Free Essay

Factors Affecting the Academic Performan of Bshrm Students

In:

Submitted By jhohara
Words 343
Pages 2
SINO BA KASI YANG ‘SOMEONE BETTER’ NA YAN?
Nagpunta akong department store para balikan yung nakita kong sapatos nung isang linggo. Hindi ko agad yun binili dati dahil andami kong bitbit. Kaya sabi ko, sa isang araw na lang. Pagbalik ko, parang dinikdik yung damdamin ko nung narinig kong out of stock na daw.
"Minsan lang ako makakita ng gusto ko nawala agad."
Habang inaayos ni ateng saleslady yung mga sapatos dun sa estante, sumagot siya,
"Sir. Baka po hindi talaga para sa’yo."
< insert teleserye soundtrack ni Angeline Quinto >
——
Kainis no? Minsan ka na nga lang magkagusto pero bakit dun sa kokonting yun hirap na hirap pang ibigay. Tapos dudugtungan pa ng pampalubag loob na,
" coz you deserve something better."
Letche. Parang binigyan ka pa ng trophy. Sarap sumigaw ng, “Baket? Sino ba yang something better na yan? Tiyahin ni ‘Someone Like You’? Apo sa singit ni ‘Somebody that I used to Know’? Sinabi ko bang gusto ko ng better? Yun lang ang gusto ko. Walang labis. Walang sobra. Yun lang!”
< insert teleserye soundtrack ni Angeline Quinto >
Kapag sinabi mo kasing you deserve something better, parang di mo inaako yung pagkakamali mo. Parang tinatakasan mo kung ano yung mga naging pagkukulang mo. Kapag di mo nakuha ang gusto mo, hindi yun nangangahulugan na hindi ‘yon para sa’yo. Wow naman ha. Sa’yo talaga ‘yon. Ang totoo, may parte diyan na nagkulang ka, at yun ang kailangan mong tanggapin. Whatever you are currently in right now… is the one you deserve. You chose it and it is what you make it. Responsibilidad mo yung sarili mong pagkakamali. At ang kelangan mo lang gawin ay subukan ulit. Wag mong basta gawing trophy yung “you deserve something better” na yan. Itama mo yung mali mo at pagbutihan mo sa susunod. No one “deserves” anything. You get what you put into things.
—-
At yung sapatos na hindi ko nabili sa department store, kasalanan ko yun. Dahil hindi ko agad binili nung una kong nakita.
- See more at: http://israelmekaniko.tumblr.com/#sthash.gXIwpBbe.dpuf

Similar Documents