...BAYANI NG KALIKASAN” Ni Dr. Arthur P. Casanova Madalas na ikinakapit ang taguri o titulong BAYANI sa mga taong nagpamalas ng kagitingan para sa pagtatamo ng kalayaan o dili kaya’y pagtatanggol sa ating bayan kayat may mga Bayani ng Bansa at mga Bayani ng Digmaan. Ikinakabit din ang titulong ito sa mga Bayani ng Simbahan na tumutukoy sa mga santo at santo. Bayani ring itinuturing ang mga taong nagbibigay ng libreng serbisyo sa mga gawaing pakikinabangan ng marami. Ito rin ang tawag sa mga pangunahing tauhan ng mga epiko at ng mga katha – BAYANI na nagbibigay konotasyon ng pagiging BIDA. Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang bida sa mga kuwento sa komiks, drama sa radyo, mga pangunahing karakter sa pelikula, dulang pantanghalan at teleseryeng nobela sa telebisyon. Iba-ibang KABIDAHAN o KABAYANIHAN din ang ating naririnig at nababasa ngayon: CNN Hero, ONDOY Storm Hero, at kung anu-ano pa. Sadyang ang kabayanihan ay hindi esklusibo para sa mga nagbuwis ng buhay sa digmaan dahil maraming anyo ng kabayanihan ang ating nasasaksihan sa ating panahon. Bayaning maituturing ang batang babaeng nagligtas sa kanyang kapatid buhat sa nasusunog na bahay. Maging ang pagbabalik ng pera at mga dokumentong naiiwan sa mga taksi o sa mga paliparan ay isa ring anyo ng kabayanihan. Maraming suliranin ang kinakabalikat ng ating lipunan at ng buong mundo sa kasalukuyan. Naririyan ang Eight Millennium Goals na binibigyang-diin ng United Nations (UN). Kabilang sa walong (8) mithiin ng UN...
Words: 2565 - Pages: 11
...PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG: ng Kabihasnan ay nakatutulong sa pagkakakilanlan ng isang nasyon. Marahil ay maraming tanong sa ating kaisipan tungkol dito at sa mga pangyayaring naganap nang sumibol ang kabihasnan sa Asya.Paano nga ba nabuo ang sinaunang kabihasnan sa Asya? Naniniwala ka ba na ang pilosopiya, relihiyon at kaisipang Asyano ay may kinalaman sa pag-usbong at pagunlad ng kabihasnang Asyano? Sa modyul na ito, ikaw ay inaaasahan na kritikal na makapagsusuri sa mga pilosopiya, relihiyon at kaisipang Asyano na nagbibigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.Gayundin ay mapapahalagahan mo at mauunawaan ang mga ambag ng kabihasnan sa kasaysayan Asyano at ang pagbabago at pag-unlad nito sa kasalukuyang panahon.Dapat mong maunawaan sa modyul na ito ang mga sagot sa mga sumusunod na katanungan: Paano nahubog ang kasalukuyang sibilisasyon ng mga bansa sa Asya? Paano nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya? Paano nakatulong ang kabihasnan sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng kabihasnan tungo sa pagkakakilanlang Asyano? Mga Araling Sakop ng Modyul Aralin 1 - Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya Aralin 2 - Sinaunang Pamumuhay sa Asya 96 Sa araling ito, inaasahang matututunan mo ang mga sumusunod: Aralin 1 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya 1. Konsepto at Kahulugan ng Kabihasnan 2. Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya Kabihasnang Sumer Kabihasnang Indus Kabihasnang Shang 3. Mga Ambag ng Kabihasnan sa Asya 4. Mga Kaisipang...
Words: 20598 - Pages: 83