social Networking sa mga Piling estudyante ng I.T. sa UCC (UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY), natuklasan ng mga mananaliksik ang dami ng mga gumagamit ng Social Networking at ang mga dahilan ng mga estudyante kung bakit sila gumagamit nito.
Para sa pagsasarbey, gumawa ang mga mananaliksik ng dalawangpung papel upang ipamahagi at sagutan ng mga napiling estudyante ng Information Technology sa UCC (UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY). Nagpasagot ang mga mananaliksik ng taglilima sa bawat antas. Ang dalawampung papel ay katumbas ng isang daang bahagdan sa aming pagsasarbey.
Paglalagom:
1. Nagkamit ng labing-tatlong puntos ang letrang (a)lalaki, ngunit nagkamit naman ng pitong puntos ang letrang(b)babae sa unang katanungan. 2. Nagkamit ng labing-limang puntos ang letrang (a)Oo, mayroon, at nagkamit naman ng isang puntos ang letrang (b)Walang akong kompyuter, at nagkamit ng apat na puntos ang letrang (c)Nagrerenta lamang sa ikalawang tanong. 3. Nagkamit ng labing-siyam na puntos ang letrang (a)Oo, ngunit nagkamit naman ng isang puntos ang letrang (b)Wala sa ikatlong tanong. 4. Sa Ika-apat na tanong na “Anong Social Networking site mayroon ka?”.Para sa (Facebook) nagkamit ito ng labing-limang puntos ;sa (Twitter) nagkamit naman ito ng siyam na puntos; sa (Tumbler) nagkamit ito ng pitong puntos; sa (Friendster) nagkamit ito ng labingdalawang puntos at para sa sa (Multiply) nagkamit ito ng apat na punto. At para sa iba pa. naglagay ang mga respondente ng iba pang site na mayroon pa sila ngunit wala sa pagpipilian, at ito ay ang (Flixter, Tagged, Yahoo, Google, at Fanspring).
5. Para sa ikalawang tanong na may kaugnayan sa ikaapat na katanungan na ang tanong ay “Alin sa iyong mga minarkahan ang madalas mong buksan o gamitin?” Ang (Facebook) ay nagkamit ng labing-walong puntos ngunit ang (google) naman ay nagkamit ng tatlong puntos.
6. Nagkamit ng anim na puntos ang letrang (a)1-2 oras, samantala , ang nagkamit naman ng limang puntos ang letrang (b)3-5 oras, ngunit nagkamit naman ng anim sa puntos ang letrang (c)5-8 oras, At nagkamit naman ng tatlong puntos ang letrang (d)iba pa sa ika-anim na katanungan.
7. Nagkamit naman ng sampung puntos ang letrang (a)20-30 pesos, samantalang nagkamit naman ng apat na puntos ang letrang (b)40-50 pesos, ngunit nagkamit naman ng dalawang puntos ang letrang (c) 60-80 pesos, At nagkamit naman ng limang puntos ang letrang (d)100-higit pa sa ika-pitong katanungan.
8. Nagkamit ng apat na puntos ang letrang (a)Oo, naranasan ko na., samantalang nagkamit naman ng isang puntos ang letrang (b)Hindi ko pa nararanasan gawin iyon pero may pagkakataon na nais ko itong subukan., ngunit nagkamit naman ng limang puntos ang letrang (c)Hindi, dahil pinapahalagahan ko ang batas ng paaralan pagdating sa pagliban sa klase., At nagkamit naman ng siyam na puntos ang letrang (d)Hindi, dahil pinapahalagahan ko ang mga aralin sa klase sa ika-walong katanungan.
9. Nagkamit ng labing-anim na puntos ang letrang (a) Nagagamit ko ito sa pakikipagkomunikasyon sa aking mga kaibigan, samantalang walang puntos na nakamit ang letrang (b) Sa ganitong paraan nakakapaglibang ako, ngunit nagkamit naman ng apat na puntos ang letrang (c) Nakapagtanong ako kung may mga assignatura kami kapag ako’y lumiban sa klase sa ika-siyam na katanungan.
10. Nagkamit ng labing-isang puntos ang “Pagkahumaling sa Social Networking.”, nagkamit ng anim na puntos ang “Pagkakaroon ng komplikasyon sa iyong kalusugan (hal. Pagkalabo ng mata, elser at iba pa)”, samantalang nagkamit naman ng dalawang puntos ang “Pagkakaroon ng mababang marka.”, nagkamit ng tatlong puntos ang “Pagkupit ng pera sa magulang.”, nagkamit ng apat na puntos ang “Pagkaubos ng pera.”, samantalang ang “Nakakalimutan ang obligasyon sa bahay at sa eskuwelahan.” ay nagkamit ng walong puntos,
Nagkamit rin ng isang puntos ang “Walang masamang epekto sa akin”,at nagkamit naman ng isang puntos ang”Di-nakakatulog ng maaga.”
Natuklasan:
1. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga piling mag-aaral ng I.T sa UCC (UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY) ay mas marami ang mga lalaking gumagamit ng kompyuter kaysa sa mga babae. 2. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga piling mag-aaral ng I.T sa UCC (UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY) ay karamihan sa kanila ang may sariling kompyuter sa kanilang bahay kaysa sa mga nag-rerenta ng kompyuter sa Computer Shop. 3. Ayon sa nakalap ng mga mananaliksik, marami sa mga piling estudyante ng I.T sa UCC (UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY) ang gumagamit ng Social Networking Site. 4. Natuklasan ng mga mananaliksik na karamihan sa ginagamit ng mga piling estudyante sa ilalim ng departamento ng I.T sa UCCay mayroong higit pa sa isang Social Networking Site. 5. Nalaman ng mananaliksik na madalas buksan o gamitin ng mga piling estudyante sa ilalim ng departamento ng I.T sa UCCay ang Social Networking Site na “Facebook”. 6. Natuklasan ng mga mananaliksik na karamihan sa mga piling estudyante sa ilalim ng departamento ng I.T sa UCCay nakakakunsumo ng lima hanggang walong oras sa pagbubukas lamang ng isang Social Networking Site. 7. Natuklasan ng mga mananaliksik na karamihan sa mga piling estudyante sa ilalim ng departamento ng I.T sa UCCay gumagastos ng dalwanpu hanggang tatlumpung piso para lang sa isang Social Networking Site. 8. Natuklasan ng mga mananaliksik na marami sa mga piling estudyante sa ilalim ng departamento ng I.T sa UCCay hindi lumiliban sa kanilang klase para lamang makapag-Online dahil pinapahalagahan nila ang kanilang mga aralin sa eskwelahan. 9. Natuklasan ng mga mananaliksik na marami sa mga piling estudyante sa ilalim ng departamento ng I.T sa UCCang nagsasabi na ang Social Networking Site ay nakakatulong sa kanila dahil nagagamit nila ito sa pakikipagkumunikasyon sa kanilang mga kaibigan. 10. Natuklasan ng mga mananaliksik na marami sa mga piling estudyante sa ilalim ng departamento ng I.T sa UCCna ang malaking epekto sa kanila ng Social Networking Site ay ang pagkahumaling nila rito ng lubos.
Konklusyon:
Bilang konklusyon sa ginawang pag-aaral ng mananaliksik, marami sa mga piling estudyante sa ilalim ng departamento ng I.T sa UCC (UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY) ay mayroong sariling kompyuter sa bahay at mayroong mga Social Networking Site na ginagamit. Napag-alaman din ng mga mananaliksik na madalas buksan ang Social Networking Site na “Facebook”. Halos lima hanggang walong oras ang nakukunsumo ng mga ito sa pagpasok sa isang Social Networking Site. Nalaman din ng mananaliksik na dalwampu hanggang tatlongpung piso ang nagagastos ng mga ito. Ngunit hindi nila nagagawang lumiban sa klase dahil pinahahalagahan parin nila ang kanilang mga aralin at nagagamit nila ang Social Networking Site para magkaroon sila ng pagkakataon na makapagkomunikasyon sa kanilang kaibigan.
Samantalang epekto nito sa mga piling estudyante sa ilalim ng departamento ng I.T sa UCC (UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY) ay ang lubos na pagkahumaling nila sa mga Social Networking Site. Natunghayan din ng mga mananaliksik na nagkakaroon din ito ng epekto sa kanilang kalusugan at nakakalimutan nila ang kanilang obligasyon sa kanilang tahanan at maging sa kanila eskwelahan dahil lamang sa paggamit ng Social Networking Site.
Rekomendasyon:
Iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga piling estudyante sa ilalim ng departamento ng I.T sa UCC (UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY) na ang mga Social Networking Site tulad ng “Facebook” ay hindi isang laruan dahil ito’y nagsisilbing tulay lamang upang magkaroon ng komunikasyon sa mga taong nais mong makausap, makipagkwentuhan o magpalitan ng iba’t ibang impormasyon. Hindi rin dapat ito madalas gamitin dahil nagkakaroon ito ng epekto sa kanilang kalusugan tulad ng pagkalabo ng mata sa pagbababad sa harap ng kompyuter o kaya pagkakaroon ng “U.T.I” dahil sa pagpigil ng kanilang pag-ihi dahil sa labis na paggamit o pagtutok sa kompyuter para lang makapagbukas ng Social Networking Site.
Sanggunian
Sangguniang Aklat :
Zwass, Valdimir ;”Introduction to Computer Science”;CACHO HEMANOS, INC.;Corner Pines , Union Sts., Mandaluyong City
Sangguniang Web Sayt : http://bits.blogs.nytimes.com/2009/02/24/the-health-effects-of-social-networking http://ivaughnn.blogspot.com/2009/02/thesis-filipino.html http://michael907.multiply.com/journal/item/66 http://nccur.lib.nccu.edu.tw/bitstream/140.119/27390/1/v7n3_yang.pdf http://www.ehow.com/about_5401880_social-norms-theory.html http://www.wikipedia.com
| 39 | http://dc355.4shared.com/doc/Ca1p3F71/preview.html April 11, 2013 11:26 p.m.