Free Essay

Espadang Hinubog Ng Katana

In:

Submitted By emvill
Words 1937
Pages 8
Espadang Hinubog ng Katana
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa maunlad na bayan ng Santa Cruz, Maynila ay mayroong dalawang matalik na magkaibigan ito ay sina Roronoa Zoro at Fernando Poe Jr. Si Zoro ay tahimik at seryosong tao, hindi sya mahilig sa laro-laro ngunit nakikisama sya sa mga taong malapit sa kanya. Sa kabataan pa lang si Zoro ay bihasa na sa paggamit ng katana, sa katunayan si Zoro ay bukod tangi sa lahat ng gumagamit ng katana sapagkat nagagawa nyang gumamit ng tatlong katana sa isang pagkakataon, dalawa sa magkabilang braso, at isa sa bibig. Ang kakayahang ito ni Zoro ay tinawag nyang “Santoryu”. Si Fernando na kilala sa palayaw na “Jr” ay isang sikat na artista na tumanggap na ng maraming papel at sya ay naging laman na ng maraming pelikula sa sinehan.
Isang karaniwang araw ay naglalakad si Zoro papunta sa paaralan ay nakasalubong nya si Fernando.
Zoro: Jr papunta ka na ba sa school?
FPJ: Ahh eh.. oo teka lang kukunin ko na muna yung bag ko naiwan ko kasi.
(pumasok si Jr sa bahay at kinuha ang magara nyang bag at lumabas)
FPJ: Tol, tara!
(habang naglalakad papunta sa school ay nabaggit ni Jr ang tungkol sa pagtatapos ng taon)
FPJ: Ang bilis ng panahon noh? Parang kalian lang nang naging first year college tayo, ngayon na malapit na tayong gumradweyt anong plano mo?
Zoro: Hindi ko alam tol. Siguro am… ewan.. hehe.
FPJ: Apat na taon na tayong magkaklase pero hanggang ngayon yahimik ka parin.
Zoro: Ewan ko rin, siguro ganito lang talaga ako.
FPJ: Nandito na tayo sa campus isuot mo na ang ID mo baka masita ka pa ng guard.
(pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay nakarating na sina Jr sa classroom nila at maya-maya pa ay dumating na ang prof nila sa physics na si Mrs. Rosalinda Benito. Si Zorro ay nakaupo sa bandang gitna ng classroom at nasa harapan naman si Jr.)
Mrs Rosalinda: Our lesson for today is just a review about the law of inertia. Naraanan nyo na ‘to sa high school nyo, so, who can give me the definition of the law of inertia? O ikaw Ms. Catherine can you give me the definition?
(tumayo si Catherine Melendez na kaklase nina Jr at Zoro)
Catherine: (malumanay na pagsagot) The law of inertia states that an object will remain at rest or move at a constant speed in a straight path unless it is acted on by an unbalanced force.
(Si Catherine Melendez ang pumapangalawa sa pinakamatalino sa klase at sya ang nangunguna sa puso ni Jr. Si Catherine ay isang simpleng babae na may mahabang buhok na kakulay ng araw sa dapit-hapon. Katamtaman lang ang pangangatawan nya at hindi sya kaputian ngunit ang nagnakaw ng atensyon ni Jr tungo sa kanya ay ang kanyang hiyas na nakapagpapasaya sa ibang tao. Maalaga sya sa lahat ng kanyang kakilala maging ito man ay kumakaaway sa kanya, sadyang kaligayahan nya ang magalaga sa iba.)
Mrs. Rosalinda: correct, you may sit down now Ms. Catherine.
FPJ: (pabulong na pagsambit) heartrate…. 2 beats per second.. gosh..
Zoro: (nagsasalita sa kanyang isipan) tulad din ng puso ko… nanatili itong at rest sa mahabang panahon hanggang sa dumating itong unbalanced force na pag-ibig.. hanggang sa dumating ka sa buhay ko Cath. Now my feelings for you remains at a constant speed in a straight path, wala akong nakikitang dahilan para tumigil, walang external force na pumipigil sa nararamdaman ko. Ang nararamdaman ko para sayo ay mananatiling lihim hanggang sa paglisan ng isang buhay… sorry.. pananatilihin ko ang balanse sa buhay nating tatlo, at kalian man ay hindi magkakasalubong ang damdamin ko para sayo at ang damdamin ni Jr para sayo.
(Natapos na ang klase: Magkasabay na lumabas sina Zoro at Jr sa classroom.)
Zoro: tol, kumusta na?
FPJ: huh?
Zoro: Ang puso… ingatan mo, sumasayad na sa sahig.
FPJ: Ah, hehe. Ay Zor mauna na ako sayo andyan na kasi si Catherine, sasabayan ko na siguro sya pauwi.
Zoro: Always biogesic tol.
FPJ: ikaw rin Zor, ingat.
(Lumapit si Jr kay Catherine at sumabay sa paglakad)
FPJ: Hi Cath (sabay ngiti)
Catherine: Hi Jr
FPJ: Diba magkagrupo tayo sa activity sa physics, libre ka ba mamaya?
Catherine: Oo naman hm.. ba’t parang excited ka yata masyado sa activity na ‘to.?
FPJ: hehe paborito ko kasi ang physics.
Catherine: Sige ganito nalang pumunta na muna tayo sa mall para bumili ng materials na kailangan tapos diretso na tayo bahay namin, okey lang ba sayo?
FPJ: O sige.
(Inabutan na ng gabi sino Jr sa pamimili, at habang naglalakad sina Jr pauwi mula sa mall may humarang sa kanilang apat na lalaki na may dalang baril at patalim.)
Guy1: Pre, may pera ka ba dyan? Baka gusto mong ibigay sakin..
Guy2: (nanlilisik ang mga mata) hindi kami masamang tao, diba? Diba? Hahaha! Wala namang masama sa panghihingi diba?!
Catherine: Jr…(sabay hawak sa kamay ni Jr)
FPJ: Cath.. tumakbo ka na, ako na ang bahala dito.
(Tumakbo si Catherine palayo sa kinatatayuan ni Jr)
Guy1: Hangal ka! (Tinutukan ng dalawang lalake ng baril ang ulo ni Jr) hindi ito pelikula na natatalo ang apat laban sa isa! Hahaha!
Guy3: Feeling superhero yata itong taong ito boss! Katayin na natin to!
FPJ: “Ahem.. Umpisahan nyo, ako ang tatapos”
Guy4: Aba loko to ah! (akmang papaluin ng tubo ang ulo ni Jr)
FPJ: (sa isip ni Jr) Segundo laban sa minute… minute laban sa oras… masyado kayong mabagal para tamaan ako.
(mula sa kinatatayuan ni Jr ay hinila nya an glider ng gang tungo sa kanya sabay yuko para hindi matamaan ng baril na nakatutok sa kanya.. at ang tinamaan ng tubo ay an glider ng gang)
FPJ: (sa isip ni Jr) Psych 101, mas mabilis ang reaction time ko kaysa sa perception nyo.
(sinipa ni Jr sa pantog ang lalake na may dalang patalim at kinuha ang patalim na hawak nito. Umatras si Jr at natigilan ang dalawang miyembro ng gang na natitirang nakatayo)
FPJ: (hawak-hawak ang patalim) Tanging ang tao na may dalisay na puso lamang ang may karapatang humawak sa bagay na ito… (lumiwanag ang patalim) at tanging ang taong may lubos na katapangan lamang ang makatatanggap ng kapangyarihan ng patalim na ito! Espada ng panday! (nagliwanag ang patalim at naging mahaba katulad ng isang espada)
(Pinaputukan ng dalawang lalaki si Jr ngunit sinalag nya ang lahat ng bala gamit ang espada ng panday. Pawang nangatilihan ang dalawang lalake at nagsitakbuhan papalayo kay Jr dahil sa matinding takot.)
FPJ: Mananaig ang katuwiran laban sa kasamaan. (nag-ring ang cellphone ni Jr at nakatanggap sya ng text message.)
FPJ: (Binabasa ang text) From Catherine… kung gusto mo pang makitang buhay ang binibining ito pupunta ka ditto at isusuko mo ang espada ng panday. Maghihintay ako sa baryo Kalzada.
(Dali-daling kinuha ni Jr ang isang magnum 45 na nasa daan at sya ay tumungo sa baryo Kalzada.)
FPJ: Nandito na ako! (tinitingnan ang buong paligid) magpakita ka!
(May narinig si Jr na kaluskus sa kanyang likuran at paglingon nya ay nakita nyang nakahandusay si Catherine at hindi na gumagalaw)
FPJ: Cath!
(Tumakbo si Jr patungo kay Catherine ngunit may biglang umatake sa kanyang likuran, nasalag nya ito gamit ang espada at nakita nya ang lalakeng dumukot kay Catherine. Ang lalaking iyon ay may itim na bandana sa kanyang ulo at tinatakpan nito ang kanyang katauhan. Mayroon syang tatlong katana, dalawa sa kanyang kaliwang kamay at isa sa kanan)
FPJ: “Puno na ang salop, dapat ka nang kalusin. Hindi ka na sisikatan ng araw” (tinitigan ang maskaradong bandido)
Bandido: Apat na taon… apat na taon kang namamayagpag sa karera mo Fernando, palagi nalang akong nasa hulihan… pagod na ako sa pagiging buntot mo! Sa pagiging anino mo! Kahit pagdating sa minamahal ikaw parin ang nananalo. Ngayon subukan natin kung hanggang saan ang kaya mo pagdating sa labanan.
FPJ: Zoro? A…akala ko kaibigan kita!
Zoro: Tumahimik ka!
(Sumugod si Zoro patungo kay FPJ at tumalon ng mataas)
Zoro: “Oni-Giri!!”(isang malakas na kumpas ng dalawang katana mula sa itaas)
FPJ: Arg!
(Nasangga ni FPJ ang Oni-giri ni Zoro ngunit natumba sya dahil sa lakas ng pagatake. Patuloy ang pagsugod ni Zoro at panay ang iwas ni FPJ sa mga atakeng ibinibigay sa kanya. Sa kalagitnaan ng mga pagatake ni Zoro ay bigla nalang nagliwanag ang espada ng panday at natigilan si Zoro.)
FPJ: Sangalan ng katuwiran at katarungan (iniunat ang espada ng panday) tatalunin kita Zoro! “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, pero gusto kong malaman mo na huwag ka munang magpaikot, hindi pa tapos ang laban!”
Zoro: “Marami ka pang bigas na kakainin”
FPJ: “Hindi ako kumakain ng bigas, Zoro. Sinasaing ko muna para maging kanin! Ikaw pala Zoro, bigas pa lang kinakain mo na.”
Zoro: Tama na ang satsat (inilagay ni Zoro ang pangatlo nyang katana sa kanyang bibig) “Santoryu Shishi Sonson!”
(mula sa malayo ay bigla nalang nawala si Zoro, at sa pagkurap ni FPJ ay nasa harapan nya na si Zoro, tinamaan si FPJ sa kaliwang braso. Dahil sa napakabilis na mga galaw ni Zoro ay tanging ang anino na lamang ang nakikita sa kanya, ang tanging nagagawa lang ni FPJ ay sumangga sa bawat atake ni Zoro sapagkat hindi nya ito mapigilan.)
(Biglang lumitaw si Zoro sa malayo)
Zoro: Hanggang dyan nalang ba ang kaya mo FPJ ng Pinas? Humanda ka! “Santoryu Hyaku Hachi Pound Ho!!”
(Isang napakalakas na kumpas ang ibinigay ni Zoro sa mula sa malayo, dahil sa napakatinding kumpas ay nagkaroon ng compression sa hangin na mabilis at ito ay patungo sa direksyon ni Jr. Ang compressed air na ito ay napakatalim na hinahati nito ang lupang nadaraanan. Sinangga ni FPJ ang atake ni Zoro gamit ang espada ng panday)
FPJ: Arrrrrggggg!!...... Ahh!!..
(Tumilapon ang espada ng panday sa malayo at nagtamo ng maraming sugat si FPJ sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ngunit nananatili paring nakatayo na may bakal na tindig.)
FPJ: “Wag mong sabihing malakas ka! Wag mong sabihing marami kang natutunan! At wag mo ring sabihing panalo ka na… pare-pareho lang tayo… walang matigas na tinapay sa mainit na kape! Kung sa Cavite ‘di ka nagsisimba, dito sa Santa Cruz magsisimba ka nang may bulak sa ilong..(sabay dukot sa Magnum 45, ang pinakamapanganib na kalibre 45 sa buong mundo. Itinutok sa sentro ni Zoro) ISANG BALA KA LANG! (kinalabit ang gatilyo at isang malakas na putok ang umalingawngaw sa kalaliman ng gabi)
(Sinalag ni Zoro ang bala gamit ang tatlong katana ngunit na basag ang kanyang mga katana. Naging marupok ito dahil sa walang humpay na pakikipagsangga sa espada ng panday, at dumiretso ang bala sa puso ni Zoro. Tumahimik ang buong paligid, napaluhod si Zoro at nawala ang lahat ng lakas. Dali-daling nilapitan ni FPJ si Zoro.)
FPJ: Bakit? Zoro.. Bakit?
Zoro: Nakapasa ka sa pagsubok… argh… napatunayan mo na dalisay ang pag-ibig mo kay Catherine at karapat-dapat ka sa kanya, buhay pa si Catherine pinainom ko lang sya ng pampatulog. Jr making ka, ginawa ko to para mas lalo kang lumakas, ilang araw mula ngayon ay darating ang hukbo ng mga pirata dito, alam kong susubukan nilang sakupin ang pilipinas. Si Cathy, ingatan mo sya… ang plano ko sana ay ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko before ang graduation pero mukhang sayo ko na ipapaubaya ang lahat…
(isang malalim na buntong hininga ang naging hudyat ng pamamaalam ni Zoro… at humandusay sya sa lupa. Tumayo si FPJ at binuhat si Catherine na walang malay)
FPJ: (habang nakatingin sa alapaap) Ang buhay ko ay hindi na sa akin kundi para sa sangkatauhan…

Similar Documents